Chapter 18: The Musician

꧁༒༺🦉༻༒꧂

Year: 2013, Batanes (Future)

Kulay dilaw ang buong paligid dahil sa sinag ng buwan at kulay ng mga bulaklak.

"Aray!" sigaw ni Adam nang mahulog sa nakausling ugat ng puno. Ang sama ng loob niya mula sa pageant kanina ay mabilis na napalitan ng sakit ng katawan. Mabilis na inusisa nito kung saang lugar siya napunta. "Hay, heto na naman tayo. I have 15 minutes here and Noah should be waiting for me back at the event."

Mula sa pageant ng Mr. And Ms. Saturnino High School ay napadpad si Adam sa gitna ng gubat malapit sa bahay nila Noah. Napapalibutan siya ng makakapal na kahoy at gaya ng dati, wala siyang saplot.

"Saang lupalop na naman ito?" reklamo niya sa sarili habang naghahanap ng malaking dahon na puwedeng isuot.

Ikinalat ni Adam ang mata niya sa pagtatangkang alalahanin ang lugar na napuntahan niya. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang isang lugar na napakaganda. May makukulay na bulaklak na nakapalibot sa isang malaking puno. Sa hindi kalayuan ay tanaw ni Adam ang talampas patungo sa napakalawak na karagatan.

"Wow, ang ganda." Nabighani sa tanawing nasaksihan niya si Adam. May isang dilaw na talulot na dumapo sa kanyang balikat.

Agad niya itong kinuha at pinagmasdan. Ilang sandali pa ay halos nagkulay amarillo na ang buong paligid sanhi ng paghangin ng mga bulaklak mula sa malaking puno. Marahang tinitigan ni Adam ang punong minsan niyang sinigawan. "This tree, is this... No-- NOAH!"

Nang namukhaan ni Adam ang puno ng Narra sa Batanes ay agad na napatakbo ito. Bumubulusok ang kanyang hubad na katawan sa sa kakahuyan patungo sa punong laging laman ng mga kuwento ng kanyang kasintahan.

Tumatakpo pa si Adam nang biglang...

"BAM!"

"Aray! Sino ka?" bulalas ni Adam.

Biglang may dumagan kay Adam na dahilan upang mapahiga sila sa mga bumagsak na bulaklak. Pumipiglas pa si Adam nang may mapansin ito sa dulo ng paa niya.

Sa kanyang paanan ay may nakausling napakatulis na patibong para sa mga ligaw na hayop at mga magtatangkang magnakaw sa lupain ng mga Arroyo. Malamang kung nagpatuloy si Adam sa pagtakbo ay naputulan na ito ng paa.

Nang mapansin ni Adam ang patibong malapit sa kanya ay agad na napabalikwas ito at napaupo. Muli siyang napatingin sa taong nagligtas sa kanya.

"Kahit kailan ka talaga, hindi ka nag-iingat," saad ng matangkad na lalaki habang unti-unti itong bumabangon.

Pinagpag nito ang mga alikabok sa kanyang maong na jacket at pantalon habang nakayuko. Tinagtag niya ang dumi sa kanyang damit patungo sa kanyang mga balikat hanggang sa tuluyan nang makita ni Adam ang mukha nito. Ang kulay tanso nitong buhok na nasisinagan ng araw mula sa lumulubog na araw gayundin ang kulay kape nitong mata. Marahan itong ngumiti kay Adam at bagamat may kaunti itong balbas ay naglabasang muli ang dimples nito sa pisngi.

"Nnnn... Noah?" bulalas ni Adam. Umaapaw sa tuwa ang kanyang puso nang mamukhaan ang taong kaharap niya.

"Hey Ark! Are you okay?" tanong ng mas matandang si Noah.

Ang tagal niyang hinintay ang tanong na 'to. Ang tagal ni Adam hindi narinig ang mga katagang ito na laging pinapakawalan ni Noah tuwing tatalon siya sa ibang panahon. Ilang araw din siyang nangulila sa malalim na boses at nag-aalalang tinig ng taong mahal niya.

Napatayo si Adam sa kanyang puwesto at niyakap ang future version ni ng janyang nobyo. Nagsimula siyang humagulgol.

"Waaaah! Nakakainis ka!" bulyaw ni Adam. Tila sumasabog na bulkan ang damdamin nitong ilang araw nang may kinikimkim. "Lungkot na lungkot na ko sa pinanggalingan ko! Kung alam mo lang, isang linggo na akong hindi kumakain nang maayos dahil sa 'yo. Ang sama-sama ng ugali mo!"

Sa panahong ito ay mas matangkad na si Noah kay Adam. Nasa dibdib ngayon ni Noah si Adam habang umiiyak ito. Hinahampas niya ang dibdib ni Noah habang binabasa ng mga luha ang t-shirt nito. Patuloy lang sa pagluha si Adam nang bigla itong yakapin ni Noah.

"I'm sorry. I'm really really sorry," paumanhin ni Noah. "Sige lang umiyak ka lang. Ibuhos mo ang lahat."

Patuloy lang si Adam sa pag-iyak habang nasa mga bisig siya ni Noah. Nang mapagod ay napatingin si Adam sa napaka among mukha ng nobyo nitong mula sa hinaharap.

"What year is it?" Tumutulo pa ang mga sipon ni Adam kakaiyak nang magsalita ito.

"2013," mabilis na sagot ni Noah. "Are you the one from the school pageant in 2006?"

"Oo" sagot ni Adam habang sinisinghot ang natitira niyang sipon. Iginala ni Adam ang paningin niya. Napansin nitong walang dalang damit si Noah. "Where are my clothes?"

"Hindi na ako nagdala. What I remember is 15 minutes ka lang nawala sa stage then bumalik ka rin agad. How many more minutes do you have?"

"Ten minutes," sagot ni Adam bago ito bumalik sa pagluha. "I don't wanna go yet! I wanna stay in your arms! Hindi tayo okay doon."

"Shhh, you need to be strong Adam." Marahan ulit siyang niyakap ni Noah at hinalikan ang kanyang noo. "Kaya mo 'yan."

"I don't know what to do anymore," paghihinagpis ni Adam. Ang kanyang mga yakap ay lalong humihigpit. "I really don't know. Isang linggo na tayong nag-aaway! Please, tell me how to fix it."

Napakalas si Noah sa pagkakayakap nito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Adam at tumitig sa bughaw nitong mga mata.

"Itong mga susunod kong sasabihin tatandaan mo, ha?" bilin ni Noah. Pinunasan muli ni Adam ang pisngi niyang basang-basa sa luha at tumango ito. "You will not appreciate our journey if you get the answers from me."

"Ha? What do you mean?"

"You and the Noah, where you came from, both of you need to solve things on your own. Kapag binigay ko sa 'yo ang mga solusyon sa mga pagtatalo natin, para na lang naging scripted ang lahat. Magiging hindi na siya totoo."

"But you are so effin' dense!" bulyaw ni Adam. Bigla siyang nginitian ni Noah at hinalikan siya sa pisngi.

"I know. And for that, I'm sorry."

Napahawak si Adam sa kanyang pisngi na hinalikan ni Noah. Napatigil sa paghikbi si Adam dahil may naririnig itong umaawit sa malayo.

"Teka lang, parang may kumakanta," saad nito.

Unti-unti nang tumatagos ang sinag ng buwan sa nagiging transparent nitong katawan. Nang mapansin ni Noah na gumagaan na ang pagkakahawak niya kay Adam ay nagpaalam na ito.

"Remember Ark, I'll always love you." Ito ang mga huling katagang narinig ni Adam bago siya maglaho.

꧁༒༺🦉༻༒꧂

Year: 2006, Metro Manila (Present)

"Woah! Ang galing! Palakpakan naman diyan!" bulyaw ng emcee sa mikropono. Naghihiyawan ang mga tao sa biglang paglaho ni Adam. "So Adam. You may come out--"

Hindi pa natatapos ang emcee ang sasabihin niya nang bumulusok paakyat ng stage si Noah.

"Sir, hindi pa po tapos ang magic trick ni Adam. While waiting puwede bang ako po muna magpakita ng talent?" pakiusap ni Noah.

"Ah, eh... teka lang, ha."

Tinignan ng emcee ang hawak nitong papel ng pagkakasunod sunod ng program. Napatingin ito kay Jerson na nakahanda nang sumunod magperform. Nagbubulungan naman ang mga tao sa baba dahil sa pagkaantala ng palabas.

"Jerson, si Noah lang daw muna. Okay lang ba sa 'yo?" tanong ni Emcee.

"No problem, Sir. Kinakabahan din ako, eh. Si Noah muna," tumatawang sagot ni Jerson.

Bumaba si Noah at kumuha ng gitara. Muling bumalik sa gitna ng stage ang emcee at hinarap ang mga tagapanood.

"So, next we have another one from the Cremè of the Top. From Section 1, Noah Arroyo!"

May sampung minto pa bago bumalik si Adam.

Naglakad sa gitna ng entablado si Noah. Tila lumulutang ito sa kalawakan dahil hindi siya makahinga sa sobrang kaba. Kabang hindi dahil sa gagawin niyang pagtatanghal kundi sa kung paano nito sasalubungin pabalik si Adam. Kinuha muna nito ang damit ni Adam na naiwan at maayos na inilagay sa gilid. Hinanda rin niya ang puting kumot na ginamit sa last trick nito.

"Ang kanta pong ito ay pinamagatang Sa'yo ng bandang Silent Sanctuary."

Tumapat sa mikropono si Noah at nagsimula itong tumugtog...

Tila tumigil ang oras...

"Minsan oo minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo."

Natigilan ang mga tao sa baba maging sa likod ng entablado dahil sa ganda ng boses ni Noah. Ang mga estudyanteng nakaupo ay isa-isa nang nagsisitayuan.

Napatingin muli si Noah sa orasan bago nagpatuloy. May walong minuto na lamang bago bumalik si Adam.

"Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko "

Nagsimula nang magtilian ang mga estudyante sa baba:

"Wah! Ang galing!" sigaw ng mga kaklase niya.

"NOAH, I LOVE YOU!" bulyaw ng G.A.S. sa likod.

"ANG GWAPO MO!" dagdag ng ibang estudyante.

May limang minuto na lamang siya upang tapusin ang kanyang inaawit.

"Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo."

Habang kumakanta ay matiyagang pinagmamasdan ni Noah ang orasan na nasa tapat ng entablado. Mayroon na lamang tatlong minuto.

"Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo"

Patuloy naman sa paghihiyawan ang mga estudyante. Maging ang mga guro ay hindi na nagawang sawayin ang mga ito dahil nakatitig sila sa napaka gwapong binatilyong may mala anghel na boses sa stage.

Sinusulit ni Noah ang ang natitirang isang minuto nito sa entablado. Unti unti nang hinihila nito ang kumot na puti sa sahig gamit ang kanyang paa. Mayroon na lamang 20 segundo.

"Kailangan ba kitang iwasan
Sa twing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang

Tumingin sa aking Mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo"

Sampung segundo.

"Kung maging tayo"

Apat na segundo.

"Kung maging tayo"

Tatlo.

"Kung maging tayo--"

Dalawa.

Agad ni itinigil ni Noah ang pagkanta. Mabilis niyang dinampot ang puting kumot at hinagis sa ere. Ang maikling kamay ng orasan ay nasa labing dalawa at ang mahaba ay nasa ikatlo.

Sumulpot sa loob ng kumot si Adam. Sa halip na bumagsak sa sahig ang puting kumot ay nabalutan nito ang hubad niyang katawan. Sinimulang itakip ni Adam ang kumot mula kanyang leeg hanggang sa paanan.

Natulala naman ang mga estudyante sa nangyari. Inilabas ni Adam ang kanyang ulo at nakita nito ang mga estudyanteng walang imik. Nakita nito si Noah na may hawak na gitara sa kanyang tabi.

Ang hindi alam ni Noah ay naririnig ni Adam ang mga huling linya na kanyang inawit habang unti-unti itong bumabalik sa kasalukuyan.

Habang nakanganga ang lahat sa nangyari ay lumapit si Adam sa mikropono upang tapusin ang awit ng kanyang kasintahan.

"Kung maging tayo--," pag-awit ni Adam bago lingunin si Noah. "Sa 'yo lang ang puso ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top