Chapter 16: The Cleaners


Year: 2006, Metro Manila (Present)

"Wala pa rin ba si Adam? He's been absent for two days now," sermon ni Mrs. Aguilar. Hindi ito mapakali dahil wala pa ring nakaupo sa tabi ni Noah. "He better have an excuse letter when he gets back. Okay Section 1, sino na mag-uulat ngayon?"

Marahang tumayo si Noah, kinuha nito ang visual aids na hinanda para sa kanyang ulat at isinabit. Napakasimple nito, hindi gaya ng dati na maganda at makulay ang pagkakagawa. Tahimik siyang pinapanood ng ng lahat. Halata sa malamnya niyang kilos na mayroon itong pinagdaraanan.

"Ahmm, yeah. So I will be discussing convex and concave lenses. In this diagram you can see that light would ahmm–" Patuloy lang sa pagsasalita si Noah sa harapan. Nakayuko lamang ito habang binabasa ang kanyang kodigo upang hindi mahalata ng lahat ang namumugto nitong mata. Para itong nagsasalitang robot habang nag-uulat. Wala siyang kabuhay-buhay. May mga pagkakataong nakakalimutan din nito ang kanyang sasabihin at mali-mali na ang nabibigay niyang impormasyon.

Napansin ni Mrs. Aguilar na pautal-utal ito. "Noah, sit down. You may report next time. Mukhang wala ka sa mood."

"I'm okay Ma'am," pagsisingungaling ni Noah. "Medyo marami lang inaral kagabi kaya nalilito."

Napatayo si Mrs. Aguilar at inakbayan ito. Tinignan niya ag hawak na papel ni Noah ngunit wala ni isang nakasulat. Muli siyang napatingin sa bagsak na mukha ni Noah at halatang ayaw lamang nitong makita ng kanyang mga kaklase ang kanyang itsura.

"Kanina pa tulala ang paningin mo," puna ni Mrs. Aguilar. Hindi nito pinansin ang blankong papel ni Noah. Naisipan niyang pangitiin ito. "Hindi mo nga napapansin si Ethan na natutulog sa likod."

Biglang nagtawanan ang buong klase. Mabilis namang kinalabit ni Vincent si Ethan.

"Woah, ha, anong nangyayari?" bulalas ni Ethan na biglang napapalakpak na rin.

"Nahuli ka ni Ma'am na natutulog," sabi ni Alex habang tumatawa. Agad na inayos ni Ethan ang sarili niya.

"Sige umupo ka muna, Noah." Muli namang binalikan ni Mrs. Aguilar si Noah na wala pa ring reaksyon. Pagkatapos umupo nito ay muling nagsalita ang kanilang guro. "Mga anak, iyang lovelife ninyo, tsaka na iyan pagka graduate n'yo. Mag-focus muna kayo sa aralin natin."

Agad na naptingin si Noah sa direksyon ng teacher niya. Halata sa kanyang reaksyon na tinamaan ito sa kanyang mga narinig Napansin naman ni Mrs. Aguilar ang reaksyon nito.

"See, Noah. Wala akong pinapatamaan pero huling-huli ka." Nagtawanan ang buong klase. Nagsimula nang magkakulay ang balisang pisngi ni Noah.

"Ma'am naman. Wala po akong love life," walang pag-alinlangan nitong sagot.

Nagulat si Alex at Ethan na nakaupo sa bandang likuran. Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi nito.

"Nako Noah, eh bakit nagliwanag ang mga tingin mo sa sinabi ko kanina?"

Hindi na nakasagot si Noah. Nagpanggap na lang itong abala sa pag-aayos ng kanyang kuwaderno. Nagpatuloy na lang sa pagtuturo si Mrs. Aguilar. Bago matapos ang klase ay may inanunsiyo ito.

"As you all know, malapit na ang Mr. and Ms. Saturnino High. Sino na ang ipanglalaban ng Section nyo?" tanong ni Mrs. Aguilar na mabilis namang sinundan ng sigaw ng mga tinuturuan niya.

"NOAH!"

"ADAM!"

"JADE!"

Nagkagulo ang buong klase kakabangit ng mga pangalan ng mga gusto nilang isali. Maririnig ang mga mahinang tawanan at tili habang naghahandang lumabas ang kanilang guro. Dahil nagsisimula nang umingay ang klase ay bigla nang tumayo ang class president nilang si Bien

"Ma'am, pag-uusapan na lang po namin. Ilan po ba ang puwedeng sumali per section?" tanong nito.

"Two boys and two girls ang maximum. Sige, pag-usapan ninyong mabuti ha? Also be ready for the JS Prom."

Nang makaalis na si Mrs. Aguilar ay nagsimula na silang magpulong. Nakatayo si Bien sa harap habang si Steffanie naman ang tagasulat niya sa pisara sa gagawin nilang botohan.

"Sino nga ulit ang mga gusto ninyo?" nakangiting tanong ni Bien.

Umalingawngaw muli ang pangalan nina Jade, Adam at Noah sa klase na marahan naman inilista sa harapan. Agad na natauhan si Noah na kanina pa pala tulala. Nagulat ito nang isulat ang kanyang pangalan sa pisara.

"Uy. Teka lang!" bulyaw ni Noah. "Ayoko! Si Ar– si Adam na lang."

Napasandal si Bien sa lamesa. Tinignan nitong mabuti si Noah na nagsisimula nang magligpit ng mga gamit.

"Noah, in this class we decide everything via a voting system. We nominate people, then we vote para fair," paliwanag ni Bien habang nakahalukipkip.

"Yeah, Noah okay lang iyan. It's a good experience. It will be fun," yaya ni Jade.

Itinigil ni Noah ang paglilipit niya. Huminga ito nang malalim at nagbigay ng suhestiyon upang matapos na agad ang pagpupulong. "Fine! Let's vote. Sinong boto kay Adam?"

May labindalawang estudyante ang nagtaas ng kamay. Kalahati ito ng bilang ng buong klase na pumasok noong araw na yun. Marahang isinulat ni Steffanie ang numerong 12 sa tabi ng pangalan ni Adam sa pisara.

"Okay, so who wants Noah to represent the boys?" tanong ni Bien na abot tainga ang ngiti.

Nasa labinisa na nakataas na kamay ang nabilang si Noah. "Ha! Ayan, panalo na siya. Sige, aalis na ako."

"Uy! Teka lang, hindi pa nagtataas ng kamay ang lahat," saad ni Bien. Pinipigilan nito ang pagtawa.

"Ha? Tama naman bilang ko," giit ni Noah. Naiirita na ito at nais na niyang lumabas. "Ayan, sampu ang bumoto, ika labinisa si Steffanie."

Nakapamewang pa si Noah habang pinagmamasdan niya ang sumunod na ginawa ni Bien. Nagulat ito nang unti-unting itinataas ni Bien ang kanyang kamay.

"No! You wouldn't dare!" naiinis na bulyaw ni Noah.

"Oh, you bet I would," paghamon ni Bien. At tuluyan na ngang tinaas nito ang kamay niya. Mabilis namang isinulat ni Steffanie ang numerong 12 sa tabi ng pangalan ni Noah. "That settles it. We have two candidates for Mr. Saturnino High. Noah, pakisabi na lang kay Adam–"

Ngunit paglingon ni Bien sa dako ng pinto ay wala na si Noah. Mabilis na itong naglalakad sa corridor habang nagdadabog.

"Pres, kami na ni Ethan magsasabi." Mula sa likod ng klase ay nagprisinta si Alex. Maging siya ay nag-aalala para sa mga kaibigan nila. "Wala rin sa condo niya si Adam, eh. Nasa bahay ng Tito niya sa Las Piñas. Bibisitahin din namin siya."

"Oh sige guys, salamat. How about you Jade, okay lang ba na ikaw ang babaeng representative namin?"

"Yeah, it's fine. I need a break din from the editorial stuff. Hayaan ko naman ang mga senior na sa journalism gumawa. Nakakapagod din kasi."

"Alright, so the rest of the class will help with the preparation. Bale next Monday na to. We have a week to prepare," pagtatapos ni Bien sa kanilang pagpupulong.

Nang matapos ang klase ay nag-usap sa likod si Ethan at Alex tungkol sa kaibigan nilang ilang araw nang hindi pumapasok.

"Ano bang nangyayari roon kay Tisoy, bakit hindi pumapasok?" pag-aalala ni Ethan.

Marahang kinuha ni Alex ang cell phone niya at pinakita ang mga mensahe ni Adam.

Adam: "Alex, he broke up with me. I need time alone."

"Ayan, he never answered after that," saad ni Alex bagi muling itago ang cell phone. "Hindi ko rin siya makausap nang maayos. I tried going to his condo pero walang tao."

Napakamot ng ulo si Ethan at may biglang napansin ito. "So obviously, we can't ask Noah, huh? Ilang araw na rin siyang tulala."

"Yeah. Bigla nalang siyang naging ganoon matapos nilang manggaling sa Batanes," puna ni Alex. Iniisip nitong mabuti kung anong sanhi ng ikinikilos ng dalawa.

"So why don't we ask Nico? Iyong pinsan ni Noah," mungkahi ni Ethan. "Maybe he can talk some sense to Adam."

"Yeah, he's with them in Batanes, maybe he could help. Kaya lang hindi naman natin ka close yun, nakakahiya."

"What about Nico?" saad ni Sky na bumalik sa classroom dahil sa naiwan nitong bola. Naabutan nitong ang dalawang pinag-uusapan si Nico.

"Nico Arroyo. Iyong pinsan ni Noah, you know him?" usisa ni Ethan.

""Ah, eh, oo." Namula si Sky sa narinig niya. "Minsan nakakalaro ko siya ng basketball sa court malapit sa amin. You wanna see him?"

Parehong napangiti ang dalawa. "Do you know where he lives?" tanong ni Alex.

***

Pumunta silang tatlo sa condo ni Nico. Pinapasok sila nito at pinaupo sa sala. Dito ay nagsimula nang magkwento ang mga ito.

"WHAT? NOAH DID WHAT?" sigaw ni Nico. Ang alam nito ay masayang nagbakasyon si Noah at ang nobyo nito sa Batanes. Nanlaki ang mga mata nito sa mga kuwento ni Alex

"Woah! Teka lang? Silang dalawa, mag boyfriend?" pagsingit naman ni Sky.

"Ex boyfriend! At saka wag ka ngang maingay! It's a secret," saway ni Ethan. Mabilis namang tumango si Sky at tinikom ang bibig nito.

"So Nico, pupunta kami kanila Adam ngayon. Will you help us?" pakiusap ni Alex. Kanina pa nito kinakaskas ang mga kamay niya senyales ng pag-aalala.

Matagal bago sumagot si Nico. Inisip muna nitong mabuti ang mga maaaring pinagtalunan ng dalawa.

"Since when was this?" usisa nito.

"Since resume ng class. Right after n'yo manggaling sa Batanes. We were hoping you know what happened," paliwanag ni Ethan.

Unti-unti nang napagtatagpo ni Nico ang mga pangyayari. Naalala nito ang pagsigaw ni Adam sa veranda ng bahay nila kasama si Noah at ang Papa Leon niya. Muli itong napatingin sa kanyang mga bisita.

"Sige tara. Mukhang kailangan ko nga rin siyang makausap," pagsang-ayon ni Nico.

***

Pagdating nila sa tahanan ni Adam sa Las Piñas ay pinapasok agad sila ng mga kasambahay. Agad nilang kinatok ang kwarto ni Adam na ayon sa isa sa mga katulong, ay ilang araw nang hindi lumalabas.

"Adam, are you there? Hello?" bulalas ni Alex habang linakalampag ang pintuan nito.

Binuksan kaunti ni Adam ang pinto. Nang makita niya si Alex at Ethan ay muli niyang isinara ulit ito.

"Go away. I'm not feeling well. Baka mahawa pa kayo sa akin," pagsisinungaling ni Adam.

Lumingon si Alex sa mga kasama niya. Ang kanyang mata ay may bakas ng panghihinayang. "See, he won't speak to us."

Humakbang papunta sa harap si Nico. Nagsimula siyang kumatok sa pinto. "Adam, this is Nico. Is this about what happened in Batanes?"

Muling binuksan ni Adam ang pinto. Kitang-kita ni Nico ang mga namamagang mata nito. Napalingon si Nico sa mga kasama niya upang himingi ng permiso.

"Guys, can I talk to him alone? Medyo confidential lang."

Matapos silang sumang-ayon ay pinapasok ni Adam si Nico. Nagulat ito sa itsura ng kuwarto ni Adam. Wala itong pang itaas at nakasuot lamang ito ng boxers.

"Adam, what the fuck? Ang baho ng kwarto mo!" bulyaw ni Nico.

"Oh, ito," saad ni Adam. Ang boses nito ay walang tono na parang namatayan. "Tignan mong mabuti, huwag mong gugusutin."

Kinuha ni Adam ang notebook ni Noah at inabot ito kay Nico.

"Ano 'to?" Marahang binuksan ni Nico ang notebook. Unti-unti niyang namumukhaan ang sulat kamay ng pinsan niya. Nakilala nito ang mismong notebook na laging dala ni Noah.

"Binigay na niya sa akin iyan noong nakipaghiwalay siya sa akin," paliwanag ni Adam. May kirot pa rin sa kanyang puso habang inaalala ang nangyari sa locker room

Inilapag ni Nico ang notebook sa isang lamesa at umupo ito. Si Adam naman ay humiga sa kama at nakatitig sa kisame.

"I'm guessing this is about my Father?" hinala ni Nico. "Hay nako, pasensya ka na."

"Hindi mo kailangan mag sorry. Wala ka namang kinalaman sa Tatay mo."

Napabuntong hininga si Nico. Nalanghap nito ang mabantot na alingasaw ng mga nagkalat na damit sa sahig.

"Pucha talaga Adam, ang bantot ng kwarto mo! Hay nako."

Sinimulang damputin ni Nico ang mga maruming damit sa kuwarto. Tulala lang si Adam habang naglilinis ang kasama nito.

"So ano bang nangyari noong napasigaw ka sa veranda namin?" usisa ni Nico habang inilalagay ang mga dinampot niya sa isang basket.

"I honestly don't know. Naabutan ko si Noah kausap ng Daddy mo sa veranda at umiiyak na ito," paliwanag ni Adam. "Nang tanungin ko si Tito Leon what happened, sinaway lang ako ni Noah. Then hindi na niya ako kinausap since then. Hindi nga niya ako hinatid papunta sa Airport nor did he answer any of my calls and texts after that."

"It's either about him being adopted or about his sexuality," paliwanag ni Nico. Saksi siya sa kung paano pakitunguhan si Noah ng iba nilang kamaganak. Kinuha ni Nico ang walis at nagpatuloy sa paglilinis.

Napaupo si Adam sa kama at napatingin sa naglilinis na si Nico "May binanggit siya tungkol sa pagod na siya sa pangungutya ng mga kamag-anak ninyo. If he can still be straight, he would do so. Then, he broke up with me in the locker room."

Nagpanting ang tainga ni Nico. Halos mabali nito ang hawak niyang walis tambo dahil sa inis. Naalala nito ang ilan sa kabataan nila ni Noah.

"Yep, that's definitely my Dad's fault. So what did you do after the break up?"

"Heto, nagkulong sa kwarto. Depressed. Puro tulog since hindi naman ako nalalasing."

Kinuha ni Nico ang cellphone niya at pinakita ang mga missed calls sa kanya ni Danilo.

"What's that?" usisa ni Adam.

"Tito Danilo keeps calling me. He's worried about Noah. Noah doesn't answer everyone, not just you. He missed his violin class, which he never does. Perfect attendance siya lagi not until this week," paliwanag ni Nico.

"But he wanted this, siya yung nakipag break. Bakit siya nagkakaganyan?" naiinis na sinabi ni Adam. Kumukuyakoy pa ito sa gilid ng kama habang inaalala ang araw na iyon.

Napatigil si Nico sa paglilinis niya. Unti-unting umiral na naman ang pagkamaangas nito. Kinuha ni Nico ang hamper ng mga gamit na damit ni Adam at muling ikinalat ito.

"Hoy!" puna ni Adam. Napaharap sa kanya si Nico at hawak nito ang walis na handa na niyang ipang hampas sa kanya.

"He wanted? Wala ka bang naiintindihan?" tanong ni Nico. Ang mga mata niya ay nag-aalab sa galit para sa binatang mabantot. "HE NEVER WANTED... QUING INA KA!"

Napapalakas na ang boses ni Nico sa kwarto.

"BUONG BUHAY NIYA SAYO NA UMIKOT ADAM! ARE YOU REALLY SURE GUSTO NIYANG MAKIPAG BREAK SA 'YO?"

Nagsisimula nang kumatok si Alex sa kuwarto dahil sa mga sigawan sa loob.

"Hey, everything okay there?" usisa ni Alex.

"Yeah bro," sagot ni Adam. "Shhh Nico, keep it down."

"Eh timang ka pala eh!" pagpapatuloy ni Nico. "You're not doing anything while he's been fighting his silent battles alone since he was little."

Tila tinamaan ng malaking bulalakaw si Adam mula sa mga sinabi ni Nico. Nagsimula nang bumalik ang mga liwanag sa mukha nito. Narerealize na nito ang sitwasyon ni Noah.

"But he already broke up--" dagdag ni Adam.

"Ay, tanga ka talaga," giit ni Nico.

Muling kinuha ni Nico ang notebook ni Noah at hinagis ito kay Adam.

"Hoy, sabi na be careful with the notebook, eh!" bulyaw ni Adam.

"Ayan, binasa mo ba yan?" tanong ni Nico.

"Hindi."

Kulang na lang ay sabunutan ni Nico ang buhok niya sa sobrang inis. Akmang dadamputin niya muli ang walis at ihahampas sa binatang amoy anghit.

"Nako Noah, ano bang nakita mo dito sa abnormal na to?" bulong ni Nico. "Basahin mo kasi Adam. Lahat ng Log ni Noah diyan... it always say na nag-time travel ka FROM years na kayo pa rin."

"Oh so?"

Kumuha si Nico ng maruming damit at hinagis ito kay Adam. Nanggigil na ito sa sulok ng kuwarto.

"Paano magiging kayo pa rin kung wala kang ginagawa riyan at magmumukmok ka lang dito?" naiinis na tanong ni Nico. "Kumilos ka kung gusto mong magkatotoo ang nasa notebook, abnuy!"

Sa ilalim ng banging kinasasadlakan ni Adam ay tila isang lubid pataas ang mga salita ni Nico. Natauhan na si Adam sa mga sinabi nito. Naalala niya ang mga kuwento ni Noah tungkol sa kung paano siya lagi nitong sinusundo sa puno ng Narra. Naalala ni Adam kung gaano laging nag-aalala si Noah tuwing nagta-time travel ito. Sa kuwarto, sa simbahan, sa banyo, sa maisan at sa iba pa. Naalala niya ang mga panahong matiyaga siyang hinihintay nito sa nakaraan at pabalik sa kasalukuyan.

Nagsimula nang kumurba pataas ang mga labi ni Adam na agad namang napansin ni Nico.

"Pucha!" bulyaw ni Adam.

"Minumura mo ba ako?" tanong ni Nico na naglalakad palapit habang hinahampas ang walis sa kanyang kamay.

"Hindi! Ang baho pala ng kuwarto ko," nakangiting sagot ni Adam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top