Chapter 12: Moment of Truth



Year: 2006, Batanes (Present)


Palihim na naghaharutan sina Adam at Noah habang naghuhugas ng pinggan. Kitang-kita sa mga ngiti ni Noah ang sayang dulot ng mga mainit na kamay ni Adam habang nasa loob ng lababo. Paminsan-minsa'y pinapahidan siya ni Adam ng sabon sa pisngi na agad namang pinupunas ni Noah sa mangas ng kanyang nobyo. Ang hindi nila alam ay kanina pa nakatingin sa kanila si Danilo.

"Kayong dalawa, we need to talk later," seryosong saad ni Danilo. Nagulat ang dalawa nang bigla silang lapitan nito. Agad na napakalas ang paghawak ng mga kamay nila sa ilalim ng mabulang tubig. Nang lingunin nila si Danilo ay nagkatalikod na ito paakyat sa itaas.

"Shit!" bulalas ni Noah. Ang mga ngiti niya ay napalitan ng takot matapos marinig bilin ng kanyang ama.

"Kumalma ka muna," saad ni Adam. Naawa ito sa nobyo niyang halatang naaligaga. "Baka iba ang tinutukoy niya."

"I am so dead."

Kinakabahan na si Noah sa maaring sabihin sa kanya ama. Agad nitong inalis ang suot niyang apron at isinantabi ang mga natitirang hugasan. Akmang hahawakan ulit ni Adam ang mga kamay nito ngunit mabilis na iniwas ni Noah.

Pinunasan ni Noah ang kanyang mga kamay at agad na nagtungo sa lamesa. Ipinagpatuloy ni Adam ang mga hugasin habang palihim na sinusulyapan ang nobyo niyang tila nabuhusan ng malamig na tubig.

***

"Both of you, take a seat."

Nang makauwi na ang mga bisita ay lumabas na kanyang silid si Danilo. May dala itong laptop. Pinapunta niya sina Adam at Noah sa sala kasama ni Maring. Marahang napaupo ang dalawa sa sofa sa tapat nito. Ilang minutong walang may nais magsalita. Tanging malalalim na hininga at mabilis na tibok ng puso ang umiikot sa buong sala. Pansin ni Danilo na nakayuko at nanginginig pa sa takot ang kanyang unico hijo. Ngunit sa halip na usisain ito, itinuon niya ang kanyang mga tingin kay Adam.

"Adam, magnobyo ba kayo?" diretsahang tanong ni Danilo. Walang pag-iimbot at hindi man lang nagdalawang isip ang ama ni Noah habang nakahalukipkip. Bumasag sa kanilang katahimkan ang boses nito na halatang dismayado sa kanyang mga nasaksihan. Nanlilisik ang mga mata nito at mapapansin ang kamao niyang nagpipigil sa kanyang kinauupuan. Maging si Maring ay kinakabahan na sa sasabihin ng kanyang anak.

Natulala si Adam sa tanong sa kanya. Gustong-gusto na niyang umamin ngunit naaninag nito ang mga kamay ni Noah na nanginginig sa sobrang kaba.

"Hindi po, Tito," pagsisinungaling ni Adam. "We're just really close friends."

Napalunok ng laway si Danilo sa sagot nito. Napatingin siya kay Maring na nakatayo sa gilid bago niya muling ibinalik kay Adam ang kanyang atensyon.

"Masyado naman ata kayong malapit para iwanan mo na nagkalat ang mga damit mo sa kuwarto ni Noah kanina bago ka magbanyo."

Nagimbal si Noah sa sinabi ni Danilo. Napansin pala nito ang mga damit na naiwan ni Adam bago mag time travel pawala sa kuwarto. Sa mga sandaling iyon ay nais na ni Noah tumakbo palayo ngunit tila nakadikit ang kanyang puwet sa kanyang kinuupuan.

"At isa pa, sa puno ng Narra lang laging pumupunta si Noah tuwing bakasyon," pagpatuloy ni Danilo. "Pero ngayon, hindi ko man lang siya nakitang pumunta doon. Ganoon ata talaga siya kainteresado sa iyo. Ngayon lang siya may tinanggap na bisita sa amin at ipinasyal pa talaga niya, ha?"

Napayuko si Adam sa mga hinala ni Danilo. Gusto na niyang sabihin sa lalaking kumakastigo sa kanya kung gaano katumpak ang mga iniisip nito.

"I did not raise you to lie." Marahan napatingin kay Noah ang kanyang ama. Ang boses nito ay puno ng pagkadismaya sa mga panahong naglilihim ang kanyang anak. "So I will ask you just once. Noah, mag-boyfriend ba kayo ni Adam?"

Nanginginig na itinaas ni Noah ang ulo nito. Sinalubong siya ng seryosong tingin ng kanyang ama na kanina pa nakakunot ang noo. Inipon ni Noah ang naiwang lakas sa kanyang katawan. Inisip niyang itanggi ang lahat ngunit bakas sa mukha ni Danilo ang panghihinayang sa mga ginawa niyang kasinungalingan. Sininghot ni Noah ang kanyang sipon. Nilunok niya ang kanyang laway. Sinugurado niyang walang bara sa kanyang lalamunan bago niya sabihin ang mga katagang yayanig sa kanyang pagkatao.

"Opo, Dad," pagnanangis ni Noah. Nanginginig pa ang boses nito mula sa takot na kung saan na siya pupulutin matapos ang kanilang komprontasyon. "I'm sorry, bakla po ako."

"Bakit ka nagso-sorry?" bulalas ni Adam. Ang mukha nito ay hindi maipinta habang tinitigan ang mga luha ni Noah na tumutulo sa nangiginig nitong mga kamay. "Tito, hindi naman po mali ang-"

"I know," pagputol ni Danilo. Napayuko ito sa kanyang puwesto. Mabilis na nagulo ang napakaayos niyang buhok dahil sa pagsabunot niya rito. Mula sa kanyang buhok ay itinakip ni Danilo ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Pero mali pa rin na naglihim kayo."

"Patawad po, Daddy," muling pagsuyo ni Noah.

"I knew it. Wala namang siraulong pupunta ng ganito kalayo para lang magbakasyon mag-isa at dito pa talaga mag-birthday."

Agad na lumapit si Maring kay Danilo at inabutan ito ng tubig. "Oh, Dani, dahan-dahanin mo lang."

"I'm okay, Ma," saad ni Danilo bago niya ibinaling muli ang atensyon sa dalawang binatilyo. "Now Noah, hindi ba sabi ko sa iyo, 'wag ka munang magjo-jowa?"

Tanging pagtango lamang ang sinagot ni Noah. Ang mata nito ay namumugto na hindi lang dahil sa pag-amin nila kay Danilo kundi sa paglalahad ng pagkadismaya ng kanyang ama.

"Ikaw naman Adam, you guys are too young. Alam ba ng guardian mo na may kasintahan ka na?"

Nakayuko lang si Adam bago ito sumagot. "Hindi po."

"Sorry Dad. Hindi ko sinabi sa iyo agad," dagdag ni Noah. "I'm sorry I had to come out this way. I should have told you sooner that I'm-"

"Gay?" tanong ni Danilo. Napaliyad si Danilo at napatingin kay Maring. Bakas ang maliit na ngiti sa mukha ng kanyang ina. Mga ngiti ng isang magulang na minsan nang napagdaanan ang ganitong eksena.

Inayos ni Danilo ang buhok niya at muling napatingin kay Noah.

"I'm not mad. And I don't hate you for being gay. I just find it too early for you to be in a relationship. You guys are still in school. So-" pagputol ni Danilo. Nakatuon naman sa kanya ang atensyon nina Adam at Noah sa kung ano ang mga susunod niyang sasabihin. "So, I must ask Adam to go home."

Hindi na umimik ang dalawa sa sinabi nito. Natahimik lang si Noah samantalang patuloy lang ang pagkuyakoy ang mga paa ni Adam. Nang wala na silang imik ay marahang napatayo si Danilo. Agad nitong kinuha ang kanyang laptop.

"Adam, pahiram ng ID mo saglit," utos ni Danilo.

Dahil na rin sa hiya ay agad na ring inabot ito ni Adam. "Ano pong gagawin ninyo sa ID ko?" usisa nito.

"I'm going to book you a flight home."

Marahang nilalagay ni Danilo ang pangalan ni Adam sa isang website. Ang kanyang mga mata ay binabasa ang bawat letra ng pangalan sa ID na kanyang hawak.

"Adam A-M-B-R-O-S-I. Ambrosi!?" pasigaw na tanong ni Danilo.

"Yes po," mabilis na sagot ni Adam. "And you don't have to book me a flight. Susunduin din po ako ng Uncle ko ngayong araw."

Ilang minutong katahimikan. Hindi makapaniwala si Danilo sa apelyidong kanyang nalaman. Bakit ngayon niya nga lang ba naisip na itanong ito? Bakit ngayon niya lang napansin ang pamilyar na matang kasing bughaw ng sapiro at ang buhok na halos kulay ginto? Higit sa lahat, hindi man lang siya nagtaka nang malamang sa Finland galing si Adam noong una siyang nagpakilala.

"Your Uncle-" saad ni Maring. Maging ito ay napaupo rin sa tabi ni Danilo nang malaman ang buong pangalan ni Adam. "By any chance, are you related to Claude Ambrosi?"

"Opo, Lola," magalang na sagot ni Adam. Nagsimula na itong magtaka sa kinikilos ng dalawa. "Siya po ang Uncle ko na nagpalaki sa akin."

Nagkatinginan si Danilo at Maring dahil sa sagot ni Adam. Mabilis na napangiti si Maring na sinundan agad ng mabilis na pagbusangot ni Danilo.

Biglang napahalakhak si Maring at natawa sa reaksyon ng kanyang anak. "Hay nako, Dani. Destiny is a bitch!"

"Ma! Language!" pagsaway ni Danilo.

"Language ka diyan! Kinikilig ka naman."

Biglang may nag doorbell sa labas ng bahay. Sabay-sabay silang napatingin sa direksyon ng pinto. Mapapansin ang silweta ng isang matangkad na lalaki sa likod ng tela na nakatabin sa salamin ng pintuan.

"Si Uncle Claude na po siguro iyan." Napangiti si Adam nang ito ay kanyang mamkuhaan.

"Putek!" bulalas ni Danilo. Mabilis itong napatayo at hindi alam kung saan magtatago.

Natatawa pa rin si Maring sa kinauupuan nito. Sinubukan niyang pigilan ang kanyang mga halakhak habang pinapanood ang nag-aaligagang si Danilo. Napatingin siya sa direksyon ni Noah at tinanong ang kanyang apo.

"Noah, naalala mo ba iyong araw na tinanong mo sa Daddy mo kung bakit wala siyang asawa kahit bago ka pa niya maging anak?"

"Ah,eh, opo," mahinang sagot ni Noah habang pinupunasan ang kanyang mga mata.

Marahang naglakad si Maring patungong pinto. Mabilis namang napaupo si Danilo umaasang hindi ito makikita ng taong paparating.

"Well, apo. You're about to find out," natatawa na sinabi ni Maring bago buksan ang pinto.

Nakatayo sa labas ang isang matipunong lalaki na may kulay gintong buhok. Nakasuot ito ng shades at polong kulay abo. Abala ito sa pagtingin sa kanyang cell phone kung tama ba ang adres na napuntahan niya. Maingat niyang inangat ang kanyang ulo. Nagulat ito sa babaeng sumalubong sa kanya. Marahang inalis ni Claude ang kanyang salamin.

"Tita Maring?" gulat na tanong ni Claude.

Natatawa si Maring sa reaksyon nito. Nakita ni Maring ang pamilyar na lalaking may mga bughaw na mata. "Hi Claude. Long time no see."

Iginilid ni Maring ang katawan niya upang makita ni Claude ang mga taong nakaupo sa sala. Nakita ni Claude si Adam, si Noah at isa pang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Agad na napahakbang si Claude papasok habang unti-unti niyang namumukhaan si Danilo na pilit na tinatakpan ang kanyang mukha.

"Dan, Baby?" saad ni Claude. Ang mga labi niya ay nagsimulang kumurba pataas.

***

Year: 1986, Metro Manila

Seryosong nag-aaral si Danilo sa kolehiyo. Lagi siyang nakatambay sa ilalim ng punong mangga. Suki rin siya ng silid-aklatan at nakatuon lamang ang kanyang isip sa pag-aaral. Wala siyang libangan maliban sa pagbabasa ng libro. Ang buhay niya ay umikot lamang sa paaralan at bahay. Nais niyang makapagtapos agad bilang panganay na rin sa kanilang magkakapatid.

Napakaguwapo ni Danilo. Ang kanyang kulay itim na buhok na napaka-ayos ng pagkakasuklay ay bagay na bagay sa makakapal niyang kilay. Ang chinito niyang mga mata na akmang-akma sa kutis porselana niyang balat. Lagi siyang nakasuot ng salamin habang ang matipuno niyang katawan ay pumuputok na sa suot nitong uniporme.

Ang itsura niyang pinaghalong may kakisigan at pagiging nerd ay patok sa mga kababaihan sa kanilang paaralan. Sanay na siyang nilalapitan ng mga dalaga na mabilis naman niyang sinusungitan.

"Hi Dan, wanna go to lunch together?" minsan sinabi ng isang dalaga habang may dala si Danilo na tore ng mga libro.

"Shhh! No talking in the library," pagsusungit nito bago mabilis na umiwas.

Bagamat suplado ay patuloy lang ang ilan sa mga kababaihan sa paghanga sa kanya. Kadalasan siyang nakatambay sa silid-aklatan at ilalim ng punong mangga upang makaiwas na rin sa mga dalagang nagtitilian tuwing dadaan siya sa mga pasilyo. Lagi siyang nagunguna sa klase sa kursong Arkitekto at madalas siyang laman ng mga tarpaulin sa tapat ng kanilang paaralan. Mga tarpaulin na may nakasulat na pagbati mula sa mga natamo niyang parangal. Wala siyang planong umibig. Nais niya lamang tapusin na ang pag-aaral at masimulan na ang binabalak niyang kumpanya.

Isang araw, habang abala si Danilo sa pagbabalik ng mga libro sa mga istate ay narinig nito ang mga bulungan ng mga dalaga sa isang sulok.

"Have you seen the new exchange student from Finland?" sabi ng isang dalaga.

"Yeah, he is so hot! Wah!" dagdag pa ng isang dalaga. Sabay silang nagtilian sa sulok ng silid-aklatan.

"Shh! Duon nga kayo sa labas magtilian," pagsaway ni Danilo gamit ang malalim niyang boses.

Ngunit lalong kinilig ang dalawang babae sa kanya na bihira lang ding makita sa paaralan. Ang nerdy na look nito habang may bitbit na mga libro ay talaga namang tinaguriang eye candy ng kanilang paaralan. Mabilis na umalis ang dalawang dalaga habang nakangiti pa sa kanya.

"Mga abnuy," bulong ni Danilo habang inaayos ang mga libro.

Nagtungo siya sa isang sulok ng aklatan kung saan may mga harang ang lamesa na parang cubicle. May kanya-kanyang pagkahati ang mga lamesa upang makapag-aral mag-isa ang mga estudyante.

Pansin ni Danilo na walang tao sa sulok. Nagtungo siya sa pinakatagong lamesa na may harang sa harap. Ilang minuto na siyang nagbabasa nang may marinig siyang humihilik sa likod ng harang sa kanyang tapat. Agad na itinigil ni Danilo ang ginagawa niya at napatayo upang sawayin ang estudyante na mahimbing na natutulog.

"Hey! No sleeping in the library!" pagsusungit ni Danilo.

Naalimpungatan ang lalaki. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo habang humihikab pa. Sa madilim na sulok ay tila nagliliwanag ang mga bughaw nitong mata na marahan niyang minumulat. Natulala si Danilo sa kanyang nakita. Nawala ang pagsalubong ng mga kilay ni Danilo nang makita ang napakaguwapong binata. Ang makulay nitong mata at ginto nitong buhok na tila isang karakter mula sa librong kanyang binabasa.

Tumigil ang oras. Natigilan din ang estudyante sa itsura ni Danilo na nakatitig sa kanya.

"Sorry, I'm still adjusting with the timezone," paumanhin ni Claude.

"Lub dub".

Hindi nila parehong maipaliwanagang kakaibang pakiramdam sa una nilang pagkikita. Pinukaw ng napaka among mukha ni Claude ang laging nakasimangot na mukha ni Danilo.

Lumipas ang panahon at napadalas lalo ang pagdalaw ni Claude sa silid-aklatan upang makita lamang si Danilo. Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan na rin sila makalipas ang halos isang taon.

Ang bugnutin na si Danilo naman ay nagsimula nang maging masayahin. Nag-umpisa na rin itong maging palakaibigan sa ibang estudyante. Nagawa ring makilala ni Claude si Maring, ang ina ni Danilo dahil sa isang pagdiriwang sa kanilang paaralan. Masaya namang siyang tinanggap ni Maring gaya ng pagtanggap niya sa kasarian ng kanyang anak.

Lumipas ang panahon at kailangan nang bumalik ni Claude sa ibang bansa. Kinailangan na nitong umuwi sa Finland para sa kasal ng kapatid niyang si Abraham at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral doon.

"Baby, I will be back after graduation. I promise," pangako ni Claude. Ang mga salita nito ay umiikot sa batibot na kanilang inuupuan. Saksi ang punong mangga sa mga katagang kanyang pinakawalan.

"I'll wait for you." Ito ang mga huling katagang narinig niya kay Danilo.

Dumaan ang mahabang panahon gaya ng pagsibol ng mga bulaklak sa puno ng mangga. Nakailang bunga at lagas na rin ito hudyat na ilang taon na ang lumipas. Ngunit hindi na bumalik si Claude. Naging abala ito sa trabaho nila sa Finland matapos magtapos sa pag-aaral. Napagod na rin sa kahihintay si Danilo at muli itong nagpatuloy sa kanyang buhay. Ilang taon matapos iyon ay natagpuan ni Danilo ang sanggol na si Noah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top