Chapter 1: His Childish Side
Year: 2005, Metro Manila (Present)
"Can we keep it a secret for now?"
Noah's voice kept echoing in Adam's head bago sila pumasok. Sa una'y nag-aalangan siya kung pauunalakan pa niya ang pakiusap nito. But seeing the dilated pupils of his boyfriend staring at him in their bed while in the dark, Adam eventually agreed.
Kinabukasan ay masayang magka-text sina Noah at Adam kahit magkatabi lang sila sa silid-aralan. Ito ang paraan ng kanilang pakikipagusap habang nasa paaralan upang hindi mahalata ang kanilang relasyon. Pareho silang nagkukutis kamatis habang nakatitig sa hawak nilang mga cell phone. Nagulat silang dalawa nang biglang hampasin ni Ethan ang kanilang mga lamesa.
"Hoy! Sinong mga katext nyo?" bulyaw nito.
"Daddy ko!" sagot ni Noah.
"Daddy niya!" dugtong ni Adam. Natulala si Noah sa sinagot ni Adam. Halatang hindi ito nakapag-isip.
"Ha? Pareho kayong ka-text ng Daddy ni Noah?" usisa ni Ethan. May pagtatampo sa mukha nito. Nagtataka na ito sa ikinikilos ng dalawa niyang kaklase. Mula nang matapos ang Quiz Bee ay hindi na masyadong sumasama sa kanila ni Alex si Adam.
Agad na nag-isip ng segway si Adam upang hindi mahalata ng kaibigan nito. "Oo, pupunta kasi kami sa Batanes next year."
Nagulat si Noah sa sinabi ng kanyang nobyo. Sinesenyasan niya ito na tumigil na.
"Ah, ganoon ba? Talagang ganyan na kayo ka close, ha?" Nakataas na ang isang kilay ni Ethan. Sumisingkit ang mga mata nito habang inilalapit ang mukha niya kay Noah. Agad na nilapat ni Adam ang kamay niya sa mukha ni Ethan at itinulak upang mapalayo kay Noah. "Aray!"
"Masyado kang usisero. Gusto mong makatikim?" babala ni Adam. Nilakihan nito ng mata si Ethan gaya ng ginagawa niya dati upang sindakin ito.
Nginitian lang si Ethan ng dalawa habang marahan siyang umalis. Muling ibinaling ni Noah ang tingin nito kay Adam. "Psst! Anong pinagsasabi mo? Anong Batanes?"
"Sakyan mo na lang!" sagot ni Adam sabay kindat kay Noah. Kinikilig ito sa mga binabalak niya.
"Hindi puwede, anong gagawin mo roon?" giit ni Noah. Naiinis na ito kay Adam. Paniguradong gulo ito sa oras na malaman ng mga kamag-anak niyang may nobyo siya sa Maynila.
"Magbabakasyon," mabilis na tugon ni Adam. Excited na ito sa punong Narra na laging ikinukuwento ni Noah. Ang punong lagi niyang babagsakan sa hinaharap.
"Baliw! Hindi papayag si Dad," saad ni Noah. Magkasalubong na ang mga kilay nito.
"Shhh! Huwag kang maingay! Andyan na si Bien," saway ni Adam at muli itong sumimangot.
Mula sa kabilang dulo ng silid ay may dalang mga dokumento ang class president nila. Sa malayo pa lang ay nakangiti na ito habang nakatitig kay Noah. Lumapit ito sa kanila upang humingi ng tulong sa pagpa-photocopy. "Puwede ninyo ba akong samahan sa 1'st floor? Medyo marami kasi tong pag nagawan ng kopya."
Bilang inis kay Bien ay agad na tumangi si Adam. "Sorry, I'm busy," sagot nito habang nagpapanggap na abala sa hawak niya.
At dahil naman naiinis si Noah sa pinaplano ni Adam na pagsama sa kanya sa Batanes, ay napagpasyahan nitong bumawi sa kanyang nobyo.Agad na napatayo si Noah at inakbayan si Bien. "Sure President!" nakangiting sagot ni Noah.
Kitang kita ni Adam ang saya sa mukha ng class president nila habang nakapatong ang braso ni Noah sa balikat nito. Napansin ni Adam kung paano inilapit ni Bien ang ilong niya sa kwelyo ni Noah. "Thanks, ha. Uy, ang bango mo talaga. Anong gamit mo?" tanong ni Bien habang nasa leeg ni Noah ang bibig nito.
"Nako, pawis ko lang iyan." Napangiti sa kanya si Noah at kumindat.
Pareho silang natawa sa isa't isa. Samantalang kulang na lang ay madurog ni Adam ang cell phone na hawak nito dahil sa sobrang selos. Nakita ni Noah na umuusok na ang ilong ng kanyang nobyo at upang mas lalong inisin, dinilaan niya ito habang palabas na sila ni Bien.
Biglang pumasok si Jade sa classroom at hinihingal pa ito. "Guys, pasama naman sa Journalism room. Kailangan ko lang ipamigay ang mga dyaryo sa bawat department," pakiusap ni Jade.
Agad na napatayo si Adam at hinawakan ang kamay nito. "Crush, tara dali. Medyo matagal-tagal iyan, ano? Bilihan na rin kita ng meryenda after," yaya ni Adam kay Jade. Sabay kindat kay Noah na ang sama na rin ng tingin sa kanya. Unang umalis si Jade at Adam papunta sa Journalism room. Nakatitig lang sa kanila si Noah at Bien.
"Buwiset," bulong ni Noah sa sarili nito.
"Ah, eh Noah, medyo nasasakal na ata ako sa pag akbay mo," saad ni Bien
Agad na napalayo si Noah sa kaibigan nito. "Nako, sorry. Tara na."
Nagtungo sa 1'st floor ang dalawa. Mula sa tabi ng Xerox machine ay natatanaw ni Noah kung paano magkasabay na pinamimigay nina Adam at Jade ang mga dyaryo sa ikaapat na palapag.
"Noah, kaya mo bang dalhin lahat ng ito? Sorry ha, medyo marami kasi," paumanhin ni Bien. Abala ito sa pag-ayos ng mga papel. Natatawa ito sa dami ng nagawa niyang kopya.
Agad siyang nilingon ni Noah at tinulungan. "Oo naman. Parang work out lang ito."
Tanaw naman ni Adam mula sa taas na masayang nagtatawanan sa ibaba sina Bien at Noah. Bumabagal na sa paglalakad si Adam dahil sa mga iniisip nito.
"Hey! Ano na? Bakit ang bagal mo?" bulyaw ni Jade mula sa unahan.
"Sorry. Ito na." Napatakbo si Adam papunta sa kasama niya habang nakatulala naman sa kanya si Noah mula sa baba.
Matapos ang kalahating oras ay natapos na silang apat sa mga ginagawa nila. Paakyat na ng hagdan sina Noah at Bien dala ang mga pinaxerox nila. Samantalang, tapos narin sina Adam and Jade sa paghatid ng mga dyaryo sa taas. Sa hagdan ay nakasalubong silang apat. Natigilan si Adam pagbaba nito, gayundin si Noah sa pag-akyat.
"Bien, puwede bang ikaw na magdala nito sa room? May kailangan lang akong asikasuhin," saad ni Noah habang itinuturo ang classroom nila na ilang hakbang na lang.
"Sure!" sagot ni Bien.
Biglang bumaba si Jade. "Class Press, tulungan na kita diyan. Adam, tara!"
"You go ahead. Kailangan ko ding mag CR," sagot ni Adam kay Jade.
Naiwan silang dalawa sa hagdan. Agad na hinatak ni Adam si Noah papuntang top floor kung saan walang dumadaang tao at halos gawin nang bodega ng buong school.
"What's your problem?" naiinis na tanong ni Adam sa kasintahan nito.
"Nye nye pyobyem," sagot ni Noah habang nag-aasal bata. Ang mukha niya ay nagma-make face habang ginagaya ang tanong ni Adam. Naiinis pa rin ito sa pagyaya ni Adam ng meryenda kay Jade kanina. "Wala! Ikaw, anong problema mo?"
"Huwag ka ngang nagmamake face. Mukha kang ewan," pabalang na sagot ni Adam. Naalala nito ang pagdikit ni Noah kay Bien kanina at ang pag-amoy nito sa leeg ng kanyang nobyo. Mabilis na nag-init ang kanyang ulo. "Bakit mo nilalandi si Bien?".
"Nye nye nye make peys. I can make a face anytime I want. Ikaw, bakit mo nilalandi si 'Crush'?"
"Ikaw ang nauna. Bakit mo biglang inakbayan si Bien kanina?"
"Ikaw kasi, gusto mong..."
Nagtatalo silang dalawa nang biglang lumitaw si Mrs. Aguilar mula sa pasilyo. "Hoy! Bakit kayo nag-aaway diyan?" saway nito. Natigilan silang dalawa dahil sa pamilyar na boses ng science teacher nila. Mabilis na umaakyat si Mrs. Aguilar at nakita sila na magkaharap sa isang sulok ng bodega. "Nako, kung hindi ko lang kayo paboritong dalawa, pina-guidance ko na kayo. Huwag kayong mag-away! Get back to your room! Dali."
Agad na bumaba ang dalawa at nagmamadaling pumasok ng classroom. Nag-uunahan pa silang pumasok sa pinto. Nagtutulakan silang dalawa dahil hindi sila magkasya sa pintuan. Huli na nang mapansin nilang nakatingin sa kanila ang buong klase.
"Ayeeeeee!" sabay-sabay na saad ng buong Section 1.
Biglang sumingit si Ethan. "Sabi na, eh. Kayo na, ano?".
"Pre, hindi ka nagkaka....Aray!" Hindi natuloy ni Adam ang pag-amin nito nang bigla siyang kurutin ni Noah mula sa likod.
"Muntikan lang naman kasi kaming pagalitan ni Mrs. Aguilar dahil sa kaengotan nito," singit ni Noah. Nakabusangot ito halatang napipikon na kay Adam.
Ang sama ng tingin sa kanya ni Adam habang kinakamot ang likod nito. "Anyway, ano ang pinagpupulungan ninyo?" tanong ni Adam.
"Sige, for their benefit, ulitin ko, ha," tugon ni Bien. Muli nitong nginitian si Noah. "Sige guys, upo muna kayo." Nang nakaayos na ang lahat ay pinagpatuloy na ni Bien ang meeting nila. "So, this is about our Christmas Party. Napagpasyahan naming mga officers na huwag dito sa school gawin."
Tahimik na nakikinig ang buong klase ng biglang sumingit ang grupong G.A.S.
"A-atend ba tayo ng concert?" tanong ni Grace. Nakangiti ito sa kanyang kinauupuan.
"Ipapa-book n'yo ba ang Araneta?" dugtong ni Angelica.
"Baka naman ang lame karaoke sessions ninyo na naman?" saad ni Steffanie habang kinakalikot ang make-up niya. "Yuck, so baduy."
"Pinagsasabi ninyo diyan. Iyong blog ninyo ang baduy," kutya ni Zorhan. Nagtawanan ang buong klase.
"Guys, guys, settle down," muling pakiusap ni Bien habang tinutuktok ang pisara. "Okay ang suggestion ng GAS este, The Friendships. Pero we have something better. Sky, halika dito."
Marahang naglakad si Sky paputa sa harap habang nakatitig sa kanya ang mga kaklase nya. Malumanay itong nagsalita. "So, this will happen on the first Weekend of December." Biglang nagbulungan ang mga kaklase nito.
"Weekend, so overnight! OMG!" tili ni Grace.
Agad siyang sinaway ni Vincent. "Teka lang patapusin ninyo muna."
Muling nagsalita ang mahiyaing si Sky sa harapan. "We have a beach house in Batangas. I would like to invite you all there for our Christmas party. Wala na kayong babayaran, transpo nalang." Nagsigawan sa tuwa ang buong klase.
"Sis! I'm gonna be wearing this and that..." Hindi na magkandahumayaw si Angelica sa mga nalaman niya.
"Nako, magpipictorial nanaman tayo doon. Kaloka." dagdag naman ni Steffanie.
Muling pumunta sa harap si Bien. Masaya itong makita ang reaksyon ng buong klase. "So is everyone coming?" tanong nito.
Umoo ang lahat maliban kay...
"Ako, I can't come. Kayo na lang, hindi kasi ako papayagan ng Uncle ko," sagot ni Adam. May lungkot sa boses nito.
Biglang napalingon si Noah sa boyfriend niya. Naisip nitong marahil natatakot na naman itong sumpungin habang nasa ibang lugar. "Hey, what are you doing? It's gonna be fine. I'll be there. I will..." saad ni Noah.
"Shut up! I'm not talking to you!" pabalang na tugon ni Adam bago pa matapos si Noah ang sinasabi nito.
Nagulat si Noah sa inasal ni Adam. Marahil galit pa rin ito dahil sa mga ginawa niya kanina. Pero iniisip pa rin ni Noah na mas malungkot kung hindi niya makakasama ito sa party. Muli siyang humarap kay Bien at nagsalita. "Ako Bien, sasama ako. Magdadala ako ng gitara, dalhin mo si Roxas ha tsaka..."
Biglang na namang natigilan si Noah nang bigla itong kalabitin ni Adam. "Nang-aasar ka ba talaga, Noah?"
"Shadap I'm not towking tu yu!" saad ni Noah habang nag ma-make face kay Adam. Muling humarap si Noah sa mga classmate nya. " At saka guys, patulong sa pagpahid ng sunblock sa likod, ha?"
Nagtilian ang mga classmates nitong babae. Sa likod ni Noah ay ramdam niyang umuusok na naman ang ilong ng kanyang nobyo. Biglang nagsalita ito. "I changed my mind, sasama na pala ako!" sigaw ni Adam. Napangiti si Noah habang nakatalikod sa kanya.
"Alright, that settles it. Pag-usapan ninyo na lang sino ang mga magkakasabay lalo na ang may mga kotse. See you all in Batangas!" saad ni Bien.
Matapos ang klase ay sabay na umuwi si Adam at Noah. Hindi parin nila kinikibo ang isa't isa. May pagdadabog sa mga bawat nilang kilos at may pagtatampo pa rin sa kanilang mga tinginan. Sabay silang pumasok sa mga kwarto nila at pareho nilang binagsak ang kanya-kanyang pinto.
"That toddler!" sigaw ni Adam.
"That idiot!" bulyaw ni Noah.
Sabay nilang sinabi ang mga ito habang nakatitig sa kani-kaniya nilang kisame.
***
Maghahating gabi na at hindi pa rin makatulog si Adam. Iniisip niya ang napakawalang kuwentang pagtatalo nila sa school.
"Hay nako, Noah. Kung hindi lang kita mahal," bulong nito. Tumayo si Adam at sinuot ang mga tsinelas nito. Napabuntong hininga siya habang papalabas ng unit upang kausapin si Noah. Laking gulat nito nang makasalubong rin niya si Noah na pakatok na sana sa pinto niya. Nagkatitigan silang maigi bago sila magsalita.
"Sorry," sabay nilang sambit. Sabay silang humingi ng tawad sa isa't isa.
"Papunta na rin ako sa iyo actually," pagtatapat ni Adam.
"Adam, can we talk?" tanong ni Noah. Makikita ang kaba sa mukha nito. Pinapasok ito ni Adam at pinapunta sa kwarto. Magkatalikod silang nakaupo sa kama. "You don't have to come to the party if you don't want to" sabi ni Noah.
"Pero paano ka?".
"I won't go. Sasamahan na lang kita rito."
Nalungkot si Adam sa sinabi nito. Naisip niyang ayaw niya ng ganoong relasyon. Hindi niya gustong napipilitan lamang si Noah dahil sa kanya. Dahan-dahang gumapang si Adam upang yakapin si Noah mula sa likod. "No, it's okay. Gusto ko talagang sumama pero natatakot lang ako," saad ni Adam habang nginungudngod ang kanyang mukha sa leeg ng kanyang nobyo.
Hinawakan ni Noah ang mga kamay ni Adam bago ito sumagot. "I'll be there with you. Kung kailangan kita hawakan all throughout, gagawin ko. Also, sorry I was so childish kanina. Ako naman talaga ang unang nang-asar."
"Inasar mo ba ko dahil doon sa sinabi ko about sa Batanes?" tanong ni Adam.
"Oo, tingin ko kasi hindi magandang ideya ang pagpunta mo roon."
Napabuntong hininga si Adam. "Pero before I can time travel to a place, kailangan puntahan ko muna iyon by foot," giit nito.
Napaiisip si Noah. "I know. Rule number 2. All versions of you can only time travel to places you've personally been to. Like your 5-year-old self for example. Nakapunta siya rito kasi ang future versions niya, nakarating na rito by foot. Parang na- register na rin sa kanya ang lugar na ito," paliwanag ni Noah.
"So? Bakit ayaw mo akong papuntahin sa Batanes?" usisa ni Adam. May lungkot sa tono nito. "At some point, hindi ba kailangan ko pa ring pumunta sa Batanes para maregister din iyon? So any of my versions can time travel there."
"Yes, that's correct," pagsang-ayon ni Noah. Natatakot na ito sa patutunguhan ng usapan nila.
Sinimulan itong halikan ni Adam sa pisngi. "So, what's wrong with that... Bakit ayaw mo ko papuntahin sa Batanes?"
Ilang segundo bago sumagot si Noah. "To be honest, I don't know. I just have a gut feeling you should never be there."
"Eh di hindi kita makikilala. Hindi mangyayari lahat ng kuwento mo,"giit ni Adam. Bigla itong umayos ng puwesto at tinabihan si Noah. Nakatitig ang mga bughaw nitong mata kay Noah na tila nagmamakaawa. "Can we just leave our feelings in this room?"
Sinimulan niyang halikan si Noah sa labi. Parang isang bata rin na sunod-sunuran si Noah na nakipaghalikan sa kanya. Ang isang kamay ni Adam ay dahan-dahang pumupunta sa ilalim ng unan upang kunin ang isang bagay. Biglang natigilan si Noah sa ginagawa nito at napalayo sa labi ni Adam.
"Woah! That's too close. Way too close!" natatawang saad ni Noah. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig.
Nadismaya si Adam sa reaksyon nito. Napasandal siyang muli sa uluhan ng kama. "That's so unfair. You've done it with my future version, why not with me?" giit ni Adam.
"Because, it's not your time yet," sagot ni Noah. Nagsisimula na namang maasar ito sa mga sinasabi ng kanyang kasintahan. "And about that, I guess it's a perk of a time traveler's boyfie."
Nakangiti pa si Noah habang unti-unting iniiwan si Adam sa kwarto. Nagpaalam na ito at tuluyan na ngang iniwan si Adam sa kama niya.
"Hay, bakit ko ba iniwan sa sarili ko ito?" tanong ni Adam. Napabuntong hininga ito. Muli na namang siyang nakatingala sa kisame habang hawak-hawak ang condom kasama ang note na nakita niya sa kwarto ni Noah dati. "Kelan kaya kita magagamit?"
***
Year: 1998, Batanes (Past)
Nakatitig si Adam kay Noah sa ilalim ng puno habang tumutugtog ito ng violin. Walang pagsidlan ang puso nito habang namamangha sa batang bersyon ng kanyang nobyo.
"You look so cute," bati ni Adam habang binibigyan ng malaking ngiti si Noah. Nagsimulang mamula ang malalambot na pisngi ng batang kausap niya.
"Huwag mo po kasi akong panoorin, nahihiya ako," bulalas ni Noah. Mabilis itong tumalikod habang tinatakpan ang kayang mukha.
"Paano ka masasanay magperform sa stage niyan kung sa akin palang nahihiya ka na?"
"Basta, kasi! Doon ka tumingin sa dagat!"
Ginaya ni Adam ang sinabi nito habang naka-make face.
"Batya tasi! Dun tsa tuminin ta dadat!" tukso ni Adam na may kahalong halakhak.
Napaharap si Noah sa kanya. "Kuya, anong ginagawa mo sa mukha mo? Mukha kang tanga."
"Nag-mamake face," giit ni Adam habang patuloy lamang sa paglaro sa mukha nito.
Napakamot sa ulo si Noah dahil sa itsura ng binatang kausap niya. "Sabi ni Dad, masama raw iyan. Para kang isip bata."
Lalong natawa si Adam dahl sa sinabi nito. Naalala niya kung paano siya laging tuksuhin habang naka-make face ng nobyo niya sa kasalukuyan "Hala, kahit lagi mo kong ginaganyan sa pinanggalingan ko? Malamang natutunan mo lang din iyan kung kanino," pagdadahilan nito habang abot tainga pa rin ang kanyang mga ngiti.
Nakatitig sa kanya si Noah. Seryoso na ang itsura nito. "Sayo ko lang unang nakita iyan! Kapag ginawa ko iyan sa future, sisihin mo ang sarili mo!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top