Friends na sila?
"YOU have to be the champion, Erian."
I let out a long sigh. Iyon ang pambungad sa akin ni Mommy sa kabilang linya. Mabigat ang loob na binaling ko ang pansin sa kabahayang nadaraanan namin.
Seven AM at maluwag pa ang trapiko sa city proper. Mangilan-ngilan pa lang ang sasakyan sa kalsada. Pero siguradong bibigat iyon anumang oras dahil magdaragsaan ang mga papasok sa trabaho at eskwelahan.
Nanatili akong tahimik. I waited for her next words.
"Isipin mo ang gastos ko sa private tutoring sessions mo. Sayang 'yon kung second o third ka lang."
Napapikit ako. Her attempt to jinx my competition with that comment infuriated me. Naghanda ako rito. Hindi rin ako tanga para magpatalo.
I was the defending champion for four years. I couldn't let anyone take the seat from me.
"I know, Mom," naiirita nang saad ko.
"Nire-remind lang kita."
I rolled my eyes. Narinig ko na iyon nang maraming beses kagabi. Bago siya umalis para sa seminar na dadaluhan, ilang ulit niyang pinagdiinan iyon.
"Alright, I need to go. I won't be home until tonight kaya dumeretso ka na sa Veniz pagkatapos ng competition. Naayos ko na ang reservation mo ro'n."
Good riddance! sa isip-isip ko.
Ilang minuto pa narating namin ang venue ng contest. Pagbaba ko ng sasakyan punong-puno na ng hindi magkamayaw na estudyante, coaches at supportive parents ang entrance ng Pines City National High School.
Sinuot ko ang official ID ng mga contestant para sa National Science Quest at taas noong pumasok sa gate.
"Hi, Erian!"
Kunot-noong lumingon ako sa tumawag sa akin. Tumikwas ang kilay ko.
He smiled from ear to ear, as if we were close. He wore his signature round-framed glasses. He had his gray hooded jacket, as usual. He paired it with his black slacks and white sneakers.
Tinuloy ko ang paglalakad. Wala akong panahon kausapin siya.
"Sumali ka pala ulit? Sa Sci-Math Quiz Bee ka pa rin?"
I zipped my mouth and kept walking. Pero humabol siya at nagpatuloy sa pag-uusisa
Gosh! Can't he just get lost?
"Good luck pala. Sana ibalato mo na sa 'kin ang first place. Lagi na lang akong second, eh."
Kuyom ang mga palad na hinarap ko siya. Lalong nagliwanag ang mukha niya—which irritated me the most.
"That won't happen kaya p'wede ba, 'wag mo 'kong kausapin? I'll never lose to someone like you."
Ngunit hindi siya natinag. Malawak siyang ngumiti. "Sakit mo pa ring magsalita, pero okay lang. Fighting sa 'tin!"
Marahas akong nagbuga ng hangin saka siya tinalikuran.
જ⁀➴
"I TOLD you to do better, Erian! Bakit natalo ka?"
Nag-e-echo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Mommy kaninang tawagan niya ako. I lost to that guy from Pines City NHS. Kahit sa team category second lang ang Saint Claire Learning Academy.
Parang gumuho ang buong mundo ko sa resultang nasa tally board. Hindi ko matanggap na natalo ako ng mga taga-public school!
Masama ang loob na agad kong nilisan ang venue. Tinungo ko ang Session Road at naglakad-lakad do'n para kumalma ang sistema ko. Paakyat na ako sa SM Baguio nang makitang nalaslas ang bag ko at malas na natangay ang wallet ko!
I was on the verge of crying when Rance Salcedo saw me. Pinaglalaruan ako ng tadhana! Sa lahat ng taong puwedeng makasaksi sa kamalasan ko, siya pa! Tinakbuhan ko si Rance pero hinabol niya ako hanggang sa veranda ng SM Baguio.
"Here. Pampakalma."
Atubiling binalingan ko siya mayamaya. Tangan niya ang dalawang cup ng ice cream. Iyon pala ang binili niya kaya siya nawala saglit. Palibhasa hindi ko pinansin nang magpaalam kanina. Wala akong balak na kausapin siya.
Hindi ko iyon inabot pero kinuha niya ang kamay ko at pinahawak ito sa 'kin.
"Masarap 'yan. Try mo," sumubo siya sa sariling cup.
My mouth moistened at the sight and aroma of the delicious strawberry ice cream. Damn, it was my favorite!
"Gusto mo sigurong ibato sa 'kin 'yan." Malapad siyang ngumiti. "Pero 'wag, sayang."
"Why are you doing this?" natanong ko. Napapabuntong-hiningag tumanaw ulit ako sa kawalan.
"Because I wanted to help you?"
"I didn't ask you to help me!" I snapped.
"No, kailangan mo. Your eyes won't lie. Saka mag-isa ka kanina sa Session. Hindi mo ba alam na lalong nakakatakot do'n kapag ganitong maraming tao?"
"It's very kind of you." Inirapan ko siya.
Tumawa siya. "Aliw talaga 'yang pangre-real talk mo. Pero gets kita. Kahit ako rin siguro maiinis kung ang taong tumalo pa sa 'kin ang makakakita sa kamalasan ko."
Bumangon ang inis sa puso ko. Ano'ng gusto niyang sabihin? Ipinamumukha ba niyang talunan ako?
I was about to give him a taste of hell when he continued talking.
"I want to tell you to just move on and accept it but for sure, 'di mo gagawin. Gan'yan din ako dati. Pero alam mo kung ano'ng natutunan ko kapag natatalo ang Pines City?" Mataman siyang tumitig sa 'kin. "Acceptance, advice 'yan ni Mama. Hindi naman talaga ang pagkapanalo ang higit na importante, eh, it was the experience. At least binigay ko ang best ko at alam kong hindi ako nagkulang."
Napaamang ako. Kailan ba ang huling beses na tinanggap ko ang pagkatalo? I couldn't remember. Madalas tinatatak ni Mommy sa isip ko na dapat lagi akong nasa taas, laging number one.
Yet here he was, asking me to accept things the way they were.
"Alam kong iniisip mong ang kapal ng mukha ko para sabihin 'to. Pero totoong makapal ang mukha ko kaya lubus-lubusin ko na. Saka hindi kita pipiliting gawin ang sinabi ko. Buhay mo pa rin 'yan." Masuyo siyang ngumiti.
Ilang sandaling nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa tumunog ang cellphone ko. It was Manong Joey. Nasa entrance na raw ito ng SM kaya naglakad na ako patungo roon. Sumunod pa rin si Rance.
Binalingan ko siya bago ako sumakay. Inabot ko ang hawak kong phone.
"Bakit?"
"Enter your number," tipid kong saad.
Kunot-noong tinitigan niya iyon bago tumalima. Walang imik na iniwan ko siya pagkatapos.
Ilang minuto nang tumatakbo ang sasakyan nang mapatingin ako sa tunaw nang ice cream na bigay ni Rance. Hindi nag-isip, nag-type ako ng message.
Thank you...
It wasn't long until I received a response from him.
Sheesh! You're welcome!
Matagal na sandaling nakatunghay lang ako sa reply niya habang nakapaskil sa labi ko ang isang tipid na ngiti.
.☘︎ ݁˖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top