Flight 1.19.5 - Dewpoint

Dewpoint

Dewpoint is the temperature to which air must be cooled at constant pressure for saturation to occur. It is one important keynote to remember during weather briefing; hence, it is part of the hourly weather report Meteorological Aerodrome Report (METAR) for each aerodrome.
Below is an example of a METAR for Manila (RPLL) with the dewpoint being on bold:
RPLL 171200Z 21004KT 9999 SCT180 BKN210 29/25 Q1006
Decoded: Meteorological Aerodrome Report for Ninoy Aquino International Airport on the 17th day of the month at 2000LCL. Wind is blowing from 210 at 4 knots. Visibility is 10 km or more. Ceiling is scattered at 18000 ft and broken at 21000 ft. Temperature is 29 degrees Celsius. Dewpoint is 25 degrees Celsius. QNH is 1006 hPa or 29.71 inches of Hg.
It is assumed that once the temperature and dewpoint is equal or close to equal, it means that precipitation is to be expected or it is already raining.
*For an in-depth explanation regarding METAR and Dewpoint, see: FLIGHT PLAN's AUTHOR'S NOTE: METAR a.k.a. the life-saving weather report.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Preceded by: FLIGHT PLAN Flight 19 - Thunderstorms

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

SUMMARY:
Nikolai was on his way home when his father contacted him about the sudden return of his older brother to the Philippines, and this news was unsettling.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Nikolai's POV

Noong nalaman nila Papa at Mama na napagdesisyunan ko na mag-stay sa Manila every weekend kaysa sa Bulacan, alam ko na hindi sila kokontra. After all, they are used with me having the one in control of my schedule. They know that I enjoy staying in Manila than sa Bulacan, all because most of the family are also in the city where the business is. And also, alam nila na ang tinutukoy ko sa Manila ay 'yong condo ko na malapit sa UST.

Alam nila na madalas nagkakaroon ng yayaan na activities ang mga ka-tropa ko; and to assure them of their troubles, I decide that I'll only spend Friday night doon. Then Saturday evening sa bahay namin sa Forbes, kung saan nag-stastay si Mama upang samahan ang little sister ko na nag-aaral sa may BGC, all because of an agreement that she'll be staying here bago mag-senior high abroad. (Iba talaga siguro ang charm ng bunso, samantalang kami ni Kuya ay walang choice kung hindi sumunod back then.)

Pero hati naman ang opinyon nila noong sinabi ko na napagdesisyunan ko rin na sumabay sa mga ka-batch ko pauwi. Ang dami kaagad na tanong kung sino ang magdadala ng sasakyan, sinu-sino ang makakasama, saan ako bababa, anong mangyayari after ko makarating ng condo, ano ang magiging trabaho ng security ko, and all that. And after that conversation, alam kong nagpa-background check pa si Papa tungkol sa mga makakasama ko.

I know. Well, nasangkot niya once sa usapan namin na ang papa ni Phoe is working for the Ayala family as one of their project directors. And that, looking on their old records, nag-apply din about a year ago si Mr. Bonifacio sa VGC. Nauna lang ang Ayala to accept his employment. And knowing my father's mind in things such as this, it means business. Alam ko na naging thorough ang background check na rinequest niya for Phoe, since nabalitaan din nila na though walang kaso sa kanila ang pag-invite ko sa mga ka-batch ko na mag-dinner sa condo, it caused raise eyebrows from him and kay Mama na malaman na ang nakakasama ko sa sasakyan is none other than but Phoe.

"I am not hinting or saying anything," naalala kong sabi ni Papa noong inamin niya na mas naging in-depth ang search niya sa mga Bonifacio compared sa families nila Sage, Leo and Carina. "But Miss Bonifacio came from a rather 'engineering' family. Her father is a successful civil engineer, easily climbing the ranks within the Ayala company in just a year. I even heard that Consunji actually doesn't approve of his resignation at first. Her brother is the top 3 board passer in mechanical and the topnotcher in aeronautical. I heard that even her cousin is a mechanical engineer passer. And there's Miss Bonifacio, pursuing to be a pilot. If you show interest on her, I will not mind. After all, her family's reputation is currently very stable, and filled with bright innovations for the future. Love comes unexpectedly just as it had been for me and your mother. And happiness in love equates success."

Noong narinig ko iyon, hindi ko alam kung anong game ang binabalak ni Papa. Knowing him all my life, I know how that critical business mind he has works. But then, also knowing how star-crossed ang romance nila Papa at Mama, I know that he is also a romantic. And 'di na nakakagulat na supportive si Papa, sa halos lahat ng babae na nai-involve sa akin; though sabi naman ni Mama ay gusto lamang akong mapasaya kahit na against talaga sila sa mga past relationships ko. And kahit na wala naman akong iniintroduce sa kanila personally ni Mama.

Ayaw naman ni Mama na sumabay ako. Mas gugustuhin niya na magpa-drive na lang ako sa bodyguard ko, if ever. Si Papa naman, payag; basta may bodyguard na nakaantabay pagdating ko sa may tapat ng UST. In the end, no need to guess who wins.

It is supposed to be a usual Friday. What to expect, traffic mula pa lang sa Paso de Blas. Gapang na hanggang makalabas kami sa may Cloverleaf at 'yong majority ng sasakyan ay EDSA ang dadaanan. What I do not expect is ang may tumawag sa akin.

Kinuha kaagad ni Sage ang phone ko at pinakita sa akin kung sino ang caller. Sabi niya, "Pa."

Tumango ako, sinagot ang tawag at pinatay ang radyo. Clearly unexpected, since alam ko na nasa US siya ngayon. I say, "Pa." Bahagya akong napangiti pagkatingin ko sa oras na ngayon dito sa Pilipinas. "Good morning. Kumusta ang flight?"

"Nikolai," mahina niyang sagot. "Pauwi ka na today, right? Do you have any idea anong binabalak ng kuya mo? Did he even messaged you na uuwi siya diyan sa Pilipinas? Out of all possible times, he had chosen the moment that I was also in a flight."

I freeze for a second. Prinoprocess pa ng utak ko 'yong biglang dagsa ng tanong niya sa akin. Wala namang issue between kay Papa at kay Kuya, but then, we all know that Kuya has the most impulsive tendency. I gulp in hard and answer, "Pa... wala akong natanggap na message kay Kuya na uuwi siya."

"If you can reach him, please ask him why. And, pag-uwi mo sa condo, magpasama ka sa security. Dmitri's actions could trigger something from the public. Or rather, nag-trigger na. I received a report na nasa Facebook ang leakage ng pag-uwi niya. Trending even in Twitter. All of them asking what caused him to return without prior notice. So, better be with a bodyguard. Better be safe than sorry."

"I will, Pa." Naiintindihan ko 'yong pagiging protective ni Papa. He'd been keeping us from the public ever since we were born. Ayaw niya 'yong mga publicity stunt. He wanted us to live as normal and ordinary as possible, just plus the wealth. "Sa may UST na lang ako magpapa-pick up sa kanila. May kasama pa ako hanggang doon."

"Just laylow, okay? I'll have the PRs address the issue, too."

"Pa, please. Mas maingat ako. And also, mas kilala si Kuya kaysa sa akin. I'll be safe." I smile softly. "Don't worry. I'll call you kapag kasama ko na si Lucas or na-contact ko na si Kuya..."

"Okay. Stay safe. Love you, 'nak."

"Okay. Love you, Pa."

After waiting for him to drop the call, I sigh heavily and turn on the radio another time.

"Bakit biglang napatawag si Mr. Verano?" mahinang tanong ni Sage pagkatapos ng ilang segundo. Straight to the point, pero halatang nahihiyang itanong.

Inisip ko pa muna if sasabihin ko ba or hindi. Pero, narinig nila 'yong side ko ng conversation. What else is there to hide? For sure na malalaman din nila one way or another.

I answer, "Problema na naman kay Kuya. Bigla raw umuwi ngayon. Magaling maghanap ng timing. Talagang sa panahon na alam niyang nasa flight si Papa at sinabayan niya ng uwi sa Pilipinas. Wala sanang magiging problema, kaso may isang netizen ang nagpost sa Facebook na bigla-bigla raw umuwi si Kuya. So trending topic na naman kung bakit, after ng matagal niyang stay sa London para sa course niya. Kaya iyon, init na naman ng ulo ni Papa."

If there's one thing that I know of my father, kahit cool-headed siya magsalita, alam kong galit and naiinis na siya. But also, nandoon pa rin 'yong concern na hindi niya maiwasang itago.

"Sinabi mo na sa UST na...?" dagdag na tanong ni Sage.

"I-memeet 'yong bodyguards ko sa Manila. Walang mag-eexpect na after this, mas gugustuhin kong mag-stay sa condo. Mas dudumugin 'yong sa Bulacan o 'yong sa Makati. Hangga't walang linalabas na formal reason kung bakit... iyon," I answer.

"Well," biglang nagsalita si Phoe sa may passenger seat sa likod. Katabi niya sila Carina at Leo na mahimbing pa rin ang tulog. "May idea ka ba kung bakit bigla-biglang umuwi ang kuya mo?"

Nagkatugma naman ang mga mata namin sa rearview mirror at bahagya akong napalunok noong inamin ko ang totoo. "To be honest, wala akong idea kung bakit."

☆ ☆ ☆

Ibinaba kami ni Sage sa usual na binababaan namin. Bago ako lumabas ng sasakyan at siyang si Sage na ang papalit sa pagmamaneho, ay sinuot ko muna ang jacket ko. Sinarado ang zipper at sinuot maging ang hood. Ang ayaw kong mangyari ngayon ay may makakilala sa akin sa lugar na ito ngayon. Hindi dahil wala 'yong mga bodyguards ko, but kasama ko pa sila Phoe. The last thing I want to happen is mainvolve sila sa problema ng pamilya ko.

Habang nag-aabang kami ng UV na masasakyan ay naging malikot ang paningin ko. Nag-aabang na may mga media or baka may makakilala sa akin, iwas na rin na magkatama ang mga mata ko sa isang stranger na biglang mamukhaan ako. Lalo na mainit ang mata ng tao sa prisensya ni Kuya ngayong nasa Pilipinas.

Mabuti na lamang at madali kaming nakahanap ng masasakyan. Since van ang may available na four occupants and sa likuran pa na walang sakay, doon kami pumwesto. Tinabihan ko si Phoe; samantalang nasa tapat namin sila Carina at Leo. Noong masigurado namin na walang nakapansin sa amin ay tinanggal ko ang hood ko at tinawagan kaagad si Lucas, siyang bodyguard ko kapag nasa Manila.

Kaagad na sinagot ni Lucas ang tawag ko. And in cases like this, we have our own jargon.

Ngumiti ako. "P're, confirm ko lang 'yong gala ng tropa."

To be honest, naging direct ako sa statement na iyon. And it is one na madalas kong mababanggit, and nothing out of the ordinary. Basically, Lucas already knows what it means. Na ang naging sagot niya sa akin ay kung ano ang update regarding sa nangyayari and ano ang mga actions na ginagawa nila ngayon. Completely malayo sa supposed to be normal question sa RSVP.

Nagtagal pa ang pag-uusap namin hanggang maibigay ni Lucas ang lahat ng detalye sa akin. Na nag-aabang na sila sa may UST para sa akin, and they've already secured the area from there patungo sa condo na free from any possible lurking media.

Noong natapos 'yong call at ibinalik ko ang phone ko sa pocket ko, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakabalot ng jacket ko sa akin at agad na napansin na may ibang amoy pwera sa nakasanayan kong pagkakalaba. A very light, smooth and silky smell. Like some traditional lily flowers. Naalala ko bigla na ito 'yong jacket na pinahiram ko kay Phoe.

Does she loved lily flowers?

I smile, lalo na noong inamoy ko ang kwelyo ng jacket at tama nga na amoy lily; compared sa usual scent ng perfume ko. And napatingin ako kay Phoe na nakatitig sa akin.

Bahagyang namumula ang mga pisngi niya at lalo kong napansin na talagang maganda siya. Ganda na natural kahit hindi masyadong mag-ayos. Simple at naiiba.

My smile widens and I wink at her. Just on time for me to realize na nasa may UST na kami. Pinara ko ang van, at bago bumababa ay nagpaalam ako sa kanila at sinabihan na mag-iingat sila.

Pagkababa na pagkababa ko lamang ay nandoon na kaagad si Lucas. Nakadamit siyang katulad ng sa akin. Well, plans like this involved all of my stationed bodyguards to wear the same clothes as I do. Not to mention, maging sa backpack na dala niya is almost identical ng sa akin. Difference is 'yong laman sa loob. It is in times na kailangan namin i-evade ang nagbabadyang media, it will be easier.

"Sir Nikolai," kaagad na bati ni Lucas sa akin. "Hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin naming ma-contact si Sir Dmitri. Maging ang mga bodyguards niya ngayon ay pinaghahanap siya."

"Kakaiba na hindi nila mahanap si Kuya, pero nagawang mahanap ng mga netizens at ng media," may pagka-sarcastic kong sagot habang maingat kaming naglalakad patungo sa direksyon ng condo ko.

"Sir, ang masasabi lang namin tungkol doon ay pinagplanuhang maigi ni Sir Dmitri ang pag-uwi," sagot ni Lucas. "Na parang ayaw niyang mahanap ng sino man."

I gulp in hard, praying that it isn't the case.

☆ ☆ ☆

Sanay na ako sa mga antics ni Kuya. Basically every plan niya ay madali ko lamang nabubuking; kaya sa akin kaagad siya pinapahanap kapag biglang naging out of service siya. Hindi rin naman ito ang first time na bigla-biglang umuuwi si Kuya, pero ito 'yong unang beses na hindi ko talaga siya ma-contact. Or if ever man, siya 'yong humihingi sa akin ng tulong para magtago kala Papa at Mama.

Kuya: Condo ka?

It was April 2015. The last time na naging biglaan ang uwi niya mula London. Compared to me na piniling mag-continue ng pag-aaral sa Pilipinas after spending high school sa Switzerland, my brother took the opportunity to take the longer route of education para makapasok ng university abroad. So, despite our five year gap, ngayon pa lamang siya pa-graduate, at ako naman ay patapos na sa first year ko ng college.

I sighed heavily for the nth time since nasabihan ako na umuwi si Kuya at alamin ko na naman ang dahilan kung bakit, dahil hindi magawang mapiga nila Papa at Mama ang rason. I texted down, walking on the way pabalik sa unit after a whole day of classes.

Me: Mukha ba akong condo unit?

Kuya: Hahaha Fou.

Ako pa ito ngayong baliw?

Kuya: Panigurado na alam na nila Papa kung nasaan ako. Pauwi ka na ba? Kating-kati na ako mag-smoke.

Me: Maghintay ka. Papunta na rin ako ng Lavera. Be there at ten.

And true enough, it was only him. Visibly fresh from the airport with only a backpack with him as he stood outside my condo unit waiting for me to make it. He chuckled upon seeing me and immediately crushed me to a hug, before shoving me to the door and ordering to open it up at once.

Classic Kuya.

Right after unlocking the unit, he immediately strode in as if he owned the place. He settled on the sofa sa living room, dropped his bag at kinuha kaagad ang isang stick ng sigarilyo. Dahil naman doon ay kaagad ko binuksan ang sliding doors leading to the balcony bago naman ibinaba ang bag ko at naupo sa pinakamalapit na armchair.

"Hmm?" Alok ni Kuya sa akin sa box ng sigarilyo, at hindi naman ako nagdalawang-isip na kumuha rin. Naiistress pa rin ako sa pagiging babysitter ng mas nakakatanda kong kapatid. "Kumusta ang Pilipinas?"

"Kung tinutukoy mo na Pilipinas ay ang pamilya, well, everyone's doing well," I started. "Sila Papa at Mama nasa Forbes, 'di na ako magugulat kung susugod sila dito ngayong alam na nilang nandito ka. Kaya, kung ako sa 'yo, magparamdam ka na sa kanila."

"Ginawa ko na habang naghihintay ako sa iyo," he answered with a grin. "Si Baby Sis? Sila Lolo at Lola?"

"Si Yana nasa Forbes din. First year high school, at himala talaga na pinayagan nila Papa na dito muna siya mag-high school bago mag-senior high sa Rosey. Tapos sila Lolo at Lola naman ay nasa Bulacan. Minsan bumibisita sila sa Manila."

"Kumusta naman si Sophie?"

"Tatlong buwan na noong naghiwalay kami. Late ka na sa balita."

"Oh, mali pala. Si Alyssa, right? Liniligawan mo ngayon, ano?" He laughed at that. "Napakatinik talaga ni Baby Bro. Wala pang six months, may liniligawan ka na kaagad."

"Ewan. Nagkakamabutihan lang." I shrugged my shoulders. "Pero parang hindi pa siya."

"'Yong mga ganyang pakiramdam, madalas talaga totoo 'yan. Wag mo na ipakilala sa amin, kung ganoon lang. At..." Kaagad na kinuha niya muli ang bag niya at may hinalungkat sa magulong pagkakaayos. Maya-maya ay may kinuha siyang kahon at ibinato sa akin. "Gamitin mo 'yan, ha! Pero mas magandang malaman na hindi mo ginamit 'yan sa hindi mo 'The One'."

"Tangina naman, Kuya. Naniniwala ka ba sa ganoon? Tsaka..." Ibinato ko pabalik sa kanya 'yong kahon. "Hindi ba't mas kailangan mo 'yan kung ganoon? Ikaw itong paniguradong umuwi para kay Rica. Pinakilala mo na nga at sinabi mong 'The One' mo."

He crackled to a laughter at that. "Diyos ko, Kolya."

"Kaya kong i-control ang sarili ko. Sa ngayon, wala talaga. Ikaw na rin nga dati nagsabi, Kuya, na bigla-bigla na lang iyon dumarating. Whatever the case, I'll only be doing it with the woman I love and sure of. Because I don't want her to have any doubts that there had been another before her. I want to assure my future to only one woman," I remarked.

Tinitigan akong maigi ni Kuya, at bahagya naman siyang ngumiti. 'Yong ngiti na sincere and proud. Para bang ang laking achievement na marinig ang mga binitiwan kong salita para sa kanya. In the end, he said, "I know. I know you will, Kolya. Because that's the kind of man you are."

☆ ☆ ☆

Wala ako sa mood magluto ng dinner. Especially na pinipilit ko pa rin ma-contact si Kuya hanggang dumating sa point na napagtanto ko na either tuluyan na siyang nagsara ng phone or lowbat na siya. In the end, Lucas offered na bilhan ako ng dinner, at hindi na ako tumanggi sa kung anong binili niya kahit na fastfood.

Pagkadating pa lang sa condo ay napansin kong may dalawa ng bodyguard ang nasa loob upang manatiling nakabantay. Binati naman nila ako at sinabihan ko sila na maupo sa may sala kaysa na manatili silang nakatayo. Hindi naman din ako nagdalawang-isip na buksan ang TV upang malibang sila; pero hindi man nila hinawakan ang remote upang palitan ng channel, knowing na naghihintay rin ako ng balita.

Pero, nag-twelve midnight na and still no sign kung saan ang possible location ni Kuya. Ni isa ay wala pa ring makadetect kung nasaan siya. For sure, lowbat na 'yong phone niya. GPS won't work if that happens. Also, scouting areas kung saan siya huling nakita could be a tedious work, especially now na maging media ay mainit ang mata sa movements niya.

Sinabihan ako nila Lucas na matulog at babalitaan na lang kaagad kapag may natanggap silang balita. Pero, kahit noong nahiga ako sa kama sa loob ng kwarto ko, hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. Parang may bumabagabag sa akin at sinasabihan ako na huwag matulog. Kahit pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at hinayaan ang ilaw mula sa labas ang magbigay liwanag, at binitawan ang phone ko sa may bedside table, at pinikit ang mga mata... hindi pa rin. Wala. Walang katok mula kay tulog at antok.

Matagal-tagal din noong biglang may kumatok sa pintuan at agad akong napatingin sa direksyon ng katok. Sinundan iyon ng malalim na boses ni Lucas, medyo hesitant pa noong tawagin ako, "Sir? Sir Nikolai?" Noong hindi ako sumagot ay hindi nagdalawang-isip si Lucas na buksan bahagya ang pinto at 'yong ilaw mula sa labas ay pumasok sa kwarto, pero hindi ko siya makita ng lubusan lalo na't nakatalikod siya sa ilaw. Pero halata sa boses na kinakabahan siya. "Napatawag si Sir Prieto."

Prieto. As in si Efren Prieto? Kinabahan ako kaagad, sapagkat 'yon 'yong head ng bodyguards ni Mama, ha?

"Papunta raw sila ng St. Luke's, and sinabihan ako na dalhin raw po namin kayo roon, sir. Na-involve raw po sa aksidente si Sir Dmitri," dagdag niya.

Iba na kaagad ang pakiramdam ko. Parang kinilabutan ako bigla. Some unsettling feeling deep in my stomach na kaagad nagpabangon sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na magbihis kaagad, kuhanin ang jacket ko, at agad na sinundan si Lucas at 'yong dalawa ko pang bodyguard palabas ng unit at patungo sa naghihintay na sasakyan.

Mukhang alam na kaagad ni Dale—driver ko—kung saan pupunta. Na noong naupo ako sa back passenger seat at si Lucas sa may katabing passenger seat ni Dale, ay hindi nagdalawang-isip na tumungo kami kaagad sa direksyon patungo sa St. Luke's. Hawak-hawak ko ang phone ko, pero wala akong natatanggap na ibang tawag o text, at mas lalo lang akong kinabahan. Kahit balot na balot na ako sa suot-suot kong polo, pants, at jacket pa, ay ramdam ko ang lamig.

Is this the feeling they keep saying to be shivering in fear? Anxiety? Curiosity? Troubled?

Halfway, I finally gain the courage to speak up. I ask, medyo mahina, "Lucas, ano talaga ang nangyari?"

Hindi ako sinagot ni Lucas, at napansin ko na malapit na kami sa ospital. My patience seems to immediately vanish at once noong nakita ko na ang signage ng ospital at wala pa ring sagot si Lucas.

"Bloody hell, Lucas! Sagot!" I scream. "Ano talaga ang nangyari?"

Tumigil si Dale sa may entrance mismo ng St. Luke's, at nagmatigas akong hindi bumaba hangga't hindi sumasagot si Lucas. Sapagkat, hindi rin siya bumaba kaagad-agad, nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa akin o hindi.

Sa huli, sumagot siya after gulping in hard, "Car accident, sir." Medyo nauutal pa siya noong sinabi niya at biglang naglaho lahat ng pangarap ko noong dinagdag niya pa, "Dead on arrival. Wala na po si Sir Dmitri, Sir Nikolai."

☆ ☆ ☆

After three years of shadowing kay Papa, napagdesisyunan ni Kuya na mag-masters with International Management sa London for a year. Sinabayan niya rin ang naging desisyon ko mag-flight training after graduation, nauna lang siya ng ilang buwan at ako naman ay nagsimula noong November.

"So, wala ka bang binabalak ligawan ngayon sa mga ka-batch mo? 'Yong aabot naman ng nine months," giit ni Kuya pagkatapos niya bigla-biglang tumawa noong nagka-usap kami through Facetime just a week after ng welcoming ceremony.

That first week, umuwi muna ako ng Bulacan to recover my other things na dadalhin ko ng Pampanga; wherein most of it had been my unfinished paintings and sketches. To be exact, during this call, I was also working on with one that I've been started on throughout the time between graduation and the start of flight training—a random painting practice concerning expression of the eyes.

"'Yong masasabi mo na you've finally met 'The One'," he added, busy himself on the other end of simply watching me.

Napatigil ako saglit, paintbrush on hand, as I try to weigh his words and imagine how the past first week had been. I couldn't help myself smiling. "Hindi ko alam if it will work out. But, yeah, I've already met her. Hindi ko lang talaga alam sa kanya."

"Aba... That's new. After three past relationships." He chuckled to himself. "Anong pangalan ng magiging sister-in-law ko?"

I smirked and addressed the painting for a moment before dipping the brush to water and to the paint. "Ptichka."

"Nahiya ka pang sabihing 'moya zhena', at ang bilis na may nickname ka na kaagad para sa kanya. Talagang pumapag-ibig ka na nga ngayon. Sa ganyang lagay, sabihan ko si Ron na siguraduhin na may stocks ka na ng condom sa unit mo, sa wallet mo, at maging sa sasakyan mo."

"Hindi ba parang ikaw 'yong advanced masyado mag-isip, Kuya? I mean, isang linggo pa lamang kaming magkakilala."

"Eh, ikaw nga itong isang linggo pa lamang at may nickname ka na kaagad sa kanya. Hindi ka naman naging ganyan sa mga dati mong naging girlfriend. Pakilala mo na sa amin 'yan."

"Hindi ka naman uuwing Pilipinas pa. Magkikita rin ba tayo personally sa Pasko at Bagong Taon?"

"Negative about that. May thesis na focus over the holidays. Bisitahin mo na lamang ako dito sa London." Huminga siya ng malalim. "Tama nga sila Papa at Mama. Dapat kinuha ko na itong master's na ito pagkatapos ko grumaduate. Ang hassle tuloy na after three years, balik classroom ulit ako. Parang hindi ko na kaya ang maging estudyante ulit. Not to mention that... Let's be honest, napakaliit ng amor ko regarding things as this. Ibato ko na lang kaya sa iyo?"

"Ang sarap-sarap ng buhay ko being the second son, tapos gusto mong makipagpalit sa akin?" I scoffed. "Ayaw ko nga. Gusto ko rin mag-focus sa flying."

"At sa love life." He laughed, returning then back to the topic. "So... Sino nga talaga? Anong pangalan? Dali, stalk ko sa social media."

"The very reason kaya ayaw kong sabihin sa iyo. I protect love."

"Aba... May paganyan-ganyan ka pang nalalaman ngayon. Sabagay, sabi mo nga, she's The One. At para namang hindi mo na rin nai-stalk. Masama bang malaman ko na kung sino siya? Kailan ko pa ba siya makikita, ha? Not to mention that I want you to be happy, Kolya. Binalaan na kita kay Sophie back then na maghihiwalay kayo dahil LDR. Tapos maging 'yong kay Alyssa na sabi ko na paniguradong magpapabuntis sa kahit sinong lalaki, knowing about your perspective regarding sex."

Sinamaan ko naman siya ng tingin at that. Kailangan ko pa ba siyang i-remind na isa siya sa mga naging masyadong 'protective' over the matter as that? And panigurado talagang tumatak sa kanya 'yong sinabi ko sa kanya roughly three years ago regarding my vision of that form of intimacy being shared.

"And 'yong kay Charmaine. Baby Bro, halatang tropa lang kayo. Kahit noong kayo, parang hindi kayo. I mean, ni wala ka ngang pinakilala kala Papa at Mama out of the three of them. So, let me see what I think of your future with this new girl. And very much not just a new girl, but the one na talagang sinabi mong siya na. Kailangan ko rin makilalang maigi ang magiging sister-in-law ko, ano?"

I sighed heavily, clicked my tongue and replied, "Mayumi Phoebe Bonifacio. For the record, I like her. No, it's really a love at first sight. Alam kong siya na talaga. But, as I've said earlier, hindi ko alam 'yong sa side niya, and yet... It's really different with her. Kahit isang linggo pa lamang kami magkakilala. It feels like I've known her for so long already."

"The eyes don't lie, Kolya," he told me as his eyes were focused on his screen, definitely on with his stalking already. What truly mesmerized me was that he was smiling warmly with every scroll. "At least, with you, I know you're in love. Strangely, so wholly. First time ko makita kang ganyan. Not to mention about a woman you've just known for a week. And based sa nakita ko sa social media, you'll easily match. She also appears to be the type of woman who shares the same views as you do. I'll very much want to meet her and get to know my future sister-in-law more."

I bit my lower lip, unable to say anything then.

"You protect love, right? So, don't rush on things; it will all fall to pieces, and before you know it, the time is right and you've already fallen helplessly in love." His smile widened a little before looking on at me through the call. "Protect the soon-to-be Madame Verano. After all, protecting someone is one of the two great forms of love."

☆ ☆ ☆

Nauna akong dumating sa ospital kumpara kay Mama at kay Yana. Hindi pa nga sila ang sumunod na dumating pagkatapos sa akin. Nauna pang dumating ang head ng PR department. Since hindi siya relative, hindi siya binigyan ng permission na makita ang bangkay.

Ako naman, si Lucas ang nakipag-usap sa lahat ng tao na kailangan namin kausapin. Mula sa receptionist sa front desk para tanungin kung saan ang morge, sa pakikipag-usap sa na-assign na nurse para sumama sa amin, and maging 'yong mga nagbabantay sa morge upang i-confirm na nandidito ako upang masigurado na si Kuya nga ang isa sa mga bangkay na dinala dito sa kanila. Masyadong malakas ang pangalang Verano, kaya hindi na ako hiningan ng ID. Hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi nila, lalo na't isang bagay lamang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Patay na si Kuya. Paano na ngayon?

Paulit-ulit. I can't believe that in just an instant... or rather, in a supposed to be weekend from ground school, I'll be heading here to identify my brother's dead body.

Noong pinakita nila sa akin ang bangkay na kahit malinis na mula sa dugo ay halatang may mga sugat sa mukha dahil sa aksidente, hindi maipagkakaila na si Kuya nga ang nakahimlay.

Alam kong lumuha ako. Hindi iyak. Luha lang. Ramdam ko sa mga mata ko habang dumadaloy sa mga pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Hindi ko nga rin malaman kung sino ba talaga ang iniiyakan ko: si Kuya na patay na, o ang naghihintay na future sa akin? Hindi mawala sa isipan ko na sa akin ibabagsak ni Papa ang posisyon bilang tagapagmana. At parang mas masakit isipin iyon na natupad ang kagustuhan ni Kuya sa ganitong pamamaraan.

Pero noong dumating na si Mama kasama si Yana, na makita kong humahagulgol si Mama at umiiyak ang kapatid ko... doon ko naramdaman na mas masakit na makitang umiiyak silang dalawa. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi umiyak, lalo na't noong ginabayan ko si Mama at sinabihan na totoong wala na si Kuya; at habang wala si Papa, ako ang maging sandigan niya ngayon.

"And what's the other one?" I asked him just roughly two months ago.

Yes, everything had been so sudden. Yes, it had been so unexpected. Yes, it appears that the world is so unfair. But that's how it is.

"Sacrifice," he replied. "When you care more about someone else's suffering than your own. You just don't want to protect simply anyone nor sacrifice anything for anyone. There should be genuine love for that, Kolya. Remember that."

We can't have it all, and I better start accepting the truth. My future—this future—is already written on stone since day one.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Continue with: FLIGHT PLAN Flight 20 - Clear Air Turbulence

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top