Flight 17 - Great Circle

Great Circle

Great Circle is the largest possible circle that can be drawn around a sphere. Such routes yield the shortest distance between two points on the globe.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Sage picks me from our home Monday morning with his yellow FJ. Wala akong idea kung saan niya gusto pumunta pero sinabihan niya ako na hindi ko kailangan mag-alala. At kahit anong tanong ko sa kanya kung saan kami pupunta habang nasa biyahe, tinatawanan niya lang ako at sinasabing "malapit na tayo".

'Di ko alam kung kailan naging "malapit na tayo" ang Bataan sa kanya. It took us hours to reach our destination, and it only surprises me noong pinark niya ang sasakyan niya at inasikaso ang lahat-lahat.

This place...

"Naalala mo itong lugar na ito?" tanong niya sa akin habang tinitigan ko ang mga ancestral na bahay na nasa vicinity namin ngayon.

"Paano ko makakalimutan ito? Dito tayo nag-field trip noong senior year natin sa high school, at kung kailan kakabukas pa lamang nito sa public, hindi ba?" I clear my throat. "To add, Las Casas ito."

Ilang beses ko na rin ginusto makapunta ulit rito pero masyadong malayo at mahal ang entrance. Hindi naman ako interesado sa mga lumang bahay or what, pero ang ganda lang tignan na parang naka-time travel ka sa panahon ng mga Kastila. Back then, noong field trip namin, magkaiba kami ng grupo ni Sage.

"Naalala ko na tinititigan mo ako na parang galit na galit ka sa akin." Tumawa siya bago namin sinundan ang naka-assign na tour guide sa aming grupo, almost dwindling at the back as we bicker in hushed whispers para hindi maging sagabal sa ibang tourist na talagang nandito para makinig sa guide.

"A-Ano?!" Kaagad akong namula. "Naalala... I mean, nahalata mo pa iyon?!"

"Oo. Pakiramdam ko parang sinusunog mo ako ng buhay."

"Come on. Hindi naman ganoon kalala iyon!"

The tour guide didn't stop talking pero tumingin sa aming dalawa ni Sage, kaya kaagad akong napatigil sa hiya. Mabuti na lamang at hindi tinawag ang aming atensyon, at nagpatuloy lamang siya sa pag-sasalita.

Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Hindi maari..."

"Hmm?"

"Na dinala mo ako rito para lamang ipaalala lahat ng iyon sa akin, ano?"

"Yes."

"Napaka-sadista talaga!"

"Joke lang." He laughs. "Gusto ko lang na matupad 'yong wish mo."

I pout. "Talaga ba?"

This time, he holds out a hand for me to take, and as I eye his hand, he says, "This time, it's only us in our group. Hindi ka ba masaya that you get to keep me all to yourself?"

Nag-init kaagad ang mga pisngi ko. Nahihiya kong sagot naman sa kanya, "M-Masaya..."

"You bounced back real quick," he remarks.

I take his offered hand as we stroll trailing behind the group. The weather is perfect; medyo mainit, but tolerable naman dahil sa suot-suot namin na cap at sunglasses. It's the kind of day na masayang mamasyal ng ganito, at magkaroon ng picnics. At habang nakabuntot kami sa tour, hindi naman namin magawa na hindi mag-reminisce about our high school.

"Masaya 'yong mga school trips din natin noong high school," batid ko.

"Ang naalala ko lamang ay kung paano mo ako titigan," giit niya.

"Hmph!"

"'Wag mo sabihin na hindi mo naalala ang mga iyon?"

"Of course. Naalala ko, 'no!"

Hindi ko naman magawang sabihin na masaya ang mga memories ko of that, too. After all, I got to see him out of the school uniform...

"Kaunti lang talaga ang naalala ko tungkol sa mga school trips na iyon, pero, for some reasons, naalala ko pa rin 'yong river na ito," he remarks by the time we stop at one of the bridges that connects one attraction to another. "Hindi ko feel na makipag-hangout kasama ang iba kaya nagmukha na lamang akong interesado dito kahit wala namang dapat obserbahan."

"Now, do you remember more of it?" I ask him.

He scoffs. "Remembering more of your piercing gaze, you mean?"

"Come on! Feel anything?"

"Joke lang. Pero ngayong natanong mo..."

We stare over the waters watching our smooth reflections except for the smallest of ripples as the water ebbs and flows.

"Hmm..." simula ni Sage. "Naalala ko na may mga maliliit na isda. Hindi lang sa part na ito but maging doon sa may lake. Pero imposible naman na iyon pa rin 'yong mga isda na nandito, ano?" He then watches the fishes race in the water with rapt attention.

And me, na siyang napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya... naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood itong rare moment na halatang genuine na genuine ang simpleng kaligayahan niya.

Well, nag-aalaga nga siya ng mga crabs, eh. Siguro gusto niya ang mga ganito. Nakikita kaya ng mga crabs na iyon ang ganitong expression niya araw-araw?

"...Gusto ko na lang maging talangka," I mutter out of the blue.

Tumingin kaagad sa akin si Sage, nakakunot ang noo na parang namali siya ng rinig. "Ano?"

"Oh, no!" Namula na namang muli ang mga pisngi ko sa hiya at bahagya akong napatawa sa nabanggit ko kanina. "I mean, naisip ko lang na you seem to like animals."

"Bakit mo naman naisip iyon?" He prompts his elbow against the bridge's railing and his cheek against his knuckles. A small smile plays across his lips.

"Uhm, well, you got a really nice smile right now. For starters."

"Oh..."

I'm even more undone by how he didn't even realize what he was doing.

"...I like animals because they don't say ridiculous stuffs," he explains.

Tumango ako. "Yeah... I guess they don't."

"Wala kang alagang hayop sa inyo?"

"Wala. Pero gusto ko mag-alaga ng aso ever since noong high school, kaso medyo hassle; especially ngayon na sila Papa at Mama pa rin ang mag-aalaga. Siguro, if I move out, mag-aalaga ako."

Our conversation veers off in non-sensical directions due to both of us being flustered, as we come along with the rest of the group for the continuation of the tour. Nagawa naman mamaintain ni Sage ang composure niya, pero hindi ko pa rin makakalimutan kung gaano ka-inosente 'yong smile niya kanina na nakita ko mismo.

☆ ☆ ☆

As we continue aimlessly walking around, following the tour guide and the group, lunch approaches. For our lunch though, we're to take the balsa cruise with the rest. I and Sage sit at the farthest side to enjoy the meal with the others. Naisip ko lang bigla 'yong dinner na pinagsaluhan namin ni Sage a few weeks ago.

"Anong iniisip mo ngayon?" Napansin naman ni Sage na parang ang lalim-lalim nang iniisip ko.

"Naalala ko lamang 'yong time na nag-dinner tayo," batid ko.

"Tapos?"

"Hindi ko nakita na magluto ka..."

He scoffed. "Pervert."

I immediately counter, "Paano naging pervert iyon?!"

Kaagad na linapit ni Sage ang daliri niya sa labi niya para sabihan akong medyo babaan ang boses ko dahil paniguradong nakakahiya noong namalayan ko na 'yong pinakamalapit sa amin ay napatingin sa akin. Noong lumihis ng tingin ang mga iyon at dahan-dahan umusad ang balsa ay pinaliwanag niya sa akin, "First of all, hindi naman ako kakaiba sa iba kapag nagluluto. Hindi ka ba marunong mag-luto para 'di mo malaman? At, isa pa, medyo nakaka-insecure kapag pinapanood habang nagluluto."

Huminga ako nang malalim. "Hindi ako marunong magluto. Kaya nga laging sinasabi sa bahay na 'di ako pwede mag-asawa o mag-jowa nga lamang dahil doon. Pero hindi naman nila ako hinahayaang tumulong sa kusina, pwera lamang sa pagliligpit ng mga pinggan."

He covers his mouth to hide a smile. "I guess, iyon ang rason kung bakit gusto mo ako mapanood. But, believe me, 'yong wording mo kasi... it sounds like you are a pervert, Astilla."

I pout. "Hindi kaya! And I believe that between the two of us..." I snicker. "We know that you are much more of the pervert one, Martinez."

☆ ☆ ☆

"Hay... Busog," I remark with a contended and relieved sigh. 'Di naman kakaiba 'yong mga hinanda na foods as they are the usual native foods, pero medyo enjoyable dahil sa view.

"Halatang nag-enjoy ka talaga," sambit naman ni Sage na may bahagyang ngiti.

"Oo naman. Hindi nga lang luto mo, pero sino ba ang hindi mag-eenjoy sa pagkain kung ganito ang view na nakikita mo?" Tinuro ko naman ang pinaka-malapit na building na nakikita namin at sinabi ko sa kanya, "Hotel de Oriente. Replika lang pero it is the first luxury hotel in the Philippines."

"History geek ka pa rin hanggang ngayon."

Well, I am not a history geek but I adore history. Sa lahat ng subjects sa school, since magaling ako sa memorization, na-enjoy ko ang history. Not enough to be a geek to explore more, but enough to remember the basic ones.

"Hindi ako geek," giit ko at tumawa. "Nakikinig lang talaga ako sa tour din kanina. At hala ka, kung hindi mo naalala ang mga bagay na iyon..."

"I was listening but those things are not necessary," sagot niya. "Alam mo naman, bilang isang ATC, and also, with your experience as a student pilot, kung gaano ka-hassle ang makinig sa radio frequency."

"Hmm..." Napatingin naman ako sa itaas at may nakita akong isang maliit na eroplanong umiikot sa himpapawid. Based sa laki nito, mukhang isang training plane na Cessna 172. Hinawakan ko kaagad ang braso ni Sage at sabay turo sa itaas. "'Di ba C172 iyon?"

Sinundan naman niya ang tingin ko at sumagot. "Oo. Siguro mga nag-aarea familiarization or airworks. Madalas mga training flights galing Subic."

Sa panahon ko bilang isang student pilot, hindi man lang ako nakarating sa area na ito. Maging Subic din. Naka-destino ang training school ko sa La Union, kaya ang madalas kong napupuntahan noon ay mga Vigan o Laoag o Pagudpud. Sa south naman ay siguro Lingayen o 'di kaya Baler.

"Nakapag-overhead ka na rin ba rito noong estudyante ka pa lamang?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Subic ang first deployment namin hanggang first solo. Kaya madalas ang area of airworks namin ay dito or San Narciso naman kapag sa norte."

"Mas maganda ba?"

"Puro bubong nga lang ang makikita mo and konting sights. Malamang, para sa iba, mas magandang makita ito ng ganito. Pero sa akin, iba pa rin ang makita ito mula sa itaas. Iba pa rin, kung baga, 'yong thrill na lumilipad ka."

The way he speaks when he talks about anything related sa aviation is admirable. Halatang-halata na mahal na mahal niya ang buong experience niya sa pagiging piloto. Ang swerte ng Royal Orient Airways at ng mga nagiging pasahero niya na makasakay sa mga lipad niya. Dahil isa iyon sa mga tunay na swerte—kapag mahal mo ang trabaho mo.

☆ ☆ ☆

Sa kahuli-hulihan ng tour namin, pagkatapos no'ng balsa cruise for lunch ay binigyan kami ng pagkakataon na makapag-ikot-ikot ng kami-kami lamang. Iniwan kami ng tour guide namin sa eksaktong lugar kung saan napag-usapan namin ni Sage ang tungkol doon sa panonood niya sa ilog noong field trip namin no'ng high school.

"Here we are again," he says.

Napatingin ako ulit sa tubig at sinabi sa kanya, "The water looks like the perfect temperature. Sana next time, swimming naman."

"Bakit next time? Gusto mo mag-swimming?"

"H-Hindi, 'no!"

Kanina ay napansin ko na pwera sa mga balsa cruise ay may mga nagkakayak din, at may iba naman na parang nasa isang gondola ride. Madalas naman na mga couples ang mga nakita kong nakasakay sa mga maliliit na bangka na parang in-eenjoy nila ang time na sila lamang ang magkasama. Hindi naman iyon bago, since naalala ko rin na may mga ganoon na noong high school pa lamang kami.

At naalala ko rin na gusto kong makasakay sa mga iyon kasama si Sage. Alam ko na hindi naman iyon mangyayari. It's just a fleeting dream...

"Gusto mo sumakay sa gondola?" biglaang tanong ni Sage sa akin.

Napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig ko.

He smirks. "You look like you really, really, really want to."

"Hindi mo naman kailangan sabihin ng tatlong beses 'yong 'really'."

Hindi kaagad siya nakasagot pero hinawakan niya ang kamay ko at hinatak patungo kung saan. "Let's get one."

Whoa, wait, what?!

Mukhang hindi niya naman hinihingi ang permission ko at tumungo kami kaagad sa may daungan. Nakipag-usap siya mismo sa mga bangkero para sa isang gondola ride. And at that, my heart beats erratically and almost painfully.

Talagang sasakay ako? Sa isang gondola? Kasama si Sage? Nangangarap ba ako? O 'yong pinapangarap ko sa loob ng isang dekada at kalahati ay magkakatotoo na?

Ganito ang nararadaman ko rin noong nakita kong si Sage ang unang gumawa ng hakbang, through Venus Match, para kami magkita. I feel like something big is about to happen...

———————————————

A/N: Well, I am back home! Noong Monday pa, actually. It should be last Tuesday, but I and my batchmates received a message from our FOO Monday morning that we're leaving La Union by 1300 of that day and be dropped off at CAAP (yes, in Manila at once!) with the check pilot. So, all the while waiting to be picked up from CAAP by our families, we appear like some squatters around the CAAP entrance.

Anyway, as promised, I'll be telling the story of our check ride. Okay, it is for a PPL renewal one. And for that, I had my recurrency and progress checks flight two days before the actual check. It only consists of a series of touch and gos, and an area out to commence series of power on and power off stalls, turning around a point, S-roads, level turns, and two simultated engine failures by chopping power (yes, my FI did idle the throttle when we're about 2,500 ft and I thankfully didn't stutter with dictating the things to be done all the while flying until as low as 500 to 700 ft).

On the day of the actual check, I've been listed on schedule first. So that led me to start the engine in the unbearable heat. (Nangitim kaagad ako sa dalawang araw na nag-report ako sa flight na bumakat na 'yong relo ko. T_T). Thankfully, the check pilot had been too good. (Thank you, Lord!) And I was only asked to do one pattern; yes, just one traffic pattern of takeoff and landing for full stop at once. (Matagal pa start-up and taxiing kaysa sa actual flight.) I was done, and hopped in the next ones.

Don't get me wrong. But having a check ride is costly. Minus the cost for the usage of aircraft and the travel order for CAAP payment... the nine of us who've done our check ride paid 3207 pesos each. That includes, payment for our licenses, the flaps 1K we've given to the check pilot each, the meals we've brought for the check pilot, and the celebratory lunch we've hosted for our FIs and the mechs. So, that's about 28K, right?

Anyhow, I already have my PPL reinstated. By the time my license's release, I'll be deployed once again for my RNAV and apply for an initial CPL. Got the whole month of June blocked, so hopefully, I'll be finished with my RNAV by the end of May. For now, I have 145.8 hours, and will be needing 4.2 hours more to start with RNAV.

Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3

UPDATED: 27 May 2024 | 1543H

#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top