Flight 13 - Backwash
Backwash
Backwash is a backward flow of air produced by an aircraft propeller or jet engine.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
Why does he want to shatter my views on love?!
Akala ko nakapaghanda na ako sa magiging susunod naming pagkikita, but now... I'm at a loss at the very different approach Sage is taking tonight. Despite how brazen his words are, the way he looks at me tells me he's very serious.
Too serious... Deadly serious.
"To be honest, lahat ng nangyayari until now ay dahil lang talaga sa curiosity ko. Pero pagkatapos mo mabanggit 'yong teacher natin, napagdesisyunan ko na maging seryoso," sambit niya.
"So... nagagalit ka ba?" bahagya kong tanong sa kanya.
He shakes his head. "No. But, paano ko ba i-eexplain... siguro napansin ko na hindi ka talaga nagbago. Sinasabi mo na may experience ka na and nag-mature na, pero sa totoo ay hindi naman."
I chew the inside of my mouth. "Sabihin na natin na in love ako with love. Bata at tanga pa talaga ako noon."
"Kaya nga ang sinasabi ko—"
"Pero gusto kong ma-in love sa iyo in the way only adults can. At hindi dahil sa isang casual hook-up lang."
Inaasahan ko na tatawanan niya ako, pero hindi niya iyon ginawa. For the first time, ever since na nag-reunite kami, I can say that he's genuinely taking me seriously.
Ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Hindi na namin kailangan maglaro pa tungkol dito.
"I've been thinking," I begin.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa kung bakit sa tingin mo ay hindi ako sapat. Pero sa totoo lang, alam ko na kaya kitang pasayahin."
"Nasaan ang proof mo?"
"Wala akong proof."
Muntikan na siyang mapa-facepalm pero napa-ngisi siya. "Damn, ang dali mo naman sagutin iyon."
"Dahil wala talaga akong mapapakita na proof, pero alam ko na totoo iyon," giit ko sa kanya. "Dahil na-realize ko rin na baka todo bigay ako, pero hindi ko kino-consider ang nararamdaman mo. Hindi talaga kita iniisip. Tama ka. I was never looking at the real you."
"Even though you kept chasing after me like that?"
"I was running around so haphazardly that I could barely see what I was aiming for. Kaya wala akong idea na nagkaroon ka ng relationship with our teacher. Kung talagang nalaman ko back then, baka tuluyan akong mainis sa iyo dahil sa gulat."
Sage didn't say anything after that and just stares at me.
Ako naman ang unang lumihis ng tingin, at about the same time na dumating na ang mga in-order namin. I am about to encourage him that we better start eating, but he isn't finish with the discussion at all.
He says, "Yeah. It sounds like something you'd do."
My hands close tightly around the cutleries as I sigh heavily, trying to calm myself down, and hand back those cutleries to the table. "It really sounds like I was in love with love, huh?"
"Is that self-deprecation I hear?"
"A little. Pero mas naiintindihan ko na ang sarili ko kahit kaunti lamang ngayon."
If it will be the high school me, hindi ko magagawang isipin ang lahat ng ito. I mean, talagang napaka-tanga ko. Hindi naman kailangan maging tanga back then, pero ngayong iniisip ko lahat ng iyon, I was a blind fool.
"Nakikita ko lang sa iyo ang gusto kong makita, and you only want me for my body," I added, "It's the same thing. Hindi na nakakagulat kaya mo ako binusted. Nagawa ko lamang ma-realize ang lahat ng iyon ngayon."
"At?" giit niya.
"Huh?" Bigla naman akong napatingin sa kanya pabalik at napansin ko na hawak-hawak niya na ang chopsticks, handa na sa kanyang pagkain nang in-order niyang ramen.
"Ano ngayon kung na-realize mo?" tanong niya. "In-eexpect mo ba na iiyak ako sa tuwa or what?" He take a slurp of noodles for a second before motioning to me with his freehand to help myself with my food, too, and he adds, "Sinabi mo lahat-lahat ng iyon, pero hindi ko naman kailangan o hinihingi iyon mula sa iyo."
I sigh, dejected. "Fair point."
"And also, going out with our teacher at sa pag-busted ko sa iyo ay mga bagay na ako mismo ang nag-desisyon. Hindi lang naman ikaw ang nabibilang sa isang type. Lahat ay nabibilang lang sa dalawang grupo. It's either I turned them down, or they became a hook-up. I turned you down, at hindi ko inisip magkaroon ng casual sex with you. Pero ngayong pareho na tayong adult, and may isang trusted test mula sa isang app ang nagsasabi na we're almost perfectly compatible... bakit ayaw mo i-take 'yong path na hindi pwede dati?"
Nakikinig naman ako sa explanation niya na iyon habang nagsimula na rin sa pagkain. Kaya naman noong binagsak niya na naman 'yong katanungan na iyon ay nasamid ako kaagad. I clear my throat, mukhang sa maling passageway naman napapunta 'yong noodle. "W-Wala akong pipiliin."
"Bakit naman wala?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Convince me."
"I-Ibig kong sabihin... I want to see you, and love you, for who you really are," amin ko sa kanya. This chess game of love be fucked up, kailangan ko iparamdam sa kanya na hindi ako nagsisinungaling talaga in this meeting with him. "Gusto ko magsimula ulit. From zero. Parang unang pagkikita."
"From zero?" He nods once, ensuring that he is on the same page of the conversation with me right now.
"Yeah." I nod back. "Venus Match gave us this chance. Tapos na or ubos na ang lahat ng ideas ko to make you fall for me using insincere methods. I want to really see you, and really truly fall in love with you, before any of that."
"Sa tingin mo kaya mong gawin iyon?"
"Hindi ko alam. Pero ibibigay ko pa rin ang best ko at susubukan ko pa rin. Gusto ko talagang makita ang totoong ikaw, Sage. Hindi lang 'yong facade, at gusto ko maging 'yong klase ng tao na hahayaan mong makita kung sino ka talaga. Kung hindi maari iyon, sa tingin ko kahit gaano ka-almost perfect ang compatibility natin, hindi iyon makakatulong para maintindihan natin ang isa't isa."
Hindi naman siya kaagad nakapagsalita at pinagpatuloy lamang ang pagkain.
I bite my lower lip. "Are you convinced?"
Tinignan niya ulit ako. "Hindi talaga ako totally convinced, to be honest..." Bahagya naman siyang ngumiti pagkatapos niya uminom saglit. "Pero sa tingin ko ay naiintindihan ko kung ano ang gusto mong sabihin. You may be an adult, but you sure are still reckless."
"Siguro nga."
"Either way, as far as I'm concerned you've been a pretty run-of-the-mill girl since high school."
I sigh heavily. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"Sinasabi ko lang kung ano ang totoo. You're one of many. At na-curious ako dahil talaga doon sa ninety-nine percent match. 'Yon lang talaga iyon, pero..."
"Pero?"
"I let my guard down. Hindi ko in-eexpect na mababanggit mo 'yong tungkol sa teacher natin. Pakiramdam ko natamaan ako ng curveball."
I slightly lower my head. "Sorry kung naging ganoon ang dating no'n sa iyo."
"Hindi mo kailangan mag-sorry. Iyon naman ang totoo. Wala ng kwenta 'yong personality test na iyon. How I view you now is different." He places back his chopsticks and reaches out to touch my hand, causing me to flinch a little. "I want to have sex with you, compatibility be damned."
Teka... Ano raw?
I blink. "T-Talaga?"
Tumango ulit siya. "Yeah. Really." His straightforward words are followed by a crooked grin. It fits on his face so well that my heart skips a beat. "Usually, I'll move on to the next woman, pero ngayon... hindi kaya ng dignidad ko. Hindi ako susuko hangga't hindi tayo nag-sesex."
Ha?!
I hiss at him, "Nakikinig ka ba talaga sa mga sinabi ko?! We're just right back at the beginning!"
He holds my hand much tighter this time, giving it a squeeze. "Baka pareho pa rin 'yong goal ko, pero 'yong motives ko ay iba na." Halatang mas nag-eenjoy siya ngayon at binitawan na rin ang aking kamay bago niya ituro ang daliri niya sa akin, kagaya nang ginawa ko dati sa kanya. With a firm declaration, he adds, "I'll make you confess to me one more time, just like back in high school. And I'll make you mine, Yvonne Jade Astilla. And not, might I add, as a casual hook-up."
I can't take my eyes away from his earnest expression. Mas nakakabigla itong proclamation niya na ito ngayon compared noong nagsimula kaming mag-date. Baka naglalaro pa rin kami sa game na tinakda namin, but it looks like we've entered a whole new stage.
———————————————
A/N: As promised, you can continue reading the next chapter. Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 21 May 2024 | 1153H
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top