Flight 11 - Master Switch

Master Switch

Master Switch is the most important of a number of switches operating a system as it compromises of an alternator and a battery; allowing the operation of electrical equipment or components.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Tinitigan kong maigi 'yong hotel keycard na linapag ni Sage sa mesa. Umaapaw na naman ako sa galit, kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon.

Maya-maya pa ay kinuha muli ni Sage 'yong keycard. Hindi niya naman ito itinago pero mas lalo niyang inudyok sa akin na kunin iyon. "Come on. Sinasabihan kita na 'wag mong hayaan na mawala itong chance na ito."

Something inside my head seems to snap, thankfully, allowing me to grasp the reality of the situation. "Teka nga lang."

Pero ako lang 'ata ang hindi atat, causing him to explain, "'Wag ka na mag-dalawang-isip pa. Gusto mo makapaghiganti sa akin, 'di ba? Kapag nakipag-sex ka sa akin, pwede mo na kalimutan lahat ng nangyari. Makaka-move on ka na rin panigurado sa nakaraan. Hindi mo ba naiisip ito para maka-move on ka?"

Napakagat lamang ako ng labi. At hindi talaga ito ang inaasahan ko.

Bakit ba kapag tungkol kay Sage, napaka-unpredictable ng mga nangyayari? Gusto kong ma-fall siya sa akin. Alam ko na maling tanggapin itong invitation niya na ito. Pero...

Wala rin akong lakas na tanggihan 'yong hotel keycard na iyon. Ganoon din naman na wala akong lakas para tanggapin iyon.

Bago pa naman ako makapagsalita ay kaagad naman tumunog ang kanyang phone. Bahagya naman siyang nagulat, parang hindi niya inaasahan 'yong tawag sa kanya. Posible ba na alam niya na kaagad kung sino iyon based sa ringtone lang?

He looks away at that and takes his phone, barely giving it a glance. "Talagang ngayon pa?" Huminga siya ng malalim at binaba kaagad ang tawag. "Unfortunately, it's from Number Three."

Totoo nga na may respective ringtone siya para sa bawat isa. But ang mas nag-stick sa akin ay 'yong number. I ask, "Binibigyan mo sila ng numbers?"

"Well, bahala na." Ibinalik niya ang keycard niya sa bulsa at hindi nagdalawang-isip na kuhanin ang wallet niya. Mukhang nagbabalak na siya kaagad umalis. "That's all for today. Kailangan natin i-reschedule ito. As usual, I'll be in contact..." He smirks. "If I feel like it, of course."

Hindi niya man lang din hinintay 'yong mga orders namin. At hindi ko alam if dapat ba akong matuwa or not, but pagkatapos niya mag-iwan ng pera sa table ay kaagad na rin siya umalis. Medyo nakahinga ako ng malalim at naiinis pa rin, kaya napatingin na lang ako sa mesa.

Nanglaki naman kaagad ang mga mata ko noong napahawak ako kaagad sa pera na iniwan niya. Minabuti kong bilangin 'yong bills ng tatlong beses at hindi ako nagkamali sa pagbibilang ko. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Sage para ipaalam ito sa kanya; mabuti na lamang at sinagot niya rin.

Based sa DJ na nagsasalita sa background, mukha namang nakasakay kaagad siya ng taxi, patungo kung saan man. But then, mukhang hindi rin sa Dusit ang punta niya kung kailangan niya pa mag-taxi.

But, for now, formalities be damned. Kaagad kong sinabi sa kanya, "Sobra-sobra 'yong iniwan mo na pera! Ibabalik ko 'yong sukli next time."

He laughs. "Then, pay me physically."

Kaagad akong namula, kasabay ng pagdating ng waiter na nagulat naman na makitang ako lang ang natira sa table at sa dami ng mga inorder namin na ngayo'y sineserve niya. "'Wag na lang pala!" sagot ko kay Sage pagkatapos ko ngitian 'yong waiter at bahagyang iniwas ang aking tingin. Dagdag ko pa noong hininaan ko ang boses ko, "Paalala ko lang talaga na ten thousand 'yong iniwan mong pera."

"Nagloloko lang naman ako. The money's for the food, taxi, and a little thank you for tonight."

"Sobra-sobra pa rin kahit ganoon."

"Then, next time, pay me back with a kiss."

Pinigilan ko naman ang sarili kong magmura at sinabihan na lang siya ng, "Bye!" At binaba ko na kaagad ang call.

Noong binalik ko ang phone ko sa bag, kasama ng pera na iniwan niya, ay napaisip na lang ulit ako na patungo talaga siya kung saan ang napagkasunduan nila no'ng "Number Three" niya na ka-date. Panigurado sa isang hotel, and then, after that...

Hindi naman ganoon kahirap hulaan kung saan mauuwi iyon. Natural ko na lang din na isipin iyon, at kahit nakakainis ay hindi ko maiwasan na bahagyang malungkot.

☆ ☆ ☆

Since hindi ko naubos ang lahat ng in-order namin ay pina-takeout ko na lang 'yong iba. At pagkatapos ko makapag-shower ay napaisip naman ako sa mga nangyari.

Surprisingly, medyo nag-enjoy ako sa proverbial game of romance chess namin. Well, disregarding 'yong tungkol sa hotel, sana nagkaroon pa kami ng chance na makapag-usap ng matagal-tagal. Mahirap na ulit makahanap ng araw na magkakatugma ang mga schedule namin.

Pero, noong naisip ko ang dahilan kaya kami naudlot...

Kung alam ko lang na magiging ganito ang pakiramdam ko, sana tinanggap ko na lang 'yong invitation niya. I mean, siya 'yong nagsabi na he'd treat me the best out of all of his hook-ups...

"God... ano ba itong pinag-iisip ko?" tanong ko sa sarili habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.

What kind of low bar am I setting for myself?! I'd be playing right into his hand!

Umupo ako sa kama at umiling kaagad para matanggal sa utak ko 'yong mga gumagambala sa isipan ko. Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan na itulog na lang ang lahat ng ito bago paghandaan ang susunod naming date.

☆ ☆ ☆

A few days later, habang naghihintay ako ng duty time ko, at as usual na naghihintay ako sa may Seattle, ay may kaagad na bumati sa akin.

"Yvie?!" tawag sa akin ng isang magandang babae na may hatak-hatak na maleta. Hindi ko naman siya kaagad nakilala hangga't tanggalin niya ang suot-suot niyang sunglasses. "Oh my, it's really you, Yvie! Ako ito. Si Natz. High school, remember?"

"Oh, my. Yes..." Medyo nakahinga ako ng maluwag noong tuluyan ko siyang namukhaan. "Long time no see, Natz."

Natalia Murcia, our high school valedictorian, na parang linigawan ng lahat ng lalaki sa school pero walang in-entertain sa kanilang lahat. Last ko na balita sa kanya ay isa na siyang ganap na fashion designer abroad, and sobrang random para magkita pa kami sa airport out of all places.

"Mas blooming ka 'ata ngayon, Yvie!" bati niya. "Ah! Can I seat with you?"

"Ah, sure." Kaagad ko kinuha ang bag ko na nakapatong sa vacant chair. "And seriously? Hindi, 'no."

"Oo kaya." She giggles and sits, settling her luggage just next to her. "Anong ginagawa mo rito? Naghihintay ka rin ba ng flight mo? Kumusta?"

Umiling ako. "Well, nope. Nagkakape lang bago mag-work. And okay lang ako. Ikaw? Kumusta?"

"Okay lang din. Ito, napaaga sa airport. Papunta akong New York para maghanda sa upcoming fashion week next month," sagot niya. "And by your word that you're here for work, nakapasok ka na sa airline as a pilot?"

"Natz naman." Bahagya akong tumawa. "Sa uniform kong ito? I currently worked at the Manila Control."

"What happened with flying? Nakita ko dati sa mga stories mo na nag-flying ka."

"Well, gusto ko sana, kaso walang hiring. Kailangan muna mag-stay as an ATC para makabawi-bawi sa mga gastos. Though I still wanted to be in the future. I believe that things will work well in time."

She smiles and she replies after receiving her ordered coffee, "That sounds very much like you! You're still as passionate as I remember."

"Hindi mo naman ako kasi katulad mo na inborn ang talino."

"God, kung alam mo lang din. But it is good to see that everyone in class is doing well. My God, hindi ko inaasahan na maging si Sage. Balita ko sa iba nating mga ka-batch, kahit iyong si Sage is piloto na."

I feel my whole body twitch at the sudden mention of Sage's name. Hindi ko naman nagawang manatiling tikom ngayon na ang usapan ay tungkol sa kanya. "Ah, yeah. Narinig ko nga rin iyon. Nag-wowork siya sa Royal Orient Airways."

"That newcomer luxurious airline?!" Hindi makapaniwalang batid ni Natz. "I mean, hindi naman lahat ng flights nila ay  luxury. And also, no offense kay Sage, but that respective airline is making a name of its own for being high up the standards kahit na hindi ganoon kamahal; even offering flights na hindi offered ng ibang airlines. And wait..." She smiles knowingly at me. "How come you know about that? No way, are you guys dating?!"

"No!" Kaagad na sambit ko. "Well, actually..."

Hindi ko naman nagawang hindi pigilan ang sarili ko na ikwento sa kanya 'yong strange reunion namin ni Sage. Of course, hindi ko sinabi 'yong tungkol doon sa "ninety-nine percent compatibility" at 'yong sa nangyayari sa pagitan namin ngayon.

"Naging nostalgic lang kami at nagsimulang mag-usap kung kumusta kami lately," dagdag ko.

Natz smiles, visibly interested. "Mukhang date, ha?! I'm jealous! But I know that you can do it, Yvie. This time will be serious for sure?"

I blink. "This time?"

"I mean, noong high school kasi, you were in love with the idea of love, you know? And now, looking back at it, I wish I was that enthusiastic as you back then!"

"Wait. Anong sinasabi mo? Hindi ako 'in love with love'. I was, actually, really in love."

"Talaga?" Napatigil naman saglit si Natz sa sinabi ko.

"Oo. Kinikilig ako kapag nakausap ko siya, at parang ang dilim ng mundo kapag 'di niya ako pinapansin," giit ko.

"Yvie... that's what you call 'in love with love'." She smiles sadly. "The kind of like you love all those moments. Whether they were ups or downs. Pero, naiintindihan ko naman. It makes going to school fun and interesting."

Totoo ba iyon? That I was just in love with the situation, back then, and hindi talaga kay Sage?

Her words suddenly bring forth doubts and memories of my days in high school.

Alam ko naman na may pagka-bad boy si Sage, even during high school. "Troublemaker" nga kung tawagin ng mga teachers namin; madalas nagskiskipped ng class, at tumatambay sa malapit na bilyaran o may bitbit na skateboard pagdating ng uwian. But, kahit ganoon siya, madami rin ang nagkakagusto sa kanya. Isa na nga ako sa mga iyon. At sapat na sa akin, back then, na mapansin niya ako at malaman niya na nasa malapit lang ako.

Thinking about it makes my heart grows lighter and for me to be surrounded in a fog of happiness. I definitely goes from zero to one hundred when he talked to me. But what about now?

'Yong coincidental meeting namin sa Venus Match, tapos 'yong reunion sa VIP lounge ng Royal Orient Airways' Operation Building. 'Yong mga restaurant dates. 'Yong mga regalo niyang bulaklak at make-up. Though masaya ako sa mga iyon, but... To be honest, lahat ng involved si Sage until recently, mukhang nagpapainis lang sa akin.

Masaya ako na nakikipag-date siya sa akin, at talagang kinikilala niya ako ngayon na nagbago na compared noon. Iyon lang ba ang kailangan ko? Talaga bang gusto ko siyang makilala nang lubusan? Am I still in love with love?

"Sa tingin ko pwede ko na sabihin ito ngayon, pero..." Natz hesitantly speaks up, cutting me from my thoughts. "Alam mo naman na may mga rumors back then, like... Sage was dating our Home Economics teacher."

"What?!" Unang beses ko marinig ito, at seryoso ako sa gulat ko.

"Well, may iba raw na nakakita sa kanila na naghahalikan no'n sa library. Kaya siguro niya binabasted lahat no'n, or baka masyadong immature lang ang lahat para sa taste niya."

"W-Whoa, stop. Hindi ko narinig 'yong mga rumors na iyon. Walang nakapagsabi sa akin."

"A-Ah... Akala ko alam mo. Or baka hindi nila sinasabi dahil baka masaktan ka lang. I'm sorry," bulong ni Natz.

Hindi ko naman kailangan magalit sa kanya since hindi rin kami ganoon ka-close ni Natz, to consider one another as best friends or even close friends, para sabihin niya sa akin ang rumors na ganoon at that time. But now that it is all in the past...

I sigh heavily. "Alam ko na magiging mahirap tanggapin kahit hindi teacher natin ang nalilink sa kanya. But then..."

Kung totoo man iyon... If I remember, our Home Economics teacher, during our senior year, ay kaka-graduate pa lamang at kakapasa pa lamang sa licensure. But that's not only some fault. That teacher of ours was definitely engaged. Sketchy na nga, tapos naging full-blown lahat ng ito.

Akala ko nagbago siya. Dahil ibang-iba siya noong nagkita ulit kami compared sa kung sino siya noong high school kami. But then, mali siguro ako. Ang problema ay hindi siya nagbago. Talagang ganoon na siya sa simula pa lang.

Now, naiintindihan ko na why it makes sense if people will think that I was in love with love. Hindi ko kilala ang totoong Sage, at hindi man lang ako gumawa ng aksyon, back then, para mabago iyon.

Ngayon, nag-ooverlap sa isipan ko ang dalawang klase ng Sage na kilala ko. At na-realized ko na hind ko alam ang kung ano ang gagawin ko ngayon. Dapat ba ay magpatuloy pa rin ako, or umiwas na lang kaagad mula sa lahat ng ito, lalo na sa so-called 'game' namin?

———————————————

A/N: So... I am here praying that a CAAP check ride schedule will be given at least a week before because the latest one to be checked (the one endorsement letter before ours) is scheduled for this week with just two days notice. And yes, it will mean that the moment you received the schedule, you're heading to Iba the following day and taking a recurrency flight the day after that. Hassle and hectic, isn't it? To make matters worse, the given "five days schedule" of a check is like a surprise when the check pilot will arrive within those days.

Anyway, I am starting with my reviews another time and praying that the check pilot who'll be assigned to us will be a kind and generous one. I am currently reviewing old notes like the emergency procedures, series of power on and power off stalls, S-turns, 180 side-approach and 360 overhead approach, and go-around procedures. Who knows what will the check pilot asked me to do, right? After all, my last check ride for an initial PPL is just three touch and gos and one go-around. And there are other pilots asking to do all listed above, so... good luck indeed! Please also pray for me to pass this renewal check, too!

Also, hoping that all of you are doing safe and fine!

Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3

UPDATED: 19 May 2024 | 1151H

#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top