Flight 09 - Overshoot

Overshoot

Overshoot is when a plane flies past its target.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

Kainis... Pagkatapos no'ng "disastrous date" na iyon, umuwi ako mag-isa. At pagkarating na pagkarating ko ay kaagad ko na inasikaso ang balak kong "Sage Capitulation Plan".

"Capitulation" talaga. Dahil wala akong balak na basta-basta lamang sumuko!

Baka nga ninety-nine percent kami na compatible sa isa't isa, pero hindi ko hahayaan na ganoon na lamang ang lahat. Kailangan ko gumawa ng paraan para gustuhin niya makipag-sex sa akin bilang seryoso na boyfriend, at hindi lang dahil sa isang hook-up.

"...At wala rin akong maisip kung paano!" Napabuntong-hininga na lamang ako noong ako'y humiga sa kama na gulong-gulo pa rin ang isipan sa nangyari kanina.

"Big words" para sa iba ang lahat ng sinabi ko. Masyadong malaking sugal din. Back then, natalo na rin ako noong high school pa lamang kami. Siguro totoo nga na hindi siya naghahanap ng girlfriend, at wala naman talaga siyang dahilan para piliin ako...

"No!" Napailing kaagad ako. "Tigil. Tigil! Hindi maaring ganoon na lamang lahat ng iyon!"

Walang halaga ang sumuko kaagad ng wala pa talagang nasisimulan. I'm different now compared no'n high school. I've matured, and that's already a big change.

Naisip ko na kailangan ko magsimula sa pinaka-basic, kaya naman ay kinuha ko lahat ng cosmetics na mayroon ako. Kahit na bihira ako mag-ayos kahit na mahilig ako sa mga make-ups and sa mga binibigay sa akin, I can say na may collection pa rin ako. Hirap lang talaga mag-makeup for a work na hindi customer-oriented talaga. Pero, sa lahat ng sinabi kanina ni Sage, gusto ko patunayan na 'wag niya kami maliitin!

I test out a number of combinations, each time giving myself a thorough look in the mirror. Napapangiti naman ako habang nag-eexplore ako ng look na talagang magpapasuko kay Sage. Sa una lang, dahil kalaunan, nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko.

"Teka lang," bulong ko sa sarili ko, sabay tigil sa ginagawa ko. Hindi ko inaasahan na ang pagplaplano ko ng perfect na paghihiganti kay Sage ang magiging susi para magkaroon ako ng panahon na i-enjoy ang isang bagay na hindi ko madalas magawa. But it doesn't mean that I should be thankful to him for that.

Noong kumuha ako ng eye shadow, 'yong pamilyar na MAC lipstick naman ang siyang gumulong palabas ng pouch. At noong tinignan ko ang sarili ko sa salamin, na-realize ko na bahagya pa rin matingkad ang aking mga labi dahil sa lipstick na linagay ko during that date.

Sana lamang ay sa ibang pagkakataon niya ito binigay... I mean, sa mas maayos na circumstances.

But that's my wistful thinking, upon realizing how much of a different person he is now. And kung may panahon ako para magdrama tungkol doon, may panahon din ako para pag-isipang mabuti ang plano ko. Mukhang interesado naman si Sage ngayon, pero sino ang nakakaalam kung hanggang kailan? Kailangan ko paghandaan ang susunod namin na date!

☆ ☆ ☆

Nag-uusap naman kami ni Sage sa mga sumunod na linggo. One main topic namin ay kung kailan ang susunod namin na date; and dahil hindi talaga nagkakatugma ang mga libre namin na araw ay hinayaan namin na umabot ng dalawang linggo bago kami ulit magkita.

"Hello, Yvie!" bati kaagad sa akin ni Mika noong napatawag siya habang nag-hahanda ako para sa date namin ni Sage. Chinat niya naman muna ako bago makipag-video call, at okay lang naman sa akin. Dagdag critique na rin si Mika para naman hindi ako magmukhang katawa-tawa. Right now, I am just putting the finishing touches on my makeup.

"I remember! May date ka nga pala kasama no'ng piloto, 'di ba?" she remarks.

"Yup," I answer, habang inaayos ang mascara ko.

"So it's going well!" Tumawa naman si Mika. "'Musta? Unti-unti na ako nagseselos habang inaalala ko 'yong mga unang dates namin ni Kurt."

It is true that things are going somewhere, but "well" isn't the word I'd use.

Hindi naman ako nag-explain kay Mika, at ngumiti lang ako. After all, nakakahiya na sabihin sa kanya lahat ng nangyari. Paniguradong masasabihan ako ni Mika na ang tanga-tanga ko.

"Napakaganda talaga ng best friend ko." She sighs. "Ang effortless kapag sa work, pero kapag nag-effort para sa date... paniguradong nganga lahat ng nasa team."

"Diyos ko po. Nangbobola ka pa, Mika. Alam mong hindi iyan totoo." Ibinalik ko ang mascara sa pouch at maiging tinitigan ang sarili ko sa salamin para makita kung may mali ba sa make-up ko.

"Well, look at you go! Saan kayo pupunta ngayon sa date niyo?" tanong niya.

"Hmm... Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon."

"Ikaw 'yong mag-dedecide ng date niyo ngayon?"

Sage and I have been sending messages back and forth. First, settling sa date na pwede kami pareho; then 'yong gagawin ngayon sa date. After all, he gave me bit of an assignment: Prepare a date worth falling for.

"Well, siya 'yong nag-decide no'ng nauna na dalawa na lugar," giit ko. "Siguro, panahon naman na ako ang mag-decide."

Wala akong lakas ng loob na sabihin kay Mika ang buong katotohanan, so halfway na lang siguro.

"Hmm... that makes sense. So, may idea ka na ba?" Tinitigan akong maigi ni Mika through the video call, parang nahalata niya kaagad na may balak na ako at handa na siya magbigay ng review.

"Iniisip ko na resturant siguro. 'Yong may view, tapos whiskey bar?"

"Restaurant with a view, overdone. And bakit whiskey bar?"

"'Yon 'yong ininom niya noong last date namin."

"Hay!" She shakes her head. "Masyadong predictable. Dapat kakaiba. Some sort of a curveball."

"A curveball?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo. Something that'll make his heart dance. Pick a different kind of restaurant with some history, or change your behavior, ganoon." Para namang may naisip kaagad siya for her eyes to sparkle with great interest. "How about you go with this one, Yvie?"

☆ ☆ ☆

'Yong lecture kanina ni Mika... dahil doon muntikan na ako ma-late.

Pagkatapos masigurado na nagawa ko nang maayos ang sinuggest niya, kaagad na ako pumunta sa kung saan namin napagkasunduan ni Sage magkita. Since sinabi ni Sage na may office work pa raw siya before our date sa may Makati, napagkasunduan namin na sa lugar na lang na malapit sa kanya ay doon na lang din kami magkita. Almost nine na noong nakarating ako sa may Ayala Triangle at hinanap kaagad siya.

Madali ko naman siya nakita. Sage surely stands out amidst the sea of people.

Tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa hand-held mirror for a last-minute check. Hair beautiful, make-up flawless; I am good to go.

Bago ko pa siya malapitan ay siya kaagad ang nakapansin sa akin, kaya naman ay siya 'yong tumungo palapit sa akin at kaagad na binungad, "Sorry kung na-late ako."

Wait? Ako nga itong dapat mag-sorry?

I tuck a strand of my hair behind my ear, smile sheepishly and reply, "Ayos lang. To be honest, kakadating ko lang din."

"Ganoon ba? Then, let's go. Where are you taking me?"

Wait nga ulit... Iyon na 'yon? Hindi ba dapat... I don't know, a little compliment for my outfit or make-up?

Baka hindi niya feel na ipuri ako. After all, sa utak niya, I am just some girl he's playing a game with, and not his girlfriend. Paniguradong iniisip niya na magiging isa lang ako sa paniguradong mahabang listahan niya ng mga hook-ups. And that pisses me off so much!

I'm glaring so hard at him that he takes notice. Hindi naman talaga siya nagsalita, pwera sa...

"Huh?"

Huh?! Ang sarap niya suntukin at sipain sa bayag talaga...

"So, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya ulit.

Kalma, Yvie. Kalma.

"Doon," I tell him with a strained smile, sabay turo sa direction ng destination namin. "I am sure na alam mo 'yong lugar. After all, for a pilot, panigurado naman na alam mong dating air traffic control tower ang establishment mismo ng Blackbird, ano?"

Sinundan niya nang tingin kung saan ako nakaturo at bahagya siyang ngumiti. Totoo nga na alam niya rin ang restaurant na iyon.

May pagka-luxury ang ambiance no'n, at may pagkamahal din ang price; pero sinuggest ni Mika na masarap daw doon kahit hindi ko pa alam kung totoo ba iyon. Also, at least there's a connection between us with aviation, kaya why not doon ko raw isama si Sage. Nabuking ko na lamang si Mika na paborito nilang restaurant iyon ng kanyang fiancé.

"I'll be honest to say that I like the feel of that place," Sage replies as the two of us walk towards the restaurant's direction.

"The food is certainly good, too," dagdag ko pa. Hindi nga lang talaga based sa experience, but based sa reviews at sa sinabi ni Mika.

"True. But it looks like something's going on inside," sambit niya noong medyo malapit na kami para makita na may mga guards na naka-station sa labas, and may mga cameras and lighting equipment ang naka-set. Hindi lang sa labas, but also sa loob ng mismong restaurant.

That shouldn't happen, since nagpa-reserve ako for tonight...

Tumungo naman ako sa may side-entrance upang hindi makagambala sa mga nag-aayos ng set. Mabuti na lamang at hindi pa rolling ang shots, kaya nagawa kong makausap ang isa sa mga staffs ng restaurant.

Sa huli-huli ay nalaman kong rinent ang restaurant for some TV drama for at least another six hours; and a double shot in the dark ng kapalpakan ko to find out na 'yong rineserve ko na date is not for "5 August 2024" but for "8 May 2025". Screw the date options...

"Malas nga naman," Sage remarks.

"Sorry." I try to look at the bright side naman kaagad. "But, at least, there's a reservation for us on the eighth of May next year."

He smirks. "Your optimism truly works great wonders."

"Yes, that's why, wait lang. Maghahanap ako ng iba pang lugar." Kinuha ko naman kaagad ang phone ko upang maghanap pa ng ibang mga restaurant na pwedeng bukas pa ng ganitong oras.

"Hold on," Sage interrupts, stopping me. "Come on."

"Eh? Paano... Saan tayo mag-didinner?"

"Okay lang."

Sage won't budge on the matter. Instead, he takes my hand and pulls me along. Somewhere.

Hindi niya naman ako dadalhin sa hotel ng walang dinner as punishment, ano?! God, Yvie, what are you thinking?! Think of something!

———————————————

A/N: A few more days and summer is finally here. Yes, the March Equinox is the basis for that. How are everyone holding? I mean, we're approaching the second year since the lockdown due to the pandemic. I can still remember that dreadful day that I was forced to stop flying for more than a year due to that. And now, I've recently received a notice from the training department that they've recently passed the endorsement letter to CAAP for a check-ride schedule. Hopefully, we'll have a schedule before the expiry of our temporary licenses! I hate to take an Air Law exam again... T_T

Also, a belated happy birthday to Yumi from Flight Plan! If Nikolai can make an appearance and be mentioned here, of course, they are also bound to appear!

Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3

UPDATED: 13 May 2024 | 1235H

#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top