Flight 07 - Turnaround
Turnaround
Turnaround is the unloading and preparing of an aircraft for another flight and the time taken to do this. This involves activities done upon chocks in—unloading and loading of cargos, disembarking and embarking of passengers, refueling, 360 inspection by the maintenance and pilots, quick clean-up, unloading and loading of foods and snacks, and other things done on ramp—until chocks out and pushback.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
"Alamin natin if 'yong sex is part of that ninety-nine percent compatibility, or baka iyon 'yong one percent incompatibility."
Kinalibutan ako kaagad noong narinig ko ang mga katagang iyon. Paano niya ako ineexpect na sumagot sa tanong na iyon? To something so brazen?
He takes issue even with my speechlessness, huffing. "Akala ko magiging experienced ka about this? So bakit prudish 'yang reaction mo? Nakatanggap ka ng ninety-nine percent compatible match with an old friend. That's the closest you can find for the definition of a 'soulmate'."
"In a certain degree," pabulong kong saad, "Baka. But..."
"Ano?"
"Wala. Talagang... Bwiset naman, oh."
Hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Biglang 180-degrees back, eh! I mean, less than five minutes ago, hindi ko inaasahan 'yong ganitong klase na confession! Masyado akong self-conscious, lalo na sa mga usapin na ganito. Hindi dahil NBSB ako, but talagang nakaka-conscious lang talaga! Right now, the best thing to do is to make sure that we're on the same page, 'di ba?
I steel myself. "So... noong sinabi mo na gusto mo i-check 'yong compatibility natin..."
Huminga siya ng malalim at tinitigan akong maigi. "Tanungin kita ng masinsinan, Yvonne. What did you feel when it says that we're ninety-nine percent compatible?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you curious of that ninety-nine percent compatibility, or of that one percent incompatibility?"
Bahagya niyang linihis ang tingin niya. "I'll be lying kapag sinabi ko na hindi ako mas curious doon sa one percent remaining... Pero, I am taking things one step at a time para malaman kung ano iyon. And sex..." He nods. "I mean, yeah, sex. Pwedeng nasa ninety-nine percent or it may be that one percent." He looks back at me, smiles sheepishly and sighs deeply. "Geez, talagang pinipilit mo akong sabihin iyon ng paulit-ulit, ano?"
"No!" giit ko. "Diyos ko... Bakit ko gugustuhin na sabihin mo iyon ng paulit-ulit?"
"Mukhang nagbago ka." Tumawa si Sage at bahagyang napailing na lamang. "Mukhang magiging masaya ito. Mas lalo lamang ako nagka-interes sa iyo."
I scoff. "Baka nga."
Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti bago tawagin muli ang bartender para sa isa pang baso ng alak.
Napaisip naman ako kaagad. Ibig-sabihin hindi talaga siya nagka-interes sa akin dati, ano? Kung ganoon...
"Sage," simula ko. "Can I ask you something?"
Ipinaling niya ang atensyon niya sa akin. "Sure."
"Bakit mo napagdesisyunan na makipag-match sa akin?"
"Bakit?" Nice naman. Sinasagot niya 'yong tanong ko ng tanong din. Kainis...
"Kung ano man ang rason, hindi ako magagalit. Kaya sabihin mo na lang sa akin kung ano ang totoo," giit ko.
Saglit niyang pinasalamatan ang bartender at uminom siya bahagya bago sumagot, "Wala naman dapat ikagalit sa rason ko, sa totoo lang. I mean, obvious naman, 'di ba? Ginawa ko iyon para sa sex."
My God... Sinigurado ko lang sa pagtatanong ulit na hindi talaga ako nangangarap kanina noong sinabi niya ang tungkol doon. Somehow, nagawa ko naman na pigilan hindi mawalan ng malay sa rebelasyon na iyon. At dahil doon, kung anumang lasing ko kanina dahil sa ininom ko na alak ay mistulang nawala. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sinampal ng kanyang mga salita.
Totoo nga ang pakiramdam ko noong una pa lamang. Alam ko na sex lang ang paniguradong habol niya! Nagpaka-gentleman lang muna siya, pero gusto niya lang talagang patunayan if totoo 'yong irresistible na ninety-nine percent compatibility namin...
Sage turns to look at me after a full minute na hindi ako sumagot after niya magsalita. He appears surprised and stops midway from finishing his drink. "Wait, seryoso ba na naghahanap ka ng boyfriend gamit 'yong app?"
Napakagat lamang ako ng labi.
"No way." Bahagya siyang umiling. "Seryoso ba? Mas lalo ka bang nagpapaloko habang tumatanda? Siguro alam mo na kung gusto ko ay pwede kong—" Pinigilan niya ang sarili niyang ipagpatuloy ang sasabihin niya at huminga lamang siya ng malalim. "Wala ako masyadong free time para makipag-reunite sa isang tao na binusted ko na noon. At hindi lang sa 'di pwede sa work, but hindi ko type 'yong ganoon, at hassle masyado ang group dates."
"Kaya ka nag-register sa Venus Match?" I notice that my voice starts to have an edgy tone.
"Madali at saglitan lang din 'yong registration. Mas lalong mabilis maghanap din ng mga tao na ganoon din ang hanap kagaya ko. Pwede natin sabihin na it is perfect for me," explain niya kaagad. "Tapos binigyan ako ng app na iyon ng ninety-nine percent match. Malamang magiging curious ako tungkol doon. Ano ba sa palagay mo?"
Malapit na ako mapa-facepalm at sumuko upang tanggapin na kamalian lang talaga lahat ng ito. "Sa totoo lang, gusto ko lang na makita ka ulit. Tanga na kung tanga, pero inisip ko na baka posible na mag-reminisce tayo."
Linihis niya saglit ang tingin niya. "Wala talaga akong memories na masasabi kong nag-standout at that time of my life. Ibig kong sabihin, isa ka lang sa mga naging part no'n. Ang naalala ko lang ay may pagka-pushy ka."
Tangina talaga nitong lalaking ito...
Worthy bang sagutin 'yong napakawalang-kwentang explanation niya? Lahat ng excitement ko ay nawala lang bigla.
Siguro ako talaga itong si tanga na naging excited sa paggamit ng app. Nakakatawa na lang isipin na para akong bata na umasa at pinaghandaan itong date na ito... Tapos walang kwenta pala talaga itong lalaking ito.
'Yong Sage na naalala ko ay matatawag kong 'perfect'. May pagka-rulebreaker pero madaming nagmamahal sa kanya, at isa na ako sa mga iyon. Pero 'yong Sage na kasama ko ngayon ay kamukha niya lamang na walang ibang alam pwera sa pagiging sex addict.
"Ang sakit, ha..." I whisper.
"Hmm?"
I am being honest to say that it is painful. Ang sakit na nga noong binusted niya ako tapos nararamdaman ko ulit lahat ng iyon ngayon. Or... No, mas masakit pa siguro ito. Rather, he's disgusting.
"I'm going home," I say.
"Huh?" Halatang nabigla siya.
Alam ko na wala talagang magandang pupuntahan ang lahat-lahat, lalong-lalo na if tungkol kay Sage. Totoo na umasa ako, pero ngayon...
Tumayo ako at kinuha ang bag ko, handang umalis. Pero bago pa ako makahakbang palayo ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Teka lang," sabi niya.
"Tsk... Bitawan mo ako."
"Sigurado ka ba?"
"Sigurado saan?"
"Tumatakbo ka lang palayo. Ginagawa mo na naman kung ano ang dati mo ring ginawa. Hindi ka ba talaga nag-mature?"
Hindi naman siya mali roon. Hayaan ko siyang isipin niya iyon. But he is the last person I ever need to hear that from!
He continues pressing me for an answer and his hold tightens, "Hindi mo talaga kaya akong i-turn down, 'di ba? Alam ko na gusto mo pa rin ako."
"Kadiri ka," sambit ko. "Hindi na kita—"
"Kaya mo bang sabihin na hindi na?" Hinatak niya ako palapit sa kanya upang magkaharap muli kami. His gaze is suggestive as he traces my lips with his finger. And dahil doon, naalala ko lang muli yung kiss namin.
'Yong kiss namin noong high school was the worst of the worst. Dahil kung alam ko lang na magiging ganito siyang klaseng tao, hindi ko hahayaan na kunin niya 'yong first kiss ko no'n! But then, guilty as charge... it was also unforgettable.
He smirks, clearly showcasing a sense of victory. "Let's continue that kiss from earlier. Pangako na I'll make this a night na hindi mo makakalimutan. Alam ko na maiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin kapag pumayag ka lang."
Malayo-layo pa para siya ang mag-wagi sa huli. Hindi pa panahon para siya ang magkamit ng huling halakhak. Lalo na ngayon na kung ano pa ang natitira kong pagtitimpi ay napalitan na ng galit at pagkairita.
Hindi ako 'yong klase ng babae na tatakbo patungo sa kung sino man na lalaki para lang kalimutan lahat ng sakit at pighati. Hindi ko hahayaan na maliitin ni Sage kung anong kapirasong kaalaman ko tungkol sa pag-ibig!
"Wala kang karapatan na tratuhin ang ibang tao na parang laruan mo," I hiss.
He raises an eyebrow. "Excuse me?"
"Ah... tama. Let me correct that." I clear my throat. "Women are not your playthings. 'Wag mo isawalang bahala lamang ang nararamdaman ng mga babae. Anong tingin mo sa amin? Pretty little dolls lang para sa inyong mga lalaki na kagaya mo?"
"Sinabi ko ba iyon?" tanong niya sa akin.
Kainis na talagang may comeback siya sa lahat ng bagay na sinasabi ko.
"Pakiramdam ko na I treat women better than most guys do, kung tatanungin mo ako, ha? Well, siguro, much better sa mga sinabi mong 'kagaya ko'. Hindi kita pinipilit; and sorry pero 'di ako interesado sa mga ganoon. Correction, I'm not interested in that stuff."
Bwiset talaga! Talaga bang humihingi siya ng sorry para lang magmukha na hindi siya 'yong mali?! Ito ba talaga ang nararamdaman niya, huh? Kainis na pang-gagaslighting ito, ha!
I'll be honest to say that I am pretty appalled. At least, nagawa ko na naman ilabas lahat-lahat at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero nakakaloka talaga na umasa ako; at nagkaroon ako ng lakas ng loob na sagutin 'yong message niya sa app na iyon. Gusto ko lang talaga ma-overcome 'yong nakaraan at baguhin ang sarili ko. Medyo umasa rin ako na makahanap ng pag-mamahal na may mutual respect.
Siguro... naging hopeful ako na ma-fall siya sa akin. And I was hoping for revenge. Pero wala namang halaga lahat ng iyon kung ang gusto niya lamang ay isang physical relationship!
"I'll make you fall for me," I announce.
Sage's eyes widen a little. "You'll what?"
Makipag-sex man ako sa kanya or hindi, walang magandang mangyayari kung patuloy niya akong mamaliitin. In that case, I'll just have to get my revenge!
I point a finger right at his face. "Sinisigurado kong isang pagkakamali ang ginagawa mo ngayon."
"Talaga ba?" Bumalik na naman ang kanyang ngisi.
"Oo. FYI, I don't come cheap. Lahat ng panget na sinabi mo sa akin, sinisigurado kong babalik sa iyo." I smirk. "Sage Nathaniel Martinez, I'll make you fall in love with me so much that you'll be begging me for sex."
———————————————
A/N: So... how was your week? Me? Nothing much. Just the usual struggle of:
Me: "Miss ko na lumipad. Huhuhuhu T_T"
Remaining hours before 200: "Okay lang ba sa iyo magbayad pa ng additional hours? Lumobo oras mo? Para lang sa PPL Renewal?"
PPL License: "Pa-expired na ako~"
And yes, my PPL is about to expire on 28 February. After two years of being a holder. BUT!!! My license had been applied for a temporary extension for the sake of a PPL renewal check-ride. Yes... a renewal is basically an equivalent of a proficiency check to receive an issuance of the license. Tapos, baka once na maipasa ulit iyon and makuha ang license, will be back to flying for VOR or RNAV and the remaining necessary hours for a CPL check-ride. Then, waiting game ulit for a schedule. Since, as of now, I am waiting for a schedule dahil kaka-endorse pa lang namin for a check-ride... Dakilang tambay na muna ako habang nangangarap na gumanda-ganda na ulit ang industry.
On the side note, nakakalungkot ang nangyayari ngayon between Russia and Ukraine. As of now, it highly affects the aviation industry, too; since NOTAMS had been released that Ukraine is currently a no-fly zone. My heartfelt prayers to all of them. :<
ALSO!!! Nakakainis itong Wattpad, ha... I've set my languages to English. Tapos makakakita ako ng Filipino. Ang conyo, Wattpad, ha... Tapos, sinet ko na lang sa French... And mas nakakaloka na may Filipino pa rin. Ano ito?
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 09 May 2024 | 1012H
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top