Flight 06 - Drag

Drag

Drag is the resistance force of the air created by moving the aircraft through the air.

For more information concerning the four forces of flight, see: AUTHOR'S NOTE: IT IS NOT MAGIC: THE FOUR FORCES OF FLIGHT.

☆ ☆ ☆ ☆ ☆

To be honest, that contact can barely be called a kiss. It is much more of a peck, but... I can't deny the fire between us. However, when we pull away and we continue to look into each other's eyes... I can feel the heat gathering in the pit of my stomach.

Hindi naman ito ang first kiss naming dalawa. This had been the second one between us. My second kiss as well... after fourteen years.

Noong high school, binulgar ko na ang lahat-lahat sa confession ko sa kanya, and I was turned down with a kiss to "remember him by". I was so miserable at that time... kung may nalulunod sa pagkalungkot, ako na yata iyon. Kaya noong nakita ko 'yong pangalan ni Sage, kinabahan ako kaagad. But this kiss—my second kiss, and with Sage as well—puts a gentle salve on those old wounds.

Siguro, kaya ganoon, dahil mahal ko pa rin siya. Kahit fourteen years na ang nakalipas na wala kaming connection sa isa't isa, noong nagkita ulit kami at nagkausap... bumalik lang talaga bigla ang spark na iyon. Pero talagang bang "love" ito? Kahit ngayon? Para naman akong bata na naniniwala pa rin na mahal ko siya. Sa kabila ng lahat.

I blink, realizing a second later that his lips are now a light shade of pink. The lipstick really rubbed off on him...

"Sage..." I break the silence between us and lightly point at his lips. "Your lips..."

"Hmm?" Nakatitig pa rin siyang maigi sa akin.

"May lipstick," saad ko.

"Oo," sagot niya. Hindi man lang siya nagulat or what. He lightly rubs his lips with his thumb. "Natanggal ko ba?"

"May natira pa." Lumihis ako ng tingin sa kanya at sinimulan halungkatin ang laman ng bag ko. "May dala akong salamin dito. Gusto mo bang hiramin?"

"Hindi na kailangan." Bahagya siyang ngumiti. "Bakit hindi na lang ikaw ang magtanggal?"

"A-Ako?!" Naramdaman kong kaagad nag-init ang mga pisngi ko.

Linapit niya ang mukha niya sa akin at sinabi ng may ngiti, "Dali."

Kung awkward sa akin at mas lalo pa akong namumula, halata naman na nag-eenjoy itong loko na ito. It is true that it is awkward to wipe his lips like this, but I trace the curve of his lips anyway. And when I am done, I pull my hand and the tissue away from him. "Okay na."

"Salamat." Bahagya rin siyang umatras at kinuha muli ang kanyang baso.

Napakagat ako ng labi at tuluyang tinanong sa kanya, "By the way... ano 'yong... ano 'yong kiss na iyon?"

Napatigil siya at tumingin muli sa akin. "Iyon talaga ang itatanong mo sa akin?"

Gusto ko lang talaga tanungin, dahil ayaw ko na naman umasa o mag-assume lamang.

"Anong sa tingin mo?" His smile is visibly a teasing one. "Hmm?"

"Kapritso?" tanong ko.

"Kapritso?" tanong niya pabalik. Mukhang hindi niya iyon alam.

"Whim."

He scoffs and chuckles lightly. "A whim? Talaga?"

I just answered honestly, kung ano ang tingin ko tungkol doon. To add, Sage's smile is a little strained, and somehow lonely...

"I wouldn't kiss anyone on a whim," he says. "Kung ganoon ang tingin mo, ibig-sabihin lang noon ay hindi mo pa talaga ako lubusang pinagkakatiwalaan." He slowly reaches out a hand to overlap with mine. "Pero, to be honest with you, masaya akong makasama ka ngayon. Matagal-tagal na noong last na nakapag-enjoy ako ng ganito."

Ano ito? Ito na ba talaga ito? As in, mag-coconfess na ba siya sa akin? My gosh, Yvie, masyadong mabilis. Pero, talaga bang aamin siya para maging girlfriend niya ako?

Masyado na naman akong umaasa na noong bahagyang tumawa si Sage ay nabigla ako. Noong nakita ko na bahagyang nag-iba ang expression niya na almost hindi ko siya kaagad nakilala... kinabahan ako. He becomes serious, and the look in his eyes turn cold as he takes a gulp of his whiskey before turning to me with a dangerous smirk.

"So..." he starts. "Naalala mo ba 'yong first message ko sa iyo?"

Kahit biglang parang naging malamig ang tono niya, nagawa ko namang sumagot, "You mean, 'yong doon sa app?"

"'Yong message na pinadala ko pagkakita ko na compatible tayo. Kahit sabihin ng app iyon, pwedeng totoo o hindi. Physically, emotionally, or whatsoever." He shrugs, admitting the next, "Medyo matagal-tagal ko na rin ginagamit 'yong app, pero hindi pa ako nakakakita ng ganoong result. Totoo, mataas; but not perfect."

I raise my hands at him at once, stopping him, "Wait. Teka lang."

"Ano?"

"Hindi ba't sinabi mo na first time mo pa lamang gumamit ng Venus Match?"

"Sinabi ko ba iyon?"

Shit naman, oh. Did he just lie to me? Pero... bakit? Ano ba ma-aachieve niya kung sinabi niya 'yong totoo sa simula pa lang?

"Anyway," continues Sage. "Anong masasabi mo tungkol doon sa one percent incompatibility? Ginawa lang ba iyon ng app for a margin of error? Or may type talaga na 'di tayo compatible? Sa anong aspect kaya iyon?"

"To be honest, ako rin. Laking gulat ko tungkol sa results." Enough na muna sa mga iyon. Sinasabayan ko muna ang takbo ng conversation na ito. "Pero personality quiz lang talaga iyon. Mas lalo akong nagulat na ikaw 'yong naging match ko, at ikaw ang unang nag-approach sa akin. Pero, teka lang, ano bang mayroon sa one percent incompatibility na ito at curious na curious ka malaman iyon?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Hindi ka ba na-cucurious tungkol doon?"

"Naniniwala ka ba talaga sa app na ito?" I counter.

"Oo." He nods. "That app uses a state-of-the-art AI to do its diagnostics. Iyon ang sabi ng mga kilala kong techy. In short, it is both highly efficient and incredibly accurate."

"Well, aren't you a treasure trove of knowledge." Halata ang sarcasm sa sagot ko, at kung nahalata niya man iyon ay hindi niya pinansin.

"Yvonne, air traffic controller ka." He rubs his hands together as he straightens on his seat. He clears his throat the next before adding, "In short, kasama ka sa maliit na percent ng industry sa buong mundo na aware sa line of work namin. No doubt na sa training mo, may mga nakilala ka rin na tao na katulad ko. Magugulat ka sa mga kung ano pa ang nalalaman ko."

Seryoso ba talaga ito?!

Hindi naman siya tumigil na busisiing maigi itong topic namin ngayon. "So, tanungin kita ng masinsinan. Bakit mo tinanggap 'yong request ko?"

Moment of truth na rin ito sa akin. Bahagya kong kinagat ang labi ko bago sumagot, "Well, ikaw kasi iyon."

"Imposible na iyon 'yong sagot. Anong tungkol sa akin? To be exact?"

"That's—"

To be honest, gusto ko rin talaga siya makita. Gusto kong malaman kung ano ang pinagbago no'ng lalaking minahal ko ng matagal na panahon.

Pero, kapag iyon ang sinabi ko, alam kong iisipin niya lang na weirdo ako. Kaya napatawa na lamang ako. "Well, noong nakita ko kasi ang pangalan mo... it brought back memories."

"Sinungaling." He shakes his head, laughing. "Hindi ka makiki-match dahil lang doon. Talaga bang makikipag-match ka lang dahil sa nostalgia?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tignan natin if totoo ba 'yong ninety-nine percent compatibility natin kaysa sa one percent incompatibility."

Hindi ko alam kung bakit ako mas lalo akong kinabahan. "At ano naman ang binabalak mong gawin upang malaman ang tungkol doon?"

Something that had been getting pulled tighter and tighter throughout this whole conversation finally snaps. The man in front of me with his brazen smile is not the Sage I know. Cracks appear in my bittersweet memories of him and the feelings of adoration I had... and piece by piece, they slowly fall with a dull, aching sound.

"Don't play dumb," Sage remarks. "Alamin natin if 'yong sex is part of that ninety-nine percent compatibility, or baka iyon 'yong one percent incompatibility."

———————————————

A/N: Things are heating up between Yvie and Sage!!! And I am not sorry for how different Sage may be compare sa Flight Plan? Or baka ito ang tinatago niyang personality all throughout that book?!

Anyway, nakakaiyak isipin na malapit na mag-expire ang PPL ko... T_T Pero, laban! Hintay lang muna para sa pagpapatuloy ng pangarap! Laban para sa kinabukasan! And yes, always remember: They can jail or kill anyone, but it will never be able to stop the movement!

Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3

UPDATED: 08 May 2024 | 0953H

#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top