Flight 05 - Updraft
Updraft
Updraft is a rising current of air wherein once combined with downdrafts result to turbulence.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
Coincidentally, Sunday is my last day of the week sa work. And morning schedule rin iyon so by three o'clock in the afternoon, I call it firmly quits—kahit na nag-four hours straight work na ako para makapagpahinga na rin ako for the remaining hours of duty. Nakauwi rin naman ako kaagad ng mga five, and napagkasunduan namin ni Sage na magkita by eight in the evening.
According naman kay Google Maps, thirty minutes to one hour will be enough to make it sa destination. A quick shower and a few makeup will do, since simula noong nagkita kami ni Sage ay naging maalaga ako sa skincare routine; leading to a much lesser preparation needed. Hopping to a taxi pagkatapos ko makapagpaalam kala Papa and Mama kung saan ako pupunta, knowing that they've been eager na magkaroon na ako ng boyfriend, hinayaan nila ako at sinabihan na mag-enjoy.
Maging noong sumakay ako ng taxi patungo sa dinner namin, hindi pa rin ako makapaniwala sa lugar na yinayaya niya ako na sinigurado ko pa 'yong text niya bago ko sabihin kay manong driver.
Sage: Grand Hyatt Manila. Sa BGC. Dinner sa No. 8 China House nila doon at 8pm.
A quick search sa internet a few days prior, napag-alaman ko na hindi basta-basta 'yong lugar. Five star hotel and restaurants. I mean, sinigurado ko rin na acceptable 'yong damit ko to be a "smart casual" at hindi basta-bastang attire lang. And sinigurado ko rin na may sapat akong pera in any case na mauwi sa kanya-kanyang bayad.
But... since siya 'yong nagyaya, 'di ba dapat siya 'yong magbayad? I think. Pero hindi naman kami... so better be safe na may pera ako.
That's why, noong nagkita kami sa lobby ng hotel bago tumungo sa restaurant itself, na-realize ko na mukhang familiar na siya sa lugar. It is a fancy restaurant, and me being me, first time ko lang sa mga ganito. And for obvious reasons, which is to date.
Noong nakuha na ng waiter ang mga orders namin at nalula ako sa mga presyo, na nagawa kong i-assure ang sarili ko na kaya kong bayaran ang kakainin ko, if ever, tinitigan ako ni Sage at sinabi ng may bahagyang ngiti, "Sorry kung medyo late na tayo magkita. Sa mga trabaho natin, alam mo na siguro na mahirap maghanap ng free time, or hindi basta-bastang makakaalis lang ng office."
"Ayos lang!" sagot ko. "Off ko naman bukas, so okay lang."
To be honest, may plano kami ni Mika and ng iba pang mga kasamahan namin sa trabaho na aalis na mula sa batch namin upang mag-abroad; dahil mas malaki talaga ang kita ng mga air traffic controller sa ibang bansa, to the point na mas mataas pa minsan sa mga piloto! However, noong nalaman ni Mika na nag-aalok si Sage ng date ngayon, sinabihan niya ako na puntahan ito instead and siya na raw bahala sa mga kasamahan namin.
At ngayong tinititigan ko ang ngiti niya, alam kong tama ang naging desisyon ko.
Tinanong ko naman siya, "Ikaw? May flight ka ba kanina, or bukas? Baka kasi dapat nagpapahinga ka ngayon ay iniistorbo pa kita."
He shakes his head. "Ako naman itong nagyaya, kaya okay lang. Well, about work, compared noong mga nakaraang linggo na hindi kita masyadong nakakausap... mas maluwag ang schedule ko for these next few days. Noong isang araw pa last kong lipad, and sa monthly roster, sa Tuesday pa ng gabi 'yong susunod. For today, nag-report lang ako sa HQ for any last minute concerns regarding sa aftermath ng meeting for the first half of the fiscal year."
"HQ? Pero 'yong operation base niyo is 'yong sa may airport, di ba?"
"I mean is 'yong headquarters dito with the higher bosses. And the head office and ticketing office." He shifts slightly. "Alam mo naman kung sino may-ari ng Royal Orient Airways, 'di ba? And connecting the dots... yes, HQ's just some few blocks away. Along with the head office ng iba pang subsidiary under the Verano Group of Companies."
"Ah..." Muntikan naman akong tumawa sa naisip ko regarding "VGC being in BGC". Bwiset, ang corny mo naman, brain!
Habang iniisip ko naman iyon ay may linagay si Sage sa table at inilapit iyon sa akin, sabay sabi, "Here. I have a present for you."
I blink. "F-For me?"
Wait... I may not be a fan of cosmetics and everything, but I know this design dahil nakikita ko rin ito kapag pumupunta ako sa Mall of Asia.
Medyo kinakabahan pa ako noong tinanggap ko ang regalo at tinignan ang laman sa loob. Inside is the new shade of lipstick; nalaman ko lang ito dahil naalala kong nabanggit ito ni Mika at prefer niya pa rin daw ang ginagamit niya kaysa ang isang M.A.C lipstick. At hindi lang iyon, nakaukit din sa isang side ng lipstick ang pangalan ko: Yvonne.
It is beautiful... The elegant case and lettering has me spellbound. But, thankfully, I immediately snap out of my senses. I return the lipstick to the packaging and return it to him.
"I'm sorry, Sage," I say, "Hindi ko ito matatanggap."
"Bakit hindi?"
"Well..." I'm not even your girlfriend, muntikan kong idagdag. For beginners, wala tayong label.
"I insist," he adds. "Hindi ko naman ito magagamit, at mas gugustuhin ni Ate na bumili siya ng sarili niya kaysa bigyan ko siya ng ganito. Hindi rin bagay ang ganitong shade kay Mama." Tinitigan niya akong maigi. "And binili ko talaga ito para sa iyo. Kaya nga may pangalan mo pa iyan. Hindi mo ba gusto?"
"I-It's not like that," nahihiya kong sagot. "I actually love the rose pink shade."
Hindi lang talaga kayang tanggapin ng utak ko na gagamit ako ng lipstick na si Sage mismo ang pumili at bumili para sa akin!
Bago pa ako may ibang magawa at masabi, kinuha ni Sage ang lipstick mula sa package. Para naman siyang sanay na sanay sa paggamit noong tinanggal niya ang cap at bumungad ang rose pink shade na lipstick. Gamit ang isa pa niyang kamay ay hinawakan niya ako sa aking baba.
Habang nakangiti, sabi niya, "Ako na lang ang maglalagay sa iyo."
"A-Ano?!" Kaagad na nag-init at namula ang mga pisngi ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ilinayo ang mukha ko sa kanya. "A-Ako na. Kaya ko naman gawin mag-isa."
Kinuha ko rin kaagad sa kanya 'yong lipstick, at habang dala-dala ang bag ko ay tumungo ako sa comfort room para pakalmahin ang sarili ko at ako na mismo ang maglagay ng lipstick.
Kalma, Yvie. 'Wag ka masyadong marupok!
☆ ☆ ☆
Just a few seconds after ko makabalik sa table namin, all prep and ready with the lipstick on, ay dumating na rin ang mga order namin. The same waiter from earlier who've taken our orders came, and places each plate of our meal. He says, placing mine first, "Mud crab wok-fried with calamansi for the lady." And then places Sage's meal the next, adding, "And a wok-fried Angus beef short rib in crispy garlic for the gentleman."
Bago umalis ang waiter ay sinabihan kami na 'wag mahiyang tumawag if may concern pa kami, at sinabihan kami na mag-enjoy. Some sort of both awkward and comforting silence settle between us as we eat, and I gingerely cut into the crab in front of me, which had, thankfully, been sliced very well for easy eating.
And I try to lift the mood and get our conversation going on after taking a bite. "Oh, this is delicious!" I turn to him with a smile. "Sage, would you try... Oh, sorry." I chide, realizing that I've been quite too loud in such a setting. "That might be a bit rude in a place like this."
Umiling siya at sumagot, "Kahit na ganoon pa man ay hindi ako kumakain ng crabs."
"Talaga?" Napaisip ako kaagad kung bakit, at hindi ko na lang siya pinush mag-explain about that. Inisip ko na lang na baka dahil sa allergy kaya ganoon.
To be honest, hindi ko talaga alam na ito ang magiging kalalabasan ng in-order ko. Since hindi ko naman alam kung anong masarap dito in regards to Chinese cuisine, tinanong ko na lang 'yong waiter kanina kung ano ang best-seller nila. Which ended up to be of seafoods, and I just agreed noong sinabi na 'crab'.
I turned the question back to him, changing the subject somehow. Sabi ko sa kanya, "Your food looks really good as well."
Bahagya siyang ngumiti. "Lasa 'yong pagkatamis ng red wine sauce, which is amazing. Kailangan din ng tiyaga para maging ganito kalambot 'yong karne, at sapat para tuluyang maging malasa ito. At 'yong amoy na ito..." He closes his eyes for a moment and takes a quick sniff of the sauce. "Black truffles, perhaps? It is engaging."
I blink at him, surprised with his words. "I never take you for a foodie. Kahit alam ko na magaling ka rin na cook during our high school days. Siguro dahil nakakakain ka na kasi ng iba pang mga cuisine all around the world as a pilot kaya ganoon."
"Sa tingin mo foodie ako?" tanong niya.
"Sa sinabi mo kasi, feeling ko foodie ka."
Bigla naman siyang tumawa roon at mas lalo lang akong namula sa hiya. Mukhang mali ang interpretation ko roon. "Kaya ko lang nalaman ang tungkol dito ay ganoon siya pinuri ng mga kilala kong chef noong kumain kami rito," paliwanag niya at bahagya siyang umiling. "Kung sa tingin mo foodie na ako, may mas foodie pa sa akin."
I listen attentively with his explanation, marveling the fact that Sage had succeeded in life than most of the people around us when we were back in high school expected of him. Being the troublemaker he was, it seems like a breakthrough to find him this successful. Even the mere thought of thinking that he is part of a high class of friends makes me cringe of how awkward this may be. With him being with me at this time.
"May problema?" tanong ni Sage sa akin.
"Huh?"
Ipinaling niya ang tingin niya sa akin, bago linihis patungo sa aking mga kamay. Napansin ko na napatigil ako sa pagkain. At mukhang lumulutang talaga ang utak ko.
"Para kasing ang lalim-lalim ng iniisip mo," sagot niya.
"Oh." Tuluyan kong binitawan ang aking cutlery at linapat ang mga kamay ko sa table napkin na nasa lap ko. Nahihiya kong sambit, "Napaisip lang talaga ako na... hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Alam mo iyon? Napaka-unreachable mo noong high school, or baka hindi mo alam iyon. In the end, I just keep chasing you."
He smiles sheepishly. "Well, unreachable in a negative way, I guess. Alam mo na muntikan na ako ma-expel dati. And also... close rin naman talaga tayo dati, 'di ba?"
"Well..." Bahagya akong namula. "Sinabi ko na naman sa iyo. Medyo nakakahiya na ngayon, pero hindi ko magawang mainis sa sarili ko for being... passionate about someone. Importante sa akin ang panahon na iyon."
"Sa totoo lang, naiinggit ako sa iyo na kaya mo magmahal ng ganoon. Masaya ako na ako iyon." Inabot niya ang aking kamay at napatitig lang lalo ako sa kanya. "Yvonne, know that you are special to me."
"Sage..."
Mas lalo siyang ngumiti, isang bagay na hindi ko ineexpect na masasaksihan ko ngayon. Back then, alam kong medyo kwela rin siya na madalas siya tumawa at magpatawa. But not this way na talagang malambing. Mukhang pareho lang kaming nagbago.
My heart flutters at the thought, but a second later, Sage's face turns serious.
He whispers, "Do you have any plans after this?"
"Pagkatapos ng dinner, you mean?"
"Yes. I want to spend more time with you. I want to talk with you more."
Medyo nahihiya akong aminin na nag-eexpect ako ng more than that. Well, I am old... but hindi experienced for what may be beyond this. However, gusto ko rin na makasama pa siya ng matagal. I want to spend more time with him, too. Perhaps, dapat ay makinig na lang ako sa nararamdaman ko.
I answer, "Of course."
☆ ☆ ☆
"Whiskey on the rocks," kaagad na sabi ni Sage sa bartender bago kami parehong umupo sa may bar area. Tumingin siya sa akin at binigyan ng menu. "Yvonne?"
Bahagya kong sinilip 'yong menu at nalula kaagad ako sa presyo. Nakakalula na nga 'yong naging dinner namin na siyang sinagot naman ni Sage, ano pa ba aasahan ko sa ngayon? No one is wrong from choosing a classic, kaya ang inorder ko na lamang ay, "Mojito sa akin."
Tumango naman ang bartender at iniwan kaming dalawa upang gawin ang mga in-order namin.
Pagkatapos ng dinner, sumama naman ako kay Sage rito—The Peak Whisky Bar. Kakaunti lamang ang tao at siguro, ganoon talaga kapag nasa mamahalin kang lugar. Kahit na ganoon, hindi naman ako kinakabahan at hindi na rin ako aasa na makakita ng isang bar fight; which is madalas kong nasasaksihan kapag kasama ko si Mika at ang iba pa naming mga ka-trabaho sa mga bilang na araw na nakakapag-inuman kami.
A few minutes later, bumalik ang bartender at ibinigay sa amin ang mga pinili namin. Before taking a drink, we clink our glasses together just as a new song plays in the background.
"Masaya ako na nagkaroon ako ng tapang na yayain ka lumabas," simula ni Sage. "Akala ko talaga magagalit ka after what happened last time."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hmm? Anong mayroon doon?"
"I mean, dapat hinatid kita sa inyo, 'di ba?" He sighs heavily before brushing his hair back. "At that time, nagdadalawang-isip ako na sundan ka para masigurado na makakauwi ka ng ligtas. Pero hindi ako sure if I could really just... let you go."
Grabe 'yong titig niya sa akin ngayon. Nararamdaman ko na bumibilis ang tibok ng puso ko, at mas may iba siyang dating ngayon kumpara kanina roon sa restaurant. Hindi ko ma-explain, pero ngayong gabi na ba ang 'night of truth'?"
Uminom ulit ako upang pakalmahin ang sarili ko; kaso masyadong toasted na ang nerves ko, lalo na noong bahagyang nagpang-abot ang mga daliri namin. Nabigla ako, pero bago ko pa malayo ang kamay ko ay kaagad naman niyang hinawakan.
"Yvonne," murmurs Sage.
Hindi ako makalihis ng tingin sa kanya. Nakikita ko na ang reflection ko sa kanyang mga mata habang palapit siya ng palapit sa akin. Napansin ko naman na bahagya siyang tumingin sa aking mga labi.
"You know... I wouldn't mind seeing that lipstick on my lips as well," dagdag niya.
Tumango ba muna ako? Or nauna na mas lalo pa siyang lumapit sa akin? Hindi ko naman masasagot iyon, lalo na tuluyang nag-overload ang utak ko noong hinalikan niya ako.
That split-second kiss only lead me to be dizzier than any cocktail.
———————————————
A/N: It had been another hectic week for me, how about yours? Well, here I am, just finishing the last details of my documents to be passed to my flight school so that they can process my PPL renewal. Because I've just learned from our liaison that you can process the documents for a check ride endorsement without even taking a PPL Air Law. T_T And I hate that subject among all. So, I am praying that our requests will be accepted before it is due!
Who would have thought? It had been two years already since my PPL initial check ride. That's actually next week! I remember being asked by our check pilot if we didn't have any plans during that year's Valentine's. Who would have thought that it would be the last normal Valentine's before all of this?
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 07 May 2024 | 1148H
Last 27 April 2024, I graduated from the Airline Pilot Program of Alpha Aviation Group Philippines after almost six years of flight training from zero hours to the A320, from one bar to three bars, from SPL to CPL/IR and A320 First Officer-rated. It had been a wild journey, and currently busy with the job hunting. An additional present during graduation was to receive the "With Distinction Award" (some sort of graduating With Honors). I never considered myself to be the best or sharp student; and I've never been the most studious of all students. Regardless, it had been given to me. The knowledge, skill, attitude and experience truly made me be the confident pilot I am now; and this few trivia will also be seen through the course of the FLIGHT series! 🥹🩵
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top