Flight 04 - Network
Network
Network may refer to a complex interconnected group or systems; a system of lines or channels which cross each other; or a system of computers interconnected in order to share information.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
Tinitigan akong maigi ni Sage. Ganoon din ako sa kanya.
Pinipigilan kong tumawa para mas lalo siyang maniwala, pero sa totoo ay kaunti na lang at hindi ko na mapipigilan ang pagkukunwari. Mabuti na lamang at siya ang nauna kaya nasabayan ko, at naisip ko na ito na rin ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo mula sa peke kong credentials sa Venus Match.
Tuluyan na akong napatawa. "Joke lang!" saad ko bago salinan ang sarili kong baso ng tubig. "Pangarap ko na lang din iyon, ano? Kung ganoon ba ako kayaman... Pero, 'yong sa iyo, that's a good joke. Dahil kung totoo man, hindi ka na magpipiloto pa if you're already earning thousands or hundreds of millions."
Sage just sighs heavily and shakes his head a little.
"But, before anything," dagdag ko, "To make peace with myself, too. I am sorry for lying."
He looks back at me, once again all ears to what I am going to say.
"Very much na hindi ako stockholder ng AirSwift; 'di rin ako piloto nila. To be honest, I am an air traffic controller sa Manila Control," I tell him. "Kahit na may CPL/IR license ako, since hindi naman mass hiring noon... at kahit starting pa lang ang Royal Orient Airways noong pagtapos ko, I stick with the good old tower."
"Kung kakasimula pa lang ng Royal Orient Airways, that will be two years ago. Ang mga hinire lang at that time ay mga veteran pilots na matataas na ang oras."
"Yes, I know na sila—or rather, kayo—na matataas ang oras ang uunahin."
"Hindi mataas oras ko noong time na iyon. More or less, three hundred hours lang."
"Yeah, right. So that's the truth no'ng sa akin. That's why, come on." I giggle. "'Wag ka na mahiya. Say that you're also kidding earlier. And please, huwag ka magalit sa akin."
"Bakit ako magagalit sa iyo?" Ngumiti siya. "I understand na ayaw mo ma-compromise 'yong integrity mo at ng kumpanya. Especially na government agency pa rin ang CAAP."
Nagawa kong makahinga ng malalim. Masaya ako na nagawa kong i-open up din iyon kaagad sa kanya. Natatakot ako noong una na baka i-judge niya ako for misrepresenting myself; but for some reasons, I am having such a good time as well in riding along with him.
"But, to be honest," sabi ni Sage, "Medyo strange na nagtratrabaho ka as an ATC. Lagi kong iniisip na magiging doktor ka; since iyon ang sabi mo na dream job mo noong elementary at high school. Precisely, a dermatologist."
"Ah, iyon ba?" I laugh.
"But I can say that you've remained cautious with the beauty care."
"Hmm?"
"Hindi masyadong ganoon kaliwanag dito to give a cooling and relaxing effect, but I can still hint how beautiful your skin is."
"You..." Namula na naman ulit ako. "You flatter me—"
"I am just saying the truth." He reaches out for my hand as his fingers slowly trail my fingertips. "I'd like to..." He gulps in hard. "Is that all right?"
"I'd rather you don't," kaagad kong saad. "You might ruin my makeup."
Wait, what? Ano raw, Yvonne Jade Astilla? Ano bang iniisip mo?
Tumawa si Sage and pulls his hand away. "I see. I guess makeup can really change a woman."
"Y-Yeah. I think that makeup is a powerful weapon."
Medyo naging awkward na 'yong paguusap namin at tinuon na lang namin pareho na ubusin ang sari-sarili naming dinner. Or baka naman, ako ang dahilan kung bakit naging awkward. But then, when I try to find something that might have changed his mood; napansin ko na nakangiti pa rin siya.
"I can tell how wonderful your job is," bungad ni Sage mga ilang minuto pagkatapos 'yong awkward silence.
"Sage..."
I am suddenly too excited with the prospect that someone had looked up to praise me. Tapos may ngiti pa na mas lalo lang akong na in love sa kanya; lalo na nakangiti siya sa akin mismo.
"I like my own job, too," he added, "Kaya gets ko rin 'yong sa side mo."
"Pilots have a lot of responsibility. Some would even say that you're holding a lot of lives in your hands."
"First officer pa lang ako. Compared sa iyo na ilang eroplano ang hinahandle niyo all at the same time."
"Well, mas nakakahanga pa rin 'yong sa inyo," giit ko. "After all, we're just guiding you. Mas absolute 'yong mga ginagawa niyo lalo na kapag safety na ang nakasalalay; and also the weather and all. Alam ko naman iyon dahil usual na ang emergencies, at tsaka, nag-flying nga rin ako."
"So, alam mo rin na mahirap din. But it's all worth it," he remarks. "Lalo na kapag nakakarating kami sa mga destinations... pakiramdam ko na being a pilot is the right job for me. I guess we're pretty similar in that way."
"Yeah, we are," I agree. "By the way, nakikipagkita ka pa rin ba sa mga batchmates natin noong high school?"
"Not much. Hindi ako masyadong umaattend sa mga alumni events compared noong college. Today might actually be the first time that I've reunited with a high school classmate."
That alone makes me happy.
"Pero..." Sage's gaze drops with worry. "Kailangan ko mag-sorry sa iyo, Yvonne."
I blink. "To me? Bakit?"
"May hindi akong nagawang sabihin sa iyo back then." Inubos niya muna ang natitirang champagne sa baso niya bago siya nagsalita ulit, "I..." Napatigil siya at bahagyang napailing. "Gusto kong mag-sorry sa iyo... sa nangyari noong high school. Alam ko na magmumukhang excuse lang 'yong sasabihin ko, pero sa totoo lang, mukha akong tanga noon."
Looking back at those time, Sage was right. Totoong masakit, and ang panget ng nangyari. Kung paano kami noong high school, at lalo na noong natapos 'yong insidenteng iyon... when he turned me down.
☆ ☆ ☆
Pwede ko naman sabihin na friends kami ni Sage. Simula noong grade school hanggang high school, magkaklase kami. Hindi naman kasi by grades ang basehan ng sections, at nagkakataon na magkasama kami, kaya kilala na namin ang isa't isa.
Hindi rin nawawala sa amin ang mga karaniwang nangyayari sa isang klase. 'Yong tulungan sa mga gawain, hiraman ng notes, at maging kopyahan. At itong si Sage Martinez ay isa sa mga pilyo na nagagawang mag-absent sa klase na madalas nababalitaan namin na nasa bilyaran o malapit na bowling center siya at ang iba pa naming mga kaklase.
Kaya naman, madalas niyang hinihiram ang mga notes ko. At hindi ko rin alam, sa totoo lamang, kung bakit ako nagkaroon ng gusto sa isang katulad niya. Bagay na napagdesisyunan kong sabihin sa kanya isang araw bago ang pinaka-graduation namin.
"Sage!" tawag ko sa kanya during lunch. Sa dami-dami ng ingay, pasalamat na lamang at narinig niya ang tawag ko.
Tumingin siya sa akin at bahagyang nakasimangot dahil naabala ko siya sa kanyang pagkain at sa tawanan niya kasama ang mga lalaki sa klase. Tanong niya, "Bakit, Yvonne?" Bago pa naman ako makapagsalita ay napabuntong-hininga siya na parang may naalala pa, "'Wag mong sabihin na kailangan mo pa 'yong notes para sa Physics. Graduation na natin bukas, kailangan mo pa rin ba hanggang ngayon? Ibalik ko sa iyo mamaya."
I shook my head. "Hindi, hindi. Hindi kailangan. I... Can I talk to you? Mamaya. After dismissal."
"Bakit mamaya pa?"
"Hindi ko magawang pag-usapan natin iyon ngayon dito."
Tinitigan niya muna ako at bago bumalik sa kanyang ginagawa ay sinabi, "Sige. Maya."
Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkagusto kay Sage noon. Childish love siguro, at matagal ko na rin siyang kilala. Siguro dahil doon, kahit mukhang iniinis lang namin ang isa't isa, hindi naman kami nagtutulakan palayo. We're good friends, at least; but iyon din ang rason kung bakit ang hirap umamin sa kanya.
That ended on that day. Sinabi ko sa kanya na gusto ko siya.
"Pasensya na, Yvonne. But I can't go out with you," sambit ni Sage pagkatapos kong umamin sa kanya after dismissal sa classroom.
In the end, binasted lang niya rin ako.
"Bakit hindi?" giit ko pa noon.
"I can't. Hindi sa ngayon."
"Then, maybe later on—"
"No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin," he interrupted. "I'm sorry."
Hindi ko naman namalayan ang mga luha ko. Siguro dahil sa straightforward and clear tone niya, at sa paraan ng paghingi niya ng sorry. Ibig-sabihin lang talaga no'n ay walang pag-asa.
"'Oy, Yvonne. 'Wag ka nga umiyak," he chided.
"I know, I know." Linihis ko ang aking tingin at pinunasan ang aking mga luha. "Hindi... Hindi ko lang talaga inaasahan."
He suddenly reached out to me, touching my cheek as he ushered me to face him. "Then, I'll give you something to remember me by."
"Huh?"
Iyon na ang naging huling beses naming nagkausap ni Sage. Nagkita kami noong graduation ceremony, pero hindi man lang nakapag-paalam sa isa't isa. Pero, kagaya ng sinabi niya noong umamin ako... 'yong una at huling beses na na-heartbroken ako... ay siyang first kiss ko rin.
☆ ☆ ☆
"May karapatan kang magalit sa akin," saad ni Sage na siyang nagpaalala sa akin na ngayo'y magkasama kami pagkatapos ng labing-apat na taon na hindi kami nagkita o nagkausap man lang. At napansin ko ngayon na hindi siya makatingin sa akin; parang sising-sisi sa nangyari noon. "Kaya ngayon, I'd like to make it up to you."
I blink. "Now?"
He nods. "If it's alright with you."
Bumilis ang tibok ng puso kong marinig ang mga katagang iyon. Alam ko na 'yong Sage noon ay paniguradong hinding-hindi hihingi ng sorry sa isang tao na siyang binasted niya. At hindi lang ako ang nagbago. Aaminin ko na tanga rin ako noon.
Pero ngayon, pareho kaming nag-mature. Kung noo'y wala akong seryosong dahilan kung bakit ko siya nagustuhan; ngayon nama'y nakikita kong ibang-iba na siya. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan na magustuhan siya.
Bahagya akong napatawa. "Uhm, I feel like I've been an eye-sore back then."
He scoffs. "Pareho lang tayong bata noon. Lahat naman ng tao ay may istorya na mas gugustuhing kalimutan dahil sa kahihiyan."
"Ikaw din?"
"Ang mas mahalaga ay ang ngayon. I'd like to keep in contact with you. I want a chance to really enjoy my company with you. Kagaya lang din noong dati."
"Yeah." I smile as I manage to ease my nerves by drinking my glass of water, hiding the odd mix of joy and embarrassment. "Me, too."
☆ ☆ ☆
"It's already this late..." I tell him by the time na nakalabas kami ng Operations Building ng Royal Orient Airways. Hindi mo aakalain na malalim na ang gabi sapagkat madami pa rin ang sasakyan na dumadaan sa kahabaan ng highway na ito; ordinary lang since nasa may airport vicinity, and aviation truly never have a dull hour na it will be bold of me to assume na 'di rin mapapantayan ng mga ospital.
"Yeah. Time flies," he agrees as he drums his fingers against the telescopic handle ng kanyang maleta. He said that he'll be staying at a hotel nearby since he has an early start tomorrow, so he can't escort me home. Sabi niya naman is wala siyang flight; but a meeting tomorrow, kaya hindi ko siya masisisi na uminom kanina. And so, he escorts me out and waits for me to hail a taxi.
Kaagad kong naalala 'yong result no'ng Venus Match regarding sa aming dalawa. 'Yong "ninety-nine percent compatibility". Kung ang habol talaga ni Sage is sex, panigurado na aanyayahan niya ako sa hotel niya. But he sends me off as if it's the most natural thing in the world. Nahiya ako kaagad sa mga kung anu-anong bagay ang pumasok sa isipan ko.
Suddenly, I am grabbed from behind. Arms surround me and pull me into a tight embrace. Noong lumingon ako sa kung sino, bahagya akong nagulat na makitang si Sage ang yumakap sa akin. At halata sa kanyang mukha na medyo naguguluhan siya; para bang may gumugulo sa kanyang isipan.
"Sage?" I inquire.
"I... Pinagsisisihan ko 'yong nagawa ko."
"Hmm?"
"Ikaw lang 'yong naging ganoon ka-thoughtful sa akin. And you still are," he murmured. "Sa tingin mo ba na 'yong pagkikita nating ganito is something like some sort of destiny?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Destiny, huh?
"Uhm... sorry. That's probably an odd thing to ask."
I smile sheepishly and shake my head. "No, it's fine."
He pulls away and when I face him, he has a small smile outlining his lips. That seductive and charming smile. "I'll be in contact."
"If that's the case, I'll be waiting," sagot ko.
Sage then hails a nearing taxi cab for me. Kinausap niya 'yong taxi driver and medyo nagulat ako na alam niya pa rin ang address ko, at kahit nakakahiya ay pinakiusapan niya 'yong driver na magpapicture para raw in any case na may mangyari sa akin. Pinicturan niya rin 'yong plaka and 'yong sasakyan na mas lalo lamang nagpamula sa akin sa hiya. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin 'yong mga bulaklak na kanyang pina-bouquet kanina.
Hinintay niya muna ako makasakay at habang papalayo ang taxi ay pinanood ko siya. I watch him become smaller in the distance, and I hug the small bouquet close to my chest.
☆ ☆ ☆
"Oh. My. God," sambit ko pagkapasok ko sa kwarto pagkatapos ko makapag-shower. Napahiga naman ako sa kama at noong pinikit ko ang mga mata ko, nag-replay na naman sa utak ko ang nangyari kanina. And I blush, realizing that I am actually not dreaming with all that happened earlier.
Paano nagawa ni Sage iyon? Mas lalo siyang naging gwapo and naging cool! Tapos sabi niya na gusto niya na manatiling reachable kami sa isa't isa. Ibig-sabihin ba na nalalapit na rin ang susunod naming date than I think?!
Kaagad akong umupo sa kama. "For that, kailangan na maging ready ako!"
Madali 'kong hinalungkat ang mga nakatago ko sa baul na mga beauty products. Hindi ako madalas nag-mamake-up sa work since 'di naman ako haharap sa ibang tao, kaya kung anong routine ko noong estudyante ako ay siyang nag-stick din sa akin hanggang ngayon. But now that I have some reason to pamper myself... I think it is time to make use of this high-end cosmetics. Mabuti na lamang at hindi pa expired ang mga ito.
Tama nga si Mika to say that it feels good to pamper myself, especially for someone. This time, just as I wish to be more confident with myself, I am also doing this for Sage. Gusto ko maging handa sa panahon na aalukin niya ulit ako sa date.
Habang ginagamit ko naman ang mga bagong products na ito, na-realize ko na may dahilan ang pagiging mahal ng mga ito. Dahil totoo nga na maganda sa balat and parang unang gamit pa lang ay pakiramdam ko na mas lalong glowing ang mukha ko. Maya-maya pa, habang nag-aapply ako ng moisturizer, ay tumunog at nag-vibrate ang phone ko.
Wait, kay Sage ba iyon?
Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko at tinignan ang message, at tama nga ang hula ko na si Sage nga ang nag-text. Well, masyado akong marupok at atat upang gawing unique ang text alert niya kaya ito ako. Ngiting-ngiti na binabasa ang text niya at humiga sa kama.
Sage: I'm glad you came today.
Hindi naman ako nagdalawang-isip na sagutin ang text niya.
Me: I'm glad I went. Nag-enjoy ako.
Sage: Nasa bahay ka na?
Me: Yes. Ikaw? Nasa hotel ka na?
Sage: Yes. Gusto ko lang i-text ka bago matapos ang araw.
Sage: Sorry din dahil hanggang sa taxi lang kita nahatid kanina.
Me: What? No! Hindi mo kailangan mag-sorry about that. Naiintindihan ko naman.
Sage: Talaga?
Me: Yes.
Sage: Mabuti na lang. Thank you.
Hindi ko ineexpect na magiging problemado siya sa ganoong bagay.
Me: Nag-aalala ka ba na magagalit ako?
Sage: A little. At pakiramdam ko na kapag nagtagal pa tayong magkasama ay baka hindi na kita hayaang makauwi sa inyo.
Naibagsak ko naman ang phone ko sa mukha ko noong nabasa ko iyon. Naramdaman ko na namula kaagad ang mga pisngi ko, at pinagalitan ko ang utak at puso ko sa pagiging marupok kaagad sa mga salitang iyon.
Sage: Sa tingin ko hindi pa ako makakatulog kahit kailangan na maaga bukas. Mind keeping me company?
Chineck ko muna kung anong oras na, and it is quite too late. Somehow, it is a good thing na midnight schedule bukas ako.
Me: Sure. If you're fine with me.
I just can't bring myself to end our conversation, kahit gaano ka-aimless iyon at naging much more of a wandering topic. Still, it continues long into the night.
☆ ☆ ☆
My skin had been so healthy recently. Ramdam ko 'yong sudden effect from changing my skincare routine roughly two weeks and a half ago since I reunited with Sage after years na walang connection sa isa't isa. Na-realize ko that a little love in one's skincare routine never goes wrong; even though meeting Sage had been the reason na maudyok ako sa ganito, it is still more on about trying to give myself a treat, too.
Anyway, regarding Sage, it had been almost three weeks since pinagtagpo ulit kami through that popular dating app. We've kept in regular contact, either through messages or calls, and it had been going on since then. Because, kahit anong plano namin upang magkita ay hindi magkatagpo ang mga schedules namin. Hanga naman ako sa kung paano nagawa ni Mika and ng kanyang fiancé ang ganitong set-up; since being an ATC and a pilot doesn't seem to work quite too well.
Ang madalas na nangyayari is may lipad siya tapos wala akong schedule, or vice versa; and kahit wala siyang lipad naman minsan ay may mga paperwork daw siyang kailangan tapusin. To add, kagaya ng description niya about the overload of work—"ordinary ito dahil kakatapos lang ng second quarter"—at mukha namang kung hindi siya piloto minsan ay parang business-minded naman.
Still, I continue with my sudden change sa usual skincare and makeup routine ko. Para handa tayo kahit anong oras na kung mag-invite man siya at tuluyang nagkatagpo ang mga schedules namin. Since, kahit napag-usapan namin saglit ang tungkol sa pagkikita namin through Venus App, hindi naman namin tuluyang pinag-usapan ang tungkol sa "ninety-nine percent compatibility" namin.
That makes me wonder what he thinks of it. Paano nalaman ng algorithm no'ng app na 'yon na ganoon ang compatibility namin? If that's the case, what is that "one percent incompatibility" then?
"Whoa, Yvie!"
As I'm lost in my own thoughts bago itabi ang lipstick ko sa bag ay siyang pasok naman ni Mika sa restroom. Mukhang muntikan na naman siyang ma-late at mga less than thirty minutes na lamang ay shift naman ulit namin.
"Glowing ka na masyado ngayon, girl!" she exclaims as she draws next to me, places her bag on the counter and shifts her makeup kit. "Mukhang going stronger kayo ni Captain Martinez, ha?"
"Sabi ko naman sa iyo, 'di ba? Except no'ng nagkita kami last month, hanggang text and calls lang kami," I remind her. "At kailan mo pa siya tinawag na 'Captain Martinez'?"
Huminga siya ng malalim at tinitigan akong maigi sa reflection namin sa salamin. "Yvie, sabi ko nga sa iyo, hindi lahat ay nabibigyan ng experience makapunta sa VIP lounge ng Operations ng Royal Orient Airways. Sinabi sa akin ni Kurt na according sa mga kakilala niyang piloto roon, masyadong high-end and luxurious ng Royal Orient Airways pagdating sa kanilang mga amenities. So, what more sa VIP lounge, 'di ba?"
I nod. "I know. Kaya nga nagmukha akong tanga noong unang punta ko roon."
"But still, there is no question why you look so divine!" She giggles. "Romance and work are treating you like a goddess!"
I scoff. "Weh? Ka-stress nga noong nakaraang araw dahil sa bagyo na pabago-bago 'yong wind direction; tapos sasabayan pa ng ibang mga piloto na hindi ko alam kung paano naging piloto. Ang hihirap intindihin ng mga Ingles!"
"Well, hindi mo naman pwede piliin na mga Filipino na piloto lamang ang gusto mong kausapin. At ano pang bago doon, 'di ba?" she counters.
I try to work my very best everyday since day one. Sa larangan namin, hindi ko alam kung ano ang gagawin kong goal. Perhaps, another goal will be to try being an ATC abroad; which is, mas mataas ang sweldo roon compared dito. But it doesn't mean that I shall put less effort ngayon as I wait to garner enough experience and money to convert my license and live abroad.
Just as what Sage had told me during our dinner. He had revealed his pride with his work as a pilot. I know that he also have bigger dreams than such, and I still look up to him now. After all, I've always thought of him as the infamous trouble-maker, and be such a dignified man right now...
Shit. Feeling ko namimiss ko lang talaga siya kaya ganito ako...
Tumunog at nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko, at kaagad ko namang tinignan kung sino ang nag-text. For the past few weeks na nagiging magka-textmates kami, alam na rin ni Mika ang personalized ringtone ko para kay Sage.
"Is it from who I think it's from?" tanong sa akin ni Mika. She smirks at me through the mirror for a second before continuing on applying her lipstick.
"Well, yes." My heart feels like it is about to burst from anticipation, and I open his message.
Sage: Are you free Sunday night?
———————————————
A/N: It is love month! And the month that my PPL is to expire. T_T No new update from CAAP about what to do next so I am all waiting for news for a PPL renewal...
Just finished watching The Devil Judge, and damn, it is so good. In the political aspect, it somehow mirrors how corrupt a government may be and also how those with power abused their positions. Yes, without even batting an eye, we know how the PH is a good representation of it's counterpart in the real world. =.= As of now, me and my brother started re-watching Peaky Blinders in preparation for the upcoming Season 6. What do you think of Thomas and the Shelby family?
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 24 April 2024 | 1101H
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top