Flight 03 - Briefing
Briefing
Briefing is a short meeting to enable instructions and basic information to be given. Every flight involved the following:
> Pre-flight briefing: done between flight crews, cabin crews, FOOs and etc. as usually held before boarding the aircraft to discuss weather, routes, duties, etc.
> Departure briefing: usually between flight crews only and held before or during taxiing as discussions concerning the takeoff phase were exchanged. (Brief reminder of callouts, what to do during takeoff, in any event of engine failures at takeoff, and the exchange of controls)
> Approach/Landing briefing: usually between flight crews only and held before or during approach as discussions concerning the landing phase were exchanged. (Brief reminders of weather, airport, wind orientation, of callouts, what and when to commence go arounds, and what possible things to expect after landing based on the received ATIS)
> Post-flight briefing: done between flight crews and cabin crews as for what happened during the flight, what to improve, what to note, what to tell the maintenance of; in short, opposite to pre-flight briefing itself.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
"Thank you for coming," kaagad na sabi sa akin ni Sage right after na matanggap ko ang document na kailangan ko ifill-up at inasikaso ng receptionist ang pag-scan ng SSS ID ko na ibinigay ko bilang pruweba ng pagkakakilanlan ko.
Bahagya naman ulit akong napatingin sa kanya bago ituon ang atensyon sa form. Masasabi ko lang na wala namang masyadong nagbago sa kanya. Gwapo pa rin, tapos mabuti na lamang at nag-mature talaga. To be honest, he aged like fine wine, and pinilit kong hindi mamula dahil baka ano pa ang sumagi sa isip ko at iyon ang mailagay ko dito.
"Sorry to make you come all this way. Hindi ka naman naligaw, ano?" dagdag na tanong niya.
I shake my head, finally finishing the form and hand it to the receptionist.
"Hindi man lang tayo nagkita simula noong high school graduation... which means, it's been fourteen years since then, was it?"
Tumango ako, and noong binalik ko ang tingin sa kanya, napansin ko na mas lalo lang lumawak ang ngiti niya.
"You've changed, Yvonne," saad niya. "Positively, of course. You're even more beautiful now."
"I..." Nag-init ang pakiramdam ko kasabay ng pamumula ng mga pisngi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lalo na't kahit nasa pinaka-main lobby kami at madami-dami rin ang mga tao na siyang mga empleyado ng Royal Orient Airways, maging nasa may reception desk pa rin kami... hindi ko alam bakit nagkaroon bigla ito ng lakas ng loob na dito pa sabihin lahat ng iyon. Hindi ko inaasahan na darating 'yong araw na ito.
Medyo nawawala pa rin ako sa bilis ng lahat ng pangyayari. Sino ang mag-aakala na dahil sa isang sikat na dating app na kinamumuhian ko, na sa pagpilit sa akin ni Mika, ay magtatagpo muli ang landas namin. Ngayon, lahat ng sinasabi niya ay parang pinapanang may kasamang pagmamahal ang puso ko. Kung alam niya lang lahat ng effort na ginawa ko para sa araw na ito; baka mas lalong sabihin niya na baliw na baliw pa rin talaga ako sa kanya. Nakakahiya kung ganoon!
"Sorry to keep you waiting," the receptionist calls out to us after finishing the paperwork. She hands me a visitor's pass na siyang isasauli ko bago umalis mamaya kapalit ng iniwan kong ID. "Please, enjoy your stay."
"Thank you," sagot ni Sage bago kuhanin ang cap niya at siyang patong nito sa ulo ko. Napansin kong may dala-dala siyang maleta at inabot ang kamay ko bago hatakin patungo sa mga elevators. "Let's go."
Talagang natural lang na hinawakan niya ang kamay ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko at sa laki ng gulat ko, naramdaman ko namang mas bumilis ang tibok ng puso ko. I mean, my hand... our hands. Holding hands kaagad.
Maging noong nakasakay kami kaagad sa elevator at nagawa ko namang tanggalin 'yong cap niya gamit ang freehand ko, mas napagdesisyunan niya pang bitawan ang maleta niya para lamang pindutin ang floor number 4 na siyang pakay namin. Maging noong bago pa tuluyang umakyat ang elevator at hiningan ng ID access, kinuha ni Sage ang ID niya gamit ang kabilang kamay at i-tap sa nanghihinging scanner. Maging noong narating na namin ang level 4 at ang unang bumungad sa amin ay ang VIP lounge na para bang nasa isang five-star lobby kami, hindi pa rin niya ako binibitawan.
Palinga-linga ako at hinayaan kong hatakin ako ni Sage kung saan niya nais kaming maupo. 'Yong lounge mismo ang pinakaunang bumungad sa amin pagkalabas ng elevator at feeling ko ay nasa isang five-star restaurant ako based sa ambiance nito. May respective hallway sa dalawang side na mukhang patungo sa mga offices or conferences rooms. Pero 'yong lounge mismo sa gitna ng mga iyon ang mas lalong nagpaliit sa akin. I mean, it is huge; more of like some event's ballroom; aesthetic and expensive designing and interior of the place na paniguradong pang-world class. May bar area sa isang side and dalawang billiard pools with dart boards hanging against one wall na parang entertainment area on the other. And in the middle of those had been the vacant number of seats and tables; halved as well for one area to be for relaxation, and another for dining.
Hinatak naman ako ni Sage patungo sa kabilang dulo kung saan bumungad ang mga floor-to-ceiling na mga bintana para tanaw na tanaw ang view mula sa labas. Given the location ng Royal Orient Airways' Operation Building, hindi na nakakabiglang makita 'yong view ng runway and ramp area ng NAIA. To be precise, 'yong mga nakapark sa may Terminal 3 and maging ang mga nag-eexit na eroplano mula sa runway 13-31. Another thing, 'yong location ng Operation Building is perpendicular to the treshold of Runway 13.
Binitawan lamang ni Sage ang kamay ko para tulungan akong makaupo at doon ko linapag ang cap niya sa may mesa malapit sa kanya. Bago man siya makaupo sa tapat ko ay ay tinanggal niya muna ang coat niya at mga ilang segundo pa lamang ay may dumating na waiter na nag-serve kaagad sa amin ng glass at sinalinan kami ng champagne.
With a smile, kinuha niya ang wine glass niya at ilinapit sa akin. "Cheers."
Nginitian ko naman siya at ilinapit rin ang wine glass ko sa kanya upang mag-click ang mga glasses namin. "Cheers."
Habang iniinom namin ang champagne ay siyang napatingin naman ulit ako sa view sa labas. It is a wide-stretch. Planes of varying airlines are present, maging dalawa sa mga iyon ay pagmamay-ari ng Royal Orient Airways dahil sa livery na mayroon ito sa may buntot: side-view silhouette ng isang babae at view ng crescent moon, clearly defining Malyari, the Goddess of the Moon.
"It's a pretty boring view, isn't it?" tanong ni Sage sa akin at kaagad akong napatingin sa kanya. He has his cheek leaning against his closed fist while his elbow was prompted onto the table. Bahagya siyang napangiti noong nagkatama ang tingin namin. "I mean, being here on the ground is boring. Everything up there, airborne, it's different."
Kung alam lang ni Sage na ATC talaga ako at hindi piloto compared sa sinulat ko sa profile ko sa Venus Match... Kung alam niya lang na mas sanay ako sa ganitong view...
"No, not at all," sagot ko. To be honest, hindi naman nakakasawa. "Everything is so beautiful. Especially kapag gabi. Mas naappreciate ko 'yong ganda due to the lights of the airplanes and the runways and taxiways. To add, this is where I actually consider the Earth meets the sky."
He scoffs as he closes his eyes for a second, watching me. "Hindi ko inisip na you'll be this... descriptive."
"I..." Kaagad na naman akong namula.
Tumawa naman siya. "Don't worry. Tinatanggal ko lang 'yong kaba mo. Also, there's nothing wrong about it. And true. May pagkaboring, but it is still beautiful to look at. By the way..." He points at one of the planes beyond the window pane, sa location kung nasaan 'yong dalawang plane ng Royal Orient Airways. "The farthest one. That's the plane I just flew in."
"Mula saan?" tanong ko.
"Sydney," sagot niya bago sumandal pabalik sa kanyang inuupuan.
"Sydney?!" Kahit di naman ako piloto, ATC ako kaya alam ko na malayo-layong biyahe rin ang Sydney. It is roughly an eight hour flight. Sa time ko na nasa Clearance Delivery, madalas din akong nakakarinig ng mga flights to Sydney; and mahaba-habang Clearance Delivery din iyon after ma-confirm sa Sydney na inaabangan nga talaga nila 'yong flight na iyon. "That's not an easy flight," saad ko. "Paano ka hindi napagod after no'n?"
"Kahit na eight hour flight iyon, may rest time pa rin kami and may reserved pilot. So for a few hours, nakapagpahinga ako. At kailangan ko na rin sanayin sarili ko sa mas malalayo pang international flights," explains Sage. "We're trying new flights by now simula noong dumating 'yong mga bagong planes na in-order. Sydney is the first one na na-managed namin maging usual ang frequency ng flights; though we have European flights na every two or three days, it isn't as frequent than that of Sydney na almost daily. We're trying to rival as well those in the business by offering the least expensive flight possible. So, hindi pa siya gano'n ka-stressful dahil starting stage pa lang din. Siguro kapag naging frequent na, dumami 'yong flights and all; baka doon." Bahagya naman siyang natawa. "Also, the ratio between pilots and planes and flights sa amin isn't that much na kailangan namin pagurin sarili namin to make-up with those." Tinitigan niya naman ako ng mas maigi. "And I didn't want to let this chance go."
Kung kanina pa namumula ang mga pisngi ko, mas lalo pa akong namula ngayon. Napainom na lang ako no'ng champagne upang maitago at maisisi iyon doon. Kaagad akong mas kinabahan ngayon. Kinakabahan sa lugar na ito... at ang mapag-isang kasama si Sage...
Dumating naman ulit kaagad 'yong waiter. Ngayon naman ay may dala-dalang plato na may steak. Ibinigay sa amin tag-isa ni Sage at inalok muli kami ng champagne; Sage accepted, but he asked me if I'd prefer something else at napahingi na lang ako ng water.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Pang-five star restaurant ang sinerve na steak, and I remember na this meeting is meant to be a dinner, too. Wala naman akong dahilan para magalit na wala akong freedom to choose what to eat, but I guess, I am fine with this given na mas alam panigurado ni Sage kung ano ang mas masarap kainin dito. And napansin ko rin na mas napaparami rin ang inom niya ngayon. Siguro dahil wala siyang flight for tomorrow kaya ngagawa niya ito ngayon; since alam ko naman na may alcohol limitation before ang bawat flight.
"Wala kang flight tomorrow?" napatanong naman kaagad ako habang nakatuon ang atensyon niya sa paghihiwa ng steak niya. "Parang napapadami ang inom mo kasi."
He smirks. "True. I am free tomorrow. Pero sabi mo may work ka tomorrow, 'di ba? And also, pinaka-strikto si Boss tungkol doon compared noon." Bahagya naman siyang napatawa. "Hindi naman ako aalukin ng champagne kung may schedule ako tomorrow. Alam nilang bawal nila kami bigyan ng any alcoholic drinks based sa roster namin na aware rin sila."
"I see." Tumango ako at napansin kong ibinigay niya sa akin 'yong plate niya na hiwa na ang steak. "Ah! Ako na! Hindi naman kailangan."
"I insist," sabi niya sabay kuha ng plato ko at nauwing nagpalit na kami dahil nahiwa niya na 'yong para sa akin. "Take that."
"Thank you," nahihiya ko na namang sagot, just at the same time na dumating 'yong waiter na may dala-dalang bagong baso at pitcher ng tubig. Hindi pa ako kaagad nagsimulang kumain dahil ang awkward na kumakain na ako tapos siya hindi pa; kaya naman ay tinuon ko ulit ang topic namin sa ibang bagay. Napansin ko naman kaagad 'yong mga bulaklak na nasa centerpiece ng table namin, at kaagad akong napangiti. "Daisies and dahlias. Grabe 'yong pagka-match nitong dalawa. Siguro naman lahat ng lounges—"
Noong tumingin naman ako sa paligid, naghahanap na makita rin ang parehong match ng bulaklak sa mga centerpieces ng ibang table, ay napansin kong table lang namin ang mayroon. Napaisip naman ako na baka 'yong sa amin lang mayroon dahil kami lang din naman ang tao.
Tamang-tama naman na natapos na rin si Sage sa paghihiwa sa kanyang steak at napatingin sa akin. "Anong mayroon?"
Siguro, halatang-halata 'yong pagka-confused ko upang matawa rin siya.
"Ah. You've mentioned the flowers earlier. Pinahanda ko ang mga iyan... since tonight is special," saad ni Sage. "Those are your favorite flowers, right? It's a present for me. Ipapaayos ko as a bouquet later upang maiuwi mo sa inyo."
I've never had anyone do something like that for me. Well, wala naman akong naging boyfriend pa, pero madaming nangliligaw. Madalas ng mga binibigay nila ay puro roses, at wala man ang nakapagbigay sa akin ng favorites ko. Hindi ko naman inaasahan na si Sage pa, out of all people, ang makakapagbigay sa akin ng mga iyon; or maging maalala pa man iyon. Hindi ko nga alam paano niya nalaman, but I am overcome by the considerate gesture.
"Are you okay?" tanong niya dahil napatahimik ako.
"Oh, yes! I am fine." Tumawa naman ako para i-assure siya. Nag-sign of the cross naman ako at nagdasal saglit bago simulan ang pagkain. "Thank you for the treat."
He smirks and shakes his head a little. "I actually feel bad na pinapunta pa kita rito, but noong nagkakasundo tayo for a meeting, napansin ko na any day later and it'd be much more difficult. Kailangan lang natin mag-adjust then."
"Don't be. Masaya akong ma-invite mo rito," I answer. "Not many people get to see a place like this. Given na VIP lounge pa nga ito."
"Talaga? I actually consider this as a regular one. Though mas konting upgrade lang ito compared sa pilot's lounge sa third floor and sa VIP passenger lounge namin sa mga airports mismo." He laughs, but I am just being honest there, as well as him.
Lounges like this na mapapantayan ang mga five-star hotels ay talagang for those with money to burn. Hindi pa rin ako nakakatapak sa isang pilot's lounge except sa maliit na tambayan namin ng mga kapwa student pilots and FIs namin noong flight training ko; and lalo na ang mga VIP lounges sa airport. Bakit pa ako magpapa-VIP sa mga flights ko since pareho naman ng mararating ang economy class at business and first class? Talagang mas komportable lang talaga compared sa economy; but hey, mas mura naman!
To add, I guess, this is already normal for him. Among all seats in the plane, masasabi ko na the flight deck would be more than a mystery but the best seat there is in any airplane. I mean, kahit ba ang dami-daming sinakripisyo at pinagdaanan bago maging isang ganap na piloto, you get the most wonderful view for an office. And I managed to match up with someone like that...
"By the way," I start after a few bites.
"Hmm?"
"This is Royal Orient Airways' Operations Building, right? For a VIP lounge as this... I mean, I don't think that kahit sinong piloto ay may access dito; since sabi mo nga, may pilot's lounge naman. Also, talaga bang necessary ang VIP lounge na ito for an operation building? I am sorry. Medyo curious lang since it is a little unheard of."
"Wala ka dapat ipag-sorry, I mean..." He laughs. "True that it is unheard of. But, pinagawa ito in order not to give other employees a hard time. Especially during meetings and conferences na magpabalik-balik pa sa main headquarters, lalo na kapag emergencies. The heads of the company, instead, decided to be the one to go here sa mga ganoong pagkakataon; especially kapag nandito lang din talaga ang problema and kapag pwede sila. Which is better, kaysa abalahin pa 'yong mga nandito na magpabalik-balik just to report the problem personally. That's why, this is the result." Ibinababa niya saglit ang kanyang mga kubyertos at itinuro sa akin ang hallway just close to the bar area. "That's to the offices of the presidents of the Operations Department." Sabay turo naman sa opposite hallway next to the entertainment area. "And that's where the conferences rooms and the President and Vice President's Offices are."
"And para magkaroon ka ng access na ganito..." Kinabahan naman ako kaagad. "Pwede ba tayo rito? I mean, pagkatapos mo ako bigyan ng ganoong background, mukhang hindi tayo nararapat na nandito."
"'Wag kang kabahan," suyo niya sa akin. Bahagya naman siyang napahimas ng batok at nahihiyang sinabi, "I am sorry na tinatago ko pa hanggang ngayon, but... the reason that I have access here kahit na pang-VIP lamang itong lounge na ito ay dahil shareholder din ako ng Royal Orient Airways."
I lean closer to him, ensuring that my hair and dress will not catch any sauce from my plate. With all confidence, sinabayan ko naman ang kanyang pag-arangkada. "I also have something to tell you, too. Alam mo bang shareholder din ako ng AirSwift?"
———————————————
A/N: Hello! It had been a week since I've returned home after having a close contact with a batchmate who've tested positive. I am well, haven't shown any symptoms and had remained tested "negative". Kindly continue following protocols for everyone's safety, and be vaccinated!
Anyway, it had been another hectic week kahit na nasa bahay na ako. Just received a memo mula sa CAAP that they were extending licenses but hindi kami kasama sa date mentioned, and they aren't accepting documents to be processed for a renewal or even an initial one. Kaya kainis... We're bound for a PPL renewal/reissue. Well, we can't do anything about it but accept the truth that we need to comply. For now, I'll be reviewing PPL Air Law another time, since requirement siya for a renewal/reissue; preparing as well my documents for the check ride; and also reviewing the lessons involving VOR and IR because I'll certainly jump right in for a CPL check ride afterwards and an IR check. Yes, ang hassle, ano?
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 19 April 2024 | 1108H
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top