Flight 01 - Thrust
Thrust
Thrust is a force produced by a propeller, jet or rocket. In an aircraft, it is one of the four forces of flight and known as the forward force that acts against the drag.
For more information concerning the four forces of flight, see: AUTHOR'S NOTE: IT IS NOT MAGIC: THE FOUR FORCES OF FLIGHT.
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
June 2024. Pasay City, Metro Manila.
Dati, noong estudyante pa lamang ako, "TGIF is life". Talagang, after a whole week of classes, mapapasabi ka na lang na: "Thank God, it's Friday."
Siguro, kung pinagpatuloy ko ang pagtratrabaho sa isang kumpanya na strictly Monday to Friday ang pasok, makaka-relate pa ako sa 'estudyanteng ako'. But now na nagtratrabaho ako sa field kung saan good luck na lamang sa body clock mo, well, wala ka na dapat pang ipagdasal na holiday na dumating but just your days off and your planned leaves.
And Friday turns out to be a hassle day for my Saturday.
But that's life. Sanayan na lang siguro. Sanayan na lang din ang lahat kapag nakadepende sa iyo ang magiging daloy ng air travel kasi ikaw 'yong naka-assign na ATC for that schedule. Thankfully, wala kang inuuwing trabaho. Well, magagawa mo bang iuwi 'yong radar system mula sa Tower at bigyan lang ng clearance for takeoff and landing lahat ng eroplano? Or maging i-vector ang mga eroplano papunta kung saan man ang destinations nila?
To be honest, maayos naman ang schedule ko. Nasanay na rin ako na hindi weekend ang day off ko. Nasanay na rin ako na iba-iba ang oras ng pasok ko. One perk of being an ATC is within the eight hours na trabaho, four hours lang doon ang actual na work and the rest of the four hours ay pahinga.
Sasabihin ng iba na swerte ka. Not to mention na depende rin sa iyo kung kailan mo gusto mag-pahinga from that eight-hour work. Basta't nandoon ka within that eight-hour schedule, solve ka. Pwedeng gawin mo na four hours straight kang nagtratrabaho then four hours na pahinga pagkatapos, or 'di kaya every other hour na pahinga, or whatever. Basta't alam ng supervisor niyo.
Kaya lang naman ganoon ang working environment ay dahil mahirap din maging ATC. I mean, grabe 'yong stress. Lalo na kung baguhan ka at naka-encounter ka kaagad ng emergency. Which is usual naman, 'di lang lagi napapabalita or pinapaalam sa pasahero. But, yes, nakaka-drain ng utak and ng energy kaya may pahinga. In all fairness, the level of efficiency from the most crucial to the least is: Control, Approach and Departure, Ground, Ramp, Clearance and Tower. (Yeah, Tower na ang chill na magbibigay lang ng takeoff and landing clearance pagkatapos i-sequence ng Approach and ng Ground ang mga eroplano na padatingand paalis).
And after almost a decade of being an ATC, sanay na rin ako sa schedule ko sa pagiging assigned sa Manila Control, where we vector planes miles away and ten thousands of feet above. Easy climb kung i-cocompare sa iba. Parang laro lang, grind until you reach the peak.
Medyo lutang pa ako habang naka-sakay sa van patungong CAAP. Sino bang hindi? Evening schedule ako kahapon, tapos ngayon naman day schedule. Kahit ba lagi akong four hours straight sa first hour ng schedule ko tuwing Friday, hinihintay ko pa rin matapos 'yong eight-hour schedule ko bago umuwi. Tapos, ito na naman tayo, pasok para sa seven o'clock schedule ng Sabado. Itong dalawang araw lang naman ang hectic. Sunday schedule ko is katulad ng tuwing Sabado, tapos 'yong Thursday is tulad ng Friday. Change lang talaga between kaya ganito.
In every start of the week after day off, eleven naman ng gabi ng Tuesday hanggang seven ng umaga ng Wednesday. Tapos evening schedule na nga ng Thursday.
Easy. Pwera lang talaga 'yong katamaran ko tuwing Saturday dahil sa Friday evening schedule. Saving grace ko na lang madalas ang coffee bago pumasok. Wala namang bago na maaga pa rin akong nakarating ng office, mga one hour bago ang scheduled sign-in namin. Kaya naman ay minabuti kong tumungo sa malapit na Seattle's, sa may dulo ng Terminal 2, para magpagising muna.
Kilala na ako ng mga barista. Alam na rin nila ang order ko, kaya noong nakita pa lamang akong pumasok ay nagawa na nilang ihanda 'yong almond mocha joy ko. Ikaw ba naman na magpa-attendance dito every time na gipit ang pagitan ng dalawa kong schedules ever since na mag-trabaho ako as an air traffic controller? Sinong hindi makakaalala?
Bigla naman akong nakatanggap ng text message mula kay Mika, co-worker ko na kasabayan ko rin ng batch noong training namin. Magkatulad kami ng schedule; though magkaiba kami ng office since ako nga ay kaagad na-promote sa Control and siya naman ay kaka-promote pa lamang for Departure and Approach. Madalas pa rin naman kaming magkita, since pinagkakasunduan na lang namin kung anong balak namin for our shift schedules para makapag-usap and makapagkita pa rin. And right now, mukhang hindi lang ako ang early bird.
Well, for people like us, laging kailangan na one hour ahead our schedule ay makakapag-sign in na. Domino effect na lang kapag isa sa amin ang ma-late.
Mika: Station ka na?
Me: Seattle.
Mika: USA?
Me: Funny.
Me: Terminal 2.
Me: Aga natin, ha?
Mika: HAHAHAHA MAY BALITA AKO SA IYO! Lakad lang ako. Stay put.
Roughly five minutes later, dumating na rin si Mika at kaagad umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. All smiles naman ang maganda kong best friend na ito na alam kong madalas siyang nasasabihan na bakit niya napagdesisyunan mag-ATC kung pwede naman siyang mag-flight attendant. To make the long story short, ayaw niya lang din talaga kahit alam ko na she made the cut before noon sa Cebu Pacific. Loka lang din talaga itong babaitang ito.
"Talaga naman, oh. Nakakapanibago na makitang ang aga mo dumating ngayon," giit ko. "Given na evening schedule tayo kahapon, tapos day naman ngayon."
Tumawa naman si Mika, at pagkatapos niya maibaba ang bag niya and makuha ang wallet niya ay biglang tayo rin. "Wait lang. Order lang muna ako bago ako mag-kwento."
Bahagya akong umiling at walang nagawa kung hindi ang hintayin siya makapag-order. Noong naupo naman ulit siya ay kaagad niyang sabi na para bang nahihiya, "Kagabi kasi, eh... Quiet lang pero kulang ako sa tulog. Magpapasabi ako sa bisor mamaya na 'di ko keri mag-four hours straight ngayon."
"Aba. Kailangan ko na ba kausapin 'yang boyfriend mo na patulugin ka naman kahit 'yong pagitan lang ng Friday and Saturday?" I sigh heavily. "Mga piloto talaga, oh. Porket tayo ang mga nasusunod kapag nasa trabaho. Kapag sa labas na, sila na ang boss."
"'Wag ka naman ganyan kay Kurt," depensa niya. "Three days din siyang nawala, ano?"
I sigh heavily. "'Wag mo sabihin na na-miss ka lang, kaya ganoon."
"Well, aside from doon... Wala ka bang napapansing kakaiba sa akin?" She blushes slightly.
"Ano? After glow ng after sex?"
"Aba! Hindi, 'no. Or rather, hindi lang 'yon! Tignan mo ngang mabuti." At that, she shyly tucks a loose strand of her hair behind her ear. And doon ko na-realize kung anong kakaiba sa kanya.
"OMG." Mga tanging letrang nagawa kong banggitin.
"Yes!" Tumango si Mika at saglit na kinuha ang order niya noong natawag siya. Pagbalik niya naman ay pinakita niya sa akin ang kamay niya and tunay ngang may suot-suot siyang diamond engagement ring.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Seryosong engagement ring ito, ha? Hindi lang basta-basta na binigay niya sa iyo, or pinabili mo, or what?"
"Naku naman, Yvie. Tunay nga. Nagpropose siya kagabi," sagot niya.
"Hindi ba't four months pa lamang noong nagkakilala kayo?" I ask.
"Three months na kaming mag-boyfriend and girlfriend."
"Yes. And one month noong naging parang sex buddies kayo."
"Kaya nga sinasabi ko sa iyo, Yvie, totoo nga. It is love. Mag-soulmates nga kami."
"Er..."
"Yvie naman. Believe me." She points on to her ring, frowning slightly. "Hindi nagloloko 'yong app. Patunay na kami. Not to mention na matagal-tagal ko na rin naririnig 'yong boses niya kapag siya 'yong nakikipag-usap sa radio. I can say na matagal-tagal na kaming magkakilala even before the initial meeting and 'yong match ng app sa aming dalawa."
Well, I know. Witness ako sa mala-fairytale na love story nila. Walang preno ang bibig nito ni Mika sa pagkwekwento kaya alam ko lahat-lahat na para bang nandoon rin ako. Detailed na detailed, kung baga. Maging noong pinaalalahanan ko siyang mag-ingat sa mga nakikilala niya online; na nauwi na nga sa kanilang mga dates; na naging sila no'ng isang piloto ng regional airline; na nalaman ko pa nga kung kailan sila unang nag-sex; na nauwi sa kanilang pag-lilived in; and ito na nga, na nagdulot na rin sa engagement nila. All thanks na raw sa dami ng positive reviews na natanggap ng isang dating app.
Venus Match 'yong pangalan ng app. According kay Mika, based na rin sa mga users ng dating app na iyon, ay ibang-iba. And sa dami ng positive reviews ay totoo nga ang sinasabi ng app na pinagtatagpo ang mga soulmates. One time, noong mga first few weeks na ginagamit ni Mika 'yong app and wala pang pinapair ang app sa kanya, ay sinabihan niya ako na hindi lang basta-basta mag-susuggest 'yong app according sa mga nabanggit niyang hinahanap sa isang partner.
Para sa akin, lahat naman ng dating app ay pare-pareho. And this Venus Match feels like more of a game.
Pero hindi ko magawang sabihin iyon ngayon kay Mika. Ngayong halatang over-the-moon siya na engaged na sila ng pinartner sa kanya ng app na si First Officer Kurtis Cipriano.
"That's why, Yvie." Tinitigan niya akong maigi. "You should totally try signing up!"
"Uh... No," giit ko.
"Aw, come on, girl! 'Di pa ba kami sapat na pruweba ni Kurt? Also, kapag nag-subscribe ka ngayon with my referral, magiging half na lang 'yong babayaran mo next month after ng trial period," pilit ni Mika. "Wala pang isang minuto para gumawa ng account. And promise: titigilan kita sa pangungulit kapag hindi mo nagustuhan talaga."
"Ano bang kinaganda nitong app na ito?" Pinagsisisihan ko naman na tinanong ko ulit iyon sa kanya, knowing na mahahabang litanya ang isasagot niya sa akin.
Like a classic saleswoman, she proudly remarks, all the while na linapat niya ang kamay niya sa dibdib niya, "It is the golden staircase to meeting your destiny, Yvie!"
Yeah, here she goes again with her litany... Muntikan na ako mapa-facepalm talaga. Sumagot ako, "Uh... yeah?! Kung naniniwala ka doon, itatapon kita sa Pasig River. Doon sa Jones."
"Naku, Yvie! 'Wag 'no!" She giggles. "Wawa naman ang bebe ko. Totoo kasi. Ito na nga, oh. Engaged na. Tapos 'yong isa ko pang friend ay nakikipag-usap sa limang lalaki na nakilala niya dahil sa app."
"Oo na lang." Wala naman akong nagawa kung hindi bumuntong-hininga na lamang at napakamot sa ulo. "Paano mo nalaman na good match kayo ni Kurt, in the first place?"
"It just happened!" Mika clears her throat. "Well, you see, may personality test kapag nag-join ka. Tapos, 'yong app, i-scascan 'yong test result mo sa iba pang registered users and recommends someone to you. Basta ganoon. Just try it, okay? Wala namang mawawala. Signing up is totally fine and free. I swear."
I pout.
"Please, Yvie? Ito namang maid of honor ko, oh! Para may ka-date ka na sa kasal ko," saad niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino nagsabi na maid of honor kaagad ako?"
Tumawa na lamang siya at kinuha ang phone ko na nasa may mesa. Alam naman ng babaeng ito ang password ko at siya na rin mismo ang nag-download no'ng app. Noong natapos ay binigay niya sa akin ulit 'yong phone ko at inudyok, "Ito na, oh! Take mo muna 'yong test. Pagkatapos niyan is 'yong profile mo naman."
I sigh heavily. Napansin ko ang oras. May mga forty minutes pa bago ang call time namin at hindi ko kakayanin pa ang additional forty minutes na ganito lamang ang pag-uusapan namin. And kagaya ng sabi niya, wala namang mawawala kapag triny ko 'yong app.
Noong sinagutan ko 'yong personality test, masyadong common na. Wala namang pinagkaiba, though mas maikli siya compared sa mga madalas na nakikita online na one hundred 'ata ang tanong. Itong personality test sa app ay nagawa kong tapusin in five minutes or even less. And kagaya ng sabi ni Mika, pagkatapos ng test, ay siyang tanong concerning sa profile ko.
Mas lalo namang lumapit si Mika sa tabi ko at sinilip ang ginagawa ko ngayon. "Oh, profile na! Just so you know, Yvie, standard practice sa mga ganyang app is to make yourself 200% cooler and more successful than you really are."
"Hindi ba't parang magsisinungaling naman ako?"
"Consider it as a marketing exercise, Yvie." Napatigil siya saglit. "'Wag mong sabihin na willing kang ilagay na sa Manila Control ka nagtratrabaho?! Pick somewhere more exciting!"
"Ano linagay mo dito back then?"
"Manila Ground."
"'Yon naman pala, eh. Tapos ako sinasabihan mo na 'wag iyon ang ilagay ko."
"I mean, swerte ko na lang na may Kurt ako, kaya ganoon. Pero siguro kung iba ang linagay ko, baka hindi lang si Kurt..." Napatawa na lamang siya sa sarili niya. "Anyway, piloto ka naman. 'Di ba nag-flight training ka back then? Iyon na lang ang ilagay mo. Mas may appeal."
I bite my lower lip.
Totoo naman ang sinabi ni Mika. Yes, nag-flight training ako roughly three years ago. Noong nakaipon at nalaman ko na madami-dami sa aming mga ATC ang nag-fliflight training din during our off days in hopes na kung papalarin ay makakapasok din sa airlines. Actually, back then, masyadong timing na boom ang aviation industry; not to mention na natayo ang isang bagong airline that features flights sa mga new locations locally and internationally na hindi part ng routes ng iba, and despite boasting being a luxurious one, medyo affordable naman siya. However, just like how small the aviation industry is, hindi pinalad. Kaya stick pa rin ako as an ATC, and fortunately, dito medyo umasenso dahil sa mga sudden promotions.
"Ilagay ko na lang kaya na 'commercial pilot'. Wala na lang workplace? Pwedeng sa general aviation," giit ko.
"Yeah! That works! Mas maganda pakinggan." She laughs. "No offense sa ating mga ATC. But, think of it as a job interview na lang. It's not who you are, but who you wish you were."
"Kung 'di dahil sa iyo, hindi ko iisipin na magsisinungaling ako about this. As if magsisinungaling din ako sa work history ko for a much better salary. I mean, I might inflate my salary a little, but dapat lang talaga na swelduhan nila ako ng mas mataas." I sigh heavily pagkatapos ko ma-accomplish 'yong profile and napilitang maghintay sa magiging result habang nagloloading 'yong app. "It is this reality which seems wrong."
"True!" sang-ayon ni Mika bago inumin ang kanyang inorder na kape. "Gusto mo naman talaga mag-work sa airlines as a pilot, 'di ba? So, the timeline where you made it in still exists somewhere. Besides, hindi mo naman din pwedeng i-announce sa iba kung saan ka talaga nagtratrabaho? That's a mistake of mine back then. Mahirap na, lalo ngayon na boom na 'yong app at baka mamaya may mang-istalk sa iyo. O 'di kaya may ipost sila sa social media bigla. Sa trabaho nating ganito, mahirap na mauwi sa ganoon." She throws me a thumb's up and a wink. "We gotta make sure that we've got the bases covered!"
At that, nag-ding 'yong phone ko. Nagkatitigan kami saglit ni Mika bago sabay naming tinignan kung ano ang lumabas na notification. It reads as: "Congratulations! Your destiny awaits you!"
———————————————
A/N: Sorry for the very long wait! 😭 Despite having a morning flight, I didn't expect that being on a radio duty will be a hassle thing. Only managed to rest at this moment. For today's flight, I've been to Vigan and it felt like I've just gone from Iba to Hundred Islands due to the distance. Here's a view of Vigan Airport with the glass cockpit or G1000 interface (bye to the analog with those circular instruments and everything).
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 02 March 2024 | 0958H
As mentioned from the previous chapter, updates will stagger due to my busy schedule with my Airbus A320 training. I am currently halfway of the last phase of the training—Full-Flight Simulation—before the CAAP skill test for the issuance of the said type rating. Wish me luck for the ultimate completion of this training!
And sa dami ng inaaral namin, nakakaiyak na kailangan namin alamin kung ano ang ginagawa ng Pilot Flying and Pilot Monitoring; and hindi lahat ng emergencies ay masisimulate namin. And ang daldal namin throughout the flights, and medyo nakakahilo 'yong mga maneuvers namin because we're bringing the plane to its unusual state all the time for us to know how to recover and resolve them efficiently, with safety as the topmost priority. Rest assured for the passengers that we know what we are doing; and we took the golden rules by heart, especially the last one: Take action if things do not go as expected; because, of course, automation is bound to fail. 🥲
Anyway, here's me preparing the MCDU (flight computer) during the cockpit preparation before closing doors, arming slides, and basically starting the engines; in short, what keeps us pilots busy before, during and all the way after boarding of passengers. 👀 Of course, preparing the MCDU is just one of the long list for us to do during cockpit preparation.
Also, for the record, I tried watching Safe Skies, Archer, and the short version of my answer to that is: "Skip-skip lang ako to the parts of flying itself, in search of anything wrong about aviation (which is, discussed sa next paragraph), sa exposure ng school namin, sa mga kakilala ko."
I asked one about his experience as an extra, and kung ano ang natanggap nila, and 'yong inis niya na after session nila na gusto niya na lang umuwi at mag-aral ay 'di niya magawa dahil kailangan daw sila as extra. 😂 And of course, kahit nandoon si Jerome Ponce, sa mga totoong piloto pa rin ako nakatingin. 👀
For the record, I am not the lady there. 😂 She's his Airbus A320 partner from IPT until FBS6, and they ultimately split up due to being told to "consider changing partners". So, he continued training with two others in their batch, and the lady, whom I know personally as well, delayed her training. Also, hindi siya nagpalagay ng name sa credits despite being an extra.
So, about the wrong thing sa aviation. Hmm... madami (mga 95%)? But what triggered me the most might be 'yong mga faults na shot in the simulator? Like the exterior lights being all off before takeoff; some are already on even before engine start. The master caution lights appearing during cruise, and no crew action? It's a disaster building and waiting to happen. 🤦🏻♀️
But the last emergency? Okay, fine; tama na "emergency descent" ang call doon as it is cabin pressurization; and it is a memory item. In short, in need of immediate action. But... naka-landing gear down from what altitude? Emergency descent happens from levels above 10,000 or even 12,000 ft; and landing gear down na para masira at that altitude and a cruising speed of .78 Mach? Master warning light blaring, with a continuous repetitive chime (CRC); first thing is to cancel it before doing anything at all, dahil maingay 'yong CRC na hindi kayo magkakaintindihan, if ever. Panic is at the very bottom of the list for a trained pilot, and very much for the captain. A trained eye will realize that the shot focusing the ECAM (screens showing parameters of the aircraft systems and immediate emergency procedures) at first indicate amber color, so it is just a caution. To be exact, it says: CAB PRESS FAULT. Still not a call for an emergency descent; because it needs to be written in red. Because red—master warning—means it's life threatening.
The next frame shows red color for an emergency with the master warning, but a closer look, it is saying engine fire (attributed as well with the Engine SD page). Uhm, okay? Akala ko emergency descent but engine fire? Hmm... No comment na lang din regarding sa ginawang action for the "emergency descent"; should've been set to FL100 not 1,000. 👀
Anyway, who knows what the next books of the FLIGHT series or chapters of Flight Deck will feature with this update? Baka magkaroon din ng emergencies, with the correct background and environment. Siguro smoke para mas mahirap, dahil sa smoke removal procedure and emergency electrical configuration. Mas pahirapan natin and mas life threatening. 😅
But, seriously, good luck to me for the upcoming skill test sa 12 March 2024.
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top