Chapter 15: Sleeping Beauty

#HHFM Chapter 15:

Sleeping Beauty

* * *

"Ipalilinis sa isang araw 'yung kuwartong ginagamit mo, 'tapos, puwedeng dito ka na magtigil."

I scanned the place. The room's bigger by a half than the guest room I have been occupying for the past months. Wala pang binubuksang ilaw si Ryo pero maliwanag at maaliwalas sa loob, probably because of the clean white walls and the huge window letting natural light pass through. In front of that was the crib that we bought and a bed frame. Katulad ng sa guest room, may wall closet sa kanan na paniguradong kahit isama ang damit ni Raiko, hindi ko kayang punuin. On the opposite side was a white door, which I assumed was leading to the bathroom. Mayroon ding maliit na flat screen TV, isang mini shelf, at magkapares na lamesa't upuan.

Ryo flicked the light switch on, at lalo lang nagliwanag. He closed the door and picked up the remote control on top of the table. That must be for the air conditioner. I clicked another switch and the lights were dimmed. Napalingon sa akin si Ryo dahil doon.

"Masyado pa rin ba 'yang maliwanag para sa 'yo? Makatutulog ka ba 'pag ganiyan? Hindi kasi puwedeng madilim masyado e, gawa n'ong bata."

"Okay na 'to," I answered. He merely nodded before heading to the crib. I flicked the switch again and the lights were back to normal.

They set this free room up for me and Raiko. Hindi ko lang sure kung ibig sabihin ba n'on ay kasama ko rin si Ryo rito.

My expected due was in a few days, and it was both exciting and terrifying. I wanted to call Nanay and ask for a little advice, but that would give away my pregnancy.

I watched as Ryo attached the small, hanging bears at the side of Raiko's crib. Binaklas kasi iyon noong inilipat ang crib dito.

Ever since that incident, I felt like something has changed, but I couldn't pinpoint if it was in his end or mine. We were still on speaking terms, though. It's just that there was something different now. Or maybe it was just me overthinking his actions and words.

Paano ba naman kasi ako matatahimik pagkatapos kong malaman iyon?

Ryo acted like nothing happened after dropping such a heavy confession. Parang hindi big deal sa kaniya iyon habang mababaliw na yata ako sa kaiisip. Lagi naman siyang ganoon. Noong nag-stay ako sa kuwarto niya at siya sa kuwarto ko, noong hinawakan niya ang kamay ko, at pati na ang nangyaring halik sa pisngi noong bagong taon, laging parang wala lang sa kaniya.

We haven't touched that topic again ever since that day. Maybe because we were thinking of the same thing—that my labour is the most important thing right now.

While I was trying my best to distract myself from the fear of delivery, si Ryo naman e maya't maya ang tanong sa akin kung may nararamdaman ba akong kung ano. Kaya ang ending, babalik ang kaba ko.

"Nandito 'yung damit ni Raiko. Hindi ko pa naaayos kasi baka makita ni Mommy. May binili rin si Daddy na mga gamit, pero nasa kuwarto ko pa, 'di ko pa nabubuksan."

"Ryo," tawag ko sa kaniya at agad siyang tumigil sa pag-aalwas ng mga damit ni Raiko mula roon sa bag na hawak niya. For a moment there, I hesitated to speak. Baka kasi masamain niya ang itatanong ko.

"Bakit?" tanong niya nang bigla akong natahimik. I noticed how worry grew in his eyes when I didn't respond.

"May masakit ba?"

Before I could even tell him no, he was already across the room, pulling the chair with him. Hindi naman ako nangangalay pero umupo na lang ako para hindi siya masyadong mag-alala. Umandar na naman ang excessive worrying niya. Imbes na hindi ako kabahan sa panganganak, kakabahan ako dahil sa kaniya.

"Wala," I assured him.

"Okay," he said, which sounded more like a sigh of relief.

"May itatanong kasi ako."

His response was a jerked brow. Slowly, he crouched in front of me, with his hands on his knees, forcing me to lock gazes with him. He looked at me like he was telling me that I could ask him anything.

"Pa'no si Raiko? Kanino siya magsisi-stay?" nangangapa kong tanong.

Ilang beses siyang kumurap na parang hindi niya agad naintindihan ang sinabi ko. Umayos siya sa pagkakatayo at bahagyang lumayo, hindi ko alam kung para mag-isip ng isasagot, o baka ayaw niyang ipakita sa akin ang reaksiyon niya sa tanong ko.

For sure, he wanted to see Raiko every day, and we could do that. We could at least try. Baka nga gusto niya pang makasama sa kuwarto sa pagtulog. I could not blame him. If I were in his shoes, gano'n din naman ang gugustuhin ko.

"Babalik ka pa naman dito, 'di ba? O sa inyo ka na ba titira?"

"I have work, so baka ilang buwan lang tayo kina Tatay. Babalik ako pagkatapos ng leave ko."

Tumango siya kahit na feeling ko'y wala siya sa wisyo. I had saved up money enough for a few months of rent. Kaya pagbalik ko, kaya ko na ulit na umupa. Kung pipiliin na nga ni Cali na umalis na ulit si tiyahin niya, mapagagaan pa nang kunti ang gastos ko. Ang sobrang pera, pandagdag ko na sa gastusin kay Raiko. May nahanap na rin si Cali na mauupahan na mas maayos kaysa ro'n sa luma naming pinagtitigilan.

"Wala kasing mag-aalaga kay Raiko 'pag nasa trabaho ako," I told him. Palakad-lakad siya sa kuwarto. He stopped in front of the crib and spun the hanging bears with his fingers.

"Puwede siya rito sa bahay bago ka pumasok. We could hire someone, pero pakiramdam ko, si Mommy na'ng mag-aalaga kung dito si Raiko e. Puwede rin namang ako. Kunin mo na lang bago ka umuwi?"

Iyon nga rin ang naisip ko. Nakahihiya lang dahil nagmumukha namang ginagawa ko lang silang taga-alaga. Hindi ko nga lang talaga puwedeng pairalin ang hiya dahil para naman kay Raiko at kailangan ko rin talaga ng tulong.

"Okay, let's try that," I agreed, kahit na naiisip ko pa rin ang posibilidad na hindi pumayag sina Nanay.

Paano kung mas gustuhin nilang doon na lang muna ako sa amin at doon muna maghanap ng trabaho?

Hindi naman puwedeng doon din magtigil si Ryo. His career is here. But that setup would mean him not seeing Raiko for months.

Hindi ko na lang sinabi dahil ayaw kong isipin niya iyon. Alam kong malulungkot lang siya kaya sinarili ko na lang. I really do hope that my parents wouldn't be so harsh on him. Mula pa naman noon e nag-e-effort na siyang magustuhan ng magulang ko. I could also see how eager he is to be a father. And I just know that he would be a good one.

Bumalik siya sa may tabi ko. He sat on the floor, at ilang saglit lang ay nakita kong humiga na. Kumunot ang noo ko dahil mukhang may balak siyang matulog doon sa sahig. He covered his eyes with his forearm so I couldn't tell if he was trying to sleep.

"Puwede naman akong dumalaw sa uupahan mo, 'di ba?" mahina niyang tanong na parang nahihiyang iparinig sa akin. A slight ache in my chest awakened. He didn't have to ask.

"Of course, Ryo." Kung madali lang para sa aking yumuko para hagipin ang pisngi niya't haplusin, ginawa ko na. His question sounded too sad, at nagsususpetsa na akong naluluha na siya kaya niya tinatakluban ang mata niya.

"Hey," I called softly. Bahagya niyang inisod ang braso niyang nakatakip sa mata niya. I knew he tried his hardest not to look sad, but he couldn't hide anything from me. I know how to read him. "Kain tayo?" I suggested, even if I wasn't hungry. I just wanted to distract him from whatever he was thinking because it was making him upset and I don't like it. I don't want him to worry too much.

"Okay," he said, lifting himself off the floor. Hindi na niya ako pinabababa para kumain kaya sigurado akong lalabas siya at iaakyat na lang dito sa kuwarto ang pagkain.

My hand moved on its own and grabbed his before he could even walk towards the door. It didn't matter how I mustered up the courage to do that because Ryo didn't pull his hand away, at iyon ang pinakaimportante.

My throat went dry upon realizing what I just did. Hindi ko alam kung ano ang uunahing i-process: ang hiya ba o kung dapat ko bang bitiwan ang kamay niya. Before I could even come up with something, I felt his fingers trying to intertwine with mine.

"Hm?" he hummed, urging me to say what I was supposed to tell him earlier, if only I didn't get distracted when he laced his fingers with mine.

"We'll be fine," I whispered. Hindi lang iyon para sa kaniya kundi para sa akin na rin.

He smiled gently. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko. For a split second, I got worried that the hand-holding was too much for him. Napawi rin naman iyon nang dumampi ang kinalas niyang kamay sa pisngi ko. I felt his thumb run over my cheek thrice.

"I know, Frankie."

Gusto kong pumikit at ihilig pa lalo ang pisngi sa kamay niya. Ang ligamgam kasi at ang sarap sa pakiramdam. Saglit na nagtalo ang isip ko. Was it okay for us to do things like this?

May nagbago talaga.

* * *

When Ryo made that confession, I didn't know how to react. I just stood there, frozen, confused if it was all just a dream. Ilang beses niya iyong pinaulit-ulit, parang sinisigurong naririnig at napoproseso ng utak ko ang sinabi niya. Effective naman dahil tumatak nga. Kung hindi ako umiyak, baka hindi ako nakatulog nang gabing iyon dahil panay ang replay ng nangyari. Nakatulog nga ako pero hanggang panaginip e rinig ko pa rin. Mahal niya pa ako.

Bakit kaya?

Gusto ko nga ring itanong kung minsan ba, nagbago ang feelings niya sa akin. Nawala ba, o nabawasan, o nayanig man lang? We did break up after all. Sa isang buwang hindi ko siya nakikita (bukod sa billboard niyang nadaraanan ko papuntang office), hindi ko naman inisip ang feelings ko. Because what for? It was all done. Kahit naman ma-realize ko sa oras na iyon na hindi ko kayang mag-move on, wala ring kuwenta. E, paano pa kaya siya? Kung sa mga nagdaang buwan e ang tagal niya palang bitbit ang feelings niya, hindi ba siya nahirapan?

The day after that, wala nang binanggit si Ryo na dahilan para mabuksan ang usapang iyon. I never saw the brown envelope ever again. Kahit kapag kakain kami sa kuwarto ko, nag-uusap naman kami pero tungkol lang sa trabaho ko o kaya ay sa panganganak.

It also became our habit to read pregnancy things together. Ako, sa laptop ko. Siya, sa phone niya.

Ang ine-expect ko nga ay hindi ulit kami mag-iimikan—dahil hindi mo naman talaga dapat basta-bastang inaamin sa ex mo na mahal mo pa siya. Ryo made it hard for me to distance myself, though. Kung umakto kasi talaga siya e parang walang nangyari, at nadadala naman ako. Sometimes, though, I would find myself pausing to stare at him. Dahil bawat kilos niya, nakukulayan ko na ng kung ano-ano.

And I couldn't help but feel things.

"Sigurado ka ba, Frankie? Akyat na tayo. Bilis na. Do'n na lang tayo sa kuwarto mo. Ipagtitimpla kita ng gatas," Ryo said for the nth time today. Today's the expected day of my delivery, pero siyempre, wala namang eksaktong oras at hindi naman hundred percent sure na ngayon nga. It could be tomorrow, or even the other day.

Naglalakad lang naman kami sa garden nila. Nawiwili kasi akong panoorin ang nagtatabas ng halaman. Si Ryo, feeling ko, parang siya pa ang manganganak dahil ang putla na niya kasusunod sa akin—laging kabado. Bawat hakbang ko yata, sinisiguro niyang wala akong matatapakang kahit maliit na bato na puwede ko raw ikadapa.

"I'm fine here. Saka ilang araw na akong nakakulong sa taas," I told him. Bahagya ko siyang tiningala para mahuli ang reaksiyon niya. He looked like he still wanted to argue with me, paniguradong sasabihing doon na lang kami sa salas o sa kusina at ipagluluto niya ako ng kung ano-ano.

"Baka kasi mapa'no ka rito," bubulong-bulong niyang sabi na hindi ko na lang pinansin. Nakatayo lang naman kami sa isang gilid habang nanonood ako ng nagtatabas. He was idly rubbing my lower back, na lagi niyang ginagawa kada makakukuha siya ng tiyempo. Minsan, pagkatapos kumain, gagawin niya iyon. O kaya e habang magkatabi kaming nagbabasa.

Malas ko na lang dahil biglang umambon. I wanted to stay outside dahil nabuburyo na talaga akong nakakulong sa kuwarto ko o sa kuwarto ni Raiko. Hindi ako mananalo sa pakikipagtalo kay Ryo dahil bawal akong maulanan. Sinundan ko siya sa kusina kahit na sabi niya ay sa salas na lang ako at samahan si Tita roon.

Si Tito, nasa garahe. Si Raianne, may pasok. Pakiramdam ko nga e kaya hindi pumasok sa trabaho sina Tita ay gawa ng due ko. Si Tito lang yata ang hindi naaaligaga.

"Wala kang gagawin dito e. Sa salas, puwede kang manood ng TV," sabi ni Ryo habang nasa tapat ng ref. I wanted to say that I could just watch him pero baka mamaya e sobra siyang ma-distract at mahiwa ang sarili niya kaya nanahimik na lang ako.

Bukod sa aminang nangyari, hindi na rin namin pinag-uusapan si Talie. Ang weird nga. All of a sudden, hindi na nakatali ang pangalan ni Ryo sa kaniya. I have a feeling that the envelope had reached Tita or something. At naalala ko rin ang sinabi ni Ryo na hindi naman siya ang tinutukoy ni Talie, sadyang marami lang ang nag-a-assume na siya. Probably because of their pictures, na ayaw na rin naming ungkatin dahil napag-usapan naman na.

Si Cali, malakas tsumismis (walang bago roon). Hindi ko nga alam kung sino ba talaga ang kapit niya dahil masyadong exclusive ang kinukuwento niya sa akin. Nabalitaan daw niyang nangibang-bansa si Talie. Nabalitaan din niyang may boyfriend na foreigner. Ewan ko na lang kung totoo.

Dumadalaw siya rito paminsan-minsan kasama si Nate kung may libreng oras. Nahihiya lang silang dalawa dahil dumadalas na naaabutan sila ni Tita sa bahay. Si Nate, mas nahihiya (o baka natatakot) dahil kay Ryo. Hindi ko nga alam kung ano'ng ginawa ni Ryo sa kaniya noong pinuntahan siya sa kanila para hanapin ako dahil mukhang masyado iyong tumatak sa isip ni Nate.

The clock was ticking. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko, nangingibabaw ang kaba at excitement. Masakit iyon, panigurado. Sa dami ng nabasa kong experiences ng mga first-time mother, saka sa kuwento nina Tita at Tito, alam kong masakit talaga. Hindi ko rin alam kung ilang oras ang aabutin ng delivery ko. For sure, it's going to be exhausting. Mayroon nga raw na 48 hours mahigit ang tinatagal. Sana naman, hindi ganoon sa akin. Baka mahimatay si Ryo sa kaba.

It was already nine in the evening, at nasa kuwarto na ulit ako. Nakauwi na si Raianne kanina pa. Wala pa naman akong nararamdamang kakaiba.

"Gusto mo ba, do'n na lang tayo sa isang kuwarto?" I asked Ryo. Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng kama ko, nagmumukha na nga siyang nurse.

Bukas ang TV at nanonood kami ng teleseryeng nasubaybayan na namin dahil lagi kaming sabay na nagdi-dinner sa kuwarto, nawalan kami ng choice kundi panoorin iyon kaya sinubaybayan na lang namin.

He shook his head, eyes still glued on the television. "Hindi na—Bakit niya hinalikan?!"

Napalingon ako sa TV dahil sa bahagyang pagtaas ng boses niya. There was a kissing scene playing between the secretary and the boss in his office. Saglit lang ang itinagal n'on ngunit nasundan din agad ng isa pa. I had to look away.

Napalingon ako kay Ryo na hinugot ang upuang nakasalpak sa mesa at inilagay sa tabi ng kama ko. He sat there, still intently watching. Kunot ang noo at mukhang malaki ang galit sa male lead na akala mo e ang laki ng kasalanan nito sa kaniya.

"Hindi pa niya sinasabing gusto niya na rin 'yung babae tapos hinalikan niya?!" He sounded so frustrated.

Lihim akong napangiti dahil parang sobrang invested niya sa pinanonood.

Iritable siyang napakamot sa kaniyang buhok. It seemed like if he could go inside the scene and pull the two away from each other, ginawa na niya.

Nahuli niya akong nakatingin. Humupa ang iritasyon sa mukha niya. Maingat akong bumangon sa pagkakahiga at umupo na lang sa gilid, iyong mas malapit sa kaniya. I stacked my pillows para malambot ang masasandalan ko.

"Oo nga, but maybe he got too caught up in the moment. And unlike the girl, he seemed to be the type of person who's not good with words," ambag ko sa comment niya sa pinanonood namin. Nag-commercial break na.

"Pero kahit na. Unfair 'yon sa babae. Salita at gawa 'yung kaniya e, tapos ang ibabalik sa kaniya, gawa lang? Mahirap 'yon. Ang labo."

Nilingon ko siya at nahuling nakatingin pa rin sa akin. Blangko lang ang tingin ko sa kaniya at hinayaan siyang mapraning sa kung ano ang iniisip ko, kahit wala naman talaga. His lips twisted, a sign of discomfort. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang kumibot. Nang iangat ko ulit ang tingin sa mukha niya, namimilog na ang singkitin niyang mata. Kung ano-ano na naman ang iniisip, panigurado.

I stifled a laugh. Nasapo ko na lang ang noo ko. I feel like I have an idea on what he was thinking right now. Hindi ko sure kung tama.

"If you were the girl, magagalit ka ba ro'n sa boss mong crush mo?" I asked.

His expression hardened. Tensiyonado.

Ipinaling na niya ang tingin sa TV. His jaw ticked.

"Oo. Hindi puwede 'yung gano'n. Unfair. Dapat umamin muna sa 'kin yung boss ko."

"Really, Ryo?" I asked.

He didn't answer. I saw him gulp.

"Magagalit ka?" I asked.

Nilingon niya ako, inis na inis na ang mukha this time. I kept my face straight; I know how to piss him off more. Ayaw na ayaw niya nang hindi niya ako kayang basahin, especially when I sounded like I was suggesting something, pero taliwas naman ang ipinakikita ng mukha ko.

Mariin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi. Hindi ko naman sinasadyang mapababa ang tingin ko roon. The moment my eyes wandered off to his lips, he nearly knocked his chair over. Mabilis siyang tumayo at sinalpak iyon pabalik sa mesa. Medyo padabog pa.

"Do'n na nga tayo sa kabilang kuwarto." Parang pagalit pa iyon. He picked up the remote control and turned the TV off. Hindi na niya hininaan ang volume. Pinatay na lang talaga nang basta at padabog pang binalik sa mesa.

Kakamot-kamot sa batok siyang lumapit ulit sa akin para umalalay.

"Talaga nga, Ryo? Magagalit ka?" I teased him more. Para siyang biglang ibinabad sa arawan dahil bigla siyang namula.

Sinuot niya pa ang slides sa akin kahit kaya ko naman na.

"Oo nga," masungit niyang sagot. Naglalakad na kami papunta sa kuwarto ni Raiko pero hindi pa rin humuhupa ang kulay niya.

He opened the door for me and I asked him again.

"Sure?"

Nagusot ang buong mukha niya, and it reminded me of how he looked at me during my first month of staying here. Parang sasabog na sa inis.

"Bakit mo ba 'ko tinatanong? Hindi naman ako mag-aartista at kukuha ng gano'ng role."

"I just wanna know."

Umiwas siya ng tingin. Kahit na dimmed lights lang ang bukas, malinaw na malinaw sa akin ang pagkapula ng mukha niya.

"Oo nga," ulit niya sa sagot kanina.

"Really? 'Pag hinalikan ka ng taong gusto mo nang walang assurance na gusto ka niya, magagalit ka talaga?"

"Hindi. Hindi yata . . . baka nga hindi." Nagbago na ang isip niya.

Pinaikot-ikot ko lang nang kaunti, iba na ang sagot niya. Sabi na nga ba.

Mukhang wala pa siya sa huwisyo nang sabihin iyon. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

Dahil doon e napalingon siya sa akin at galit na ang itsura. Para namang kasalanan kong biglang nagbago ang sagot niya.

"Magagalit ako!" Dumagundong ang boses niya sa kuwarto. Pagkatapos, padabog niyang binitawan ang remote sa mesa.

"'Wag na ngang manood ng TV!"

I chuckled. He went beside me and sat on his side of the bed. Napagkasunduan na namin iyon. He could stay here with me, pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

Kunot pa rin ang noo niya nang ayusin niya ang kumot ko.

"Ano ba talaga?" I asked him again.

He frowned. Humugot siya ng malalim na hininga. "Depende kung kaya kong magalit sa taong 'yon."

"Pa'no kung hindi?"

He pursed his lips. "E di, hindi."

I found myself smiling at that. His annoyed expression melted. Napailing na lang siya sa akin bago humiga sa tabi ko.

"Wala ka ba talagang nararamdamang kahit ano?" he asked.

Nalito pa ako kung ano ang tinutukoy niya.

"Wala. Wala rin namang masakit."

"Okay. Try mo nang matulog. Malay mo, mamayang alas-onse 'yan."

"Baka hindi pa kasi ngayon," mabagal kong sabi, pilit na ipinaiintindi sa kaniya iyon. Mas kabado pa yata siya kaysa sa akin. Kung puwede ko nga lang yata ipasa sa kaniya ang panganganak, tatanggapin niya e.

"Get some sleep, Frankie," he said with his eyes closed. Matutulog na naman talaga ako, ang daldal niya lang talaga.

"Matulog ka rin. I'd wake you up if I ever feel something weird," I said. I felt him adjusting his position.

"Baka hindi ako magising agad. Natatakot ako matulog," he said worriedly.

I clicked my tongue. "Magigising ka."

"Para akong si Sleeping Beauty matulog, Ceskang. Panoorin na lang muna kita."

I covered half of my face with the comforter to hide my grin. May naisip na naman akong pang-inis.

"Don't worry. Alam ko naman kung ano ang pampagising kay Sleeping Beauty."

"Frankie," nagbabanta niyang sabi. I chuckled.

Masyadong malalim ang naging buntonghininga niya.

* * *

I woke up without Ryo beside me. Baka umalis para mag-jogging o nasa baba lang. Pinakikiramdaman ko pa rin ang sarili ko. Sa huling punta namin sa OB-GYN, sabi sa amin, normal lang naman daw kung ma-delay nang ilang araw mula sa predicted due. Binigyan lang ako ng warning na mas maging maingat.

May almusal na nakalapag sa mesa. Inalis ko ang taklob at may mangkok doon ng arroz caldo at isang tasa ng gatas. I picked up the blue sticky note on the tray.

Good morning.
Inutusan ako ni Daddy na magdala ng files kay Tita Fiona. Balik ako agad.
Nandiyan naman sina Daddy, magsabi ka agad 'pag may nararamdaman ka.

Dinampot ko iyon at pumunta sa kuwarto ko. I opened my drawer and looked for my folder na ginagamit ko sa office. Tadtad iyon ng sticky notes na puro reminders at deadlines. Inipit ko roon ang note ni Ryo para hindi magusot bago bumalik sa kuwarto ni Raiko para kumain.

Inabala ko ang sarili sa mga damit ni Raiko. Inilagay ko iyon sa aparador kasama ng iilang T-shirt ni Ryo. Nagtira lang ako ng ilan sa bag para dalhin sa ospital. Iyong bigay ni Tito Finn na kung ano-ano, nakabalot pa rin at ayaw pabuksan ni Ryo dahil baka raw makita ni Tita.

A few days ago, halos magbulyawan ang mag-ina dahil ayaw talagang papasukin ni Ryo si Tita, gawa nga ng makikita ang gamit ni Raiko. Si Tito, natatawa lang. Raianne looked as curious as her mother pero hindi naman nangungulit.

Ryo came back before lunch time. Naka-slacks siyang itim at long sleeves na gray. Mukhang iritang-irita siya sa suot niya dahil panay ang kamot niya sa may batok. Hindi siguro komportable sa kuwelyo.

"Kumain ka na?" Ryo asked, turning his back on me as he removed his shirt. Mabilis siyang kumuha ng malinis na T-shirt sa aparador at isinuot iyon—nagmamadali na hindi ko malaman kung nahihiya bang makita ko siyang hubad.

"No, I was waiting for you," I answered. Dinampot niya ang tray ng pinagkainan ko kaninang umaga. Wala kasing kumuha rito kanina, baka masyadong abala sa pag-aayos ng bahay ang mga tao o nalimutan lang. Nahihiya naman akong magtawag.

I picked up the long-sleeved shirt he was wearing earlier and folded it neatly. Basta na lang kasi niyang inilagay sa isang gilid.

"Sige, 'kuha ako ng pagkain sa ibaba," aniya, panay pa rin ang kamot sa may batok at leeg. Pinagpawisan siguro.

"Ba't ba ganito ang suot mo?"

"Sabi ni Tita Fio 'di raw niya 'ko papapasukin kapag hindi ako naka-formal. Ewan ko ro'n, parang si Daddy 'yon e," iritable niyang sagot bago lumabas.

Pagbalik niya, may dala na siyang pagkain. Binuksan niya ang TV bago kami tahimik na kumain sa mesa. Napapatigil ako sa pagnguya tuwing may mararamdamang paggalaw sa loob ko. Hindi ko ipinahahalata kay Ryo dahil baka mag-panic mode na naman siya.

"Dito ka lang muna, ha? Sigaw ka lang ng pangalan ko 'pag may nangyari," natatawa niyang sabi. I rolled my eyes at him and slid the tray to his side.

"Maglalambing pa 'ko kay Mommy e. 'Andiyan lang naman 'yon sa kuwarto," he added.

My brows met. "Galit na naman sa 'yo?"

"Oo, kasi 'di ko siya pinapayagang pumasok dito," he chuckled. "Pero okay na kami n'on. Favorite ako n'on e."

Pinaningkitan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay. Magaan sa pakiramdam ang ngiti niya kaya hindi rin nagtagal ang sungit ko. Nakadadala kasi.

"I'm going to tell Raianne," I said jokingly.

"Okay lang. Siya naman ang favorite ni Daddy kaya patas lang."

Paglabas niya ay tumayo ako papunta sa crib, iniisip kung ano ang itsura n'on kapag naroon na si Raiko. I couldn't remember the last time I saw a newborn baby kaya hindi ko rin matantiya kung gaano siya kalaki o kaliit kapag buhat ng ama niya.

Isang oras na yata ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Ryo. Baka nahihirapang sumuyo kay Tita. Nakadungaw lang ako sa bintana nang may maramdamang kung ano. I rushed to the bathroom to pee. Paglabas ko, akala ko, okay na, pero pakiramdam ko, tuloy-tuloy. May tumutulo.

Para akong nanlamig sa kinatatayuan ko. Reminding myself not to panic, I went outside with careful, long strides. Hindi naman siya masakit, pero ang kaba ko, unti-unti nang gumagapang sa akin. Kumatok ako sa pinto ng kuwarto nina Tita at napansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko sa kaba. Pagbukas n'on ay itinago ko agad ang kamay kong nangangatal sa likuran ko.

"Bakit? Okay ka lang?" pambungad ni Ryo. Sumilip si Tita sa may likuran niya at kinawayan pa ako.

I managed to smile. Sa itsura ni Ryo na mukhang lalo lang lumala ang pag-aalala, sigurado akong ang pangit ng pagkakangiti ko.

Pilit kong pinakakalma ang sarili para hindi siya mapraning dahil hindi naman kailangan. "I think, my water just broke," I whispered.

Halos magkandarapa siya sa pagtakbo sa hagdan para ipahanda ang sasakyan. Then I heard a loud thud. Sinundan iyon ng malakas na tawa na parang galing kay Tito Finn. Parang may nadapa nga yata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top