Chapter 03: Who Else?
#HHFM Chapter 03:
Who Else?
* * *
"May ibabagal pa ba 'yang kilos mo?"
Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Ryo's peeking his head through my doorway, at base sa pagkakakunot ng noo niya e naiinis na naman siya, pero wala naman nang bago roon. Ang ipinagtataka ko lang e ano'ng nginangawa niya roon dahil hindi ko naman siya tinawag?
I looked at the wall clock. Bihis na ako pero nakabalot pa rin ang buhok ko sa tuwalya. Hindi ko man lang namalayang nabuksan na niya ang pinto. Wala talaga siyang manners! Paano kung nakatapis lang ako?
"Mamaya pa naman 'yung appointment, a?" sabi ko. We are scheduled to go the doctor today. Free naman ako sa oras na sinabi nila pero siya, hindi ko sure. Wala naman akong pakialam dahil siya naman ang pagagalitan ni Tita kapag late kami.
"Oo nga," parang naiinis niyang sabi. "E akala ko ba, pupunta kang office ngayon?"
My brows furrowed. I did tell him that I have to go the office to get some of my files tapos ay kikitain ko si Cali para kunin ang iba kong gamit. But that didn't mean na isasama ko siya.
"O tapos?" I asked, removing the towel wrapped around my hair. Lumukot ang mukha niya at tuluyan nang pumasok sa kuwarto ko. Parang dahil bahay niya ito e puwede siyang pumasok dito sa kuwarto kung kailan niya gusto.
"Matagal pa ba 'yan?" aniya, at sumilip sa kaniyang relos. I got my comb and started to blow-dry my hair.
"Bakit mo ba 'ko hinihintay? At saka umalis ka nga rito," I told him. Ang aga-aga, ang hilig niyang magsimula ng away. Muntik pa nga kaming mag-away sa harap nina Tita kanina kasi ayaw niya raw akong katabi sa hapag. As if namang gusto kong siya ang katabi ko!
Mabuti na lang at naroon ang kapatid niya kaya nagpalit sila. Tita's still mad at him for what he did, kaya siguro sa akin binubunton ang frustration niya sa nanay niya. Hindi naman big deal sa akin na masama ang ugali niya. Sina Tita lang talaga ang may problema sa kaniya.
"Kailangan kang ihatid do'n. Saka 'yung meetings mo, every Monday 'yon, 'di ba? Ayaw ko ng babagal-bagal."
Kumunot lang lalo ang noo ko. "I thought I have a driver?"
He rolled his eyes. "Ipagmamaneho na nga kita, ang dami mo pang sinasabi."
Pinatay ko ang blower. I looked at him with my mouth wide open. Hindi ko rin kinakaya minsan ang ugali niya. Ang hirap niyang basahin dahil para siyang bata. Siya rin naman ang nagsabi sa akin kahapon na bibigyan ako ng driver para ihatid tuwing Lunes sa office at kung may pupuntahan pa ako. Hindi naman ako ang nag-request na ihatid niya ako tapos mamadaliin niya ako ngayon?
"Ayaw ko sa 'yo," I bluntly told him. He scowled.
"Ang arte-arte mo. Bilisan mo na riyan. Hihintayin kita sa baba." Before I could even complain, he walked out of the room and slammed the door loudly. Para siyang batang nagta-tantrums!
Napailing na lang ako. I just hope that our child won't take after him. Okay na ang sa mukha—kahit na feeling ko, magkakaproblema ako kapag araw-araw ay may makikita akong maliit na Ryo. Pero sa ugali, sana talaga ay huwag. Sasakit naman masyado ang ulo ko at baka mapaaga ang pagputi ng buhok ko.
Para lang lalo siyang mainis e binagalan ko pa ang kilos. I'm not the type to wear makeup on a regular day, pero dahil gusto ko ngang mang-inis e napa-makeup ako nang wala sa oras. I took my time, at kung mayroon nga lang pang-unat ng buhok sa cabinet ko, nag-unat na rin ako ng buhok para lalo lang maubos ang pasensiya niya. He likes to piss me off so it's only fair that I annoy him back. Nananahimik ako rito sa bahay nila pero siya itong mauuna laging sirain ang araw ko, kaya ginusto niya rin ito.
As expected, pagkababa ko ay parang puputok na ang ugat niya sa noo sa inis dahil napakatagal ko raw. I just ignored him hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. He kept on blabbering on how it took me 'forever' to finish dressing up pero mas pinili kong manahimik dahil pansin kong doon siya naiinis—kapag wala akong sinasabi. Napagod din naman siyang magsalita kaya tumigil din.
"Hihintayin na lang kita rito," aniya pagkarating namin.
"Pa'no 'pag natagalan ako?" I asked. I'd rather take a cab home than listen to him complaining for half an hour.
His brows met. "Bakit ka matatagalan? I thought you're just going to get your files?"
"I have to talk to Nate," I said. His frown deepened. Hindi ko gets kung bakit may sama pa rin siya ng loob kay Nate e first year college pa ako noong nagsimula iyang init ng dugo niya roon sa tao. Graduate na kami, break na nga kami e, pero iritang-irita pa rin siya.
"Basta bilisan mo," bubulong-bulong niyang sabi. I sighed and just got off the car. Bahala siya.
The baby bump's not that visible yet, so no one has asked me about my pregnancy. I was in the elevator when I received a text from Cali, saying that she'd be late at sa labas na lang kami magkita dahil medyo marami ang gamit kong dala niya.
"Where's Sir Nate?" I asked Crista, assistant sa office. Mabuti nga't pinayagan akong tuwing Lunes lang magpapakita rito sa office. I haven't told Nate that I'm pregnant, but I have to explain it to him soon. I have a feeling that he's letting me have everything my way because he knows me personally, and I don't like that.
"Male-late daw e," she answered. I couldn't help but look at her small curls. Hindi ako gaanong kakulot at hindi rin si Ryo. Too bad because I want a curly-haired baby. "Check mo sa shop diyan sa tapat. Bibili 'yon ng coffee before pumasok."
"Thanks," I replied. Her cheeks looked fuller when she smiled. There was a sudden urge for me to pinch her cheek or to feel her hair, but I turned my back immediately dahil for sure mawi-weirdo-han siya. Mukhang siya pa yata ang mapaglilihian ko, but I won't be here every day so I won't be able to see her often.
I went to my table and cleaned up a bit para hindi na makalat pagbalik ko. I picked up all the sticky notes on my board and compiled them neatly on my folder. Binisita ko muna ang board na may agenda ng buong team for the month. I can't slack off. I'm still aiming for a higher position.
Pagbaba ko, nasa labas ng kotse si Ryo. Ang dala ko lang naman ay tatlong folder na wala pang kalahating kilo ang bigat pero sinalubong niya ako at kinuha iyon. I didn't complain dahil alam kong magtatalakan na naman kami if ever, at ang lakas n'on maka-drain ng energy.
"Nand'yan daw sa tapat si Cali. Dito ka na lang kasi masikip parking do'n," I told him. He nodded as he slipped my files in the back seat.
"Nakausap mo na si Nate?" tanong niya. I still don't get his obsession with Nate.
"Hindi pa. Nando'n lang din 'yon." Bumalik ang pagkakasalubong ng kilay niya.
"Lalakarin lang ba 'yon?" he asked, raising a brow at me. I nodded. Itinuro ko ang coffee shop sa tapat na sobrang lapit lang naman. Sinundan ng mata niya ang itinuro ko.
"Tara," aniya, at nauna pa sa akin. Kaya ko namang tumawid mag-isa, at hindi naman ako mangangalay sa kalagitnaan ng kalsada, kaya hindi ko gets kung bakit kailangan niya pang sumama pero hinayaan ko na lang.
Through the faintly tinted glass walls, I could already see Cali, occupying the large table at the center of the shop. Naningkit ang singkit nang mga mata ni Ryo habang tumatanaw sa loob.
"Dito ka na lang," sabi ko sa kaniya. That wasn't a question; that was a command. Napasimangot siya pero hindi na rin naman sumunod nang pumasok na ako sa loob.
The coffee shop is usually packed at this early hour dahil madalas na kumukuha muna ng kape ang mga tao bago pumasok. Nang-aakit ang amoy ng kape pero pinigilan kong bumili dahil bukod sa bawal sa akin, wala akong dalang wallet. Kaya bawal ko rin pala talagang awayin si Ryo dahil nasa sasakyan ang wallet ko. At kapag iniwan niya ako, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
The huge paper bags occupied Cali's table. She stood up when she saw me at sinalubong ako ng yakap. Sinilip ko ang mga laman ng bags na probably ay natirang damit at sapatos, saka ang mga libro ko.
"Bakit ayaw mong papasukin jowa mo?" she asked before taking a sip of her drink, probably her favorite Americano. Her eyes pointed to the direction where Ryo was standing. Napalingon din ako roon at nakita siyang may katawagan na naman. Hindi na ako magtataka kung si Talie iyon.
"Ex," I corrected her before sitting on the chair across from her seat. Hindi ko pa nakikita si Nate at hindi naman ako puwedeng umalis nang hindi man lang nagpapasalamat na pumayag siya sa setup kahit na malabo ang paliwanag na ibinigay ko.
"Magkakabalikan din kayo niyan," she said and chuckled. Nagtaasan ang mga balahibo ko roon. I glared at her.
"Bawiin mo 'yon," utos ko sa kaniya. She shrugged.
"Nakikita mo ba 'yan, Frankie?" aniya, at walang hiya-hiyang itinuro si Ryo. My eyes widened, and I immediately slapped her hand. Baka mamaya, mapalingon si Ryo tapos makita siya! Sabihin pa n'on, pinag-uusapan namin siya.
Well, he wouldn't be wrong, if ever. But I don't want him to find out that we're gossiping about him, at talagang sa topic pa ng pagkakabalikan-kuno namin.
"No offense, ha. But if he weren't your ex, at nabigyan ako ng chance, hinarot ko na 'yan," natatawang sabi ni Cali. Napasimangot ako roon. "Kahit nga hindi girlfriend e, kahit nga sex lang, papatusin ko."
She chuckled when I covered my face with my hand out of embarrassment. I suddenly remembered how she bombarded me with questions noong nahuli niya kami ni Ryo sa apartment na 'nagkakainan ng mukha' (her words, not mine). Wala talaga siyang filter.
Though I really am not the biggest fan of Ryo right now, I won't deny the fact that he is gifted with nice genes. He looks more of Tito Finn, but he got Tita Rayi's eyes na siguro'y dahilan kung bakit lagi siyang napagkakamalang hindi Pinoy. Si Raianne kasi ang mas kamukha ni Tita. He's not as moreno as his father, pero hindi ko rin siya matatawag na maputi. Isip-bata nga lang kung minsan, but I loved that part of him for four years. Nga lang, mukhang ang laki ng inilala niya ngayon dahil parang kahit maliliit na bagay, hahanapan niya ng ikagagalit niya.
So, no, thanks. Naka-move on na rin naman ako.
"Ayan na si Sir," Cali said which made me look away from Ryo. I didn't even notice that I was looking at him. Nakita ko nga si Nate na kapapasok lang at deretso agad sa counter.
I stood up and waited for him to get his order before I walked towards him. His eyes lit up when he saw me.
"I thought you'll go to your doctor today?" he asked. Today's Monday but I took a leave dahil may checkup nga ako. I did tell him that I have to go to the doctor, pero hindi ko naman sinabing sa OB-GYN iyon.
"Yes, mamaya," sagot ko. He nodded. May itinuro siya sa labas at mukhang alam ko na kung ano—o sino—iyon kaya hindi na ako lumingon.
"Nasa labas boyfriend mo, nakatingin sa 'tin," natatawa niyang sabi. Aware naman siyang ayaw sa kaniya ni Ryo. Ipinagduldulan ko ba naman kasi sa kaniya for four years, ewan ko na lang kung hindi siya maging aware.
I forced a smile. We're friends but we're not that close anymore kaya hindi niya alam na break na kami ni Ryo. And we don't really hang out. We only talk as a writer and an editor sa office.
"Ex," I corrected him. Natigilan siya roon at kumukurap-kurap na humarap sa akin.
"Ex?" he asked as if he didn't hear me right the first time I said it. I nodded and forced a laugh to lighten the mood up. Hindi dapat ito ang pag-uusapan namin e.
"Yup," I confirmed. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa banda ni Ryo. Nang makita kong para siyang lawin na nakamasid sa aming dalawa ni Nate e marahan ko itong hinila para mawala kami sa paningin niya.
I thanked Nate for agreeing with the setup, but as expected, he just shrugged it off dahil okay lang naman daw na sa bahay lang ako magtrabaho. Ilang linggo na lang naman e mahahalata na itong baby bump ko, and I hope na kapag pumasok ako at makita niya iyon e ma-gets na niya agad at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag. Hindi ko yata kayang ikuwento ang setup namin Ryo ngayon.
"Are you going to carry those?" tanong ni Nate at itinuro ang paper bags sa table ni Cali. Wala na si Cali roon, umalis nang walang paalam. O baka ayaw niyang magpakita kay Nate dahil baka punahin siyang late na.
"Yup," I said and picked two of the bags up. I was about to protest when Nate carried them all for me pero palabas na agad siya.
"Sa'n 'to dadalhin?" he asked.
"Sa sasakyan," tanging nasagot ko dahil ang weird kapag dinugtungan ko kung kaninong sasakyan iyon dadalhin. Pagkalabas na pagkalabas namin, napalingon ako kay Ryo na panay ang silip doon sa loob, hindi yata napansing nakalabas na kami ni Nate.
"Ryo," tawag ko sa kaniya. He immediately stopped whatever idiocy he was doing na para bang nahuli ko siyang may ginagawang masama. He raked his fingers through his hair at nagkunwari pa talagang nag-aayos lang ng buhok sa salamin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
When his eyes shifted to the guy behind me, his whole face scrunched. Nate looked confused as Ryo quickly stole the bags from him. He transferred two of the bags from his left hand to the other, before grabbing me with his now free hand, then he pulled me to cross the road. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Nate!
"Ang sama-sama talaga ng ugali mo," sabi ko sa kaniya pagkarating namin sa sasakyan niya. He didn't say anything. He dropped the bags on the ground before opening the trunk of his car, then he silently put everything inside.
Tahimik lang kami sa biyahe papunta sa OB. Binitbit ko na ang shoulder bag ko dahil baka topakin siya mamaya at maisipang iwanan ako, mahirap na.
"She's not my wife," iyon ang tugon niya sa pagbati ni Dra. Dael. Kitang-kita ko kung paano maguluhan ang doktor sa sinabi niya, kasi obviously, hindi iyon proper greeting.
"Good morning po," I greeted, because unlike Ryo, I am polite. The doctor laughed awkwardly because she probably knows what situation we are in right now. "Hindi ko po siya aasawahin," dagdag ko. I heard Ryo scoff so I faced him with a fake smile. God. Can't he be mature for once?
Sinabihan ako ng mga bawal, and the doctor reiterated about my coffee-drinking habit dahil inamin kong mahilig ako roon. Bukod sa vitamins, niresetahan din ako ng gamot sa sakit ng ulo na mas okay raw sa buntis. Mabuti na lang at sinabihan niya rin si Ryo na bawal akong ma-stress, dahil sa totoo lang, mas nakaka-stress makipag-deal sa lalaking iyon kaysa sa trabaho. She gave us the schedule for next month before we left.
"Nine weeks," I heard Ryo whisper. Tumaas ang kilay ko roon. Binibilang na ba niya kung ilang linggo na lang ako sa bahay nila? Parehas lang naman kami na ayaw ng nakapisan ako sa kanila e.
We went to the pharmacy, and he got everything that I needed. Of course, he also paid for everything. Sayang naman ang pagtitiis kong makita siya araw-araw sa bahay nila kung hindi ko mapakikinabangan ang pera niya.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko dahil napansin kong parang palayo pa kami imbes na papunta sa bahay.
"Bibili tayo ng regalo," simpleng sagot niya. He kept his eyes on the road.
My brow arched. "Regalo para kanino?"
He glanced at me with an annoyed expression. "Kay Raianne. Isusumbong kita ro'n, hindi mo pala tanda ang birthday niya."
Napa-check tuloy ako sa phone calendar ko. Noon ko lang napansin na two days from now, birthday na nga ni Raianne.
Nakasunod lang ako sa kaniya pagkarating namin sa mall. For four years, lagi kaming hati ni Ryo sa ibibigay na regalo kay Raianne. Ngayon ay nawala lang talaga sa isip ko dahil inuuna ko itong pagbubuntis ko. Dati nga, pinag-iipunan ko pa, at July pa lang, may plano na kami ni Ryo kung ano'ng ireregalo sa kapatid niya kahit na September pa talaga ang birthday.
We stopped in front of a jewelry shop. Nag-alangan pa akong pumasok. Hindi naman siguro kami maghahati sa ireregalo. Hindi ko siya kayang hatian kung alahas ang ireregalo niya! Wala akong dalang pera! At nag-iipon din ako para pagkapanganak ko, may ipambabayad ako sa lilipatan kong lugar.
Itinikom ko kaagad ang bibig kong napanganga nang mag-inquire siya roon sa singsing na halos pumalo ng 23 thousand ang presyo. Umiwas ako ng tingin at luminga sa ibang display. Mayroon namang tigdalawang libo na bracelet—that, I can afford. They accept cards siguro. Ang cash lang na dala ko ay pamasahe pauwi kung sakaling iwan ako ni Ryo.
"Huy." Napalingon ako kay Ryo. Sinenyasan niya akong lumapit at halos ayaw ko iyong sundin dahil iniisip ko kung mag-o-offer ba siyang hati kami ng bayad doon.
Saan naman ako kukuha ng 12 thousand?!
"Halika nga rito," mariin niyang sabi. I gulped hard before standing beside him. My eyes focused on the ring he was holding. It was a gold beaded ring with a circular plate of silver stones in the middle. I heard the staff saying that it was a 14-karat gold, and she mentioned something about the stones pero ang tanging laman ng isip ko ay magkano kaya iyon kapag isinangla?
"Maganda?" he asked me. Agad akong tumango.
"Sobra," I answered. It's not my style, because I can't see myself wearing something na baka maging reason pa kung bakit ako maho-holdap, pero maganda.
"Sana ikaw rin," aniya, at nang-aasar na natawa. That made me scoff. Before I could even say anything, he lifted his gaze to the staff. "We'll take this."
"What size, Sir?" the staff asked.
Ryo let out a long sigh. Hindi niya alam ang size. Of course, he's a dumbass. Dapat ay inalam niya muna ang size ni Raianne kung plano pala niyang singsing ang bilhin. Kung hindi niya alam, I would suggest na bracelet o kuwintas na lang para safe, pero hindi ko na iyon sasabihin dahil hindi naman ako ang bibili.
"Tingin nga ng kamay mo," he said, grabbing my hand without a warning.
He held my ring finger and slipped the ring. Nagkasya iyon sa akin pero agad kong binawi ang kamay ko at tinanggal iyon. Maingat ko iyong inilapag sa mesa. I glared at Ryo but he just raised his brows at me. Hindi niya ba alam kung gaano ka-awkward iyon?!
"Kasya sa 'kin. Ka-size ko ba si Raianne?" tanong ko.
"Hindi ko alam," Ryo answered. Nilingon niya ang staff. "Sorry, can I just take a look on that bracelet?" aniya, at may itinuro.
Humalukipkip ako at hindi na siya nilingon, kahit na ramdam kong hinihintay niyang lingunin ko siya. "Affected ka? Sinukat ko lang e."
I gritted my teeth. Hindi na ako nagsalita at lumabas na lang. Hindi naman na niya ako tinawag. I just waited for him outside while thinking of a gift for Raianne na papasok sa budget.
Iniabot niya sa akin ang paper bag at kunot-noo ko lang iyong tiningnan. "Baka mag-feeling ka, kay Raianne 'yan. Bumili ka ng pambalot tapos ilagay mo na lang na galing sa 'ting dalawa."
Hindi ko iyon kinuha. He sighed heavily then he just left it on the floor before turning his back on me. Nanlaki ang mga mata ko at agad na dinampot ang paper bag at sinundan siya. Parang sira talaga kahit kailan!
"Ang dami mo kasing kaartehan," aniya nang mapansing nakasunod na ako sa kaniya. Puwede ko namang iwan itong binili niya, nanghinayang lang ako sa ginastos!
Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan niya para makaganti. That earned me a glare from him.
Nakaiinis! Kung puwede ko lang siyang sipain palabas ng sasakyan niya tapos ako na ang nag-drive, ginawa ko na!
* * *
Binalot ko ang regalo ni Ryo para sa kapatid niya. I used a baby pink special paper dahil favorite na kulay iyon ni Raianne. I just wrote her a letter and inilagay ko sa loob, telling her na si Ryo lang talaga ang bumili ng bracelet. Sa tag na nakasabit sa paper twine ay pangalan lang ni Ryo ang isinulat ko dahil siya lang naman talaga ang bumili.
"Bakit ganito lang 'to?" tanong ni Ryo pagkaabot ko sa kaniya ng binalot ko. Agad ko iyong inagaw sa kaniya. Kung lalaitin niya itong effort ko, ibabato ko talaga itong regalo niya sa labas.
"Shut up if you're not going to say anything nice," I warned him.
"Ang linaw ng instruction ko, 'di ba? Ilagay mo na galing sa 'ting dalawa. Bakit pangalan ko lang nakalagay diyan?"
I rolled my eyes at him. "E kasi, ikaw ang bumili!"
He groaned and got the gift from my hand. Ano namang laban ko sa laki ng kamay niya? Basta-basta siyang pumasok sa kuwarto ko, binuksan ang drawer at kumuha ng marker. Napangiwi na lang ako nang sulatan niya ang tag para mailagay ang pangalan ko. Halatang-halata na ang laki ng ganda ng sulat ko kaysa kaniya, at parang isiningit lang ang pangalan ko. Mukhang bata ang nagsulat ng Ate Frankie kapag itinabi sa pangalan niya dahil ang pagkakasulat ko e malinis na cursive.
Their close friends are already downstairs, at siyempre, required akong sumama roon. I don't have any problems with them dahil mababait naman sila sa akin. I just hope that they wouldn't make this awkward for Ryo and me, since alam na nilang break na kami.
Raianne celebrated her birthday with her friends and classmates this morning. Kaninang dinner ay nag-celebrate siya kasama ang family (apparently, I am included) at mga tao nila rito sa bahay. Ngayon lang nagdatingan ang close friends nila ng kuya niya na kaunti lang naman at kilala ko lahat.
"Oy, Ryo!" tawag sa kaniya ni Ate Marie pagkababa namin. Theo let me sit beside him at umalis ang kapatid niyang si Cora sa inuupuan nito para doon pumuwesto si Ryo. Lihim akong napasimangot dahil doon. Hindi niya nga ako tinatabihan sa hapag tapos tatabihan niya ako ngayon?
"Bakit?" he asked. Theo poured him a shot but he declined. Siyempre tumanggi rin ako noong ako ang inalok.
Theo clicked his tongue and just handed me the nachos na tinanggap ko. Inalok niya pa ang inumin sa iba pero walang tumanggap. He shrugged tapos ay siya na lang ang uminom n'on. Isa pa itong singkitin e.
"Magiging tatay ka na nga?"
Muntik na akong mabulunan sa nachos. Si Theo, natigilan sa pagsalin ng alak at napalingon sa akin. Actually, lahat sila, sa aming dalawa na nakatingin. I don't know if nasabi na ni Raianne na dito ako nakatira sa kanila.
Ang alam ko rin ay tingin lang nila e inimbita ako ni Raianne dahil ka-close ko naman talaga sila at hindi dahil nagkabalikan kami ni Ryo (hindi naman talaga). Four years ding naging kami nito kaya hindi talaga maiiwasang ma-attach ako sa kanila kahit paano. Iyon ang naisip kong dahilan kung bakit hindi sila nagulat na makita ako rito kahit break na kami ni Ryo.
"Totoo?" tanong ng pinsan niyang si Sid. Hindi sumasagot si Ryo kaya sa akin niya inilipat ang tingin. Hindi ko naman alam kung puwede ba akong sumagot kaya nanahimik na lang ako.
"Hoy, Ryo! Tinatanong kita!" Hindi makaangal si Ryo nang lumapit si Ate Marie sa kaniya at piningot ang tainga niya dahil siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat.
"Oo! Oo na!" sagot ni Ryo na may kasamang daing dahil sa pagpilipit sa tainga niya. Ate Marie let go of his ear and dramatically gasped. Raianne chuckled a little, scanning everyone's shocked faces. Ako, gusto ko na lang magpalamon sa lupa. I heard Henriette whispering to Theo kung may bagong girlfriend daw si Ryo.
Gabbi, the youngest one here, cleared her throat. "Sino'ng nanay?" Agad siyang sinaway ni Ate Marie. Mahina pa silang nagtalo kung dapat ba iyong pag-usapan dahil narito raw ako. Hindi ko alam kung nag-e-effort ba silang hinaan ang usapan nila dahil dinig na dinig ko naman. Nagpanting yata ang tainga ko nang marinig ko ang pangalan ni Talie na nadawit sa usapan.
Silence filled their garden. Si Raianne lang ang mukhang kalmado. Everyone's eyes are on Ryo and me, waiting for either of us to say something, anything.
"Akin na nga 'yan," sabi ni Ryo, at inagaw ang shot glass kay Theo. Mabilis niya iyong inubos at sinipat silang lahat ng tingin habang nakakunot ang noo. Ang huli niyang tiningnan ay ako. "Si Frankie, of course. Who else could it be?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top