Chapter 02: Cravings

#HHFM Chapter 02:

Cravings

* * *

"Magsalita ka naman."

Parang walang narinig si Cali at panay pa rin ang tingin sa mga gamit sa kuwarto. I sighed and put my laptop in sleep mode bago iyon ilagay sa mesa. Kanina pa siya manghang-mangha sa lahat ng nakikita niya, at kulang na lang ay kunan niya ng picture lahat.

I couldn't blame her, though. The room looked like it was made for royalties. Hinahanda pa nga ang kuwarto pagkarating ko rito sa bahay nina Ryo kaya doon ako sa kuwarto ni Raianne tumambay, which is a lot bigger than this. Ryo brought all of my clothes here at buong gabi ay inayos ko ang mga damit ko sa wall closet. Wala pa nga yata sa one-fourth ang sinakop ng damit ko. I have a few shoes left sa apartment, pero kahit na ilagay ko iyon dito, ang dami pa ring space. Hindi nga ako makapaniwalang may taong mapupuno ang ganito kalaking aparador.

The bathroom has a small tub. Wala iyon masyadong laman bukod sa common necessities na feeling ko nga ay imported pa. Nakalulula talaga. Solo ko rin ang malaking kama.

Finally, napirmi rin si Cali at umupo na sa may dulo ng kama. Ilang saglit pa ay ibinagsak niya ang katawan sa kutson. "Hindi ko gets. Pa'no mo 'to nagawang tanggihan?"

I stood up and put on the slides Ryo brought here this morning. When he saw that I was awake, iniwan niya lang doon sa may pinto at walang sabi-sabing lumabas na. Pabor naman ako roon. Umagang-umaga ba naman kasi, mukha talaga niya ang makikita ko?

"Baka nakalilimutan mong bahay 'to ng ex ko," I reminded her. She snorted loudly.

"Kahit pa, Frankie. Mas okay na nga 'yung dito ka, lalo na't buntis ka pa."

Kinuha ko ang paper bag na dala ni Cali na laman ang mga gamit kong naiwan namin ni Ryo dahil nga atat na atat siyang ilipat ako rito sa bahay nila.

"Nga pala. Pa'no ka? Magre-resign ka ba?"

Napatigil ako. I sighed and put the sticky notes on the drawer. "Ayaw ko. Hindi ko pa alam. Hindi pa naman kami nag-uusap ni Ryo e."

He wasn't here during breakfast. Tita told me that he was out for a morning jog. Hindi na rin ako aware kung anong oras siya bumalik kasi umakyat na ako ulit dito sa kuwarto dahil hindi ako komportableng mag-stay roon sa living room. May TV rin naman dito sa kuwarto na hindi ko pa nga alam kung paano buksan. Buti na lang dumating si Cali at siya ang nagbukas n'on. Nakatatakot naman kasing mangialam ng gamit! Sure akong kapag nasira ko, baka kuba na ako sa pagtatrabaho, hindi ko pa rin nababayaran pabalik.

Kaninang lunch, wala siya ulit. Ang sabi ni Rai, umalis daw sila ni Tito at nagpunta ulit sa gym, so I guess he was really going for his dream. Noong kami pa, ilang beses ko nang narinig sa kaniya na gusto talaga niyang pumasok sa professional team. I had always been supportive. Doon siya masaya e.

Hindi ko pa alam kung paano nga ako magpapaalam kay Tita na may trabaho pa ako. I already have a feeling na . . . well, kokontrahin niya agad ako. Aside sa fact na feeling ko e sobrang praning siya sa ipinagbubuntis ko, I work for the rival company. I landed a job sa kabilang kompanya since I declined Ryo's offer na ipasok akong staffer doon sa magazine na mina-manage ni Tita.

Isa pa, I don't think I'm ready to be part of Lure, an established lifestyle magazine. Hindi ko ma-imagine kung gaano kataas ang standards nila roon dahil kung tama ang pagkakaalala ko, sa 30 countries na nagsi-circulate ang editions nila. Until now, I'm not even certain yet if Ryo's mother owns the whole company! I can't cross out the possibility dahil sa New York din naka-base ang Bright Lights Media, at nasabi sa akin ni Ryo na laging naroon ang pamilya niya dati. It's either his mother owns a part of it, o baka isa lang siya sa mga importanteng tao sa team dito sa Pinas.

Hindi ko talaga alam kung papayag ba sila. It's either I quit my job, or magkaroon kami ng agreement na I can still work pero hindi na lang ako papasok sa office. Sobrang praning ng nanay ni Ryo! Hindi ko naman kayang pumasok sa office nang may sariling driver at may tagabantay pa. For sure, pagtsitsismisan ako sa trabaho.

"E kailan n'yo balak mag-usap?"

Agad na nagusot ang mukha ko roon.

Aba, malay ko. Basta ang alam ko lang, hindi ako mauunang makipag-usap sa kaniya. Saka hindi naman yata kailangan na sa kaniya ako magsabi, puwede namang kina Tito na lang.

"Hindi ko alam. Bahala siya," iyon lang ang naisagot ko. I cleared my throat. "Nga pala, pa'no ka? Gusto mo bang bumalik ako?"

She chuckled. "Hindi na. Saka baka kina Tita muna ako mag-stay nang mag-stay. Okay lang dalhin ko ro'n 'yung ref? Seven months ka ring mawawala. 'Di ko kaya 'yung rent. Nagpapaaral pa ako ng kapatid."

"Wala naman akong paglalagyan ng ref na 'yon dito." I somehow feel bad for leaving Cali. Sabi ko nga sa kaniya kanina, dito na lang din siya tumira dahil baka kaya ko namang pakiusapan sina Tita. Siya naman ang umayaw dahil kahit gaano kaganda ang lugar, nahihiya raw siya.

"Kailan ka magpapa-check up kasama 'yung daddy?" she asked. Napasimangot agad ako dahil naalala ko na naman. Sana lang talaga, huwag magtanong kung mag-asawa kami, o kaya Mrs. Canencia ang itawag sa akin.

"Malay ko ro'n," sagot ko dahil hindi ko talaga alam. Wala akong alam na kahit ano, actually. Para kasing bata si Ryo, ayaw akong kausapin! Kay Rai tuloy ako laging lumalapit kapag may kailangan. E busy rin iyon dahil graduating.

"Saka pa'no 'yan 'pag nanganak ka na? Kanino 'yang bata?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Gusto ko sanang sa akin, pero hindi ko alam kung papayag ba sila. Kapag nanganak na ako, siyempre uuwi ako sa probinsya . . . at masyado iyong malayo rito. Hindi ko naman talaga ipagdadamot ang bata, pero parang ang hirap ng setup namin kung sakali.

"Ayoko munang isipin," I told her. Isa pa iyon sa hindi pa namin napag-uusapan ni Ryo. Lalo talaga kaming magkakaproblema lalo na't hindi kami nag-uusap.

Makita pa lang niya ako, hindi niya itinatagong naiirita na siya. Ako rin naman, pero at least, mature ako at mas pinipiling hindi na lang siya pansinin!

Umuwi rin si Cali dahil maghahakot pa siya sa apartment. She promised to visit me again after cleaning up at dadalhin niya ang mga naiwan kong gamit. Since mag-isa na naman ako, wala akong choice kundi magpalipat-lipat ng channels sa TV at mag-check ng email every five minutes dahil wala talaga akong magawa. Gusto kong bumaba pero wala naman akong gagawin doon. Wala si Rai kaya wala rin akong maaya na samahan ako sa garden nila. Para tuloy akong preso.

Wala akong ginawa kundi matulog at manood ng movies sa TV. Naligo ako pagkagising ko at nagbasa-basa sa Internet kung ano ba'ng bawal sa buntis. Next time talaga na pupunta kami sa OB, makikinig na ako nang mabuti.

Mahina akong napamura nang biglang may kumatok sa pinto. I closed my laptop before getting the door. Sabay na nagusot ang mukha namin ni Ryo after ko siyang pagbuksan. Tumabi ako at bumalik sa puwesto ko at hinayaan siyang makapasok. I didn't know what he needed, pero sana naman ay mag-usap na kami.

My eyes flew to the bowl that he put beside my laptop. Kumuha siya ng piraso roon ng sliced apples at kinagatan bago hilahin ang mas maliit na upuan sa may wall closet. Kahit na nakatatakam ang mansanas na dala niya e pinili kong hindi kumuha. Baka kasi mamaya kapag kumuha ako, ang sabihin niya e bakit ko binawasan e kaniya iyon. Isip-bata pa naman ito.

Itinukod niya ang kaniyang siko sa mesa habang kumakain. He kept on pushing the bowl towards me, pero wala namang vocal na pag-alok kaya hindi ako kumuha. I had to cross my arms para pigilan ang kamay kong kumuha roon.

"Ano'ng ginawa mo kanina?" tanong niya.

"Required ba akong mag-report sa 'yo?" My brow arched. Napasimangot siya roon at nagsalubong ang kilay niya.

"Lagi kang galit e. Nagtatanong lang ako," nagmamaktol niyang sabi at kumuha ulit doon sa mangkok. I saw him subtly pushing the bowl towards me again using his finger.

I sighed. Pumunta ba siya rito para inggitin ako sa kinakain niya?

"I have work tomorrow," I informed him. His head bobbed to the side. His huge left hand grabbed the bowl and put it on top of my laptop. Agad ko siyang sinita at inalis iyon doon. Ginawa niya pang patungan itong laptop ko!

"Kumuha ka na. Kaya ko nga dinala 'yan para kainin mo," masungit niyang sabi. Mabilis siyang umiwas nang ilipat ko ang tingin sa kaniya. Inirapan niya pa ako!

Hinayaan ko na ang sariling kumain. Hindi kami nag-imikan hanggang sa maubos ko ang laman ng mangkok. Tatanungin ko sana kung gusto niya pa pero mukhang wala na siyang balak kumuha dahil naging busy na siya sa phone niya.

Nang mapansing naubos ko na ang mansanas ay saka lang siya nag-angat ng tingin. "Hindi ka ba puwedeng dito na lang sa bahay magtrabaho? Or else would you want Mommy to go crazy and have someone follow you around?"

"Hindi ko pa alam," sagot ko, umiiling. "Magpapaalam pa kasi ako."

He placed his phone on the table, then he cupped his forehead while thinking. Malakas talaga ang feeling ko na pagre-resign-in nila ako. Pero sayang naman ang progress ko for the past few weeks. I applied for the editorial position pero hindi ako napayagan dahil kailangan daw, may experience muna as regular staffer lalo na't fresh grad ako bago nila iakyat ang position. That was why I've been working hard since I got hired.

"Kanino ka magpapaalam?"

"Sa . . . editor namin?" nangangapa kong sagot. I know what he wants to hear, but I don't know if I should say it.

"Sino?" he asked. Obviously, gusto niya talagang marinig ang pangalan.

"Kay Nate," nag-aalangan kong sagot.

His face immediately turned dull. Umiwas siya ng tingin at padabog na dinampot ulit ang phone niya. Nasapo ko na lang ang noo ko. Magtatanong-tanong siya tapos magagalit siya! Parang tanga talaga!

Noon pa man, mainit na talaga ang dugo niya kay Nathaniel. Bukod sa kaniya, si Nate lang ang nagtangkang manligaw sa akin. Hindi naman siya ganoon kaseloso noong kami pa, pero kapag si Nate talaga ang usapan, para siyang nag-iibang tao. Ito na nga ang kusang sumuko dahil alam naman daw nito na hindi magpapatalo si Ryo, pero ito namang isa ay sobrang competitive at habambuhay yata balak dalhin ang kompetisyon sa pagitan nila. Iyon nga lang, break na kami ni Ryo, kaya siguro naman mawawala na ang inis niya sa tao.

"Ipaayos mo na lang kay Cali 'yung resignation mo," seryoso niyang sabi. My eyes widened. Tumayo na siya at dinampot ang mangkok at parang aalis na.

"You're being irrational, Ryo!" I told him before he could even open the door. I heard him sigh. His hand reached for his nape at bahagya niya iyong pinisil-pisil bago ako lingunin.

"Pagre-resign-in ka rin naman ni Mommy, ako lang ang nagsabi sa 'yo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sure ka? Or is it because I'm working with Nate?"

Agad na nagsalubong ang kilay niya. Nagawa niya pang tumawa pero alam ko namang inis na inis na siya. His jaw tightened after. "Wala naman akong pakialam, Frankie. Pakialam ko ro'n?"

"I don't want to quit my job!" I said firmly. Kusang kumuyom ang kamao ko habang nagpipigil ng inis. Pakiramdam ko, mapaaanak ako nang wala oras!

"I know," tugon niya. His lips twisted. "That's your dream job, Frankie. Of course you wouldn't want to quit."

Parehas kaming natahimik. Sa huli ay bumalik siya sa puwesto niya kanina at ipinatong ulit ang mangkok sa mesa. "Kakausapin ko si Mommy, but I really don't think you can convince her na hindi ka rito sa bahay magtatrabaho."

I didn't bother to look at him. Pilit kong kinalma ang sarili dahil kapag naiinis ako, automatic na naluluha ako, at ayaw ko ngang mag-iiiyak sa harapan niya!

"And . . . sorry, pinagti-trip-an lang naman kita e. Mukhang iiyak ka kaagad," mahina niyang sabi. My eyes snapped to his direction upon hearing that. Hindi siya makatingin sa akin at parang inasinan sa puwesto niya dahil nag-sorry siya.

"Ano?" iritable niyang tanong nang mahuli niya akong nakatingin. I rounded my eyes and looked away. Katatapos lang niyang mag-sorry tapos balik na naman ang ugali niya. Nakatingin lang naman ako, naiinis na naman siya.

"Kailan tayo magpapa-check up?" I reminded myself that I needed to ask my questions already dahil baka hindi na maulit itong mag-uusap kami nang ganito. Mukhang ang hirap din niyang hagilapin dahil lagi siyang paalis-alis.

"Sa Sabado, sabi ni Mommy. Umaga," he answered. Tumayo na siya at kinuha na ulit ang mangkok. "Busy nga pala ako. Sa November na ang start ng drafting. Kung may kailangan ka habang wala ako, magsabi ka lang kahit kanino ro'n sa ibaba."

Tumango ako. "Okay," I said and pulled out the drawer to get a sticky note. Sinulat ko roon ang reminder ng checkup nang marinig kong sinarado na niya ang pinto at umalis na.

I shook my head. I'm sure, matagal pa bago kami makapag-uusap ulit nang matino. Itong bata lang talaga ang dahilan para kausapin niya ako nang maayos.

Napaisip tuloy ako. What if hindi ako nabuntis? Hindi na ba talaga kami mag-uusap? Kahit na sigurado na akong iyon ang mangyayari, hindi ko mapigilang isipin. Tatanda na lang ba kami parehas nang hindi nagkaka-closure? Hanggang sa ma-promote ba ako, minumura ko pa rin ang billboard niya?

I sent an email to Nate regarding my problem. I hope Ryo could persuade Tita na hindi ako mag-resign. I know that he kind of hates me, but I also know that he understands that I can't afford to lose this job. Hindi ako puwedeng makampante na kumakain ako rito at libre ang bahay dahil hindi naman ako habambuhay na buntis.

Ilang saglit lang ay may tumawag na sa aking kasambahay dahil magdi-dinner na raw. I changed into a more decent shirt before going downstairs. Naghahain pa lang naman pero nang makita kong parating na si Tita ay nagmadali ako para maunahan siya. Nakahihiya naman kasi kung ako pa ang hihintayin nila.

What made me less awkward during meals is that kasama namin ang mga kasambahay nila. Kung sina Tita lang kasi, feeling ko, hindi ako makalulunok sa sobrang kaba.

"Where's Ryo?" Tita asked and looked around.

Magkatabi silang mag-asawa at katapat ko si Tito. The seat right across Tita was empty, at sa sumunod na upuan ay si Raianne. Siguro ay si Ryo ang uupo rito sa tabi ko. Kaninang umaga ay si Raianne ang nakaupo rito e.

Napakibit ako. Hindi ba puwedeng doon na lang ako sa pinakadulo? Required din bang magkatabi kami e hindi naman kami nagkabalikan? Dala-dala ko lang ang anak namin.

Hindi agad kami kumain pagkatapos makapaghain dahil wala si Ryo at ayaw ni Tita kumain nang wala siya. Medyo mommy's boy rin kasi ang isang iyon.

"He's here, right? Pumunta siya sa room ko kanina," sabi ni Raianne.

May inutusan si Tita para hanapin si Ryo, at ilang saglit lang ay sumulpot na rin siya. He was in different clothes. Kanina ay naka-T-shirt at jersey shorts lang siya, pero ngayon ay nakapantalon at polo na. Mukha rin siyang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya.

"My," malambing niyang sabi at humalik sa pisngi ni Tita. Nang magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang sumimangot. Ako naman ang umirap, inunahan ko na siya.

"Where are you going? Kakain na," sabi ni Tita.

"I'm going out," mahinang sagot ni Ryo. Napalingon ako kay Raianne na agad na lumipat sa tabi ko. She gave me a wide smile and wiggled her brows. Napangiti ako nang bahagya. Magkaedad lang kami pero kapag kasama ko siya, feeling ko, dalawa o tatlong taon ang tanda ko sa kaniya. She's not as grumpy as her brother.

"Gabi na, a? Kumain ka muna," sabi ni Tito.

"I'm going to have dinner somewhere. Bawi ako bukas." Humalik ulit siya sa pisngi ni Tita at mukhang sisibat na, kaso nahawakan siya nito sa galang-galangan. Agad siyang napatigil.

"Where?" malamig na tanong ng mommy niya. Napainom ako ng tubig dahil feeling ko, pagagalitan niya si Ryo. That would be so awkward for him, but that's going to be super entertaining for me.

Ryo glanced at me kaya napataas ang kilay ko. He sighed. "My, may dinner kami ni Talie. Uuwi rin ako mamaya, promise." Palambing nang palambing ang boses niya kaya gusto kong matawa. Takot talaga siya sa nanay niya.

His mother gasped dramatically and let go of his wrist immediately. Nasapo ni Tito ang kaniyang noo at narinig kong pumalatak si Raianne. Napatingin ako sa mga kasambahay na nanonood lang at nagkakatinginan din. Gutom na siguro.

"Bahala ka," sabi ni Tita, at hindi na pinansin si Ryo na panay ang tawag sa kaniya. Sa wakas ay makapagsisimula na kaming kumain.

"Lumayas ka na, Ryo. Baka sa 'kin pa magalit ang mommy mo," narinig kong sabi ni Tito. Ryo groaned but still walked out of the dining room.

Hindi naman ako affected. Hindi rin naman kasi nakagugulat kung si Talie ang bago niya. Maganda naman iyon e. Saka noong una pa lang, aware na si Ryo na may gusto sa kaniya iyon.

After the dinner, umakyat na ako at nagkulong sa kuwarto. Raianne was busy kaya hindi ako makapunta sa kuwarto niya. Wala akong makausap kaya panay lang ang check ko ng emails. Nang wala na akong magawa ay inayos ko na lang ulit ang mga damit ko.

Pitong buwan pa. Paano ako tatagal?

Natalie crossed my mind. Okay lang ba sa kaniya kung may anak si Ryo? I hope. Dahil kung makarinig ako ng kahit isang salita lang sa kaniya na inaaway niya itong anak ko, susungalngalin ko talaga siya.

Saka sa tanong ni Cali kung paano ang setup sa bata kapag nanganak na ako . . . hindi ko pa rin alam. Gagamitin ko na siguro ang mga leave ko at uuwi sa probinsya para naman makilala nina Tatay ang apo nila. Hindi ko alam kung sasama pa sa akin si Ryo.

Pero, for sure, hindi ko kayang alagaan ang bata habang nagtatrabaho. Hindi ko naman puwedeng iwan kay Cali kasi may work din siya at halos parehas ang sched namin. Siguro, puwede kong iwan dito dahil hindi ko rin naman kayang magbayad ng mag-aalaga.

E paano kung mas gusto nina Nanay na doon sa kanila iwan? E di, magkakagulo? Bukod pa roon ay never pang nag-meet ang parents namin. Sobra pa namang mapanghusga si Tatay sa mayayaman, kaya nga grabe ang dinanas ni Ryo noong sinamahan niya akong umuwi.

Kung ano-ano'ng inutos sa kaniya ni Tatay, mostly trabahong mabibigat. Feeling kasi ni Tatay e walang kayang gawin si Ryo dahil nga mayaman. Kaya hayun, ang mga kahoy na ginagamit namin sa furniture shop at hardware e pinabuhat niya mula bahay namin hanggang bayan kahit na may sasakyan naman. Hindi naman iyon kalayuan pero mabigat kaya. Pinaglagari niya si Ryo ng kung ano-ano. Pinaglinis pa nga ng shop. Grabe ang pagod ni Ryo noon kaya hindi na ako umuwi nang kasama siya. Hindi ko rin kinausap si Tatay nang isang buwan dahil doon.

We're not as rich as them, pero never kong narinig kina Tita na pinaghinalaan nila akong pera ang habol ko kay Ryo. Never pa nga akong tinanong ni Tita kung ano'ng pinagkakakitaan ng magulang ko. Sadyang assumero lang si Tatay na akala niya e inaapi ako ng magulang ni Ryo.

Actually, mas in-expect ko ngang magiging hostile ang trato sa akin ng pamilya niya dahil totoo namang wala kaming ibubuga sa yaman nila. Nagpapaupa lang naman kami ng puwesto sa palengke, nagtitinda si Nanay ng gulay, tapos mayroon kaming hardware at furniture shop sa probinsiya. Ang asset lang yata na mayroon kami ay ang lupang minana ng nanay ko—na pinagtalunan pa nilang magkakapatid.

Lalo na kapag naging professional player na si Ryo, mas lalaki ang pera niya. Ulit, walang binatbat ang sinusuweldo ko roon. Nag-search ako kanina at halos malula ako sa laki ng bayad sa kontrata ng rookie. Tapos maganda pa ang reputasyon ni Ryo sa UAAP at D-League kaya for sure na mas mataas pa roon sa mga nabasa ko ang kontratang matatanggap niya.

Hindi ko alam kung umuwi ba si Ryo dahil nakatulog agad ako. Naalimpungatan lang ako nang biglang makaramdam ng gutom.

I left the lights open inside my room bago lumabas at bumaba. Wala masyadong liwanag at flashlight lang sa phone ang ginamit ko. Pagkarating sa kusina ay may dim lights na bukas kaya naman kahit paano ay nakikita ko na nang malinaw ang paligid. Hindi ako nangahas na galawin ang mga switch dahil hindi ko naman alam kung ano'ng binubuksan n'on.

Maingat kong binuksan ang ref nila at punong-puno iyon pero wala akong magustuhang kainin. I searched inside their cupboards at mukhang wala sila ng kahit anong instant. Napahinga na lang ako nang malalim. Makatutulog pa ba ako? Bakit ba kasi ngayon pa sumumpong ang cravings ko? At saka bahay ba ito? Bakit wala silang instant Pancit Canton? Wala nga rin silang instant na kape! Kahit nga Milo, wala! Kung nasa apartment ako, wala itong dilemma kong ito dahil marami kami n'on.

"What are you doing?"

Impit akong napatili nang may nagsalita. I turned and glared at Ryo na hindi ko alam kung kanina pa ba sa puwesto niya o kararating lang. Napapikit ako nang buksan niya ang ilaw. Ang hilig niyang manggulat!

Hindi ako sumagot. I kept on looking around their kitchen, searching for an alternative food to satisfy my cravings. Sinulyapan ko siyang kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"Nagugutom ka ba?" tanong niya, at inilapag ang baso niya sa sink.

"Oo," mahina kong sagot.

"Maraming pagkain sa ref. Ano ba'ng gusto mo? May cake diyan—"

"Gusto ko ng Pancit Canton saka 3-in-1 na kape," I said and looked at him. Maaawa naman siguro siya sa akin, or sa bata, 'di ba? Tanda ko, sabi sa akin ni Nanay noon na masamang hindi nakukuha ng buntis ang gusto.

His jaw dropped. Natawa siya nang bahagya. "Wala kami n'on dito, Frankie."

Lumabi ako. Nagsalubong agad ang kilay niya. My hand traveled to my tummy and he sighed.

"Umupo ka ro'n," he said, jerking his thumb towards the kitchen stool. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin niya pero sumunod na lang ako.

Napanganga ako nang bigla na lang siyang umalis. Nang-aasar ba siya?!

I stood up and snooped around the kitchen again. Parang gago lang. Akala ko pa naman ay kung ano'ng gagawin niya! Ano iyon, pinaupo niya lang ako tapos iiwan?

"I told you to sit and wait."

Napalingon ako nang marinig muli ang boses niya. Babarahin ko pa lang siya na sabi lang niya ay sit, at wala namang wait, pero naagaw ang atensiyon ko ng hawak niya. Nagningning yata ang mga mata ko nang makita ang isang pakete ng sweet and spicy na Pancit Canton at isang sachet ng Milo.

"Sa'n 'yan galing?" I asked.

"Sa driver namin. Papalitan mo 'to, ha?" sabi niya, at kumuha ng plato.

Tinaasan niya ako ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin. "Sabi ko, umupo ka na, 'di ba? Bingi ka ba, ha?"

Gusto ko siyang patulan pero may dala siyang pagkain kaya sumunod na lang ako nang walang imik. Lihim ko siyang pinanood habang kumukuha ng tubig. I smiled bitterly. I taught him how to cook Pancit Canton. Hindi siya marunong magluto ng Pancit Canton dati kahit na pinakukuluan lang naman iyon.

Nang matapos ay inilapag niya ang plato sa tapat ko. He teared the Milo sachet using his teeth bago iyon inilagay sa mug at kumuha pa siya ng gatas para idagdag doon. Nilagyan niya iyon ng tubig at hinalo bago ilagay sa tabi ng plato.

"'Wag ka nang magkape. Bawal 'yon sa buntis," aniya. I nodded. "Pagkatapos mong kumain, iwan mo na riyan sa lababo at matulog ka na. 'Wag kang puyat nang puyat." Tumango lang akong muli. I grabbed the fork but I couldn't eat since he was watching. Nahuli ko siyang humikab.

"You can go," I told him. His lips twisted.

"Aalis naman na talaga ako. Malaki ka na e. Tingin mo ba, babantayan pa kita? Ano ka, special?" aniya, at tumalikod na. My brows furrowed. Ang dami niyang sinabi!

I sighed when he finally left the room, but I felt quite sad. He used to cook for me and Cali tuwing late akong magigising. I never imagined that he would make me something again after we broke up.

"Psh." I rolled my eyes and shoved the food inside my mouth. What was that? Pregnancy did mess with my hormones.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top