Walang Mapapala

Walang Mapapala

Habang naghuhugas ng mga pinagkainan, dinig na dinig ni Caroline ang kwentuhan nina Aling Salva (kapitbahay) at ng kaniyang nanay mula sa sala.

"Ang gagaling ng mga anak ko, 'no? Eh ikaw, kumusta naman 'yang iyo?" mapagmalaking tanong ni Aling Salva.

"Si Edaine, dean's lister at scholar lang naman sa UST. At 'yong bunso kong si Eser? Kapapanalo lang sa beauty contest diyan sa barangay!" excited na kwento ng kaniyang nanay.

'Di niya maiwasang mapangiti dahil kahit siya, proud na proud din sa mga kapatid.

"Eh si Caroline?" mahinang tanong ni Aling Salva, bakas sa boses ang pagiging tsismosa.

Kusang kumalabog ang puso niya kasabay ng paglaho ng ngiti sa mga labi't pagtigil sa ginagawa. "Nako, mars! 'Wag mo ng itanong. 'Di ko nga alam kung may patutunguhan ang buhay n'on. Parang wala naman kaming mapapala r'yan. Mukhang mag-aasawa lang kalaunan." Kahit naluluha, pinagpatuloy lang ni Caroline ang paghuhugas. Normal na 'yan.

Pagdating ng araw ng enrollment, napabalikwas si Caroline mula sa pagkakahiga sa sofa dahil sa ingay na nanggagaling sa kwarto— kung saan magkasama sina Edaine at Eser. Ang aga-aga, nagtatalo ang dalawa kasama na rin ang nanay nila. "Walang hiya ka, Eser! Ba't mo ginasta sa inuman ang pang-enroll ng ate mo? Kesyo birthday mo, magpapa-party ka?!"

Kahit pupungas-pungas, tumungosi Caroline sa cabinet niya sa likod ng TV. Kinuha niya ang susi sa taguan sakabinuksan ang kaha. Pagkakuha ng wallet, dumiretso siya sa kwarto sabay sambit,"Gamitin mo muna 'tong ipon ko..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top