Chapter 7
Chapter 7
Sunod sunod ang lunok ko at hindi makaangat ng tingin sa harap ko. Nanginginig ang aking buong katawan marahil sa gulat dahil sa nalaman ko.
Hindi ako makapaniwala na hindi ko napansin agad iyon!
I bit my lower lip and drink the water nervously.
Kahit naka yuko ay ramdam ko ang mabibigat na titig sa akin ni Aeson (or i must say Darius) na tumatagos sa likod ko. Kung ganon ay matagal niya na pala akong kilala at simula iyon nung nakita nya ako sa rock formations malapit sa kanila! I can't believe it.
Tumikhim si Mommy. "Don't be so rude, Gabriela, introduce yourself to Darius.."
Halos mag dugo na ang ibaba kong labi kakakagat. Nanatili akong nakayuko at nag kunwaring hindi narinig si Mommy. Hindi ko maharap ang mukha ko kahihiyan! I can't face him! Not now!
"Gabriela!" Mommy called.
Unti unti kong inangat ang ulo ko at iniwas ang tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim at pinilit na umipon ng lakas para ngumiti sa kanya. Inilatag ko ang kamay ko sa kanya pero kunot nuo lang siyang nakatingin dito. He was amused by my action.
"H-hi! I'm Gabriela! N-nice to meet you.. uh D-darius?" Kabado kong sambit.
Matagal niyang tinignan ang kamay kong nakalatag duon. Halos mangawit na ako dahil sa pag aakalang tatanggapin niya iyon pero he ignored it and instead, he drink a water.
"I know her." He coldly said.
Pumikit ako ng mariin at ibinaba ang kamay ko. No, please! Don't tell my parents!
"Oh right. He's the one who told me that Gabriela's already here. I didn't know that Darius know her besides, hindi pa naman sila nag memeet kahit nuon pa diba?" Ani ni Tita Rina.
Ngumiti si Mommy. "How did you know my daughter then?"
"She introduce herself to me." Simpleng sambit nya.
Halos maduwal ko ang pagkain ko ngayon. Bakit niya sinabi iyon!? Wala na ba siyang ikakalala dyan! Oh I'm dead. Nanginginig akong tinignan siya at pinandilatan pero ngumisi lang siya sa akin. I bit my lip because of the tension! I hate that old jerk!
"Oh.." ngumisi si Mommy. "When? Nagkita ba kayo ng anak ko. Hindi ka siguro nya namukaan."
"Y-yes, Mom! Tinulungan nya lang nuong kamuntikan na akong mahulog sa mga rock formations. I-I thanked him and introduce myself but i did not know it was him. Uh."
He pursed his lips and looked at my with amused eyes. Siguro'y mulang mula na ako ngayon. Kabutihan nalang ng pinunto ni Tita Rina ang usapan sa business at naiwan ang pag kakakilala namin ni Aeson or whatever i should call him. Hindi parin ako makatingin sa kanya at 'di ko kayang suklian ang matatalim niyang tingin sa akin. He's watching me both his eyes with too much danger in it.
Tumayo ako sa hapag. "Excuse me.."
Mabilis akong nag lakad papalayo sa kanila at dumeretso sa garden. Duon lang ako nakahinga ng malalim. Umupo ako sa bench at tumingin sa madilim na ulap na walang kahit anong magpapaliwanag dito. There's no stars, sign na baka umulan mamaya.
I heard some footsteps walking closely to me. Huli na ng matanto ko kung sino 'yon.
Agad akong lumayo sa kinauupuan nung umupo siya at halos masakop ang bench.
"W-what are you doing here!?" I asked with so much alarmed in my voice.
"Obviously." He lazily said.
"Talagang may lakas ng loob karin palang pumunta dito? You lied to me! You're a jerk! If i we're you, kung alam mo nang ako rin pala ang makakasama mo sa dinner ay di ako nag pakita!"
"Yeah? You think so?"
Niyukom ko ang kamao ko. "You said your name is Aeson and you're a fisherman slash driver and gardener but it turns out a lies!"
Pumikit siya at humilig sa bench habang nakapikit. "Yeah... My name is Aeson."
"You're Darius!"
"Darius Aeson Casciano. That's my name." He said with a soft tone.
'Di na ako nakapag salita dahil duon. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at tila ayaw nung manahimik. Naalala ko pa ang sinabi ko nung huli kaming nagkita! Wala akong maihaharap sa kanyang mukha!
I was to desperate for his attention! Nakakahiya iyon! Lalo na't he's not just a simple person! He's a son of multi billionaire couple! He's born to inherit their La Casciano Inc.
I literally had a goosebumps while thinking that. I was shameless that day. Napaka ingrata mo, Gabriela! Wala ka ng naipong dignidad sa iyong katawan!
"I-I don't care! Sinungaling ka parin!" Nangagalaiti kong sambit.
Ngumisi siya at dumilat. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nuong nagtama ang tingin namin kaya agad kong iniwas iyon.
"So you think I'm a fisherman, a gardener and a driver eh?" He laughed mockingly.
Nag init ang pisngi ko dahil duon. "Because you look like one!"
"Immature doll."
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Tumayo siya at tumingala na parang dinadama ang hangin sa Hardin. Pagkatapos nun ay pumasok agad siya sa bahay at pinanuod kolang siya.
I gritted my teeth while watching him.
I like him but it doesn't mean he can say this things to me! Arrogant jerk!
Ilang oras din ay natapos na ang dinner at wala na duon si Darius. Ang sabi ay nauna ng umuwi sa maynila at may aasikasuhin. Nakaramdam ako ng dismaya dahil duon. Dapat pala ay nagpaalam muna ako. Babalik kaya siya?
Marami silang napag usapan habang wala ako sa hapag. Tita Rina kissed me in my cheeks for goodbye while Tito Damian just tapped my shoulders. Ganun din kayla Mommy at Daddy.
"Take care, Hija." Said Tita Rina.
I smiled at her at pinanuod silang pumasok sa kotse. Matapos nilang makalayo ay huminga ako ng malalim at pumasok sa Mansyon. Nakaabang sa akin si Mommy na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
Madali niya akong niyakap kaya agad na kumunot ang nuo ko at nang bumitaw siya ay nakangiti parin.
"Continue what you're doing, Gabriela, and i will promise you the life you want."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top