Chapter 2

Chapter 2

"Saan ka pumunta at hindi ka mahagilap ng mga guwardya?"

Nagiwas ako ng tingin.

"I didn't notice that i was getting to far from here. Na amaze kasi ako sa mga rock formations sa kabilang banda ng Isla."

Nanliliit na mata niya akong tinignan. "Hindi ka dapat tumutungo duon. Pribadong pag mamayari iyon ng mga Casciano."

"But i saw someone there and i think hindi naman private property iyon.."

Casciano the most influential family here in Isla. They have the richest name here. I mean yes, we're rich but not as they're. Wala pa ata sa kalahati ang kayamanan namin sa kanila.

Nakita ko na minsan ang matatandang Casciano dati. Medyo mapangmataas ang tingin nila. Pride and elegant, ayun agad ang maiisip mo pag nakita sila. Apelyedo palang ay wala ka nang maiisip na dahilan para umayaw dito.

Minsan na akong nakapunta sa iilang events nila. Una nuong kaawaran ni Señora Lucia Pribadong mga tao ang Casciano pero tuso at mautak sila sa business ganun din ang mga susunod na henerasyon pa dito.

Napahinga ako ng malalim at binalik muli ang tingin kay Manang Rosa.

"Imposible iyon dahil matagal nang di umuuwi sila señor duon. Iwasan mo ang pag punta sa bahaging iyon. naiintindihan moba, Gabriela?"

"Pero-"

"Wag kang maging pabigat sa magulang mo."

Napako ako sa kinakatayuan matapos niya iyong masabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa huling salitang sinabi niya. Pero ano ba nga bang ieexpect ko? Akala ng mga tao ay wala akong kwenta sa bahay.

My life is full of shit and sanay na'ko don.

Humilata ako sa kama at padabog na kinuha ang phone ko na kanina kopa hindi nagagamit. Maraming notifications ang bumungad sa akin.

I immediately open Beau's inbox when i saw her message to me.

Beaurica: Nasaan ka? Clyde just announced na sila na ni Ericka sa buong campus! Grabe! Reply asap.

Nag tipa ako ng reply kay Beau.

Me: I'm in Isla Casceres right now. Don't spread the information. Uuwi ako dyan. I'll contact you pag may free time.

Napapikit ako ng mariin at pinilit paring mag reply dito. Medyo bumigat ang aking paghinga sa nabasa. Nakaka dismaya na nagawa ito sa akin no Clyde.

I trusted him. I loved him and he betrayed me.

Binaba ko ang cellphone ko at napasulyap sa veranda. Nakikita kona ang pag iiba ng ulap and it's a sign na mag gagabi na. Wala akong ganang kumain.

Gusto kolang mapagisa muna.

Kinabukasan ay mag tatanghalian na ako nagising. Bumaba agad ako para mag almusal at medyo napatigil pa ang iilang kasambahay duon at bumati sa akin pero di ko sila tinapunan ng kahit anong tingin.

"Tinanghali na kayong gumising, Ma'am ha!"

Sulpot ng isang babae sa aking gilid. Siya rin ang tumulong sa akin kahapon. Inilapag niya ang isang soup sa aking harapan. Ganun din ang ginawa ng iilang kasambahay na pinaghahandaan ako.

"Napagod lang ako."

Mabilis siyang tumango at aalis na sana.

"T-teka lang..." Pag pigil ko.

Mabilis siyang humarap sa akin na medyo ngiting ngiti. Medyo ngumiti rin ako sa kanya kahit nahihiya. Wala akong makakausap sa mansyon bukod sa kanya.
Naalala ko yung lalaking nakita ko kahapon. Mukhang taga rito siya kaya gusto ko siyang ipagtanong.

"Ano po iyon, Ma'am?" Masiglang sambit niya.

"What's your name?"

"Ysay po!"

"Ate Ysay.." pag uulit ko. "Matagal ka na ba dito?"

Tumango siya. "Naku Ma'am! sa Naynten Yers ko na dito aba! Baka bumilib kayo sa akin sa pag kakabisado ng Isla!"

"Talaga?" Lumapit ako ng kaonti sa kanya.
"Kung ganon... May kilala kabang nakatira malapit sa lupa ng mga Casciano?"

Kumunot ang nuo niya at dahan dahang umiling. May ibingay sa kanyang plato ang isang kasambay na napa sulyap sa akin pero agad ring iniwas. Iniayos ni Ate Ysay ang plato at ngumiti sa akin.

"Matagal na pong di nakakauwi ang señor at señora pero balita ko ang anak nila ay nakauwi na."

Napaawang ang bibig ko at marahang tumango.

"Tsaka imposible yan Ma'am! Walang nag tatangkang pumasok sa praybeyt praperti nila!"

"Lalake ba o babae yung anak?" Hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi.

Unti unting sumilay ang ngisi ni Ate Ysay.

"Bakit ma'am? Interesado kayo?" Taas baba pa ang kanyang kilay.

Napaiwas ako ng tingin duon at ininom ang tubig sa aking harapan.

"Ma'am kasi-"

"Ysay! Bumalik ka sa trabaho mo at hindi ka nandito para makipag tsismisan!"

Halos mapatalon si Ate Ysay nang marinig ang sigaw. Tumingin ako kay Manang Rosa na kunot nuong nakatingin sa babae. Nabalisa pa dito si Ysay at mabilis na umalis sa aking tabi.

Nagiwas din ako ng tingin kay Manang Rosa at binilisan ang pagkain.

Matapos nun ay nagpalit kaagad ako ng damit. Isang Cadencia crepe floral maxi dress ang napili ko. I brush my long bouncy hair at pinusod iyon. Dinampot kong muli Ang DLSR ko at mabilis na umalis. Buti nalang ay natakasan ko ang iilang Gwardya at si Manang Rosa.

Sinuyod kong muli ang daanan papunta sa rock formations. Medyo mainit kaya panay punas ako ng pawis sa aking leeg. I know i looked haggard right now.

Nang makita ko ang kubo malapit ay natitiyak kong mapalapit na ako duon.

I bit my lower lip. Sana gumana ito.

Kinakabahan kong tinignan ang mga bato. Muntik na ako maaksidente dito dahil medyo madulas nun ang suot kong sapatos.

Hinubad ko muna ang aking tsinelas bago inakyat ang rock formations at sa kabilang banda ay binaba iyon.

"Buti naman.." masaya kong sambit.

Napasulyap ako sa buong paligid at namangha. Nakita ko ang malaking mansyon sa aking harapan mas malaki at maganda ito sa amin. May tao kaya sa mansyon ng mga Casciano?

Nang tumingin ako sa bandang dagat ay medyo napahinto ako.

A Familliar shape of that body. Tumaas siya sa tubig at mabasa basa pa ang kanyang katawan dahil dito. Pumapatak ang bawat butil ng tubig sa kanyang buhok papunta sa kanyang baba.

His broad shoulders are almost flexing everytime na gumagalaw siya. Mabagal ang pagalaw niya sa tubig.

Halos di ako makagalaw sa mga oras na iyon dahil sa aking paghanga.

My heart almost jumped when his eyes drifted to me. With his brows furrowed he looks at me pero sinubukan ko parin siyang kawayan at ngitian.

He didn't look friendly at mabilis na umakyat sa buhangin.

"Hi! Taga rito kaba?" Mabilis akong lumapit sa kanya.

Patuloy parin siya sa paglalakad. Medyo awkward akong ngumiti at sinundan siya. Ang tangkad niya pala na hanggang balikat niya lang ako.

"Gusto ko palang mag thank you kahapon! You saved my life! Kung wala ko ruon ay baka napano na ako!"

"Yeah. Welcome." He said lazily.

Napaawang ang labi ko. Nasundan ko pala siya hanggang sa mansyon. Siguro ay Gwardya siya dito o hardinero?

"Anong pangalan mo? Taga dito kaba? Ano? Driver? Gardener? Guard?"

Sumulyap siya sa akin gamit ang walang pasensya niyang mata. Napaatras ako dahil duon at napayuko. Nagpatuloy siya sa pag lalakad kaya mabilis kong binuksan ang DLSR ko at pinicturan siya.

I smiled. "Bye! Thank you ulet!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top