Chapter 1
Chapter 1
"We're here."
Tinanggal ko ang aking sunglasses at mabilisang lumabas ng kotse. Napaawang ang aking labi habang sinisipat ang tanawin na nasa harap ko ngayon. Kulay bughaw at berde lamang ang nakikita ko ngayon.
Sinulyapan ko si Alejandro pero nakita kong nakikipag usap siya sa isang matandang babae na minsa'y minsa'y napapasulyap din sa akin.
Umismid ako at lumapit sa kanila. Ngumiti ako pero nanatiling namamantyag parin sa akin ang matandang babae.
Tumingin sa akin si Alejandro.
"This is my niece Gabriela, Manang."
"Kayo po muna ang tumingin tingin sa kanya habang nasa Manila ako."
Kumunot ang aking nuo at humarap kay Alejandro. "What? You're leaving?"
He nodded. "I'll be back after a week. May aasikasuhin lang ako sa kumpanya. Manang Rosa will take care of you for a while."
"Matanda na ako." Walang pasensya kong sabi.
"Yeah kaya aalis na ako." Nagsimula na siyang maglakad.
"Agad?" Sinundan ko siya ng tingin. "B-but I don't have any money.."
Itinaas niya ang kaniyang kamay at pumasok sa kotse. Sinimulan na niyang paandarin ang kotse at tanging pagsunod pang nang tingin ang nagawa ko.
Lumabi ako. Ano bang klaseng parusa ito? Seryoso ba sila dito? Wala akong pera? This is crazy!
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?"
Napalingon ako bigla kay Manang Rosa na medyo mataray pang sinuri ang aking suot at tumalikod. Napaawang ang aking labi at tinignan ang tatlong bagahe ko sa gilid ng kalsada. Tumingin tingin ako sa aking palagid pero walang taong tutulong sa akin.
Ibig sabihin ay ako ang magdadala nyan?
Mariin akong napapikit at pinuntahan ang aking maleta bago pa man ako mawalan ng pasensya.
Hindi ko alam na sobrang bigat pala ng mga dala ko at ang haba ng lalakarin namin? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao rito. Napairap ako at huminga ng malalim habang naglalakad.
Antagal ko na simula nung makapunta sa Isla. I think mga nasa nine years old lang ako nuon pero mukhang wala namang pinagbago bukod sa naging patag ang daanan. Bumibista lang kami dito nung buhay pa sila Mama at Papa which is my Grandfather and Grandmother.
"Naku! Ma'am ako na po diyan!"
May biglang babae ang lumapit sa akin at kinuha ang maletang mga hawak ko. Ngumiti siya sa akin. Hindi siya nalalayo sa aking edad pero alam kong mas matanda siya ng ilang taon sa akin.
Ibinaba ko ang aking shades at taas nuong pumasok sa mansyon.
Napahinto ako nang makitang nakahilera ang mga tauhan duon. Pinangungunahan iyon ni Manang Rosa medyo di ako pamilyar sa kanila. I wonder why... is it because it's been a while since i visit Isla Casceres?
"This is Gabriela Velazquez. Anak siya ni Señor Gabriel at Señora Helena. Simula sa araw na ito'y dito na siya titira kaya siguraduhin ninyong maayos ang mansyon lagi at ayusin ang seguridad."
"Opo." Sabay sabay na sabi nila.
Tumango si Manang Rosa at nagsimula silang umalis sa pagkaka hilera at pumunta sa kanila kabilang trabaho. Medyo nakita ko pa ang pag sulyap sa akin ng iilang maid pero tinaasan kolang sila ng kilay.
Sino ba sila para sulyapan ako. This is why i hate provinces and islands. People here are so..
Umakyat na ako sa aking kwarto at wala talagang pinagbago dito. Pinkish and girlish as ever. Humilata ako sa kama at sinuri ang buong kwarto.
Ngayong nandito na ako. Ano kayang iisipin nila? Anong nangyayari sa Manila?
Sisimulan ko na ang bagong buhay ko sa Isla but I'm sure mamimiss ko ang pagiging party girl sa Manila. Clubs and Parties are my life pero magbabago na iyon dahil nasa tahimik na akong pamumuhay.
Pinag pasyahan kong maligo na muna at magpalit ng damit. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao sa damit ko. Ano bang alam nila dito? This is fashion.
Pinili kong magsuot ng spaghetti strap and short shorts. Mas kumportable ito bago ako lumabas at mag tour sa isla. Sigurado akong nakakabagot kung wala akong gagawin. Kinuha ko ang DLSR sa maleta at agad na inopen iyon.
Tumambad sa akin ang mga kasambahay na busy parin sa pag aayos. Habang si Manang Rosa ay minamantyagan ang bawat isa at tahimik akong bumaba.
"Saan ka pupunta?" Ani niya.
"Mag lilibot libot lang po ako sa Isla. Wala akong nagawa sa kwarto kaya aalis muna ako."
Tumaas ang kilay ng matanda sa akin. "Bilisan mo at mag hahapunan na."
Dahan dahan akong tumango at tinalikuran siya. Nakakatakot talaga siya dahil parang iba ang aura niya sa akin.
Ngumuso ako at bumababa sa buhanginan. Tanging alon lang ang naririnig ko sa malawak na kapaligiran. Kumunot ang nuo ko at medyo natuwa sa rock formations na nakita ko sa malayong banda. Sumulyap muli ako sa mansyon at mabilis na pumunta sa bandang iyon.
Mabilis lang ako.
Hinihipan ng hangin ang aking maalong buhok. Presko at masaya pala rito. I can fee the freedom in this island. Malayo sa lahat.
kinuhanan ko ng letrato ang isang bahay kubo sa malapit. Nakita Kong medyo malapit na ako sa rock formations.
Ilang sandali pa ay tingin koy nasa kabilang banda na ako ng isla dahil sa ibang itsura ng buhangin na mas maputi kesa sa white sand sa tapat namin. Walang tao at tahimik.
Umakyat ako sa bato at medyo matarik yon kaya iningatan ko ang aking sarili. Medyo matutulis pa iyon pero worth it pag nakapunta na ako sa tuktok.
"Ang ganda!" Namangha ako sa ganda ng tuktok nito.
Pumikit ako dinama ang hangin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako baka encounter ng ganitong kagandang scenery.
Kita ang kabilang isla pag nandito ako sa tuktok ng mga bato. Iilang click pa ang ginawa ko bago tuluyang nagsawa at nagpasyang bumaba na sa mga bato.
Napahinto ako at napatingin sa baba. "Nakakalula pala."
Napanguso ako at dahan dahang bumaba rito. Bawat hakbang ko ay medyo kabado ako. Hahakbang na sana muli ako ng hindi ko naramdaman ang batong aapakan ko kaya napadulas ako rito.
"Ah!"
Hinihintay ko na bumagsak ako sa lupa pero wala akong naramdaman. Binuksan ko ang aking mata at tumambad sa akin ang rebulto ng isang lalake.
Ilang sandali ko siyang tinignan hanggang sa ilapag niya ako.
Napaawang ang labi ko. He's tall, masculine, dark and handsome. Hindi ko alam na may ganito palang tao sa Isla.
He looks like a god. A Greek God.
His jaw moved while looking at me. "You should be careful next time."
He said using baritone voice.
Napaawang ang labi ko at pinanuod siyang lumayo sa akin. Agad akong napatayo pero humapdi ang aking tuhod. Mabilis ang bawat pag hakbang niya kaya di ko siya naabutan.
Napahawak ako sa aking dibdib at muling napatingin sa kanya pero wala na ito.
So what did just happened?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top