Episode 1 - Forced Proximity

FIVE MONTHS PRIOR TO THEIR BREAKUP. TEN MINUTES BEFORE ZULEYKA AND BRYONI’S FIRST MEETING

“Graduating na us, bru. ’Buti tumatanggap pa school natin ng transferee. Bakit, na-bully ka ba before sa dati mong school? Pa’katapos, na-discover nilang isa ka palang badass gangster? Pa’katapos, lumaban ka kaya ikaw itong na-expel?” sunod-sunod na tanong ni Chichay habang bumababa kami ng hagdan.

A soft chuckle tumbled from my mouth. I almost blurted out, Shuta ka! Pero ’buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Baka mag-iba ang impression niya sa ’kin. Imbes na sabihin ’yon, binigyan ko na lang siya ng maingat pero nakatatawang sagot: “Kawa-Wattpad mo ’yan.”

Ngayon ko pa lang siya nakilala, pero parang ilang taon na kaming magkaibigan. Gusto pa niyang Bru ang tawagan namin—short for “Bruha” raw. May klase kami, kaso, half day lang kasi Foundation Day. ’Tapos ngayon, niyaya ako nitong si Chichay na mag-booth hopping. Aniya pa, “Ga-graduate na tayo, bru, kaya dapat enjoy-in natin ang high school life. Kuha?”

Dinala kami ng aming mga paa sa quadrangle, na kung saan makikitang nagkalat ang iba’t ibang food stalls at booths sa paligid. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang makukulay na banderitas sa bandang itaas, at samahan pa ng makabasag-eardrums na tugtog na hinaluan ng tawanan ng mga mag-aaral sa di-kalayuan.

Akma kaming lalapit sa photo booth nang bigla na lang may dumakip sa ’kin—tatlong estudyante. Hinuli nila ang dalawa kong kamay, ’tsaka nila nilagyan ng posas ang aking palapulsuhan. Labag na ba sa batas ang pagiging maganda ngayon? Charot!

Pilit nila akong hinatak kaya nagpumiglas ako. “Let go of me!” I shouted.

“’Oy,” ang naibulalas ni Chichay habang nakasunod siya sa ’min, “ano’ng gagawin n’yo sa kanya? Bitiwan n’yo nga siya!”

Dinala nila ako sa gawa-gawa nilang selda rito sa booth nila. Mayro’n nang isang babaeng nakakulong, pero hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. Kumapit ako sa rehas ’tapos paulit-ulit na nagsisigaw ng, “Pakawalan n’yo ’ko rito!”

Nakita kong nilapitan ng dalawang estudyante si Chichay. Ilang minuto silang nag-uusap. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagtango ng kaklase ko. Kumunot ang aking noo. ’Tapos, napansin kong may inabot ang mga ’yon sa kanya. Yawa? Ano ’yon? Nasuhulan ang bruha!

Pinihit ko ang aking ulo sa direksyon ng isang inmate na tahimik lang habang nakasandig sa pader. Maganda siya. Nakapusod ang kulay-tsokolate niyang buhok. Gaya ng lahat, naka-uniform din siya—kasi may klase kami kaninang umaga—pero pinaibabawan niya iyon ng rainbow-colored flannel jacket. “Hey, friends mo ’yong mga ’yon, ’di ba?”

Walang kaemo-emosyon niyang sinipat ang direksyong inginuso ko, at saka siya tumugon, “Yes. Why?”

“Anong ‘why’? Alam mo . . .” Dumapo ang mga mata ko sa ID card niya. Bryoni Marie C. Pertierra ang nakalagay. “. . . Marie, kailangan mong pagsabihan ang friends mo na itigil na kahibangang ’to. Kapapasok ko lang sa school na ’to, ’tapos ganito na agad ang ipinararanas sa ’kin ng universe. Jusko. ’Di ba nga, ’yong mga kinasal kuno sa wedding booth, paglaki nila, nagkatuluyan talaga sila? So, that means mabibilanggo tayo in the future! Stomoyorn?”

She shook her head rhythmically before saying, “Chill ka lang, all right? That’s not true. ’Di mangyayari ’yan. By the way, please don’t call me ‘Marie.’ Bryoni or Bry na lang.”

Grabe, ang chill lang niya sa puwesto niya. ’Di man lang siya nag-react sa ginawa sa kanya n’ong friends niya. Parang hindi man lang nagambala ang oras niya dahil dito. Parang hindi siya interesado sa happenings sa mundo.

Tuloy, sumagi sa isip ko, Ito na ba ’yong OA meets Binibining Kalma? Huuuy!

Hindi nagtagal ay may lumapit sa ’ming isang estudyante. Dinako ko ang tingin ko sa nakadikit na papel sa may dibdib niya at may nakasulat na “Police.”

“Wow,” sarcastic kong reaksyon, “ang effort, ha. Super na-appreciate ko.”

Awkward siyang ngumiti. Pagkatapos, tumikhim siya bago magsalita, “Hindi kayo basta-basta makalalabas dito. Hindi ito ordinaryong jail booth, okay? So, ito na ang mechanics: Una, kailangan n’yong mag-usap at kilalanin ang isa’t isa. Kahit anong topics—puwedeng saan galing ang mga pangalan n’yo, favorite colors, playlist na parati n’yong pinakikinggan, at marami pang iba. It’s up to you.

“At pangalawa, after forty minutes, babalikan ko kayong dalawa. Para i-test kung talagang kilala n’yo na ang isa’t isa, magbabato ako ng dalawang tanong, at kailangang tugma ang sagot ninyo para tuluyan na kayong makalaya nang walang nilalabas na pera. Klaro?

“Kapag mali naman kayo, sa kahit isang sagot lang, wala na kayong magagawa kun’di manatili muna riyan sa loob at maghintay ng taong kakilala n’yo na maaaring magpiyansa sa inyo.”

Gusto ko sanang magreklamo, O, ’tapos? Ikauunlad ba ng ating bansa itong trip n’yo? Kaso, nabawasan ng 25% ang energy ko kasisigaw kanina pa kaya madali akong sumuko at inilibing ko na lang ’yon sa ’king lalamunan.

Pagkatapos n’on, tinalikuran na niya kami at saka siya naupo sa labas ng tent habang ginagawang pamaymay ang isang kamay.

Hays, ang ganda talaga ng first day ko rito sa bago kong school. ’Di ko makalilimutan ang araw na ’to. Bumuntonghininga ako bago humarap sa kakosa ko. “Marie—este, Bryoni,” umpisa ko sabay upo para pantay na kami, “what if sirain na lang natin ’tong jail booth nila?”

Marahan siyang natawa sabay alis n’ong earphones mula sa tainga niya. Kusa namang uminat ang labi ko.

“Ako nga pala si Zuleyka Asuzano,” pagpapakilala ko, ’tsaka ko inabot ang aking kamay.

Nakipag-shake hands siya sa ’kin bago siya sumagot, “Well”—nagkibit-balikat siya—“you already learned my name. Nice to meet you.”

Habang nagkadikit ang kamay namin, parang may koryenteng dumaloy sa katawan ko na ewan. O ipinanganak lang talaga akong OA?

“So, Bryoni, magkuwento ka tungkol sa sarili mo. Sorry kung feeling close ako, ha. Ayon kasi sa mechanics, need nating kilalanin ang isa’t isa.”

She nodded her head. “I’m a badminton player. ’Di ako solo player. I have a partner. ’Di naman sa pagmamayabang, pero marami ang nakakakilala sa ’kin sa school na ’to. And”—she smiled—“I’m a lesbian.”

Nginitian ko siya. Ang tumatakbo sa isip ko, ’Pag mali ang sagot natin later, for sure, marami ang magpipiyansa sa ’yo, pero iba ang sinabi ko sa kanya: “Famous ka pala, ha. Unta, tanan.” (Sana, lahat.)

“Ikaw,” she said, “why did you transfer here?”

Naalala ko bigla ang sinabi ni Chichay kanina. “Actually, na-bully kasi ako sa dati kong school. Ang hindi nila alam, isa akong badass gangster. No’ng lumaban na ’ko, ako ang napatalsik sa eskuwelahan.” Nagpipigil ako ng tawa habang sinasabi ko ’yon.

“Seryoso?” si Bryoni, halos ’di na ma-drawing ang mukha.

Tuluyan akong nagpakawala ng halakhak. “’Di, joke lang. Nag-transfer ako rito kasi malapit lang ang school na ’to sa bago naming nilipatang bahay. ’Tapos, ano . . . wala namang espesyal sa ’kin. Mahilig lang akong magbasa ng Wattpad stories at magmahal ng fictional characters—Eme!”

Muli akong natawa, at sa puntong ’to, humalo na rin sa halakhak ko ang hagikhik niya.

Nang muli niyang sinaksak ang tainga niya ng earphones, agad akong nagsaboy ng tanong sa kanya: “What’s your favorite song? Mga paboritong singer o banda na rin, gano’n.”

“Most of the time, pinakikinggan ko ang songs ng Ben&Ben,” sagot niya habang nakainat ang mga labi. “Pero ang favorite ko talagang kanta ay ito . . .” At saka niya pinarinig sa ’kin ang kantang nagpe-play sa earphones niya: Favorite Girl by Justin Bieber.

Pumaling-paling ang ulo namin sa kaliwa’t kanan habang nagli-lip-sync. Siyempre, mayro’n na ’kong kamalayan no’ng pumutok ang kantang ’to. It reminds me of my childhood. Ka-miss no’ng mga panahong willing akong ma-late sa school para lang malaman ang MYX Daily Top 10—’yong music videos na pinalalabas dati sa TV.

’Tapos, kinuwento niya sa ’kin na noong bata pa siya, ’pag malakas ang ulan, hinihintay niya raw talaga na may mag-announce na walang pasok para makanood siya ng cartoons o anime sa GMA Network. Naalala ko rin tuloy ang mga pinanonood ko dati gaya ng Detective Conan, Jackie Chan Adventures, at Slam Dunk.

’Yong ending song talaga ng Slam Dunk, e. Ackkk, very nostalgic, ang sigaw ng utak ko.

Marami pa kaming pinag-usapan bukod doon tulad ng paborito naming kulay, pagkain, movies o series, artista, at iba pa. Magaan naman siyang kausap; minsan, natatawa siya, pero kadalasan, ’di niya nage-gets ang mga binabato kong jokes. Marunong naman akong magpatawad.

Pagkalipas ng kwarenta minutos, nilapitan na kami n’ong nagbabantay. Hindi ko na mahagilap ang kaklase kong si Chichay, pati ’yong mga kaibigan ni Bryoni. Nagkalat kasi ang mga mag-aaral sa paligid.

Binigyan niya kami ng tig-iisang pentel pen at bond paper. ’Tapos, klinaro niya ang kanyang lalamunan, ’tsaka siya nagtanong: “Ano’ng paborito niyang”—itinuro niya ako—“ulam?”

Nagkatalikuran kami ni Bryoni gaya ng utos ng bantay rito. Dami niyang kuskus-balungos. Sinulat ko ang paborito kong ulam. Bukambibig ko ito kanina, pero ’di ako sure kung naalala niya.

Pagharap namin sa kanya, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makitang nagtugma ang aming sagot: adobong atay. Nga lang, may karugtong na “ng manok” sa ’kin, pero kay Bryoni, wala.

Bumunghalit ng tawa ’yong nagkunwaring pulis. “Anong klaseng atay ’yan?” puna niya sa sagot ni Bryoni. “Atay ng tao? Aswang ka pala, e. Dapat specific.”

I rolled my eyes. “Puwedeng i-consider na lang ’yan? At least may common denominator kami, which is adobong atay. Hala, ha.”

Bumuntonghininga ’yong police kuno, ’tsaka siya nagsabi ng, “Okay, okay. Consider. Next question: Ano ang paborito niyang”—sa puntong ’to, si Bryoni naman ang itinuro niya—“palabas no’ng bata pa siya?”

Muli kaming nagkatalikuran. Napalunok ako nang mariin. Ang dami niyang m-in-ention kanina, e. Alin do’n? Napa-sign of the cross ako bago isulat ang sagot ko.

“One . . . Two . . . Three!”

Pagkabilang niya ng tatlo, sabay kaming humarap ni Bryoni at ipinakita ang sagot namin: Slam Dunk. Umawang ang mga labi ko at namilog ang aking mga mata nang malamang pareho kami ng sagot. Walang ano-ano’y niyakap ko si Bryoni. Maski ako, nagulat sa ginawa ko. Kaya nang dapuan ako ng hiya, ako na mismo ang kusang lumayo sa kanya habang pilit na ngumiti.

I mouthed, “Sorry.”

“Okay. Malaya na kayong dalawa,” anunsyo n’ong nagbabantay rito sa jail booth. ’Tapos, binuksan niya ang gawa-gawa nilang kulungan at iginiya kami palabas.

Tanaw kong unti-unting lumalayo si Bryoni, samantalang ako naman ay nanatili lang sa tapat ng jail booth at hindi mapakali. Ewan ko pero parang may nakalimutan akong sabihin, itanong, o kunin mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ’yon.

Ano ba kasi ’yon, Zuleyka? Isipin mong mabuti, dali! Bago pa siya tuluyang maglaho sa paningin mo! sermon ko sa sarili ko sa isip. Pero huli na ang lahat; humalo na siya sa dagat ng mga tao.

Bumagsak ang magkabila kong balikat sabay buntonghininga.

Sana, hindi ito ang huli naming pagkikita. Sana, itulak ulit ako sa kanya ng tadhana.

* * * * *

A/N: Omg! Love ko na agad ang character ni Zuleyka. Though sa present, she has changed. A lot. Can’t blame her. Thanks so much for checking out their story!

Update: As of February 27, 2024, nag-number “1” ang Flames in Our Hearts sa #forcedproximity !! Wala lang, happy lang ako ehe 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top