twohearts
Sa isang parke ipinasyal niya ang anak.
“nagustuhan mo ba dito anak?”
“opo.” Bibong sagot ng bata. “mama I like balloon.” Itinuro nito ang isang mamang may hawak ng mga lobo.
“ok ill buy you one.”
Tuwang tuwa ang anak ng iabot niya ang isang tali ng lobo.
“papa…” bigkas ng bata.
Napatingin siya sa anak, nakita niyang tinuturo nito ang mag ama sa kabilang dako ng parke.
Tila kinurot ang puso niya.
“come on you play na.”
Hinayaan niyang tumakbo ito sa damuhan.
“mama…” tawag nito, nabitiwan nito ang lobong hawak. Sumabit iyon sa sanga ng isang puno.
“don’t worry baby, ill get it for you.”
Lumapit siya sa puno at pilit na inabot ang pisi ng lobo. Pero sadyang kulang siya sa height at hindi nya nagawang abutin iyon. Mabuti nalang at isang lalaki ang nag abot noon para sakanya.
“naku salamat po---“
Natigilan siya ng mapag sino ang lalaki.
Tumalikod si Yvan sakanya at tinungo ang direksyon ng anak.
“is this yours?” tanong niya sa bata.
“yes po.” Inabot niya ang lobo sa bata.
Nang makuha niya ang lobo ay patakbo itong lumapit sa ina.
“mama I got my balloon, yehey.”
Napa tanga siya.
“mama?” tawag ulit ng anak.
“oh w-what will you say to him?”
Nilingon sya ng bata. “thank you.”
Yvan almost cried ng tawagin ng bata si Jhuan ng “mama”. Ang batang lalaki na kaharap niya ay tila replika niya.
Nag init ang mga mata ni Jhuan nang Makita ang mga mata ni Yvan na tila nga kukumpirma ng isang tanong.
Ilang saglit pa ay tinawid nito ang pagitan nila at niyakap sya ng mahigpit ni Yvan. Isang yakap na halos ayaw na niya itong pakawalan. Natatakot siya na baka bigla nalang ulit itong mag laho sa harap niya.
They cried in each others arms….
“im sorry… im really sorry…” si Yvan.
****
“hindi ka na dapat pumunta dito Yvan.” Sya ang bumasag sa katahimikan. Nasa may park parin sila habang naka upo sa isang bench.
“anak ko sya hindi ba.” Naka tingin ito sa kawalan.
Bahagya siyang tumango.
Muling nangilid ang mga luha ni Yvan. “why didn’t you tell me?”
“im sorry, ayoko lang na madagdagan pa ang mga alaahanin mo.”
Napahilamos siya ng mukha. “paano mo kong natiis sa loob ng tatlong taon Jhuan, halos mamatay ako sa kaka hanap sayo.”
“im sorry, mas mabuti na ang ganoon, para mabilis nating makalimutan ang lahat.”
Tumayo siya. Pero mabilis din siyang nahila ng asawa pabalik.
“Jhuan… lets start again.”
Napangiti siya ng mapait.
“wala tayong dapat simulan Yvan, dahil sa simula palang wala na tayong inumpisahan.”
“mahal mo pa ba ko Jhuan?”
“hindi ko alam.” Tugon niya sa namamaos na tinig. “Yvan please I think hindi pa ito ang tamang oras para pag usapan ito.”
Patakbong lumapit sakanila ang anak.
“mama lets go home.”
“nako pawis na pawis ka anak.” Puna niya.
“hey big boy, pwede ka bang buhatin ni daddy?”
“daddy?” takang tanong ng bata,
“oo, ayaw mo bang mag ka roon ng daddy?”
“gusto po.”
“ako nalang ang daddy mo pwede ba yon?”
Agad na tumango ang bata, walang puwang sa kanya ang mga bagay-bagay, sa kanyang murang isip, ang mahalaga ay mayroon na syang papa.
Hindi agad nakabawi si Jhuan sa ginawa nito.
Lumakad na ang dalawa palayo sakanya.
“mama come on.” Narinig nya ang boses ng anak. Doon lamang sya tila nagising.
****
Sa bahay, naabutan nyang nag kaka siyahan ang mga manggagawa nila, may kaunting inuman at salu-salo.
Hindi man lamang nagulat ang mga magulang niya ng Makita si Yvan, malamang ay nanggaling na ito sa bahay bago pa man sila nagkita sa parke.
“oh nandito na pala kayo, kumain na kayo, Jhuan asikasuhin mo na ang asawa mo at ako na ang bahala sa apo ko.”
Nakaramdam sya ng inis sa mama niya ng makita niyang nag tinginan sila ni Yvan.
“abat! Ano nanaman kaya ang pinakain ng mokong na to kina mama at parang ok lang ang lahat.” Tanong ng isip niya.
Siniko sya ni Yvan, “sweetheart im starve pakainin mo nako.”
Padabog na tinungo niya ang komedor. At pinag handa ito ng pagkain.
“ayan kumain kana!” sagot niya.
“hindi mo ba ako sasabayan?”
“manigas ka!.” Iniwan niya ito at dumiretcho papuntang kwarto.
“later sweetheart.” Pilyong sagot pa nito.
Nag blush sya sa sinabi nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top