scene7
school cafeteria..
“kelan mo naman sya balak ipa kilala kay tita?” tanong ni Kim.
Bahagya syang nag angat ng tingin sa kaibigan. “well my parents are in Davao, alam mo ng ako lang mag isa dito sa Manila, saka nalang siguro pag may time silang dumalaw dito.”
Nag kibit balikat lang si Kim. “hindi ba naman nag tatanong ang jowa mo about that? Alam mo namang madalang pa sa patak ng snow kung dalawin ka nila dito.”
“minsan natanung nya, pero na explain ko naman sa kanya yon. Alam mo naman na Busy sila sa work, hindi rin naman kami maka luwas, busy din sa studies… lalo na ngayon.” Nasa Senior year na kasi sila.
Tahimik lang sa pag kain si Vin.
“Pareng Vin, dalaga na ang maharot na batang ito, sa wakas may balak na syang ipa kilala kina tita pagkatapos nyang jowain lahat ng kalalakihan dito, pwera lang sayo.” Biro ng kaibigan.
Napa iling lang si Vin. “mabuti nga yon wala pa syang napapakilala, malay mo hindi naman talaga sila.”
“masungit ang lolo natin ngayon. Wag kang mag alala ipapakilala ko nalang sya kay mama pag nag propose na sya.” Kinikilig na Biro ni Jhuan.
“oo nga, kumain na nga lang tayo.” Si Kim
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top