scene16
Lumipas ang ilang lingo bago naiuwi si Yvan sa bahay ng mga Cordova.
Regular ang pag bisita nya kay Yvan pagkatapos ng kanyang trabaho bilang operations manager ng isang branch ng kanilang family business sa Makati.
Sya mismo ang gumagawa ng teraphy at pag mamasahe sa mga binti ng binata. Regular din ang pag kausap niya dito.
Madalas din niyang i-play ang mga videos nila para ipa rinig ang audio kay Yvan.
Isang eksena iyon na dumudurog ng puso niya.
Walang araw na hindi sya umiiyak para dito.
Sinikap niyag maging matatag.
Araw-araw siyang nananalangin na sana pag pasok niya sa kwarto ni Yvan ay gising na ito.
At lumipas ang mga Buwan…
Negative parin ang response ng Binata.
****
“maraming salamat sa sakripisyo mo para sa anak ko hija.”
“wala po iyon mama, hindi po ako mapapagod na alagaan sya.”
Tumayo ang ginang mula sa pag kaka upo, mula sa bintana ay tumingin ito sa labas.
“hija… dalawang taon na, hindi parin nagigising ang anak ko.” Humikbi ito.
Tumayo siya at inalo ang ginang.
sinikap niyang patatagin ang kanyang sarili at pasiglahin ang boses. “mama wag po tayong mainip, alam nyo naman po na hindi kayo matitiis ng anak ninyo hindi ba?” niyakap niya ito.
Tumango lang ang ginang at pilit na kinalma ang sarili. “oo hija, salamat.”
Nag papasalamat siya sa mga taong naka paligid ka Yvan, tila humuhugot sila ng lakas sa isat-isa. At tiwala silang isang araw ay gigising din ang binata.
****
“kamusta ka na?” si Kelly.
Regular din ang pag bisita nito kay Yvan, pero hindi sila nag papang abot dahil halos gabi na siyang nakakarating sa bahay ng mga Cordova.
“i-im fine.” Kiming sagot niya. Nahihiya sya kay Kelly.
“salamat sa pag dalaw mo kay kuya Jhuan.”
“wala yon, kulang pa nga a ginagawa kong ito.”
Kelly smiled at him. “kaya naman pala mahal na mahal ka ni kuya.”
Napangiti sya kay Kelly. “sana nga pag gising nya mahal nya parin ako.” Buong ng isip niya.
“salamat Kelly, pasensya ka na sakin dati kung—“
“kung pinag selosan mo ako?, normal lang naman yon babae din ako at alam ko yon.”
“sana wag kang mag sawang alagaan si kuya. Sana maising na sya.”
Tinignan niya si Kelly. “na mi-miss mo na ba sya?”
“sobra…”
“halika panoorin natin ang mga videos niya dati.”
Biglang na excite si Kelly. “you have?”
“yup, we have some videos dati.”
“sige doon nalang natin panoorin sa kwarto ni kuya para marinig din nya ang pan lalait ko sa kanya.”
“mabuti pa nga.” Biro niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top