present

“Inumin mo na muna ito.” Inabutan sya ni Kim ng isang styro cup ng kape.

Mabilis na pinunasan niya ang mga luha.

“k-kanina ka pa ba?” tanong niya.

“hindi naman, pasensya ka na ngayon lang ako naka rating.”

“ok lang, halika na kaka usapin pa namin ang doktor ni mama.”

Hinakawakan sya ng kaibigan sa balikat. “Jhuan…” tawag niya. Marahan syang tinignan ng kaibigan.

 it’s a typical gesture ng kanyang kaibigan na nag sasabing ‘nandito lang ako’.

Napakagat labi siya, at niyakap ang kaibigan. Gusto nanaman nyang umiyak…

****

Kinabukasan...

 

“mrs. Cordova, tumigil na po ang internal bleeding ng pasyente, milagro po ito.” Pag babalita ng doktor.

“maraming salamat po Diyos ko.”

“pero hindi parin po masasabi kung kailan po sya magigising, at posible din na hindi na sya magising.”

Natigilan silang lahat.

“pero case to case po ito, may chance po na magising ang pasyente, again hindi lang po ma sasabi kung kailan.”

Lihim na nag pasalamat si Jhuan.

“iyon lamang po, kung may kailangan pa po kayo, im just in my office.”

“salamat po dok.” Si Jhuan.

Nanghihinang napa upo ang mama ng Yvan sa sofa.

“are you ok ma?” si Kevin.

Marahang tumango ang ginang.

“Jhuan, pupunta lang muna ako sa baba to buy our food, ikaw na muna ang bahala kay mama.” Paalam ni Kevin.

“s-sige.”

Lumipas ang ilang minutong katahimikan ng makalabas na si Kevin.

Si Jhuan ang bumasag ng katahimhikan.

“mama, aalagaan ko po si Yvan.”

“salamat hija, pero hindi mo kailangang abalahin ang sarili mo, ikukuha ko sya ng private nurse.”

“h-hayaang nyo lang po akong alagaan sya mama, gusto ko pong maka bawi.”

“i-ikaw ang bahala hija. Pero wag mo nang masyadong obligahin ang sarili mo.”

“salamat po.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top