goodbye's not forever

****

Masakit ang kanyang ulo Nang magising kinabukasan. Sumobra ang inom niya kagabi.

Iginala niya ang paningin sa buong kwarto habang inaalala niya ang nagyari sa nagdaang gabi, nang mapa dapo ang paningin niya sa maliit na lamesa sa tabi ng kama nakita niya ang isang kapirasong papel, naka ramdam siya ng kaba.

Dali-dali niyang binuklat iyon sa pag kaka tupi at binasa.

 

Mahal..

nangyari na ang kina tatakutan ko. Maybe I deserve all of these. Habang binabasa mo ito pa alis na ako ng bansa. Please wag mo nakong sundan… hayaan mong lumaya tayo sa sakit ng kahapon. Kung sakali mang hindi na darating ang pag kakataon na makalimutan mo lahat ng kasalanang nagawa ko, im willing to settle things with you.

Panghahawakan ko ang pag mamahal na meron ka para sakin, lalo na nang mga sandaling nakalimutan mo ang galit, at ang tanging na aalala mo lang ay kung gaano mo ako kamahal.

Pakiusap ko, wag mo na muna akong susundan…

They say time heals, I hope it’s true.

I love you Yvan… always.

Jhuan.

Napa hikbi siya sa labis na sama ng loob sa sarili. Nahilamos niya ang sariling palad sa mukha lalo pat luminaw sakanyang ala-ala ang nangyari kagabi.

“how could you do this to her Yvan!”

****

Halos paliparin niya ang kotse papuntang airport. Nang maka rating siya ay inikot niya ang buong lugar, pero hindi niya nakita si Jhuan.

Nanlumo siya.

Hindi nya na alam kung paanong nagawa nya pang mag drive pauwi sa bahay nila.

Sinalubong siya ng kanyang mama.

Nag init ang mga mata niya nang makita niya ang kanyang mama.

“I screwed up ma, im sorry…”  tuluyan siyang napaluhod sa sahig.

Gusto nyang mag lupasay dahil sa sobrang galit niya sa sarili.

Agad na niyakap siya ng ina at inalo. “Hijo, calm down. First thing you must do is talk to your inlaws.”

“I want to find her mama, hahanapin ko sya.”

“do what you want hijo, but I think mas maganda kung bigyan nyo muna ng space ang bawat isa.”

Humikbi siya.

“hayaan mong mag hilom ang sugat anak. Mahal ka nya, napatunayan ko iyon lalo na nung mga panahong halos mamatay ka na, hindi ka nya iniwan. Anak pinili mong mahalin siya, kasabay non, dapat mong tanggapin kung ano sya ngayon, hindi man nya nagawang ioffer sayo ang sarili nya purely, sana ay maging sapat para sayo ang pag mamahal nya.”

“mababaliw ako ma…” patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha.

“shhhhh… magiging ma ayos din ang lahat, just pray. Im here son.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top