going back

After 3 years…

“salamat Kim nagka roon ka ng Time para dalawin kami  ng anak ko dito.”

“wala yon mars, nako ang laki na ng inaanak ko.” Kinalong nito ang anak ni Jhuan.“kelan ka naman uuwi?” tanong niya.

“sa makalawa siguro, bago ang birthday ni mama. Gusto na nilang makita ang apo nila.” Napa ngiti siya.

“alam na ba ito ni Yvan. Kinukulit parin kasi ya ako mare kung nasan ka.”

“h-hindi pa.” nag init ang mga mata niya. Maging sa mga magulang niya ay hindi nya sinabi kung nasaan siya.

“hay nako, dala ko nga pala yung mga binilin ni tita para sayo.” Putol ng kaibigan ng mapansin na emosyonal nanaman siya.

“s-salamat Kim, pasensya ka na.” tuluyang pumatak ang mga luha niya.

Hanggang ngayon napaka hirap parin para sakanya ng lahat.

niyakap siya ng kaibigan. “everything will be fine Jhuan.”

****

Agad na sinalubong siya ng yakap ng kanyang mama.

“anak na miss ka namin. Salamat at umuwi ka na.”

“ako din po ma, pa. na miss kop o kayo, pasensya na po kayo.”

“naiintindihan namin anak, nako eto na ba ang apo namin?”

“yes ma, this is Yhan..” pakilala niya sa anak. “sweetheart this is lolo and lola.”

agad na kinarga ito ng papa niya. “ka gwapong bata, mana kay lolo.”

Biglang humagikgik ang bata, tila yata sumasangaayon ito sa sinabi ng kanyang lolo.

Nagkatawanan sila.

“hija halina kayo sa loob at naka handa na ang pagkain. Edwardo tigilan mo nga ang panggigigil sa apo ko at baka mapilay.”

Sabay-sabay silang  dumulog sa hapag at pinag saluhan ang pagkain.

****

“I have receive a report that Jhuan Cordova is here, ayon po sa source ko kahapon pa ang arrival nito from New York.”

Napa tayo si Yvan sa sinabi nito.

“are you sure?”

“yes, she’s in Davao.”

Naka dama siya ng relief. “maraming salamat detective.”

Tumango lang ito bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Agad na nag dial siya sa intercom. “Ms. Sanchez, I book mo ako ng flight papuntang Davao.”

“yes sir.” Sagot ng kabilang linya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top