fears

****

 

Pag pasok ni Jhuan sa coffee shop agad na iginala niya ang mata sa paligid. Nakita nya ang pag kaway ni Kim.

Agad niya itong nilapitan.

“hi mare, na miss kita.” Si Kim.

“ako din, kamusta ang bakasyon sa Singapore?”

“ok lang eto may dala akong pasalubong sayo.” Inabot niya kay Jhuan ang isang paper bag.

“thanks.”

“ingatan mo yan ha. Nag order na pala ako ng favorite mong coffee and cake.”

Sinenyasan ni Kim ang isang crew.

Maya-maya pa ay si nerve na ang order nila.

“so anong balak mo nyan?” alam nya ang ibig sabihin nito.

“I don’t know Kim, naguguluhan ako.” Pag amin niya.

“nag aalala lang ako sayo Jhuan, kung sakaling ma alala ni Yvan… pano na?”

Matabang na napa ngiti siya. “pinag iisipan ko pa ang gagawin ko, but I think mas mabuting iwan ko na sya bago nya pa ma alala lahat.”

“paano mo naman gagawin yon? Kung ang na aalala lang nya eh yung mahal ka nya?”

Napa kagat labi siya. “bahala na…”

****

Masuyo syang pinapanood ng nobyo habang minamasahe nya ang mga binti n binata.

“yan hon, bukas ulit ang another 30 minutes teraphy.” Si Jhuan.

Umupo ito sa tabi niya.

Yvan smiled at him.

“thanks mahal.”

hinawakan nya ang tungki ng ilong ng nobyo. “welcome boss.”

“alam ko inalagaan mo din ako nung hindi pa ako gising, thank you, hindi mo ko iniwan.”

Sumandal sya sa dibdib ng nobyo.

Hinalikan siya ni Yvan sa noo.

“sana maka lakad nako, para naman maka pasyal na ulit tayo.”

“wag kang mag madali makaka lakad ka rin.”

“syempre, baka mamaya may iba ng nag hahatid sundo sayo sa trabaho.” Biro nito.

Nag angat sya ng mukha at tinignan ang nobyo. “wala po no…”

Nag taas ng kilay si Yvan. “dapat lang.”

Binaba niya ang naka taas ng kilay ng nobyo gamit ang isang daliri niya. “ibaba mo nga yan mister, para kang bading sa parlor.”

Bahagyang natawa si Yvan. “sinong bading kamo?” kinurot nya ang magkabilang pisngi ni Jhuan.

“ikaw, alangan naman ako ang bading satin?”

“eh kung halikan kaya kita?”

“pwede naman.” Tudyo niya.

Bumaba ang mukha ni Yvan and claim her lips. Tinugon niya ang halik na iyon.

 

 

 

“pag nagawa mong ma alala ang sakit, hahalikan mo pari ba ako gaya nito?” tanong ng isip niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top