35

"Scaramouch, bilisan mo na! Kahit kailang ang bagal mo talaga," angal ni Seb habang tumgin sa relo niya. Nakatayo siya sa labas ng kwarto ko, malapit sa nakaawang na pintuan.

"Kahit kailian wala ka talagang kwenta!" inis kong sagot. Ako na nga tong kinakabahan at nawiwidang, ako pa ang hinaharas nya. What a friend!

"Tsaka, ano bang ginagawa mo rito?" kanina pa ako tapos magbihis pero ayaw ko pang lumabas ng kwarto. Nauna na sila Mom and Dad, kasama si Justin. Si Val na lang ang naiwan kong kasama at kasalukuyan syang umiihi kaya hindi nya rin mabara-bara tong si Seb. Kabadong-kabado ako, takot akong maiyak at maihi ng sabay.

"Ako getaway car mo," inirapan nya ako. "But just so you know, wala kang takas. Kahit sarili mong ama handa kang ipahuli sa kanino man para sauli ka kay Jaxx."

Ikakasal na kasi kami ni Jaxx, ngayon araw din na ito, mga bente minutos simula noong nagngangawa si Seb. Matagal na rin namin itong napag-usapan mula nung birthday ko last year. Hindi na ako nagpakipot pa nang tanungin niya ako kung bukas ba ako sa ideya na maging Mrs. Jackson. There was no point. May anak na kami, gusto ko naman sya talaga, at gusto ko rin naman sya bilang ama ni Justin, hindi lamang dahil sya ang tunay nyang ama, kundi dahil isa syang mabuting tao at nakikita kong maging mabuti syang ehemplo sa aming anak.

Nagpropose sya sa harapan namin magkaibigan at kapamilya noon Bagong Taon sa backyard nila Chino. Kasama si Justin sa proposal niya at natunaw na ako sa kinatatayuan ko noong lumuhod na sya at naglabas ng diamanteng singsing sa loob ng itim na jewelry box.

As usual, nakatingin na lang ako sa mga labi nyang gumagalaw at hindi ko na naiintindihan ang mga sinabi nya, basta na lang tumango ako habang tumutulo mga luha ko. Sinuot nya ang singsing sa daliri ko at nagpalakpakan ang mga tao sabay sa pagsabog ng mga fireworks. Nakalibre pa sya ng fireworks dahil sinagot ko sya ng hating gabi, tamang-tama sa anibersaryo ng first kiss namin. Kilig!

"Hindi naman ako tatakas, ano ba. Nakabihis na nga ako e." binuksan ko pa ang pintuan ng mas malaki para makita nyang hindi ako nagbibiro.

Suot ko na ang flower crown ko pati na ang wedding gown ko na may champagne-colored lining at ang kinalalabasan ay hindi ito purong puti. Simple lang gown ko, sheath, Bohemian-inspired with a deep V neck line at mas mababa pang V salikuran. Halo-halo materials nito, may lace, tulle, more lace at beads ang strap ay may ribbon na tulle. Hindi gaanong mahaba ang train dahil nasa beach ang wedding namin. Naisip ko kasi ang hirap maglinis ng buhangin sa lace at tulle, at lalo lang ako mahirapan maglakad habang ang damit ko sumasayad sa buhangin.

"Oh, wow," napahanga sya. Kita ang pagkamangha sa kanyang mga mata at sa bibig nyang nakaawang. A triumphant smile was about to spread on my face ngunit agad naman nitong binawi."Mukha kang kagalang-galang. Hindi ka mukhang palaka, akalain mo? E ano ba ginagawa mo? Tara na!"

Hinila nya ako palabas ng kwarto. Nandoon na si Val nakaupo sa receiving area ng hotel suite, kumukuha ng selfie. Nang makita nya ako napahinga rin sya ng malalim, "Ay sa wakas! Kanina pa tayo hinihintay ng mga tao. Nasaan ang cellphone mo? Ang bag mo? Paypay, tissue, lipstick, at retouch kit?"

Inabot ko kay Val lahat ng hinanap niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na nae-excite, na gustong sumuka o di kaya mautot. Sumakay kami sa golf cart na inayos, nilagyang ng mga ribbons at bulaklak at ginawang bridal car. Hindi kasi pwedeng maipasok sa resort yung gusto ko sanang Volkswagen van, o di kaya Mustang. Kaya yun na lang sasakyan ng resort para sa mga guests nila. Cute din naman pala. Tumigil kami sa may gazebo na kung saan kalagitnaan na pala ng march ng entourage. Eto na, this is it!

Mabilis akong sinalubong ni Kaloy at Jasmine at hinila palabas ng golf cart.

"Aray ko naman, ang dahas!" angal ko nang muntik na akong madapa.

"Bruha ka wala kang karapatang umangal. Anim na taon na namin to hinihintay tapos nagpapa-thrilling ka pa diyan. Tayo, bilis! Jas, yung buhok nya at mga flowers," Utos ni Kaloy habang dinaan nya ang mapanuri nyang mga mata ng ilang beses sa buong pagkatao ko.

"Perfect ka na, mag hintay ka na lang sa cue ni ate coordinator," ani naman ni Jas.

Tumingin ako sa paligid at hinangaan kung gaano nila napaganda ang lugar ayon sa gusto ko. I wanted a simple beach wedding. Gusto ko sana ay hindi lampas ng sigkwenta ang mga bisita, kung hindi lang umangal ang mga magulang ko at mga magulang ni Jaxx. Lalo na ang Mamá ni Jaxx. Gusto niya bongga, kailangan raw malaman ng kanyang mga amiga at ng buong sociedad. Mabuti na lamang at napigilan siya ni Jaxx na mangialam masyado kasi kasal namin iyon. Gayunpaman, umabot pa rin ng lampas dalawang daan ang mga dumalo kaya mas lalo akong kinabahan.

"Wag kang tatakas, bantay-sarado ang premises. Ako mismo pupulot sa'yo at ibabalik kita sa altar," pagbabanta ni Jasmine.

"Ano ba kayo, bakit ba lahat kayo iniisip na tatakas ako sa sarili kong kasal?" natatawa ako na naiinis.

"Kasi ikaw yung tipo na gagawa nun at ayaw namin na pagsisihan mo ang kagagahan mo kalaunan."

"At saka mas mahal na namin si Jaxx kaysa sayo at ayaw namin syang masaktan ulit dahil naging duwag sa pinakaimportanteng limang minuto ng buhay mo noong ika'y thirty-one years old," dagdag na mahaba ni Kaloy.

"Hey! Ako ang bride, ako ang una nyong naging kaibigan, dapat sa akin kayo kampi!"

"Team groom forever. Hashtag, sanaolJackol, for life!" nagtawanan sila ni Jasmine at nag high-five pa ang mga walang hiya.

"Ayan na si Daddy Claraval, balik na kami sa pwesto namin. Wag kang tatakas!" huling pagbabanta ni Kaloy habang nakaturo ang daliri sa akin.

"You look stunning, Sky. You don't know how happy I am to see you in this beautiful dress kahit na ipamimigay na kita sa iba. But since it's Benedict, panatag ang loob ko. I know he will take care of you, love you, and cherish you. I know he isn't perfect but do you remember what I told you that time he brought you home crying and wasted?" napapikit ako sa hiya nang maalala ko ang kahangalan ko six years ago. Dad just chuckled and kissed my forehead.

"It still stands. I was not opposed to him being with you then, mas lalo na ngayon," sabi ni Dad na medyo naluluha. Nakuha na ni Jaxx ang loob nilang lahat at wala na akong kakampi, kahit si Dad!

"You have one more minute. Are you ready, anak?" tanong sa akin ni Mom na naluluha pero mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin. Natigilan ako at napaisip sa sinabi nya.

Handa na ba ako talaga? Hindi lang kasal ang pinag-uusapan dito kung ang buhay mag-asawa.

Handa na ba akong harapin si Jaxx araw-araw kahit na hindi kami bati? Kasi sigurado ako sa tigas ng ulo namin dalawa, may mga panahong magkakabangga kami at magkasagutan.

Handa na ba akong hatiin pa muli ang oras ko dahil nandiyan na si Justin, madadagdag pa si Jaxx sa iisipin ko?

Handa na ba akong kusang loob ibahagi ang buhay ko sa isang tao na hindi perpekto, na magkakamali at masaktan ako?

Handa ba akong ipaglaban sya at manatili sa tabi niya habambuhay?

I smiled. "I've never been more prepared."

Tumahimik bigla ang mga bisita. Dahan-dahan binuksan ang puting kurtina para sabihan akong ito na, the moment of truth. The moment I've been waiting for. Ngunit natigilan ako nang imbes Canon in D ang pinatugtog para sa aking Bridal March, may nagsimulang mag acoustic guitar at hindi-hindi ko mapagkakaila ang malamig na boses ni Ace na kumakanta ng awitin ng Sponge Cola.

          Hawakan mo ang aking kamay

         At tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan

        Bitawan mo ang unang salita

       Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Nang sumilip ako sa kurtina, si Seb naman ang nagsimulang kumanta sa second verse, habang nagpu-pluck din ng chords. Nakatayo si Chino sa likod ng dalawa na may nakasukbit na electric guitar. Malawak ang ngiti niya na para bang siya ang kinikilig sa paghaharana. Gumawa sya ng hugis na puso gamit ang dalawang kamay at tinuro si Jaxx gamit ang kanyang nguso.

It was so out of character ni Chino na gawin iyon! Napayuko at napatawa ako ng tahimik. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Nang umangat ako ng tingin, dumiretso ang mga mata ko sa lalaking naka tuxedo sa harapan.

Si Jaxx ay naroon na sa altar at nagpipigil ng ngiti niya. Ngiti nga ba o luha? Napakagat siya ng labi at muntik na akong matunaw. My goodness, bakit ang swerte ko?

"Anak, it's time to walk," bulong ni Mommy. Maya-maya pa, may nag-viviolin na na accompaniment. Napatingin ako sa kaliwang parte at naroon si Val na kitang-kitang hinihingal pa. Matagal na siyang hindi nagva-violin, akala ko nga nakalimutan nya na. Nang magtagpo aming mga mata, ngumisi sya at kinindatan ako.

          Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan

         Tayo'y muling magkasama

         Ang dati ay baliwala

Nang masimula akong maglakad papunta kay Jaxx, sa kanya lang naka-focus ang aking mga mata. Akala ko nakita ko na ang lahat kaya hindi ko lubos maisip na may ikagu-gwapo pa rin pala sya. Paano? Paano nangyari iyon? Nag-ahit lang sya at nag-ayos ng buhok, naging mas presentable agad sya ng sampung beses pa!

Jusko, pa-sedate po ng puso ko, nagwawala na po sya, baka kung saan ko sya mapupulot mamaya kapag kumawala to sa tadyang ko!

"Mom, kailangan ko ng pampakalma. Haloperidol. Xanax. Benadryl. Anything!" kabado kong bulong sa kanya habang nakahwak ako ng mahigpit kay Daddy. Ngayon pa lang nanghihina na mga tuhod ko, pano na kaya kapag magkatabi na kami?

"What? Why?" natatawa nyang tanong.

          Nais ko lang humimbing
         Sa saliw ng iyong tinig

"Yung puso ko, Mom, kumakawala na sa dibdib ko. Kung hindi ito titigil talagang hihimatayin na ako!" hinila ko kamay nya ng patago para tingnan ang kaba sa aking mga mata. Hindi ako nagbibiro. Napatigil din si Dad ng saglit at tiningnan kaming dalawa ni mommy.

"Oh, Scarlet Yvonne Claraval, you're just excited. I know this is a big deal pero wag kang OA. Let it all go and just go to him. Look at him. Focus on him. That man has been waiting for you since high school."

"High school? Mom, five years ago lang kami nag simulang mag date," ani ko.

"Six," pagtatama ni Dad. Napanganga ako.

"Bat mo alam? Binilang mo?" pang-akusa ko but he just shrugged his shoulders.

"Oo, pero alam kong noong high school pa lang may gusto na sayo si Benedict," paliwanag niya.

"Luh, assumera to. Pano mo naman nasabi?"

"Basta. Tanugnin mo sya mamaya kung tama ba ako," ngumiti sya at tinulak ako ng mahina upang magsimulang maglakad ulit.

Tiningnan ko muli si Jaxx na tinatanong ako kung may problema gamit ang kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim at nginitian ko lang sya ng matamis. Pumikit ako ng saglit para pakalmahin ang sarili ko at dahan dahan akong nagbilang. Binilang ko ang bawat yapak at bawat paghinga ko papunta sa kanya, papunta sa lalaking naghihintay sa akin ng anim na taon. Papunta sa aking forever.

          Ligayang noo'y nasa huli

         Sambit na ng iyong mga labi

Nang marakarating na ako sa harapan nya, kinuha nya ang kanang kamay ko at saka tinanong akong muli, "Is there something wrong?"

Tumango ako at lalong nanlamig ang kamay nya.

"I think this ceremony is taking too long," bulong ko at nakahinga sya ng malalim. Tumigil na rin sa pagtutugtog ang mga kaibigan namin na hindi natatapos ang kanta. Buti na lang dahil ang mga luha na nagbabadya ay natigilan din.

"It hasn't even started, crazy woman," he chuckled.

"Why can't I just be with you already? Let's elope. Tara na," biro ko para naman hindi masyadong halata na kinakabahan ako at naiiyak ako sa kilig. I've waited for this man for so long, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Nope, I'm not falling for that again. We're going to do this and we're going to do it right," nginitian nya ako at hinalikan sa noo. Napasimangot na lang ako pero humarap na rin sa pari.

"Come on, love, the sooner we start, the sooner you can have me," ngumisi sya at kumindat pa. My gosh ang panty ko. Nagawa ko ngang tiisin sya ng anim na taon. Ano ba naman yung isang oras? Pero nga pala may reception pa. Kainis!

Hindi na ako nakinig sa ceremony at sa misa, basta na lang ako sumunod sa mga pahayag na dapat namin gawin. Lumulutang ang utak ko sa lalaking may hawak ng kamay ko. Kung tingin nya ay kamay ko lan ang hinahawakan nya sa mga panahong iyon, ang totoo ay pati puso ang buong pagkatao ko nasa kamay nya na.

I was giving him my all. Nakakatakot, nakakakaba. Kinikilag akong isipin na gigising akong katabi ang first love ko sa buong buhay ko. Inaasam ko na ang bawat gabi na uuwi sya sa amin ni Justin at hindi nya na kailangan pang umalis because we are together. Because we chose to be together. Finally! Hindi ako umaasang hindi nya ako sasaktan. Ngunit alam kong lahat gagawin nya para lang hindi mangyari iyon.

Bumalik na lang ako sa kasalukuyan ng inanunsyo ng pari na "Mr. Benedict Jackson, you may now kiss your wife."

"Thank you. I've been waiting for this the moment she took that first step down the aisle."

Kinagat nya ang baba nyang labi at saka sinuntok nya ang kanyang kamao sa hangin, na parang nanalo sa pustahan. Nag hiwayaan ang mga tao at saka nagpalakpakan kahit na hindi nya pa naiaangat ang belo.

Nagsimula na namang tumugtog si Ace. Leche talaga tong mga kaibigan namin. Ayokong umiyak eh!

          Parang isang panaginip

         Ang muling mapagbigyan

Naghiwayan ulit ang mga bisita at nangingibabaw ang boses nina Sean, Jasmine, at Kaloy.

"Finally, I can call you my wife. I love you, Dr. Scarlet Yvonne Jackson," aniya habang nakatitig sa mga mata ko.

         Tayo'y muling magkasama, ang dati ay baliwala

"I love you too, Mr. Benedict Jackson." Panatag ang kalooban ko at ika'y kapiling ko na napakanta ako sa isipan.

"I know," he chuckled and slowly lifted my veil.

"Cocky, aren't you?"

"You're stating the obvious. Do you want to see how cocky I can get?" lumapit pa sya ngunit hindi pa rin ako hinahalikan, tila bang nanunukso. Naramdaman ko ang mainit nyang palad sa likuran ko at agad nagsitayuan mga buhok ko sa braso sa sabik.

"Cockier than six years ago?" napagniti siya at tumango lamang. Bumaba na ang tingin nya sa mga labi ko at sa di kalayuan, narinig kong naghihiyawan na ang mga tao.

"I could have known sooner if you'd just eloped with me," bulong ko sa labi nya. Inangat nya ang baba ko papalapit pa sa kanya gamit ang isang daliri at napatingin ako sa kanyang mga mata na nakatitig na sa akin. Kumikinang ito sa mga naipong luha at punong-puno ng pagmamahal at karinyo.

"I wasn't going to risk losing you again, love. I told you I was willing to wait. It didn't matter how long, just as long as you would leave me or push me away. I won't be able to forgive myself if it happened again.

"I know it took me so long to accept it but I could not deny it to myself either: I wanted it to be you. It was you whom I was waiting for. Kay tagal kitang hinintay. I've been waiting for you since high school. But You are worth it, Scarlet. You are worth the wait."

❤️ 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top