34


"Babe, umuwi ka na, kami na bahala dito," ani ni Jasmine.


Mag-aalas dose na ng gabi at kakatapos lang namin mag-ayos ng endorsements. Iilang araw na lang kasi at magle-leave na silang dalawa ni Kaloy. Lahat ng naipon nilang sick leave at vacation leave ay sabay nilang kunin simula ng December one. Babalik na lang sila sa ospital sa graduation nila sa katpusan ng buwan. Kung hindi ako nabuntis at hindi nangyari tong gulo ni Collin, dapat sabay kaming tatlo magtatapos. Dahil doon, may halos apat na buwan akong extension at Abril pa ako magtatapos. Masaya ako para sa kanila datapwat may halong lungkot sa tuwing naiisip kong iiwan na nila akong mag-isa.


"O, 'wag ka nang malungkot. Hindi ka naman mag-iisa e," paalala nya. "Ang dami mo ngang alipin. Utusan mo lang sila. Ikaw na ang nag-iisang reyna ng Surgery. At wala nang mananampal sayo," dagdag nyang pabiro at tumawa kaming dalawa.


Napag-usapan na namin ang nangyari noon at napatawad na namin ang isa't-isa. Kahit na hindi ko man agad napagtanto ang mga sinabi nya dahil sa pride ko, natauhan din ako at humingi ng tawad sa kanila. Pinasalamatan ko silang lahat sa tulong nila. Nakakatawa lang isipin na kailangan ko pang masampal at masaktan para lang matauhan. Ang hirap kasi kausap ang pride, ayaw makinig sa maayos na usapan. Kailangan idaan sa dahas.


"Mami-miss ko lang kayo. Wala nang magugulo sa callroom."


"Anong wala? Puro isip-bata kaya mga kasama mo. Ilabas mo na ang pamalo at chalk!" tamang-tama pagkasabi nya noon, bumukas ang pinto at nag-uunahang pumasok si Sean at Joseph, humahagikhik at daliang naghahanap ng matataguan. Maya-maya lang ay pumasok si Carissa na nakasimangot at nakakuyom ang mga kamay.


"Sean! Nasaan kang panget na hayop ka? Ilabas mo ang mga listahan ng mga utang nyo!"


Wala namang mapagtaguan sa callroom kaya nakita rin sila agad at naghabulan pa si Sean at Carissa habang tumatawa sa isang tabi si Joseph.


"Tawa tawa ka diyan? Sunday duty ka, gago!" sigaw ni Carissa at biglang nawala ang ngiti sa mukha nito.


"Ma'am, wala namang ganyanan!" angal niya pero hindi na sya pinansin ng bagong Chief Resident dahil patuloy silang nag aagwan ni Sean sa isang maliit na notepad. Nagkatinginan na lang kami ni Jasmine.


"Sakto lang siguro ang gulo nila para sa apat na buwan, ano?" sarkasitong tanong ni Jas at napailing na lang ako. Magsinggulo lang sila ng anak ko. Kailangan yata bumalik nito ng mga ito sa Prep.


Pumasok isa-isa ang iba pang mga residente. Ang mga duty ay naguunahan sa bunkbeds, yung iba naman nagligpit na ng mga gamit para umuwi. Pero dahil magkakasama na naman kami sa callroom, hindi maiwasang magkwentuhan habang nagliligpit at napatagal pa ang istambay namin.


"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Jas.


"Maya-maya ng konti. Sige na alis ka na," pinilit nya ako ulit. Naging suspicious tuloy ako kung bakit gusto nya akong mawala sa paningin nya. May tinatago itong kababalaghan at kailangan kong malaman. Hindi ako aalis hanggat di ko alam!


"Ay wait lang, may naiwang ako sa mesa ko," binaba ko bag ko at mabagal na pumuntang desk. Nakpagbiruan pa ko sa kanila Carissa kaya hindi ko agad 'nahanap' kung anuman yung kunwaring nawawala. Nang makuha na ang notepad, nakitingin pa ako sa mga 'utang' ng dalawang mokong. Lahat na ginawa ko para lang hindi makaalis agad, habang si Jasmine ay abalang-abala na pauwiin na ako.


"Bakit ba gusto mo nang umuwi ako? May tinagago ka ba?" tinaasan ko sya ng kilay at pilit na hindi ngumiti.


"Ako? Wala! Late na kasi at mag-isa ka lang magdrive. Diba sabi mo uuwi kang Pasig ngayon? Mabuti sana kung sa condo ka lang," palusot nya.


"Lagi naman akong late umuuwi e, bakit ngayon pinipilit mo? Sabay na lang kasi tayo, hatid na kita."


"Ah, wag na kasi, ano, may CT scans pa akong hahanapin."


"Kaninong scans, ma'am? May nakalimutan pa ba kaming ihanda?" clueless na singit ni Joseph habang nakakunot ang noo. Nakupo na sya ngayon malapit sa computer at handa nang hanapin sa computer system ang scan na sinasabi ni Jasmine. Tinabihan siya ni Juno habang tumitingin sa listahan ng mga pasyente nila.


"Kay Monteverde."


"Pasyente natin iyon. Ikaw resident-in-charge dun, Francis! 'Tong tamad na 'to, ayoko na pumuntang radio ha!" angal ni Juno na pinaka-junior.


"Ulol, gawa na 'yon, napaprint ko na. Kala mo naman marunong kang humingi ng pabor sa Radiology sa liit ng utak mo," pambara ni Francis at nagbangayan pa silang dalawa. Napailing na lang ako nang mapagtanto ko na parang ako ang maging prefect of discipline ng mga batang ito.


"Monteverde, Tim? Nine years old, soft tissue sarcoma, right thigh? Plates at the bedside. Official reading, kalalabas lang kanina. Gusto n'yong iprint ko?" alok ni Joseph.


"Sige please, paki print na lang," sagot na maikli ni Jas pero halatang hindi iyon ang sagot na gusto nyang marinig ko. Kinilatis ko mukha niya at kita kong kabado pa rin sya habang pabalik-balik tumitingin sa orasan.


Biglang may kumatok sa pintuan at napanganga na lang ako nang makita ako kung sinong pumasok. Preskong-presko na parang bagong ligo, naka ayos ang buhok, at naka-kaswal na na damit – blue-green na shirt na may design, itim na short, at gray na sneakers. As usual, mukha siyang mabango.


"Uy. Bat nandito pa kayong lahat? Nandito pa ba si Jasmine?" swabeng tanong ng lalaki habang nakatingin sa tatlong itlog sa may computer. Hindi nya pa kami nakikita.


"Derek."


Agad siyang lumingon sa amin ni Jas at hindi mapagkakailang nagulat din sya nang makita ako. Gayunpaman, lumapit sya sa amin at nakipag beso. "Cara! H-hi! I didn't expect na nandito ka pa."


"Ano 'to?" tinaasan ko sya ng kilay habang tinuturo silang dalawa ni Jasmine. Sa loob loob ko kinikilig ako sa kanila pero ang mukha ko ay walang bakas ng tuwa, kundi taray lang. Nainis ako ng konti na hindi ko alam na may nangyayari sa kanila ni Derek. 


Oo, chismosa ako at gusto kong isa ako sa mga unang nakakaalam.


"Ma'aam Cars, gradweyt naman na si sir Derek. Hayaan mo na ang mga bata," pang-asar na sabat ni Sean. Binato nya pa ako ng nakalukot na papel pero hindi ito umabot.


"So alam 'to ni mister kupido at ako hindi? Kailan pa 'to?" lalo akong nainis na nauna pang nalaman ni Sean ang balita.


"Matagal na. Matagal na nilang tinatago ang lihim nilang pag-ibig dahil strikto ka masyado, daig mo ba si Mao Tse Tung!" sabat ulit ni Sean at binato nya ako ulit ng lukot na papel. Ngayon, tinamaan na ako sa bumbunan.


"Aray ko. Wag ka ngang makialam dito! Bakit ba sabat ka ng sabat? Ikaw kausap ko? Gusto mong magkasama kayong mag-kwentuhan ni Joseph ngayong Sunday?" pagbabanta ko.


"Okay, whoa, walang magsa-Sunday duty dahil lang sa lovelife ko," tumayo si Jasmine at itinaas ang dalawang kamay para mamagitan.


"Aha! So kayo nga?! Luma-lovelife kayong dalawa?" napatayo na rin ako at nakaturo ang hintuturo ko sa baba ni Jas.


"Cara.." mahinahong salita ni Dem at saka hinawakan ang palapulsuhan ko para ibaba ang kamay ko papalayo sa mukha ni Jas. Confirmed!


"Wag mo akong mahawak-hawakan! Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko," tiningnan ko silang dalawa ng seryoso. "Ano?"


"I'm not going to deny it. Yes, we're dating," taas noong sagot ni Derek at humalikipkip siya, habang nanlaki ang mga mata ni Jasmine at tumingin pa sa paligid. Walang nagsalita at nagkatingin lang sila sa amin tatlo. May ilang segundo pang nanatiling tahimik ang lahat bago ako tumili. Tumalon ako at pumapalakpak sa kilig at tuwa at huminga na silang lahat.


"Ooooh em geee! Kailan pa, girl? " sigaw ko habang yakap-yakap si Jasmine na hindi alam kung anong gagawin niya. "Buwisit 'to! Hindi ka nagkuwento!"


"Ang ingay mo, nakakabingi!" angal ni Jas at binalik ang yakap ko.


"Sabi ko sayo she'll be okay with it," niyakap kami dalawa ni Derek sa malawak nyang mga braso.


"Group hug!!" sigaw ni Sean at nagsitakbuhan silang lahat para makisalo sa pagyayakapan namin.


"O sya tama na, awat na! Uwi na ako, at kayo rin, umuwi na. Makakasagabal pa tayo sa date nitong dalawa," tinulak ko ng mahina si Jasmine papunta sa kanyang boyfriend at bumangga sya sa dibdib nito. "Ayiieee!"


Ngayon ko lang nakita ulit si Jasmine na namumula, at ngayon ko lang narinig na okay na sya magka-boyfriend. Dati-rati kasi puro landi lang gusto nya. Noong nagkaroon sila ng fling ni Ace, si Ace pa ang dismayado nang sabihan sya na ayaw ng babae magseryoso. Sana ngayon seryoso sya kay Derek. Mahal ko silang pareho at ayaw kong maipit ako kung sakali magloko tong si Jasmine.


Sabay na kaming bumaba sa parking at hindi ko maiwasang mapansin ang mga simpleng haplos ni Derek – sa balikat, sa likod, sa may balakang. Minsan pang nagkahawak kamay sila pero agad hinila ni Jas ang kamay nya at namula na lang ng basta. Napatawa na lang si Derek. Pinagbuksan pa niya ito ng pinto ng kotse nya bago sila nagpaalam.


Binuhay ko na ang makina ng aking sasakyan at nakitang lampas alas-dose na ng hating gabi. Birthday ko na. Thirty-one na ako. Napangiti ako dahil natapos din ang unos ng buhay ko at masaya ang mga tao sa paligid ko. Binuksan ko ang radyo at nagpatugtog ng musika namin noong Green Skrambol pa kami.


Hindi ko napigilang mag-reminisce ng mga nangyari sa amin noong nag-gap year ako. Bawat kanta ay may paggunitang kaakibat – masaya, medyo malungkot, nakakabagbag-damdamin, nakakatwa. Bilib ako sa talent ni Seb gumawa ng kantang nakakagago. Kung sabagay, palabiro naman siyang tao kaya siguro madali para sa kanya iyon. Si Ace ang hari ng nakakabagbag-damdaming mga awitin, yung akala mo masaya yun pala mapaluha ka sa huli. Magaling sya magkwento at ang melody nya ay masmatiwasay sa mapaglarong musika ni Seb.


Ngayon ko lang na-aappreciate ang bawat instrumento na tumutugtog, ngayon na tagapakinig na lang ako at hindi na kasama sa entabladong tumutugtog. Dati kasi abala ako sa aking parte kaya masnagko-concentrate ako na tama ang notang tinatamaan ko at hindi sintonado gitara ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling din pala ako tumugtog ng bass guitar.


Pinakinggan kong mabuti ang mga tugtog ni Jaxx sa drums at naisip ko istura nya tuwing tumutugtog. Noong mahaba-haba buhok nya, tinatali niya ito nang hindi sagabal sa mata nya. Gusto ko itsura nya na may konting balbas, pero maspogi sya kapag bagong ahit. Lagi syang nakasando o sleeveless tuwing tumutugtog at hindi ko mapigilang panuorin ang mga muscles sa braso nya. Nakakalaglag... panga. Lalo akong natawa sa sarili ko na ayaw ko pang aminin na pati panty ay nalalaglag, hindi lang panga. Ang landi ko. At may anak na ako.


Ano ba to, para naman akong tanga tumatawa mag-isa sa kotse. "Welcome to thirty-one, Cara!" maligayang bati ko sa sarili ko.


Hindi na matrapik sa daan kaya mabilis din akong nakauwi ng bahay. Tahimik na ang lahat at patay na ang mga ilaw. Hindi ko pa rin matanggal ang ngiti sa mukha ko dahil habang nagda-drive, sinasabayan ko sa pag-awit si Seb at Ace. Ang huling kanta bago ako mag-park ay ang makwelang kanta ni Seb na pinamagatang, "Your Filipino Accent".


Pakanta-kanta pa rin ako kahit na nakababa na ako ng kotse. Catchy naman kasi ang tono at lalo na ang lyrics. Hanggang sa pagbukas ko ng pintuan, hindi na ako tumigil kasi chorus na at ito ang paborito ko kaya kinanta ko with feelings.


"Say it again, 'Hamen chis! Say it again, 'Jabetis'!"


"Surprise!"


"Ay kulangot! Leche ka Miguel!" mabilis kong hampas sa pagmumukha ni Seb na gumulat sa akin sa pagka bukas ko ng pinutan. Siya ang nagbukas ng ilaw kaya sya nag pinakamalapit sa akin.


"Aray ko naman! Ano ba, nag-greet lang e!" angal nito habang hinihimas ang noo.


Sa hindi kalayuan, nakangiting nakatingin sa akin ang mga pinakamalapit sa buhay ko – sina Mom at Dad, si Ace, Val, at Chino. Naroon din si Derek, kasama si Jasmine, si Kaloy, at syempre, si Jaxx na bitbit ang inaantok naming anak. Napaluha ako sa saya.


"'Wag mo kasi akong gulatin ng ganyan! Feel na feel ko pa pagkanta ko e!" sumimangot ako.


"Oo nga, say it again! Pisbol!"


"Sikanplor!"


"Judoran!"


Tumuloy na kami sa sala kung saan patuloy na ang kwentuhan namin at nagpakandong sa akin si Justin. Naglabas si Dad ng cake na puti na may nag-iisang kandila sa isang tabi. Nang masmalapit na sya, natawa ako nang makitang may laruan na payloader truck at mixer na nakapatong at may sandamakmak na sprinkles at glitter sa isang tabi, at mga kung anu-anong chocolates na nagkalat katulad ng M&Ms, maltesers, at chocolate chips.


"Mommy, I made that for you!" excited na sigaw ni Justin habang tinuturo ang construction site sa cake ko. "Papá ate some of the chocolates." Sumbong niya.


"Chacal, there was hardly any room left for the candle. I had to." Paliwanag naman ni Jaxx.


"So you boys made this?"


Nagturuan pa silang dalawa mag-ama kung sino ang gumawa kaya inangkin na lang ni Seb na sya ang gumawa. Pinandilatan siya nag mata ni Justin.


Sabado naman kinabukasan, ibig sabihin, walang trabaho at walang pasok. Kaya naman hindi na naman tumigil kakadaldal ni Seb at Val. Nagpaalam nang matulog ang mga magulang ko bandang alas tres ng umaga at isa-isa na ring nagsiuwian ang mga bisita. Nang makaalis na silang lahat, binuhat ni Jaxx ang anak namin paakyat sa kwarto nito at nilapag sa ihaagan. Pinanood ko lang sa may pinto na nilagyan ito ng kumot at saka hinalikan sa noo.


"Thank you," bulong ko sa kanya habang palabas na kami sa gate.


"For what?"


"For this. For everything." Napatingin sya sa akin sinamantala ko ang pagkakataon na titigan ang mga mata nya. Malinaw ang mata nya ngayon, walang kahit anong hadlang. Kita ko ang mga emosyon na lumalangoy at nagsisiksikan dito. Ito ang mga mata na hanap-hanap ko, yung walang tinatago, yung kahit takot ay handang ilahad ang nilalaman. Nang mangibabaw na ang takot, siya ang unang umiwas ng tingin.


Ngumiti lang sya at pinasok ang isang kamay sa bulsa ng sweatpants niya habang ang isa naman ay humawak sa kanyang kilay. Umubo sya ng kaunti para linisin lalamunan nya.


"You're welcome. I hope you liked it. It's not like a big celebration, I know you don't like that. And Justin, well, he enjoyed baking the cake. We kind of made a mess in your kitchen and... and.." nautal siya nang dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya pero hindi sya umalis sa kinatatayuan nya.


"Go on," udyok ko.


"Scarlet, I-I can't think with you standing so close," mahina syang tumawa.


"Really? Bakit?" lumapit pa ako hanggang sa isang sentimetro na lang ang agwat sa aming mga katawan at ramdam ko na ang init ng dibdib nya. Tumingala ako at muling tinitigan ang mga mata nyang nalilito at natatakot.


Gusto kong mapawi ang lahat ng kaba at pangamba nya. Gusto kong maintindihan niya na handa na akong ialay muli ang puso ko sa kanya, na kahit hindi sya sigurado, ako sigurado na sa nararamdaman ko. Alam kong gumagawa rin sya ng paraan para mapalapit kami ni Justin sa kanya kaya ito na ang sagot ko sa mga ginagawa nya. Hindi pa man sya nagtanong, sasagutin ko na.


"W-what are you doing, Cara?" mahina nyang tanong.


"You asked me what I wanted for my birthday."


"Yeah? I mean, yeah, I did. W-what do you want?" kabado nyan tanong habang sinusuri ang mga mata ko. Alam kong kabado sya kasi nanginginig ang boses nya at halos marinig ko na ang pagtibok ng puso nya na singbilis ng pulso ko.


"You."


Nakita ko ang pagkagilta sa mga mata nya ngunit hindi ko na siya pinagsalita pa. Nilapat ko ang mga nanlalamig kong mga kamay ko sa magkabila nyang pisngi, tumingkayad at pinagdikit ang mga labi namin.


Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo nang maramdaman ko ang labi nya and it was just as I remembered them, soft, warm, and smooth. Lasa pa rin syang peppermint mocha, baka dahil sa tsokolate at sa kanyang breath mint. Dahil dito mas naging sabik akong halikan sya. After all, five years na akong walang kahalikan!


Gumalaw ang labi nya maslalong nanghina ang mga tuhod ko. Niyakap nya akong ng mahigpit gamit ang isang matipuno nyang braso habang umangat ang kabilang kamay nya sa may leeg ko at inangulo ang ulo ko para masmapalalim niya ang halik.


Nahilo ako sa tindi nyang humalik. Kamukha ng first kiss namin, nakakita na ako ng fireworks kahit hindi naman Bagong Taon at muntik nang kumawala ang puso ko sa tadyang ko at sumali sa karera ng mga kabayo sa Sta. Ana Park.


Nang pinakawalan nya na ang mga labi ko, hindi ko na kayang buksan ang mga mata ko sa labis kong panghihina. Wari ko para akong yung gomang laruan na "boneless chicken". Tumawa sya ng mahina at naramdaman ko dagundong sa dibdib nya. Niyakap nya ako ng mas mahigpit at huminga ako ng maluwag habang nakabalot sa init ng yakap nya.


"Thank you, my love," ani ko habang nakapikit at nakasandal sa kanya.


"Happy birthday, love."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top