CHAPTER 9
FIVE SENSES
CHAPTER 09: A KNIGHT AND SHINING DEMON
Warning: Many scenes are more on violence. Not suitable for a very young readers.
Nangingiting lumapit sa kanya ang lalake bago iniluhod ang isang paa at pumantay sa kanya. Itinaas nito ang hawak na scalpel bago ngumisi sa kanyang harapan.
"Hindi ko inaasahan na magagamit ko 'tong muli matapos ang sampung taon." nakakapangilabot na wika nito na mas ikinapangamba ni Andy.
Marahas nitong inalis ang mga kamay ni Andy na nakatakip sa mukha bago idinikit ang scalpel sa mukha nito. Napapikit si Andy at pinipilit na ilayo ang mukha ngunit sinampal siya ng lalake kaya napahiga siya.
"Kung hindi mo inungkat yung kaso na iyon, wala ka sana rito. Sayang ka, mukhang may mga manliligaw ka pa naman." biro nito na ikinakunot ng noo ni Andy bago ito mabilis na sinuntok sa mukha.
"Manliligaw? Wala nga akong plano na mag-asawa!" naiinis na tugon niya rito.
Napahiga siyang muli nang suntukin naman nito ang tiyan niya. Naramdaman niya ang pagsuka at nanlaki ang mata ng umubo siya ng dugo.
Dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo si Andy bago ngumisi.
"Bakit pinatatagal mo pa? Pwede bang patayin mo na lang ako? Huwag mo na ako pahirapan!" lumuluhang sabi niya pero pinanatili niya ang ngisi sa kanyang labi.
Tumayo ang lalake bago tumango ng dalawang beses.
"Gan'yan na ganiyan ang sinabi ni Recca Mae Perez habang dahan-dahan ko siyang pinapatay. Naawa ako sa kanya kaya tinuluyan ko na." natatawang kwento ng lalake na ikinataas ng kilay ni Andy.
"Bakit?"
Itinutok nito ang scalpel bago ngumiti ng malademonyo. Biglang sumagi sa isip niya ang paraan ng pagngiti ni Denum na mariin niyang ikinailing.
"Kasi masayang pumatay ng mga mahihina, mga babae. Madali silang paglaruan at saktan." sagot nito.
Dinura ni Andy ang dugo na namumuo sa kanyang bibig bago nagsalita.
"Bakit hindi na lang nararamdaman nila ang pinaglaruan mo? Bakit umabot pa sa pagpatay?" naguguluhang tanong ni Andy.
Umiling ang lalake bago muling pinantayan ang upo niya.
"Mga manggagamit ang mga babae. Katulad sila ng nanay ko na niloko si Papa kaya ayon, ako ang pumatay sa kanya na pinagtakpan ni Papa. Nagpapasalamat ako sa mama ko dahil nalaman ko kung gaano kasaya ang pumatay ng babae kaya hinanap-hanap ko na." kwento nito habang pinapaikot sa kamay ang scalpel.
Hindi nakapagsalita si Andy. Hindi siya makapaniwala sa isiniwalat nito. Hindi mahahalata sa lalake na gagawa siya ng karumal-dumal na gawain.
Habang nakatulala ay sinamantala iyon ng lalake para malapitan si Andy at mabilis na hiniwa ang kaliwang braso niya. Nanigas ang katawan ni Andy bago mabilis na itinulak ang lalake. Napahawak siya sa kaliwang braso niya bago mariin na pumikit dahil sa sakit na dulot nito. Marami ang dugo na tumutulo sa sahig dahil sa laki ng hiwa sa braso niya.
"Monggii.." nanggigigil na wika niya habang masama ang ipinupukol na tingin sa lalake.
Nakangisi itong tumingin sa kanya habang dinidilaan ang dugo niya na nasa scalpel. Napangiwi si Andy dahil sa pandidiri sa nakikita.
"Monggiii.. Nasaan na ba yung dalawang hayop na iyon?" mahinang tanong niya sa sarili.
"Huwag kang mag-alala, mamaya pa kita papatayin.. Maglalaro muna tayo." masayang sabi nito na mas ikinabahala niya.
Nakita niya ang mabilis na paglapit nito sa kanya kaya naipansalag niya ang kanang braso at doon naman nasaksak ito.
"Aray!" daing ni Andy bago sinipa yung lalake na tumilapon sa mga buto.
Napakagat-labi siya habang mabilis na binunot yung scalpel at itinutok lalake.
"Subukan mong lumapit, Sir Eros! Itutusok ko sa iyo 'to!" banta niya ngunit tinawanan lang siya nito.
"Oh, c'mon! Alam kong hindi mo maitatarak sa akin 'yan." matapang na sabi nito bago marahan na lumalapit sa kanya.
Umatras si Andy ngunit patuloy pa rin lumalapit ang lalake hanggang sa nahawakan niya ang kamay ni Andy na may hawak na scalpel. Ngunit bago niya pa maaagaw iyon ay nasuntok na siya ng buong lakas ni Andy gamit ang kanang braso na natusok ng scalpel.
Bumagsak ang lalake sa sahig kaya mabilis na kinuha ni Andy ang bag niya bago lumabas sa pintuan. Nang makalabas siya ay saka niya lang napagtanto na nasa gubat sila.
Umawang ang bibig ni Andy at napailing.
"Nasaan ako?" tanong niya sa kanyang sarili bago tumakbo.
Alam niyang ilang sandali lang ay magigising na si Eros dahil ramdam niya na hindi malalim ang pagkakatulog nito kaya dapat ay makalayo na siya.
Habang tumatakbo ay napangiti siya ng makarinig ng umaandar na kotse kaya sinundan niya iyon. Mas lumawak ang ngiti sa labi niya ng makita na papunta sa lugar niya ang kotse kaya humarang siya sa kalsada at iwinagayway ang mga kamay.
"T-tulong! Tulong!" hinihingal na sigaw niya.
Napahinto ang kotse kaya ibinaba na niya ang kamay.
"Ay, salama—"
Hindi niya na maituloy ang sasabihin ng paharurutin nito ang sasakyan at sinagasaan siya. Tumilapon siya sa kalsada at duguan.
Nanlalabo ang paningin niya na tiningnan ang bumaba na matandang lalake. Naluluha siyang nagsalita.
"T-tulong.." pakiusap niya habang kinakapa ang kalsada.
Naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya bago nagsalita.
"Pasensya ka na, mas mahal ko ang anak ko." wika ng matanda habang isinasakay siya sa kotse.
Naramdaman ni Andy na umagos ang mga luha sa mukha niya bago pumikit.
Nagising siya dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sa kanya. Dahan-dahan niyang tiningnan ang mga taong nasa harapan niya.
"Akala ko mamamatay ka na hindi ako ang dahilan," nakangising sabi ni Eros habang hawak pa rin ang scalpel. "Mabuti at nadala ka pa ni Papa rito. Ngayon ay tutuluyan na talaga kita."
Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. Puno ng sakit at kirot sa buong parte nito, isama pa ang mga dumudugong sugat na dahil sa hiwa ng scalpel.
Mapait na ngumiti si Andy.
'Kung mamamatay man ako, sana ay nakita ko man lang ang mga kaluluwa ng mga magulang ko na susundo sa akin.' malungkot na sabi niya sa kanyang isipan.
Nakita niya ang muling pagdampi ng scalpel sa kanyang balat. Naghiwalay ang kanyang mga labi dahil sa sakit na idinudulot nito.
"Huwag kang mag-aalala, tatapusin ko ito kaagad." malademonyong sabi ni Eros bago itinaas ang kamay na may hawak sa scalpel.
Napapikit si Andy at hinintay ang pagdampi ng matulis na bagay sa kanyang katawan.
"Ibaba mo 'yan!" sigaw ni Kino bago patakbong lumapit kay Eros at sinipa ito kaya nabitawan ang scalpel.
Naalarma ang tatay ni Eros at kaagad na bumunot ng baril ngunit pinatulog kaagad siya ni Denum sa pamamagitan ng pagtama ng braso sa likurang bahagi ng leeg nito.
Nang masiguradong napatulog niya ang matanda ay nilapitan niya kaagad si Andy na papikit-pikit ang mga mata.
"Andy..." tawag niya habang inaangat si Andy at tinatapik ang pisnge nito.
Dumilat si Andy at naluluhang ngumiti sa kanya.
"Akala ko papabayaan niyo na ako.."
Walang nagawa si Denum ng tuluyang lumuha si Andy sa harapan niya. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin kaya tinapik niya na lang ang braso nito. Hindi siya makapaniwala na magagawa pang makadilat ni Andy sa kalagayan niya ngayon. Puno ng pagod, sugat, dugo at luha ang kanyang katawan ngunit nagawa pa nitong makangiti sa kanya.
Mabilis na tumayo si Eros at inambahan ng suntok si Kino na nasalag kaagad niya. Sinuntok niya si Eros sa panga at nang matumba ito ay hindi niya ito tinigilan ng suntok. Nahulog ang asul niyang sombrero dahil sa lakas ng suntok niya.
"Ang kapal ng mukha mo para saktan si Andy! Walanghiya ka! Mamamatay-tao ka!" galit na galit na sabi ni Kino habang patuloy sa pagsuntok sa lalake. Huminto lang siya ng mawalan ito ng malay.
Napasuklay siya sa magulo niyang buhok bago kinuha ang sombrero at isinuot sa ulo niya. Nilingon niya ang lugar ni Andy at nahinto siya sa nakita.
Lumuluha si Andy habang nakangiti at halos yakap na ni Denum na patuloy sa pagtapik sa braso ni Andy.
Napangiti siya bago lumapit sa dalawa. Tinapik niya si Denum.
"Papunta na ba 'yung mga pulis?" tanong niya rito.
Tumango si Denum bago iniangat ang tingin kay Kino.
"Kailangan ko ng umalis," sabi nito bago binuhat ang nawalan ng malay na si Andy at inabot kay Kino. "Dalhin mo kaagad siya sa Emergency vehicle para madala siya sa Hospital." habilin ni Denum bago sinulyapan si Andy.
Tumango si Kino at muling ngumiti.
"Sisiguraduhin ko na walang makakaalam na tinulungan mo kami. Salamat."
Tumango si Denum bago napamulsa.
"Siguraduhin mo lang, binigay ko na lahat ng ebidensya lalo na ang recording na inaamin ni Eros lahat ng ginawa niya. Wala ka ng ibang gagawin bukod sa hintayin ang mga pulis na hulihin sila." seryosong sabi ni Denum bago muling sumulyap kay Andy. "Siguraduhin mo na maililigtas siya. Sana ay ito na ang una at huling pagtulong ko." huling sinabi ni Denum bago mabilis na umalis.
Saktong pag-alis ni Denum ay narinig ni Kino ang tunog ng sasakyan ng mga pulis at ambulansya. Nakahinga siya nang maluwag ng tulungan siya ng mga pulis na dalhin si Andy sa Emergency vehicle at nadala kaagad sa Hospital. Samantala, ang mag-ama ay dinala sa presinto para makasuhan.
"Andy.. Andy.."
Dahan-dahang iminulat ni Andy ang mga mata at tiningnan si Kino na nakangiting sinalubong ang paggising niya.
"Hi?" bati nito sa kanya. "Ginising kita dahil ilang araw ka ng hindi gumigising."
Kumunot ang noo ni Andy bago napangiwi.
"Monggii.." sabi niya bago sinuntok sa braso si Kino. "Ilang araw ba akong hindi nagising?"
Napaisip si Kino.
"Hmm.. mga tatlong araw na. Sabi ng doktor, ang dahilan raw ay masyadong maraming dugo ang nawala sa iyo." sagot nito.
Tumaas ang kilay ni Andy bago tiningnan ang mga benda sa halos lahat ng parte ng katawan niya. Napahawak siya sa kanyang noo na may benda rin.
"Monggiii... Bakit napakarami kong benda? Mukha na akong zombie." naiinis na tanong niya.
"Marami kang sugat at hiwa sa katawan. Nabalian ka pa ng buto sa paa kaya ilang linggo bago alisin ang benda." sagot ni Kino bago siya pinaningkitan ng mata. "Ano ba ang mga nangyari sa 'yo?"
Huminga ng malalim si Andy bago inalala ang mga nangyari.
"Hiniwa at tinusok ako gamit ang scalpel, nakipagsabayan ako at sinuntok ko siya. Akala ko ay makakatakas na ako pero dumating yung ama niya at sinagasaan ako. Binuhusan nila ako ng malamig na tubig bago binalak na patayin.." pagsasalaysay ni Andy sa nangyari bago naluluhang tumingin kay Kino. "Akala ko mamamatay na ako, mabuti na lang at dumating kayo. Kung hindi, baka hindi ko na naimulat ang aking mga mata. Salamat.."
Hinawakan ni Kino ang ulo ni Andy bago ginulo iyon.
"Hindi mo kailangan magpasalamat," umayos ng upo si Kino bago nagsalita. "Ako ang dapat magpasalamat dahil nalutas natin ang kaso sa tulong mo—"
"At ni Denum." putol niya sa sinasabi ni Kino. Tumango si Kino.
"Oo pero mas nagpapasalamat ako sa iyo, kundi ka sumali sa Club.. Walang 'Andy' na papasensya sa pagiging makulit ko. Walang 'Andy' na sasamahan ako kahit magmukha rin siyang baliw. Kung wala ka, walang Kino na makakalutas ng isang kaso." hinawakan ni Kino ang isang kamay ni Andy. "Gusto ko rin humingi ng tawad dahil napabayaan kita. Kung hindi ako pumayag sa plano ni Denum, wala ka sana sa lugar na ito. Hindi ka sana nahihirapan at—"
"At hindi malulutas ang kaso." dugtong niya bago umiling at muling sinuntok sa braso si Kino. "Hindi mo na kailangan humingi ng tawad dahil simula nang sumali ako sa Club mo, alam ko na ang mga posibleng mangyari sa akin, kasama na ito. Pero alam mo yung pakiramdam na kahit muntik na akong mamatay ay masaya ang pakiramdam ko. Kasi alam ko na ang kahalagahan ko, naiintindihan ko na ang sinasabi mong pakiramdan na may natutulungan na kaluluwa. Ang pakiramdam na hindi mararamdaman ng mga normal na tao na humuhusga sa atin. Masaya, masaya ako at hindi ito mapapalitan ng panghuhusga nila sa Club natin." nakangiti ngunit umiiyak na sabi ni Andy.
Napangiti si Kino bago yumakap kay Andy na ginantihan ni Andy.
"Salamat talaga, masuwerte ako na nakilala kita." mahinang sabi ni Kino bago bumitaw sa pagkakayakap kay Andy.
Natawa ng mahina si Andy bago sumeryoso.
"Anong nangyari sa kaso?"
Nag-iba ang kulay ng usapan nila at sumeryoso na si Kino.
"Nakasuhan na ang mag-ama. Nahanap na rin ang mga buto ng mga napatay at nabalik sa mga pamilya nila. Mas napalakas ang kaso dahil sa recording na umamin si Eros sa pag-uusap niyo." kwento ni Kino.
Tumaas ang isang kilay ni Andy.
"Anong recording?"
Napalunok si Kino bago sumagot.
"May cellphone na nilagay si Denum sa bag mo. Binuksan niya ang GPS at record ng phone na iyon dahil alam niyang posibleng mangyari 'to." paliwanag ni Kino na ikinangisi ni Andy.
"Ah, okay." naiinis na sabi niya bago bumangon.
Habang may saklay ay paika-ikang pumasok si Andy sa Detective Club. Nakita niya kaagad si Denum na abala sa pakikipag-usap kay Entice.
"Denum," tawag niya rito.
Nakataas ang kilay na tumingin sa kanya si Denum bago lumapit.
"Anong kailangan mo rito, Zombie girl?"
Mas nag-init ang ulo niya at buong lakas na sinuntok ito sa panga. Dahil nakasaklay siya ay napaatras lang si Denum.
Nagulat si Entice sa nakita at kaagad na nilapitan si Denum.
"Para saan naman 'to?" tanong ni Denum habang hawak ang namumulang panga.
Ngumiti si Andy bago ngumisi.
"Monggi ka.."
Iyon lang ang sinabi ni Andy bago lumabas ng paika-ika.
"Bakit ka niya sinuntok?" nag-aalalang tanong ni Entice.
Ngumisi si Denum.
"Ni-reject ko kasi siya." sagot nito.
Ilang segundo na nagtatakang tumitig si Entice sa binata bago kumuyom ang mga kamay nang sumagi sa isipan na mukhang may gusto si Andy kay Denum.
————END OF CHAPTER 09————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top