CHAPTER 59
AS the new month will start, the SEASON of Christmas is giving. Ramdam na ang Pasko sa Paaralan kung saan napuno ng Christmas decorations ang halos lahat ng building at mga rooms.
Ito rin ang pagbabalik nina Andy at Denum kaya hindi nakapagtataka ang mga matang nakatingin sa kanila habang sabay na naglalakad sa hallway. Habang seryosong at diretso lang ang tingin ni Denum, kabaligtaran nito si Andy na halos nagtatago na sa likuran ng binata.
“Monggggiii.... Pakiramdam ko bagong transfer lang ako rito sa sobrang daming mata na nakatingin sa akin.” halos kinakabahang bulong ni Andy.
Sa ilang linggo ba namang hindi siya pumasok ay wala na siya halos kilalang mukha sa mga nadadaanan kahit mga guro pa ang ilan dito. Dagdag pa rito ang alaala na kumalat ang larawan niya na nasa Police Station at mas lalong nagpadagdag sa panghuhusga ng mga tao.
“Aha! Long time no see...”
Isang pagsipol kasunod ng mga salitang iyon ang sumalubong kay Denum kaya nilingon niya ito. Nangingiting lumakad palapit ang isang lalake kasunod ang babaeng simisipsip ng lollipop at nakatali ang itaas na bahagi ng maikling buhok.
Sumilip si Andy para tingnan iyon at labis na gumaan ang pakiramdam nang makita sina Lylia at Krem na sumalubong sa kanila. Di tulad nuong huling pagkikita ay mas maaliwalas na ang mukha ni Lylia sa itim at maikli nitong buhok. Mas manipis na rin ang make up nito at hindi na katulad noon na pang-rakista.
“Gumaganda ka ngayon ha.” panimula ni Andy nang makaharap si Lylia, “Hindi halatang ikaw yung mukhang panda sa Music Club.” dagdag nito.
Umirap sa kawalan si Lylia bago tinaas ang isang kamay at gitnang daliro nito.
“Alam mo, sasabihin ko dapat na namiss ko kayo kaso buti di ko nagawa.” ani ni Lylia.
Inakbayan ito ni Krem bago ito na ang nagbaba ng kamay ni Lylia at nginitian si Andy.
“Pagpasensyahan mo na ‘to. Namiss ka lang niyan lalo na’t wala siyang kaasaran dito.” biro ni Krem, “Siya nga pala, pinapatawag kayo sa Principal's Office. Mukhang may mga gustong sabihin sa inyo.”
Kumunot ang noo ni Denum, “Patungkol saan?”
Kibit-balikat na inakbayan ni Lylia si Denim, “Kayo ang pinapatawag, paano namin malalaman?” tugon nito.
Hindi nakawala kay Lylia ang masamang tingin sa kanya ni Denum kaya kaagad niyang tinanggal ang pagkakaakbay at lumayo ng ilang hakbang dito.
“Ay Krem! Salamat nga pala sa mga notes na pinahiram mo, hindi ako nahirapan gawin yung mga activities namin.” masayang pasasalamat ni Andy, “Libre na lang kita tuwing Lunch para makabawi. Okay?” nakuha ni Andy ang atensyon ng tatlo.
Pigil na ngumiti si Krem, “Wala iyon. Maliit na bagay iyon kumpara sa nagawa niyo sa amin. Salamat.” bago tumingin kay Denum na tinanguan lang siya at dumiretso kay Andy.
“Pupunta ka na ba?” tanong ni Denum.
“Mamaya na. Malapit na mag-start ang mga First Subject.” sumulyap si Andy kina Krem at Lylia, “Kung gusto mo mauna ka na. Sabay na ako sa kanila.” suhestiyon nito.
Umirap sa kawalan si Denum bago nagkibit-balikat.
“Sige, mamaya na lang. After ng Lunch natin. Sabay tayong pumunta roon.” walang gana na wika nito.
Nangingiwing tumango-tango si Andy bago sumenyas kay Denum.
“Oo na. Sige na! Mauuna na kami.” paalam ni Andy bago hinala ang kambal paalis.
Kitang-kita ni Denum ang pagmamadali ni Andy habang nakikipagbulungan sa dalawa hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
“Huy, Andy! Para hindi ito ang papunta sa Building natin?” bulong ni Lylia habang nagpapahila kay Andy.
Sumenyas si Andy na huwag maingay at patuloy na hinigpitan ang yakap sa braso ng kambal bago nagpatianod ang mga ito sa kaniya. Dinala niya ito sa wala masyadong tao na lugar bago ito binitawan.
“Anong naisipan mo at dinala mo kami rito? Alam mong malapit na ang First Subject.” nakasimangot na tanong ni Lylia habang pinagkrus ang mga braso.
Paikot-ikot si Andy habang sinusundan siya ng magkapatid ng tingin at halos maduling na ito kaya hinawakan na ni Krem ang isang braso nito.
“Andy, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nito.
Doon lang natauhan si Andy at napasabunot sa sariling buhok kaya nagkatinginan ang magkapatid na parehong walang ideya sa nangyayari.
“Care to tell us?” walang pasensyang tanong ni Lylia.
Umupo si Andy sa isang mahabang bato bago tumingin sa dalawa.
“Their parents are getting an Annulment.” maikling wika ni Andy.
“What?/HA?!!” halos magakasabay na sigaw ng magkapatid.
“Yes. I overheard them last night. Hindi ko gusto marinig ang usapan nina Denum at ng mama niya pero wala na akong nagawa at hindi ako pinatulog non. Knowing na alam kong parehong maapektuhan sina Kino at Denum. Much worse ay pwedeng maiwan si Kino sa ama niya.” may pag-aalalang kwento ni Andy.
Parehong walang maisagot ang dalawa bago lumapit kay Andy at magkabilang tinabihan ito.
Krem put his hand to Andy's shoulder before tapping it.
“We have no right to intervene with them. We are just here to learn and be with them. Kung mangyari man na maghiwalay sila. Tingin mo ba hahayaan ni Kino na doon siya mag-stay sa Daddy niya? And knowing na may rights na rin ang mama ni Denum ay tingin mo ba hahayaan niyang iwan si Kino?” pilit na ngumiti si Krem, “Come to think of it, Andy. Whether it ends well or not, we are here for them. And we will not let them feel alone, unlike nuong hindi pa natin kilala ang isa’t-isa. Nandito rin kami para sa inyo.” paniniguro ni Krem.
Tumango si Lylia, “Yeah, my brother is right. You don't need to worry because I will be Mrs. De Vera ten years from now. At sisiguraduhin ko na walang makakapanakit kay Kino kahit lamok dahil babalutan ko siya ng kulambo gabi-gabi!” medyo O.A na pagkakasabi nito.
Ngumiwi sina Krem at Andy ngunit tumawa rin kalaunan dahil sa mga aksyon ni Lylia.
“Wait, alam niyo ang mga nangyari ?” tanong ni Andy na g mapagtanto kung bakit naiintindihan nila lahat.
Pilit na tumawa sina Lylia at Krem bago siniko ni Lylia si Andy.
“Ano ka ba, girl? Kalat na ang chismis sa buong School na abusive ang father ni Kino maging yung rumor na maghihiwalay mga magulang nila. Sinong hindi mahuhuli sa balita? Salamat na lag at kinonfirm mo.” natatawang sabi nito.
Kinunotan ng noo ni Krem si Lylia bago umiling.
“It is not nice to say those things lalo na’t negative ang pinag-uusapan.” komento ni Krem sa kapatid.
Ginaya lang ni Lylia ang pagkakasabi ni Krem bago nilabas ang dila para asarin ito lalo.
“Mukha mo..” Lylia stood up before waving at them, “Sige na! Mauuna na ako. May klase pa! Sumunod agad kayo! Bye!”
As Lylia left the two, they were filled with silence. As of the moment, no one wants to talk about anything.
Si Krem na ang unang tumayo at tumingin kay Andy.
“If that still bothering you, pwede mo kausapin si Denum para mas maintindihan mo ang nangyayari. But, if I were you.. huwag mo na pakialaman, Andy. It's for your sanity because inside that family is much more complicated than it look like. Pwede kang makinig at magpayo pero tingin ko, huwag ka na mangialam.” opinyon ni Krem bago tinapik sa braso si Andy at patakbong nilisan ang lugar.
Sinundan lang ito ng tingin ni Andy bago tumayo na rin at pumasok na.
During Lunch break.
Kalalabas lang ni Andy ng pintuan nang sumalubong sa kanya si Denum na nakaupo sa pasamano at nakapikit. May pagtataka na nilapitan ito ni Andy at tinapik.
“Denum?” tawag niya rito.
Humikab ito bago idinilat ang mga mata at tiningnan siya. Medyo gulat pa ito na naabutan siya ni Andy sa ganoong sitwasyon.
“Ang tagal mo naman.” reklamo nito bago bumaba sa kinauupuan at nagsimulang maglakad.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Andy habang hinahabol ang hakbang ni Denum.
“Sa Principal's Office, hindi mo ba narinig na pinapapunta tayo?” tila mainit pa ang ulo nito.
“Hala, akala ko ba after Lunch? Sasabay pa naman ako kay Krem para mailibre siya.” pagtatama ni Andy.
Natigilan si Denum at hinarap ang dalaga. Seryosong tingin ang ibinigay niya rito.
“Anong kakainin natin?” seryosong tanong nito na ikinangiwi ni Andy dahil akala niya ay susungitan siya nito.
“Ano ba? Pupunta bang Principal's Office or mag-lunch muna?” naguguluhang tanong ni Andy.
Bumuntong-hininga si Denum bago pailing-iling na hinila na si Andy papunta sa kabilang direksyon.
“Nagugutom na pala ako..” komento ni Denum habang binubuksan ang burger at bottled water na binili ni Andy.
“Wow naman. Salamat sa libre!” masayang sabi ni Lylia bago bigyan si Krem.
Ngumiti si Krem kay Andy, “Dapat hindi mo na kami nilibre. Sa susunod, huwag mo na ‘to gawin dahil alam kong may iniipon ka rin.” sumeryoso ang mukha nito kaya naintindihan ni Andy ang tinutukoy ng binata.
“Huwag mo na alalahanin iyan, maliit na bagay lang para sa atin.” pagpigil ni Andy.
Nasa Cafeteria sila ngayon at hindi mawala-wala ang mga tingin at chismisan ng mga katabi nilang estudyante.
“Hindi ba ngayon lang kumain dito iyan si Denum? Madalas nasa rooftop iyan kasama yung namatay na kaibigan.”
“Omg! Totoo nga na nakipagkaibigan na siya sa weirdong babae na iyon.”
“Oo nga! Ang chaka ng itsura ha.”
Sinutsutan ni Lylia si Andy bago nginusuan ang mga grupo ng estudyante sa hindi kalayuan.
“Sa tingin mo, sinong tinutukoy nila?” pag-uusisa nito.
Sinundan ni Andy ang tingin sa grupo bago binalik kay Lylia.
“Si Denum.” tipid na sagot ni Andy bago sumubo ng burger.
Naubo naman si Denum sa sinabi ni Andy. Umiling si Lylia.
“Yung tinutukoy nilang babae na weirdo at chaka. Parang hindi nalalayo sa iyon yon, Andy.” ngisi na wika ni Lylia.
Kumuyom ang kamao ni Andy bago sinabayan ang ngisi ni Lylia.
“Para matapos ‘to agad. Ako na ang weirdo at weirdo, ikaw ang chaka.”
Pumalakpak si Lylia at hindi pumayag.
“Di hamak na mas maganda ako sa iyo no.” sabad nito.
Umungos si Andy, “Hindi naman pagandahan ang sabi, pachakahan.”
Nagpantay ang mga kilay ni Lylia, “Hindi ba parang ganoon na rin iyon?”
“Oo. Kaya magsitahimik na kayong dalawa.” seryosong sabad ni Denum bago uminom ng tubig at tumayo.
Tumingala ang tatlo para sundan siya ng tingin.
“Oh, saan ka pupunta?” nababahalang tanong ni Krem.
“Sa labas na ako. Masyadong maingay dito. Nakakawalang gana kumain.” seryosong tugon nito habang bitbit ang mga pagkain.
Nagtuturuan sina Andy at Lylia at nag-aasaran kung sino ang may kasalanan kung bakit uminit ang ulo ni Denum.
“Buti napapayag mo siyang sumama sa atin.” puna ni Lylia habang binubuksan ang tubig ni Krem.
Sinundan ni Andy ang dinaanan ni Denum bago umiling.
“Hindi ah, bigla na lang siya sumama.”
Sakto naman na pumasok sa Cafeteria sina Alu at Gus na nakangiting kinawayan ni Krem. Lalapit na sana ang dalawa ngunit natigilan nang makita si Andy. Ngumiti si Andy at kumaway ngunit hindi siya tinugunan ng mga ito at dumiretso sa ibang lamesa. Naguguluhang binalingan ni Andy ng tingin ang magkapatid.
“Meron bang nangyari na hindi ko alam?” Andy was clueless while asking the two of them.
Nagkatingnan sina Lylia at Krem bago pinilit ngumiti at umiwas ng mga tingin.
“Good afternoon, Miss Samson and Mr. Gozo. Glad to see you here.” bungad ng Principal matapos maabutan sina Andy at Denum sa Office niya.
Humigop ito sa mainit na kapeng nakalatag sa mesa bago tumingin sa dalawang estudyante. Si Andy na ilang beses na napapalunok dahil sa kaba at si Denum na tila inaantok na sa kakahintay.
“This will not take too long. I just want to talk to you about this matter before making this Announcement. I am happy to tell you, Mr. Denum Gozo, that I will re-assign you as the SSG President. As both Mr. Pablo and Ms. Luna are not eligible for the position because of the case they have right now, the panel decided to give you another chance. I hope it's good news for you. Unfortunately, we decided to demolish the two clubs that are involved in the recent situations, which are the Music Club and the Detective Club. I have already informed the members about it, and they left me no choice but to do it immediately. We will only allow rebuilding the club if none of the past members are part of it.”
As the Principal ends, the two students have an unexplainable reactions. One is in rage and one is still lack of understanding.
Pinilit matawa ni Denum bago umiling, “Wow, a great thing to do for welcoming us back in this School, if this is how you called it. Kung iniisip niyo na matutuwa akong mabalik sa puwesto para lang hindi palakihin ang isyu patungkol sa kapabayaan ng Paaralan na ‘to ay hindi..” tumayo si Denum bago hinila si Andy patayo, “This will be my last come here. Pag-iisipan ko ang sinabi mo.” dagdag pa nito ng nakangisi bago tuluyan na hinila si Andy paalis ng Principal's Office.
Denum didn't try to turn his back while walking. He just wants to storm off from that place. Ni hindi niya napansin na nagpadala na lang si Andy sa kaniya hanggang sa makarating siya sa rooftop. Doon lang niya binitawan ang kamay ni Andy at mabilis na sinipa ang malapit na trash can.
“F-ck this school! F-ck the Rules! I should have known na wala pa rin silang balak ipatanggal yung dalawa kahit may kaso na.” napasuklay siya sa buhok bago napahilamos ang mga kamay sa mukha, “Talagang wala silang balak ibalik sa akin ang Club ha.” dagdag pa nito.
Dahil sa galit niya ay hindi niya napansin si Andy na napaupo sa sahig at napaiyak na lang habang takip ng mga kamay ang mukha.
“Hindi dapat nangyari ‘yon. Sabi ko na nga ba, tama sila. Malas ako sa kahit na sinong nilalapitan ko.” halos pabulong na wika ni Andy sa sarili.
Hindi niya inakalang ang isa sa mga Club na nagbigay sa kaniya ng mga totoong kaibigan ay mawawala at tingin niya ay kasalanan niya iyon. Ni hindi man lang niya napansin na alam na nina Lylia at Krem ang nangyari dahil wala itong sinabi sa kanila.
“Now I understand why Gus and Alu are avoiding me. Siguro naisip din nilang kasalanan ko kaya mawawala yung Club na iningatan nila.” yumuko si Andy bago napahagulgol ng iyak.
Nakapameywang na tumingin si Denum kay Andy bago lumapit dito at napailing-iling.
“Will you stop blaming yourself? Hindi mo ba nakita na nangyari ito dahil sa mga ginawa nina Rizalino at Entice sa amin. Bakit mo sisisihin ang sarili mo? Ikaw ba yung nag-utos sa kanila?” Denum blurted out with sarcasm tone.
Tumingala si Andy at sinamaan ng tingin si Denum.
“Madali sa iyo na sabihin iyan kasi walang kumakaibigan sa iyo bukod kay Jonil dahil sa ugali mo..”
Mukhang hindi inaasahan ni Denum na marinig iyon mula kay Andy kaya pinilit niyang matawa. Napagtanto ni Andy na mali ang nasabi niya kaya muli niyang tiningnan si Denum ngunit tinalikuran siya nito at tumingin lang ito sa kawalan.
“Denum...” pagtawag niya rito bago nagmamadaling tumayo at umiling, “I didn't mean to say it. I am sorry.”
“Wala akong pakialam.” tipid nitong sagot at nanatiling nakatalikod kay Andy bago tumingala at yumuko.
Lalapitan sana ito ni Andy ngunit sumenyas lang ito gamit ang mga kamay.
“Leave.” diretsong wika nito.
“Denum..” pilit pa niyang nilapitan ito ngunit isang masamang tingin ang pinukol sa kaniya.
“I said leave, Andy! O gusto mong ako pa ang magpalipad sa iyo pababa?” may galit na sigaw nito.
Nanlamig ang mga kamay at tuhod ni Andy nang makitang namula bigla ang mata ni Denum ngunit kaagad din bumalik sa normal.
“S-sige. Aalis na ako! Pasensya na.” pahabol ni Andy bago dahan-dahang humakbang paatras at patakbong umalis sa Rooftop.
Patuloy siyang tumakbo hanggang sa mabangga niya sina Lylia at Krem na nagulat sa presensya niya. Balak sana ng mga itong kausapin siya ngunit mabilis siyang yumuko at humingi ng tawad.
“I am sorry kung nawala ang Club niyo dahil sa akin. Simula nang sumali ako sa Club niyo, marami na ang naging problema. Hindi ko ginusto na mangyari iyon sa Music Club at sa Maze. Hindi ko hiniling na mangyari iyon. I am really sorry.” ramdam ni Andy ang pag-agos ng mga luha sa mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon, maging ang mga matang nakatingin sa paligid ngunit hindi niya iyon ininda at mas ginustong ipagpatuloy ang ginagawa.
Naguguluhan at parehong gulat ang mga ekspresyon nina Lylia at Krem bago nagkatinginan at lumapit kay Andy.
“Andy.. ano bang sinasabi mo? Dito ka pa talaga sa maraming tao naggaganiyan.” tila nahihiyang bulong ni Lylia.
“Iya, huwag ngayon..” bulong ni Krem bago hawakan sa braso si Andy.
Inalalayan nila si Andy na makapunta sa mas tahimik at hindi mataong lugar bago ito hinarap. Nanatiling nakayuko si Andy at tila nagdadalawang isip sa mga sasabihin niya, samantalang sina Lylia at Krem ay nakaupo sa harapan nito at hinihintay ang mga sasabihin ni Andy.
“So, you knew all this time that I was not here?” pagsisimula ni Andy matapos mahimasmasan dahil binasa ni Lylia ang mukha nito para makapaghilamos.
Inabutan ni Krem ng panyo si Andy at hinayaan muna itong matapos magtuyo ng mukha bago magsalita.
“Yes. Pagkabalik na pagkabalik namin dito ay kinausap kami ng Principal. Nung una ay nagprotesta pa kaming apat kasama sina Alu at Gus sa tapat ng Stage para lang mapigilan silang ituloy ang desisyon pero dahil sa ginawa namin ay mas pinabilis ng Principal na matigil ang operasyon ng bawat Club,” may lungkot sa tono ni Krem habang nagsasalita, “Sinabihan nila kami na kapag tinuloy pa namin ang pagprotesta ay mapipilitan silang idamay kahit ang Club niyo ni Kino which is unfair dahil wala naman kayo roon at tinulungan niyo pa akong mahanap si Lylia.” paglalahad ni Krem bago huminga nang malalim.
Tumango si Lylia bago ipinatong ang isang kamay sa balikat ni Andy at ang isa ay sa kapatid.
“Wala kang kasalanan, Andy. Lahat ng nangyari. Hindi natin ito ginusto, at kung sisisihin mo ang sarili mo sa nangyari. Parang sinabi mo na rin na walang saysay na naging kaibigan mo dahil hindi katulad ng tiwala namin sa iyo ang binibigay mo sa amin.” Lylia pouted her lips before clicking her tounge, “And besides, nawawala na rin naman ang hilig ko sa pagkanta at si Krem sa paggamit ng gitara at piano kaya hindi na big deal sa amin na mawala ang Club. Nagsosorry na rin kami kina Alu and Gus dahil kahit sila ay nadamay pero mukhang may tampo pa sila.”
Napaisip si Andy at nakaramdam ng ginhawa sa mga narinig mula sa mga kaibigan. A small smile crept on her lips.
“Sana hindi niyo nilihim sa akin. Hindi ko maintindihan bakit niyo nilihim.” Andy said before facing them.
“Ayaw lang namin na mag-isip ka pa ng hindi maganda, sa dami ng nangyari sa Pamilya kung nasaan ka ngayon. I don't think it's a good idea to add this one.” seryosong wika ni Krem. “If we offended you, we’re sorry.”
Umungos si Lylia bago umirap sa kawalan, “Ikaw lang. Ikaw lang naman gusto na huwag muna sabihin.”
“‘Cause it might cause another problem kung sasabihin agad natin.” kalmadong paliwanag ni Krem at nakipagsabayan ng tingin kay Lylia. Ilang saglit pa ay bumitaw ito at muling bumaling kay Andy, “Fine. It's my fault. I am sorry, Andy.” pag-amin nito.
Doon lang lumiwanag ang mukha ni Lylia ang tinapik sa balikat si Krem bago tinapik sa balikat si Andy.
“Now that we are settled. May isa pa tayong problema..” pag-iiba ni Lylia ng usapan.
Doon napatingin sina Andy at Krem sa kaniya.
“So, what are we gonna do with these stuff?” halos hindi maipinta ang mukha ni Lylia habang tinitingnan ang mga gamit mula sa Music Club na nasa labas na ngayon ng Clubroom nila.
Krem was side eying Andy when Lylia interfere them by picking up an Album. A photo album.
“Emir, hindi ba ito yung inuwi mo galing sa bahay ni Lola?” may pag-uusisang tanong ni Lylia habang tinataas ang hawak.
Tumango si Krem at kaagad na kinuha ang Photo album.
“I just dropped it here since ayaw itong nakikita nina Papa at Mama sa bahay.” pinagpagan niya ito bago inabot kay Andy, “Pwede bang ikaw na muna ang magtago nito? Ayan lang ang hindi ko alam kung saan ko ilalagay.” may pakiusap na tanong ni Krem.
Ngumiti si Andy at tumango bago kinuha ang Photo Album. Inusisa niya ito at tiningnan ang kabuuan.
“It looks old. Anong laman nito? Baby pictures?” tanong niya habang abala sa pagbabasa ng mga nakasulat sa Cover. Nakasulat iyon gamit ang iba’t-ibang kulay ng krayola at kita sa mga letra ang hindi tuwid na mga linya ng pagsusulat.
Puedo Verte - Blue Color
Puedo escucharte - Green Color
Puedo tocarte - White Color
Puedo sentirte -Red Color
Puedo hablar contigo - Yellow color
Abala sa paglalagay ng box si Lylia sa mga braso ni Krem na umaalalay para bumuhat kaya hindi nila napansin ang tanong ni Andy.
“Ayusin mo ang paglalagay, Iya. Baka unang hakbang palang laglag na ‘to.” medyo nahihirapang wika ni Krem sa kapatid.
Sumimangot lang si Lylia at dinagdagan pa ng isang maliit na kahon ang tatlong nasa kamay ni Krem.
“Ang dami mong arte! Hindi tayo mahihirapan nang ganito kung tumawag ka ng mga babayaran para tumulong sa pagbubuhat.” reklamo nito bago magkamot ng ulo at humikab, “Jusko! Mukhang aantukin pa ako. Bilisan na nga nating ilabas ‘to sa may gate para madaling makuha nung nirentahan nating sasakyan.” dagdag pa nito.
Abala si Andy sa pagkapa ng mga nakasulat sa Photo Album bago buksan ang unang pahina. Sumalubong sa kaniya ang punit na larawan na inilagay lang sa maliit na plastic. Dahil sa kuryosidad ay hindi napigilan ni Andy na pakialaman ito. Tumingin muna siya sa dalawang kasama bago umupo sa lapag at kinuha iyon para ayusin. Maliliit ang piraso nito kaya nahirapan siya hanapin ang tamang hugis.
Nang malapit na niyang mabuo ang larawan ngunit humangin nang malakas kaya nagkalat ang ibang piraso sa lupa.
“Hala gagi...” gulat na wika ni Andy bago pinagdadampot ang mga piraso ng mga larawan.
Saktong bumalik sina Lylia at Krem galing sa pagdala ng mga unang gamit nang maabutan nila si Andy sa ginagawa kaya tinulungan nila ito.
“Anong ginagawa mo, Andy? Bakit mo pinakialaman?” mahinahong tanong ni Krem habang sinisilid sa plastik ang mga nakuhang piraso ng larawan.
Ngumiwi si Andy bago binalingan ang dalawa, “Na-curious lang ako kung ano ang meron sa larawan at hindi niyo makumpleto. Akala ko puzzle kaya pinakialaman ko.” palusot nito.
Humina nang malalim si Lylia bago umirap sa kawalan.
“Hay naku, Andy! Nagawa mo pang ikalat ‘tong mga punit-punit na larawan na hindi ko alam kung bakit iniipon pa rin nitong kapatid ko. Magagalit na iyan kapag di mo kinumpleto yan.” iritableng wika ni Lylia habang tinutulungan si Andy sa paghahabol sa mga piraso ng larawan.
Nag-aalalang binalingan ni Andy si Krem na sumulyap sa kaniya at umiling.
“Sorry. Hindi ko na iyan papakialaman, promise!” pangako ng dalaga na nginitian lang ni Krem bago tumayo, “Hayaan mo na ‘to, kahit ako ay na-curious lang din kung ano ang meron sa larawan kaya inipon. Ni hindi ko alam kung mabubuo pa.” dagdag nito.
“Ano? Wala na bang kulang? Kung wala na, tulungan mo na kaming ilabas ‘tong mga gamit. Baka gabihin pa tayo rito kapag nagkataon.” saad ni Lylia habang tumitingin sa bumabagsak na araw.
Tumango sina Andy at Krem at nagsimulang muli sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa dati nilang Club Room. Habang nagbubuhat ay hindi maiwasan ni Andy na magtanong kay Krem.
“Hindi mo pa ba sinubukang ayusin yung larawan?” panimula ng dalaga.
Napaisip si Krem bago nilapag ang mga box sa sahig at nagkibit-balikat.
“Hindi ko na maalala ang huling beses na sinubukan kong ayusin ‘yon.”
“Kung ganoon, bakit ayaw mo pang itapon?” pag-uusisang tanong ni Andy.
Bumuntong-hininga si Krem bago ngumiti, “Nung sinubukan ko, parang may malaking parte ng buhay ko ang nawala sa akin. I just felt that way and I don't have any idea why, kaya naisip kong itabi na lang.” paglalahad nito.
Pinilit na ngumiti ni Andy kahit naguguluhan sa sagot ni Krem. Iniisip na lang niya na ganoon ka-sentimental na tao ang kaibigan niya.
“Huy! Ang tagal niyo naman! Nakadalawang balik na ako rito. Kakababa niyo palang ng mga iyan.” bungad ni Lylia habang buhat ang isang keyboard.
Nagkatingnan sina Andy at Krem bago parehong umiling dahil kada kita ni Lylia sa kanila ay puro ito reklamo.
“Minsan napapaisip ako kung bakit kita naging kapatid.” Krem blurted out that made Lylia upset.
“Anong sinabi mo?” kunot ang noo na tanong nito bago ibinaba ang keyboard at mabilis na tinaas ang kamao para ambahan ng suntok si Krem ngunit mabilis itong tumakbo pabalik sa Clubroom.
Hindi mapigilang mapangiti ni Andy at siniko si Lylia, “Ang swerte mo at may kapatid kang kagaya ni Krem.”
Sinulyapan siya ni Lylia bago ngumisi, “Mas maswerte ka dahil close kayo ni Kino, at ngayon, dumagdag si Denum na siguradong hindi ka papabayaan.”
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Andy nang maalala ang huli nilang tagpo ni Denum at ang mga nasabi niya rito. Napalunok siya ng ilang beses.
“Nung ginawa ni Denum na akuin yung nangyari para hindi ako nadamay. The moment I knew why he had set boundaries when having a close friendship with someone. Kasi siya yung kaibigan na kahit iisa lang, maasahan mo.” hindi napigilang ngumiti ni Lylia, “I wonder kung magiging kaibigan ko siya. Mukhang masaya rin siyang kaibigan.” dagdag pa nito.
Pinilit ngumiti ni Andy nabg balingan siya ni Lylia bago tumango.
“Medyo magka-ugali kayo ni Denum kaya tingin ko magki-click kayo.” tanging nasabi ni Andy bago nauna na sa pagbalik sa Clubroom para tulungan si Krem.
“Hay salamat. Natapos din...” nag-uunat pa si Lylia na kinuha ang bag bago binalingan ang dalawang kasama, “Sigurado ba kayong wala ng naiwan?”
Sumulyap sina Andy at Krem sa isa’t-isa bago parehong tumango.
“Oo/Yeah. I hope so.” sabay nilang tugon kaya inirapan sila ni Lylia at nagsimulang maglakad.
“Sige, mauuna na ako sumakay sa sasakyan. Hintayin na lang kita, Emir. Inaantok na rin ako.” paalam nito at iwinagayway ang bag habang tamad na naglalakad palayo.
Pinanood nina Andy at Krem si Lylia bago lumapit sa isa’t-isa.
“Are you sure na hindi ka na sasabay sa amin? Pwede naman naming padaanin sa Village niyo yung sasakyan bago kami umuwi.” paniniguro ni Krem habang bitbit ang bag nilang dalawa.
Pigil na ngumiti si Andy bago sinulyapan si Krem at ibinalik ang tingin sa nilakaran ni Lylia.
“After what happened, hindi ka pa rin nagbabago..” puna ni Andy, “Kaya ko naman umuwi mag-isa. Maghahakot pa kayo ng gamit papasok sa bahay niyo, ayoko na maging abala.”
“Sigurado ka? Kaya mong umuwi mag-isa? Maggagabi na.” may pag-aalala sa tono ni Krem bago iabot ang bag ng dalaga na tinanggap naman nito.
Tatawa-tawang umiling si Andy, “Alam mo, Krem. Nagagawa nga ng kaluluwa kong humiwalay sa sarili kong katawan. Sa tingin mo, may dapat pa ba akong katakutan?” biro nito bago marahang tinulak si Krem para itaboy, “Sige na. Umalis ka na. Ako na ang bahala rito sa Photo Album mo, hindi ko na ito papakialaman.” pangako niya na inilingan lang ni Krem at saka iwinagayway ang kamay para magpaalam.
“Mag-iingat ka, Andy.” huling sinabi nito bago siya talikuran at patakbong umalis.
Nang mawala na sa paningin si Krem ay doon lang nagsimulang maglakad na si Andy paalis. Nakakailang hakbang palang siya nang may malakas na hangin ang dumaan sa kaniya dahilan para magsihulog ang mga tuyong dahon sa mga puno na nakapaligid sa Paaralan.
Humigpit ang hawak ni Andy sa bag bago huminga nang malalim at hahakbang na ulit ngunit may humawak sa kaniya kaya agad niya itong binalingan ng tingin.
“D-denum..” mahinang bigkas niya sa pangalan nito.
Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya bago bumaba ang tingin sa hawak niyang Photo Album. Ilang segundo itong nakatuon ang atensyon rito bago muling tumingin kay Andy.
“Tara na, mag-gagabi na.” seryosong wika nito at nauna na sa paglalakad.
Tiningnan naman ni Andy ang likurang bahagi nito at napabuntong-hininga matapos maalala ang nangyari kanina. Biglang bumigat ang pakiramdam niya sa naisip na nagawa pa siyang isabay ni Denum pauwi kahit hindi maganda ang huli nilang pagkikita.
“Ano? Hindi ka ba sasabay?” muling nagsalita si Denum nang huminto ito at nilingon siya saglit.
Doon lang nagawang humakbang ni Andy, “Sandali lang..”
Halos sabay ang hakbang nila ngunit may kung ano na pumipigil kay Andy na magsalitang muli hanggang sa may makita siya sa lupa kaya napahinto siya sa paglalakad.
Mabilis niya itong dinampot, “Oh, meron pa palang naiwan na kaputol nung larawan.” komento niya bago buksan ang Photo Album at ilalagay na sana ang hawak niya nang magsalita si Denum.
“Anong ginagawa mo?” kunot ang noo nito bago lumapit sa kaniya.
“Ah wala, nakita ko lang yung kaputol nung larawan dito sa Photo Album na pinapatago ni Krem sa akin.....” hindi na siya nakapagsalita matapos makita ang hawak na kaputol ng larawan.
Huli na nang mapagtanto niyang kilala niya ang isang kaputol nito at naguguluhang tiningnan si Denum na nakatingin na rin ngayon sa larawan.
“This was me when I was a kid.” naguguluhang wika niya.
— END OF CHAPTER 59 —
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top