CHAPTER 56

CHAPTER 56: EVIDENCE

DENUM is still unconscious after they rushed him to the Hospital. Andy was shocked when she saw how Denum was badly injured compared to what his condition when they last talk.

Ni hindi malaman ni Andy kung ano ang sasabihin nang magkita sila ni Demmy at kukwestiyunin ang kalagayan ng anak. Tanging pag-iling lang ang nasabi ni Andy bago umiyak dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang makialam o labas siya sa gulo ng pamilya.

She was traumatized at what she had seen when she goes back at the Police Station after assuring Demmy that Denum was fine. Halos manlambot siya at hindi na nakapagsalita lalo na ng makita niyang palabas ang salarin kung bakit lumabas na bugbog sarado si Denum.

“Kino,” Andy said when she realized that someone is watching her.

Kino is silent while carrying his IV Fluid, hindi makikitaan ng anumang emosyon ang mga mata nito na siyang ikinabahala ni Andy.

‘Did he heard what I said to Krem?’ Andy asking herself.

Wala namang naisagot si Krem matapos ang tanong ni Andy ngunit alam niyang naiintindihan ng binata ang tanong niya ngunit hindi na lang ito sumagot. Gayunpaman, ang tanong na iyon ay alam niyang maaaring narinig ni Kino at dahilan kung bakit ganito ito umakto.

After a moment of silence, she felt something holding her hair in a gentle manner. Tumingala si Andy at nahuli ang mga tingin ni Kino sa kaniya. Seryoso pa rin ang mukha nito ngunit maya-maya pa ay nginitian siya.

“What are you doing?” kukwestiyon ni Andy sa binata.

Imbes na tumugon ay nilapit lang nito ang ulo sa bandang tiyan nito at ipinalibot ang mga braso sa leeg para yakapin siya. Maya-maya pa ay naramdaman ni Andy na nababasa ang buhok niya kasunod nito ang paghikbi mula kay Kino na ikibahala ni Andy.

“Kumag, bakit ka umiiyak?” akmang aalisin niya ang pagkakayakap ni Kino ngunit tumaliwas ito at mas niyakap pa siya. Sinandal ni Kino ang ulo niya sa buhok ni Andy at nagsimulang umiyak.

“Stay still, please. I just want to compose myself before telling you something.” sa gitna ng mga paghikbi ay nagawa pang magsalita ni Kino.

Naguguluhan man ay walang nagawa si Andy kundi ipalibot ang mga braso sa beywang ni Kino at hayaan itong gawin ang gusto. Dahil sa tagal ay hindi na naramdaman ng dalawa ang dilim ng paligid.

Bumili si Andy ng maiinom bago binalikan si Kino na nakatingin sa kawalan at namumula ang ilong at maluha-luha pa ang mata dahil sa pag-iyak. Tila wala pa itong balak pakawalan si Andy kundi pa nagsabi ang huli na nauuhaw na siya.

Andy handled Kino a bottle of water before sitting beside him. Pinanood ni Andy kung paano ininom ni Kino ang binigay niya bago binuksan ang hawak na tubig at ininom ito.

Matapos nito ay nabalot sila ng katahimikan. Tila pinapakiramdaman nila ang presensya ng bawat isa, hindi nakawala kay Andy ang pahagip na tingin ni Kino bago tumingin sa kawalan.

“It was a long day indeed..” basag ni Andy sa katahimikan, “After what happened, I don't know if I can say anything about what you are gonna tell me.” dagdag niya na nagpangiti kahit papaano kay Kino.

Tumingin si Kino sa dalaga na tumingin din sa kaniya.
“You don't have to say anything, just listen to me. That's all I need.”

Ngumuso si Andy bago ibinaba ang hawak ng bote ng tubig at inilapat ang mga kamay sa inuupuan.

“Then I am all ears.” kibit-balikat na tugon ni Andy bago tiningnan si Kino.

That made Kino feel more open to say his thoughts.

“Do you remember the time when we go to Tanay? My parent's took us in a Resort.” panimula ni Kino.

“Yes. I remember that. Iyon yung time na  kinailangan kong samahan si Denum dahil nangako ako sa kaniya.”  pag-alala ni Andy sa tinutukoy ni Kino.

Kino nodded, “That was the time we only spent a time as a family. Never sumama si Denum sa mga family vacation at most importantly, never siyang umuwi sa bahay. Sa labas lang siya nakikipagkita kay Mommy.”

Medyo lumakas ang hangin kaya hindi maiwasang mapaisip ni Andy.

“It’s because of Tito Kris, right? Does your father did something to Denum before?” biglaang tanong ni Andy.

Kino was caught off guard. Nabigla siya sa sinabi ni Andy, tila hindi niya inaasahan na iyon ay manggagaling sa dalaga.

Umayos ng upo si Andy bago tinitigan si Kino. Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan.

“If you are not comfortable in opening this topic, it's better not to talk about—

“Yes.”

That simple makes Andy trembling. She finally found out the reason why Denum have that behavior. He was a cold man, aloof and distant.

“So, it's true that villains are not born, their made.” mahinang usal ni Andy.

Yumuko si Kino bago magsimulang tumulo ang mga luha nang maalala ang mga ginawa ng ama kay Denum.

“When we were younger, Denum and I used to have a sibling relationship. Halos hindi kami mapaghiwalay kahit alam namin hindi kami tunay na magkapatid. But suddenly, that changes when my father's business started to bankrupt. Lahat ng frustrations at stress niya ay nabubunton niya kay Denum without Mommy's knowing. Ginagawa niya iyon kapag may trabaho si Mom. That continues until Denum can't take it anymore and he lives the house. Ni walang ideya si Mommy kung bakit ginusto ni Denum na lumayas kaya minabuti niyang huminto sa pagtratrabaho at suyuin ang anak niya but we already lost him. Ang Denum na minahal niya ay hindi na ang mapagmahal na Denum na iniwan niya sa akin. And that was all my fault.. If only I fought his freedom from my father. Hindi sana mahihirapan si Mommy na hanapin ang anak niya. She treats me like a son without knowing na ako ang dahilan bakit nagkaganun ang anak niya. It's all messed up, I am all messed up kaya siguro hindi rin ako masyadong nakikipagkaibigan because after all I don't deserve to have one. Hindi ko yon deserve not until I saw you in that minimart. First time ko naramdaman na gusto ko magkaroon ng totoong kaibigan. I am thankful to have you and feel sorry for Denum’s at the same time.” mahabang pahayag nito habang umiiyak.

Kino is trembling and Andy couldn't bare it. She hugged Kino and comfort him.

“I was afraid my father would abandon me, so, I kept my mouth shut. I thought letting Denum away can make my father forget what he did. But things got worse, I don't know what to do anymore Andy. It makes me feel sad thinking he did that again to Denum.” Kino hold Andy’s arm while sobbing.

Pinatong ni Andy ang kamay sa ulo ni Kino at hinagod iyon.
“Maybe this happen for you to finally tell Tita Demmy the truth. To let your words free from the fear you were holding through the years. Denum wouldn't let us be with him if he didn't saw this coming. I know he was still thinking if you would do the same thing you did in the past. Thus, it make any difference if you lie again to Tita Demmy? Makakabuti ba sa pamilya mo ang pananahimik mo?” patuloy siya sa paghagod ng buhok ni Kino.

Biglang lumakas ang hangin at napansin niyang may nakatayong tao hindi kalayuan at nang titigan niya iyon ay bigla itong nawala. Nakaramdam ng kaba si Andy sa tagpong iyon.



“Kumusta?”

Naabutan ni Krem na nakaupo ang kapatid sa Hospital bed habang nagbabasa ng mga libro.

“Ito feel guilty and betrayed.” malungkot na wika ni Lylia habang nagbabasa.

Sandaling nangunot ang noo ni Krem bago umupo sa gilid ng kama ni Lylia.
“At bakit naman?” painosente niyang tanong.

Umangat ang isang kilay ni Lylia bago sinarado ang binabasang libro at tiningnan ng diretso ang kapatid.

“Nang-aasar ka ba?” inis na tanong nito bago may tinuro kung saan, “That guy thinks it make him cool in confessing lies and let me free even though we are the victims!!” ramdam ni Krem ang gigil ni Lylia ngunit pinanatili niyang kalmado.

“Ginawa niya ‘yon to help us. Isn't it coll to have a friend like him?”

“He is not my friend. Ni hindi nga kami magkakilala talaga.” pag-iling ni Lylia.

“But isn't it cool to help you even though you are not close? Kasi kung ako iyan, I will be grateful to have someone na tutulungan ako kahit hindi ko gaano kilala.” Krem took the book in his sister's hands before reading it.

Napaisip si Lylia bago tumingin sa kapatid.
“Where is he now? Sina Kino. Nasaan sila?” pag-iiba nito ng usapan.rt

“Denum is in the ICU right now. Si Papa ang naghahandle sa kaniya and he said it will took him days to recover for the severe head trauma he got.” pagku-kwento ni Krem na hindi alam kung tama na ipinaalam agad sa kapatid ang nangyari kay Denum, “Narito rin sa Hospital si Kino at Andy dahil naabutan si Kino na walang malay sa comfort room. I saw Andy kanina, she told me that he was okay now.” dagdag pa nito.

Naguguluhan tumingin si Lylia sa kapatid, “Denum is in the ICU? How?! Maayos pa siya nung iniwan natin siya.”

Huminga nang malalim si Krem bago hinawakan ang pisnge ng nakakatandang kapatid at tipid na ngumiti.

“Their parents are here. They bailed him out in the prison.” may tensyon ang mga tinginan ng magkapatid bago parehong napaisip.











After letting the others to go outside, Denum can now think freely on what he will do next to prove their innocence.
He closed his eyes as he tries to remember what happened that night.

The abduction. Bloods. Chains. Cigarettes. Liquors. Scissors and woods.

Dumilat siya at tila bumalik siya sa pinangyarihan ng krimen. Kitang-kita niya kung paano siya binugbog ng mga kasama ni Entice. Nilibot niya ang mga mata at nakatutok sa isang bagay na naroon na tiyak niyang hindi maaalis at pwedeng maging ebidensya dahil tinago niya iyon bago sila umalis.

As he concentrate, he realizes that someone is watching them outside the window. Dahan-dahan niyang nilapitan ang bintana para tingnan iyon at kumunot ang noo nang makilala kung sino iyon.

It was Andy, no, she looks like Andy pero maitim ang mga labi nito at itim ang suot na damit. As he stares at it, the more it get closer to him. Before he could step back, he feels a hard thing punching his face.

Kaagad na nawala sa konsintrasyon si Denum at tumumba sa sahig. Mabilis niyang idinilat ang mga mata at tiningnan kung sino ang sumuntok sa kaniya. Napalitan ng ngisi iyon nang makilala kung sino.

It was Kris, Kino’s father.

Kitang-kita niya kung gaano kapula ang mukha nito ngayon dahil sa galit at hindi niya mapigilang matawa habang pinapanood ito.

“How dare you did that to my niece?! At talagang si Entice pa ang ginawan mo ng ganoon?! Alam mo bang gusto kang  makulong ng mga magulang niya habang buhay? Kundi dahil sa pakiusap ni Demmy, I would let you die here freaking bastard!!!” pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay pinagsisipa naman niya si Denum na walang ibang ginawa kundi tanggapin ang pananakit ng step-father niya.

“Isa kang bastardo! Sana hinayaan ka na lang ni Demmy dahil kumpleto naman kami kahit wala kang tarantado ka! Wala kang galang! Pati pamilya ko dinala mo sa kahihiyan!!”

Kung ibang bata iyon ay tiyak na iiyak at makikiusap ngunit tinalikuran na ni Denum ang batang siya at ginawa ang dapat niyang gawin para mas maging malaya.

Ang maglayas at mamuhay mag-isa.

Kahit kitang-kita na nahihirapan ay walang tigil na pinagsusuntok sa sikmura at tinadyakan ni Kris ang binata. Tila nalimutan nitong anak si Denum ng mahal niyang asawa.

“I hope for years Demmy would abandon you, but you are her only son. Kung pwede lang na ipapatay ka na lang pero alam kong malulungkot din ang anak ko kapag ginawa ko yon, so, I let you alive for years. Kahit wala kang ginawang maganda sa pamilya, I let you live for years at ngayon ito ang isusukli mo. Walanghiya ka!! Bastardo!” galit na galit si Kris bago hinablot ang kuwelyo ni Denum gamit ang magkabilang kamay at hinila ito patayo.

“Ang dapat sa iyo ay hinahayaan na mamatay! Demonyo ka! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!!”

Kahit puro dugo, sugat at pasa at nagawa pang tingnan ni Denum si Kris sa mga mata nito.

“You didn't change for years. No wonder kung bakit tingin ni Mama ay perpekto ka dahil isa kang perpektong balimbing. Nag-artista ka dapat, you have that special talent for years. Huwag mo sayangin.” Denum said before spitting out a blood on Kris face.

Mas lalo lang nagalit si Kris at pinagsusuntok sa sikmura si Denum bago iuntog ng ilang ulit sa pader.

“Tarantado kang bata ka! No wonder you don't have any friends right now. Isa kang bastardong gusto makisiksik sa pamilya ko. I am grateful I didn't give you my surname! Kahihiyan ka! You, ungrateful child!” matapos ang ilang ulit na pag-untog kay Denum ay hindi nawala ang ngisi sa labi nito kahit umaagos ang dugo pababa sa leeg niya.

“Ano kayang sasabihin ni Mama kapag nalaman niyang sinasaktan mo ako? Hmmm, be thankful dahil I kept my silence for years. Ayokong sirain ang binuong pamilya ni Mama. You, ungrateful old fugitive.” sabat pa niya bago tuluyang manghina.

Bago pa makasuntok ulit si Kris ay tuluyan na bumagsak si Denum sa sahig. The last thing he saw was Andy  crying and begging for help while holding him.


“Denum! Tulong! Denum! Gumising ka! Tulong!!”


After that he felt something unusual and the light becomes shining vividly than the usual. Dahan-dahan na idinilat ni Denum ang mga mata at sumalubong sa kaniya ang natutulog na si Andy. Nakayakap ito sa sarili habang nakahiga sa sofa sa gilid ng hospital bed yakap ang malaking stuff toy na tinatawag nitong ‘Komasan.’

Tinitigan niya ang dalaga at napansin na  ito ang suot nitong damit nung huli niya itong nakita bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin at tsaka lang napagtantong nasa Hospital siya.

“Akala ko nasa langit na ako, naalala kong demonyo pala ako.” Denum smiled and before he could laugh a sudden pain in his head surround him.

Napaigik siya at napansin na nakabenda ang ulo niya. Doon lang niya naalala na hindi panaginip ang mga ginawa sa kaniya ng ama ni Kino.

“That man..” kumuyom ang kamao niya nang maalala ang lalake at bago pa niya mailabas ang galit ay may tumawag sa kaniya.

“Denum..”

Tiningnan niya iyon at nakita si Andy na pahikab-hikab pa habang bumabangon at yakap ang malaking stuff toy. Umiling-iling si Denum bago kumunot ang noo.

“Matulog ka pa, bukas mo na ako kausapin. Magpapahinga pa ako ulit.” pipikit na sana siya ulit ngunit naramdaman niyang may dumagan sa kaniya.

Si Andy iyon na nakapatong ang kalahati ng katawan habang yakap siya.

“Oh my god! Sa wakas! Nagising ka na! After a week! Akala ko mapupunta ka na sa impyernong demonyo ka!” bakas ang tuwa sa tono ng pananalita ni Andy.

Ngumiwi si Denum at ipinilig ang ulo bago marahang tinutulak palayo si Andy.

“Ano ba? What's with all this drama? Hindi pa ako mamamatay dahil nangako akong sasamahan kita next school year.” nakasimangot na wika ni Denum bago pinipilit na itulak palayo si Andy ngunit mas humigpit lang ang yakap ng dalaga bago nabalot ng katahimikan.

Maya-maya pa ay naramdaman ni Denum na nababasa ang suot niyang Hospital gown kaya napagtanto niyang umiiyak si Andy.

“Are you crying? Para saan? Hindi naman ako namatay, huwag mo ako iyakan.” seryosong wika ni Denum pero mahinang hinampas ni Andy ang dibdib nito bago umangat ang mukha para tingnan siya.

Doon niya nakita ang malungkot na mukha ng dalaga.
“Inabot ka ng isang linggo. Akala namin ni Kino hindi ka na magigising. Halos dasalan na namin lahat ng simbahan kahit alam naming walang epekto dahil demonyo ka. Pero ginawa pa rin namin tapos ayan sasabihin mo sa akin. Tarantado.” naluluhang yumuko si Andy bago muling umiyak habang nakayakap kay Denum.

Denum was speechless as he tries to comfort Andy with a simple tap on her shoulder.

Without Denum’s knowledge, Andy’s crying because she now understand how alone Denum was all these years. Nakaramdam ng guilt si Andy nang hayaan si Denum mag-isa sa loob ng interrogation room at hindi agad nakabalik para matulungan ang binata.


Madaling araw palang pero hindi na nakatulog ang dalawa at napagdesisyunang kumain.


“Cup noodles lang nabili ko sa labas. Wala pa kasing bukas na tindahan. Panget naman pagkain sa Canteen dito, hindi mo magugustuhan.” halos pabulong na wika ni Andy nang makita na pumasok ang isang nurse para i-check ang kalagayan ni Denum.

Napapailing na nagpigil ng ngiti si Denum habang chinicheck ng nurse ang lagay niya.

“Mr. Gozo, tinawagan ko na ang magulang mo para ipaalam na nagising ka na. Nasabihan ko na rin si Doc. Regino para macheck ka agad mamaya. Sige, mauuna na ako.”pagpaalam ng nurse.

Nang maiwan ang dalawa ay mabilis na nilapit ni Andy ang naluto ng cup noodles sa binata.

“Mainit ‘yan ha? Dahan-dahan lang sa pagsubo.” wika ni Andy bago bumalik sa sofa at doon sinimulan kainin ang cup noodles niya.

Nakasimangot si Denum habang pinapanood si Andy sa pagkain na kaagad na napansin ng dalaga at may natira pang noodle sa bibig habang tinitingnan si Denum.

“What? Ayaw mo ba?” puno ang bibig na tanong niya sa binata.

Ngumiwi si Denum at umiling, “Kakagising ko lang and you will let me eat this all by myself?”

Kumunot ang noo ni Andy bago humigop ng sabaw mula sa cup noodles, “Bakit? Hindi ka na baldado para hindi makakain.”

Ngumuso si Denum, “Yeah, but I was comatose for a week. My muscles are very weak and at this state I can't even hold the cup for a minute.”

“What do you want me to do?Gusto mo ba i-baby pa kita?” sarkastikong tanong ni Andy bago sumubong muli ng noodles.

Ngumisi si Denum bago tumango, “Yes please, baka manghina ulit ako kapag pinilit ko gumalaw-galaw. Baka hindi na naman ako magising ng isang linggo.”

Tumigil sa pagkain si Andy at nakasimangot na ibinaba ang cup noodle na kinakain bago padabog na tinungo ang kama ni Denum. Hinablot ang cup noodles nito at walang pasabing sinubuan si Denum.

“Wala ka bang balak hipan muna? Mainit pa ‘yan.” reklamo nito.

Ngumiwi si Andy bago sinunod ang gusto ni Denum at sinubo muli rito ngunit umiling si Denum.

“Sabihin mo nga, ‘Say ahhh~’.” seryosong wika nito.

Kumunot ang noo ni Andy bago umirap sa kawalan.

“Ano na namang arte to?” naiinis na tanong ni Andy.

Denum smiled mischievously before smirking.

“Sabi mo ‘di ba, i-baby mo ako. Then do it.” paghahamon na wika nito, “Huwag mo ako tanungin kung di mo gagawin. Parang gusto ko na lang tuloy ma-coma ulit.”

“Fine! Gagawin na. Daming arte.” nangingiwing sabi ni Andy bago iminuwestra ang mga kamay para subuan si Denum, “Say ahhhhh~”

Parang bata na ngumiti si Denum at ibinuka ang mga bibig niya para tanggapin ang sinubong noodles ni Andy.

Tatawa-tawang umiling si Andy, “Ganiyan ba epekto ng pagiging coma sa iyo? I wish I never experience that. Cringe.”

Tatawa-tawang tumango si Denum, “Can’t wait to babysit a stuff toy hugger.” biro nito.

Nanlaki ang mata ni Andy bago pinigilang matawa.
“Huwag mo nga akong biruin! Pinadala ko lang yan kay Kino dahil ayokong umuwi hanggat hindi ka nagigising. Ayokong maghintay mag-isa kaya dinala ko si Koko.” paglalahad nito.

“Don’t tell me you didn't wash for a week?” puno ng kuryosidad na tanong ni Denum.

Namilog ang mata ni Andy, “Hala, paano mo nalaman?”

Namimilog ang mata na ngumiwi si Denum at kinikilabutan na tinulak palayo si Andy.
“That’s why it smells. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.” biro nito habang nagtatakip ng ilong.

Ngumiwi si Andy bago sumimangot, “Masyado lang akong nag-alala na hindi ka magising kaya nakalimutan ko na maligo. Pero ngayon gising ka na, makakauwi na ako mamaya.”

“At bakit?”

“Kasi mapapalitan na ako ni Tita Demmy. Sure akong matutuwa iyon na makitang gising ka na.”

Nawalan ng gana si Denum at humiga muli sa kama na ipinagtaka ni Andy.
“Magpadala ka na lang ng gamit mo at ikaw ang mag-alaga sa akin. Huwag mo akong ibigay sa kahit kanino.”

“Pero—

Hindi na nagsalita pa si Andy nang maalala ang sitwasyon ni Denum at ni Kris. Maaaring ma-trigger ang trauma ni Denum kapag nakitang muli ang step-father nito kaya wala na siyang sinabi at bumalik na lang sa sofa.








END OF CHAPTER 56






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top