CHAPTER 55

CHAPTER 55

“Denum, anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Andy habang nag-uusap sila.

Nasa Interrogation Room pa rin silang dalawa habang si Lylia ay natutulog habang nakasandal sa balikat ni Krem na natutulog din.

Saglit siyang tiningnan ni Denum bago dumiretso ng tingin sa kawalan.

“I will take the responsibility. Sasabihin ko na ako ang dumukot sa kanila at nadamay lang si Lylia dahil sinundan niya kami.” diretsong sabi ni Denum.

Andy is silent while staring at Denum. She is still processing what Denum said and the moment she realizes, a lone tear is falling down on her cheek.

“No, you are not doing that. Aren't you?” pinilit na ngumiti ni Andy kahit bakas sa boses niya ang takot.

“Pinag-isipan ko rin ito ng ilang oras, Andy. At naisip ko na kung lahat kayo madadamay, bakit?” he answered it with another question before facing Andy.

Kumunot ang noo ni Andy bago hinawakan sa braso si Denum, “Anong ‘bakit’? Hindi mo ba naisip kung anong mangyayari kapag umamin ka sa krimen na hindi mo ginawa?”

Ngumiti si Denum bago punasan ang nag-iisang luha ni Andy at tapikin ang pisnge niya.

“I know, ‘di ba kakasabi ko lang na ilang oras ko pinag-isipan? Alam ko ang mga posibleng mangyari bago ko gawin, Andy. At alam kong ikaw ang makakaintindi sa akin kaya sa iyo ko unang sinabi.” paliwanag ni Denum.

Mariing umiling si Andy, “Denum, no.. huwag mo isipin na iyan ang solusyon para sa nangyayari ngayon. May maiisip pa tayong paraan, basta, huwag mong gagawin iyan. Isipin mo ang sasabihin nina Tito Kris at Tita Demmy kapag nalaman nila ang ginawa mo. Maging si Kino, hindi siya papayag sa gagawin mo.” pagpigil ni Andy.

Pero buo na ang desisyon ni Denum at ngumiti na lang kay Andy bago tumingin muli sa kawalan.

“Naalala mo pa ba yung sinabi ko sa iyo nung hinahanap natin ang katawan mo sa gubat?” Denum asked out of nowhere.

Sinundan ni Andy ng tingin si Denum habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya ngunit hindi niya sinagot ang binata.

“Sinabi ko sa iyo na kapag nahanap ko ang katawan mo, sa akin ka sasama next school year lalo na at wala na si Kino. And guess what?” pilyong sabi ni Denum sa dalaga.

Nagtatanong ang mga mata ni Andy na tinitigan si Denum. Ngumiti si Denum at itinaas ang butones bago inabot kay Andy. May pagtataka itong kinuha ng dalaga at napagtanto na ito ang butones ng suot niyang polo shirt.

“Natanggal iyan nung sinubukan kitang buhatin, narinig ko ang tunog ng mga paparating na pulis kaya ibinaba kita at kinuha ko ang butones na iyan bilang katibayan na hindi ako nagsisinungaling.” salaysay ni Denum.

Mariing pumikit si Andy bago yumuko at agad na tinakpan ang bibig para pigilan ang mga hikbi na gustong kumawala sa kaniyang bibig.

Hindi niya lubos maisip na gagawin iyon ng binata para lang mapatunayan na seryoso ito makipag-kaibigan sa kaniya, samantalang ang mga desisyon niya kani-kanina lang habang kausap si Kino ay lumayo sa mga ito. Dahil sa butones na hawak niya ay napatunayan niyang may mga taong itinuturing siyang normal at hindi siya tinitingnan bilang malas or sumpa sa buhay ng mga ito.

Hinawakan ni Denum ang braso ni Andy at marahang tinapik iyon.
“Tumigil ka nga sa pag-iyak mo. Ano na lang ang iisipin ng mga kasama natin sa kwarto kapag naabutan nilang ganiyan ka?” pinanatili nito ang pilyong tono na mas nagpaluha kay Andy.

“Huwag mong isipin ang mangyayari sa akin. Hindi ako papayag na makulong dito lalo na’t may kasunduan tayong ako ang sasama sa iyo sa susunod na taon. Huwag ka na umiyak, hindi bagay sa iyo.” tatawa-tawang pagpapatahan nito kay Andy kaya sinamaan siya ng tingin ng dalaga.

















“What do you mean, Andy? Aakuin niya ang kasalanang hindi niya ginawa?” halos hindi maipinta ang mukha ni Denum habang kausap sina Andy at Krem.

Andy pursed her lips avoiding the stares of the two men but ended up facing Kino.

She nodded, “Y-yes.”

Namimilog ang mata na hinampas ni Kino ang mesa kung nasaan sila, “That’s bullshit!” sigaw nito.

Parehong napaigtad sina Andy at Krem bago humawak si Krem sa kamay ni Andy.

“It’s his decision. I wonder how he come up with that idea.” napapaisip si Krem bago umiling kay Andy, “Panigurado akong magagalit si Lylia kapag nalaman niya ang gagawin ni Denum.” dagdag pa ni Krem.

“Yah right, but it's for her sake.” may diin na wika ni Kino bago napahilamos ng mukha, “Papaano ko sasabihin sa mga magulang namin ‘to? Ang demonyong iyon. Anong naisip niya para mag-come up sa ganoon??” ginulo ni Kino ang buhok nitong walang sumbrero.

Kumuyom ang kamao ni Andy bago tinitigan nang maigi si Kino.
“At iniisip mo pa talaga ang sasabihin ng magulang mo? Imbes na mag-isip tayo ng paraan para makahanap ng ebidensya na magdidiin kina Entice, Rizalino at mga kasama niya. Talagang iisipin mo pa ang idadahilan mo, Kino?” confusion filled her emotions.

Nagtaas ng dalawang kamay si Kino, “Sorry, okay? Nagkahalu-halo lang ang mga ideya sa isip ko. Nalilito na rin ako, mas nalito pa ako sa sinabi mong gagawin ni Denum.” napahilamos muli ng mukha si Kino bago napamura ng mahina, “F*ck.. f*ck.. f*ck. Hindi sana mangyayari ito kung hindi nanggulo sina Entice.”

“What if we go back to abandoned house where we saw them? Imposibleng walang naiwan ni isang ebidensya ang mga iyon.” Krem pursed his lips before continuing, “But they got framed them. That means, nalinis na nila ang lahat ng pwedeng maging ebidensya para masigurong madidiin sina Lylia at Denum.” dagdag nito.

Andy nodded, “You got a point. But, what if there is one? Kahit maliit na ebidensya na magtuturo sa kanila. We didn't try it yet, bakit hindi natin subukan?”

Pinagkrus ni Kino ang mga braso bago umiling, “No, we can't do that right now. Alam niyong mainit pa ang kaso, that means.. the authorites are still finding a clue at pwedeng matulungan natin silang idiin yung dalawa kapag nagpunta tayo sa crime scene. Pwede pa tayong mapasama sa kakasuhan.”

Krem and Andy looked at each other before giving up their hopes on helping Denum ang Lylia.

“It looks like we can't solve this in a normal way of thinking. We can solve this in our own way of solving things.” makahulugang wika ni Andy.
































“Krem, hayaan mo akong bumalik sa loob.. please. Hindi ako papayag na akuin niya iyon. Hindi naman namin ginawa iyon, bakit niya aakuin?” ilang beses na ang pangungulit ni Lylia sa kapatid nito. With her tearful eyes, she is willing to convince the Police that Denum’s statement are false.

Hindi pa rin magawang maiuwi ni Krem ang kapatid na si Lylia dahil hindi ito pumapayag sa ginawa ni Denum. Tinapik ni Kino ang braso ni Lylia bago lumuhod para pantayan ito dahil ito lang ang nakaupo sa mahabang upuan.

“I know it's not easy for you, for us also. But I know Denum, he will not act without thinking what would be the outcome of every chess pieces before using it. I know my brother. Hindi niya ginagawa iyon para makonsensya ka, ginagawa niya rin iyon para mabawasan ang iniisip niya at makapag-focus siya.” paniniguro ni Kino kay Lylia.

Doon lang kahit papaano ay kumalma si Lylia kaya hinawakan ni Krem ang mga kamay nito para maramdaman ng dalaga na hindi siya nag-iisa.

“Hayaan mo akong samahan ka na pumunta sa Hospital. Ako ang kakausap kina Papa at Mama para magamot ka na rin,” yumuko si Krem para tingnan ang mga pasa at sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Lylia, mariin siyang pumikit para pigilang maluha sa sitwasyon ng kapatid bago tumingala para tingnan itong muli, “Huwag ka’ng mag-alala kay Denum, oras-oras akong makikibalita kina Andy kung ano ang nangyayari para mabawasan ang pag-aalala mo.” dagdag niya.

Tumingin si Lylia kina Andy at Kino na pinapanood siya habang inaalalayan ni Krem na makatayo. Ngumiti si Andy at tinapik ang braso niya.

“Kami na ang bahala kay Denum, magpagamot ka na muna.” paniniguro ni Andy.

Hinawakan ni Kino ang ulunan ni Lylia bago ginulo ang maikling buhok nito, “Huwag mo na iyakan ang bago mong hairstyle. Maganda ka pa rin kahit anong klaseng buhok ang meron ka.” pilyo itong ngumiti sa kaniya.

Kitang-kita ng lahat kung paano namula ang mga pisnge ni Lylia kaya napatakip ito ng mukha at tinaasan ng isang daliri si Kino para asarin.

“Gag*, wala ng epekto sa akin iyan.” maang-maangan na sabi nito bago naunang maglakad papalayo sa dalawa.

Nagkatinginan naman si Krem at Andy bago nagtanguan, isang iling naman ang ibinato ni Krem kay Kino.

“Siguraduhin mo lang pananagutan mo kapatid ko.” wika nito bago sinundan si Lylia para alalayan.

Kino gasped in amusment while Andy can't help but to laugh so hard while tapping Kino’s arm.

“Ayan kasi, ayaw mo tigilan ang pagiging malandi mo. Nabantaan ka na tuloy ni Krem.” pang-aasar ni Andy.

Kino imitating how Andy said those words that makes Andy laugh again.

“KINO LORENZO DE VERA!”


A baritone voice bombarded the hallway that gave the two chills. Recognizing the voice, Kino knows that he will face another problem.

The two froze before closing their eyes.

“Don’t tell me, tatay mo iyon?” mahinang bulong ni Andy kay Kino.

“I guess so, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng full name.” may kaba sa boses ni Kino, “Sabay nating harapin.”

“Bakit? Ikaw ang tinawag.” may pag-aalangan tanong ni Andy.

“Ay, daming tanong. Basta sabay tayong humarap.. isa.. dalawa..” bilang ni Kino.

“Tatlo.” bilang ni Andy.

Dumilat si Kino bago humarap kung saan nanggaling ang boses pero laking-gulat niya na hindi humarap si Andy.

“Traydor.” bulong niya sa dalaga bago kinalma ang sarili para harapin ang ama.

Wala itong mga dalang gamit at nakapameywang na nakatingin sa kaniya habang papalapit. Tinitigan nito si Kino mula ulo hanggang paa bago umiling.

“What a disappointment! Talagang nagawa mo pang tumakas sa activity mo bago ka grumaduate?! At ngayon magpapakita ka ng ganitong behavior habang nakakulong ang step-brother mo?!” may panggigigil na tanong ni Kris habang mataman tinitingnan si Kino na makikitaan ng takot ang mga mata.

Doon na paunti-unting humarap si Andy para magbigay ng galang sa ama ng kaibigan.

“Hello po, Tito.” bati niya ngunit hindi siya nito tinapunan ng tingin.

Tinapunan ng tingin ni Kino si Andy bago muling tumingin sa ama, “Nakauwi agad kayo? Nasaan si Mommy?” pag-iiba ni Kino ng usapan bago ngumiti.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ni Kino na nagpasinghap kay Andy at natakpan ang bibig gamit ang isang kamay. Hindi niya inaasahan ang magiging aksyon ng ama ni Kino dahil hindi ganito ang pagkakakilala niya sa lalake. Nakaramdam siya ng takot para sa kaibigan dahil napagtanto niyang hindi lang ito ang unang beses na nasaktan ng sariling ama.

Nakuha nila ang atensyon maging ng mga dumaraan pulis ngunit walang nagbalak na pumigil sa galit ng ama ni Kino. Kahit namamanhid ang pisnge mula sa sampal ng ama ay pinanatili ni Kino ang ngiti bago haplusin ang panga. Ayaw niyang maramdaman ni Andy na nasaktan siya kaya pinanatili ni Kino na nakangiti bago muling tingnan ang ama.

“Welcome back! This is a special gesture to greet your son, wow.” Kino was trying to regain his composure, avoiding Andy's gaze.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Kris at dinuro pa ang anak.
“Remember this, this will not the end of our conversation. Kakausapin pa kita mamaya sa bahay,” may banta sa boses nito bago tiningnan si Andy, “Andy, puntahan mo na muna ang Tita Demmy mo. Naghihintay siya sa labas, muntik na siyang mahimatay kaya hindi ko na pinapasok dito.” maawtoridad nitong utos kay Andy.

Tumingin si Andy kay Kino na diretso lang ang tingin at namumula ang kaliwang pisnge. Hinihintay niya ang sasabihin ni Kino ngunit hindi siya nito tiningnan kaya tumango na lang si Andy.

“Sige po, mauuna na ako.” yumuko si Andy bago dumaan sa pagitan ng dalawa at lumabas na ng Police Station.

Nang mawala sa kanilang paningin si Andy ay kaagad na tiningnan ni Kris ang nag-iisang anak na hinahaplos pa rin ang panga.

“Don’t tell me, she is also involved in this case..” Kris was pertaining to Andy that made Kino shook his head.

“She is not involved, Dad. Stop thinking every problem includes her. She is the one who helped me to find them. Don't think that I don't know that you always blamed me or Andy when something bad happens.” kumuyom ang kamao ni Kino dahil sa isipin.

Pinagkrus ni Kris ang mga braso bago umiling-iling, “You think I did not received the news? Of her having a bad image? Sabi ko na nga ba at siya ang magdadala ng problema sa iyo. Sa inyo ni Denum! Looked what have you done, Son!” hinawakan ni Kris ang magkabilang-balikat ni Kino, “Alam mo bang tumawag sa akin ang mga magulang ni Entice at balak ka ring kasuhan dahil tingin nila ay kasabwat ka ni Denum? Hindi mo ba naiisip ang pwedeng mangyari? You’ll be miserable. Hindi ka na makakapasok sa mga prestigious Universities na balak mong pasukan. You should thank me for informing them that you don't have any contact to Demmy’s Son. Napakiusapan ko silang iurong ang balak nila.” inayos nito ang buhok ng anak maging ang gusot nitong damit.

Kino gulped and shocked in horror while looking at his Father's behavior. This is his side I don't want to see, even Andy and Denum.
Hinawakan ni Kris ang mukha ng anak bago ngumiti na tila walang nangyari.

“Just focus on your goal to finish your studies, avoid this kind of distractions and we're done. Hahayaan kita sa kahit anong gawin mo basta iwasan mo ang ganitong problema, Kino. I know you understand me, ginagawa ko ito para sa magandang future mo lalo na’t ikaw ang magmamana ng family business natin.” Kris smiled before turning his gaze in the door where Denum is, “Sigurado ka bang hindi si Denum ang may kasalanan sa nangyari? Your Mom wants me to help her son but I am still figuring things can be out of control if our relatives will know that I will help the one who abducted their daughter, my niece.” his voice is lack of sincerity.

Nangunot ang noo ni Kino, “Dad, don't tell me hahayaan mo si Denum na ma—”

Kris cut him off, “No. Of course not, my son. Alam ko kung gaano kamahal ng Mommy mo ang anak niya, hindi ko hahayaang masira ako sa Mommy mo. But,” he smirked while folding his long sleeve, “I won't let this slide. Kailangan managot ni Denum, ako ang mag-didisiplina sa kaniya kung hindi kaya ni Demmy.” buo ang loob na wika nito bago tinungo ang kwarto kung nasaan si Denum.

Naniningkit ang mga mata ni Kino habang sinusundan ng tingin ang ama na sinalubong ng isang imbestigador na nagbabantay kay Denum. Kitang-kita niya kung papaano naglabas ng isang makapal na sobre ang ama at iniabot ito sa imbestigador. Bumubuka ang bibig nito ngunit walang marinig si Kino dahil sa malayo siya sa mga ito. He felt shivers down to his spine when his father side glance at him and warned him to shout his mouth. Tila isang dati iyong alaala na nauulit ngayon kung saan siya ang nakakita sa palihim na pananakit ng ama kay Denum habang wala ang ina nitong si Demmy.

The last thing he knew, he was crying while running in the comfort room like what he was doing all the time. Acting like a fool because of fear that his father might abandon him if he would tell anyone.

Sinampal ni Kino ang pisnge niya bago binuksan ang gripo at binasa ang mukha para mahimasmasan. Paulit-ulit niya iyong ginagawa habang tila bumabalik sa isipan niya kung paano sinasaktan ng ama si Denum ilang taon ang nakakalipas.

You're not my son! Wala kang karapatan na saktan ang anak ko! You don't have any right to be with my family! Kundi dahil kay Demmy, matagal na kitang pinadala sa ampunan. Demonyo ka’ng bata ka!”

He heard how Denum screams in pain while Kris slapping him without any hesitation just because Denum accidentally pushed Kino while playing.


Mama! Mama! Kuya Kino helped me! Ahhh! Mama! Kuya Kino! Ahh! Dada! Stop please! I will be a good boy na!”


Denum stares at Kino, pleading him to rescue him from his abusive Father.

But Kino is more scared to his Father than being guilty, that's why he remained still. He is just crying while looking at a helpless kid got beaten.

“I am not your father! Don't call me Dada again. You and Kino are different because he is my son and you are not! Get off  your hands to my son. Anak ka lang sa labas ni Demmy, matuto kang lumugar!

Nang matapos ang ama ay doon lang nagkaroon ng oras si Kino na lumapit sa kapatid.

I am sorry, Emmanuel. I let our father hurt you.”

The little Denum pushed him harder before staring at with no emotions at all.

“I swear to God, I am glad to know that he is not my father. He is a monster, and you will be a monster like him ‘cause you let this happen. This demon will stay at ease, as long as I am no longer in his superior.”

That's the last time Denum cried. Everytime Kris beats Denum, there is no longer child’s cry anymore. More of hatred seeing in his cold blooded eyes.










“Kino? Kino?” tila nagising ang diwa ni Kino nang maramdaman na may tumapik sa pisnge niya.

It was Demmy.

Iniikot ni Kino ang paningin at napansing nasa Hospital siya.

“Why we are here at the Hospital?” naguguluhang tanong ni Kino bago kusutin ang mga mata.

Inalalayan siya ni Demmy na makatayo bago binigyan ng tubig. Ininom niya naman ito kaagad.

“Dinala ka namin dito ni Andy matapos ka niyang maabutan sa Women's Comfort Room. Basang-basa ka at wala kang malay..” hinawakan ni Demmy ang mukha ni Kino bago ngumiti, “Tell me, what happen to you my son?” puno ng pagmamahal na tanong nito.

Tinitigan ni Kino si Demmy at wala siyang ibang naramdaman kundi konsensya. Nakokonsensya siya na hinayaan niya ang mga nangyari kay Denum habang walang alam ang ina nito na walang ibang ginawa kundi ituring siya bilang anak.

Napansin ni Demmy ang pagiging balisa ni Kino kaya hinaplos niya ang buhok nito.
“You can tell me everything. May problema ka ba? Sa school mo? May aasikasuhin ba before your graduation? Pwede ka magsabi sa akin kahit ano.” malumanay na wila nito.

Nanatiling tahimik si Kino, maya-maya pa ay tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata nito na labis na ikinabahala ni Demmy kaya hinawakan niya ang magkabilang-balikat ng anak.

“Oh, anak? Anong problema? Bakit ka umiiyak? Pinagalitan ka ba ng Daddy mo? May masakit ba sa iyo? Inaalala mo ba si Denum?” sunod-sunod na tanong ni Denum.

“Mommy...” walang ibang ginawa si Kino kundi yakapin ang babaeng itinuring niya ng ina, “I am sorry.. I am really sorry.” mahinang bulong niya kay Demmy.

Kahit naguguluhan ay niyakap na lang din ni Demmy ang anak bago hinagod ang buhok nito.

“Kung iniisip mong napabayaan mo si Denum. You're wrong, Kino. Malaki ang pasasalamat ko at tumayo ka bilang kapatid niya sa mga panahong wala ako sa tabi niya.” hinalikan ni Demmy ang buhok ni Kino, “Kung may nasabi man ang papa mo sa iyo na hindi mo nagustuhan, kalimutan mo na. Hindi makakatulong sa iyo ang mag-isip ng negatibo lalo na’t gragraduate ka na at papasok na sa Kolehiyo.”

Sa mga sinabing iyon ni Demmy ay mas lalo lang nakonsensya si Kino at naiyak.

“Mom, I am sorry. I really am.” sunod-sunod niyang paghingi ng tawad habang patuloy ang pag-iyak.

Tumango si Demmy bago hinaplos ang likod ni Kino, “Ang laki na ng panganay ko, iyakin pa rin.” biro nito.
























“Kumusta si Lylia?” Andy asked after sipping her chocolate shake that Krem bought for them.

Their outside the Hospital where Lylia, Kino and Denum go. Nagkasalubong sila matapos magpaalam ni Andy kay Demmy na bibili lang siya ng maiinom. Krem was already sleeping in the waiting shed when Andy saw him.

“She is in a good condition now. Nakatulog na siya matapos ang ilang oras ko na pamimilit dahil inaantok na rin ako.” sagot ni Krem habang kinukunsumo ang nabilang chocolate shake.

“Hindi ba nagtanong ang mga magulang niyo?” tanong muli ni Andy.

Krem remains unbothered while busy in sipping his chocolate drink. That's why Andy stopped questioning him.

“Their curious and hysterical as always. Tila hindi sila sanay sa ganoong sitwasyon ng kapatid ko lalo na’t kilala si Lylia na hindi nagpapatalo. Nagulat na lang sila ng umiyak siya habang ginagamot siya ng Papa namin.” malalim ang iniisip ni Krem bago pinilit matawa, “Nakakatawa lang isipin na balak nila ngayong ipapulis kung sino man ang gumawa non kay Lylia without knowing na ang anak nila ang muntik na magkakaso.”

Andy looked at Krem with confusion. Tila naninibago siya sa taong kaharap niya na napansin din ni Krem kaya tiningnan siya nito. Sumeryoso ang mukha ni Krem nang tumagal ng minuto ang tinginan nila ni Andy.

“At bakit mo ako.... tinititigan?” nawala na si Krem at siya na ang unang nagsalita.

“Hindi lang ako sanay na makita kang nagsasalita nang hindi maganda habang tumatawa.” seryosong wika ni Andy na ikinaiwas ng tingin ni Krem.

“Do I look like a bad guy now, Andy?” Krem took the last sip before throwing the cup in the trash bin then he start to walk, sumunod naman si Andy sa mabagal na paghakbang niya, “Ganito ako dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa nila nung pinaalam ko na nawawala si Lylia. They didn't believed me. Tingin nila naglalaro lang si Lylia kung saan, ni hindi sila gumawa ng paraan para ipahanap ang kapatid ko and now, what? Aakto silang ulirang magulang? I saw my sister lying in the ground, helpless. At wala akong nagawa para bawian ang gumawa sa kaniya non. Masakit sa akin iyon, Andy. Hayaan mo akong maging ganito kahit ngayong oras lang.” mahabang paliwanag niya.

Huminto si Krem sa paglalakad nang hawakan ni Andy ang braso niya dahilan para harapin niya ito. Ngumiti si Andy bago umiling.

“I will never see you as a bad person. Never. Hindi naman lahat ng gumagawa ng masama ay masama ang dahilan. Minsan iyon lang ang way natin para mabawasan natin yung gagawin natin na siguradong mas masama pa kaysa sa ginagawa natin ngayon.” hinawakan ni Andy ang ulo ni Krem at tinapik iyon, “You were scared that you might hurt them, that's why you're trying to prevent it. Yeah, it may seem bad but it's for the better. Kaysa sakanila mo ilabas ang galit mo, at makita ka nila bilang masamang anak.” paliwanag ni Andy.

Kinuha ni Krem ang kamay ni Andy at hinawakan iyon bago ngumiti.

“Thank you.” gumaan ang pakiramdam ni Krem habang hawak ang kamay ni Andy at nakatingin sa dalaga, “You always make things feel so easy. I bet you are my problem absorber. Haha.” hindi napigilan mapangiti ni Krem habang sinasabi iyon.

Hindi naman napigilan ni Andy na mamula nang maalala na naging crush niya si Krem kaya mabilis niyang inagaw ang kamay sa binata.

“Ito naman, ang dami ko ng problema.. ginawa mo pa akong problem absorber.” tatawa-tawang wika ni Andy bago tumango, “Pero sabagay, ikaw rin naman ang dahilan bakit hindi na ako masyadong nagpa-pass out. I’ll accept that.”

Nagtawanan sila bago muling sumeryoso ang mukha ni Krem.

“Siya nga pala, kumusta na sina Kino? at ang kaso Denum? Balita ko, piniyansa siya ng ama ni Kino kaya panandalian siyang nakalaya. And is it true na bugbog sarado siya nung lumabas ng Interrogation Room? Kalat na sa buong Hospital ang chismis dahil si Papa ang gumamot kay Denum.” biglaang tanong ni Krem na ikinatahimik bigla ni Andy.

Nakaramdam ng kaba si Andy nang maalala ang sitwasyon ni Denum nang maabutan niya sa Interrogation Room. Halos malala pa ang nangyari rito ngayon kaysa nung nakita niya itong ligtas sa abandonadong bahay.

Humigpit ang hawak ni Andy sa cup ng chocolate drink bago tumingin kay Krem, “Pwede bang huwag na muna natin pag-usapan, Krem. Hayaan na muna nating humupa ang sitwasyon.”


Natigilan si Krem ngunit sa huli ay pinanatili na lang na ngumiti bago inaya si Andy na bumalik sa loob ngunit bago sila bumalik ay nagsalitang muli si Andy.

“Krem, what would you do if you meet an abusive person and the abused one in one room? Would you report it even if it can risk your life?”

That made Krem froze for a while with a realization that it is connected to what happened to Denum.










END OF THIS CHAPTER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top