CHAPTER 52
CHAPTER 52
“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.
Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.
“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.
Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.
“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.
Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.
“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.
Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.
“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.
Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang lagitik ng lumang kahoy ay maririnig. Dalawang bulto ng tao ang naroon. Medyo nasilaw sina Denum at Lylia sa ilaw kaya napapikit at umiwas ng tingin ang mga ito na nakaupo sa malamig na sahig.
“Iya...”
Nawala ang kaba ni Lylia nang marinig ang pagtawag ng isa sa mga dumating. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na nakaharang sa mga nasisilaw na mata. Mabilis na namatay ang liwanag at doon lang nakilala ni Lylia ang lalake nang lumakad ito at saglit na natamaan ng liwanag mula sa nag-iisang ilaw sa silid kung nasaan sila.
Hindi nagkamali sa inakala ang dalaga dahil kilalang-kilala niya ang tindig ng lalake. Ngumiti siya rito.
“Emir.. Hinanap mo ako. Nahanap niyo kami.” masaya ngunit naluluhang wika ni Lylia.
Tumigil sa paghakbang si Kremir nang makita ang kalagayan ng kapatid. Bumigat ang pakiramdam ni Krem at hindi na niya maigalaw ang mga binti sa halu-halong nararamdaman.
Galit.
Lungkot.
Panghihinayang.
Hindi niya inakala na sa pakikinig niya sa mga magulang at pagsantabi sa mga naisip at naramdaman niya ay hahantong sa ganito ang kalagayan ng kapatid. Ilang segundo siyang natigilan at hindi maiwasang mapansin iyon ng mga nakapaligid kay Krem lalo na si Lylia.
Imbes na pansinin ay idinipa ni Lylia ang mga kamay bago tinawag ang kapatid.
“Hindi mo ba namiss ang ate mo, Emir?” may pagtataray ngunit lumuluhang tanong ni Lylia bago ngumiti.
Natigilan si Krem bago umiling at nanginginig ang mga labi na tinakbo ang agwat nilang dalawa ng kapatid. Sinalubong siya nang mahigpit na yakap ni Lylia na tinanggap din ng binata. Inihilig ni Krem ang ulo sa balikat ni Lylia bago humikbi at humingi ng tawad sa kapatid.
“Iya... Sorry. Hindi ko nalaman agad na nawawala ka, hindi ko sinunod yung pakiramdam ko, hindi ako nakinig kay Andy. Iya, pasensya ka na..” paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa kapatid habang humihikbi sa balikat nito.
Sandaling natigilan si Lylia sa mga sinabi ng kapatid. Medyo nadismaya siya sa mga inamin nito ngunit kaagad din niyang isinantabi ang naramdaman nang maalala na hindi kailanman nagpabaya si Krem at panigurado na may dahilan ito kaya nagawa iyon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Krem at tinapik ang isang braso nito.
“Ayos lang iyan. Atleast nandito ka na, wala naman masamang nangyari sa amin, sa akin...” pagpapakalma niya sa walang tigil na paghikbi ni Krem.
Tumingala si Lylia nang mapansin na may nakatingin sa kanya at tumagal ang tingin niya sa taong iyon nang maalala na ito ang pangalan na binanggit niya kanina. Ang tao na dahilan kung bakit hindi siya sumuko.
Tumagal ang tingin niya sa mukha nito at pinag-aralan ang bawat parte niyon. Maging ang mga hikaw nito sa labi at sa isang tenga. Mas lumakas ang karisma ng binata dahil sa nakababa nitong buhok at kahit pawisan ito ay hindi maiwasang matuwa ni Lylia nang mapansin na makapal ang suot nitong pang-itaas, kakaiba sa palagiang porma nito. Hindi rin nawala ang pagkakakilanlan nito; ang sumbrero na asul.
“Tutulo na ang laway mo ah, huwag pahalata..” halos pabulong ngunit sapat na marinig ni Lylia.
Biglang pumikit si Lylia nang mapagtanto na may nagsalita sa gilid niya. Sinulyapan niya iyon at kinunotan ng noo si Denum na sa ibang lugar nakatingin. Pumikit ito at nagpapanggap na walang sinabi.
“Sinong gumupit ng buhok mo?”
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Kino na siyang nagtanong. Halata ang pagtataka sa mukha nito habang pinagmamasdan ang buhok niya. Biglang sumeryoso si Lylia at natahimik sa itinanong ni Kino.
Parang kanina lang ay nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito sa pagbabago ng itsura niya. Ngayon ay hindi na niya alam ang itutugon.
“Ah...” she couldn't find her words.
Bumitaw na sa pagkakayakap si Krem kasunod nito ay ang pagtingin kay Kino.
“It suits her, right? Mas gumanda siya..” namumula ang ilong at mugto ang mga mata ni Krem habang tinitingnan si Kino.
Sandaling tumahimik si Kino bago tuluyang tumango at ngumiti.
“Kahit ano namang gupit, mukhang maganda pa rin tingnan sa kapatid mo..” tugon ni Kino habang diretso ang tingin kay Lylia.
Halos tumalon ang puso ni Lylia habang pinapakinggan ang sinasabi ni Kino at hindi niya naiwasang mamula dahil dito. Ni hindi na nga niya maramdaman ang mga pasa at sugat sa katawan niya dahil sa binatang nasa harapan niya.
“How did you find us?”
Mukhang naka-recover na sa pagod si Denum dahil ang puwesto nito ay mas maayos na kumpara sa pagkakasandal niya kanina. Diretso ang tingin nito kay Kino at ni isang beses ay hindi pumikit.
Nakuha naman niya ang atensyon ng tatlo kaya tumingin ito sa kaniya. Mabagal na lumapit si Kino at umupo sa tapat ng nakababatang kapatid.
“I see Andy’s vision and after that, I hear the voice of Lylia calling for me...” paglalahad nito na ikinakunot ng noo nina Lylia at Denum.
“Huh?” si Denum na mukhang hindi naniniwala.
“Wait...” tila nag-iisip na sabi ni Lylia bago inalala ang mga nangyari kanina.
Lumunok ng ilang beses si Kino bago tumingin sa tatlong nakikinig sa sasabihin niya.
“I decided to sleep but something is bothering me. Sa paghiga ko sa kama, naramdaman ko na may mali kaya pinilit kong matulog ngunit sa pagdilat ng mga mata ko. Nakita ko bigla ang sarili ko na kaharap si Krem. He is talking to me but there is no sound, no voice at all. Pakiramdam ko ay hindi ako kinakausap niya, pakiramdam ko ay ibang tao ako. And there, the moment na nakilala ko ang taong dahilan kung bakit nakikita ko si Krem dahil tumalon siya mula sa mataas na bahagi ng bintana. Alam kong may problema si Andy kaya tumakas ako sa lugar kung saan kami dinala. Parang may something na nagkokonekta sa amin.. After I found out that she didn’t come home, I tried to find Krem. Nung mahanap ko siya at mahawakan, doon ko narinig ang boses mo, Lylia.. At nakita ko kung nasaan ka, kung sino ang kaharap mo at kung ano ang mga ginawa nila sa iyo, sa inyo...” mahabang paliwanag ni Kino at kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala bago tumingin kina Denum at Lylia na parehong hindi makapaniwala sa inilahad nito.
Pasalit-salit na binalikan ng tingin ni Kino ang dalawa bago tuluyang tumulo ang luha sa mga mata. Tila gripo iyon dahil hindi na niya mapigilan, binasa niya ang pang-ibabang labi bago magpatuloy sa pagsasalita.
“There is something that connect us. And I am glad that it leads us here, to find the two of you. Masaya ako na makita kayong buhay...” ngumiti si Kino bago tumingin kay Denum na mas lalong hindi maipinta ang mukha, tila isang biro para sa huli ang narinig.
“Why would you be happy to see your greatest enemy alive?” biglang naitanong ni Denum sa kaharap na bahagyang napawi ang ngiti sa mga labi.
Bahagyang kumunot ang noo ni Kino bago tinitigan si Denum. Nakipagsabayan siya sa titig nito bago ngumiti.
“There is no rivalry when it comes to my family, Denum. We were not blood-related but your mother is the second woman whom I respect the most, second to my mom. I love Tita Demmy, and if your safety of you is her priority. Then, you’ll also be one of my priorities. Sinasabayan lang naman kita sa galit mo sa akin para hindi ka mailang na makita ang mama mo, para hindi mo kalimutan ang bagong pamilya mo.” mahabang paliwanag ni Kino.
There are no words to describe how Denum’s feeling right now after he heard Kino’s words. He is giving him a chill in his spine; he is not used to hearing those words from his so-called enemy. He is thinking of how plasticity ruined Kino’s mind. How did this man say those words without a second thought in front of him? Is this trapped? Or is he playing around?
Habang nakikipagsabayan ng tingin ay hinawakan ni Kino ang balikat ni Denum kaya napapitlag ito nang bahagya. Habang dinadama ni Denum ang hawak ni Kino ay isang imahe ang pumasok sa isipan ng huli. Nakikita niya ang sarili na tumatakbo hanggang sa nahulog siya.
“Arghh...” daing ni Denum nang maramdamang nanakit ang ilabg parte ng katawan matapos hawakan ni Kino.
Dahil sa pagkalula ay naitukod ni Kino ang mga kamay sa malamig na sahig na labis na ikibigla ng mga nakapaligid sa kaniya. Nagtitinginan sina Lylia, Krem at Denum bago mas lumapit sa puwesto ni Kino. May mga pagkabahala sa mga mukha ng mga ito, maliban kay Denum na namimilipit sa sakit ng katawan.
“What is happening?” naguguluhang tanong ni Krem bago hinawakan si Denum na umiling habang ngumingiwi.
Mabilis na umatras si Krem nang makarinig siya ng mga ibon at mga gumagalaw na puno kahit wala naman nakapaligid sa kanila. Humawak siya sa tenga nang makarinig ng mga bulong na hindi niya malaman kung saan nagmula.
Tumakbo ka, Andy. Hindi ka makakapagtago hangga’t buhay ka.
Paulit-ulit niya iyong naririnig na tila sirang plaka sa kaniyang isipan.
Dahil sa pag-aalala ay siya naman ngayon ay tiningnan ni Lylia. Hinawakan ni Lylia ang mga kamay ni Krem na nakatakip sa sariling mga tenga.
“Emir, nandito ako.. Anong nangyayari? Kumalka ka muna, nandito ako..” pagpapakalma ni Lylia sa kapatid.
Umiling-iling si Krem bago muling lumuha ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya niyakap na lang niya ang nakatatandang kapatid.
Ipinikit-pikit ni Denum ang mga mata bago inihawak ang isang kamay sa braso ni Kino upang kumuha ng lakas para makaupo nang maayos.
“Si Andy,” halos pabulong niyang wika dahil sa pagkahilo, “Nandito siya..” pinilit niyang tumayo ngunit nanghihina pa ang katawan dahil sa bugbog kaya bumalik lang sa pagkakaupo.
Hinawakan siya ni Kino sa magkabilang braso bago magsalita.
“Nararamdaman mo?” tila naliwanagan si Kino bago luminga-linga, “I just saw myself running before falling somewhere, maybe, it was her...”
Tumango si Denum bago hinawakan ang ulo na nakararamdam ng hilo.
“Maybe that is the reason why I feel some of my bones are cracking and I feel I am gonna vomit. I guess we are connected to her.” nanghihinang sabi ni Denum.
Hinawakan ni Kino si Denum sa isang braso bago tinulungang tumayo. Gayundin ang ginawa ni Krem kay Lylia nang mahimasmasan siya. Iniyakap ni Krem ang isang braso sa balikat ni Lylia upang alalayan ito.
“I think we are connected to each other.” pinal na sabi ni Kino kina Lylia at Krem na nakaharap na sa kanila ngayon, “Sa nakikita ko, konektado tayong lahat kay Andy, maging sa isa’t-isa kaya kapag nahahawakan natin ang isa sa atin ay may nangyayari o nararamdaman tayong kakaiba.” paliwanag niya.
Bakas ang pagkalito sa kambal ngunit tumango rin kalaunan.
“Marahil, iyon ang dahilan kaya may narinig akong mga ibon at puno kahit wala naman. Si Andy ang nakaririnig no’n.” pagsang-ayon ni Krem bago tumingin kay Lylia.
“Kung ganoon, nang maisip niyo si Andy ay tsaka mo siya nakita. Ibig sabihin, kapag inisip ko siya ngayon ay maaaring marinig niya ako?” pagtatama ni Lylia.
Kumunot ang noo ni Denum nang mapagtanto ang pinupunto ni Lylia.
“I’ve never thought of her...” pagdepensa niya bago tumingin kay Kino, “Baka itong isa na ‘to. Nanakit ang katawan ko nuong hinawakan mo ako.”
Ngumiwi si Kino bago umiling.
“Nakita ko lang ang nakikita niya nuong nahawakan kita, so, that means, iniisip mo siya nung alalayan kita.” pagtanggi ni Kino.
Lahat ng mga mata ay nakatingin na ngayon kay Denum na tila may ginawa siyang kasalanan. Pakiramdam niya ay nasa pinaka-mahirap siyang sitwasyon kaya ang tangi na lang niyang nagawa ay isang bagay.
“Oh!” gulat na sabi ni Lylia nang makita na halos maupo na si Denum sa sobrang panghihina ng katawan.
Wala siyang nagawa kundi hawakan ang kabilang braso ni Denum bago mabilis na nilisan ang lugar kung nasaan sila.
“Ano na’ng gagawin natin ngayon?” walang ideya na tanong ni Krem habang akay ang kapatid na inaakay din si Denum na nagpapanggap na walang malay.
Kumunot ang noo ni Lylia bago sinubukang tingnan si Kino ngunit dahil sa katangkaran ni Denum ay hindi niya masilayan ni tenga nito. Tumingin siya sa kapatid.
“Pakinggan mo kung nasaan si Andy.. Susubukan ko siyang hanapin.” halos pabulong na wika ni Lylia dahil alam niyang mahimbing ang tulog ni Denum.
Tumango si Krem bago sinunod ang kapatid. Inisip niya si Andy at sa isang iglap ay nakarinig siya ng malalakas na hangin maging ang pagbagsak ng mga dahon.
“Naririnig ko ang mga dahon na nahuhulog..”
Huminto sila sa paglalakad nang tumigil si Krem sa paghakbang. Muntikan pang masubsob si Denum mabuti na lang at nasalo ni Kino ang ulo ng binata.
Sa pag-alalay niya kay Denum ay bigla na namang nag-iba ang nakikita niya; medyo madilim. Kahit ganoon ay hindi binitawan ni Kino si Denum, sa halip ay nilingon niya pa kung nasaan ang kambal.
“Gisingin mo si Andy... Mukhang natutulog siya.” seryosong sambit ni Kino.
Tumango si Lylia, “Andy! Gumising ka!”
Halos pasigaw ang pagkakasabi ni Lylia kaya ngumiwi si Krem maging ang nagpapanggap na tulog na si Denum.
Umiling si Kino nang lingunin siya ni Lylia.
“B*b*! Hindi ka namin mahanap! Dumilat ka!” halos lumabas na ang ugat ni Lylia sa pagsigaw kaya napatakip ang tatlong lalake ng tenga maging ang nagtutulug-tulugang si Denum.
Maya-maya pa ay nakita ni Kino na lumiliwanag na ang nakikita niya sa kaniyang isipan. Isang madamong lupa ang sumalubong sa kaniya.
Nakita niya na bumaba ang tingin ni Andy sa tuhod nito na mukhang nananakit. Ngunit mabilis din na itinayo ang sarili at tumakbo kung saan kaya tiningnan ni Kino ang mga kaibigan.
“Nadaanan namin kanina yung lugar na pinagbagsakan niya. Mukhang balak niya nang umalis doon, pigilan mo Lylia.” mabilis na utos ni Kino.
“Bumalik ka sa pinagbagsakan mo..” mabilis na wika ni Lylia.
Matapos nito ay sinundan na nila si Kino papunta kung nasaan ang kaibigan. Medyo natigilan si Krem kaya nilingon siya ni Lylia.
“Emir, bakit?” pagtatanong ng dalaga.
Ngunit hindi kumibo si Krem at pinakinggan ang pagtangis ni Andy habang binabanggit kung bakit hinahanap niya ang mga kaibigan niya; silang mga hinahanap din siya.
“Andy! Andy!” sigaw ni Kino habang akay pa rin si Denum na nanghihina pa rin hindi dahil sa pagpapanggap ngunit dahil sa mga sugat at pasa sa katawan.
Nang makita na ang bangin na nadaanan kanina ay mabilis na tumayo sa may hangganan si Kino at napangiti nang makita si Andy hindi kalayuan sa kanila. Mukhang papaalis na ito kaya nakatalikod sa kanila. Ilang saglit pa ay nakita ni Kino ang paghakbang muli nito ngunit kahit siya ay natigilan nang may pilit sumigaw sa tabi niya.
“Baliw na kaluluwa....” dahil na rin sa panghihina ay hindi ganoon kalakas ang pagtawag ni Denum.
Sakto naman na nakalapit na sa kanila ang kambal nang humarap si Andy. Medyo nakaramdam ng lungkot si Kino dahil kita niya ang mugtong mata ng dalaga dahil sa buwan sa ibabaw nila.
Pinakatitigan sila ni Andy bago ngumiti at iwinawagayway ang mga kamay. Alam ni Kino na siya lang ang nakakakita kaya siya lang ang nakapagtaas ng kamay na ipinagtaka ng tatlo sa kanan niya.
“Magtaas din kayo ng kamay... Kinakawayan niya tayo.” nakangiting sabi ni Kino sa tatlo na hindi na niya nilingon.
Kumunot ang mga noo nito ngunit sumunod din kalaunan.
END OF CHAPTER 52
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top