CHAPTER 51
CHAPTER 51
VOICE
ANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.
“Kanan...”
Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.
Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.
“Bangin!”
Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan. Isang bangin ang nakaharang na siyang dahilan sa paggulong niya at pagkahulog dito. Mabuti na lang at nakahawak siya sa mga sanga ng puno na tanging nagbibigay ng suporta upang hindi siya tuluyang mahulog sa medyo mataas na bangin.
“Aaaaaahhhh!” nahihirapang sigaw ni Andy bago tumingin sa babagsakan.
Hindi iyon ganoon kalalim kumpara sa binagsakan niya nuong nasa Tanay pa sila nang biglaang humiwalay ang katawan niya dahil sa multong umaaligid doon. Mabilis na nakapagdesisyon si Andy at binitawan ang sanga na pinanghahawakan. Dinama niya ang hangin habang nahuhulog ang kaluluwa sa bangin. Ilang saglit pa ay bumagsak siya ngunit wala siyang naramdamang sakit bukod sa tuluyang pandidilim ng paningin sa hindi malamang dahilan.
Krem decides to wait for his parents outside the Police hesdquarters just like what Andy
said. While waiting outside, he saw a strange man looking at him in the second floor of the building. But Krem is not affected by the man’s way of looking, but the dark shadow who suddenly appear beside the stranger. The shadow who turns to be a woman.
Pinaningkitan ni Krem iyon dahil pamilya sa kaniya ang babae. Bigla siyang napaatras nang makilala iyon.
“Andy..”
Krem stiffened as he sees how the woman who look like Andy disappear in a second. Doon niya lang napagdesisyunan na puntahan iyon ngunit may braso na pumigil sa kanya. Medyo mahigpit iyon kaya tiningnan niya kaagad.
Kumunot ang noo ni Krem bago ibinaba ang tingin sa kamay na nakahawak sa braso at itinaas ang tingin sa taong nasa harapan. Pawisan ito hindi dahil sa makapal na jacket kundi dahil sa itinakbo nito. Nakayuko at hinihingal ngunit hindi iyon naging sagabal para hindi makilala ni Krem ang nasa harapan dahil sa suot nitong asul na sumbrero.
Ang gulat na si Krem ay litung-lito pa rin kung bakit nasa harapan niya ito kaya hindi na niya napigilang magtanong.
“Ano‘ng ginagawa mo rito, Kino?”
(WARNING: VIOLENCE!! NOT SUITABLE FOR THE VERY YOUNG AUDIENCES!!)
Lylia was sleeping peacefully when someone slapped her face that makes her groan. Akala niya ay titigil na ito ngunit isang malakas na suntok sa sikmura ang nagpagising sa kanya.
Umuubo siya habang may tumutulong dugo sa kaniyang bibig. Pakiramdam niya ay bumaligtad ang sikmura niya sa sobrang lakas ng pagkakasuntok at hindi niya kinakaya ang nararamdaman ngayon. Tanging nasabi niya lang ay ang pangalan ni Kino.
“Kino... Kino... Kino...”
Hanggang sa paulit-ulit na niyang tinatawag ang pangalan ni Kino habang inaalala ang mukha nito. Dahil sa sakit na nararamdaman ay hindi na niya namalayang tinanggal na ang pagkakatali sa kaniya at dire-diretso siyang bumagsak sa sahig. Papikit-pikit si Lylia habang patuloy sa pagtawag sa pangalan ng binata na gustong makita.
Tahimik siyang pinanood ni Denum na binabawi pa lamang ang pagod mula sa pagkakagulpi. Gusto niyang tulungan ang dalaga na alam niyang susunod na papahirapan ngunit alam niyang mas mahihirapan lang silang makatakas kung pareho silang pagod at hindi makakalaban.
‘Bahala ka muna diyan, nadamay lang naman ako rito...’ nangingising wika ni Denum bago pumikit dahil hindi niya gustong makita ang mga susunod na gagawin sa dalaga.
Sa kabilang banda, may humila sa buhok ni Lylia at hinila siya paangat upang makatayo. Lantang gulay na at pahinga na lang ang makakapagpabalik sa lakas niya ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari.
“Pakialamera!”
Halos mapaupo si Lylia sa lakas ng sampal ni Entice na tila wala pa rin sa sarili dahil sa mas namumula na ang pisnge nito hindi tulad nang huli itong magpakita kay Lylia. Itinukod ni Lylia ang mga kamay kahit papikit-pikit bago tiningala si Entice.
“Wow, grabe... Ang tapang ha. Bat may mga tao ka sa likod mo? Ano iyan, babysitter?” nagawa pa nitong mang-asar na mas ikinaunot ng ulo ni Entice.
Hinila niyang muli ang buhok ni Lylia patayo bago sunod-sunod na pinagsasampal ang dalaga na sa huli ay dire-diretso na napahiga sa malamig na sahig.
Pagod na pagod na ang katawan ni Lylila ngunit wala siyang magawa bukod sa maluha sa sitwasyon niya ngayon habang binabanggit pa rin ang pangalan ni Kino sa kaniyang isipan.
‘Kino Lorenzo De vera... Kino Lorenzo De Vera. Kino...’
Tumagilid si Lylia upang itayo ang sarili ngunit sa huli ay katawan niya ang bumigo sa kaniya. Nanggigil niya na hinampas ang sahig bago tumawa. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan ng mga ito kaya mas pinili niyang tumawa kahit na lumuluha siya.
‘Kino... Mama, Papa, Krem, nasaan na kayo?’
Nasisiyahan si Entice sa nakikita ngunit hindi pa iyon sapat para mabawasan ang galit niya sa dalaga. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi bago nilingon si Denum na nakapikit. May mga kahoy sa lapag kaya dali-dali niyang kinuha iyon at hinampas sa pagkalalaki ni Denum kaya dumiin ang pagkakapikit ng huli habang nangingiwi.
‘T*ngin*.... Bakit doon pa? Sa lahat ng pwedeng hampasin?!’
Humalakhak si Entice maging ang mga kasama niya at si Rizalino na abala sa pag-inom ng alak hindi kalayuan sa kanila.
“Oopps, sorry, Denum! Ayoko na kasi makakita ng lahi mo kaya mas mabuting maging baog ka na lang.” nasisiyahang wika ni Entice at hinampas ng isang beses pa ang pagkalalaki ni Denum.
Napahigpit ang kapit niya sa kadenang iginapos sa mga kamay niya ngunit napangisi siya nang may mapansin sa mga ito.
Ibinaling ni Entice ang tingin kay Lylia nakabulagta na sa sahig at habol ang paghinga habang basa ng luha ang mukha.
“Sisiguraduhin ko na mapipilayan muna kita bago ka namin ibalik sa kapatid mo..” seryosong wika ni Entice bago itinaas ang kahoy at handa ng ihampas kay Lylia.
Gising ang diwa ni Lylia nang sandaling iyon ngunit hindi siya gumalaw dahil handa na niyang tanggapin ang mga susunod na mangyayari sa kaniya. Ilang sandali pa ang hinintay niya ngunit isang malakas na tili ang nagpadilat sa kaniya.
“AAAAAAAAHHHHHH!”
Malabo. Unang lumabas sa bibig ni Lylia habang tinitingnan ang nangyayari. May mga kalabugan, mga tunog ng salpukan at mga sigawan ang naririnig niya ngunit wala siyang ideya kung ano iyon. Ang alam niya lang ay may mabigat na presensya ang nasa paligid nila, at siguradong hindi niya gusto ang susunod na mga mangyayari.
Ilang saglit pa ay narinig niya ang pagkalabit ng gatilyo.
“Su.. Subukan mong gumalaw! Demonyo ka! Sana pinatay na kita kanina palang!!” halata ang takot sa boses ng lalake at alam niyang ang lalakeng may buhok na pancit canton iyon.
Muling nabalot ng katahimikan bago hindi mabilang na putok ang narinig sa buong paligid. Maya-maya pa ay isang malakas na sigaw na tila pinahihirapan ang nagpakaba kay Lylia.
“Subukan mo, o nang mga magulang mo na saktan ang mga kaibigan ko, ni isa sa kanila Rizalino. Buong katawan mo ang madudurog, sinusumpa ko iyan..” malaki at malalim ang boses ng nagsasalita na mas nagbigay ng takot kay Lylia.
Sinimulan na niyang magdasal nang makarinig siya ng pagbagsak hindi kalayuan sa kaniya. Lahat ng santo at paraan ng pagdarasal ay ginawa na niya upang hindi makita bagay na dahilan kung bakit tahimik na ngayon. Pinilit pumikit ni Lylia habang kagat ang labi at sinasabi ang mga kasalanan.
“Hindi na po ako magiging pasaway. Hindi ko na po aawayin si Kremir, magiging masunurin na po akong anak. Hindi ko na po kukulitin si Kino at tatarayan si Andy. Pakiusap, buhayin niyo po ako...” halos pabulong na dasal ni Lylia.
Ilang minuto ang lumipas ngunit walang nangyari kay Lylia kaya dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Habol ang paghnga at pilit na pinaakiramdaman ang paligid. Nahugot niya ang kanyang paghinga nang sumalubong sa kanya ang mga nakahandusay na katawan ng mga taong katulong nina Entice at Rizalino ngunit ang dalawa ay hindi na makita.
Nakangiwi si Lylia habang pinipilit na itayo ang sarili. Ramdam niya pa rin ang pamamanhid ng pisnge maging ang pananakit ng sikmura. Inilapat niya ang isang kamay sa bandang tiyan bago may naalala.
“Denum...” tawag ni Lylia nang maalala ang pangalan ng binata.
Tiningnan niya ang puwesto kung saan niya ito huling nakita ngunit ang mga putol na kadena na lang ang kaniyang bumungad sa kaniya. Biglang nabahala si Lylia dahil sa naisip niyang baka natamaan ito ng baril o kaya nakuha ng kung anuman estranghero na gumawa ng mga nangyari kanina.
“Hindi, baka... kinuha siya.” nababahalang wika ni Lylia at balak na humakbang nang may magsalita.
“Iiwan mo ako rito matapos mo akong idamay?”
Natigilan siya ng ilang segundo bago tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Si Denum iyon habang nakaupo at isinasandal ang ulo sa semento. Puno ng pasa at may mga dugo sa iba’t-ibang parte ng katawan, gusot ang uniporme maging ang buhok nito ay magulo at basa marahil ay dahil sa pawis.
Lumukot ang mukha ni Lylia bago mabagal na pinuntahan si Denum at umupo sa tabi nito. May pagtataka na tiningnan niya ang binata bago tumingin sa pwesto kung saan ito nakatali.
“Paano... ka nakatakas?” may pag-aalangan na tanong ng dalaga bago binalingan ng tingin si Denum.
Lumunok ito ng ilang beses bago ngumisi at hindi tinapunan ng tingin si Lylia.
“Simply because I used my brain to escape.. Hindi ko inubos ang oras ko sa pagsigaw at pakikipag-asaran na parang bata sa mga taong kumuha sa atin.”diretsahang sagot ni Denum na nagpataas ng isang kilay ni Lylia.
“Siguro... hindi gumagana utak ko kaya idinaan ko na lang sa pakikipag-asaran.” pakikipagsabayan ni Lylia sa sinabi ni Denum.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo? They punched and slapped you a million times.” seryoso ngunit bakas sa mata ni Denum ang pag-aalala kahit hindi nakatingin sa dalaga.
Pilit na tumawa si Lylia bago magkibit-balikat, “Magsisinungaling ako kapag sinabi ko na oo. Pero, hindi naman ito ang nagpapabigat sa pakiramdam ko...” biglang lumungkot ang mukha ni Lylia.
Doon na tumingin si Denum at nakita ang mabagal na pagtulo ng luha ng dalaga.
“Is that because of your cut hair?” Denum asked out of the blue.
Sandaling nabalot ng katahimikan bago hindi napigilan ni Lylia na matawa dahil sa sinabi ni Denum. Lumukot naman ang mukha ng huli. Ilang saglit pa ay tumigil sa pagtawa si Lylia.
“No... My family. Nakakadismaya lang na hindi ko man lang naramdaman na hinanap nila ako.” muling bumakas ang lungkot sa mata ni Lylia bago tumingala at pinunasan ang luha.
Mas lalong lumalim ang guhit sa noo ni Denum bago ngumiwi.
“Paano mo malalaman? Wala ka sa inyo. Hindi mo makikita kung paano makakapekto sa magulang mo ang pagkawala mo.” paliwanag nito bago umiwas ng tingin kay Lylia.
Biglang sumagi sa isipan ni Denum ang sariling ina at napatanong sa sarili kung alam din ba nito ang kalagayan niya.
“Sana hindi...” malungkot na bulong sa sarili.
Tiningnan siya ni Lylia na medyo nalilito.
“Huh?”
Pinasadahan niya ng tingin si Lylia bago umiling.
“Panigurado na nag-aalala na ang kapatid mo sa iyo. Naikuwento ka niya sa amin kamakailan at bakas ang pag-aalala niya sa hindi mo paglabas.” pag-iiba ni Denum ng usapan.
Nagliwanag ang mukha ni Lylia bago ngumiti nang maalala ang nakababatang kapatid.
“Si.. Krem... as usual. Sa pamilya ko, si Krem ang pinaka may pakialam. We are twins, and I am his other half kaya alam ko na siya ang makapapansin kapag may mali sa akin.” pinunasan ni Lylia mukha bago inayos ang sarili, “Sa sinabi mo, parang gusto ko na makauwi kaagad..” pinilit niyang buhatin ang sarili.
Balak na sana tumayo ni Lylia ngunit ang nararamdaman ng katawan at nagpabalik sa kaniya sa pag-upo. Muntikan pa siyang mauntog sa pader na sinasandalan kundi itinaas ni Denum ang isang kamay para saluhin ng palad nito. Nagkatinginan sila at sa isang iglap ay nagngitian.
“Salamat..” medyo hirap na wika ni Lylia bago inayos ang pagkakaupo.
Tumango si Denum, “Magpahinga muna tayo. Panigurado na hindi kaagad magigising ang mga iyan, huwag kang matakot..” tukoy niya sa mga taong walang malay hindi kalayuan sa puwesto nila.
Tumingin sa mga taong walang malay si Lylia bago dumako ang tingin sa mga buhok niya na nasa lapag. Ang buhok na iningatan niya ng maraming taon. Bigla niyang naisip kung ano ang iisipin ni Kino kapag nakita siya sa ganoong kalagayan.
“Sorry to ask this, but, is that true that you are connected to Kino De Vera?” may pag-aalinlangan na tanong ni Lylia kaya napatingin sa kaniya si Denum.
Kita ang paglunok ng ilang beses ni Denum bago muling iniwas ang tingin sa dalaga.
“Hmm.. Bakit mo naman tinatanong?” walang gana na tanong ni Denum.
Pinilit na ngumiti ni Lylia bago lumapit nang bahagya kay Denum.
“I like him... and, I want to know if he hate girls with a short hair.” nakangusong tanong ni Lylia.
Napahalukipkip si Denum bago umiling.
“Pasensya na. Wala kaming pakialam sa bawat isa kaya hindi ko masasagot ang gusto mong malaman.”
Ngumiwi si Lylia bago hinawakan at inusisa ang maikling buhok.
“Pero, hindi naman panget tingnan sa akin ‘di ba? Maganda pa rin ako ‘di ba?” may pakikiusap na tanong ni Lylia.
Saglit na natigilan si Denum bago ibinalik ang tingin sa dalaga at tinanguan ito.
“Bagay...” ngumiti si Denum bago umiwas ng tingin.
“Andy! Gumising ka!”
“B*b*! Hindi ka namin mahanap! Dumilat ka!”
May mga boses na naririnig si Andy kaya nagsimulang bumalik ang diwa niya. Sumalubong sa kaniya ang madamong lupa na pinagbagsakan.
Walang ipinagbago, tahimik at madilim pa rin.
Ngumiwi siya nang maramdaman ang sakit ng mga tuhod dahil sa pagbagsak bago pinilit itayo ang sarili at nagsimula na muling maghanap kung nasaan ang mga kaibigan.
Kahit kaluluwa ay damang-dama ni Andy ang sakit mula sa pagkahulog kaya paika-ika siyang lumakad at kinapa ang mga puno na nadaraanan.
“Bumalik ka sa pinagbagsakan mo..”
Muling natigilan si Andy nang muling marinig ang boses. Ngayon ay mas malinaw na sa kanyang boses iyon ng babae. Kahit lito pa rin at may pag-aalinlangan ay binalikan niya ang puwesto.
“At pagkatapos? Ano na ang gagawin ko?” litong-lito na tanong ni Andy.
Ngunit ilang segundo ang lumipas ay wala siyang narinig na sumagot sa kanyang tanong. Inihilamos ni Andy ang mga palad sa mukha bago naiiyak na umiling.
“I need to find my friends. I only have less than five I guess. I don't know if they consider me a friend but I consider them as one. I consider them all, whether they like me or not. Kung sino ka man na nangtri-trip sa akin, pakiusap. Tama na, pagod na ako at gusto ko lang ay mahanap ang mga kaibigan ko at masiguro na ayos lang sila.” lumuluhang wika ni Andy bago umupo at pilit na pinipigilang maging emosyonal.
Ilang minuto na ngunit wala siyang narinig na tumugon kaya tumayo na siyang muli at nagsimula nang humakbang paalis.
“Andy! Andy!”
Natigilan siya sa paghakbang. Pilit pinapakiramdaman kung tama ang narinig dahil nagsisimula nang mamanhid ang buo niyang katawan. Lumipas ang ilang segundo ay wala siyang narinig kaya muli siyang humakbang.
“Baliw na kaluluwa...”
Sa mga salitang iyon, nabuhayan si Andy. Mabilis niyang hinanap kung saan galing ang mga boses. Sa pagtingala niya ay apat na bulto ng anino ang sumalubong sa kanya. Sa likod ng mga ito ay makikita ang bilog na buwan na tanging liwanag nila.
Nawala sa isipan ni Andy ang pagiging kaluluwa kaya ngumiti siya sa mga ito at iwinagayway ang mga kamay. Isa lang ang nakakakita kaya isa lang ang nakapagtaas ng kamay upang tugunan siya.
Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ni Andy nang makilala kung sino iyon.
End of Chapter 51
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top