CHAPTER 50

CHAPTER 50

It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.

May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.

His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.

Habang sumusulat ay hindi mapigilan ni Krem na isipin si Andy at ang pag-uusap nila kanina. Mas naiintindihan na niya ngayon ay lungkot sa mga mata ng dalaga at kung bakit hinayaan ng Diyos na magkatagpo sila. Marahil, may dahilan din kung bakit sumali ang nakatatandang kapatid sa Paranormal Club nina Andy at Kino. Hindi namalayan ni Krem na may naisulat na pala siyang mga salita habang inaalala ang mga kaibigan at kapatid.

Binasa niya ito at nangungunot ang noo na pinakatitigan.

Help us, Emir! Please!

Ilang segundo niyang binasa ang mga salitang iyon bago namimilog ang mga mata na tumakbo papunta sa kwarto ng kapatid. Hindi pa rin iyon nakasarado at ni hindi man lang nagalaw ang mga gamit mula nung huli niya itong pinuntahan kaya nasisiguro na niyang may hindi na magandang nangyayari sa kapatid.

Balak niya sanang tawagan ang mga magulang ngunit nagdalawang-isip siya nang mapagtanto na abala na sa mga trabaho ang mga magulang at wala siyang ibang kasama rito sa bahay. Hindi niya ito pwedeng tawagan muli hanggat hindi pa siya nakasiguro dahil mainit pa ang dugo ng kaniyang ama.

'What should I do?' nagsisimula nang kabahan ang binata.

Isang malakas na hangin mula sa bintana ang kumuha ng kaniyang atensyon kaya tiningnan niya iyon. Ilang segundo pa ay kitang-kita niya kung paano umakyat si Andy sa bintana ng kwarto ng kapatid na si Lylia.

Dahil sa pagmamadali nito ay tuloy-tuloy ang pagbagsak nito sa sahig na nagdulot nang malakas na tunog. Saglit na naestatwa si Krem sa kinatatayuan bago mabilis na nilapitan si Andy na sumubsob ang mukha mula sa pagkakahulog.

"Andy, are you alright?" mahinahong tanong niya bago inalalayan si Andy na makaupo nang maayos.

Ngiwi-ngiwi na umiling ang dalaga bago may naaalala kaya kusang dumapo ang mga kamay sa balikat ni Krem na muling naestatwa. Habol ang paghinga ay tinitigan ni Andy si Krem.

"Kremir, tulungan mo ako... Nawawala si Denum." kinakabahang wika ni Andy bago mabilis na ipinakita ang panyo na napulot, "N-awawala siya. S-sigurado ako. Nakita ko itong panyo hindi kalayuan sa lugar lung saan ko siya huling nakita... Tapos, kagabi.. May naririnig akong boses. Boses niya iyon na humihingi ng tulong. Sinubukan ko siyang hanapin kahit sa pinagtratrabahuhan niya ngunit wala raw siya roon." halos hindi na maipinta ang mukha ni Andy habang nagku-kwento.

Sinubukan siyang pakalmahin ni Krem ngunit mas lalo lang kinabahan si Andy nang mapagtanto ang isang bagay.

"N-nasaaan si Lylia?" mabilis siyang tumayo at inikot ang buong kwarto. Balak pa sana niyang lumabas para halughugin ang buong bahay ngunit napigilan siya ni Krem sa sinabi nito.

"I am sorry.... Ngayon ko lang na-realize. I am sorry.." malungkot na wika ni Krem.

Naguguluhang lumapit si Andy sa binata at inalo ito.

"Nawawala rin si Lylia, tama ba ako?" paglilinaw ni Andy.

Marahang tumango si Krem na siyang ikinataranta lalo ni Andy. Nagpaikot-ikot siya sa kwarto.

"I knew it! Dapat nung napunta ako sa sitwasyon na iyon at nalamang nawawala si Denum naisip ko na ang bagay na iyon." nadidismayang sabi ni Andy sa sarili.

"What do you mean? Anong sitwasyon, Andy?" walang ideya na tanong ni Krem.

Mabilis na hinila ni Andy si Krem paupo sa malambot na kama, kasunod nito ay ang pagpantay niya rito habang nakatukod ang isang tuhod sa sahig.

"Last night, narinig ko ang boses ni Denum na humihingi ng tulong sa akin. Then, after that, nakatulog ako at nagkaroon ako ng panaginip. Hindi ko masabi na panaginip dahil parang totoo ang nangyayari roon. I was lying on the ground while Denum and Lylia were hanging, having bruises and blood. I don't know, hindi ako sigurado kung totoo ang nakita ko. Pero, now that I am here. Knowing that their missing proves that what happened was not a dream. And we need to take action about it." desididong pahayag ni Andy.

Umawang ang bibig ni Krem at tila nagproproseso pa sa isipan ang inilahad ng dalaga.

"We need to call your parents first." wika ni Andy sa naguguluhan pa ring si Krem.

Tatayo na sana si Andy ngunit mabilis siyang pinigilan ni Krem. Kumunot ang noo ng dalaga.

"What? We need to take an action." mariing wika ni Andy.

May takot sa mga mata ni Krem at pag-aalinlangan kaya natigilan si Andy.

"Hindi ka naniniwala sa akin?" diretsahang tanong ni Andy sa binata.

Natahimik si Krem ilang saglit pa ay tumayo si Andy at tumango.

"Okay, Krem. Ako na lang ang bahala. Alam ko na nagdududa ka na sa akin dahil sa kumakalat na maling ginawa ko. Maybe the word friends is not enough to gain your trust. Pasensya na sa abala." pilit na ngumiti si Andy bago nagmamadaling tumakbo at umakyat ng bintana.

"Andy, nagkakamali ka-

Hindi na natapos ni Krem ang sasabihin dahil mabilis na tumalon si Andy paalis sa bintana. Nagmamadaling tumayo si Krem upang habulin si Andy ngunit nang makasilip sa bintana ay wala na ni anino ng dalaga.

Hindi halos makapag-isip nang maayos si Andy habang nagtatago sa isa sa mga puno malapit sa bahay nina Krem at Lylia. Ni hindi na niya maigalaw ang mga paa niya sa sobrang pagod. Hindi niya inaakala na ang isa sa mga taong inaasahan niya ay walang tiwala sa kaniya. Labis na nasaktan si Andy kaya minabuti niyang ipahinga ang sarili.

Paulit-ulit niya na naiisip ang sinabi ni Krem kahapon.

Ang mahalaga ay nandito kaming mga kaibigan mo na naniniwala at patuloy na naniniwala sa iyo.

'That line. I don't want to hear that again.' Andy shook her head.

Ilang minuto pa ng pananahimik ay nagsimula na muli siyang maglakad. Naisipan niyang pumunta sa Police Station at balak na kausapin ang nasa front desk nang matigilan siya.

Bigla niyang naalala kung paano hindi naniwala sa kaniya si Krem at kung paano hindi maniniwala ang mga pulis sa magiging kwento niya. Isa pa sa mga bumabagabag kay Andy ang pagkahuli niya at dito sa lugar na ito siya dinala.

"Hindi, kailangan ko hanapin sina Denum.." umiiling na kumbinse niya sa sarili.

"Hija, anong problema?"

Isang boses ng lalake ang pumukaw sa atensyon ni Andy kaya mabilis niya itong hinarap. Isang pulis na may hawak na sigarilyo ang palapit sa kaniya. Hinihintay na lang ni Andy na makalapit ito upang masabi ang suliranin ngunit ilang hakbang na lang ay nakilala niya ito bilang isa sa mga humuli sa kaniya noon. Dahil sa labis na pagkataranta ay tinalikuran ito ni Andy bago binilisan ang lakad paalis ng lugar.

"Aray.." isang bagay ang tumama kay Andy sanhi nang pagkaupo ng dalaga sa sahig.

Tiningala niya iyon at nakita ang lalakeng tila poste sa tangkad. Nakaitim itong pormal na damit at may bigote ngunit hindi maitatago ang magandang itsura. Bumaba ang tingin ni Andy sa baston nito na siyang sumusuporta sa paglalakad bago muling umangat ang tingin sa lalake.

Seryoso lang itong nakipagtitigan sa kaniya na tila kinikilala siya. Ilang segundo pa ay mabilis na naging itim ang mga mata nito na siyang ipinangilabot ni Andy. Isang ngiti ang iginawad ng lalake.

"Nakaharap na rin kita..." hindi na normal ang boses nito.

Umawang ang bibig ni Andy at kusang tumulo ang mga luha niya dahil sa takot na nararamdaman. Gusto niyang sumigaw ngunit parang walang tao sa paligid nilang dalawa at nagdidilim na ang kaniyang paningin.

"Hija, tumayo ka na diyan."

Mabilis na nabalik sa reyalidad si Andy nang may umalalay sa kaniya patayo ngunit hindi iyon ang lalake na nakabangga niya. Isa ito sa mga pulis na kakadaan lang kung nasaan sila.

"Mr. Pablo, narito na po pala kayo.." bati ng pulis na tumulong kay Andy sa lalakeng kaharap nila.

Hindi pa rin maigalaw ni Andy ang bibig at halos habulin ang paghinga nang muling tingnan ang lalake na seryoso ang ekspresyon at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Nagmamadali ako kaya hindi kita nakita." panimula ng estranghero.

Umiling si Andy ngunit hindi siya kaagad nakakibo. Tila umurong na ang dila niya matapos marinig ang sunod na sinabi nito.

"Pasensya na, Hija." lumapit ito sa kay Andy bago bumulong, "Hanggang sa huli nating pagkikita, Andy.." makahulugang wika nito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Naestatwa sa kinatatayuan si Andy at kinakabahang sinundan ng tingin ang lalake na ngayo'y naglalakad na palayo sa kaniya. Kinabisado niya ang tindig ng lalakeng iyon dahil nasisiguro niya na hindi iyon ang huli nilang pagkikita.

"Andy..." habol ang hininga na tawag ni Krem sa dalaga na naabutan niyang nakatayo sa labas ng Police Department.

Tila wala itong narinig dahil sa malayo ito nakatingin kaya hinawakan ni Krem ang magkabilang-balikat ng dalaga. Malalim ang iniisip ni Andy at tila may mga alaala na bumabalik sa kaniyang isipan.

"Andy.. Sorry." diretsahang wika ni Krem, "Naniniwala ako sa iyo, pero, nagdalawang-isip lang ako na sabihin sa mga magulang ko dahil alam ko na hindi na sila maniniwala dahil inakala namin na pinagtritripan ako ni Lylia. Pero ngayon, sinabi ko na sa kanila. All we need to do is to wait here.."

"Yung gubat." biglang nasabi ni Andy.

Sandaling natigilan si Krem kaya hinarap siya ni Andy.

"Yung gubat na pinagdalhan sa akin ni Sir Eros nung binalak niya akong patayin." nakipagtitigan si Andy sa binata na nagulat sa isiniwalat niya.

"Andy, I am confused now. Where did those words come from?" naguguluhan na tanong ni Krem ngunit inilingan siya ni Andy.

"Krem.. Ikaw na lang ang maghintay sa mga magulang mo. Kailangan ko na makasigurado na tama ang hinala ko." hindi na hinintay pa ni Andy na makapagsalita si Krem at mas piniling tumakbo na upang mabilis na mapuntahan ang lugar.

Habang tumatakbo ay muling nakarinig ng mga boses si Andy.

Huwag kang pumunta, Andy. Don't come here! DELIKADO.

Kahit hindi niya makita ay nasisiguro niyang boses iyon ni Denum kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Halos isang oras din siyang tumakbo hanggang sa makapunta siya sa isang masukal na gubat. Madilim na at tanging buwan ang liwanag ni Andy mula sa lugar. May mga hindi pangkaraniwang tunog din siyang naririnig ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon at marahang nilakad ang madilim na kagubatan. Pilit niyang inaalala kung saan ang puwesto ng bahay na pinagdalhan sa kanya noon.

Nakailang ikot siya ngunit hindi niya iyon mahanap kaya ikinalma niya ang sarili at sandaling sumandal sa isa sa mga puno.

"Denum.. Lylia.. Nasaan na kayo?" hinihingal na tanong ni Andy bago pumikit.

Pilit na iniisip kung saan ang lugar na pinipilit niyang hanapin. Isang malakas na hangin ang nagpadilat muli kay Andy dahil ramdam niyang kakaiba iyon. Kakaiba ang nararamdaman niya roon. Luminga-linga siya ngunit dahil tanging buwan ang liwanag ay anino niya lang ang kaniyang nakikita.

"Andy..."

Lumunok ng ilang beses si Andy matapos marinig ang boses niya sa bandang likuran. Nagsisimula na manginig ang tuhod niya ngunit mas pinanatili niyang kumalma dahil naalala niyang nagiging kaluluwa siya kaya wala na siyang dapat katakutang kababalaghan.

Muling pumikit si Andy bago tuluyang harapin ang kung sinuman sa kaniyang likuran. Sinubukan pa niyang magdasal upang mabawasan ang mga nabubuong takot sa kaniyang sistema.

Ilang segundo siyang nakiramdam at nang masiguro na wala na ang kaba ay mabilis siyang dumilat. Wala siyang nakita bukod sa dilim kaya napanatag siya at muling ibinalik ang tingin sa unahan niya.

"Hay.. Salamat. Akala ko magkakaproblema na naman ako..." pabulong na sabi niya sa sarili.

Mag-iisip na siyang muli nang susunod na gagawin ngunit biglang may napansin siyang kakaiba kaya tumingin siyang muli sa kaniyang anino.







... wala na ito.












Naguguluhang tumingin si Andy sa paligid at kaagad na naestatwa nang makita ang katawan niyang walang malay habang binabagsakan ng mga tuyong dahon. Kapansin-pansin din ang paunti-unting pagtakip ng itim na ulap sa buwan kaya tumingala ang dalaga at doon lang niya napansin na may kung anong bagay na nasa itaaas na bahagi ng puno at pinapanood siya ngayon.

END OF THIS CHAPTER

Author's note: As you expected, hindi matutuloy yung 50 chapters kasi may mga idadagdag ako before this season ends. So, I'll make it 55 or 60 instead. Thank you for reading my story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top