CHAPTER 49

CHAPTER 49

"Andy..."

May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.

Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain.

"Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.

Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bahay. Habang tinitingnan ang madilim na langit ay hindi niya maiwasang maisip si Denum. Naisip niya ang tula nito at kung paano nito hinawakan ang kamay niya nuong sumablay ang unang gabi ng performance niya bilang bokalista ng Maze. Maging ang ginawa nito kanina, ang pagbibigay ng panyo sa kan'ya.

Hinawakan ni Andy ang pisnge nang maramdaman na nag-iinit ito at mabilis na umiling-iling.

"Mongggiiii..... Hala, ano 'yon?" walang ideya na tanong niya sa kan'yang sarili.

Tinakpan ni Andy ang mukha bago humikab. Paunti-unti na siyang binabalot ng antok hanggang sa tuluyan siyang mapapikit.

"Andy..."

"Andy..."

"Andy...."

Paulit-ulit na tinatawag si Andy ng iisang boses kaya dumilat siya. Nanlalabo pa ang mga mata niya nang makita ang isang ilaw na hindi masyadong malinaw, ito ang tanging liwanag sa lugar kung nasaan siya ngayon.

Wala pa sanang balak na bumangon si Andy ngunit isang malakas na paghampas ang narinig niya mula sa bandang uluhan. Tumingala si Andy para makita kung ano iyon.

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang sumalubong ang isang lalake na may kadena ang mga paa at kamay. Wala itong saplot pang-itaas; namumula, may mga sugat at mga dugo ito. Bakas na dumanas ng hirap bago pa man makita ni Andy.

Pinaningkitan ni Andy ang lalake at nahugot ang paghinga nang makilala kung sino iyon.

"D-denum..." hindi makapaniwalang wika niya bago pinilit na gumalaw ngunit hindi niya magawa dahil sa malakas na pwersa na dumadagan sa kan'ya.

Tiningnan niya kung ano ito ngunit wala siyang makita bukod sa isang babae na nakaupo sa hindi kalayuan. Mukha itong basang sisiw at magulo ang maikli nitong buhok. Makikita ang mga hibla ng mga naputol nitong buhok sa basang damit at ang mga nagkalat sa sahig.

Lumukot ang mukha ni Andy at nakagat ang pang-ibabang labi nang makilala kung sino iyon.

"Monggggii, Lylia?!" halos mapaos siya sa pagsigaw ngunit wala siyang narinig na pagsagot sa dalaga.

Pinilit na gumalaw ni Andy ngunit tanging ulo lang ang naigagalaw niya.

"Lylia, gumising ka d'yan! Anong ginagawa natin dito?!" sigaw ni Andy.

Dahan-dahang gumalaw ang ulo ni Lylia at luminga-linga. Bakas sa mukha nito ang lungkot at pagkabalisa. May malaking hiwa ito sa pisnge na mukhang gawa ng kung anong bagay. Patuloy iyon sa pagdurugo at mukhang lumulubha habang tumatagal.

"Tulong. Tulungan niyo si Denum.. T-tulungan niyo kami..." humihikbing pakiusap ni Lylia bago huminga nang malalim, "T*ngin*!!!! Sabihin niyo sa magulang ko na nawawala ako! Pati sa magulang ng lalakeng kasama ko dahil kahapon pa siya nanghihina! Mga hayop! Siguraduhin niyo lang na hindi ako makalaya dito! Papatayin ko kayo! Mga p*nyeta!!!! AHHHHHH!!!" gigil na sigaw ni Lylia na mukhang nababawi na ang nawalang lakas.

Kumunot ang noo ni Andy at pinipigilang matawa sa sitwasyon.

"Talagang pinairal mo pa ang kayabangan mo sa ganitong sitwasyon?! Papaano kung patayin tayo ng mga iyan?!" napapailing na tanong ni Andy.

Hindi na nakapagsalita si Lylia matapos mawalan ng malay.

Mariing pumikit si Andy bago idinilat ang mga mata at tiningnan si Denum. Nakapikit ito habang nakayuko at nakaharap sa puwesto niya. Mabilis ang bawat paghinga nito at tumutulo ang pawis sa magulong buhok pababa sa katawan niya na may maganda ang kurba at mukhang hinulma ng panahon.

"Ikaw, akala ko ba demonyo ka?! Bakit hindi mo mailigtas ang sarili mo?! Dumilat ka, Denum!!!" malungkot ngunit malakas ang boses na tanong ni Andy sa binata.

Gumalaw ito nang bahagya bago dumilat kaya nagtama ang kanilang mga mata. Natigilan si Andy nang ngumiti ito na parang nakakita ng pag-asa.

"You care for me that much? Aren't you scared to lose me? Even in my dreams you are here, adobo." papikit-pikit na sabi ni Denum.

Sumama ang mukha ni Andy at hindi makapaniwala sa narinig.

Is he daydreaming about his favorite food? Inakala niya ba na ako ang pinakamamahal at pinagdadamot niyang adobo? Mongggii.

"Denum, hindi ako adobo. Mas masarap ako do'n." pabulong na sabi ni Andy bago umiwas ng tingin sa binata.

Ilang saglit pa ay pumikit ito bago naputol ang kadena na nakatali sa mga kamay. Namimilog ang mga mata ni Andy habang pinapanood kung paano dahan-dahang bumabagsak ang katawan ni Denum papunta sa puwesto niya.

"Hala! Huwag mo akong daganan!" sigaw niya sa binata ngunit wala na itong malay kaya mariing pumikit si Andy.

"DENUUUUUM!!!!"




Bumalikwas mula sa pagkakahiga si Andy at habol ang hininga habang nakapatong ang isang kamay sa dibdib.

Ilang sandali pa ay palinga-linga itong umayos sa pagkakaupo.

"Panaginip? Bakit parang totoo?" tanong ni Andy sa sarili bago mabilis na pumasok sa bahay upang linisin ang pinagkainan.

Hindi niya maiwasang mapatulala habang inaalala ang naging panaginip. Paikot-ikot siya sa malawak na kwarto at hindi na magawang makatulog muli.

"Panaginip talaga iyon. Bakit parang totoo talaga.." umiling-iling si Andy bago tumingin sa wall clock.

Pasado ala-tres na ngunit hindi na siya dinapuan ng antok. Umupo siya sa kama at hihiga na nang biglang may naisip.

"Gising pa kaya siya?" nag-aalangan na tanong ni Andy bago kumuha ng panlamig at nagmamadaling nilisan ang bahay.

Alam niya kung gaano kadelikado ang ginagawa ngunit binabagabag siya ng mga nangyari sa kan'yang panaginip.

May ingay na nagmumula sa Bar kung saan huling nagperform si Andy. Sa lugar kung saan nagtratrabaho si Denum. Mukhang oras na ng inuman, sayawan at kantahan kaya hindi magkamayaw ang mga tao sa paligid.

Suot ang green na hoodie jacket ay sumabay si Andy sa grupo ng kabataan na pumapasok sa Bar upang hindi mahalata na bata pa siya at normal. She is not used to be a normal one, and now she needs to act as one.

Hindi nga siya nagkamali dahil puno ang lahat ng upuan at mga mesa sa loob.

May isang kilalang banda sa gitna at tumutugtog ito ng mga kilalang awitin na siyang bumubuhay sa madilim na gabi. Hindi na rin mabilang ang mga taong nagsasayawan at nakikisabay sa kanta habang may hawak na iba't-ibang klase ng alak.

Dahil sa gulo ng mga ito ay nasasagi na ang hindi kalakihang katawan ni Andy. Muntik pa siyang makatapon ng alak mula sa nagse-serve na waiter, mabuti na lang at naipreno niya agad ang sarili.

"Pasensya na po.." mahinang wika niya sa lalakeng waiter na nagpatuloy lang sa paglalakad.

Hindi na gusto ni Andy ang magtagal kaya dumiretso kaagad siya sa isang lugar. Sa lugar kung saan siya dinala ni Denum nuong mawalan siya ng malay.

Kumatok si Andy ngunit walang sumagot kaya bubuksan na sana niya nang may marinig siyang hakbang palapit kaya nilingon niya ito. Isang may edad na lalake.

Nahihiyang yumuko si Andy.

"Magandang madaling araw po." bati rito ni Andy kaya ngumiti ang matanda, "Gusto ko lang pong itanong kung nandito po si Denum? Hindi ko po kasi siya sumasagot sa tawag ko, nag-aalala po ako sa kan'ya." palusot ni Andy bago muling mag-angat ng tingin sa matanda.

Tinapunan ng tingin ng matanda ang pinto bago muling ibinalik ang tingin kay Andy.

"Naku, hija... Hindi umuwi si Emman ngayong gabi. Ni hindi nga nagpaalam sa 'kin kaya nag-aalala rin ako dahil ngayon niya lang ginawa iyon." nababahala na sagot ng matanda.

Lumukot ang mukha ni Andy bago ngumiti, "S-sige po. Salamat po."

Yumukong muli si Andy at paalis na nang magsalita ang matanda.

"If he comes back, I'll tell him that his girlfriend is trying to visit him." pahabol ng matanda.

Natigilan si Andy at balak sanang itama ang sinabi nang matanda ngunit nakaalis na ito nang lingunin niya.

Ngumuso si Andy bago mabilis na nilisan ang lugar. Mukhang hindi naman siya makikilala ng matanda dahil may suot siyang hood.

Nang makalabas ay tumigil si Andy sa paglalakad nang may marinig na boses.

"Andy...." umubo ang boses ng binata.

"Andy... Andy.. H-huwag ka'ng pu-AAHH!.."

Luminga-linga siya para hanapin kung saan nanggagaling ang boses. Kilala niya ang boses na iyon dahil kakarinig lang niya rito bago siya makatulog at mapanaginipan sina Denum at Lylia.

"Boses iyon ni Denum. Sigurado na ako. Boses niya iyon!" desisdidong sigaw ni Andy sa sarili bago magsimulang manakbo.

Hindi mapakali si Andy habang sinusuyod ang bawat madaanang bahay at mga establisyimento. Tinatawag ang pangalan ni Denum, paminsan-minsan ay pinapakinggan kung may boses ng binata sa loob ng matapatang bahay o gusali.

"Denum! Denum! Denuuuuuuuum!!" paulit-ulit niyang tawag habang tinatakbo ang gilid ng kalsada kung saan niya narinig ang boses ng binata.

Tumatagaktak na ang pawis sa noo at basa na rin ang damit na suot ni Andy kakatakbo sa bawat kalsadang madaanan ngunit hindi niya iyon ininda. Hindi nagbago ang bilis ng takbo niya, gayundin ang lakas ng boses niya.

"Denum!"

Dahil sa walang direksyon ang pagtakbo niya ay may naapakan siyang malaking bato na dahilan sa kan'yang pagkadapa.

Sumubsob ang mukha niya sa malamig na sahig. Ramdam ni Andy ang pagsakit sa kanang bahagi ng mata niya kaya iniangat niya ang sarili. Hinaplos niya iyon at ganoon na lang ang gulat niya nang makita na dumurugo sa gilid nito.

"Argh.. Ang sakit!" daing ng dalaga habang palinga-linga at naghahanap nang mabibilhan para magamot ang sugat.

Patakbong tinungo ni Andy ang pinakamalapit na tindahan habang nakadampi ang kamay sa kanang bahagi ng mata.

Bumili siya ng bulak at alcohol, ginamot ang sarili mula sa pagkakasubsob. Nang masiguro na tumigil na sa pagdurugo ang sugat ay muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Denum.

Ngunit inabot na siya ng liwanag ay wala siyang nahanap. Doon na niya napagdesisyunan na umuwi sa bahay at tawagan si Kino.

Muntik na niyang ihagis ang telepono nang maalala na hindi niya alam ang numero ng binata.

"Hayst. Buwiset ka Kumag. Hindi mo pala binigay number mo." gigil na wika ni Andy.

Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa mahabang sopa kasabay nang pagbigat ng talukap ng mga mata. Humikab-hikab pa siya.

“Baka nananaginip lang ako..”

"Lylia.." pagtawag ni Krem sa kapatid na nakatalikod sa kan'ya, "Bakit gising ka pa? Hmm, at naka-uniform? Excited ka na ba pumasok dahil sa matagal mong pag-absent?" papikit-pikit na tanong nito sa kapatid habang pinipigilang ngumiti.

Kakabangon lang ng binata mula sa pagtulog; nagising siya mula sa paghikbi na nangagaling sa labas ng kwarto.

Suot ni Lylia ang karaniwang uniporme at sa malawak na pasilyo ito nakatingin. Madilim doon at tanging liwanag mula sa siwang ng bintana ang nagpapakulay sa paligid.

Nang hindi tumugon ay umiling-iling si Krem bago magsimulang tahakin ang pagitan nila ni Lylia.

"Lylia, ano bang tinitingnan mo diyan?" pag-uusisa ni Krem.

Iilang hakbang na lang ang layo nila ngunit paunti-unting bumibigat ang pakiramdam ni Krem at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Sinilip niya ang tinatanaw ng kapatid at doon lang napagtanto na may isang pares ng pulang mata ang nakatingin sa lugar nito... At ngayon ay tinitingnan na rin siya, pasalit-salit ang tingin sa kanilang dalawa.

Naniningkit ang mga mata ni Krem at umawang bago mabilis na nilapitan si Lylia. Kasabay nito ang paghawak niya sa magkabilang-balikat nito. Ni hindi ito kumilos nang pilit niya itong hinihila.

"Lylia, w-we should go to sleep. Doon ka na lang sa kwarto ko matulog." halos pabulong na sabi ni Krem dahil pinapanatili niyang kalmado.

Sinubukan niyang hilahin muli ang kapatid ngunit tila naestatwa ito kaya mabilis niya itong hinarap.

"Lylia...."

Biglang nadulas si Krem at napaupo sa sahig nang mapagtanto na walang mukha ang inakalang kapatid. Nanlulumo na tiningnan ni Krem ang katawan ng dalaga na nagsisimula na magkaroon ng dugo at mga sugat.

"Ahhh! Ahhh! H-hindi! Ano'ng nangyayari, Lylia?!" malakas na tanong ni Krem habang umaatras dahil nagsimulang humakbang ang katawan ng kapatid.

Kahit nababalot ng takot ay hindi maiwasang maawa ni Krem sa kapatid. Balak na sana niyang tumayo upang humingi ng tulong.

"Tulon-

He felt something unusual behind him. There is someone's presence that stopping him to say anything.

Tagaktak na ang pawis ni Krem habang pinapanood ang walang mukha na katawan sa kan'yang harapan, tila may pinapanood ito sa likuran ng binata. Nahugot ni Krem ang paghinga nuong makarinig ng paghikbi sa kan'yang likuran. Dahan-dahan niyang nilingon ito at tuluyan nang nabalot ng takot ang mukha.

Nakatingin sa kan'ya ang tanging mukha ni Lylia habang nakangiti; isang nakakakilabot na ngiti habang namumula dahil sa dugo ang mga mata at puro pasa ang mukha.

Habang tinitingnan ang kalagayan ng kapatid ay mas nakaramdam ng pangamba si Krem kaya hindi niya maiwasang kausapin ito.

"L-lylia... Ano'ng nangyayari? P-paanong..." hindi matuloy ni Krem dahil nagsisimula na siyang maluha.

Nawala ang nakakakilabot na ngiti ni Lylia bago napalitan ng malungkot na ekspresyon.

"T-tulungan mo ako, Emir. Tulungan mo ako! P-papatayin nila ako! Tulungan mo ako, Emir!" tila wala sa sarili at hindi magkamayaw na sigaw ni Lylia.

Mas lalong naguluhan si Krem at akmang hahawakan si Lylia nang may humila rito, maging sa katawan ng kapatid.

"Tulungan mo ako, Emir!" huling mga salita na narinig.

"LYLIA!"

Habol ang paghinga ni Krem habang sapo-sapo ang noo pababa sa dibdib na mabilis ang pagtibok. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang katawan.

Tumingin si Krem sa paligid. Walang katao-tao, madilim at tanging ingay mula sa tumutunog na alarm clock ang maririnig.

May pagtataka niyang tiningnan ang alarm clock na alas-kwatro palang ngunit nag-ring na. Ilang segundo niyang tiningnan iyon bago tuluyang tumayo at patakbong lumabas ng sariling kwarto. Lumiko sa mahabang pasilyo bago tuluyang nakaharap ang pinto sa kwarto ng kapatid.

Hingal pa rin si Krem ngunit isinawalang-bahala niya ito at mabilis na binuksan ang pinto. Lubos siyang namangha nang mapagtanto na hindi naka-lock ang pinto ng kakambal kaya madali niya itong napasok.

"Iya?" pagtawag niya sa kapatid bago kinapa ang switch ng ilaw at binuksan iyon.

Bumungad sa kan'ya ang tahimik na silid habang ang mga libro na nakakalat sa kama ay bukas pa. Lumapit doon si Krem at isa-isang niligpit ang gamit. Ipinatong niya iyon sa study table ni Lylia at tipid na ngumiti nang makita na abala ang kapatid sa isa nitong talento na nakadikit sa maliit na board kaharap ng study table.

Ang paggawa ng mga hakbang upang mapaganda ang Music Club at ang Paranormal Club. Mahusay si Lylia sa pagiging lider noo ngunit bigla na lang nawala ang interes at nahilig sa piano, maging sa paggawa ng kanta.

Sa pag-aakalang nasa kung saang parte lang ng bahay ang kapatid ay napagdesisyunan ni Krem na huwag na ito hanapin.

Papalabas na siya ng kwarto nang may mapansin siya kaya muli niya iyong tiningnan. Namimilog ang mga mata ni Krem nang mapagtanto na nawawala ang kapatid gamit ang bukas nitong bintana.

"Ma! Pa! Nawawala nga si Iya!" pasigaw na sabi ni Krem habang itinuturo ang bukas na bintana ng kapatid.

Masama ang tingin na ipinukol ng ama na mukhang kakagaling lang sa mga trabaho, sa Ospital.

"Seriously, Emir? Because of the open window, you are thinking that something might happen to your sister?" may inis na tono ng ama ni Krem, "Pinauwi mo kami para lang dito? It's totally irrational! You were not even thinking twice who is your sister and how she handle everything." his father asked with full of disappointment visible on his face.

Umawang ang bibig ni Krem bago kumunot ang noo at pasalit-salit na tinitingnan ang mga magulang.

"What, Papa? Kilala mo ba ang kapatid ko? Kasi ako po, oo. Lylia never leave this window open unless she sneaked out. She never left any books on her bed when leaving this room while the window is open because someone might stole her 'how to be a perfect leader' book collection. Never, not even once, she left that window open when her books are scattered in this room. Tsaka anong oras na?" buong puso na paliwanag ni Krem sa mga magulang na nagkatinginan lang.

Pinigilan ng kaniyang ina na matawa bago hinawakan sa magkabilang balikat si Krem.

"Calm down, Emir. You just need a rest, Honey." pagpapakalma ng ina sa dalawang lalake na kaharap bago hinarap si Krem, "Lylia is an outgoing person, she leaves when she is bored." 'outgoing person' makes Krem feel cringe. "She loves to accompany herself. Hindi ka pa nasanay sa kapatid mo, hindi lang naman ito ang unang beses na umaalis siya ng madaling araw. Tsaka tingnan mo," may ipinakitang sticky note ang ina, "I saw this inside the refrigerator. Mukhang nakalimutan na naman niya kung saan ididikit dahil naiwan niya sa gatas na palagi mong iniinom."

Naguguluhang kinuha ni Krem ang maliit na papel. May note doon.

'I'm just finding something to eat. Don't worry, Emir.'

-Iya

Dahil sa nabasa ay parang nanlamig si Krem sa kinatatayuan bago tinakpan ang mukha gamit ang mga palad at nagpipigil na ngumiti.

"Argh! Lylia..." may inis niyang tawag sa pangalan ng kakambal bago nahihiyang binalingan ang mga magulang. "Maybe, this is one of her pranks. I'm sorry Mama and Papa. Maybe I am just worried that someone might do bad things to my twin, I'm sorry." malumanay na wika ni Krem.

Masama ang ipinukol na tingin ng kaniyang ama bago siya inilingan at nauna nang lumabas ng silid. Binalingan ni Krem ang ina na isang matipid na ngiti ang iginawad bago magkibit-balikat.

"We all need to rest. Hayaan mo muna ang kapatid mo, babalik din iyon kagaya ng palagi niyang ginagawa." she tapped Kremir's shoulder before leaving the room.

Mariin pumikit si Krem bago pumameywang na nilabas ang kwarto ng kapatid. Lingid sa kaniyang kaalaman ay dahan-dahang sumarado ang bintana kahit walang tao.





"Wow, Andy! Ang ganda ng style mo ngayon ah? May pabulak ka pa sa gilid ng mata mo. Ano iyan? Bagong natutuhan mo sa Pesbuk?" pinisil nito ang bulak sa gilid ng mata ni Andy kaya dumaing ang dalaga.

Tiningnan nang masama ni Andy si Gus na nasa kanang bahagi niya. Isang malawak na ngiti ang sinalubong nito habang nakasabit pa rin sa bag na kasing-laki ng libro ang vest ng uniporme.

"Sugat 'yan, t*nga! Pinisil mo pa, sumakit tuloy!" daing ni Andy.

Sumeryoso ang mukha ni Gus at imbes na tumigil ay mas tinusok pa ang bulak na siyang tumatakip sa sugat ni Andy. Tatawa-tawa pa ito habang ginagawa iyon kaya wala ng nagawa si Andy bukod sa hilahin ang dalawang braso nito papunta sa likod ng binata.

Namimilipit si Gus sa ginawa ni Andy.

"Ouch! Andy! Masakit! Tigil na please!" nagpapa-cute na wika nito.

Ngumisi si Andy, "Huminto ka ba nuong sinabi ko?" gigil na tanong niya sa binata.

Ngumuso si Gus, "Hihinto na ako, e. Naunahan mo lang hehe aww! Ito na po! Titigil na! Sorry master!" pagmamakaawa ni Gus nang sipain ni Andy ang mga tuhod niya upang mapaluhod. Mabuti na lang at medyo malayo pa sila sa Entrace kaya hindi nakita ng guard ang ginawa ni Andy.

"Seryoso ka na ba diyan?" tatawa-tawang tanong ni Andy.

Dahil sa ginagawa nila ay nagsisimula na nilang makuha ang atensyon ng lahat kabilang ang mga babae na mukhang hindi nagugustuhan ang ginagawa ni Andy. Habang tinitingnan ang mga tingin ng mga dumaraang estudyante ay biglang sumagi sa isip ni Andy ang pagkatanggal ng scholarship.

Kusa niyang nabitawan ang mga braso ni Gusion kaya napadapa ito sa sahig. Mabuti na lang at mabilis nitong naipangtukod ang mga kamay bago nahihirapang tumayo.

Sakto naman na dumating si Alu at patakbong lumapit sa puwesto nila, sinusukat ang nangyari bago tuluyang magsalita.

"Mukhang pagod ka Gus, marami ba?" salubong nito.

Kunot ang noo na binalingan ni Gus si Alu.

"Anong marami dude?"

Ngiting nakakaloko ang sumilay sa mga labi ni Alu.

"Nakaraming bakla. Pffft." pagpipigil nito ng tawa, "Grabe dude, talagang kneeling position ang gusto mo ha. Ano ka magalang na may libog? HAHAHAHA!" malakas ang tawa ni Alu bago sumulyap kay Andy na nakatulala pa rin.

Dahil sa kakaiba niyang tawa ay nakuha niya ang atensyon ng mga babaeng kanina lang ay masama ang tingin kay Andy. Ngumiwi si Gus bago ngingiti-ngiti na binalingan si Andy.

Nang matauhan si Andy ay mabilis siyang yumuko sa dalawa.

"Makikiraan.." nagmamadali niyang sabi bago patakbong pumasok sa Entrance Gate.

Nagkatinginan sina Alu at Gus bago kalmadong sinundan si Andy. Hindi katulad kanina ay hindi na nila nilapitan ang dalaga at pinanood na lang kung maayos ba itong nakapasok sa sariling silid-aralan.

"Does she still affected to the issues?" Alu asked full of confusion.

Tipid na ngumiti si Gus, "Krem is right. Masyadong dinidibdib ni Andy ang problema kapag patungkol sa mga nakapaligid sa kan'ya ang nadadamay."

"She used to be alone, even though she is direct and courteous, she is distant. And now, it looks like handling a friendship is a big deal for her. She deal with it really hard." ngumisi si Alu, "What more in relationship?"

Kumunot ang noo ni Gus at hindi makapaniwalang tiningnan si Alu.

Sumipol si Gus, "Are you worried about 'how Andy would handle a relationship to someone?" pilyo itong ngumiti samantalang nginitian lang siya ni Alu at iiling-iling na iniwan si Gus.

Ngumuso si Gus bago tumawa nang malakas.

"Asus! Hoy! Bawal ang lovelife sa Club natin! Hangal!" tumatawang pahabol niya sa kaibigan.

RECESS

Pinaka-paborito na oras ng halos lahat o lahat na ng estudyante. Malalim ang pag-iisip ni Andy habang kumakain mag-isa sa likod na bahagi ng Paaralan kung saan walang makakakita sa kaniya. Nakaupo siya sa mahabang bato na hindi kalayuan sa maraming puno. Bitbit ang juice na nasa isang plastic bottle at ang sandwich na parehong galing sa bahay ni Kino. Sa sobrang pagtitipid ay iniiwasan niyang gumastos kahit sa pagkain.

She believe that loneliness can decrease the stress she have because of peace and calmness of the atmosphere but it is the other way around. Mukhang mas naramdaman niya ang pag-iisa at mas naiisip ang mga problema na bumabagabag sa kaniya.

Paunti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ni Andy nanag maalala ang pinakamalaking problema.

'Ang scholarship ko, paano na ako? Magpapatuloy pa ba ako? Dalawang taon na lang, hindi nga.. Mas maikli pa nga, bakit biglang nangyari 'to? Tapos bigla pang nawala si Kumag at si..

"Ang demonyo... Bakit bigla silang nawala ngayon na kailangan ko ang pangbu-bwiset nila para maiba ang atensyon ko?" malungkot na tanong ni Andy bago kumagat sa sandwich. Hindi niya maiwasang titigan iyon at mapaisip kung gaano kamiserable ang buhay niya.

'Walang magulang. Walang kaibigan sa maraming. Thank God, mayroon na ngayon. Wala akong bahay na matatawag kong akin. I have no scholarship or any sponsor who can help right now. I am now on my own.'

Dahil sa halu-halong emosyon. Hindi na niya napigilang humagulgol dahil sa labis na kalungkutan at pag-iisa. Kasabay nang paghulog ng mga dahon ay ang paghakbang ng isang tao palapit sa kanya.

Patuloy sa paghikbi si Andy nang makita niya ang pares ng mga sapatos sa kaniyang harapan. Natigilan siya at mabilis na tiningala kung sino iyon.

Isang maaliwalas at masayang ngiti ang sumalubong sa dalaga. Nakapamulsa ito habang nakababa ang tingin sa kaniya. Ilang segundo silang nagtitigan bago bumaba ang binata at itinukod ang isang tuhod upang magpantay sila. Hindi naalis ang tingin nito sa dalaga na nakakunot na ang noo.

"Krem," pagtawag ni Andy sa binata na bumaba ang tingin sa sandwich bago muling tumingin kay Andy at itinuro ang sandwich.

"Kakainin mo pa ba? Pwede ko bang mahingi?" hindi nawala ang ngiti sa labi nito.

Sandali pang tinitigan ito ni Andy bago bumaba ang tingin sa sandwich. Matapos nito ay tumingin muli kay Krem. Tumango siya.

"Kakainin ko pa 'to..." tumango-tango si Krem, "Pero pwede naman tayong maghati.." dagdag pa ni Andy.

Tumaas ang dalawang kilay ni Krem kasunod ang pag-abot ni Andy ng sandwich sa kaniya kaya tatawa-tawa siya na humati roon. Habang kumakagat ng sandwich ay sinulyapan muli ni Krem si Andy.

"Bakit ka na naman umiiyak? Masyado ka bang nasarapan sa sandwich na gawa ng mama mo?" nakangiting tanong ni Krem bago muling kumagat ng sandwich.

Natigilan si Andy bago tumingin kay Krem at mabilis na tumingin sa kawalan. Napansin iyon ni Krem kaya inihinto rin niya ang pagkain.

"Andy, may nasabi ba akong mali?"

"I am living with myself now. I am living alone, that is why I am not use to enjoy my life. To feel the presence of love and family." diretsahang sagot ni Andy, "My parents died when I was a kid. Naaksidente sila habang.. Habang kumakanta ako sa isang Event sa Paaralan ko nuong Elementary." paglalahad niya, "At iyon ang iniisip ng lahat, maging ako, na dahilan kung bakit hindi ako makakanta nang maayos sa harap ng maraming tao. Pinaniwala ko lang ang sarili ko na hindi iyon, pero, kahit anong gawin ko, ang pagkamatay ng magulang ko ang nagiging sagot sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon." dagdag pa ni Andy.

Bakas ang lungkot sa mukha ni Krem nang lingunin ito ni Andy ngunit kaagad din itong ngumiti, isang ngiti na nagbibigay ng pagpapahalaga.

"Alam mo? Hindi ko pwedeng sabihin na 'may dahilan ang lahat ng bagay kaya nangyari iyon' dahil wala ako sa posisyon para sabihin ito sa iyo, hindi ko pwedeng ikasangkapan ang magulang mo kaya ka naririto para lang ipanatag ka. Sa ngayon, gusto ko na isipin mo ang salitang, 'narito ka dahil may dahilan' hindi dahil iyon ang tama, kundi dahil iyon ang mas nararapat na sabihin.." he paused a little bit, "Andy, hindi ka magiging ikaw kung wala ang magulang mo. Sana 'yong ikaw nuong kasama mo ang magulang mo, huwag mo kalimutan. Sana makita namin iyon kahit kaibigan mo lang kami, dahil kami ang pwede mong maging pamilya. Kung malungkot ka, sabihin mo. Dadamayan ka namin at papakinggan. Kung masaya ka, sabihin mo rin. Malay mo may malungkot sa paligid mo na isa ka sa inspirasyon para mabuhay." paliwanag ni Krem bago ipinatong ang isang kamay sa ulo ni Andy.

"Andy, you need to know that family is not about the blood, it is about the respect and acceptance. Kung hindi ka gusto ng lahat, may pamilya kang gugusto sa iyo. Kami, kaming mga nakapaligid sa iyo, huwag kang mahiya na lumapit sa amin. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng ugali, huwag kang matakot subukan na makipag-kaibigan dahil iyon ay maituturing mo ng pamilya."

Andy frowned before wiping her tears using her hands. Ilang beses niyang ginawa iyon bago tuluyang ibinalik ang tingin kay Krem. Pinigilan niyang ngumiti nang ngitigian siya ni Krem ngunit binigo siya ng sarili dahil tuluyan na siyang ngumiti rito.

'As the time goes by, I realized something. There are three guys that have different personalities, yet, my shoulder to cry on. I have Kino who has been there when I am in danger. Krem, my angel. This man, he’s been there for me when I feel alone and neglected. And lastly, Denum. Do I need to say anything? 'Cause he is all of thfor he is a devil.'

"Krem, thank you. Ikaw ang palagi kong nakikita tuwing naiisip ko na mag-isa lang ako. Ikaw ang isa sa nagbibigay ng lakas sa akin kapag nalulungkot ako. Masaya ako na tama ang desisyon kong kilalanin ka."

Marahan na ginulo ni Krem ang buhok ng dalaga bago inilayo ang kamay rito at tumingala. Bigla niyang naisip ang kapatid na ilang araw na niyang hindi nakikita. Nabalot ng kaba ang kaniyang sistema.

Napansin ni Andy ang biglaang pagtahimik ni Krem.

“May problema ba?” pag-uusisa nito.

Ibinaba ni Krem ang tingin kay Andy bago ngumiti at umiling.

“May naisip lang ako. Siya nga pala, pwede bang sabay na tayo umuwi mamaya?”

Kumunot ang noo ni Andy bago naalala na hahanapin niya pa si Denum.

“Oh, gusto ko sana kaso.. May gagawin pa ako. Maybe next time?” pagtanggi ni Andy bago inayos ang sarili at binitbit ang mga gamit, “See you around, Kremir. Salamat ulit.” may pagmamadaling paalam niya sa binata.

Bitbit ni Andy ang gamit habang palihim na umaakyat sa puno kung  saan siya dumaraan tuwing binabalak niyang iwasan ang mga multo na nakapaligid sa buong Paaralan. Inihagis niya sa kabilang bahagi ng mataas na pader ang bag bago kumuha ng lakas upang tumalon sa pader kasunod ang pagtalon pababa rito. Nasubsob pa ang mukha ni Andy sa damuhan na siyang sumalo sa kaniya bago muling ipinagpatuloy ang pagtakbo lalo na nang marinig ang pito mula sa security guard na humahabol sa kaniya.

Nang makalayo ay dahan-dahang binagalan ni Andy ang pagtakbo hanggang sa mapaupo sa gilid ng kalsada kung nasaan ang isang convenience store. Habang habol ang paghinga ay natigilan si Andy nang may mapansing kakaiba.

Isang malakas na hangin ang bumungad sa kanya kasunod nang paglipad ng isang puting panyo na kaagad niyang nakilala.

Kinuha niya iyon at pinakatitigang mabuti bago inamoy. Tumingin siya sa paligid at nakita ang CCTV Camera bago muling ibinalik ang tingin sa panyo.

“Totoong nawawala si Denum. Hindi ako nananaginip.”


#FIVESENSES

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top