CHAPTER 48

CHAPTER 48

PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.

Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa  kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.

Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang.

"Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.

Sinamaan siya ng tingin ng dalaga.

"At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni Andy

May pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa kan'ya ngunit base sa mga pakikitungo nito. Mukhang hindi sila naapektuhan.

Namalayan na lang ni Andy na dapat hindi siya mailang sa mga taong nakakakilala sa kan'ya dahil mas maiintindihan siya ng mga ito kung sakali na kumalat ang larawan.

Namimilog ang mga mata ni Gus na nilingon ang tahimik na lalakeng nasa gilid niya at medyo nahuhuli sa paglakad.

With his complete uniform and his permed hair that above his shoulder long. Alu is one of the neatest student in their School. The keyboardist of the band Maze is not cold like ice but he looks cool every performance they have.

"Did you hear what she said? Alu, she thinks I am her stalker dude. Mukhang may saltik na naman si Andy HAHAHAHA." malakas na tawa ang pinakawalan ni Gus bago inakbayan si Alu na nangungunot ang noo.

Umirap sa kawalan si Andy.

"Re-imagine what I said with sarcasm, Gus." tanging nasabi ni Andy.

Doon lang napangiti si Alu at humakbang para pantayan ang lakad ni Andy at Gus. Gumilid ang ulo nito para harapin si Andy na kaagad siyang tiningnan.

"Andrea, imposible na maging stalker mo si Delgado. Masyadong delikado.. Lalo na't maraming 'tong bakla." nagpipigil ng tawa na sabi ni Alu. Tumango-tango si Andy na mukhang nagulat sa sinabi ng binata dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya.

Mabilis na tinanggal ni Gus ang pagkakaakbay kay Alu at binulyawan ang dalawa.

"Hoy! Itigil niyo iyan! Mga fake news!"

Hindi na napigilan ni Andy na matawa habang mahigpit ang pagkakahawak sa backpack na kulay pula at may keychain ni Komasan.

Sumimangot si Gus bago siniko sa magkabilang gilid sina Andy at Alu.

"Kung mamamakla ako, kayong dalawa papatusin ko. Mga mukha naman kayong bakla, e." pangbalik nito sa pang-aasar ng dalawa.

"Ang tanong, 'Papatusin ka ba namin'?" balik na tanong ni Alu.

Napuno sila ng tawanan at ni hindi na namalayan na malapit na sila sa building ng mga Third year. Hawak-hawak ni Andy ang tiyan nang harapin ang dalawang binata na nakangiti pa rin.

"Salamat at sinabayan niyo ako sa pagpasok rito lalo na't wala si Kino. Sana maulit pa 'to.." masayang paalam niya sa dalawa na tumango.

"I'm sure mauulit pa 'to. Magiging bakla pa tayo ni Gus, e." pabirong tugon ni Alu kaya sumimangot si Gus at hinampas sa braso ang kaibigan.

"G*go!" bulyaw ni Gus habang tumatawa, ilang saglit pa ay binalingan si Andy, "Sige, katabi lang naman ng room ko ang room mo... Siguradong mapapadalas ito, salamat Andy." paalam ni Gus bago tinulak si Alu.

"Maglakad-lakad ka na at malayo-layo pa ang classroom mo, Sebastian!" rinig pang sigaw ni Gus sa kaibigang si Alu bago pumasok sa sariling silid-aralan.

Lumingon pa ito kay Andy bago kumindat kaya umiling-iling ang huli at nagsimula ng lakarin ang iilang layo sa kwarto ng seksyon niya.

Habang nagsisimula ang klase, pansin ni Andy ang kakaibang tingin ng karamihan sa kaklase kaya medyo yumuko siya. May ideya na siya na kumalat na ang larawan ng pagnanakaw niya at wala na siyang magagawa kung mapasama siya dahil dito.

'Ginusto ko lang naman makakain, hindi nila iyon maiintindihan dahil may pamilya silang bubuhay sa kanila..' pagkumbinsi ni Andy sa sarili.

Mas gumaan na rin ang pakiramdam niya dahil alam niyang tanggap siya ni Kino at maging ng dalawang binata na kasabay niyang pumasok sa gate. Imposible kasi na hindi nito malamab ang tsismis patungkol sa kan'ya ngunit mas ginusto pa rin ng mga ito na sabayan siya at pasayahin.

Matapos ang dalawang subject ay may pumunta na isang babaeng estudyante sa kanilang silid. Hinihingal pa ito at halata sa itsura ang pagmamadali. Nakuha niya tuloy ang atensyon ng lahat lalo na ang nasa likurang si Andy.

Palinga-linga ito at nang magkatitigan sila ay iniangat nito ang isang kamay na tila tinatawag ang dalaga.

"Miss Samson, pinapatawag ka sa Principal's office."

Ilang salita lang iyon pero ramdam na ni Andy ang kaba. Nakikinita-kinita na niya ang mga susunod na mangyayari kaya pilit siyang ngumiti sa mga mapanghusgang tingin ng mga kaklase bago tumayo at nilapitan ang babaeng estudyante.

"Sige, pupunta na ako.." seryosong wika ni Andy.

"Miss Samson, I'm sorry to tell you that our School needs to remove you in our Scholarship Program. Due to the school rules and regulation, we decided to remove you only in our Scholarship Program even some of the faculty members wanted an expulsion." malungkot na sabi ng lalakeng punong-guro sa Paaralan.

Nakaramdam ng panlalamig si Andy habang kaharap ang Principal ng Paaralang pinapasukan. Hindi niya lubos maisip na dahil sa gutom ay mapapatanggal siya sa iniingatan niyang Scholarship.

Pilit na tumango si Andy bago yumuko, "Pero Sir, pwede naman po siguro akong mag-apply kahit assistant sa Registrar Office or kahit janitor, para lang po hindi ako mapilitang umalis dito. Ilang taon na lang po kasi, makakatapos na ako. Ayaw ko pong masayang."

Halos pumiyok na ang boses ni Andy habang pinipigilan na maluha sa harapan ng Principal. Ilang segundo siyang pinakatitigan ng punong-guro bago umiling.

"I'm sorry Miss Samson. You're underage for taking a job here, isa pa, nililinis palang namin ang pangalan ng eskwelahan na ito matapos ang pagkalat ng larawan mo. Hindi magugustuhan ng ibang magulang at mga guro na makita ka na nasa paligid ng Paaralan. Kung maaari, humingi ka na lang ng tulong sa mga kamag-anak mo nang sa ganoon ay hindi ka mahirapan sa pagpapatuloy mo rito o kaya ay kung gusto mo, tutulungan kitang makalipat sa isang Public School." paliwanag ng punong-guro.

Ramdam ni Andy na palihim nitong sinasabi na lumipat na siya ng Paaralan. Ngunit hindi iyon gusto ni Andy dahil dito siya pinangarap na makapasok ng mga magulang niya bago pa ito sumakabilang-buhay.

Andy shook her head before facing the Principal.

"I know that stealing is a crime, Sir. But do you consider a hungry child who is unable to take a job and lost her parents' a criminal? Do you consider a teenage girl who is unable to take a job and who has a dream, but her relatives couldn't support financially that's why she do all the things she knew just to survive a criminal? Learn to know every detail of the story before you form a conclusion, Sir. Maraming bata ang hindi ginusto na mapunta sa ganitong sitwasyon." pinahid ni Andy ang gilid ng mga mata, "Hindi ko na po kayo pipilitin na ibalik ang scholarship ko, basta, payagan niyo po ako na makapag-aral pa rin dito. Marami na po akong sinakripisyo para makapasok dito. Ang pangalan ng magulang ko, ang reputasyon ng pamilya, at ang dignidad ko. I am a victim of bullying here, pero, wala po kayong narinig na reklamo sa akin dahil gusto ko na makatapos. Diploma po ang hinihintay ko, sana hayaan niyo akong makuha bago niyo ako paalisin ng sapilitan. Salamat po.." yumuko muli si Andy upang magbigay ng paggalang bago tinalikuran ang punong-guro at mabagal na lumabas ng opisina nito.

Nanatiling nakayuko si Andy habang dinaraanan ang mga nagbubulungang mga guro. Tiningnan niya ang mga ito kaya nagsilayuan sa isa't-isa, tipid na ngumiti si Andy bago yumuko upang magbigay-galang.

Walang kumibo sa kahit sino sa mga ito kaya napabuntong-hininga na lang si Andy bago piniling lumabas na ng Faculty Room.

Pigil ang hininga ni Andy na binabagtas ang mga pasilyo pabalik sa building ng mga 3rd year. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang siya pa rin ang usapan ng mga 2nd year kahit ng mga 1st year na nagtatawanan pa habang tinuturo siya.

Papaliko na siya sa isang pasilyo nang may humarang na paa sa dinaraanan niya at huli na nang mapansin iyon dahil nadapa na siya sa sahig. Unang dumikit ang mukha niya kaya mariin siyang pumikit habang dinadama ang sakit ng paghalik sa sahig.

Muling umalingawngaw ang tawanan ng mga estudyante at labis iyon na ikinalungkot ni Andy dahil sa kan'ya na naman ang sentro ng pambubully sa Paaralan.

"Look at her! She is now facing herself. Kasing-kapal ng mukha niya ang sahig na hinahalikan niya! HAHAHAHAHA!"

Ikinuyom ni Andy ang kamao at pinilit na tumayo ngunit hindi niya magawa dahil kumikirot ang mga kamay na nagasgasan maging ang mga tuhod. Dumilat si Andy at huminga nang malalim bago tingnan ang magkabilang-kamay na may mga pasa.

Ilang segundo niyang tiningnan iyon bago maramdaman na may humawak sa magkabilang braso niya at tinulungan siya na makabangon. Buong puwersa niyang tinulungan ang taong umalalay sa kan'ya hanggang sa tuluyan siyang makatayo at naharap ang taong iyon.

Medyo umawang ang bibig ni Andy nang mapagtanto na dalawang lalake ang tumulong sa kan'ya.

Sumalubong sa kan'ya ang dalawang lalake na nasa magkabilang gilid niya at parehong hawak ang mga braso niya.

Sa kaliwa niya ang binata na may makapal na kilay na palaging magkasalubong, malinis ang pagkakagupit ng kulay abo na buhok nito at nakapalinis ng itsura kahit saang anggulo tingnan. Tila gwapong kontrabida ang datingan ng binata na kaagad na nakilala ni Andy dahil ito lang naman ang mahigpit kapag hahawakan siya.

Sa kabilang banda, isang lalake na medyo magulo at mahaba ang ayos ng itim na buhok ang may hawak sa braso niya. Hindi tulad nung sa kabila, marahan ang pagkakahawak nito pero may seguridad. Naalala ni Andy kung paano siya hawakan ng kaibigan si Kino. Hindi na nito suot ang headphone kaya mas makikita ang kabuuan ng mukha nito na kahawig ni Lylia kaya hindi maitatanggi na mukha ring anghel, isama pa ang ngiti nito na magaan sa pakiramdam.

Tumingin sina Denum at Krem sa isa't-isa bago bumaling sa mga estudyante na pinagdiskitahan si Andy.

"Do you consider yourself 'perfect'? Eat some grass in the garden to make your mind clear." suhestiyon ni Krem bago hinila si Andy papunta sa kung saan.

Tila nakalimutan ni Krem na may isa pang tao na nakahawak kay Andy kaya hindi na niya inisip kung saan makakarating. Si Andy naman ay panay ang tingin sa nakahawak pa ring kamay ni Denum, sinesenyasan niya ito na bitawan siya upang hindi na ito makasunod sa kung saan siya dadalhin ni Krem. Inirapan lang siya ng binata at mas hinigpitan ang hawak sa kan'ya.

Nang makarating sila sa likod na bahagi ng Paaralan ay nanatiling nakatalikod si Krem kaya hindi niya nakikita ang pilit na pagtanggal ni Andy sa kamay ni Denum.

"Bitawan mo nga ako.." mahinang bulong ni Andy na mukhang naiilang pa, "Bakit ka ba sumunod dito? Kita mong mukhang may sasabihin si Krem." dagdag pa niya.

Nagmake face lang si Denum para asarin ang dalaga.

Ilang segundo pa ay tumingin si Krem kay Andy.

"Andy, do you want to live in our house temporaril—" hindi natapos ni Krem ang sasabihin dahil bumaling siya kay Denum na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kan'ya.

"Wait, you're here... Akala ko bumitaw ka na—"

Denum cut him off, "Well, it looks like Andy couldn't let my hand go..." nakangising wika nito.

Sumama ang tingin sa kan'ya ni Andy bago bumaling kay Krem.

"Don't mind him, he is just a stranger." kibit-balikat na sabi ni Andy.

Pagak na tumawa si Denum bago pinaningkitan ng mga mata ang dalawang kaharap.

"Yeah, don't mind me. I'm just a stranger she just kissed two times. Well... Don't mind me." may katamaran na sabi ni Denum.

Namimilog ang mga mata ni Andy na binalingan ang binata bago ibalik na tingin kay Krem na mukhang nagulat sa winika ni Denum.

"Denum..." seryosong tawag ni Andy bago binawi ang kamay sa binata, hinarap niya ang nasa kabila na mukhang may gulat pa rin ngunit muling ngumiti, "Krem, salamat. Salamat sa offer mo, but, I have a work in De Vera's Residence. Hindi ako pwedeng basta-basta na umalis dahil lang sa wala ang alaga ko." pagtanggi ni Andy.

Pigil na tumawa si Denum, "Bawal talaga siyang umalis doon, dahil ako naman ang aalagaan niya." hirit pa nito.

Muling bumaling si Andy sa binata at sinamaan ito ng tingin.

"Pwede bang tumahimik ka na? Wala naman totoo sa sinasabi mo." may inis na wika ni Andy.

Tumaas ang dalawang kilay ni Denum, "Anong wala? Totoo naman na hinalikan mo ako ng dalawang beses at nangako ka sa mama ko na aalagaan mo ako." pagpaalala nito.

Inihilamos ni Andy ang mga kamay sa mukha.

"Okay... You win." bagsak ang balikat na sabi ni Andy bago pilit na ngumiti, "Pwede na ba akong magsalita?" tanong niya sa binata na ngumiti lang ng pang-asar.

Hinarap ni Andy ang nanonood lang na si Krem bago nginitian ito.

"Alam kong nakita niyo na ang kumakalat na larawan at aaminin kong totoo iyon. I used to steal some goods to survive, iyon ang Andy na hindi niyo nakilala. Pasensya na kung hindi ko nasabi iyon sa inyo, sino ba naman ang ipagmamalaki na naging magnanakaw siya para mabuhay?" pinilit matawa ni Andy, "Marami pa sigurong mangyayari kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa mga susunod na isyu patungkol sa akin, sana nasa tabi ko pa rin kayo..."

Tumango si Krem na hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa braso ni Andy.

"Sabi ko naman sa iyo, 'Don't mind issues, hindi naman mawawala iyon'. Ang mahalaga nandito kaming mga kaibigan mo na naniniwala at patuloy na maniniwala sa iyo." wika ni Krem.

Tumango si Denum, "I'm just your stranger here. Hmm, okay, hindi na ako magsasalita." tanging nasabi ni Denum matapos siyang samaan ng tingin ni Andy.

"Siya nga pala, nakasabay ko kanina sina Alu at Gus nung papasok na ako sa gate." pag-iiba ni Andy ng usapan dahil ayaw niyang ikwento ang pagkatanggal ng scholarship niya.

Ngumuso si Krem bago ngumiti, "Ano naman ang sinabi nila sa iyo? Inasar ka ba? Lagot sa akin ang mga iyon."

Umiling si Andy, "Nope. Sa totoo lang.. Masaya nila akong kinausap, medyo nailang lang ako dahil ngayon lang kaming tatlo nag-asaran at nagtawanan nang ganoon. Ramdam ko na wala rin silang pakialam sa isyu patungkol sa akin kaya mas napanatag ang loob ko. Alam ko na ngayon na may mga taong hindi ako huhusgahan kahit marami akong nagawang mali." paliwanag ni Andy.

Binalingan nito si Denum na tahimik lang na nakikinig sa usapan nila bago niya ito siniko.

"Hindi mo rin ako huhusgahan 'di ba, stranger?" nangingiting tanong ni Andy.

Muling nagpantay ang kilay ni Denum bago tumingin sa ibang direksyon, "Ni wala nga akong pakialam sa 'yo, husgahan ka pa kaya."

Sumimangot si Andy bago tiningnan si Krem, "Siya nga pala, parang hindi ko nakikita ngayon si Lylia. Dahil ba wala si Kino kaya hindi siya nagpaparamdam ngayon?"

Krem chuckled before shaking his head.

"Sa totoo lang.... May nangyari kasi kahapon kaya hindi siya pumasok."

Napatingin si Denum sa dalawang nag-uusap.

"Ano naman?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Napakamot sa batok si Krem bago pilit na ngumiti.

"Ahm, That girl named 'Entice Luna' caused a public humiliation towards my sister. She couldn't accept that my sister is still continuing her study here, that's why she confronted her." pagku-kwento ni Krem na labis na ikinagulat ng dalawang nakikinig, "Simula nang magcutting si Lylia at umuwi mag-isa, hindi na siya lumabas ng kwarto. I tried to check on her but she refused to talk to me." dagdag pa nito.

Nagkatinginan sina Denum at Andy bago sabay na tiningnan si Krem.

"You need to constantly check on her. Knowing Entice, she didn't let this thing end without a return. Rizalino knows how to make a person's life miserable because he is a son of an attorney. You better keep an eye on your sister." biglaang sabad ni Denum sa usapan kaya natuon sa kan'ya ang atensyon ng dalawa.

Biglang nabahala si Krem sa sinabi ni Denum.

Umalingawngaw ang alarm sa buong school, senyales na tapos na ang Recess. Napabitaw si Krem kay Andy at salitan na tiningnan ang mga kaharap. Bigla siyang may naalala.

"Oopss! Male-late na ako sa susunod kong subject. Naalala ko na may ipapasa pa akong assignment namin ng kapatid ko.. See you around, Andy, and you stranger, Denum." nagmamadaling paalam ni Krem bago patakbong nilisan ang lugar.

Medyo kumunot ang noo ni Andy pero napalitan din ng ngiti.

"He never failed to impress me. Such a gentleman and a caring friend." komento ni Andy habang tinitingnan ang dinaanan ni Krem.

Tumaas ang isang kilay kasabay ng pilit na tawa ni Denum.

"Gentleman, huh? A gentleman would never leave you here after dragging you." he tsked before shaking his head.

"Alam mo, kanina ka pa, e..."

In annoyance, Andy can't helped it. She hit his arm repeatedly until he hold her arms.

"Bitawan mo nga ako! Hindi pa ako tapos sa iyo! Sali-sali!" iritableng sigaw ni Andy habang pilit na inaagaw ang mga braso sa binata.

"Ano ka, sinuswerte? I'm just telling the truth! Bakit ka biglang manghahampas?" galit na tanong ni Denum.

Umirap sa kawalan si Andy bago hindi na nagpumiglas at nakipagtitigan na lang sa binata dahil naramdaman na naman niya ang pagkirot ng mga kamay at mga tuhod.

"Kasi kanina ka pa sumasabad sa usapan namin ni Krem. Hindi mo ba nakikita na masaya akong kausap siya? Panira ka, alam mo 'yon." nakangusong sabi ni Andy.

Ngumiwi si Denum bago sinabayan ang tingin ni Andy.

"Do you still admiring him huh? Don't you?" seryosong tanong ni Denum.

Natahimik si Andy bago pinigilan na kiligin ngunit ramdam na niya ang pamumula ng mga pisnge. Nahuli iyon ni Denum na ngumisi.

"So, you still have a crush on him? Alam niya ba?" pag-iiba ni Denum ng tanong.

Doon sumama ang timpla ng mukha ni Andy.

"Bakit kailangan niyang malaman? Hindi ko naman siya gustong maging boyfriend 'no." tumingala si Andy, "Hmm, he is just my inspiration. Ngayon lang ako humanga sa lalake, tingin ko, he is my first crush." hindi na napigilang pag-amin ni Andy.

Tumango-tango si Denum.

"At your age, you are not interested in any commitment?" pag-uusisa ni Denum.

Biglang nagpantay ang kilay ni Andy at pinaningkitan si Denum.

"Oo! Ikaw rin naman ah, may masama ba kung pareho tayo. Tsaka gusto ko na makatapos, hindi pagpapamilya ang iniisip ko." pilit na ngumiti si Andy, "We're just highschool, yet, we encountered many people. They taught us different kind of love with pain, patience, sacrifices, etc. I don't want to spent my younger years with someone, asking myself ten years from now, 'Why I let love took my younger self?' and regretting each day that I let love fooled me, make me want to be young again and do the things that love taken away from me."

Ilang segundo na nagtinginan sina Andy at Denum bago ibinaba ng binata ang mga braso ng dalaga at binitawan iyon. Pigil na ngumiti si Denum.

"Why? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" walang ideya na tanong ni Andy.

Umiling ito bago ituro ang mga kamay at mga tuhod ng dalaga, "Gamutin mo iyang mga sugat mo.. Before thinking ways on how to avoid someone, learn how to protect yourself."

Ibinaba ni Andy ang tingin sa mga kamay at tuhod na nagsisimula nang magdugo bago ibinalik ang tingin kay Denum na nakatalikod at handa na siyang iwan.

"Salamat.... D-denum.. E..mmanuel Gozo. Mag-iingat ka palagi." pahabol ni Andy.

Lumingon si Denum at umangat ang isang sulok ng labi.

"You don't need to say, 'Denum-yah! Take care of yourself', you sounded like my mom." he commanded before nodding, "I can handle myself. You should be the one who needs that." he added.

Pigil na tumawa si Andy dahil sa unang winika ni Denum.

"Wala naman akong sinabi na 'Denum-yah', I called you using your full name." paglilinaw ni Andy.

Saglit na natigilan si Denum bago itinaas ang isang kamay upang magthumbs up, ilang saglit pa ay nagsimula na muling itong humakbang. Hindi maiwasang mapangiti ng dalaga habang pinipigilan na alalahanin ang pagkawala ng scholarship.

Andy, you have friends now. Mas mahalaga pa iyon sa kahit anong bagay, malalagpasan mo rin ang scholarship na 'yan. Makakahanap ka pa ng paraan.






















Natapos ang araw na walang ibang narinig si Andy kundi ang mga pag-uusap patungkol sa kumalat niyang larawan. Wala siyang naging tugon sa mga panunukso dahil ayaw niya ng madagdagan pa ang problema patungkol sa scholarship.

Binabagtas ni Andy ang daan papauwi nang may sumipol sa kan'yang likuran kaya nilingon niya ito. Napangiwi siya habang pinapanood ang dalawang binata na nagdadalawang-isip pa na lapitan siya. Kita sa mukha ng isa ang pagpigil ngunit tulak-tulak siya ng isa pang lalake.

Pinagmasdan lang sila ni Andy hanggang sa makalapit ang mga ito.

"Ahm, Andy.." may pag-aatubili na wika ni Gus.

Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bilang tugon, "O? Bakit niyo ako tinawag?"

Lumingon ang may nababahalang mukha ni Gus sa seryosong mukha ni Alu na tumango lang sa kan'ya. Bumuntong-hininga si Gus bago hinarap si Andy.

"Alam namin yung kumakalat na larawan patungkol sa iyo...." kinagat ni Gus ang pang-ibabang labi bago nagkamot ng ulo, "Sinundan ka namin dito para palalahanan ka na.. Nandito lang kami kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin." kumalma na ang mukha nito bago lumingon kay Alu at siniko ang binata.

Bakas ang gulat sa mukha ni Alu habang tinitingnan si Gus bago tumingin kay Andy. Ilang segundo itong papikit-pikit na tila iniisip pa ang sasabihin.

"Just think of the outcome before you act, Andrea. I know you have some reason but you have friends now, you have us, don't you ever think that you are a burden. A friend of my friend is a part of my family circle now. Basta.. Kapag may problema ka o gusto mo ng makakausap, nandito kami. Pasensya na sa abala.. Mag-iingat ka." mga winika ni Alu bago tipid na ngumiti at hinila na papunta sa kabilang kalsada si Gus na may sasabihin pa dapat ngunit mas piniling iwagayway ang kamay sa dalaga.

Hindi maiwasanang maluha ni Andy habang pinapanood ang papalayong mga binata na parehong nakatalikod na sa kan'ya. Hindi niya inakala na sa dami ng taong huhusga sa kaniya at sa mga narinig niyang mga panghuhusga at panlalait... May iilan pa rin na naniniwala sa kan'ya.

Pinahid niya ang mga luha sa magkabilang mata bago ngumiti.

"Kahit wala si Kino, masaya ako na may mga bago akong kaibigan. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na marami akong kaibigan at may nagsasabing karamay ko sila, ang saya ko.." humihikbing sabi niya sa sarili habang patuloy na umaagos ang mga luha.

Basang-basa na ang mga kamay niya sa kakapahid ng mga luha na walang tigil sa pag-agos. Ni hindi na alam ni Andy kung saan ipupunas ang kamay dahil ayaw niyang madumihan ang uniporme. Biglang may humila sa isang kamay ni Andy at mabilis na inilagay ang dilaw na panyo. Mugto ang mata na tumingala si Andy sa taong nasa gilid niya.

"You don't need any validation or someone who will be proud of having you. You have yourself. Having a friend is not the best way to be happy, it is to accept that you just need yourself and be contented on what you have." seryoso at tuloy-tuloy na wika ni Denum habang nakatuon sa malayong bulto ng dalawang binata na hindi na talaga lumingon.

Umawang ang mga labi ni Andy at hindi makapaniwala na kaharap na naman ang binata. Sakto ito para sirain na naman ang araw niya.

Pinamulsa ni Denum ang mga kamay bago ngumisi, "Gulat ka 'no? Nandito na naman ako..."

Tumango si Andy bago muling umiyak na parang bata. Ginamit niya ang dilaw na panyo para takpan ang mukha niya.

Nagpantay ang kilay ni Denum bago umirap sa kawalan.

"As what I've said, you need to be happy by just being contented. Avoid craving for attention, the only attention you need is yourself." muling sabi ni Denum.

Ibinaba ni Andy ang panyo at inis na tiningnan si Denum.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi alam mong may matatakbuhan ka, hindi katulad ko, I have no choice.. Mga kaibigan lang ang malalapitan ko, at mukhang kailangan ko ng sanayin na magkaroon ng kaibigan." maluha-luhang sabi ni Andy.

Denum lips parted before rolling his eyes all over again.

"Ang gulo mo 'no? Parang kahapon lang, ayaw mo ng friends or something to rely on. Tapos ngayon, you changed your mind na? Realquick." hindi makapaniwalang sabi ni Denum.

Ngingiwi-ngiwing tiningnan ni Andy si Denum.

"At ano naman sa iyo kung mag-iba desisyon ko? You're just my stranger 'di ba? At kakasabi mo lang na walang kang pakialam sa akin, kaya wala rin akong pakialam sa 'yo. Tse!" tamad na wika ng dalaga bago malungkot na tinalikuran si Denum at nagma-martsang iniwan ang binata.

Umakto na humihikab si Denum bago sumigaw, "Hoy! Nangako ka na aalagaan mo ako 'di ba? Hindi ka pwedeng mawalan ng pakialam sa akin, ako lang ang pwede sa iyo! Nasaan na gatas ko Yaya?!" sinadya ni Denum na paliitin ang boses para asarin si Andy.

Saglit na huminto sa paglalakad si Andy bago nayayamot na binato kay Denum ang dilaw na panyo na basa na ng luha niya.

"Mongggggggggiiiiii!!! Bantayan mo sarili mo! G*go!" bulyaw ni Andy sa binata bago ito talikuran at nagmartsa na papalayo.

Tila nandidiri na pinulot ni Denum ang nahulog na panyo sa sahig at dumaan sa kabilang lugar, baligtad sa tinatahak na daan ni Andy. Medyo malayo na sila sa isa't-isa nang may maalala si Andy kaya muli niyang hinarap ang binata.

Laking-gulat niya nung magtama ang kanilang paningin dahil saktong tumingin din si Denum sa kan'ya. Kita sa dalawa na hindi nila inaasahana ng nangyari kaya nang matauhan ay pareho silang tumingin sa ibang lugar.

Umubo nang bahagya si Andy para itago ang hiya at gulat na naramdaman bago muling tumingin kay Denum.

"Denum-yah!" medyo natatawang sabi ni Andy, "Mag-iingat ka.." habilin nito.

Tipid na tumango bago ngumisi, "Akala ko ba walang pakialaman?"

Medyo humupa ang ngiti sa mga labi ni Andy bago magkibit-balikat.

"May pangako ako kay Tita Demmy, hindi kita kayang bantayan palagi kaya sana mag-iingat ka. Iyon lang, goodnight." ngumiti muli si Andy bago tumalikod at muling nagpatuloy sa paglalakad.







Tahimik na pinanood ni Denum ang bulto ni Andy na tuluyang mawala sa kan'yang paningin bago siya humarap sa daraanan papauwi.

Hindi na mabilang ang inihakbang ng mga paa ni Denum dahil abala siya sa pag-iisip kung paano siya makakatulong sa dalaga.

Nandoon siya.

Nasa may bintana siya ng opisina ng Principal habang pinapakinggan niya ang pag-uusap ng dalaga at ng punong-guro. Tanging pakikinig lang ang kan'yang nagawa kahit mahigpit na ang pagkakahawak niya sa isang salamin nito. Ilang saglit pa ay nakaramdam siya na medyo nababasag ang salamin na hinahawakan niya kaya mabilis niya itong binitawan.

Saktong pagbitaw niya ay ang mga yabag na papunta kung nasaan siya. Nataranta siya at nadulas ang isang paa kaya dumapa sa sahig. Balak sana niyang gumalaw ngunit malapit na ang yabag sa puwesto niya.

Kita ang pamimilog ng mga mata niya dahil hindi pa siya nakakaisip ng pasulot sa kahihiyan na nangyayari.

Kung si Andy ito, magtutulog-tulugan ako. Kapag yung iba, maghihimatay-matayan ako.

Ilang saglit pa ay wala siyang narinig na tugon maliban sa mabagal na mga yabag papalayo. Nilingon niya iyon at nakita si Krem na diretso ang tingin sa dinaraanan, tila hindi siya nakita na napakaimposible kung titingnan. Dahil hindi naman kalakihan ang espasyo sa likurang bahagi ng Principal's office.

Kumunot ang noo ni Denum habang pinapanood ang binata.

"Is he eavesdropping like what I did?"

For a moment, I was worried that someone may found out about my eavesdropping, but that didn't seem to be a problem, hmm... 'cause I am not the only one.



























"TULONG! HMM!!!"

Mabilis na tiningnan ni Denum ang pinanggalingan ng ingay. Naningkit ang mga mata niya nang makita ang isang babae na nagpupumiglas habang hinihila papasok sa isang puting sasakyan ng dalawang kalalakihan na hindi malayo ang pangangatawan sa kan'ya.

Isang babae na mahaba ang buhok at may kulay na ube ang nakikita niya kaya kaagad niyang nakilala kung sino iyon.

"That mischievous purple lady..." bulong sa sarili bago humigpit ang hawak sa dalang bag.

Kita niya ang pagpupumiglas nito at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawa hanggang sa tuluyan na itong maipasok sa loob ng sasakyan.

Luminga-linga si Denum at laking-gulat nang walang makita na mahihingian ng tulong. Kahit ang malapit na Convenience Store ay walang laman.

"Sh*t.." bulong ni Denum bago binilisan ang paglapit sa Van.

"Pakawalan niyo siya.." kalmadong sabi ni Denum sa mga lalake.

Nilingon siya ng mga ito ngunit bago pa siya makapagsalitang muli ay nawalan na ng malay si Lylia dahil sa itinakip sa bibig nito.

Mas sumama ang mukha ni Denum at mabilis na hinila palabas ang isa sa mga lalake na kumuha kay Lylia. Ikinuyom niya ang kamao at sinuntok ito dahilan para mapaupo sa sahig.

Tiningnan ni Denum ang kamao na hindi malakas ang naibigay na suntok. Sandali siyang natigilan at nabalot ng pagtataka sa biglaang pagkawala ng malakas na puwersa sa kan'yang kamao. Tila may pumigil sa kan'ya na lakasan ang suntok.




"Denum... Anak.."


Nanginginig ang mga kamay na pinakinggan niya ang boses ng isang lalake habang paulit-ulit na binabanggit ang mga salitang iyon.

Tumaas ang balahibo niya nang may maramdamang kumapit sa kanang balikat. Nilingon niya iyon at isang malakas na tama mula sa makapal na kahoy ang tumama sa ulo niya.

Saglit na bumagal ang mundo sa mga mata ni Denum bago naramdaman ang malamig na semento. Ramdam niya ang pag-agos ng dugo sa bandang uluhan ngunit hindi iyon ang kaniyang pinansin.

Isang nakaitim na lalake ang naglalakad papalapit sa kan'ya. Kitang-kita niya ang suot nitong itim na sombrero na parihaba at ang baston na pagkahaba-haba.

Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil lumalabo na ang kan'yang paningin ngunit nahugot niya ang paghinga nang tila isang kidlat na lumuhod ito sa harapan niya.

Umawang ang kan'yang mga labi at pilit na nagsasalita.

"S-sino ka? B-bakit kamukha kita?" nahihirapang tanong niya.

Hinawakan nito ang ulo ni Denum na nababalot ng dugo bago itinaas ang kamay na nabahiran ng dugo at dinilaan iyon.

"Matulog ka na, anak ko.." isang malademonyong ngiti nito bago itinaas ang baston.

Tuluyan nang nawalan ng malay ang binata.






















———END OF CHAPTER 48———








Salamat sa iilang nagbabasa, hindi ko kayo makakalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top