CHAPTER 47

CHAPTER 47: MISSING

TAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.

Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.

Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.

Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao.

"Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang mga braso dahil mas lumamig ang paligid.

Nangungunot ang noo na ipinagpatuloy ni Lylia ang paglalakad at pinapakiramdaman ang paligid. Katulad kanina ay tanging mga dahon lang ang sumasabay sa bawat hakbang niya at ang hindi kalakasan ngunit napakalamig na hangin.

Ilang saglit pa ay nakaramdam ng tao sa likuran ang dalaga kaya medyo binilisan niya ang paghakbang ngunit mas lumakas ang presensya nang nasa likod. Tila sinasabayan nito ang bilis niya hanggang sa naisipan niyang lumiko para malaman kung susunod pa rin ito. Mas namuo ang kaba ni Lylia nang mas bumigat ang nararamdaman at nagsisimula na mamuo ang pawis sa kan'yang noo dahil sa kaba at pagkataranta.

Ilang beses siyang napalunok nang marinig ang mga yabag nito at ilang saglit pa ay napatigil siya. Nawala rin ang mga yabag sa kan'yang likuran. Habol ang hininga siyang nag-isip.

Haharapin ko ba o mananakbo ako? T@ng!n@, bakit ko pa kasi naisip na mag-cutting?!

Ikinuyom ni Lylia ang mga kamao bago kumuha ng lakas ng loob para harapin ang nasa likod.

Sige, pagbilang ko ng tatlo..

Isa..

Humawak ang dalawang kamay sa palda bago pumikit.

Dalawa..

Muling kumuyom ang kamao niya at may pag-aalinlangan na tumango.

Tatlo...

Ikinilos niya ang mga paa at sa isang iglap ay hinarap ang tao sa kan'yang likuran. Nakahinga siya nang maluwag bago tamad na ngumiti.

"Emir..." pagtawag niya sa kapatid na seryoso ang mga mata na nakatingin sa kan'ya.

"At talagang uuwi ka na wala man lang paalam?" tumaas ang isang kilay nito kaya napabuntong-hininga si Lylia bago tumalikod.

"Magagawa ko pa bang magpaalam kung.. Kung mahina na ang tingin sa akin ng lahat, I let that girl pushed and slapped me because I need to protect my brother and friends career. And I almost forgot my promise to our parents. If I didn't make any trouble until we graduate, papayag na sila na pumasok tayo sa Music School at hindi kumuha ng pagdodoktor." pinigilan na maluha ni Lylia bago magsimula sa paghakbang.

Naramdaman niya ang pagsunod ng kapatid ngunit hindi niya ito magawang lingunin dahil nagsisimulang uminit ng gilid ng kaniyang mga mata.

"Simula nuong bata tayo, pinipilit nila tayo na maging doktor o kaya naman ay nursing ang kuhain. Ni hindi nila naisip na pangarap nila iyon at hindi natin.. Tinake-advantage nila ang nagawa kong gulo para linisin ang pangalan ko at gumawa ng kondisyon. Bwiset!" nanggigigil na sigaw ni Lylia hanggang sa matapat sila sa isang Convenience Store.

Mapapansin na wala ring tao rito katulad sa Paaralan. At ang malala pa ay may mga nagbagsakan na tuyong dahon sa puwesto niya kahit wala naman puno na hindi kaagad napansin ni Lylia.

Umangat ang tingin ni Lylia at sumalo nang isa sa mga dahon. Tila nag-slow motion ang lahat dahil biglaang bumagal ang paggalaw ng dahon sa kamay niya hanggang sa kumurap siya at biglang naging normal ang pagbaba nito.

Umawang ang mga labi na nilingon niya ang kapatid.

"Did you see that?" may pagkamangha na tanong ni Lylia, "The leaves are slowly falling in my hands, and it changes when I blink." paliwanag nito bago inulit ang nakita ngunit hindi na iyon ang inaasahan niya dahil isa-isang natunaw na parang yelo ang mga dahon.

Tumingala siya at nakitang walang kapuno-puno sa itaas niya. Doon napagtanto ni Lylia na sobrang daming mali sa sitwasyon niya. Pinanlalamigan na siya ng kamay at may namumuo na namang pawis sa noo niya.

"Lylia Amediya..."

Tila nahugot ni Lylia ang paghinga nang marinig ang boses sa likuran niya. Mula sa boses ni Krem ay nagpalit iyon sa boses ng isang babae at ang babaeng iyon ang hindi niya makakalimutang boses dahil gabi-gabi itong bumabagabag sa kan'ya.

Mariing pumikit si Lylia nang maalala na nasa tapat sila ng Convenience Store. Dahan-dahan niyang itinagilid ang katawan habang pigil ang paghinga at tanging putol-putol na mahinang boses ang lumalabas sa bibig niya. Nagsisimula na siyang mabalot ng takot.

Ilang sandali pa ay marahan niyang idinilat ang mga mata. Napaatras siya nang makita na may taong nasa likuran niya ngunit kamukha na niya ito.

Ngumisi ito bago may itinaas na gunting.

"Sinabi ko naman sa iyo 'di ba? Boses mo ang magpapahamak sa iyo.." pagkatapos nito magsalita ay mabilis niyang ibinuka ang gunting na hawak.

Napapailing si Lylia at binabalak na tumakbo ngunit ayaw gumalaw ng kaniyang katawan. Hanggang sa naramdaman niya na lang na may dumaan sa kan'yang leeg kaya napakislot siya at nahihirapag itinaas ang isang kamay, tiningnan kung ano iyon. Puno na ng takot si Lylia habang tinitingnan ang kamay niya na nababalutan ng dugo.

Ibinuka niya ang bibig at nahihirapang magsalita.

"S-sino ka?" biglang bumulwak ang dugo sa labi niya kaya mas nahirapan siyang tingnan ang kalagayan sa salamin na kaharap.

Ngumiti ito na malademonyo bago itinaas ang puro dugong gunting.

"Ako ay kayo, malapit na tayong maging isa. Kaonting hintay na lang.." wika nito bago buong lakas na itinarak sa ulo ni Lylia ang gunting.







"HUWAAAAAAAAAAAAAAAG!!"

Bumalikwas paupo si Lylia habang sapo-sapo ang dibdib at habol ang paghinga. Kaagad siyang tumingin sa malaking salamin kung saan makikita ang pawis niyang mukha at kagagaling lang sa luha na mga mata. Kumuha siya ng unan at hinagisan ang salamin kaya nagkaroon ito ng lamat.

May tumunog sa pinto kaya alam niyang may papasok sa kwarto niya. Ilang saglit pa nakarinig siya ng mga ingay sa labas at pagbagsak ng susi.

"Emir.. Ako na ang magbubukas, nanginginig ang mga kamay mo." boses ng kanilang ina.

Maya-maya pa ay tuluyan nang bumukas ang pinto at sumalubong kay Lylia ang mga nag-aalalang mukha ng mga magulang at ng kapatid na bakas niyang kakarating lang dahil dala pa nito ang mga bag nila.

Patakbong tinungo ni Kremir ang kapatid bago ibinaba sa sahig ang mga gamit nila. Dumapo ang mga nanginginig na kamay ng binata sa magkabilang-braso ng kapatid. Kaagad napansin ni Lylia ang hindi pagiging kalmado ng binata.

"What's wrong? Kakarating ko lang nang marinig ko na sumigaw ka.. Is there anyone bothering you?" hinihingal na tanong ni Krem sa kapatid.

Imbes na magsalita ay pinakatitigan ni Lylia ang mukha ng kakambal. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina.

Is is supposed to be a dream, just a dream.. But, why It really looks like real?

"Iya, anak.. May nangyari ba rito? Bakit bigla kang sumisigaw?" kunot ang noo na tanong ng kan'yang ama bago pinasadahan ng tingin ang salamin na medyo natatakpan ng unan.

Kinuha ng ama ang unan at mas lumalim ang balat sa noo nito nang makita na may basag na ang salamin.

"Look! What have you done?! Hindi mo ba alam na antique collection ng lola mo iyan?!" may pagtaas na ito ng boses kaya napapitlag si Lylia at ibinaba ang tingin.

Gusto niyang sabihin ang mga nasabi niya patungkol sa mga magulang niya nuong nanaginip siya pero kusang umuurong ang kan'yang dila kapag kaharap na ang mga ito.

Ikinuyom niya ang kamao na nasa ilalim ng kumot bago umiling.

"Sorry, I had a nightmare. And I thought there's a monster watching over me, that's why I panicked and that thing happened." palusot niya sa ama.

Mariing umiling ang ama bago hinagis sa higaan ni Lylia ang unan at pumameywang sa harapan nila.

"I think you just see your true self, anak. You're getting worse everyday..." binuhat ng ama ang salamin.

Lumapit naman ang ina ni Lylia na may pagkabahala sa mukha.

"Anak, kung hindi mo pa kayang matulog mag-isa. Pwede kitang samahan dito, kami ng kapatid mo.." wika nito bago tiningnan si Krem na tumango na lang.

Umangat ang tingin ni Lylia bago pinasadahan ng tingin ang ama na kakalabas lang ng pinto at inialis na ang malaking salamin. Doon na niya naipakita ang malungkot na ngiti sa mga kaharap.

"Why Papa is angry when it comes to me? Dahil ba ginusto niya na ang panganay ay lalake?" biglaang tanong ni Lylia.

Parehong natigilan ang dalawang tao na kaharap at mukhang hindi alam ang isasagot. Si Krem ay tuluyang ibinaba ang mga kamay at pinasadahan ng tingin ang ina.

Hinaplos ng ina ang mahabang buhok ni Lylia, sumisilaw ang ube nitong kulay sa liwanag kaya mas magandang hawakan.

"Anak, your father i ms just tired. From all the surgery he had, sobra ang pagod niya kaya siguro mabilis uminit ang ulo niya kapag nasa bahay dahil hindi niya maipakita ang nararamdaman niya sa Hospital kahit galit na siya. I saw how your father cried when he carried you, how happy he was seeing the new born Lylia, can't you see? Siya pa ang nagpangalan sa iyo dahil mahal na mahal ka niya." paliwanag ng ina nila bago dumapo ang isa nitong kamay sa pisnge ng dalaga, "Kapag nagkasabay ang mga bakasyon natin sa trabaho at sa school... I promised to have a family trip, para makabawi kami sa inyo." paniniguro ng ina.

Ngumiti si Lylia bago hinawakan ang kamay ng ina na nakalapat sa kan'yang pisnge.

"Thanks, Ma." muling nagkabuhay ang mga mata ni Lylia, "Ayos na ako, kaya ko pong matulog mag-isa. I'm not your baby Lylia now. I'm a grown up woman na.." pahabol nito.

Tumawa ang ina at tumayo na sa kama bago hinalikan ang noo ng mga anak.

"Mukhang may pag-uusapan pa kayong dalawa. Matulog na kayo pagkatapos ha? Goodnight sweetheart and my baby Emir."  huling sinabi ng ina bago tuluyang makalabas ng silid.

Matapos marinig ang pagsarado ng pinto ay muling nabalot ng katahimikan.

Sa baba ang tingin ni Lylia samantalang sa gilid naman ng dalaga ang tingin ni Krem. Tila parehong may malalim na iniisip.

Umangat ang tingin ni Lylia sa mukha ni Krem at kitang-kita niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Kumunot ang noo ni Lylia bago ibinaba ang tingin sa mga kamay nito na kanina pa niya napapansin.

"May naririnig ka na naman ba? B-bakit sobra ang nginig ng kamay mo?" pag-uusisa ni Lylia bago hinawakan ang magkabilang kamay ng kapatid.

Mas lumalim ang gitla sa noo niya nang mapansin na malamig ito kaya nababahala niyang tiningnan ang kapatid.

"Emir.. Ang lamig ng kamay mo." pinaglapat ni Lylia ang mga labi at tumagilid ng bahagya upang tingnan ang nasa likuran ng kapatid.

Bumilog ang mga mata niya nang makita ang salamin na naroon pa rin at wala itong lamat. Ngunit hindi iyon ang mas pinangamba niya.

"Emir..." pagtawag niya sa kapatid habang nakatingin sa repleksyon nito.

Dahan-dahang gumalaw ang ulo ni Krem at sinundan ng tingin ang mga mata ni Lylia. Napaatras si Lylia nang masaksihan ang pagbabago ng itsura ng kapatid sa repleksyon ng salamin at ang nakaikot nitong ulo habang nakaharap sa kan'ya ang katawan.

Naging babae ito na nakaitim at walang mukha. Tila nagdedeliryo na inalis ni Lylia ang pagkakahawak sa kapatid at akmang tatayo na nang hawakan siya nito.

Ibinaba ni Lylia ang tingin at ganoon na lang ang takot nang makita na may hawak siyang mga mahahabang insekto na gumagapang sa mga kamay niya. Nahihintakutan na sumigaw si Lylia.




"KREEEEEEMIIIIIIIIR!"


Isang malakas na sampal ang nagpagising sa kan'ya. Kusang dumapo sa kaliwa niyang pisnge ang  mga kamay na malamig dahil sa natuyong pawis. Habol ang hininga na luminga-linga si Lylia upang tingnan kung sino ang sumampal sa kan'ya ngunit walang ibang sumalubong bukod sa madilim na paligid.

Inilapat niya ang isang kamay sa mukha upang ihilamos ito. Ramdam niya ang mga namuong pawis dahil sa maalinsangan na paligid. Kakaiba rin ang amoy at masakit sa ilong kaya tinakpan niya ito gamit ang isang kamay.

"Bwiset! Nasaan ako?" naguguluhang tanong niya at balak na sana tumayo ngunit hindi na niya naituloy nang mapansin na may pumipigil sa kan'ya.

Isang maikling kadena ang nakapalibot sa dalawang paa niya at ikinabit sa upuan kung nasaan siya dahilan upang hindi niya makalakad. Nilingon niya ang likuran sa pagbabakasakaling hindi katalinuhan ang nagkabit nito ngunit nadismaya lang siya sa huli nang makita na nakapulupot ito sa dingding.

May namumuo na namang tensiyon na nararamdaman si Lylia ngunit naisip niya na panaginip lang ulit ito kaya pilit niyang kinalma ang sarili.

"Hindi, this is not true. This is just a dream! Wake up, Lylia!" panggigising niya sa sarili bago sunod-sunod na sinampal ang sarili.

She stopped the moment she heard some voices aroung her. Tila hindi siya nag-iisa at may nanonood sa ginagawa niya. Ibinaba ni Lylia ang mga kamay at pinakatitigan ang madilim na bahagi sa bawat sulok kung nasaan siya. Doon lang luminaw sa paningin niya ang mga bulto ng mga tao na nakatayo hindi kalayuan sa puwesto niya.

Madilim ang tingin niya sa mga ito, "Who the hell are you? Is this kidnap for ransom? Cut the crap, hindi magsasayang ni piso ang ama ko para sa akin. Kakagastos niya lang kamakailan para sa akin.." she said emphasizing how her parents cleaned the trouble she did.

Wala siyang narinig na tugon sa mga tao sa hindi kalayuan kaya hindi niya maiwasang isipin ang dahilan kung papaano siya napunta sa sitwasyong ito.

The school..

Cutting classes.

I go home early..

I locked the door.

I spent one day in my room and the only time I go outside is when nobody is around.

I heard Krem's voice every hour when he got home. Checking if I am still okay.

Then, I go outside... Madilim na dahil malalim na ang gabi.

Nasa tapat ako ng isang Convinience Store when a white van stopped in front of me. May lumabas na dalawang lalake at sapilitan akong hinila.

Mariing pumikit si Lylia habang tinatandaan ang mga nangyari.

I heard someone's voice.. That baritone voice, I couldn't remember who he is.

Lilingunin ko na siya nang may inilagay na bagay sa ilong ko dahilan para magdilim ang paningin ko.

Humawak sa sentido si Lylia nang maalala ang mga nangyari bago siya napunta sa mga panaginip na akala niya ay totoo.

Shi*t! That dream, bakit mas mukhang totoo pa iyon kaysa sa kinalalagyan ko ngayon?

*SPLASH

Ibinuka ni Lylia ang bibig at dinama ang malamig na tubig na dumadaloy sa kan'yang mukha pababa sa katawan. Pakiramdam niya ay may nagbato ng yelo dahil sa lamig nito.

"Bwiset. Bwiset. Bwiset..." mahinang bulong niya sa sarili bago hinilamos ang mga kamay sa mukha na basa ng tubig.

Marahan niyang idinilat ang mga mata. Malabo pa ang paningin dahil sa tubig at sa ilaw na itinapat sa kan'ya. Muli niyang pinunasan ang sarili bago tuluyang luminaw ang paningin.

Tumambad sa kan'ya ang isang kulot na lalake at kasing-tangkad ni Kino. Medyo kayumanggi ang kulay ng balat nito, isama pa ang kulay putik niyang mga mata na kaagad iniwasan ng tingin ni Lylia. Hindi ito kaaya-ayang pagmasdan dahil sa aura ng binata.

'Mabigat. Marami siyang dala-dala. Hindi nalalayo ang mga mata niya sa mata ni Angry bird.' tanging naisip ni Lylia.

Hinawakan nito ang baba niya at hinila paangat dito. Mas tumalim ang tingin ni Lylia nang ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila. Mas nasiguro niya na ito ang walang-kwentang presidente ng SSG at ang bodyguard ni Entice, si Rizalino Pablo.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Rizalino na tila mapang-insulto bago tumingin sa gilid ni Lylia.

"Totoo nga ang sinasabi nila... Maganda ang dating bokalista ng Maze. Hindi tuloy ako makapaniwala na sinayang ka ni Kino para lang sa mukhang tomboy na si Andy." pagak itong tumawa bago dinampi ang isa pang kamay sa pisnge ni Lylia pataas sa buhok nito, "Pati ang buhok mo, bumagay sa mala-anghel mong mukha.. Sayang nga lang at hindi mo na iyan mapapakinabangan."

Naguguluhan na tinabig ni Lylia ang mga kamay ni Rizalino at akmang sasampalin ito ngunit may humila ng buhok niya mula sa likod at sa isang iglap ay nakita niya ang mahaba niyang buhok na nagbabagsakan na sa sahig.

Nanlulumo na hinawakan ni Lylia ang buhok na dati'y abot hanggang sa kan'yang siko. Ngayon ay ni hindi lumagpas sa kan'yang balikat. Umawang ang bibig ni Lylia at napuno ng galit ang mga mata bago ikinuyom ang kamao at binalingan ang taong nasa likuran.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Lylia habang pinapanood kung paano iwagayway ni Entice ang ilan sa mga buhok niya bago paonti-unting bitawan sa ere. Iniikot pa nito sa isang kamay ang malaking gunting na hawak bago pilyang ngumiti kay Lylia.

"Sabi ko naman sa iyo, hindi ako papayag na hindi ako makakabawi sa lahat ng kahihiyan at pananakit mo sa akin.. Look, hindi ka na-expelled sa school but that doesn't mean that you are free for my revenge. Buhok mo palang ang ang natatanggal ko, umiiyak ka na.. Paano kapag ibang bagay pa?" ngumiti si Entice ng malademonyo bago humakbang palapit kay Rizalino na umakbay naman sa kan'ya, "Hindi ako papayag na gra-graduate akong walang ganti sa inyong dalawa.. Tamang-tama at sabay kayong nakuha ng mga inutusan namin." dagdag pa nito bago humagalpak ng tawa.

Tila wala sa wisyo si Entice dahil halata ang pamumula ng pisnge nito kahit kayumanggi ang kulay ng balat.

Kumorte ng bilog ang bibig ni Lylia nang mapagtanto ang sinasabi ng dalaga. Mabilis na bumalik siya sa katinuan nang malinawan na hindi lang siya ang kinuha ng mga ito.

Pinunasan niya ang mga luha bago pilit na ngumiti at hindi na pinansin ang maikling buhok na hindi pantay ang gupit.

"Sige... Kung ano pa ang gagawin mo, gawin mo na. Baka kasi hindi mo matapos dahil alam kong hinahanap na ko ng mga magulang ko sa mga oras na ito." buong tapang na sabi niya sa mga kaharap.

Nagkatinginan ang dalawa at parehong umangat ang mga kilay bago sabay na pumalakpak sa kakatawa. Hindi iyon nagustuhan ni Lylia kaya pinagkrus niya ang mga braso.

Binalingan siya ni Entice ng tingin.

"Mukhang mali talaga ang pagkakakilala sa iyo ng pamilya mo dahil kahit isang buong araw ka nang wala, wala pa ring balita patungkol sa iyo." masayang balita ni Entice, "Marami-rami pa ang oras para maglaro tayo, Lylia..." malanding sabi nito.

Isa-isang bumukas ang ilaw at sumalubong sa kan'ya ang anim na lalake na wala sa kan'ya ang atensyon. May mga hawak ito na mahahaba at makakapal na kahoy habang patuloy na hinahampas ang lalakeng nakatayo at may kadena ang mga paa at kamay,hubad ang kalahating parte ng katawan nito na namumula, may mga sugat at dugo. Base sa itsura nito ay kanina pa ito hinahampas ng mga kalalakihan ngunit wala man lang kahit anong daing na nanggaling rito.



"Siya..." napapailing na sabi ni Lylia.








Tinakpan ni Lylia ang bibig gamit ang mga kamay at nanlulumo na tiningnan ang nanghihinang katawan ni Denum.

"A-anong ginawa niyo sa kan'ya?! Balak niyo ba siyang patayin?!" nanginginig at puno ng takot na tanong ni Lylia.





END OF CHAPTER 47

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top