CHAPTER 46
Chapter 46
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?"
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?"
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?"
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?"
Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.
Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.
Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.
Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama ang mabilis na pagpintig ng puso niya, tila malalagutan siya ng hininga.
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" with an instant, he chuckled before walking towards my direction and then, he kissed me on my cheeks.
AS IN! MAGKABILANG PISNGE!?
Mabilis na tinakpan ni Andy ang mukha nang maalala kung paano iyon sinabi ni Denum at ang mga sunod na ikinilos nito. Pakiramdam niya ay nananaginip siya kaya pilit na ginigising ang sarili.
"Haaaay, Denum, bakit palagi kang dumadagdag sa mga isipin ko? Mongggggiiii..." tila pagod na tanong niya sa kan'yang sarili.
"Wala pa akong allowance ha? Pautang muna ako.." pabulong na sabi ni Lylia habang nakapatong ang kaliwang braso sa kanang balikat ni Krem.
Sinamaan siya ng tingin nito.
"Mas malaki nga ang nahihingi mo. Saan mo ba kasi inuubos iyan?" nakasimangot na tanong nito.
Sumimangot si Lylia bago marahang siniko ang leeg ni Krem.
"Huwag ka na magtanong! Uutang naman ako, hindi mo ako ililibre this time." medyo napalakas ang sabi ni Lylia kaya nilingon siya ng mga estudyante na dinaraanan nila.
Krem turn to her with a forced smile.
"At bakit parang utang na loob ko pa iyon sa 'yo?" tanong ni Krem bago muling sumama ang timpla ng mukha.
Nangungunot ang noo ni Lylia habang tinitingnan ang kapatid. Wala siyang ideya kung bakit ganito kasama ang itsura nito ngayon.
Umayos siya ng tayo bago sinamaan ng tingin ang kakambal.
"Ano ba'ng problema mo? Humanda ka sa 'kin.. Sasabihin ko sa lahat na may teddy bear kang yakap kapag matutulog.." pagbabanta ni Lylia at akmang hahakbang na palayo nang pihitin siya ni Krem.
Muli niya itong nilingon at hindi katulad kanina. May pangamba na na makikita sa mukha nito. Mukhang pinapakiramdaman nito kung totoo ang sinasabi niya kaya ipinagkrus niya ang mga kamay tapat sa dibdib bago ngumisi. Ilang saglit pa ay bumagsak ang balikat nito, senyales na natalo.
"Tara na, kahit huwag mo na bayaran... Hindi ka naman talaga nagbabayad e." binulong lang ni Krem ang mga huling sinabi dahil alam niyang masasaktan siya ng kapatid.
Nagliwanag naman ang mukha ni Lylia at nangingiti na muling ipinatong ang siko sa balikat ni Krem.
"Yehey... Mabait talaga ang kapatid ko." may pang-aasar na sabi ni Lylia.
Sa totoo niyan, hindi talaga niya iyon gagawin. Sadyang masaya lang siya na ginagalit ang kapatid. At iyon ang oras niya para sulitin ang kabaitan ng kakambal.
Sakto na nakasalubong naman nila ang mga kabanda na sina Alu at Gus kaya sumabay na sila sa pagpunta sa Canteen.
Pagkaupong-pagkaupo ay kaagad na binasag ni Gus ang katahimikan sa pagitan nilang apat.
"Nakita niyo ba kanina si Andy? Napalabas siya ng subject teacher nila.. HAHAHAHA! Kitang-kita ko habang nagkaklase kami." masayang panimula ni Gus, ang lalakeng makwento at hindi mauubusan ng sasabihin.
Kita sa pananamit nito na siya ang pinaka-pasaway sa kanilang apat dahil ni hindi niya man lang maisuot nang maayos ang kulay asul na vest ng uniform nila. Palagi niya lang itong bitbit o kaya ay nakasabit sa balikat.
Umangat ang dalawang kilay ni Krem, samantalang umirap naman sa kawalan si Lylia.
"Kailan—" hindi naituloy ni Krem ang tanong.
"Who cares about your unfiltered mouth, Gusion Delgado? Wala ka bang mas interesting na tsismis? 'Yong bago naman.." nakaismid na tanong ni Lylia.
Tumingin si Gus kay Krem na tila magsusumbong ngunit ngumiti na lang si Krem at nagkibit-balikat.
Inakbayan naman ni Alu ang kaibigan bago tinapik ang braso nito gamit ang isa pang kamay.
"Oo nga, maghanap ka naman ng ibang topic tol. Palaging si Andy ang laman ng tsismis dito, hanap ka naman ng bago." pagsang-ayon nito sa sinabi ni Lylia.
Pilyang ngumiti si Lylia bago itinaas ang kanang kamay para makipaghand shake kay Alu na tinanggap naman ng huli.
Wearing his complete uniform neatly. Alu Rei Sebastian is the top student among their group. Ito ang pinakamasipag at pinakamahusay pagdating sa pag-aaral.
"Wait, mukhang may bago sa iyo, Kremir.." biglang pag-iiba ng usapan ni Alu na seryosong pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ng kaharap.
Tumaas ang dalawang kilay ni Krem bago kinagat ang pang-ibabang labi.
"And what is it?" may kuryosidad na tanong nito.
Nagkatinginan sina Gus at Lylia bago sabay na tiningnan si Krem para gayahin ang mapang-usisa na tingin ni Alu.
Namimilog ang bibig ni Gus bago sumipol at pumalakpak.
"Woah! I know it! Ngayon ko lang napansin..." napapalakpak na wika nito.
Ngumiwi si Lylia bago tumango na mas ikinalalim ng gitli sa noo ni Kremir.
"Ano ba 'yon?" may pamimilit na tanong ni Krem dahil wala pa rin siyang ideya sa mga sinasabi ng mga kaibigan.
Mas inilapit ni Alu ang mukha bago hinawakan ang magkabilang tenga ni Krem.
"Woah.. Wala na ang pinakamamahal mong headphone. What a miracle.." may pagkamangha na tanong nito bago pinitik ang magkabilang tenga ni Krem na ikinadaing ng huli, "Mabuti naman at may ideya na ako kung ano ang itsura ng tenga mo, iniisip ko pa naman na may loga ka kaya mo tinatakpan." natatawang biro nito.
"HAHAHAHAHA!" malalakas ang binibitawang tawa ni Gus.
"Pft." napapailing habang nagpipigil ng tawa si Lylia.
Hinawakan ni Krem ang mga kamay ni Alu bago marahang itinulak palayo. Tatawa-tawa itong umiling.
"Mga sira... Palagi akong naglilinis ng tenga 'no. Kahit dito pa kayo tumira." pahabol niyang biro bago sumeryoso ang mukha, "Hindi pa ba tayo bibili? Nagugutom na ako.." pag-iiba nito ng usapan bago tumayo.
Nagtinginan sina Lylia, Alu at Gus bago sabay-sabay na tumawa at mga nagsitayuan na para bumili ng pagkain. Nauna sa paglalakad sina Alu at Gus, samantalang hinintay naman ni Krem ang kapatid na mabilis ipinulupot ang mga kamay sa isa niyang braso.
"Libre na 'to ha.." halos pabulong na sabi nito kay Krem habang itinataas-baba ang dalawang kilay.
Ngumiwi si Krem bago bagsak ang balikat na tumango. Mas lumiwanag ang mukha ng dalaga bago hinila ang kapatid sa paglalakad.
"Oy! Libre niyo ako!" pahabol pa ni Lylia bago lingunin ang dalawa na nagkatinginan matapos niyang sabihin iyon.
Pareho itong nagulat sa sinabi ng dalaga dahil hindi naman ito madalas magpalibre. Lumapit nang bahagya si Gus kay Alu bago bumulong.
"Mag-iipon siguro ito ng pang-date para mabasted ulit. Pft..." tinakpan ni Gus ang bibig bago tumingin kay Lylia, "Sige, ako na sagot sa gulaman mo."
Tumaas ang isang kilay ni Lylia at mukhang alam na ni Krem ang dahilan nang reaksyon ng kakambal.
"Ayoko ng gulaman, lasang asukal e." sandaling nag-isip si Lylia, "Kung C2 apple na lang kaya, hmm, masyadong mura, ay, alam ko na! Chuck—shshsgdshsh" hindi na nakapagsalita si Lylia dahil tinakpan na ni Krem ang bibig nito.
Nginitian ni Krem ang mga kasama bago tumango. Si Lylia naman ay pilit tinatanggal ang kamay ng kapatid.
"Ako na manlilibre, maarte kasi ang kapatid ko. Alam niyo na..." makahulugang wika ni Krem bago bitawan si Lylia na naghahabol ng hininga. Umuna na sa pagbili ang dalawa nilang kasamahan.
Dumapo ang isang kamay ni Lylia sa balikat ni Krem bago sumama ang tingin sa huli.
"Ayaw mo non? Marami akong pagkain para hindi ako magutom?" dismayadong tanong ni Lylia.
Tipid na ngumiti si Krem, "Is there any changes if you are hungry or not? Nothing, ikaw pa rin si Lylia. Magutom ka na basta huwag ka lang gagamit ng iba para sa sarili mo... And before you forgot, you're the eldest here.. You need to be a good role model for us and to the people around you." payo nito sa kapatid.
Sandaling natahimik si Lylia bago muling ikinawit ang mga kamay sa braso ng kapatid.
Matapos kumuha ng pagkain ay masayang nauuna sa paglalakad si Lylia. Malawak ang ngiti sa labi nito dahil sa dami ng nailibre ni Krem.
Papaupo na siya nang may tumabig sa kan'ya dahilan upang tumapon lahat ng pagkain sa sahig. Napatulala si Lylia habang tinitingnan ang mga pagkain niyang tumapon.
Nahinto naman sa paglalakad ang tatlong binata na kasunod niya. Umawang ang bibig ni Alu, napasinghap naman si Gus sabay takip sa bibig, samantalang si Krem ay pabalik-balik ang tingin sa dalawang tao sa harapan.
Maging ang mga estudyante ay tumigil sa mga ginagawa at natuon ang atensyon sa dalawang tao sa kanilang harapan.
Dahan-dahan na tumingala si Lylia at kinunotan ng noo ang tao sa kan'yang harapan. Sinamaan niya ito ng tingin.
Ngumiti ang babae sa kan'yang harapan na may mga galos pa ang ilang bahagi na hindi natatakpan ng uniporme.
"O-o-oh! The girl with a violet hair. It looks like your parents paid the school and my family to clear the mess you've brought up." may pang-aasar na sabi ni Entice habang itinuturo ang mga hita pababa sa paa, "Nakikita mo ba 'to? Ito ang kinalabasan ng kademonyohan mo sa akin.. At hindi ako papayag na matatapos lang ito nang ganoon lang."
Nag-iba ang aura ng mukha nito at mas nanggigil. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Lylia na nagpagulat sa mga taong nakapaligid sa kanila. Mabilis na ibinaba ni Krem ang hawak na tray at lalapit na nang itaas ni Lylia ang kamay bago nilingon ang kapatid.
"Don't you dare, Emir." may banta na wika ni Lylia bago umiling at muling tiningnan si Entice.
Pagak na tumawa si Entice, "Oh, nahihiya ka bang ipakita na matapang ka lang dahil sa babysitter mo? Ngayon mo ilabas ang tapang mo nang masampal ulit kita. Well, ganiyan ka pinalaki ng magulang mo.. Kapit sa pera at sa mga nakapaligid sa iyo."
Bumuntong-hininga si Lylia bago napaisip.
I want to slap her back, but I can't. I don't want to drag anyone here. No, not my brother! He didn't know anything about my shit.
Biglang may kamay na tumutulak sa kan'ya kaya muli siyang bumalik sa reyalidad at namalayan na tinutulak siya ni Entice.
"I skipped classes for almost two weeks waiting for your expulsion and end up being shocked to see you here enjoying your life.." puno ng galit ang tono ng boses nito.
Hindi ito pinansin ni Lylia at patuloy ang pag-atras hanggang sa tumama ang likod niya sa mesa. Napahawak siya sa magkabilang mesa nang muling tumama ang kabilang kamay ni Entice sa banda ng mukha niyang hindi pa nasasampal. Nagpantay ang lapat ng kamay ni Entice sa mukha ng dalaga. Ngunit hindi kumibo si Lylia at pinanatili ang kalmadong ekspresyon nito.
Hindi iyon nagustuhan ni Entice at mas lalong namula sa galit.
"Hindi ka ba talaga lalaban ha?! Aakto kang mabait ngayon?! Walanghiya ka!!!" sigaw ni Entice habang sunod-sunod na pinaghahampas si Lylia kasabay ang pagsampal dito.
Kitang-kita sa mukha ng mga nakapaligid ang pagtataka at gulat dahil sa hindi gumawa ng kahit anong hakbang si Lylia para labanan si Entice.
Hindi na nakapagpigil si Krem at mabilis na nilapitan si Entice para hawakan ang magkabilang braso nito.
"Tumigil ka na! Sobra na ang ginagawa mo sa kapatid ko!" may lungkot na sabi ni Krem at pilit niyang hinihila papalayo si Entice ngunit nagagawa pa nitong sipain si Lylia. Lumapit na si Gus para tulungan si Krem sa pagpapalayo kay Entice.
"Bitawan niyo ako! Babawian ko pa siya! Walanghiyang babae iyan! Hindi ako papayag na hindi siya matanggal sa school na 'to matapos ang lahat ng nangyari."
Kumuyom ang kamao ni Lylia at kagat-kagat ang ibabang labi habang pinapanood ang kakambal. Nilapitan siya ni Alu at hinawakan sa braso.
"We need to get out here. May tumawag na ng mga teacher. Baka mas malaking gulo pa ang mangyari." mahinang sabi nito habang inaalalayan ang walang emosyong si Lylia.
Tahimik lang itong nagpahila kay Alu habang tinitingnan ang kapatid na tumango sa kan'ya. Nakaramdam ng panlalamig si Lylia bago pilit na ngumiti.
"I said let go of me!!" pilit kumakawala ni Entice habang bitbit siya nina Krem at Gus.
"Arghhhhh!!!" galit na sigaw niya habang umiiyak bago nanghihina na napapikit at tuluyang nawalan ng malay.
Sakto naman na kakarating lang ni Rizalino dahil nahuli ang guro sa pagpapalabas sa kanila at naabutan na lang ang pagkawala ng malay ni Entice. Namimilog ang mga mata na nilapitan niya si Entice at tinitigan ang dalawang binata na nakaalalay dito.
"Anong nangyari? Bakit nawalan siya ng malay?" natatarantang tanong ni Rizalino bago tinulak ang dalawa.
Nagkatinginan sina Gus at Krem bago ibinalik ang tingin kay Rizalino. Hindi na nakasagot si Krem dahil sa mabilis na pagbuhat ni Rizalino sa dalaga na walang malay at binitbit papalabas sa Canteen.
Hila-hila pa rin ni Alu si Lylia nang matigilan sila dahil nadaanan nila si Andy na kakalabas lang ng banyo. Kita sa mukha nito ang pagkataranta dahil sa biglaang pag-iwas nito at pagyuko. Mabilis itong naglakad paatras na ipinagtaka ng dalawa.
"Is she really weird or am I just hallucinating?" naguguluhang tanong ni Alu.
Umirap sa kawalan si Lylia bago inagaw ang braso kay Alu at pinagkrus ang mga iyon.
"Everything here is really strange. She is just a part of the society.." biglang ngumisi si Lylia at hinarap si Alu, "Tell Kremir that I would go home now. Huwag niya akong papasukin sa kwarto, naka-lock." habilin nito bago talikuran si Alu.
Alu's lips parted before shaking his head.
"The violet baby boss strikes again.." he mumbled.
Patuloy sa pag-atras si Andy kahit nakaliko na siya sa isang pasilyo at nawala na sa paningin niya sina Lylia at Alu. Nahihiya kasi siya sa mga ito dahil alam niyang napanood na nito ang larawan patungkol sa pagnanakaw na ginawa niya kaya kailangan niya nang lumayo.
Mabagal na umaatras si Andy kaya hindi niya namalayan na may tao na pala siyang babanggain. Tumama ang ulo niya sa dibdib ng nasa kaniyang likuran kaya mabilis niya itong nilingon.
Namimilog ang mga mata niya na tiningnan ang seryosong mukha ni Kino. Gustong maglaho ni Andy nang maalala ang pagtatanggol ng kaibigan sa kan'ya.
Biglang napaiwas ng tingin si Andy bago nagkakamot ng ulo na yumuko. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata kaya naisipan niya na iwan ito at hahakbang na sana ngunit hinawakan ni Kino ang magkabilang braso ni Andy kaya napatingala ang huli.
Binasa ni Kino ang ibabang labi bago ngumiti.
"Huwag ka'ng mahiya sa akin dahil sa ginawa ko kanina. You deserved that kind of treatment, Andy. Being a friend of mine is absolutely not easy, same as yours.." ipinatong nito ang isang kamay sa ulo ng dalaga bago guluhin ang buhok, "Kahit sino ka pa bago tayo maging magkaibigan, tanggap ko. Kasi iyon ang bumuo sa kung ano ka ngayon, huwag kang mahihiya sa kung ano ka noon. Hindi mo kasalanan na gusto mo lang buhayin ang sarili mo, walang masama roon." umiling-iling si Kino.
Pinakatitigan lang ng dalaga si Kino bago tuluyang napaluha at mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Ngumiti si Kino at marahang hinila palapit ang kaibigan bago niyakap nang mahigpit. Tinapik niya ang likurang bahagi ni Andy bago bumulong dito.
"I accepted you to be my friend, the best of all the person I know.. You don't need to hide everything, Komasan." mahinahong bulong ni Kino sa patuloy na umiiyak na si Andy.
"Thank you.. Kumag." mahinang bulong ni Andy.
Tumutulong si Andy sa pagliligpit ng mga dadalhin ni Kino kaya halos-tatlong oras silang nag-ayos kasabay ang paglilinis ng mga kwarto nila.
Bitbit ni Andy ang dustpan habang hawak ni Kino ang walis-tambo.
"Bakit mas madumi ang kwarto mo, Andy? Napuno natin ang dalawang sako." may pagrereklamo na tanong ni Kino.
Kumunot ang noo ni Andy at umakto na hahampasin si Kino nang hawak na dustpan.
"Sira ka! Sinama mo kasi yung mga dati kong damit. Malay ko ba na pati mga susuotin ko, papakialaman mo." reklamo ni Andy bago ibinaba ang dustpan.
Tumawa si Kino bago nilapitan ang isa sa dalawang puting sako at may kinuha roon. May itinaas ito na hindi kaagad nakita ni Andy.
"Bakit hindi? Tingnan mo itong short na ito? Tatakpan mo na nga lang yung butas sa gitnang likod, ibang tela pa..." ibinaba niya ang hawak na tela bago may inabot muli sa loob ng sako pagkatapos ay itinaas ulit ang isang braso, "And this, this shirt, butas na nga ang kili-kili, naninilaw pa. Baka pamasko mo pa ito nuong bata ka ha, mahiya ka naman Andy.. Hindi kaputian kili-kili mo para pahanginan." puno ng pang-aasar na sabi ni Kino.
Pinandilatan ni Andy si Kino bago tuluyang binato ng dustpan.
"Sira ka! Sinusuot ko lang iyan kapag naroon ako sa dati naming bahay na inangkin na ng tiyahin ko." biglang nalungkot ang mukha ni Andy nang maalala ang tiyahin na hindi man lang siya binalak hanapin.
Nawala ang nakakalokong ngiti ni Kino bago ibinalik sa sako ang damit at nilapitan ang kaibigan. Inakbayan niya ito.
"Alam mo.. Hindi ko na babalakin na sumama sa CAM kung iiwan kita na malungkot." biglaang nasabi ni Kino.
Lumalim ang gitla sa noo ni Andy bago balingan si Kino.
"Monggiii.. Required iyon, baka hindi ka maka-graduate kapag hindi ka sumama." gulat na sabi ni Andy.
Tipid na ngumiti si Kino bago nagkibit-balikat.
"Edi huwag grumaduate.. Atleast, hindi kita maiiwan. Sabay tayong papasok sa mga University na gusto natin at..."
Mabilis na inalis ni Andy ang pagkakakbay sa kan'ya ni Kino at hinarap ito habang nakapameywang.
"What? So, are you planning to wait for my turn before you continue your college?" paglilinaw ni Andy.
Ngumiwi si Kino dahil alam niyang nagsisimula nang mainis ang dalaga sa kan'ya. Napahawak siya sa batok bago nagdadalawang-isip na tumango.
Marahas na umiling si Andy bago sumigaw kay Kino.
"MONGGGGGIIIIII!!!!" buong lakas niyang sigaw.
Habol ang hininga niyang inayos ang sarili at muling tiningnan si Kino na nakatakip ang tenga.
"Nasisiraan ka ba? Huwag mong itutuloy ang binabalak mo, huwag na huwag Kumag. Makakatikim ka sa akin." may gigil na sabi ni Andy bago hinawakan ang isang kamay ni Kino, "Ayokong tumigil ang pangarap mo para lang sa akin. Kino, we just met for almost five months. Ni hindi pa nga tayo nagpapasko ng sabay tapos ganito agad? Please don't ever do that kind of thing. Masisiraan ako ng ulo kapag ginawa mo iyon dahil alam kong magagalit ang mga magulang mo." napapailing na sabi ni Andy.
Nakatingin lang sa kan'ya si Kino bago nito hinawakan ang nakahawak na kamay sa kan'ya ni Andy. Marahan niya iyong pinisil.
"P-paano ka? Iniisip ko lang kung papaano kapag wala ng mga mata na magbabantay sa iyo kapag magpassed out ka, paano ang Club? Maiiwan ka mag-isa ron." sunod-sunod na tanong ni Kino na ikinatawa nang mahina ni Andy.
"G*go ka talaga. Nakalimutan mo yatang may Krem, Lylia, Alu, Gus at Denum na nakapaligid sa akin. Tsaka anong mag-isa? Nakalimutan mo bigla na kasali na si Lylia sa Club natin. Relax ka lang. Mag-iiba ka lang ng school pero magkasama pa rin naman tayo rito at magkaibigan pa rin." pagpapakalma ni Andy bago sinuntok sa braso si Kino, "Sulitin na lang natin ang mga buwan na nasa high school ka pa kasi alam nating magiging problemado ang college life." tumaas ang dalawang kilay ng dalaga habang nakikipagtitigan sa binata na tanging tango ang naisagot.
Itinaas ni Andy ang kanang kamao, gayundin si Kino at nag-twist bomb.
"Ingat ka sa CAM, Kumag. Mag-iingat din ako habang wala ka." nakangiting sabi ni Andy.
END OF CHAPTER 46
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top