CHAPTER 45
CHAPTER 45: STRANGER
As the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.
Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.
Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.
Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.
Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.
Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.
Monggii, wala na talagang nagbalak na kumausap sa akin simula nang hindi ko magawa yung mga proyekto nila. Mga manggagamit!
Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago ipinikit ang mga mata. Dama niya ang tahimik sa kan'yang paligid at tanging boses ng guro lang ang maririnig. Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya nang may tumama na kung ano mukha niya.
Napaigtad si Andy bago mabilis na kinapa ang bagay na tumama sa mukha niya. Isang itim na marker.
"Miss Samson! Hindi kita pinapasok sa klase ko para matulog lang!"
Dahan-dahan na bumangon si Andy bago umayos ng upo. Kitang-kita niya ang mga kaklase niya na nasa kan'ya na ang atensyon at iba-iba ang ekspresyon. May mga natatawa at ang iba ay nagtataka, isama pa ang mga wala talagang pakialam.
Ngumiwi si Andy bago umiling.
"N-no, Mrs. Sanchez.. Masakit lang po ang ulo ko kaya yumuko ako saglit." palusot niya.
Tumikhim ang guro bago ngumiti ng pilya.
"Is that so? Siguro ay hindi umiikot ng maayos ang dugo sa katawan mo, may alam akong pwedeng makatanggal ng hilo mo.." itinuro nito ang pinto, "Stand outside my room while raising your two arms! Hindi ka aalis doon hangga't wala akong sinasabi." utos ng guro na masama na ngayon ang timpla ng mukha.
Umawang ang mga labi ni Andy, "But Ma'am.." sumimangot siya at mabilis na tumayo bago dumiretso sa pinto.
Habang papalabas ay naririnig niya pa ang bulungan sa klase kaya binalingan niya ang mga ito nang masamang tingin.
"Mga tsimoso.." she mumbled.
Pumunta siya sa gilid ng pintuan at tamad na itinaas ang dalawang kamay kaya nakuha niya ang atensyon ng mga fourth year na nasa School ground para sa isang anunsyo patungkol sa mga dapat nilang gawin sa darating na mga araw.
"Dahil last year niyo na 'to as a high-school student, you need to join in our Career Assesment Month for two consecutive weeks. Magkakaroon tayo ng Boot Camp sa isa sa mga kilalang resort sa Tanay para doon ganapin ang event para sa inyong mga graduating student." anunsiyo ng isa sa mga matataas na personalidad sa Paaralan.
Nakahawak ito ng mikropono kaya maririnig sa buong Paaralan ang balita. May mga ibang year na nakikinig at sumisilip sa bintana, may ibang nagbubulungan at hinihiling na sana ay makasama sila, at may ibang walang pakialam ngunit gusto lang may mapag-usapan.
Sa lahat ng nakarinig, ang apat na third year lang ang may pinaka-kakaibang reaksyon. Puno ng tanong ang mga ito matapos marinig iyon.
Hinampas ni Lylia ng ballpen ang kakambal na katabi ng upuan kaya binalingan siya nito. Namimilog ang mga mata ni Lylia habang bumubuka ang bibig ngunit walang lumalabas na boses.
"Ibig sabihin, mawawala si Kino ng dalawang linggo? Paano ang Club?" halos pabulong na tanong ni Lylia sa kapatid.
Dahil sanay na sa ganoong usapan ay medyo yumuko si Krem para hindi mapansin ng guro ang ginagawa nila.
"Siguro... Kasi 4thyear siya. Simple lang iyan, walang ganap sa inyo." kibit-balikat na sagot ni Krem.
Napangalumbaba si Lylia at ngumuso.
"Paano kami? Hmmm, hindi ko na nga siya nakasama nung weekend. Tapos, hindi ko na naman siya makakasama sa mga susunod na linggo." nakasimangot na wika nito.
Pigil na tumawa si Krem bago umiling sa kakambal.
"Walang kayo kaya dapat hindi mo na iyan problemahin..." muling ibinaling ni Krem ang atensyon sa unahan ngunit may naalala siya kaya bumaling ulit siya kay Lylia, "Is there any vacant room in our house? Nagawa na kasing bodega yung dati kong kwarto."
Nangungunot ang noo ni Lylia na muling umayos ng pagkakaupo bago pinasadahan si Krem.
"Anong binabalak mo?" naningkit ang mga mata ni Lylia at pilit binabasa ang iniisip ng kakambal.
Pigil na ngumiti si Krem bago muling itinaas ang dalawang balikat bago itinuon ang atensyon sa pagtuturo ng guro.
Huminto sa pagsusulat si Denum at saglit na tumingin sa bintana. Umangat ang isa niyang kilay nang makita ang isang estudyante sa kabilang dulo ng building kung nasaan siya. Nakatayo ito at nakataas ang dalawang kamay habang nakapikit. Pinakatitigan niya ito at isang naglalarong ngiti ang kumurba sa kaniyang mga labi bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Haaaaay! Malapit na rin makaalis sa lugar na 'to!" masayang wika ni Kino habang nag-iinat-inat pa.
Nasa dulo siya ng pila sa pangalawang section ng mga fourth year dahil siya ang pinaka-matangkad. Hindi na niya suot ang asul na sombrero ngunit malaki pa rin ang lamang niya sa mga nasa unahan dahil mababa ang tingin niya sa mga ito.
Nilingon siya ng mga kaklase at tatawa-tawang umiling.
"Nako! Manahimik ka Kino, baka marinig ka ng mga teacher at hindi ka maka-graduate." pagpapatahimik sa kan'ya ng isa sa mga babaeng kaklase.
"Kunwari pa kayo, alam ko naman na gusto niyo na rin makaalis dito.. Huwag kayong mag-alala, hindi ko itatago kung saan ako papasok sa University para masundan niyo ako." pagbibiro niya rito bago kumindat.
Mas nabalot ng hagikhikan at tawanan ang pila sa section nila ngunit hindi sila sinaway ng adviser.
"Ikaw lang naman ang excited na maka-graduate, De Vera! Palibhasa, ayaw mo nang makasama yung himatayin na member sa Club mo." pahabol na sabi ng lalake na isa sa mga nasa unahan dahil hindi ito nabiyayaan ng tangkad.
Pare-parehong nawala ang mga ngiti sa mukha ng mga estudyante lalo na ang binata na kaagad na sumama ang timpla ng mukha. Biglang pumasok sa isip niya ang babaeng maiiwan niya kung sakali na lilipat na siya at papasok sa malaking Unibersidad.
"Sino nga ba 'yon? Andy ba? Balita ko nagnakaw iyon sa mini-store na malapit sa School. Alam niyo ba iyon? Marami raw nanakawan ang babaeng iyon, pinatira mo talaga sa inyo ang magnanakaw?" tatawa-tawang dagdag pa nito na ikinagulat ng mga kaklase niya at iba pang mga nakakarinig.
Ikinuyom ni Kino ang mga kamao bago pilit na ngumiti.
"Any proof or evidence? Kasi kung wala, pwede kitang pakasuhan ng slander. See you in jail before the graduation." may pagbabanta na wika ni Kino.
Pinakita ng estudyante ang mapang-asar na ngiti bago may kinuha sa bulsahan nito. Maya-maya pa ay naglabas ito ng cellphone at nagtipa roon.
Tumunog ang cellphone ni Kino at ng mga kaklase niya kaya kinuha nila ng bawat isa ang mga iyon at tiningnan ang nagpop up sa notification.
One message from 4-Luna.
Binuksan iyon ni Kino at namimilog ang mga mata na pinakatitigan ang bawat larawan.
It was a teenage girl wearing a gray jacket and jogging pants. She was held by the two cops in front of a city jail.
Kahit medyo malabo ang larawan, kitang-kita ang mukha ng dalaga. It was Andy, no doubt.
Sa pagkakatanda ni Kino, ito ang suot ni Andy nuong una silang magkita. Hindi siya pwedeng magkamali dahil labis siyang napahanga sa talento ng dalaga.
Muling nagkaroon ng mga bulungan sa paligid kaya binalingan ni Kino ang mga iyon.
"Grabe! Magnanakaw rin pala iyon?"
"Buti pinapasok pa iyon sa school natin?"
"Dapat ipatanggal na iyon, nakakahiya na mayroon magnanakaw sa school."
"Ipakalat natin 'to para mabalaan yung iba, baka siya yung mga nagnanakaw ng mga pera na nawawala sa canteen."
Humigpit ang hawak ni Kino sa cellphone niya. Tila nababalot ng galit ang isip niya habang tinitingnan ang mga kaklase na ganoon kadaling hinusgahan ang kaibigan.
"Stop that! Wala kayong alam sa kung ano ang pinagdadaanan niya. Wala kayong karapatan na husgahan siya!" sigaw niya bago mapatayo at pilit pinipigilan ang mga kaklase sa pagkakalat ng mga larawan.
Pilit niyang inaagaw ang mga cellphone nito. Ang iba ay naagaw niya, at ang iba ay nailalayo agad.
"Ma'am! Si Kino! Kinukuha yung mga cellphone namin!" sumbong ng isa sa mga kaklase niya.
Nilapitan agad ng teacher si Kino at kinompronta.
"Anong ginagawa mo, Mr. De Vera? Hindi mo ba alam na pagnanakaw na ang ginagawa mo?" nangungunot ang noo na tanong ng guro, "Ibalik mo na sa kanila iyan at humingi ka ng tawad. Mag-uusap tayo mamaya bago bumalik sa klase." utos nito.
"Baka nahawaan na siya ng pagiging magnanakaw ng kaibigan niya.." sabad ng kaklase na nakasagutan niya.
Galit na bumaling dito si Kino bago itinaas ang gitnang daliri niya.
"Shut up!" singhal ni Kino.
Mariing umiling ang guro sa estudyanteng may nang-aasar na ngiti bago binalingan si Kino, ibinaba nito ang nakataas na kamay ni Kino.
"Bring back their mobile phones, Mr. De Vera. Bago pa mauwi ito sa Detention Room." seryosong sabi ng guro.
Natigilan si Kino bago umiling.
"Pero Ma'am, binu-bully nila ang pinakaunang kaibigan ko." depensa ni Kino, "And as a school teacher, you need to do anything about it. Reputasyon ng kaibigan ko ang masisira, hindi ang school niyo." malungkot na paliwanag ni Kino.
Mas kumunot ang noo ng guro, "Kaya nga dapat ibalik mo na muna iyan at mamaya ay pag-uusapan natin ang problema Mr. De Vera..."
He cut her off while shaking his head twice.
"But it will be too late for your actions, Ma'am! Kung mamaya pa gagawa ng aksyon, baka kahit sa akin wala nang maiharap na mukha ang kaibigan ko!" pasigaw na sabi ni Kino kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.
Maging ang mga nasa loob ng mga silid-aralan at mga nasa pasilyo.
Tumahimik ang buong lugar. Kahit mga guro na nakapaligid ay walang ideya sa nangyayari sa pagitan ng guro at ng estudyante nito. Bawat isa ay inaabangan ang mga susunod na mangyayari.
Ipinagkrus ng babaeng guro ang mga kamay bago tumango.
"Okay, Mr. De Vera. I will confiscate all their mobile phones, including yours. And we will talk about the issue inside the faculty room today after this. For now, keep calm first and focus on the Announcement of the faculty teachers about the upcoming event for you, graduating students." wika nito bago tinapik ang kanang braso niya at humarap sa mga estudyante, "Class! Ipunin niyo lahat ng mga phones niyo, hindi makakauwi ang hindi magbibigay ng mobile phone." pagbabanta ng guro.
"Thank you, Ma'am.." napanatag ang loob na sabi ni Kino bago iniabot ang mga mobile phone ng mga kaklase, kasama ang pag-aari niya.
Napasimangot naman ang mga estudyante at walang nagawa kundi iabot sa guro ang mga cellphone. Bumuntong-hininga si Kino at pinagpasyahan na bumalik sa kinauupuan.
Kakayos palang niya ng upo ay kaagad na natanaw niya ang babaeng nasa labas ng silid-aralan nito. Katabi nito ang guro at mukhang pinagsasabihan siya dahil sa kung anong ginawa nito.
Walang emosyon ang mukha ng babae na nakatitig lang sa kan'ya. Medyo lumamlam ang mukha ni Kino nang makita ang dahan-dahan na pagtulo ng mga luha sa isang mata ng dalaga. Balak niya sanang tumayo para puntahan ito ngunit umiling si Andy bago manakbo papalayo. Namimilog ang mga mata na tumayo si Kino at akmang tatakbo nang sitahin siya ng adviser niya.
"Mr. De Vera, sit down.." may babala sa boses nito kaya walang nagawa ang binata kun'di bumalik sa pagkakaupo.
Napahilamos siya ng mukha bago ginulo ang buhok.
"Andy.. Haaaayst. Ano na namang ginawa ko?" may inis na tanong niya sa sarili.
Kakaanunsyo lang nang maaaring maganap sa pagitan ng mga 4th year kaya nagising ang natutulog na diwa ni Andy. Ramdam niya ang bigat ng talukap ng mga mata dahil ilang minuto itong nakapikit.
Nangangalay na rin ang mga kamay niya at nakakaramdam na ng panginginig ang mga tuhod kaya naisipan niyang itaas ang isang paa at isandal sa pader kung saan siya nakadikit upang hindi mawalan ng balanse at hindi masyadong mabigatan sa pagkakatayo.
"Hmm.. Ibig sabihin, walang 'Kino' sa darating ng dalawang linggo?" pigil na ngumiti si Andy, "Hmm, monggggiii.. Mukhang masaya iyon, makakapagpahinga ako sa kakautos niya." tila ginaganahan na bulong niya sa sarili bago muling pumikit.
Hindi na siya natatakot na wala sa tabi niya ang binata dahil nandiyan naman si Krem na malalapitan niya. Higit na mas komportable para sa kan'ya, kaysa ang makasama si Kino na walang ginawa kun'di landiin o kaya naman ay pagsabihan siya. Isama pa ang mga biro nito na hindi na niya minsan ikinatutuwa.
"Shut up!"
Kusang naidilat muli ng dalaga ang mga mata at mabilis na inilibot ang paningin. Pinaningkitan niya ng mga mata ang mga estudyante na nasa School ground, may isang estudyante na nakatayo kaharap ang isang guro.
Umawang ang bibig niya nang makilala kung sino iyon.
"K-kumag? Ano na naman ang ginagawa mo?" puno ng kuryosidad na tanong sa sarili.
Medyo lumapit siya nang bahagya upang mas makita ang kaganapan. Sandali siyang lumingon para tingnan ang silid at napanatag nang makita na seryoso ang guro sa pagku-kwento ng talambuhay nito.
Muli niyang itinuon ang mga mata sa kaibigan at bakas ang pagkadismaya maging ang lungkot sa mukha nito.
"Pero Ma'am, binu-bully nila ang pinakaunang kaibigan ko." may lungkot sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng binata kapagkuwan ay sumeryoso, "And as a school teacher, you need to do anything about it. Reputasyon ng kaibigan ko ang masisira, hindi ang school niyo." mas lumungkot ang mukha nito habang sinasabi ang mga huling salita.
Kumunot ang noo ni Andy, "Sino ang tinutukoy niya?" napapaisip na tanong ni Andy.
Napuno muli ng bulungan at mga samu't-saring reaksyon ang mga tao na nasa paligid nila.
"Nako, ano ba ang meron sa babaeng iyon na kilalang tirador ng mga Club President? Pati pagnanakaw, pinasok na? Ganiyan ba siya kahirap at kaganda para ipagtanggol ng isang 'Kino Lorenzo De Vera'?'
'Baka naibigay na, kaya ganiyan kabaliw si De Vera para ipagtanggol..'
'Hmm, for sure! Kaibigan daw pero ibinahay? Yuck!'
Nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan si Andy nang maisip kung sino ang kaibigan na tinutukoy ni Kino. Base sa mga narinig niya na tsismisan, halatang siya iyon.
It was me. The one he was pertaining to. Ako lang naman ang sinasabi niyang kaibigan niya, ang pinaka-una sa lahat.
Mas lumalim ang gitla sa noo ng guro, "Kaya nga dapat ibalik mo na muna iyan at mamaya ay pag-uusapan natin ang problema Mr. De Vera..."
Mariing umiling si Kino.
"But it will be too late for your actions, Ma'am! Kung mamaya pa gagawa ng aksyon, baka kahit sa akin ay wala nang maiharap na mukha ang kaibigan ko!" sigaw ni Kino.
Napapitlag si Andy kasabay nang pagtahimik ng buong paligid. Tanging mga puno at nagbabasakan na dahon lang ang maririnig kasabay nang katamtamang lakas ng hangin.
Habang tinitingnan ni Andy ang mukha ng binata ay pilit siyang ngumiti.
"What did I do to have a friend who can stand for me even I am not around?" malungkot na tanong ni Andy sa sarili.
Wala naman siyang naalala na ginawa niyang maganda sa ibang tao bago niya pa makilala si Kino kaya bakit hahayaan ng diyos na bigyan siya ng ganitong klaseng kaibigan? Ang kaibigan na kaya siyang ipaglaban kahit kanino.
"Miss Samson!"
May tumawag kay Andy ngunit hindi na niya ito nilingon at pinanood na lang kung paano naglalakad pabalik sa pagkakaupo si Kino.
Bakas sa mukha nito ang hingal at pagod, marahil ay dahil sa pagsigaw. Pilit na ngumiti si Andy.
Bakit ako nagkaroon ng ganitong kaibigan? Bakit siya pa ang naging kaibigan ko? Masyado siyang tama para sa akin na maraming mali.
Malalim ang iniisip ni Andy kaya hindi niya namalayan na pinapanood na siya ng guro niya.
"Miss Samson!"
Tumayo ang guro ni Andy sa gilid niya at pinameywangan siya.
"Hindi ba't inutusan kita na tumayo dito sa labas para itaas ang dalawang kamay? Bakit mas inuuna mo pa ang hunagilap ng tsismis kaysa magpakabait na estudyante? Sayang ang sinusustento ng Paaralan sa pag-aaral mo kung magiging ganiyan ka..." may pagkadismaya na wika ng guro.
Hindi ito pinakinggan ni Andy dahil nag-iinit na ang gilid ng mga mata niya. Sakto namang tumingin sa direksyon niya si Kino, medyo gulat ito na makita si Andy.
Biglang lumamlam ang mukha nito. Naramdaman ni Andy ang luha na dumadaloy sa kaliwang mata. Nahuli niya ang mga paa ni Kino na handa siyang puntahan kaya mariin siyang umiling bago tumakbo papalayo.
"Miss Samson!!" pagtawag sa kan'ya ng guro na halos maputol na ang litid sa kakasigaw ng apelyido ng dalaga.
Lumiko sa isang pasilyo si Andy at nakayukong tinatakbo ang daan patungo sa hindi malamang paroroonan. Natigilan siya nang may bumunggo sa kanya dahilan upang mawalan siya ng balanse at mapahiga sa sahig. Pinilit niyang bumangon para tingalain ang nakabangga sa kan'ya.
Medyo kumunot ang noo nang makilala kung sino iyon. Isang lalake na kulay abo ang buhok at ang linis ng pagkakaayos nito na kahit hangin ay mahihiyang guluhin.
Mukha siyang mamahalin, kahit na isa lang siyang trabahador sa hindi kalakihan na Bar.
Tumingala nang bahagya si Andy sa binata dahil medyo tumangkad. Hindi hamak na mas matangkad ito kay Kino na kaonti lang ang taas kay Andy.
"Denum..." medyo hirap na tawag niya rito bago makatayo.
Tumunog pa ang likod niya na tumama sa matigas na sahig kaya mas lalo siyang lumuha. Napayuko si Andy at ginamit ang kanang braso para takpan ang mga mata.
Pinaningkitan siya ni Denum bago lumingon sa paligid. Ilang saglit pa ay humawak sa braso ng dalaga na nakababa rito at hinila ito papunta sa kung saan. Mabuti na lang at walang mga tao sa dinaraanan nila dahil dumiretso sila sa building ng mga fourth year.
"Denum.. Sandale.." halos pabulong na tawag ni Andy ngunit hindi siya pinakinggan ng binata.
Sa halip ay mas binilisan ang bawat hakbang dahilan upang mapasunod din si Andy. Biglang napaisip si Andy sa kung ano ang dahilan sa biglaang pagpapakita ni Denum.
Tahimik nilang tinatahak ang pasilyo hanggang sa makailang beses silang umikot sa hagdanan para marating ang pinakataas na bahagi ng building.
Damang-dama ni Andy ang lamig ng hangin kahit may araw na nagsisilbing liwanag. Natatakpan ito ng makakapal na ulap.
Tila nagising si Andy sa kan'yang katinuan nang maramdaman niya ang paggaan ng paghahawak ni Denum sa kan'yang braso.
Hindi siya hinarap ni Denum kaya pinilit na magsalita ni Andy bago hablutin ang kaniyang braso.
"Ano ba ang problema mo? Bakit ka ba biglang sumusulpot at hihilahin ako?" lumuluha ngunit matapang na tanong ni Andy bago humikbi, "Hindi ka ba natatakot na mapagtsismisan na naman? Sa pagdikit mo sa akin... Kasi ako, natatakot na akong mangdamay ng iba.. Ang gusto ko lang naman ay kaibigan, pero bakit hindi iyon ang gusto ng iba para sa akin?" sunod-sunod na wika ni Andy.
Hindi gumalaw si Denum at pinakinggan lang ang mga hinaing ng dalaga. Sa bawat salita na lumalabas sa bibig nito, ang bigat sa pandinig ng binata. Dama niya ang pagod ng dalaga.
"All my life, I feel like a burden since when my parents died. All the person I belonged with, they got criticized just because they befriended me. That's why I am used to be alone. Because no one deserves an obligation for defending me." pilit na ngumiti si Andy nang humarap na sa kan'ya ang binata.
"Maging ikaw.. Kahit ayaw mo sa akin," hindi natuloy ni Andy ang sasabihin dahil sumabad si Denum.
"Who said that I don't like you?" walang emosyon na tanong nito.
Umawang nang bahagya ang labi ni Andy bago pinagpatuloy ang sasabihin.
Palagi mo kayang pinaparamdam, demonyo ka..
"Kahit hindi kita kaibigan... Ayoko na madamay ka sa mga nangyayari sa akin," kinagat niya ang pang-ibabang labi bago umiling, "Pasensya na kung nadadamay kayo sa kamalasan ko, hindi ko iyon sinasadya, hindi ko ito ginusto.." malungkot na dagdag ni Andy bago muling tinakpan ang mga mata gamit ang isang braso at napahagulgol ng iyak.
"We don't have any idea on what is going to happen in every second, even in a blink of an eye, we just do what we need and find what we want. The opinions are all around, they are the cheapiest thing you've ever heard but hearing them could lessen your confidence in just a minute. We have different perspective in life, maturity comes along when you finally accepts that we have different insecurities and that is the reason, why they talk bad things on you even you don't do anything wrong. Kung ayaw mong may madamay, imposible iyon dahil ang mga tao ay magagaling sa pag-iisip na ang tama ay may mali. Ang magagawa mo lang ay hayaan sila, kapag nagpaapekto ka, talo ka." ngumisi si Denum bago tumingala dahil patuloy sa paghikbi si Andy, "Shit, what am I gonna do to stop you from sobbing?" pabulong na tanong sa sarili.
Ilang sandali pa ay huminga nang malalim si Denum habang tinititigan si Andy bago ibinuka ang mga kamay.
Leave your worries behind you
Let them drown and float above them
Let's just feel the sun as it rises up
As we reach our dream and we soar high above the sky
Natigilan sa paghikbi si Andy nang marinig ang buong boses ng binata na tumutula nang hindi kalakasan sa harapan niya.
Little stars you see, they shine right?
Just how they see you, a candle light
Like flame your hot but thinking bright
The distance between the two of you is just an imaginary line
May klase pa ngunit walang naririnig na kahit ano si Andy bukod sa boses ni Denum na tila nahihiya sa ginagawa nito dahil panay ang iwas nito ng tingin kay Andy habang patuloy sa pagtula.
Little girl, why did you let your tears fell on the ground?
Little did you know that it makes them proud
'Cause crying means acceptance and letting them laugh means belowing your pride
But it would never be the last, that's for sure as the night comes.
Nagpipigil ng ngiti si Denum nang mapansin na hindi na umiiyak ang dalaga. Mukhang gumana ang ginagawa niya.
When the brightest star fades away, there's a new star come to shine
Darkest day will a new light
"And moods will lighten up to see a new smile..." wala sa sariling bulong ni Andy.
Tumango-tango si Denum bago pinagkrus ang mga kamay.
"Huwag na huwag mong lalayuan ang mga taong naniniwala sa iyo para sa sasabihin ng iba, malaki ang pagsisisihan mo kapag ginawa mo iyon. Oo, may mali ang bawat isa sa atin, pero, ang mali ba ang dapat na mapuna sa napakaraming tama?" may pakahulugan na paliwanag ni Denum bago nagkibit-balikat, "Sa totoo lang, malay ko. Kasi wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba, hindi naman sila ang bumubuhay sa akin."
Pinilit na tumawa ni Andy, "Kaya pala napaka-big deal nung naipakalat na bakla ka?"
Denum rolled his eyes, "That's another topic to discuss, we know that's a lie. Tsaka ko lang hindi papansinin kapag totoo na." paliwanag ni Denum bago muling umirap sa kawalan.
"Pero mukhang totoo naman, look at your eyes. Rolling, rolling, rolling.." halos pakanta na asar ni Andy.
"Andy I am being serious here.." kunout-noong sabi ng binata kaya muling sumeryoso si Andy.
"May mga bagay kasi na dapat mong patunayan at mga bagay na hindi, tumatanda ka na kaya dapat alam mo kung kanino ka maniniwala.." seryosong sabi ni Denum, "Kung ayaw mo ng kaibigan, huwag kang tumanggap ng kaibigan. Pero huwag mong iiwan yung mga dati mo nang nakasama kasi kilala mo na sila at mapagkakatiwalaan mo na sila." dagdag pa nito.
Kumunot ang noo ni Andy, "Why would I trust you? Hindi kita kaibigan at kakasabi mo lang na kaibigan ko lang ang pagkakatiwalaan ko. Kakasabi mo lang rin na huwag na ako tumanggap ng kaibigan kaya—"
He cut him off by putting his right index to Andy's lips.
"Who said that I want to befriends with you?" kunot-noong tanong nito na ikinataas ng isang kilay ni Andy.
What? She asked on her mind.
"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" nangingiting tanong ni Denum na mas ipinagtaka ni Andy.
END OF CHAPTER 45
AUTHOR'S NOTE:
OKAY, FIVE MORE CHAPTERS TO GO BEFORE THE EPILOGUE.
Can I know who is your favorite character and why? Hmm...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top