CHAPTER 40

CHAPTER 40: PATIENCE

"Wow, ang dami mong dala na pagkain." nakangiting bungad ni Lylia nang dumiretso si Andy sa Clubroom matapos ang klase.

Bitbit niya ang plastic bag na pinaglagyan niya ng mga chichirya at tinapay na hindi niya nakain dahil nawalan bigla ng gana.

Tamad na umupo si Andy sa puwesto niya at napahilamos ng mukha.

"Mongggiii..." mahinang bulong niya bago tumungo sa mga braso na nakalapag sa mesa.

Walang ideya na lumapit si Lylia sa puwesto ni Andy bago kumuha ng tinapay sa plastic bag na nakalapag sa mesa.

Ngumunguya siya nang maisipan niyang magtanong.

"Umamin ka nga sa akin, Andy. Wala ba talagang namamagitan sa inyo ni Angry bird?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lylia.

Iniangat ni Andy ang tingin sa babaeng prenteng nakasandal sa mesa niya bago ngumiwi.

"Pati ba naman ikaw? Bakit ang big deal kapag si Denum ang kasama ko?" masama ang mukha na tanong ni Andy.

Tumingin sa ibang direksyon si Lylia bago tumango.

"Kasi bagay kayo. " tipid niyang sagot na ikinabigla ni Andy.

"Mongggiiii!!!" singhal niya kay Lylia, "Hindi kami bagay kasi demonyo siya at tao ako." dagdag pa ni Andy.

Lihim na napangiti si Andy.

At Music Club President ang crush ko, no to Detective Club member!!

Naningkit ang mga mata ni Lylia bago tumingin kay Andy.

"Siya nga pala, hinanap ka namin ni Kino kanina pero kasama mo nang kumakain sa labas si Angry bird kaya kami na lang ang nagsabay." may tuwa na sabi nito na tila nang-iinggit.

Umawang ang mga labi ni Andy.

"What? So, all this time, nakita niyo naman pala ako na kasama si Denum pero hindi kayo nag-abala na lapitan ako." wika niya.

Napanguso si Lylia, "Kasi nga, nakita namin na kasama mo si 'Denum', hindi na namin ginulo ang date niyo."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Andy, "Sino kaya rito ang nang-iwan para masolo lang si Kino?" may pang-iinis sa tono niya.

Tumaas ang isang kilay ni Lylia at umayos ng tayo.

"Paano ka nakasiguro na sinadya kitang iwan?" may paghahamon na tanong ni Lylia.

Tipid na ngumiti si Andy, "Basta sigurado lang ako. Alam ko naman na pinagseselosan mo ako dahil may gusto ka pa rin kay Kino, pero gusto ko lang linawin ang lahat dahil miyembro ka ng Club namin... Hindi ko siya gusto, hindi ko siya magugustuhan."

Malapad na ngumiti si Lylia bago hinawakan ang ilang hibla sa buhok ni Andy at iginilid ang mga ito.

"Don't say anything that you'll regret afterwards, Andy." mahinang sabi nito.

"Paano ka nakakasiguro na pagsisisihan ko ang sinabi ko?" takhang tanong ni Andy.

"Because love is unpredictable. Kahit sabihin mong magkaibigan lang kayo, imposible na hindi kayo naa-attract sa isa't-isa, depende na lang kung paano niyo iha-handle ang mararamdaman niyo kaya babantayan kita." biglang sumeryoso ang mukha ni Lylia at itinapat ang dalawang daliri niya sa mga mata papunta sa tapat ng mata ni Andy, "Kasi sasabihin ko na rin sa iyo bilang miyembro ng Club niyo, mahal ko si Kino. I know it was absurd to say that because we only know each other for a quite time, but my feelings never lie Andy." seryosong pag-amin nito.

Ilang segundo silang magkatitigan bago ngumiti si Andy at tinapik ang isang balikat ni Lylia.

"I believe you. From the moment you cried in front of me, I believed in you but I can't understand. Siguro, mahirap lang sa akin na ilagay ang sarili ko sa sitwasyon mo para maintindihan ka dahil hindi pa ako nakakapagmahal ng ibang tao nang higit pa sa isang kapamilya o kaibigan. Hayaan mo, kung sakali man na mangyari ang kinatatakutan mo, ikaw ang unang makakaalam." may paninigurong wika ni Andy bago muling tinapik ang balikat ni Lylia.

Sakto naman na tumunog ang pihitan ng pinto at sumalubong si Kino na nag-uusisa ang tingin habang tinitingnan silang dalawa.

"Looks like you have a serious conversation. What is it all about?" naniningkit ang mga na tanong ni Kino.

Parehong umiling sina Andy at Lylia.

"Wala/None of your business." sabay nilang sigaw.

Sinulyapan ni Kino si Andy na mukhang naiilang din sa nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa.

Pilit siyang ngumiti bago tumango.

"Pag-usapan na ulit natin yung patungkol sa gagawin para matulungan yung kaluluwa.. Paano natin siya matutulungan na umamin kay Denum?" pag-iiba ng usapan ni Kino habang nakatingin kay Lylia.

Sumama ang timpla ng mukha ni Andy dahil mukhang hindi talaga binalak unawain ni Kino ang sinabi niya.

"Yeah, what are we calling ourselves now? Some sort of stupid cupid?" biglang sabad ni Andy.

Nakuha niya ang atensyon ng dalawa.

"If that's what you call it, sure why not? Stupid cupid is more accurate than abnormal students, right?" sagot ni Kino na ikinatahimik ni Andy.

Biglang bumigat ang pakiramdam niya sa paraan ng pagsagot ni Kino, mukhang magkakasagutan na naman sila kung hindi siya titigil.

Pumasok sa isip ni Andy ang ibinigay nitong regalo kanina.

Bakit niya pa ako binigyan kung sa tono ng pananalita at ikinikilos niya parang gusto niya pa ng away?

"What if we request to Denum that he needs to be here later? Maybe spare some minute just to do that confession?"

Muling nagkatinginan sina Andy at Kino bago sabay na tumingin kay Lylia dahil sa suhestiyon nito.

"No. Hindi iyon papayag. Hindi nga siya naniniwala sa multo, sa confession pa na may nagkakagusto sa kaniyang multo?" napapailing na sabi ni Andy.

"Pero hindi naman natin sasabihin kaagad, iba ang sasabihin nating dahilan kung bakit natin siya pinapapunta rito." sabad ni Kino na mukhang sang-ayon sa suhestiyon ni Lylia.

Muling sumama ang timpla ng mukha ni Andy, nakikita na niya ang mangyayari.

"Well, ikaw ang gumawa niyan pagkatapos kong ipaalala sa iyo na galit siya sa Club natin at ang makita ka ang pinakaayaw niya." halata ang iritasyon sa mukha ni Andy.

"At alam naman nating lahat kung sino ang may kakayahan na papuntahin siya rito," hindi pinakinggan ni Kino ang mga sinabi ni Andy at nagpatuloy muli sa pagsasalita.

Natigilan si Andy bago tumango-tango.

"May choice ba ako?" iyon lang ang tanging nasabi ni Andy bago kumuha ng chichirya at itinuon doon ang atensyon.

Hindi na niya pinansin ang pinag-uusapan nina Kino at Lylia. Nang bigla niyang malakasan ang pagbukas ng chichirya kaya natigil sa pag-uusap ang dalawa.

"Can you avoid making some noise? Nakita mong may meeting tayo." seryosong wika ni Kino na naniningkit ang mga mata.

Medyo ibinuka ni Andy ang bibig bago dumakot ng chichirya at isinubo iyon lahat na gumawa muli nang napakalakas na tunog.

"Ha? Mmm-may meeting baaaa? Tayo? Akala ko hmm- kayooong d-dalawa lang kasi kayo lang naman ang nag-uusap." tugon ni Andy habang malalakas na tunog ang ginagawa ng bawat pagnguya niya.

"Andy, umayos ka nga. Kumain ka sa labas kung gutom ka." sabi ni Kino.

Tumaas ang isang kilay ni Andy, "Ikaw ang umayos, doon kayo sa labas mag-usap kung kayong dalawa lang."

Hindi na kumibo si Kino at muling humarap kay Lylia na nangingiti sa sagutan nila.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" iritable na tanong ni Kino.

"Naisip ko lang bigla na ganiyan pala ang itsura mo kapag magagalit ka sa akin, ang gwapo." may pagkamangha sa mukha ni Lylia.

Mariing umiling si Kino.
"Sumeryoso ka Lylia. Hindi ito panahon para makipagbiruan."

Ngumuso si Lylia, "Kailan ba ako nagbiro? Tsaka kung may panahon ng pagbibiro, kailan ang panahon ng paglalandi? Hihintayin ko."

Mabilis na nagpantay ang mga kilay ni Kino bago pinagkrus ang mga kamay. Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa mga babaeng kasama niya.

Patience Kino. That's all you need as a leader in the time like this. Argh! My level of patience, please bear with me!

Habang nasa gitna siya ng konsentrasyon ay tumatawang nagkatinginan sina Andy at Lylia. Mukhang nasisiyahan sila na makitang nauubos ang pasensya ng kanilang lider.

Pumikit ng ilang ulit si Kino bago muling tiningnan ang dalawa.

"Let's back to the topic, bago pa ako maubusan ng pasensya." binalingan niya si Andy, "Andy, makinig ka na. Tigilan mo muna ang pagkain.. Ikaw naman Lylia, tigilan muna ang pagkire."

Halos maibuga ni Andy ang kinakain nang marinig na ginaya ni Kino ang tono ni Lylia nuong sinabihan nito na 'makire' si Entice.

Sumama ang timpla ng mukha ni Lylia bago umirap sa kawalan. Si Andy naman ay hindi hininto ang pagkain at mas dimamihan pa ang pagdakot ng chichirya. Pagkasubo niya ay muling nagsitunugan dahil sa dami ng kinakain niyang chichirya.

"Nananadya ka ba?" may inis na tanong ni Kino.

Ngumiti nang nakakaloko si Andy, "Bakit? Kumakain lang ako."

Mariing pumikit si Kino bago nginiwian si Andy.

"Then eat with peace please." may pagdidiin na sabi nito sa dalaga.

Malawak ang ngiti na isinagot ni Andy bago tumango na naging pahiwatig upang ipagpatuloy ni Kino ang kanilang pag-uusap.

"Just like what I have said, pwede tayong gumawa ng ibang dahilan para papuntahin siya at ikaw na Andy ang mag-isip kung ano iyon dahil ikaw ang magpapapunta sa kan'ya.." natigilan si Kino at kumunot ang noo habang tinitingnan si Andy, "Anong ginagawa mo?!" gulat at may inis na tanong nito.

Tahimik itong kumakain ng chichirya habang naka-peace sign. Si Lylia naman ay hindi mapigilang mapangiti.

Ngumiti si Andy bago nilunok ang kinakain, "Eat with peace. HAHAHAHAHAHA!" matipid na sagot nito bago humagalpak ng tawa.

Sumabay na rin sa pagtawa si Lylia kaya napuno ng tawanan ang buong Clubroom. Si Kino lang ang nag-iisang nakatulala at hindi makikitaan ng anumang emosyon.

"Arghhhhhhhh..." nagpapadyak si Kino bago muling isinuklay ang mga kamay sa kaniyang buhok, "Inuubos niyo pasensya ko, hindi ba talaga kayo aayos?"

Nagkatinginan sina Andy at Lylia bago sabay na tiningnan si Kino.

"Ito na ang pinakaseryoso ko." sagot ni Lylia.

"Paanong ubos?" pamimilosopo ni Andy.

Wala nang nagawa si Kino bukod sa hindi na magsalita at maupo sa sopa hindi kalayuan sa puwesto ng dalawang dalaga.

Doon na nakakuha ng tiyempo si Andy para magsalita.
"Ako na ang bahala kay Denum, Young Master." may pang-aasar na wika ni Andy at yumuko pa para umakto bilang katulong.

"Young Master Sardines."

Nagpipigil ng tawa si Andy dahil nasiyahan siya sa pang-aasar kay Kino. Masaya siyang napipikon niya ang binata.

Tamad na tumango si Kino, "Ikaw ang bahala, nakadalawang halik sa demonyo."

Namimilog ang mga mata ni Andy habang pigil ang gulat na nakatingin sa ngumising labi ni Kino.

Ibig sabihin, nakita niya pala yung nangyari sa Bar? Mongggggiiiiii!!!!

Dala ng kuryosidad ni Lylia ay mabilis siyang lumapit kay Kino at sumiksik sa sopa na inuupuan nito.

"Uy, pabulong.. Anong ibig mong sabihin sa 'nakadalawang halik sa demonyo'?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lylia habang sinusundot sa tagiliran si Kino.

Hindi nakawala sa paningin ni Andy ang pagpipigil ng tawa ni Kino na mukhang nakikiliti sa ginagawa ni Lylia. Sumulyap muna sa kan'ya si Kino bago bumaling kay Lylia.

"Si Andy... Naha—hmmpp!!" pigil-hininga si Kino nang mabilis na apakan ni Andy mukha niya gamit ang isa nitong sapatos na kupas na ang itim na kulay dahil sa luma.

"Manahimik ka na nga, hindi na ako natutuwa sa iyo kumag ka." gigil na wika ni Andy.

Napangiwi si Lylia habang tinitingnan si Kino na hindi kaagad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Ilang segundo pa ay mabilis niyang hinawakan ang sapatos ni Andy at tsaka itinulak iyon dahilan para mapaupo si Andy sa sahig.

Sinamaan ni Andy ng tingin si Kino, gayundin ito sa kan'ya.

"Ang sakit nung tulak mo! Bakit mo ako tinulak ng ganoon?" galit na tanong ni Andy.

Napapailing na tumawa si Kino.

"At ikaw pa ang may ganang magreklamo, ikaw na nga itong nagpaamoy ng paa sa mukha ko." galit na tugon nito.

Ngumisi si Andy.

"FYI. Sapatos ko ang naamoy mo, hindi paa ko. Baka mukha mo naamoy mo, kasi mukha kang paa." may gigil na sabi ni Andy.

"Pfft." pigil na tawa ni Lylia.

Napatayo si Kino kaya tiningala siya nina Andy at Lylia.

"Mukhang paa raw ako, nahiya naman ako sa mukhang puwet na 'gaya mo. Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo, Andy. Naubos muna pasensya ko."  tila lalaban na sabi ni Kino.

"Kung mukhang puwet ako, kanina pa dapat kita inututan kasi ubos na rin pasensya ko." pilit na ngumiti si Andy para ipakita na hindi siya naapektuhan sa panlalait ni Kino.

"Nako, huwag na. Hindi mo na kailangang umutot kasi amoy palang ng sapatos mo, pamatay na." natatawang sabi ni Kino bago itinaas ang isang kilay, "No wonder kung bakit palagi akong nakaaamoy ng bodega, ni isang kiwi mukhang hindi na tatablan ang sapatos mo." dugtong pa nito na mas ikinasama ng timpla ng mukha ni Andy.

Nagpantay ang kilay ni Andy at napakagat ng labi bago nahihirapang tumayo para mapantayan si Kino. Tinitigan niya ito nang mariin kaya ngumisi si Kino.

"Bakit? Itatanggi mo ba na amoy bodega ang sapatos mo?" mapanghamon na tanong ni Kino.

Tumingin sa ibang direksyon si Andy bago umiling at muling tumingin kay Kino, "Hindi. Mahirap lang kasi ako kaya wala akong pambili ng sapatos pero maipagmamalaki ko na pera ko ang ipinambili ko rito. Ikaw? Anong maipagmamalaki mo?" pinaningkitan ni Andy si Kino na mukhang tinamaan sa sinabi niya.

Napansin ni Andy na maging si Lylia ay natigilan sa sinabi niya kaya nakaramdam siya ng mali dahil masyadong seryoso ang paligid.

Kaagad niyang naalala na si Kino nga pala ang amo niya at mukhang hindi siya suswelduhan kapag nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

Tipid na ngumiti si Andy bago nagpeace sign, "Charot. Bigay lang ito 'no. Wala pa talaga akong nabibiling gamit kasi more on bigay or hingi lang ako." bigla niyang sabi.

Kita niya ang gulat at pagtataka sa mukha ng mga kasama niya kaya pilit siyang umubo.

"Huwag niyo seryosohin yung mga ginawa ko, prank lang. Tinry ko lang kung gaano kahaba ang pasensya ni Kino bilang lider ng Club." pilit siyang ngumingiti habang nagpapaliwanag.

Pinagkrus ni Lylia ang mga braso bago umirap sa kawalan.

"Sa nakikita ko, mukha ikaw ang naubusan ng pasensya." puna nito na ikinailing ni Andy.

"Huh? Ako!? Hindi ah. Biro nga lang iyon, pinrank ko lang kayo, scripted na yung gagawin ko sa utak ko the moment na pumasok ako rito. Hahahaha, napaniwala ko ba kayo? Pasensya na." paulit-ulit na yumuko si Andy para ipakita na seryoso siya sa paghingi ng tawad, "Ah, sige... Hahanapin ko pa si Denum, kayo na lang bahala maghanap sa kaluluwang humihingi sa atin ng tulong. Babye!" mabilis pa sa kidlat na kinuha ni Andy ang gamit niya at tumakbo palabas ng Clubroom.

Mabilis na nagtinginan sina Kino at Lylia.

"Seryoso ba talaga siya? Prank lang niya iyon?" naguguluhang tanong ni Lylia.

Nagkibit-balikat na lang si Kino bago tiningnan ang pinto kung saan lumabas si Andy.

Sa pagmamadali ni Andy sa pagtakbo, hindi niya namalayan na nadaanan pala niya ang kaluluwa na humingi sa kanila ng tulong. At sa isang iglap, humiwalay muli ang katawan niya sa kaniyang kaluluwa.

Hindi iyon napansin ni Andy kaya patuloy siya sa pagtakbo at hindi napansin na pinagkakaguluhan na ang katawan niya sa corridor ng mga tambay pa na estudyante kahit uwian.

Nakauwi na kaya si Denum? Hala, kanina pa uwian.. Baka wala na iyon.

Mas binilisan niya ang pagtakbo papunta sa kwarto kung nasaan si Denum ngunit may nabangga siya kaya bigla siyang tumigil.

"Ano ba iyan?! Hindi kasi tumitingin sa daan, e." galit na wika ni Andy matapos muntikan na mapaupo.

Umayos siya ng tayo at mananakbo na ulit nang may pumihit sa kaniya pabalik kaya mabilis niyang hinarap ang nakabanggaan.

"Saan ka na naman pupunta aber? Napakagala mong baliw." kunot ang noo na tanong ni Denum.

Mabilis na ngumiti si Andy nang makilala ang kaharap.

"Tamang-tama at hindi ka pa umuuwi, hinahanap pa naman kita." mabilis niyang hinawakan si Denum at hihilahin na sana ito nang matigilan siya dahil nakita niya na wala siyang repleksyon sa isa sa mga bintana.

Binitawan niya si Denum at pinilit hanapin ang repleksyon niya sa salamin. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya napagtanto na kaluluwa lang siya.

Sandali siyang umatras bago hinarap si Denum na walang ideya kung ano ang ginagawa ni Andy.

"Monggii, bakit ngayon pa?" sumimangot si Andy bago muling hinawakan sa kamay si Denum, "Tara na, para matapos agad itong request na 'to." walang gana na hinila ni Andy si Denum na masama ang tingin na ipinupukol sa kaniya.

Ano na naman kayang kabaliwan ang ginagawa ng babaeng ito? Bakit palagi akong nadadamay? Siraulo.

Nagpahila na lang si Denum kahit sa totoo lang ay nandidiri pa rin siya nang malaman na nakahalik siya sa kaluluwa ni Andy at ito ang unang halik niya.

Ramdam ni Andy na napapagod siya sa kakahila kay Denum kaya hinarap niya ito. Sumalubong sa kan'ya ang galit na tingin nito. Hindi siya nakikita nito ngunit palaging nagkakatitigan ang mga mata nila na nagbibigay nang hindi maipaliwanag na pakiramdam para sa dalaga.

"Ano? Bakit mo ako hinihila? Balak mo na naman bang magpalibre? Asa ka, hindi na mauulit iyon." napapailing na wika ni Denum.

Ngumiwi si Andy bago lumakad papunta sa likuran ni Denum at itinulak ito.

"Mongggiiii!! Huwag ka na nga magpabigat!" reklamo ni Andy sa binatang hindi naman siya naririnig.

Hindi kumilos si Denum at hinayaan na itulak siya ng mahinang babae.

Kahit kaluluwa ay hinihingal na nakarating ang dalawa sa tapat ng Paranormal Clubroom. Tumingala si Andy bago pumameywang upang habulin ang paghinga.

"G*go kasi, bakit pa nagpahila?!" may inis na tanong ni Andy bago inayos ang tayo at muling hinawakan ang kamay ni Denum, "Tara na, para matapos na ito.." tamad na aya ni Andy.

Hinihila na niya si Denum papasok.

"Kung patungkol ito sa multong naghahabol sa akin, itigil mo na. Nagsasayang lang kayo ng panahon." seryosong wika ni Denum na ikinatigil ni Andy.

Hala?! Paano niya nalaman? Ano ba iyan? Papahirapan pa ako.

Bumagsak ang balikat ni Andy bago itinaas ang kamay ni Denum at nagsulat roon.

May aaminin ako..

Kita ang pag-angat ng isang kilay ni Denum bago mataman na tiningnan si Andy.

"At ano naman iyon? Baka may gusto ka na sa akin, sorry. I hate love, f*ck love stories. I prefer to be single forever." napapailing na sabi ni Denum.

Ngumiwi si Andy bago napapailing na nagsulat gamit ang kaniyang daliri sa isang palad ni Denum.

May gusto..

Ipagpapatuloy na niya ang pagsusulat sa palad ni Denum.


"Bitawan mo siya!!!"

Nilingon ni Andy ang kaluluwa na galit na tumatakbo palapit sa puwesto nila ni Denum. Mukhang naisip na niya ang dahilan kung bakit ito galit kaya mabilis niyang binitawan si Denum para itaas ang mga kamay niya.

"Wala akong gaga—"

Napaupo sa sahig si Andy dahil sa malakas na pagtulak sa kaniya ng kaluluwa.

"Mongggiii, bakit— mo siya hinahalikan?!" namimilog na tanong ni Andy habang nakatingala sa dalawang tao na nakatayo sa harap niya.

Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin dahil hindi niya inaasahan ang nangyayari.

Hinahalikan ng babaeng multo si Denum na natigilan. Magkalapat ang mga labi ng dalawa habang parehong nakapikit at hawak ng babaeng kaluluwa ang magkabilang pisnge ni Denum

Sakto naman na dumating ang magkasamang sina Kino at Lylia. Nangingiti si Kino at si Lylia naman ay kumunot ang noo bago pinagkrus ang mga kamay.

"Bakit.. nakapikit ito?" walang ideya na tanong ni Lylia bago iginalaw ng kaonti ang ulo na tila nag-iisip.

Saglit na bumaba ang tingin ni Kino nang mapansin na gulat na gulat ang mukha ni Andy.

Sino ba namang hindi magugulat kung makita mo na tinugunan ni Denum ang halik ng babaeng kaluluwa? As in, gumagalaw ang bibig nito na mukhang gusto ang nangyayari.

Mabilis na lumapit si Kino kay Andy, yumuko siya para matitigan ang rekasyon ng kaibigan.

"Komasan, ayos ka lang? Tumayo ka na diyan." nangingiting sabi ni Kino.

Ilang segundo pa ay tatayo na sana si Andy nang matigilan siyang muli.

"STAY AWAY FROM ME! I DON'T PROMOTE PARANORMAL LOVE STORY!" malakas na sigaw ni Denum bago itinulak ang babaeng kaluluwa na tumalsik papasok sa loob ng Clubroom.

Mabilis na napatayo si Andy dahil sa takot na naramdaman, gayundin si Kino na gulat sa nakitang lakas ng kaharap.

Si Lylia naman ay mas lumalim ang gitla sa noo dahil walang ideya sa nangyayari.

Akmang lalapitan sana ni Andy si Denum nang lumingon ito sa kaniya.

"You disappoints me, huwag mo na akong isasali sa mga prank niyo. Or much better, stay away from me, you are an eyesore." galit na wika nito at lalapitan si Andy kaya humarang si Kino at pinaatras ang dalaga.

"This is the world of Paranormal Club, not yours. Hindi ka namin pinagtripan, sadyang kaluluwa lang ang nagkakagusto sa iyo. At hindi rin kami ang nag-utos na pumikit ka at tugunin ang halik, ikaw ang nagkusa. Bakit? Akala mo si—" natigilan si Kino nang hawakan ni Andy ang isang braso niya at umiling-iling.

Bago pa siya makaharap muli kay Denum ay tumakbo na ito palayo sa kanila. Si Lylia na walang kaide-ideya ay mabilis na lumapit kay Kino.

"Guys, even I can't see you Andy.. What's going on?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lylia.

"Hinalikan ni Denum yung kaluluwa pagkatapos ay itinulak niya.." mabilis na bumaling sa Clubroom si Kino, "Yung kaluluwa, baka kung anong nangyari." may pag-aalalang sabi ni Kino bago patakbong pinasok ang Clubroom, sumunod naman ang dalawa sa kaniya.

Parehong natigilan sina Kino at Andy bago magtinginan.

"Nawala siya bigla.." pareho nilang sabi.









—END OF CHAPTER 40—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top