CHAPTER 39

Chapter 39: Quarrel



"Maling-mali ang ginawa mo, Lylia! Maari kang makasuhan sa gulong nangyari!" halos pasigaw na sabi ni Kino habang kaharap ang dalaga na bagong miyembro ng kaniyang club.

Hindi makikitaan ng kahit anong emosyon si Lylia na abala sa paglalaro sa kakulay ng buhok niya na lollipop. Walang halong pagsisisi na makikita sa kaniyang mukha.

"Palagi namang mali ang ginagawa ko sa paningin ng iba, Kino." diretsong sabi nito bago tipid na ngumiti at dahan-dahang dinilaan ang hawak na lollipop, "Hmm, but that's your choice. Wala akong magagawa kung panget rin ang tingin mo sa akin, kasi sa totoo lang.. Wala na akong pakialam." dagdag pa nito bago inirapan ang si Kino at ibinaba ang mahabang manggas ng uniporme para hindi masyadong makita ang mga maliliit na sugat at pasa sa kaniyang mga braso at kamay.

Tinanggal ni Kino ang suot na sombrero bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa isang kamay.

"Look, hindi kita kinakausap bilang superior mo dahil ako ang presidente. I just want to say that as your friend. Alam mo na malaki ang gulo na nasangkutan mo at pwedeng magkademandahan. Kaya pakiusap lang, pakinggan mo ako bilang kaibigan na nag-aalala sa kalagayan mo," paliwanag ni Kino bago hawakan sa magkabilang balikat si Lylia na muling itinuon ang atensyon sa binata.

Dahil sa hindi matagong kilig ay napatango na lang si Lylia at pinigilang mapangiti bago kinagat ang pang-ibabang labi.

"Can I hug you?" nangungusap ang mga mata na tanong ni Lylia, "As a friend, katulad ng sabi mo, kaibigan kita. Kailangan ko ng yakap ngayon, Kino." paglilinaw pa nito.

Kita ang gulat sa mukha ni Kino ngunit sandali lang iyon at naiilang na sumang-ayon.

"Oo naman. Basta ikaw, bilang kaibigan mo." may pagkailang na ngumiti siya kay Lylia at saka marahan na niyakap ito.

Napapitlag si Kino nang maramdaman na yumapos ito sa beywang niya at pinalibot doon ang mga braso.

Napatingin ang kaluluwang si Andy na nasa labas ng Clubroom habang kasama si Denum na pasan ang walang malay niyang katawan. Lumiban ito sa klase dahil na rin sa pagpigil ni Andy na dalhin ang katawan niya sa Clinic o kahit sa Hospital.

"Naku, ang lakas talaga ng babaeng ito! Pasimpleng landi kay Kumag." napapangiti na sabi ni Andy habang nakadantay ang isang siko sa balikat ni Denum.

Nilingon ni Denum ang hindi niya nakikitang si Andy bago ngumisi at tumingin sa nakabukas na bintana ng Paranormal Clubroom. Narinig din nito ang pag-uusap ng dalawa sa loob at hindi na nagulat sa nakita.

"Mukhang nagseselos ka pa,"

Inangatan ng tingin ni Andy si Denum na tahimik na pinapasan ang walang malay niyang katawan bago mabilis na binatukan si Denum.

"Sira ka ba?! Bakit ako magseselos sa kaibigan ko?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hinawakan ni Denum ang parte ng ulo niya na binatukan ni Andy bago sinamaan ito ng tingin.

"Akala mo hindi kita babawian." may inis na bulong ni Denum bago binatukan si Andy na ikinagulat nito.

Nakaawang ang bibig ng dalaga habang hawak ang nananakit na ulo at hindi makapaniwalang tumingin sa binatang inirapan lang siya at mukhang masaya na nakaganti kahit hindi siya nakikita.

"Monggii, bakla ka nga siguro kaya nananakit ka ng babae!" galit na singhal ni Andy bago sumimangot at binigyan ng distansya ang pagitan nila ni Denum.

Sinubukan ni Denum na kapain kung katabi niya pa si Andy ngunit wala siyang nahanap kaya tumango-tango siya.

"Siguro sa ngayon, iniisip mo na bakla ako kaya kita binatukan.." namimilog ang mga mata ni Andy habang pinapakinggan ang sinasabi ni Denum, "But let me remind you that you are my first kiss at the bar, kung iniisip mo na bakla ako. Pwede kitang halikan ulit, yung mas masarap pa sa ginawa natin doon." pilyong dagdag nito na ikinatakip ng bibig ni Andy.

Mongggii!! Hindi niya pa nga pala alam na ang first kiss namin ay yung sa Detective Clubroom, yayks!! Buti na lang!

Nangingiwi siya bago itinaas ang gitnang daliri sa binata.

"I salute my middle finger to you one-million times, mr. Gozo." may panggigigil na sabi ni Andy bago muling tiningnan ang ang dalawang magkayakap pa rin sa loob ng Paranormal Clubroom.

Kitang-kita ni Andy ang nagpipigil na ngiti sa mga labi ni Lylia kaya hindi niya mapigilang matawa.

Nako, ang manhid ni Kino kung hindi niya nahahalata na nagpipigil ng kilig si Lylia..

Maya-maya pa ay naramdaman na ni Andy ang panlalabo ng paningin bago bumalik sa kaniyang katawan. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at pinakiramdaman ang paligid.

Kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto na nakapasan siya kay Denum na mukhang napansin na nagising na siya.

"Mabuti naman at nagising ka ng baliw k-"

Halos masuka si Denum nang ipitin ni Andy ang ulo niya gamit ang isang braso nito na sumasakal sa kaniyang leeg. Nanggigigil na ginawa iyon ni Andy.

"Demonyong bakla ka. Kahit kaluluwa ako ay binatukan mo pa rin ako. Anong klaseng lalake ka? Tapos, manyak ka pa! Hayop ka!" pinanggigilan ni Andy ang ulo ni Denum na pilit tinatanggal ang braso niya na iniipit ito.

Hindi makapagsalita si Denum kaya mabilis siyang yumuko para mabuhat si Andy paalis sa pagkakapasan sa kaniya, bumending ang katawan ni Andy. Natanggal ang braso ni Andy na nakaipit sa ulo niya kaya mabilis niyang hinabol ang paghinga bago galit na binalingan ng tingin si Andy.

Si Andy naman ay sinabayan ang galit na tingin ng binata.

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" galit pa rin na tanong ni Denum na pilit ikinatawa ni Andy.

"Para saan naman?"

Tumingin sa ibang direksyon si Denum bago mariing pumikit at pilit na ikinakalma ang sarili.

Baliw siya, Denum. Huwag mo siyang patulan. Magagaya ka sa kabaliwan niya.

Ngunit kahit si Denum ay hindi na mapakalma ang kaniyang sarili. Naramdaman na lang na mabilis niyang itinulak si Andy sa pader na sinasandalan nila bago kinulong ito gamit ang isa niyang braso na nakadagan sa magkabilang balikat nito.

"Baliw ka talaga 'no? I almost die for what you did." seryosong wika niya habang nakikipagsukatan ng tingin sa dalaga.

Umismid si Andy bago ginaya ang sinabi ni Denum.

"Baliw ka talaga 'no? I almost die for what you did nyenyenye~" inis na wika ni Andy at balak sanang itulak si Denum ngunit mas idiniin nito ang katawan sa kaniya kaya naipit siya nito.

"Aray ko! Umalis ka nga diyan! Demonyo ka!" sigaw ninAndy habang pilit tinutulak si Denum ngunit tinawanan lang siya nito.

Nahinto naman sina Lylia at Kino nang marinig ang boses ng dalawang nagtatalo sa labas. Mabilis na umalis sa pagkakayakap si Kino bago tumakbo palabas ng Clubroom. Naabutan niya sina Andy at Denum na nag-iipitan sa pader.

"Baliw ka! Umalis ka diyan! Naiipit ako! Nasasaktan na ako!" malakas ang boses ni Andy habang pilit itinitulak ang hindi natitinag na si Denum.

"That's my purpose while I am doing this, gusto kitang saktan." may inis na tono ni Denum bago nilingon si Kino na hindi maipinta ang mukha.

'What the hell are they doing? Parang mga bata.' napapailing na iniisip ni Kino.

"Hey kiddo's! Kakagaling lang natin sa Detention nung mga nakaraang linggo, gusto niyo bang bumalik ulit?" pagkuha niya ng atensyon ng dalawa na parehong natigilan.

Nagkatinginan ng masama sina Andy at Denum bago parehong umirap sa kawalan.

"Pasalamat ka at dumating si Kumag." galit na bulong ni Andy pero sapat na para marinig ng dalawa.

Pagak na tumawa si Denum, "Look who's talking? Sino nga ulit yung naipit sa pader?" pang-aasar nito sa dalaga,  "Sa susunod na kikilos ka, make sure that you won't lose easily." dagdag nito bago prenteng umalis at iniwan na mainit ang ulo ni Andy.

Balak pa sana niyang sundan si Denum ngunit natigilan siya sa pagsipol ni Kino kaya dahan-dahan niya itong hinarap. Salubong ang kilay ni Kino bago pinagkrus ang mga kamay.

"Gusto mo bang ituloy ko yung ginawa ko kagabi?" may pagbabanta na tanong nito kaya mabilis na umiling si Andy bago nagmamadaling tumakbo papasok ng Clubroom.

Nangingiti na sinalubong ni Lylia ang namumutlang si Andy. Sinutsutan niya ito bago pumameywang.

"Anong gulo ang ginawa niyo nung angry bird sa labas?" kaagad na tanong ni Lylia.

Walang ideya na kumunot ang noo ni Andy, "Angry bird? Si Kino?"

Umiling si Lylia, "No. That man with a clean hair cut. 'Yong palaging magkasalubong ang sobrang kapal na kilay. Napapansin ko na palagi mo siyang kasama, nanliligaw sa iyo?"

Nagpipigil ng tawa na umiling si Andy, "Hindi no! Iyong angry bird na tinutukoy mo, step-brother siya ni Kino at pinababantayan siya ng mga magulang nila kaya iyon ang ginagawa ko." paliwanag nito.

Tumango-tango si Lylia bago inilugay ang mga nakataling buhok dahil nagulo ito matapos niyang makipag-away.

"Kung gano'n, totoo nga na sa bahay ka ni Kino nakatira? Kailan pa? Nakilala mo na ba magulang niya? Malaki ba?" sunod-sunod na tanong ni Lylia na ikinataas ng kilay ni Andy.

"M—malaki ang ano?" nagdadalawang-isip na tanong ni Andy.

"'Yong bahay! Hahahaha. Ano bang iniisip mo ha? HAHAHAHA!" hindi mapigilan ang tawa ni Lylia.

"Ah, iyon din. Yung bahay." paglilinaw ni Andy bago tumango, "Malaki ang bahay nila. Tumira ako simula nang maging member ako ng  Paranormal Club. Siguro magto-two months na, and yes, nakilala ko na ang parents nila. Mababait sila, actually. Hindi nila ako tinuring na tagabantay ni Kino, pakiramdam ko pamangkin nila ako." paglalahad ni Andy.

Hindi mapigilan ang saya ni Lylia habang iniisip ang posibleng mangyari kung siya ang nasa puwesto ni Andy.

Oh my goooosh!! Makakasama ko sa isang bahay si Kinooooo!

Dahil sa kilig ay tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay bago nagpipigil na tumalon. Napangiwi si Andy at hindi maisip kung bakit ganoon ang inaakto ng kaharap.

Sakto naman na pumasok si Kino kaya mabilis na inayos ni Lylia ang nakalugay niyang buhok at pinigilan ang ngiti na paunti-onting kumakawala sa kaniyang labi.

Hindi nakawala sa paningin ni Kino ang magandang ayos ng mahabang buhok ni Lylia kaya sandali siyang nahinto bago pinilit na umubo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ahm, ehem, dahil nandito na tayong lahat, gusto ko na malaman Andy kung ano ang sinabi ng multo na nakausap mo kahapon." panimula ni Kino bago dumiretso sa mesa niya at umupo roon.

Nagkatinginan sina Andy at Lylia bago muling tiningnan si Kino.

"Okay, ito na sasabihin na.." medyo tinatamad na sagot ni Andy bago umupo sa upuan niya at pinagilid si Lylia na nakaupo sa mesa niya, "Tabi, nahaharangan mo yung view." nagpipigil ng tawa na sabi niya rito kaya walang nagawa kundi tumayo na lang.

Nakabusangot ito habang nasa pagitan ng mga mesa nina Andy at Kino.

Yeah, ginusto mo ito Lylia. Sana ayos ka lang.

"Umupo ka na lang dito, Lyl.."

Nakaramdam ng pag-iinit sa mukha si Lylia nang marinig ang kakaibang pagtawag ni Kino bago tumayo sa kinauupuan nito.

"Lylia." dugtong nito para buoin ang pangalan niya.

Mariing umiling si Lylia bago patakbong inupuan ang swivel chair ni Kino at tiningnan ang binata na nakasandal sa mesa nito.

"It's okay kahit anong itawag mo sa akin, kahit misis De Vera soon pa." halata ang kilig sa tono ng boses ni Lylia.

Kaagad na nagtakip ng bibig si Andy dahil sa tawa na gusto niyang ilabas ngunit alam niyang ikagagalit lang ni Kino. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kino ngunit napailing na lang bago binalingan ng tingin si Andy.

"O, Komasan.. Magsalita ka na." may pagkairita na sabi nito, "Puro ka tawa."

Napangiwi si Andy, "Hindi nga ako tumawa." pangangatwiran niya.

"Magsalita ka na." may diin na wika ni Kino kaya umayos siya ng upo bago magsimula.

"Sabi ng nakausap ko na babae, hindi niya raw maalala yung pangalan niya o kung sino siya at gusto niya raw maalala kung sino sya kaya humihingi siya ng tulong sa atin pero unahin daw muna natin yung isa niyang request." mabilis na sabi ni Andy dahil sa pagkataranta sa paraan ng pagtingin ni Kino.

Parang gusto siyang kurutin na kung ano.

"And what is that other request?" pagsabad ni Lylia para maramdaman niyang may ambag siya.

Huminga nang malalim si Andy bago pilit na ngumiti.

"To confess her feelings on her crush that made her realized that she still alive even if she is a ghost now," pagputol niya sa sasabihin na mas inabangan ng dalawa, "And that guy is Denum Gozo."

Parehong natigilan sa narinig sina Lylia at Kino, ilang segundo na nabalot ng katahimikan bago muling nagsalita si Andy.

"But don't worry, tinanggihan ko na. Sabi ko, yung first request niya lang ang magagawa natin, wala naman siyang magagawa dahil tayo ang mahihirapan."

Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha ni Kino. Si Lylia naman ay tahimik na pinapanood ang mga susunod na mangyayari.

"What? 'Di ba sabi ko pag-uusapan muna natin 'to. Bakit gumawa ka kaagad ng desisyon? Wow, you're really acting like a leader now huh?" may inis na tanong nito na hindi inaasahan ni Andy kaya hindi kaagad siya nakatugon ngunit kaagad ding nakabawi.

"Wow talaga! Bakit hindi ako gagawa ng desisyon? E, alam ko naman na ako ang mahihirapan na gumawa ng paraan sa gusto niyang mangyari. Hello? Ano ba silbi ko rito? Maging sunod-sunuran. Bakit mo pa ako inassign as your 'vice president' kung simpleng desisyon lang hindi mo pa maibigay sa akin. Please, stop saying 'so, you're acting like a leader now' thing dahil una sa lahat, lider din naman ako, mas mababa nga lang ang puwesto sa iyo. Siguro naman kahit minsan lang bigyan mo ng saysay itong name tag na nakalagay sa mesa ko. Mongggiii!!" gigil na paliwanag ni Andy.

Tinanggal ni Kino ang sombrero sa ulo niya at pagalit na inilapag iyon sa mesa bago ginulo ang buhok. Ginamit ang isang kamay upang ihilamos sa mukha.

"Yeah, fine. Nandiyan na tayo, you as my VICE PRESIDENT. Meaning! Hindi ka pwedeng magdesisyon ng sarili mo lang, just like what you have said, ako ang mas mataas sa iyo, so, ako ang dapat mong pakinggan!" nakikipagsabayan na rin si Kino sa sigaw ni Andy.

Napapatakip ng tenga si Lylia dahil  sa masyadong kulob ang Clubroom nila kaya sila-sila lang rin ang mas makakarinig ng malalakas nilang boses.

Umawang ang mga labi ni Andy bago tumayo para sabayan ang pagtayo ni Kino dahil nanliliit siya sa tangkad nito.

"Aba! Saang punto ng sinabi ko ang hindi mo maintindihan! Kakasabi ko nga lang na kung tatanggapin natin iyon, ako rin naman ang gagawa ng paraan na naisip natin. Kaya dapat ako ang may karapatan na magdesisyon patungkol doon!!" dahil sa lakas ng sigawan nila ay nagmumukha na silang may away mag-asawa.

"At sino naman ang may sabi na ikaw lang ang gagawa?!" galit na tanong ni Kino.

Isinuklay ni Andy ang mga daliri sa buhok bago ipinagkrus ang mga kamay.

"Ako. Tulig ka ba? Kakasabi ko lang, tinanong mo pa ulit." sarkastikong sagot ni Andy.

"Are you serious? Answering me sarcastically while we are arguing?! Talaga bang ginag*go mo ako?!" hindi na maikalma ni Kino ang sarili niya.

Tipid na ngumiti si Andy, "Tingin mo, tingin ko."

"Ah, talagang namimilosopo ka talaga ha!" nauubusan ng pasensya na sabi ni Kino.

Tumango si Andy, "Opo young master. Kanina pa."

Nagsukatan sila ng tingin at balak na sugurin ang isa't-isa kaya mabilis na tumayo si Lylia at pumagitna sa dalawa. Pareho niyang itinulak paatras ang dalawa upang hindi matuloy ang mga ibinabalak.

"Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata.." saway niya sa mga ito bago salit-salitan na tiningnan si Kino at Andy, "Wala tayong magagawa kung puro sigawan at away ang gagawin niyo. We should understand the situation first before we make a decision. But first, we need to calm ourselves, especially you two. Mamaya na tayo mag-usap-usap, may mga klase na at panigurado na late tayo kaya huwag na natin aksayahin ang oras, pumasok na muna tayo." mahabang paliwanag niya sa dalawa.

Habol-hininga sina Kino at Andy na nagkatinginan sa isa't-isa, kitang-kita na marami pang gustong sabihin ngunit pinigilan na lang ang kanilang mga sarili. Inirapan ni Andy si Kino bago mabilis na kinuha ang bag at nilisan ang Clubroom. Ngumuso si Lylia bago hinarap si Kino.

"Andy is right. You need to consider her role as a vice president in your Club, you underestimate her position. The both of you have a point, but having a different view that's why you can't maintain a normal conversation, you both let your anger control you. Mukhang kailangan niyong pag-usapan ang paggawa niyo ng desisyon bilang miyembro at bilang grupo. Isa sa inyo, kumikilos bilang grupo, at ang isa, kumikilos ng solo." mahabang paliwanag ni Lylia bago kinuha ang bag na kulay lila at mabagal na nilakad ang pinto, nagbabakasakaling tawagin siyang muli ni Kino.

Ngunit nakalabas na siya't lahat, wala kahit isang salita ang lumabas sa bibig ni Kino.

Dismayadong naglakad papunta sa silid-aralan si Lylia.

Malalim na nag-iisip si Kino kung paano aayusin ang naging sagutan nila ng kaibigang si Andy.

Oo, mukhang ibinaba ko nga ang tingin ko sa posisyon niya pero wala pa rin siyang karapatan na magdesisyon mag-isa.

Pilit niyang sinasabi sa sarili na may mali siya pero patuloy na pinapaalala ng utak niya na mas mali si Andy.

Mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay.

"Haaaaay... Anong gagawin ko? Nagalit na naman si Komasan? Should I send an apology letter? Dzuh, for what? E, siya nga ang may mali." parang baliw na kausap niya ang sarili, "Wait, bakit palaging akonang kailangang humingi ng tawad? Wala naman akong ginawang mali." buo ang loob na sabi niya sa sarili.


Nasa silid-aralan si Andy at pinaglalaruan ang pirma niya nang biglang may bumato sa kaniya ng papel na bilog mula sa bintana. Mabilis niyang dinampot iyon at tiningnan ang laman sa loob.

Tumaas ang dalawang kilay niya nang makita ang laman nito.

"Woah.. Monggii.." may pagkamangha na sabi niya bago itinaas upang makita ng mabuti ang laman nito.

It is a silver bangle with a yellow crystal around it.

Dahil sa ganda ay nakuha nito ang atensyon ng mga kaklase ni Andy.

"Wow, ang ganda naman niyan!"

"Mukhang mamahalin! Kanino galing?"

Tiningnan ni Andy ang papel kung saan may nakasulat na malalaking letra.

SORRY..

Hindi maiwasan na mapangiti ni Andy nang magkaroon ng ideya kung sino ang nagbigay ng bangle na mukhang bago pa dahil sa amoy no'n.

Amoy-bodega na pinahanginan sa aircon.

Natawa si Andy sa kaniyang naisip bago napailing.

"Baka bigay iyan ni Kino, 'di ba tirador ng mga Club President iyan? Hindi na nakapagtataka."

Kaagad na lumukot ang mukha ni Andy dahil sa narinig at mas pinili na hindi na sumagot at itago ang natanggap na regalo sa bag niya.

Habang malalim ang iniisip ay biglang sumagi sa kaniya ang nangyari kanina. Ang patungkol sa pagsagot sa kaniya ni Krem (Kre-em, first name read as kre-em-mir) kahit kaluluwa na siya, inalala rin ni Andy ang kaparehong senaryo nuong nasa Music Clubroom sila at nag-a-audition para maging bokalista.

Sinabi ni Krem na may sakit siya kaya siya palaging nakasuot ng headphone. Pero, bakit niya ako naririnig kahit hindi niya ako nakikita?

Binasa niya ang pang-ibabang labi nang makabuo ng konklusyon kung paano iyon nangyari.

Biglang naliwanagan si Andy.

"Nakakarinig si Krem ng mga kaluluwa kaya palagi siyang naka-headphone. Kambal sila na may paranormal senses." natakpan ni Andy ang kaniyang bibig at mabilis na ipinalibot ang tingin para tingnan kung may nakarinig sa kaniya.

Mabuti na lang at seryoso ang mga ito na nakikinig sa nagtuturo nilang guro kaya nakahinga ng maluwag si Andy.


"Hi." nangingiting sinalubong ni Lylia si Andy na kakalabas lang ng silid matapos ang dalawang klase at breaktime na. Nakaupo ito sa pasamano kaya agaw-pansin ito sa mga dumaraan.

Medyo umatras si Andy dahil sa gulat nang tingnan si Lylia.

"Monggii," ang tanging naging tugon ni Andy.

Inayos ni Lylia sarili bago tumalon para makababa sa pasamano. Inilibot niya muna ang mga paningin bago muling tiningnan si Andy.

"Pinuntahan kita rito, dahil, may gusto akong itanong.." putol na sabi ni Lylia bago inilapit ang mukha kay Andy, "Anong nangyari kay Krem? Bakit hindi siya pumasok? Kanina lang ay kasama natin siya." puno ng pagtataka na tanong nito.

Hindi kaagad nakakibo si Andy, gusto niyang itanong kay Lylia ang patungkol sa kaniyang nalaman ngunit nagdadalawang-isip siya dahil mukhang magkakaproblema kung si Lylia ang kaniyang tatanungin.

Krem ran away with the fear in his eyes. Nagulat na lang ako ng tumakbo siya matapos marealize na wala siyang kausap dahil hindi niya ako nakikita.

Sandaling iniwas ni Andy ang tingin sa kaharap bago nagkibit-balikat.

"Pasensya na, nawalan ako bigla ng malay kaya hindi ko na napansin kung saan napunta si Krem." palusot niya.

Tumaas ang isang kilay ni Lylia bago umatras at tumango-tango.
"Hmm, tara na. Nagugutom na ako!"

Tumalikod si Lylia at inunahan sa paglalakad si Andy.

"Bakit kita sasabayan?" biglaang tanong ni Andy na ikinahinto ni Lylia.

Medyo ngumiwi si Andy dahil medyo offensive ang tanong niya.

Dahan-dahan na lumingon si Lylia bago pilit na ngumiti.

"Sabi ni Kino, magkita raw tayo sa canteen. Libre niya." tanging sagot ni Lylia bago umirap sa kawalan at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Huminga ng malalim si Andy bago sinundan si Lylia papunta sa canteen. Medyo marami ang tao kaya hindi niya makita kung nasaan si Kino.

"Nasaang banda ba siya?" tanong ni Andy habang nakikopagsiksikan sa mga estudyante na papasok sa pinto.

Ngunit wala siyang narinig na sagot kaya mabilis niyang hinanap si Lylia, nawala ito.

Nabalot ng pangamba si Andy dahil hindi niya alam kung magpapatuloy pa siya sa pagpasok o babalik na lang sa silid niya. Napagdesisyunan niya na babalik na lang dahil hindi naman siya nagdadala ng pera. Paatras na siya nang may mabangga sa kaniyang likod. Mabilis niya iyong nilingon at sumalubong ang magkapantay na kilay ni Denum na mukhang hindi nagustuhan na makita siya.

"Sorry." tanging nasabi ni Andy at pilit na gumagawa ng paraan para makalabas ng pinto ngunit sandaling natigilan dahil walang balak umatras si Denum.

"Anong akala mo? Paparaanin kita? Asa. You should walk in the exit door." seryosong sabi nito at hinawakan sa magkabilang-balikat si Andy para itulak paabante.

Napapailing na hinawakan ni Andy ang mga kamay ni Denum.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako," pigil niya rito ngunit wala na siyang naireklamo nang makalapit na sila sa mga paninda.

"Miss, ano pong order niyo?" tanong ng estudyante na mukhang nagpra-practicuum.

Umawang ang bibig ni Andy. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil wala naman siyang pera.

"Ahm," kinagat niya ang pang-ibabang labi bago binalingan si Denum sa kaniyang likuran, "Ikaw na mauna, may hahanapin pa ako." wika niya rito at handa ng gumilid nang pigilan siya nito gamit ang paghawak sa mga braso niya.

"Pumili ka na, ako na ang magbabayad." mahinang bulong nito sa tenga niya.

Sandaling natigilan si Andy dahil sa kaniyang narinig.

"Huwag na, nahihiya ako." pagtanggi niya.

"Pipili ka o ipagkakalat ko na ikaw ang first kiss ko."

Muling natigilan si Andy.

Bakit nahihiligan ng mga ito ang magbanta? Akala niya ba nakakatakot sila?








Pinagtitinginan sina Andy at Denum habang nasa labas sila ng canteen. Wala ng mesa dahil sa dami ng estudyante at wala silang nakitang kaibigan na magpapaupo sa kanila.

Puno ng inis ang tingin ni Denum kay Andy habang nakaupo sila sa pasamano at napuno ng maraming pagkain na nasa tabi ng dalaga. Dahil sa katakawan ni Andy ay pinili niya lahat ng tinda sa canteen, si Denum naman ay bumili na lang ng isang boteng tubig dahil naubos ang sweldo niya sa libre sa dalaga.

Nahihiwagaan na tiningnan ni Andy si Denum habang kumakain ng hamburger at sumisipsip ng chuckie.

"Mukhang sweldo mo kaya ka nanlibre ah." komento ni Andy bago tiningnan ang mga pagkain sa tabi niya, "Sigurado ka ba na ayaw mong bumili ng pagkain mo? Marami ka pa naman sigurong pera, nagawa mong manlibre e." dagdag pa nito na mas ikinasama ng timpla ni Denum.

"Anong tingin mo sa akin, bangko? Naubos ang sweldo ko dahil lang sa panlilibre." masama ang loob na sabi ni Denum bago itinuro ang isang sandwich na nasa tabi ni Andy, "Akin na nga iyan, ako na kakain." utos niya sa dalaga ngunit kinunotan lang siya nito ng noo.

"Anong 'akin na iyan? LIBRE mo 'to sa akin kaya wala kang karapatan na kainin ito." buo ang loob na pagtanggi ni Andy.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Denum at tsaka marahas na umiling.

"Pero hindi mo man lang ba ako aalukin?" tanong ni Denum.

Natigilan sa pagkain si Andy bago kinuha ang sandwich at iniabot kay Denum.

"Gusto mo?" tanong niya.

Tiningnan ni Denum si Andy upang alamin kung seryoso ang dalaga. Mukhang seryoso naman ito kaya itinaas niya ang isang kamay upang abutin ang pagkain ngunit kaagad na inilayo ni Andy.

Nang-aasar na ngumiti si Andy.

"Bumili ka, hahahahahaha." kitang-kita sa mukha nito ang kadamutan kaya itinaas ni Denum gitnang daliri na nagpatahimik kay Andy.

"F*ck that joke na hindi nakakatawa." may inis na sabi nito.

Muling natawa ng mahina si Andy bago iniabot muli kay Denum ang sandwich at ang chuckie na iniinom niya.

"Ayan na, seryoso na ako. Tanggapin mo na." may pamimilit sa tono ni Andy.

May pag-aalinlangan na tumingin si Denum bago tinanggap ang sandwich at iniwan ang chuckie.

"Ayoko magkaroon ng indirect kiss sa iyo, ang baho pa naman ng hininga mo." panlalait nito bago sumubo ng sandwich.

Umirap sa kawalan si Andy bago muling kumain, "Grabe, kung makalait ka.. Parang hindi dalawang beses na naglapat yung mga labi natin."

Ilang segundo na natigilan ang dalawa sa narinig bago nagkatinginan. Namimilog ang mga mata ni Denum.

"You mean, we kissed each other in the Detective clubroom?" gulat na tanong nito bago kinilabutan, "Yuck!" dagdag pa nito.

Napangiwi rin si Andy, "Monggii, yuck pa iyon? Mas yuck ka."

Mariin siyang pumikit.

Ang daldal mo naman Andrea Firey Samson. Mas nakakadiri pala kapag si Denum ang nagsabi.






End of chapter 39

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top