CHAPTER 38
Chapter 38
Papasikat palang ang araw ngunit kinailangan na agad bumangon ni Andy matapos marinig ang mga katok ni Kino.
"Andy, bumangon ka na. Tutulungan mo pa si Lylia. Kapag natapos ka maligo, kumain ka na muna, pinaghanda kita ng breakfast. Babalik muna ako sa pagtulong... Good morning." halata ang pagod sa boses ni Kino habang nagsasalita.
Sinubukan ni Andy na takpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang sinasabi ni Kino ngunit umalingawngaw iyon sa buong pasilyo kung nasaan sila kaya walang nagawa si Andy kundi ang tumayo kahit gusto niya pang matulog.
"Ayan, kasalanan mo ito Andy. Nasobrahan ka sa yabang." pagsaway niya sa kaniyang sarili.
Matapos mag-ayos at mag-agahan ay muli siyang umakyat upang katukin ang pinto ni Kino.
"Papasok na ako, Kumag. Goodbye." tamad na paalam niya ngunit wala na siyang narinig na tugon mula rito.
Habang kinakapa ang likuran niya na nilagyan niya ng dalawang pain relive patches ay mabagal na binagtas ni Andy ang daanan patungo sa kanilang Paaralan. Papasikat palang ang araw ngunit medyo marami na rin ang mga estudyante na kasabayan niya sa pagpasok, isa na rito si Denum na nakasalubong niya bago pumasok ng gate. Pareho silang natigilan at nagkatinginan sa isa't-isa bago tuluyang pumasok na parang hindi magkakilala.
Nang pareho na silang malapit sa building ng mga third year ay lumihis ng landas si Andy na kaagad napansin ni Denum kaya sinulyapan niya ito ngunit kaagad din na nagpatuloy sa pagpasok sa sariling silid-aralan.
Nangingiti ang mga kaklase ni Denum na sumalubong sa kaniya, nagulat siya nang makita si Entice na hindi naman niya kaklase ngunit kaagad lumapit upang may iabot sa kaniya. Kunot ang noo na tiningnan iyon ni Denum.
'Denum Gozo cleared things out about the accusation to him being a gay, he says that his ideal girl is someone that is good in Filipino and can amaze him in an extraordinary way, that makes everyone think, is this Entice Liezel Luna, the lakambini this year and has a romantic feelings for him?'
"Nakikita mo ba ang mga reaksyon ng mga tao na nakapaligid sa atin? Natutuwa sila na hindi si Andy ang karelasyon mo at hindi ka bakla, ako ang nagsabi sa Journalism Club na dapat malinis ang pangalan mo so they did that. Mas makatotohanan naman ang isinulat nila ngayon kaysa sa isinulat nila na relasyon niyo ni Andy."
Kita ang kislap sa mga mata ni Entice habang tinitingnan si Denum na binabasa ang nakasulat sa front page ng kanilang school newspaper.
"I'm glad that other people will not raise their eyebrows if I will announce my special feelings for you. Walang mag-iisip na pinsan kita, maraming matutuwa kapag ginawa ko iyon." nasasabik na paliwanag ni Entice, "No wonder, Tita Demmy will love to know that her son will have a girlfriend." dugtong nito kaya nagpantig ang tenga ni Denum.
Walang ideya si Denum kung ano ang kabaliwan na nababasa niya kaya kaagad niyang inagaw kay Entice ang diyaryo at pinagpira-piraso iyon bago iniangat ang mga kamay at hinayaang bumagsak ang bawat piraso ng papel sa sahig. Matapos iyon ay isang mapangutyang ngiti ang iginawad niya kay Entice.
"What are you talking about? There's nothing between us. Special feelings? Scrath that thing, nothing is special when it comes from you. Even we are not blood-related, I see you as my cousin, just like that.. No romantic feelings, just as usual." diretsahang sabi niya sa dalaga na ikinatahimik nito.
Akala ng lahat ay tapos na si Denum sa pagsasalita dahil nagsimula na ulit siyang humakbang ngunit laking-gulat ng mga nanonood nuong humarap pa ito sa hindi kumikilos na si Entice.
"And additionally, if I will introduce my girlfriend, I will assure you that you are the first one to know her. No hard feelings, I just don't like the way you cleared my name, that won't help me. It's disgusting to know that the article manipulates my ideal type, to tell you honestly? My ideal type has much more resemblance to Andy than yours. I don't get it why you are too confident to say that we are compatible, I would rather choose to be a gay than to be partnered with the person whom I known to be my cousin." mahabang paliwanag nito na nagpatigil sa mundo ni Entice.
Hindi makagalaw si Entice at nararamdaman na niya ang panlalamig ng mga kamay gayundin ang kaniyang mga tuhod. Kahit iilan palang ang tao sa loob ng silid-aralan ni Denum ay ramdam niya na lahat ito ay nasa kaniya ang atensyon. Ilang minuto siyang hindi gumalaw bago nagsimula ang mga bulungan.
"Oh my gosh, binasted siya ni Denum ng live."
"Nakakahiya naman yung ginawa sa kaniya, grabe."
"Wala bang rebat diyan, Entice?"
Ikinuyom ni Entice ang mga kamao at kaagad na nag-isip ng paraan para makaalis sa kahihiyan.
Bees and butterflies
Clouds up in the sky
Happy birds are flying up so high~
All things bright and beautiful
All things bright and beautiful
All creatures big and small
All things wide and wonderful
The lord had made them all
Kaagad na nakuha ng dalawang estudyante na nagpapaliksahan sa kani-kanilang talento ang atensyon ng mga papasok palang at nang mga nasa loob na ng bawat silid-aralan. Ang isa ay kumakanta habang may hawak na mahabang walis-tingting, habang ang isa naman ay tumutula habang inihahagis kasabay ng hangin ang mga dahon na nawalis na nila.
Hindi mapigilan ng mga estudyante na panoorin ang dalawang babae na nagpapagising ng araw nila ngunit hindi iyon ang naiisip ni Entice lalo na nuong makilala ang dalawa. Kaagad na nag-init ang kaniyang ulo.
"Nang-aasar ba sila?" may inis na tanong niya sa sarili bago sinamaan ng tingin ang dalawa, "Mukhang gusto nila ng asaran."
"Wow, look who's here? Mukhang napag-utusan ka ni Kino." nang-aasar na bungad ni Lylia sa papikit-pikit pa na si Andy dahil ramdam niya pa rin ang kama na gusto niyang higaan.
Ngumiti na parang aso si Andy bago tinanggap ang iniabot na walis ni Lylia.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ni Andy habang palinga-linga dahil napansin niya na halos kalahati na ng school ground ang nalinis.
Huminto si Lylia sa pagsasako ng mga dahon gamit ang mga kamay niya dahil nahihirapan siyang magsilid kapag naka-dustpan.
"Mga alas-singko lang naman. Ayoko kasi na dumami pa ang estudyante bago ako maglinis baka magkalat lang ulit ako." sagot nito bago muling nagpatuloy sa ginagawa.
Namamangha si Andy habang pinapanood kung papaano kumilos si Lylia sa kabila ng itsura nito na hinahangaan ng maraming lalake. Kahit maganda at maayos ito sa pananamit ay hindi ito nagdalawang-isip na gamitin ang mga sariling kamay sa paglilinis.
'Siguro, ito ang magandang katangian niya, hindi siya maarte.' pangungumbinsi ni Andy sa sarili bago ipinagpatuloy ang pagwawalis.
Nasa kalagitnaan ng pagwawalis si Andy nang mapansin ni Lylia na patigil-tigil ito dahil sa mukhang pagod at papikit-pikit nitong katawan. Nagpipigil siya ng tawa nang makita kung paano muntikang matumba si Andy habang nakasandal sa mahabang walis-tingting ang kaniyang ulo na tila binabalanse ito.
"Hindi pa ba tapos?" matamlay na tanong ni Andy habang sinasakyan ang walis-tingting at gusto na lumipad papunta sa kama.
Nasisiyahang kinuha ni Lylia ang walis na hawak ni Andy bago umiling.
"Umayos ka nga, parang ikaw pa ang nagpapahirap ng ginagawa ko. Inaantok ako habang pinapanood ka," puna ni Lylia bago hinila ang manggas ng damit ni Andy upang gisingin ito, "Kung inaantok ka pa, may alam ako na pwedeng gawin para hindi tayo matulog habang naglilinis. Mag-e-enjoy pa tayo." panghihikayat nito kay Andy.
Tamad na tumango si Andy bago muling inagaw kay Lylia ang walis na inagaw nito sa kan'ya. Si Lylia naman ay tumingin sa isa sa mga silid-aralan nang may mapansin.
"Ano naman iyon? Magjogging? Monggii, ayoko.. Mahina ang katawan ko sa exercise." napapailing na sabi ni Andy bago dire-diretsong napaupo sa bundok ng mga dahon na nawalis nila.
"Pfft." kinagat ni Lylia ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa habang may tinitingnan sa ibang direksyon ngunit hindi ang iba pang nakakita kay Andy na mga kakapasok palang.
Mabilis na binalingan ni Andy ang mga estudyante bago sinamaan ng tingin. Nagpipigil ng tawa na lumapit si Lylia sa puwesto ni Andy upang hilahin ito patayo sa pamamagitan ng paghawak sa braso.
"Tumayo ka nga diyan, pinapahiya mo ang sarili mo. Hindi ka naman lasing pero aktong nakainom." komento ni Lylia kaya mabilis na sumunod si Andy para itayo ang sarili.
Pumameywang si Lylia, "Ito na, para magising tayo. Gusto ko na magpalakasan tayo ng boses gamit ang mga talento natin. Tutal, singer ka.. kakanta ka, alangan namang sumayaw ka."
Napangiwi si Andy bago tumango-tango at hindi pinansin ang sinabi ni Lylia.
"At ako, dahil baka may mangyari kung kakanta ako. Tutula na lang ako, palakasan lang tayo para pareho nating magising ang mga sarili natin kasi sa totoo lang, inaantok na rin ako." pag-amin ni Lylia bago huminga nang malalim, "So, game na ha? Go!"
Ilang segundo na napaisip si Andy kung ano ang kakantahin, dahil sa panahon at kapaligiran ay naisip niyang kantahin ang natutunan niya nuong elementary pa siya. Iniangat niya ang mahabang walis-tingting upang gawing mikropono.
Bees and butterflies
Clouds up in the sky
Happy birds are flying up so high~
Sa bawat pagkanta ni Andy ay buong lakas niya iyong isinisigaw para magising ang diwa niya, gayundin ang mga nakapaligid sa kanila. Samantalang si Lylia naman ay dumakot ng mga dahon at isinaboy iyon sa mahangin na school ground bago magsimula.
All things bright and beautiful
All things bright and beautiful
All creatures, big and small
All things wide and wonderful
The lord had made them all
Hindi katulad kay Andy, mas mahina ang boses ni Lylia dahil wala siyang intensyon na ipahiya ang sarili. Ang gusto lang niya ang magising si Andy.
Hindi na nila napansin na marami na ang nakatingin sa kanila dahil patuloy pa rin sila sa kani-kaniyang ginagawa ngunit dahil sa mahinang boses ni Lylia ay ginanahan siyang sundan ang kanta ni Andy lalo na nuong dumating na sa chorus.
Boom tiyaya,
Boom tiyaya,
Boom! Science!
Boom! Tiyaya!
Boom! Tiyaya!
Boom, science!
Tumigil sa pagsasaboy ng mga dahon si Lylia dahil nakisayaw at nakikanta siya kay Andy. Giling pakaliwa, giling pakanan, ganiyan ang gawa bawat pagkanta nila kaya lumalakas ang paghangin na makikita sa paggalaw ng mga puno.
Flowers in the garden
Beautiful in playground
Green leaves are swaying
In a summer breeze
Boom tiyaya,
Boom tiyaya,
Boom! Science!
Boom tiyaya,
Boom tiyaya,
Boom! Science!
Nang matapos ang kanta ay humawak ng mahigpit si Andy sa mahabang walis-tingting na hawak niya dahil nakaramdam siya ng hilo. Medyo nanghina rin ang mga tuhod niya at pakiramdam niya ay hihiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan ngunit hindi natuloy nang may umalalay sa kaniya.
"O, Ikaw pala!" nangingiting sabi ni Lylia bago umayos ng tayo at binato ng ilang mga tuyong dahon na natira sa buhok at uniporme niya ang lalakeng patuloy na nakahawak sa mga braso ni Andy at inaalalayan ito.
Hindi natinag ang lalake at hinayaan na gumapang sa matangos niyang ilong ang mga dahon pabagsak sa malalambot niyang labi na sinundan ng bawat babaeng dumaraan. Hindi maitatanggi na bumagay iyon sa makapal niyang kilay at tila pambabae na pilik-mata.
"Watch your steps, I'm not always around to catch you when you fall."
Kilalang-kilala ni Andy kung sino ang huling tao na eksaktong nagsabi sa kaniya ng mga salitang iyon.
Dumaloy sa buong sistema ni Andy ang boses ng binata na umaalalay sa kaniya kaya mabilis niya iyong tiningnan. Sinalubong siya ni Krem na nakangiti at hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Dahil sa pagkailang at hindi inaasahang pagkawala ng masamang pakiramdam ay mabilis siyang umayos at lumayo upang harapin ng maayos si Krem.
"M-monggii, ikaw pala iyan Krem."
Hindi nakatakas sa mga mata ni Lylia ang pamumula ng pisnge ni Andy. Pumameywang si Lylia bago umismid na tinabihan ang kakambal na si Krem.
"Hi, Emir." pagtawag niya sa kapatid bago sinulyapan si Andy na hindi makatingin ng diretso sa binata, "Hindi ko nasabi sa iyo, kasali na ako sa Club nila Andy kaya magiging busy na ulit ang schedule ko kahit suspended pa rin ang mga Clubs. You know, wala naman makakakita kung ginagawa namin ang mga bagay na labag sa paningin ng mga feeling judge rito sa school."
Kumunot ang noo ni Krem dahil mukhang hindi nagustuhan ang narinig na sinabi ng kapatid. Itinigil niya ang pagtingin kay Andy at hinarap ang kapatid na si Lylia.
"Are you out of your mind, Iya?" halata ang pagtutol sa boses nito, "Alam mo ba kung ano ang kahihinatnan ng ginawa mo?" puno ng pagtatanong ang mga mata nito bago hinawakan ang isang braso ni Lylia upang hilahin ito sa kung saan.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako, Emir." reklamo ni Lylia at buong lakas na binawi ang kamay sa kapatid, "Oo naman! Alam ko, hindi naman ako gumagawa ng bagay na hindi ko iniisip kung ano ang kakalabasan." may paninindigang sagot ni Lylia.
Kita ang pagtaas ng isang kilay ni Krem bago kinagat ang pang-ibabang labi at hinawakan ang magkabilang beywang.
"Ah, ganoon? Kaya pala kahapon, nakikiusap kang damayan kita dahil hindi mo kayang panindigan ang sinabi mo." may pang-aasar na sabi ni Krem sa kakambal na ikinasama ng tingin ni Lylia.
Mabilis ni Lylia na inagaw kay Andy ang mahabang walis-tingting at balak na ihampas iyon sa kakambal ngunit kaagad siyang natigil nang may magsalita sa hindi kalayuan.
"Oop, oop, oops! Labag sa panuntunan ng Paaralan ang gagawin mo, ms. Regino."
Mabilis na nilingon ng tatlo ang nangingising mukha ni Entice. Naniningkit ang mga mata ni Lylia na tiningnan ang dalaga, sina Andy at Krem naman diretso lang na pinapanood si Entice na hindi maipinta ang mukha at humakbang palapit sa kanila.
Nang makalapit si Entice ay pinilit na matawa ng mahina ni Lylia.
"Ano naman ang pakialam ko sa panuntunan ng Paaralan na 'to? Nagbabayad naman ang magulang ko ng tuition fee." tugon ni Lylia bago tuluyang hinarap si Entice, "Tsaka sino ka nga ulit? Ah, ikaw yung lasinggera na pakialamera." mapanglait na wika pa nito na siyang mas ikinagalit ni Entice.
"Watch your words, Iya. Kakasuspinde palang ng mga Clubs ay gagawa ka na ulit ng gulo." pagpipigil ni Krem na ikinainit ng ulo ni Lylia.
"As if I was the reason why it was suspended." pamimilosopo nito na halatang hindi gusto ang mga pangingialam ng mga nakapaligid sa kaniya.
Nag-crying face si Entice na halatang inaasar si Lylia.
"O, huwag kang iiyak baby. Sinasaway ka lang ng kapatid mo, masyado ka kasing papansin," mapang-asar na wika nito bago dumapo ang tingin kay Andy, "Kumanta pa kayo na parang mga elementary, ganiyan ba ang epekto kapag nababasted?"
Kitang-kita ang pagkaestatwa ni Lylia sa kaniyang kinatatayuan dahil sa sinabi ni Entice na nagustuhan naman ng huli.
Ngumuso si Entice bago muling nagcrying face.
"Oh em ji! Sorry, I don't have a filtered mouth. Hayaan mo, hindi naman masama dahil totoo ang sinabi ko. Sayang ang effort girl, try hard next time!" nang-iinis na pang-aasar nito.
Hinawakan ni Andy sa braso si Lylia at umuna rito dahil ramdam niya na may kung ano na hindi magandang mangyayari.
"Tumahimik ka na, Entice Luna. Secretary ka pero kung dumaldal ka, para kang aso na nakakulong sa dog house. Wala ka bang ibang magawa bukod sa mangialam? Bakit hindi ka na lang ngumatngat ng buto ng tahimik ha? Wala ka kasing naitutulong." halata ang pagtitimpi sa boses ni Andy.
Tumaas ang mga kilay ni Entice at nagpanggap na nagulat sa pangingialam ni Andy.
"Hala? Nagsalita ang asong kalye? Wala ka na bang mahanap na masisilungan kaya patuloy kang nakikitira sa bahay ng pinsan ko?" nangingiting tanong ni Entice na ikinatigil ni Andy.
Maging sina Lylia at Krem ay napapaisip kung ano ang itinutukoy ni Entice kaya napapalakpak ito.
"Wow, so unbelievable! Hindi naman mahilig sa aso sina Kino pero nagdagdag sila ng palamunin. Masarap ba maging katulong?" tanong ni Entice bago nagtakip ng bibig, "O, wait! Hindi ka pala katulong kasi nilalandi mo si Kino, so, you're a social climber! At totoo talaga ang mga pinakalat ko na balita na nangongolekta ka ng mga Club President, look what you've done Andy. Nasira mo na ang bawat Clubs dahil sa kalandian mo." may pagdidiin ng sabi nito para iparamdam kay Andy ang bawat lumalabas sa kaniyang bibig.
Kaagad na naitikom ni Andy ang kaniyang bibig at nakakaramdam na ng hiya habang pinapakinggan ang mga bulungan ng mga tao na nakarinig sa sinabi ni Entice.
"Hala? Nakatira pala siya sa bahay ni Kino?"
"Totoo nga siguro yung kumalat na tsismis!"
"Malandi siya at nanira pa siya ng mga clubs."
Hindi makapaniwala si Andy na hindi si Lylia ang nagpakalat ng balita, maling tao ang naakusahan niya at napaglabasan niya ng sama ng loob.
Tumango-tango si Entice bago ngumiti na parang aso.
"Pasensya na sa panandaliang panggugulo ko sa talent show niyo, enjoy cleaning!" paalam nito sa kanila bago tumalikod.
Nabitawan ni Andy ang braso ni Lylia nang tinapik siya nito kaya nilingon niya ang dalaga.
"Huwag kang iiyak, mas mapapahiya tayo kapag umiyak ka." may halong pang-aasar ngunit mas lamang ang inis na wika nito bago tumingin kay Krem, "Advance apology my dear twin, ilayo mo nga ang babaeng ito dahil hindi na ako makapagtimpi." dagdag nito.
Isang malalim na pagbuntong-hininga lang ang naisagot ni Krem bago dahan-dahang inalalayan ang nakatulalang si Andy palayo sa school ground. Ilang saglit pa ay dumagundong ang boses ni Lylia sa bawat pasilyo ng Paaralan.
"Anong sinasabi mong nabasted?! Wala ka namang ebidensya sa nangyari. Ikaw nga! Kakabasted lang sa iyo! Marami pa ang nakakita pero hindi ko pinangalandakan." buong pagmamalaki niya na kaagad na ikinahinto ni Entice at mabilis na hinarap si Lylia ngunit bago pa siya tuluyang makaharap ay sinalubong na siya ng walis-tingting na tumama ang kawayan nito sa ulo niya.
Dumapo ang kamay ni Entice sa ulo niya na naramdaman niyang may bukol bago masama ang tingin na ipinukol kay Lylia na malapad ang ibinigay sa kaniyang ngiti.
"Anong akala mo? Hindi ko napansin?" tanong ni Lylia bago may lukot na diyaryo sa bulsa at inihagis muli sa mukha ni Entice, "Jowang-jowa ka ba para patulan mo ang pinsan mo? Kawawa naman ang pamilya niyo, may kamag-anak silang makire sa murang edad palang." panlalait nito kay Entice bago itinaas ang dalawang kamay at pumorma ng dalawang letter T para mas lalong asarin ang kaharap.
Labis na nag-init ang ulo ni Entice at kaagad na pinulot ang walis na nahulog sa winalis na dahon bago mabilis na nilapitan si Lylia.
"Akala mo makakaalis ka rito nang hindi ako nakakaganti?!" galit na sigaw nito bago mabilis na hinawakan ang kawayang parte ng walis-tingting at pinaghahampas si Lylia na sinalag ng huli ngunit dahil sa lakas ng mga hampas ni Entice ay nagkakaroon ng pamumula ang bawat parte ng mga kamay at braso ni Lylia hanggang sa mapaupo siya sa bundok ng dahon na nawalis nilang dalawa ni Andy.
"You freak band vocalist! Akala mo ang ganda sa iyo ng buhok mong shinampuhan ng ube!" gigil na sigaw ni Entice habang patuloy sa paghampas kay Lylia.
Napuno ng pagkamangha, takot at tawa ang buong Paaralan na nakakapanood sa kanila. Maging mga guro ay hindi magawang pigilan ang dalawa dahil alam nilang malaking pamilya ang mga babanggain nila.
"H-humanda ka sa 'kin kapag nakatayo ako rito!" galit na sigaw ni Lylia habang sinasalag pa rin ang bawat hampas ni Entice ng walis-tingting.
Pulang-pula at may mga maliliit na sugat na ang braso ni Lylia ngunit ayaw pa rin tumigil ni Entice dahil sa galit sa mga nangyari.
'Denum rejected me infront of his classmates! Sino siya para ipahiya ako ng ganoon?!'
Namumugto na ng luha ang kaniyang mga mata ngunit galit pa rin ang nanaig sa kaniya at mad nilakasan ang bawat hampas kay Lylia.
"Iya!" may pag-aalalang sigaw ni Krem at kaagad na iniwan si Andy upang tulungan ang kapatid. Muling nanginig ang mga tuhod ni Andy pagkaalis na pagkaalis ni Krem sa kaniyang tabi na ipinagtaka niya.
Habang hinahampas ni Entice si Lylia ay biglang may pilit na humihila sa kaniya kaya naitulak niya ito at pinaghahampas ng walis. Napahiga si Krem kaya muling binalikan ni Entice ang nahihirapang bumangon na si Lylia dahil sa namamanhid nitong mga kamay. Itinaas ni Entice ang walis-tingting at handa ng ihampas muli kay Lylia.
It starts in my toes
Makes me crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
You make me smile
Please stay for a while now
Just take your time
Wherever you go
Lahat ay nagulat sa biglaang pagkanta ni Lylia, lalo na sina Andy na kaagad napansin ang lumalakas na hangin at ni Krem na huli na nang mapansin na nasira ang headphone na nakasuot sa kaniya dahil rinig na rinig niya ang mala-anghel na boses ni Lylia.
Namumutla niyang inilibot ang paningin at katulad ni Andy ay napansin rin ang lumalakas na hangin na nagpapalipad sa mga tuyong dahon at nagpapagalaw sa mga puno.
The rain is falling on my window pane But we are hiding in a safer place Under covers staying dry and warm You give me feelings that I adore
Nagngingitngit sa galit si Entice habang pinapakinggan ang boses ni Lylia, pakiramdam niya ay iniinis siya nito.
"Shut up, Weirdo!" utos nito bago muling hinampas si Lylia ngunit nahawakan na ng huli ang mga tingting bago pa dumapo sa balat na namumula.
They start in my toes
Make me crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
You make me smile
Please stay for a while now
Just take your time
Wherever you go
Nagsilayuan ang mga estudyante na nakapalibot gayundin ang mga nasa loob ng mga silid-aralan nang magsisarado ang mga pintuan at nagbukasan ang mga bintana habang nagpapatay-sindi ang mga ilaw.
Tinakpan ni Andy ang kaniyang bibig dahil sa labis na gulat sa nakikita. Si Krem naman ay natatarantang tinakpan ang tenga gamit ang nabiyak na headphone ngunit hindi na nito napigilan ang iniiwasan niyang mangyari.
"L-lylia, tumigil k-ka na, pakiusap!" natatarantang sigaw ni Krem na tila ayaw makarinig ng kung ano.
Naguguluhang nilapitan ni Andy si Krem kahit nakakaramdam na siya ng hilo. Hinawakan niya ang mukha nito at pinatingin sa kaniya.
"Kremir, tumingin ka sa mga mata ko. Anong nangyayari sa 'yo?" walang ideya na tanong ni Andy ngunit patuloy na umiling-iling si Krem habang pilit tinatakpan ang tenga.
"P-patahimikin m-mo siya, please, Andy, patahimikin mo si Iya." bakas sa mukha nito ang takot at nanginginig na mga labi na labis na ikinagulat ni Andy.
Kahit naguguluhan ay tumango si Andy bago hawakan ang buhok ni Krem.
"K-kumalma ka, kakausapin ko si Lylia. Huwag kang umiyak." pag-aalo niya rito.
Mabilis na sinipa ni Lylia si Entice sa sikmura nito kaya nakakuha siya ng tiyempo para tumayo.
But what am I gonna say
When you make me feel this way?
I just, hmm
Ngumisi si Lylia bago pinilit na palungkutin ang mukha habang magkatitigan sila ni Entice.
"Mali ka ng kinalaban, dapat noon mo pa inalam iyon bata." buong angas na sabi ni Lylia bago hinila ang mahabang buhok ni Entice at pinahiga ito.
'Mali na siraan mo at ipahiya kami ng mga kasama ko.' wika ni Lylia sa kaniyang isipan.
"Ouch! 'Yung buhok ko!!" daing nito habang nakahiga sa mga tuyong dahon at pilit binabawi ang mahabang itim na buhok na hawak ni Lylia.
"Nasira yung walis na gamit namin dahil sa pagiging pakialamera mo kaya ikaw na lang ang gagawin ko na panglinis, tutal, nangangati ka naman!" gigil na sigaw ni Lylia bago humakbang palapit sa mga paa ni Entice at buong lakas na hinila iyon gamit ang mga may sugat na kamay.
Ginawa niyang basahan slash walis ang buong katawan at ang mahabang buhok ni Entice na ikinasaya ng ibang manonood.
"Aaaaahhhh! Help me! This weirdo is pestering me! Help! Help! Send Help!!!" buong lakas niyang sigaw habang pinipilit na sipain ang mga braso ni Lylia.
Biglang pumasok sa isip ni Andy ang nasabi ni Krem patungkol sa karamdaman niya kapag wala siyang headphone.
Tumayo si Andy at handang na pigilan si Lylia na masayang hinihila ang mga paa ni Entice sa buong school ground. Huminga siya nang malalim bago pinakiramdaman ang paghinto ng malalakas na hangin at paggalaw ng mga pinto at bintana, maging mga ilaw dahil sa paghinto ni Lylia sa pagkanta.
"Okay, mukhang wala ng kaluluwa. Sana walang kaluluwa," tila kinakabahang sabi ni Andy sa kaniyang sarili bago tumakbo palapit kay Lylia.
Ngunit bago pa siya makalapit ay kaagad na bumagsak padapa sa mga nagkalat na dahon ang katawan ni Andy. Hindi niya iyon napansin at mabilis na lumapit kay Lylia.
"Lylia, tumigil ka na dahil mukhang inaatake si Krem ng sakit niya." may pag-aalalang sabi niya rito ngunit tila wala itong naririnig kaya humarang siya sa daraanan nito habang hinihila si Lylia.
"Ano ba, Lylia?! Tumigil ka na!!" buonf lakad niyang sigaw at biglang pumikit nang makita na babanggain na siya nito.
Kaagad na dumilat si Andy nang makalagpas sa kaniya sina Entice at Lylia. Namimilog ang mga mata at bibig niya nang mapagtanto na wala siya sa sariling katawan.
"A-andy!"
Tumingin siya sa lalakeng boses na nagmamadaling lumapit sa walang-malay niyang katawan.
Si Denum.
"Lylia Amediya Regino!"
Tininginan ni Andy kung kanino galing ang boses na iyon na puno ng galit.
Nahinto si Lylia sa paghila kay Entice nang marinig ang boses ni Kino na nagmamadaling lumapit sa rito.
"Aray!"
"Tulong!"
"Sino yung bumangga sa atin?"
Naniningkit ang mga mata ni Andy na tiningnan ang mga kaluluwa na nahihirapan na makatayo habang nakahiga at nakapalibot kay Krem na nakaluhod at pilit tinatakpan ang mga tenga.
"Hoy! Bakit niyo pinapalibutan si Krem?!" galit na tanong niya sa mga ito at palapit na nang mabilis na nagsiwalaan ang mga kaluluwa.
Habang hinahabol ni Andy ang paghinga niya ay umupo siya sa tabi ni Krem at itinukod ang mga kamay sa lupa.
"Salamat, tapos na rin." habol-hiningang sabi ni Andy sa sarili dahil alam niyang walang makakarinig sa kaniya.
"Wala na ba sila? Wala ng mga ingay?"
Pinilit na matawa ni Andy bago binalingan si Krem.
"Wala na." paniniguro niya rito.
Ilang segundo pa ay inayos ni Krem ang pagsalampak sa lupa at inilibot ang paningin. Kumunot ang noo nito bago tumingin sa direksyon ni Andy.
Kahit hindi magsalita ay puno ng tanong ang mga tingin ni Krem na naunawaan ni Andy. Muling namilog ang mga mata ng huli bago umiling.
"S-so, naririnig mo ako?" gulat na tanong ni Andy sa katitigan na si Krem.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top