CHAPTER 32
Chapter 32: Revenge
"Siya ba iyon? Seryoso ba kayo na ganiyan ang tipo ni Denum? Ni hindi marunong magsuklay ng buhok."
"Sumisikat kasi siya dahil siya ang bagong bokalista ng Maze, siya rin siguro ang nagpakalat na pinatulan siya ni Denum Gozo."
"Sa bagay, ngayong wala na si Denum sa mataas na posisyon. Kailangan niya ng tao na mag-aangat sa kan'ya. Kawawa namang babae, ginagamit lang."
Sa lahat ng narinig ni Andy na usapan patungkol sa kumakalat na relasyon nila ni Denum ay ito ang nagpahinto sa kan'ya. Ang salitang ginagamit.
Mabilis pa sa alas-kwatro na nilapitan ni Andy ang grupo ng mga kababaihan at kinilala ang mga mukha nito. Kitang-kita ang gulat ng mga babae sa pagkilos ni Andy.
Isang tipid na ngiti ang isinukli niya sa mga ito.
"Siguraduhin niyong hindi kayo pupunta sa Girl's comfort room mamaya, may multo akong nakita kanina." pananakot niya na tinawanan lang ng mga babae.
"Sira ba ang ulo mo? Tingin mo ay matatakot mo kami sa mga kabaliwan mula sa Club niyo, hindi eepekto sa amin iyan!" matapang na sagot ng isa sa tatlong babae na mas ikinalawak ng ngiti ni Andy.
"Tingnan natin.." makahulugang sabi niya bago tinalikuran ang mga babae na naguguluhan sa sinabi niya. Mabilis na sumimangot si Andy.
Sakto naman na nakasalubong ni Andy si Krem na papunta na rin sa klase nito matapos ang practice ng banda para sa gaganapin na Gig mamayang gabi.
Isang malawak na ngiti ang isinalubong ni Krem sa nakasimangot na si Andy.
"What's with that look?" nag-uusisang tanong ni Krem bago tiningnan ang maayos na lakad ni Andy, "Sumasakit pa ba ang paa mo?"
Umiling si Andy bago bumuntong-hininga.
"May kumakalat kasi na karelasyon ko raw si Denum Gozo.."
Natigilan si Krem sa paglalakad at biglaang humarap sa dalaga na ikinagulat ni Andy.
"Bakit?" medyo naiilang na tanong ni Andy sa kaharap.
Nagdadalawang-isip na sumagot si Krem, "Nakalimutan ko na sabihin ang nag-iisang rule ng banda natin."
Tumaas ang isang kilay ni Andy, "And what was that?"
Pinilit na ngumiti ni Krem bago sumagot, "Our group is prohibited to have a romantic relationship inside the School because it will affect our band." nagkakamot sa batok si Krem, "And that was the reason why Lylia left her position as a Lead vocalist." dagdag ni Krem na medyo ikinagulat ni Andy at may pumasok na ideya sa kan'ya.
'Kaya pala umamin kaagad siya kay Kino at ginusto na manligaw, malakas naman pala si Lylia.'
Hindi mapigilan na matawa ni Andy dahil hindi niya maisip ang sarili niya na isusuko ang isang bagay para sa pag-ibig. Iisipin niya palang, kinikilabutan na siya.
"Do you think that's a joke?" seryosong tono ng boses ni Krem ang nagpatigil kay Andy.
"Monggii, hindi. Ah, may naisip lang ako," mabilis niyang paglilinaw dahil medyo natakot siya sa biglaang pagiging seryoso ng binata, "Don't worry, pinagtripan lang naman ako ni Denum pero wala akong plano na labagin ang sinabi mo, I'm not into love." pagkaklaro niya sa binata.
Biglang lumiwanag muli ang mukha ni Krem at muling nasilayan ang maganda niyang ngiti.
"If that's the case, we need to clear things out. You need to announce that nothing is going on between the two of you before it reach the Club Org." paliwanag ni Krem na ikinamilog ng mga mata ni Andy.
"Hala? Paano naman iyang 'Clear things out' mo?" walang ideya na tanong ng dalaga.
May nakakalokong ngiti na sumilay sa mukha ni Krem bago hinila si Andy sa kung saan.
"Hala, malapit na magsimula ang klase natin!" pilit na sabi ni Andy ngunit nakarating na sila sa isang kwarto nuong lingunin siya ni Krem.
"We can deal with your question." pagkasabi ni Krem ay mabilis niyang hinila si Andy papasok sa 'Journalism Club'.
Bumungad sa kanila ang tatlong babae na maraming hawak na mga papel at abala sa pagtitipa sa laptop.
"Hi?" panimula ni Andy nang siya ang paunahin ni Krem sa paglapit sa mga babae.
Nagkatinginan ang tatlo bago sumeryoso ang mukha at dahan-dahang may kinuha sa kani-kanilang mesa. Nakaramdam ng kaba si Andy dahil matalim na tingin ng mga ito.
"KYAAAAAAHHHH!!"
"AHHHHHHHH!" gulat na gulat na sigaw ni Andy.
Ginulat siya ng mga tilian habang may mga yabag na palapit sa kan'ya. Napaatras si Andy at mabilis na bumitaw si Krem sa kamay nito para maalalayan ang magkabilang balikat ng dalaga habang nakatalikod ito sa kan'ya. Dahil sa nangyari ay tila huminto ang oras ni Andy at parang slow motion ang lahat lalo na ang mga nagsisilapitan na tatlong babae habang may hawak na mga larawan ni Krem.
Ilang segundo rin iyon bago magising ang kan'yang diwa dahil sa boses ng isang lalake.
"Watch your steps, I'm not always around to catch you when you fall." mahinang bulong ni Krem kaya ramdam ni Andy ang pamumula.
Biglang sumagi sa isipan niya ang unang pagkikita nila ni Krem kung saan tinulungan siya nitong makuha ang nahulog niyang saklay.
Ngunit mabilis niyang ipinilig ang ulo nang mapagtanto na nakatitig sa kan'ya ang tatlong babae matapos pirmahan ni Krem ang mga larawan.
"Guys, we are here to ask for your help." panimula ni Krem, "We need to clarify some things and I know that you can help us, please," muling inilabas ni Krem ang mala-anghel niyang pagngiti.
Kitang-kita naman sa mga babae na nadala ang mga ito sa pagngiti ni Krem kaya kaagad itong tumango bilang pagsang-ayon. Tiningnan ni Krem ang tahimik na si Andy.
"Give them your thoughts about the issue. I'm sure na makakatulong iyon para mawala ang paninira sa iyo." bilin ni Krem bago pinaubaya si Andy sa tatlong babae.
Matapos ang ilang katanungan ay umalis na rin sila sa Journalism Club. Ramdam pa rin ni Andy ang pamumula ng mga pisnge niya kaya pinanatili niyang hindi matingnan ang kasama.
"O, saan kayo galing? Kanina pa nagsimula ang klase ng Third year." puno ng pag-uusisa na tanong ni Kino habang kasama si Lylia at kakalabas lang nila ng Paranormal Clubroom.
Kaagad na tinapunan nina Andy at Lylia nang tinginan ang isa't-isa, pareho silang nagkunotan ng mga noo.
"What are you doing here?" -Andy
"Bakit magkasama kayo?" -Lylia
Halos magkasabay sila ng tanong kaya mas uminit sa pagitan nilang dalawa. Pilit na ngumiti si Andy.
"Ako ang nauna, ikaw ang sumagot." tugon niya kay Lylia.
Isang ngisi ang isinagot ni Lylia, "Bakit? Laro ba 'to? May batas ba na kapag nauna ka, ako na ang sasagot." pamimilosopo ni Lylia habang binubuksan ang isang violet lollipop at mabilis na isinubo sa kan'yang bibig.
Nagpilantik ng dila si Andy bago tumango.
"Okay, ayaw mo sumagot. Edi huwag, babalik na lang ako kapag nahanap ko na ang pake ko." tanging nasabi ni Andy bago nilingon si Kino at inilingan ito.
Nagpantay ang kilay ni Kino at walang ideya sa ginawa ni Andy. Susundan sana ni Krem si Andy ngunit hinila ni Lylia ang kuwelyo sa likurang bahagi nito.
"Where do you think are you going? Buntot ka ba ng babaeng iyon?" iritableng tanong ni Lylia.
Sumeryoso ang mukha ni Krem bago tiningnan si Kino at ibinalik ang tingin kay Lylia, "Papasok na ako dahil late na ako, hindi ako katulad mo na abala pa sa pamimilit." halata sa tono ni Krem ang inis sa kakambal kaya walang nagawa si Lylia nuong hilahin ni Krem ang kuwelyo nito mula sa kamay niya.
"That stubborn kid, gusto niya talaga na makakatikim e." puno ng pagkairita na sabi ni Lylia.
Nagpipigil ng tawa si Kino, "Stubborn kid? Tingin ko mas babagay sa iyo ang mga katagang iyon." sabad niya, "Tsaka bakit mo ba palaging pinag-iinitan si Andy?"
Nagpantay ang mga kilay ni Lylia bago nginisian si Kino, "Kasi nagseselos ako, naiirita ako kapag nakikita ko kayo na komportable sa isa't-isa samantalang ako, ni hindi mo matingnan nang matagal." diretsahang sagot ni Lylia.
Umiwas nang tingin si Kino bago pilit na ngumiti, "Hindi ba doon tayo magde-date sa Bar kung saan magpe-perform sila Andy?"
Mabilis na tumango si Lylia.
"Fine, sasama na ako para hindi mo na ako sundan at pilitin. But promise me one thing," pahabol ni Kino.
"About what?"
"Huwag mo na pagselosan si Andy dahil wala naman namamagitan sa aming dalawa," hiling ni Kino.
Hindi mapigilang mapangiti ni Lylia.
"And also, there's nothing special between us kaya wala kang karapatan na awayin ang kaibigan ko." dagdag nito na ikinasimangot ni Lylia.
Dumating ang Breaktime kung saan may narinig na sigawan at tilian sa Palikuran ng mga babae.
"May multooooo!"
"HUHUHUHU! AHHHHHH! MAY GHOST SA LOOB!"
"Tulungan niyo kami! May nananakot na multo sa loob!"
Humihingi ng tulong ang mga babae habang naluluha at nagsisigapangan palabas ng Girl's Comfort Room. Bakas sa kanila ang takot at pagmamadali kaya pare-pareho silang basa ng tubig at ang isa ay nakababa pa ang palda na halos madapa pa dahil sa pagmamadali. Mabilis silang sinaklolohan ng mga guro na malapit sa pinangyarihan ng eksena.
Marami ang nakasaksi kaya kinuhaan sila ng video at mga larawan. Kaagad naman na pinatawag si Kino na siyang President ng Paranormal Club para maipaliwanag kung ano ang nangyari.
"Mr. De Vera, maari mo bang tingnan kung ano ang meron sa loob? Wala kasing makakapagpahinto sa mga ito kung hindi nila mapapatunayan ang nakita nila." pakiusap ng isa sa mga guro habang inaalo ang isa sa mga estudyante na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Dahil sa awa ay hindi na nagdalawang-isip na pumasok si Kino sa palikuran ng mga babae kung saan tahimik at walang tao. Tanging malusak na sahig dahil sa mga malalakas na bukas ng mga gripo sa lababo ang mapapansing kakaiba.
May naramdaman siyang nanakbo ngunit wala na siyang naabutan nang lingunin niya ito. Mariing umiling si Kino.
"Nako, kung nandito lang si Andy, hindi ako mahihirapan na mahanap 'yung kaluluwa." mahinang sabi niya sa kan'yang sarili dahil magaling magtago ang kaluluwa na hinahanap niya.
Humakbang siya palapit sa mga gripo at pinagpapatay iyon. Pagkatapos ay muli siyang humakbang palapit sa mga cubicle at isa-isang tiningnan iyon. Nang makarating siya sa huling cubicle, may nakita siyang paa kaya mabilis niyang binuksan iyon ngunit muling nawala ang laman ng cubicle.
Mariing napapikit si Kino at hinubad ang kan'yang sombrero bago sinuklay ang buhok. Pinipilit niya na hindi mainis ngunit naramdaman niya na may nakatayo sa likuran niya kaya mabilis niya itong nilingon.
Mabilis na umakyat ang dugo sa mukha niya nang salubungin siya ni Andy na nakangiwi at may sinasabi. Kahit hindi niya marinig ang sinasabi ng dalaga ay napagtanto ni Kino na si Andy ang responsable sa mga nangyari. Huminga nang malalim si Kino bago seryoso na tinitigan si Andy.
"Mag-uusap tayo kapag nagising ka, nasaan ang katawan mo?" may tono ng inis sa boses ni Kino.
Parang bata na sumunod si Andy.
Breaktime—
Pagkalabas na pagkalabas ni Andy ay kaagad siyang humanap ng pinakanakakatakot na building sa Paaralan nila. Hindi siya nagkamali at may multo sa isa sa mga kwarto kaya mabilis siyang naging kaluluwa. Nanakbo si Andy at tumagos sa mga pader para mabilis na marating ang Comfort room sa mga babae.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig siyang mga pumasok sa kwarto. Napuno ng ingay at tawanan ang Comfort room. Ang mga babae ay abala sa pagme-make up at ang isa ay dumiretso sa Comfort room.
"Naalala niyo ba 'yung sinabi nung weird na malanding bokalista ng Maze," seryosong sabi ng isa sa mga babae, "May nagpapakita raw na multo kaya mag-ingat tayo. Awooo~" biro nito kaya natawa pa ang dalawang kasama.
Napangisi si Andy.
"Tingnan lang natin kung makaganiyan pa kayo kapag naihi na kayo sa takot." napapatangong sabi ni Andy.
Lumapit si Andy sa switch bago pinatay-sindi ang mga ilaw. Kaagad na tumigil ang mga babae sa kani-kaniyang ginagawa.
"Oy, mga babae? Huwag niyo nga ako takutin, alam niyo ng umiihi ako." medyo kinakabahan na sabi ng babae na nasa loob ng cubicle.
"Sira ka! Hindi kami iyon, baka hindi na naman nagbayad ng kuryente ang School." tugon ng isa sa mga babaeng abala sa nagme-make up.
Nagpipigil nang tawa si Andy bago lumapit sa lababo at binuksa ang tatlong gripo. Natigilan ang dalawang babae at nagkatinginan.
"Girls? Bakit natahimik kayo? Bumalik na 'yung ilaw!" sigaw ng babae na nasa cubicle bago inayos ang sarili at akmang itataas na ang palda ngunit kaagad iyong tinapakan ni Andy.
Nanlaki ang mga mata ng babae at pilit hinahanap ang mga salita habang hinihila ang palda na wala namang dumadagan.
"Girls? T-tulungan niyo nga ako," nanginginig na sabi ng babae.
Kaagad na kumilos ang dalawa at binuksan ang pinto ngunit kahit tatlo na sila ay hindi nila maalis ang palda sa paa ni Andy.
"Hala! Anong nangyayari! Humingi tayo ng tulong!" natatarantang sabi ng babaeng inaapakan ni Andy ang palda.
Kaagad na umatras ang isang babae at tumakbo papunta sa pinto ngunit bago niya pihitin iyon ay inunahan na siya ni Andy at hinawakan nang mahigpit ang doorknob.
"Argh! Ayaw bumukas ng pinto! Baka may nangtri-trip sa atin!" nahihirapang sabi ng babae habang patuloy sa pagpihit ng pinto.
Ilang segundo lang ay sumuko na siya at napapaupo sa sahig. Mas lumawak ang ngiti ni Andy muling pinaglaruan ang switch ng ilaw, pumunta siya sa mga gripo at pinagbabasa ang mga babae.
"AHHHHHHHHH!" sabay-sabay na tilian ng tatlo habang umiiwas sa pambabasa ni Andy.
Kumuha si Andy ng sabon at hinayaang mas matakot ang mga babae sa nakikita. Pagkatapos ay isinahod niya iyon sa gripo para bumula ang mga tubig na nasa sahig. Mas kinilabutan ang mga babae at hindi na napigilan na magsitakbuhan ngunit pare-pareho silang nadapa sa sahig dahil sa mabulang tubig na kumakalat.
"HAHAHAHAHAHAHA!" hindi mapigilan ni Andy ang sarili habang tinitingnan ang mga babae na umiiyak at pilit na bumabangon.
Dahil sa kaonting awa niya ay siya na mismo ang bumukas ng pinto para padaanin ang mga gumagapang na mga babae habang sumisigaw.
"May multooooo!"
"HUHUHUHU! AHHHHHH! MAY GHOST SA LOOB!"
"Tulungan niyo kami! May nananakot na multo sa loob!"
"Thank you for coming! Sana magtanda na kayo, huwag niyo pag-uusapan ang ibang tao." may yabang na sabi ni Andy bago isinara ang pinto.
Paalis na dapat siya ngunit naalarma siya nang marinig ang boses ng mga guro na kinakausap si Kino. Ilang segundo lang ay narinig niya na bumukas ang pinto kaya kaagad siyang nagtago sa pinakadulong cubicle.
"Hala? Bakit nandito siya? Wala ito sa plano ko." natatarantang wika ni Andy habang napapakamot ng ulo.
"Nako, kung nandito lang si Andy, hindi ako mahihirapan na mahanap 'yung kaluluwa."
Napangiwi si Andy nang marinig niya ang sinabi ni Kino.
"Monggii, ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang narito ako?" tanong ni Andy sa sarili.
Biglang huminto ang tunog ng mga tubig mula sa gripo at narinig ni Andy ang mabilis na pagbukas ni Kino ng mga cubicle hanggang sa makarating kung nasaan siya. Nakita niya ang repleksyon nito sa tubig na nakatingin sa mga paa niya kaya mabilis siyang nanakbo para tumagos sa pader palabas ng Comfort room upang hindi siya makita nito.
"Ang yabang mo ha!" rinig ni Andy na sigaw ng lalake kaya mabilis niya itong tiningnan.
Laking gulat niya nang makita si Denum na siyang sinisigawan ng isang matabang lalake.
"Ikaw nga mataba, isinigaw ko ba?" puno ng panlalait na komento ni Denum kaya mas nagalit ang matabang lalake at buong lakas na tinulak si Denum papunta sa lugar ni Andy.
"Monggii," natatarantang sabi ni Andy.
Dahil sa lakas ng tulak ay bumalibag si Denum sa pader habang si Andy na nasa likuran niya ay kaagad na dumiretso pabalik sa Comfort room. Sakto naman na napunta siya sa harapan ni Kino kaya napangiwi siya.
"Monggii, ang malas ko talaga kapag nakapaligid sa akin si Denum. Bwiset siya.." wika ni Andy bago sinalubong ang seryosong mukha ni Kino.
Huminga nang malalim si Kino bago seryosong tumingin kay Andy.
"Mag-uusap tayo kapag nagising ka, nasaan ang katawan mo?" may tono ng inis sa boses ni Kino.
Walang nagawa si Andy kun'di tumahimik at sumunod na parang bata.
"Hind tama ang ginawa mo, Andrea Firey." seryosong wika ni Kino bago sulyapan ang nakapikit na si Andy, "Bumangon ka na nga, alam ko na gising ka na."
Tamad na dumilat si Andy bago bumangon.
"Intindihin mo naman ako, Kino Lorenzo. Hindi ko na kasi kinaya ang mga sinabi nila kaya nakagawa ako nang hindi inaasahang bagay. Hayaan huli na iyon," nakangusong sabi ni Andy bago nakafinger cross sa kanang kamay na hindi nakikita ni Kino.
Kunot-noo na nakamasid si Kino sa paligid na tila walang balak pansinin ang sinasabi ni Andy. Bumangon si Andy sa pagkakahiga sa sahig bago pinagpag ang sarili.
"Hoy Kino, pakinggan mo naman ako." pakiusap ni Andy.
Ngunit hindi pa rin lumilingon si Kino kaya pinilit na ngumiti ni Andy.
"Kumag.."
Mabilis pa sa kidlat na lumingon si Kino sa dalaga. Doon lang muling nagtama ang mga mata nila.
Ilang minuto silang magkatitigan bago pinutol ni Kino ang katahimikan.
"May date kami mamaya ni Lylia." wika ni Kino.
Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bago tumango.
"Congrats,"
"Hindi pa rin tayo ayos, kakausapin pa kita sa susunod na libre nating oras." diretsahang sabi nito bago tumingin sa labas, "Pumasok ka na sa klase mo, nag-cutting classes ka na." komento ni Kino.
Tumango si Andy bago pinanood kung paano umalis si Kino at hindi siya hinintay.
"Monggii, parang babaeng nagtatampo. Hindi naman bagay." bulong ni Andy sa sarili bago tamad na tinungo ang sariling kwarto.
Pauwi na si Denum, naglalakad ito habang inuunat ang likurang bahagi ng katawan.
"Lintek na iyan, bakit parang may nabunggo akong ibang bagay bago tumama sa pader? Ugh, parang may nabaling buto ko, aray!" daing ni Denum habang inaalala ang pakikipagsagutan sa matabang kaklase niya.
——breaktime
"Balita ko, pinatulan mo 'yung himatayin sa last section. Congrats naman, hindi ka naman pala bakla," walang tigil na wika ng matabang kaklase ni Denum.
Hindi niya ito pinansin at didiretso na sa upuan ngunit may pahabol ang matabang kaklase niya.
"Ano? Masarap ba? Ibigay mo sa akin kapag tapos ka na, tumatanggap naman ako ng tira-tira."
Nahinto si Denum sa paglakad at pinilit na matawa na ikinagulat ng mga nakapaligid sa kanila.
"Sa bagay, baboy ka kaya hindi nakapagtatakang mahilig ka sa tira-tira," hinarap ni Denum ang matabang kaklase, "Pero tingin ko, kahit basura ay hindi magpapakain sa iyo. Mas bulok pa ang ugali mo kaysa sa mga kaning baboy na kinakain mo. Wala na sigurong mapakain ang mga magulang mo kaya umaasa ka sa tira-tira."
Nagsitawanan ang mga estudyante sa loob ng silid nila kaya nagmukhang letchon sa galit ang matabang lalake.
"Ang yabang mo ha!" bulong lakas na sigaw ng matabang lalake.
Ngumisi si Denum, "Ikaw nga mataba, isinigaw ko ba?"
Dahil sa matinding asar ay buong lakas na itinulak si Denum ng matabang lalake. Hindi inaasahan ni Denum ang pagtulak sa kan'ya kaya nagpadala siya sa puwersa ngunit bago pa niya maramdaman ang pader ay may naramdaman siyang bagay na tumama sa magkabilang braso at likod niya. Hindi na niya natingnan kung ano iyon dahil nakaramdam siya ng matinding sakit mula sa likurang bumalibag sa pader.
Natahimik ang buong klase.
"Ano? Mahina ka naman pala, bakla! Payatot na nga, bakla pa. Ibigay mo na lang ang girlfriend mo nang matikman ko na." nang-aasar na wika ng matabang lalake.
Dahil sa pagkairita ay mabilis na nilapitan ni Denum ang lalake at tinulak ito nang hindi gaanong kalakasan ngunit natigilan ang lahat nuong halos lumipad ang matabang lalake papunta sa pinakaunahang bahagi ng silid-aralan.
Maging si Denum ay nagulat at hindi makapaniwalang tinitigan ang mga kamay bago mabilis na kinuha ang bag at hindi na pumasok sa mga sumunod na klase.
Naguguluhang tinitigan ni Denum ang mga kamay bago itinuon ang atensyon sa tapat ng Bar kung saan siya nakatira at nagtratrabaho. Tumaas ang isang kilay niya nang makilala niya ang mga nasa larawan kung sino ang magpe-perform ngayong gabi.
'Makikita ko na naman ang siraulong babaeng iyon.' napapailing na lang siya sa pumasok sa isip niya.
————End of Chapter 32—————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top