CHAPTER 31
Special mention kay Kaize Astro, salamat sa pagbabasa. Ito na chapter 31 mo, jk.
CHAPTER 31: DREAM
"Bakit nawala ka kanina?" puno nang kuryosidad na tanong ni Andy habang sabay silang naglalakad pauwi ni Kino.
Hindi ito nagsasalita simula nang makita niya ito na hinihintay siya sa labas ng gate kaya nabahala si Andy sa kaibigan.
"Hindi lang ako makapaniwala," seryosong wika ni Kino bago huminto at humarap sa dalaga.
Kunot ang noo na sinabayan ni Andy ang tingin ni Kino.
"Makapaniwala saan?" tanong ni Andy.
Napaisip si Kino bago nagkibit-balikat.
"Na ang gwapo ko talaga, biruin mo 'yon? Umamin sa akin si Lylia na may gusto siya sa akin." pagmamayabang nito.
Namilog ang mga mata ni Andy bago napapadyak.
"Mongggiii! Sabi ko sa iyo e. Pero bakit ang tahimik mo?"
Nawala ang pagmamayabang sa mukha ng binata at nabalot ng pagkalito.
"Kasi gusto niya raw akong ligawan."
Nahinto si Andy dahil sa kan'yang narinig at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaharap. Pinilit niyang matawa sa pag-aakalang nagbibiro lang si Kino ngunit napawi iyon nang mapagtanto niya na hindi siya binibiro ng kaibigan.
"Ay, seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy na tinanguan ni Kino bilang sagot.
Kaagad na umiwas nang tingin si Andy bago nagsimulang maglakad at hindi na pinansin ang kasama. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng demonyi— ni Lylia.
Napangiwi si Kino at mabilis na sinundan si Andy kahit naguguluhan siya sa reaksyon ng dalaga.
Hindi na sila nagkibuan hanggang sa makarating sa bahay.
"Mabuti naman at nakarating na kayong dalawa, nakahanda na ang pagkain kaya magbihis na ako para makakain na." bungad ng matandang mayordoma.
Nagkatinginan sina Andy at Kino bago sabay na lumakad paakyat sa hagdanan. Nang makarating sa ikalawang palapag ay hindi sila nag-abala na balingan ang isa't-isa, sa halip ay dumiretso na sa kani-kaniyang silid.
Pagkatapos magbihis ay sabay na bumukas ang mga pinto ng dalawa. Nagkatinginan sila bago sabay lumabas sa kani-kaniyang silid at bumaba sa hagdan.
Naguguluhang nakatitig sa kanila ang matandang mayordoma habang pinapanood ang kilos nila.
Tahimik silang kumain ngunit hindi dumiretso si Andy sa kwarto. Mas pinili niyang lumabas upang magpahangin. Tahimik niyang binabagtas ang medyo madilim na kalsada nang maramdaman niya ang kung sino na sumusunod sa kan'ya kasabay nito ay ang malakas na hangin kaya mabilis niya iyong nilingon.
Tumaas ang isang kilay niya nang wala siyang maabutan na kahit sino. Napailing si Andy.
"Guni-guni ko lang," pagpapakalma niya sa sarili bago muling lumakad.
Habang binabagtas ang isang eskinita ay may mabilis na anino ang dumaan sa kan'yang likuran. Huminto sa paglakad si Andy at pinilit na pakalmahin ang sarili dahil nagsisimula na siyang kabahan.
"Andy, kumalma ka.. Wala nang mas nakakatakot pa kaysa maging kaluluwa kahit hindi pa patay." biro niya sa sarili bago marahang inihakbang ang mga paa at pinakikiramdaman ang paligid.
Wala namang naging aberya hanggang sa makalabas siya at mapunta sa medyo mataong kalsada. Nawala ang kabang nararamdaman ni Andy at komportableng lumakad ngunit nahinto siya sa harapan ng isang bahay kung saan maraming tao.
May mga nagsusugal sa gilid ng nakabukas na gate at may tarpaulin na nakasabit. Nahinto siya sa nabasang pangalan at saka patakbong pinasok ang bahay.
Dito niya lang napagtanto kung kanino ito. Ang bahay ng mga magulang niya na tinitirhan ng tiyahin niya. Dahil sa pagkabahala ay mabilis niyang tinungo ang loob ng bahay. Sinalubong siya ng dalawang itim na kabaong. Mas kinabahan siya nang silipin niya iyon. Naestatwa siya sa kinatatayuan at naluluhang tiningnan ang mga tao sa loob ng mga kabaong bago umiling.
"P-paanong—"
Natigil sa pagsasalita si Andy nuong lumakas ang hangin kasabay ng pagkawala nung mga tao sa labas at pagpatay sindi ng ilaw.
Nanlamig siya sa kinatatayuan habang tinitingnan ang mga kabaong na nawalan ng laman. Dalawang tao ang sumulpot sa kan'yang harapan kaya siya napaatras dahil sa takot.
"M-Mama, p-papa," naluluha at kinakabahang tawag niya sa mga magulang.
Malungkot ang mga mukha nito at pinipilit siyang hawakan ngunit kaluluwa ang mga ito. Naguguluhan na tumingin si Andy sa kanyang katawan. Nagtataka kung bakit hindi humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa sariling katawan.
"B-bakit ganito? Gusto kong makasama sila Mama at Papa?" lumuluhang tanong niya habang natataranta at pilit na hinawakan ang kamay ng mga magulang ngunit tumatagos lang ang mga kamay niya sa mga ito.
Umiling siya, "H-hindi, hindi pwede 'to!" naiinis na sabi ni Andy sa kanyang sarili.
Biglang nagsalita ang kanyang mga magulang.
"Tumakas ka na, Anak. Mahahanap ka na niya, makukuha ka niya kung 'di ka tatakbo." wika ng kanyang ama.
Naguguluhan siyang umiling at pinahid ang mga luha.
"H-hindi ko kayo maintindihan, Papa. Ayokong iwan kayo," wika ni Andy.
"Anak, makinig ka Papa mo. Mahahanap ka niya, makukuha ka niya kung hindi ka pa tatakbo." wika ng kanyang ina.
Isang malakas na puwersa ang nagpatalsik kay Andy na dahilan kung bakit siya napaupo sa sahig. Isang nakaitim na babae ang sumulpot sa harapan niya at malademonyong ngumiti.
"Sa akin na muna ang mga magulang mo habang hindi pa ako nakakalabas," huling sinabi ng babae bago umatras at nawala na parang bula kasabay ang mga kaluluwa ng mga magulang niya.
Napapailing si Andy habang pilit na tumatayo.
"H-hindi, Mama! Papa!"
Napabalikwas siya nang upo habang hinahabol ang paghinga. Kasabay ng pagbangon niya ay ang pagbukas ng pinto at ang nagmamadaling si Kino.
"Andy," nag-aalalang tawag nito sa kanyang pangalan bago umupo sa gilid niya, "Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" tanong nito bago pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ng dalaga.
Imbes na sumagot ay muling humikbi si Andy kasabay ng pagyakap niya nang mahigpit sa binata. Hindi na umimik si Kino kahit medyo nabigla sa ginawa ng kaibigan. Ginantihan niya ang pagyakap ni Andy kasabay ng pagtapik sa balikat nito.
Tinimplahan ni Kino ng mainit na kape ang tahimik na si Andy habang nasa garden sila at nakaupo sa damuhan. Madaling araw na ngunit hindi na nakaramdam ng antok ang dalawa kaya naisipan nilang lumabas.
Tinanggap ni Andy ang kape bago sumimsim at pilit inaalala ang itsura ng babae na nakita niya sa kanyang panaginip.
'Bakit parang nakaharap lang kami sa salamin? Bakit kamukha ko siya? Bakit pati sa panaginip ko ay nakikita ko siya? Totoo ba ang mga nakita ko?'
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Andy kaya labis na nabahala si Kino para sa kaibigan. Dama niya ang bigat nang nararamdaman nito ngunit hindi siya makapagtanong dahil gusto niyang ito na mismo ang magsabi. Ayaw niyang magmukhang nangingielam sa pansariling buhay ng dalaga.
'We have different lives, sometimes, it is better to face our problems in our own. If we need a help, that is the time we will call a friend." tanging naisip ni Kino habang pinagmamasdan ang kaibigan.
"Kung kailangan mo ng tulong, palagi lang akong nandito." biglang nasabi niya na bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
Nahinto si Andy sa pag-iisip at nilingon ang binata. Kasabay nito ang hindi niya napigilang ngiti.
"Alam ko, ikaw pa ba? Hindi mo ako pinabayaan." naniniwalang sabi ni Andy bago ibinaba ang hawak na kape at mas dumikit kay Kino.
Sa isang iglap ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ng binata. Naramdaman niya ang antok kaya ipinikit niya ang mga mata bago nagpadala sa nararamdaman.
Lihim na napangiti si Kino at inayos ang pagkakaupo para makasandal nang maayos si Andy. Hindi na siya nakatulog dahil mas minabuti niya na bantayan sa pagtulog ang dalaga.
"Good morning,"
Malawak na ngiti ni Kino ang sumalubong sa pagmulat ng mga mata ni Andy. Humikab siya at papikit-pikit habang bumabangon mula sa pagkakahiga sa balikat ng binata.
"Good morning," bati niya habang kinukusot ang mga mata, "Anong oras na?"
"Ala-syete na."
Nahinto sa ginagawa si Andy at hindi makapaniwalang tiningnan ang sinag ng araw na dumadampi sa balat niya. Itinaas niya ang isang kamay at hinaharangan ang mukha bago naniningkit ang mga mata na binalingan si Kino.
"Umaga na pala, bakit hindi mo ako ginising? Maghahanda pa tayo para sa pagpasok mamayang alas-nuwebe." naguguluhang tanong niya sa binata.
"Paano kita gigisingin, mukhang masarap ang tulog mo dahil sa tulo ng laway mo. Alam kong mapapahiya ka lang kaya hinayaan kong matuyo." natatawang paliwanag ni Kino.
Sumama ang tingin ni Andy bago mabilis na pinunasan ang bibig gamit ang damit na mas ikinatawa ni Kino.
"HAHAHAHA! Niloloko lang kita, hindi ka naman mabiro." siniko ni Kino ang nakasimangot na si Andy, "Siguro palagi talagang tumutulo ang laway mo sa unan kaya hindi mo na naitanggi, eww." may pandidiring asar niya kay Andy.
Mas nainis si Andy at sinuntok ang braso ni Kino.
"Alam mo, kahit mag-amuyan pa tayo ng unan. Mas mabango ang unan ko sa iyo, ikaw nga ang palagi ko'ng nakikita na tumutulo ang laway habang natutulog. Mabuti na lang at hindi kita katabi, kadiri!" nanginginig na kwento ni Andy.
Napangiwi si Kino bago nagpantay ang kilay.
"Nako, hindi lang laway ko ang makikita mong basa kapag nagkataon."
Natigilan si Andy bago nanlaki ang mata at paulit-ulit na sinuntok si Kino.
"Yuck! Ang baboy mo, manyak!" singhal ng dalaga.
Naningkit ang mga mata ni Kino bago naintindihan ang sinasabi ni Andy at napatakip sa sariling bibig.
"Hala ka, Komasan! Ang berde ng utak mo, naiihi kasi ako kapag tinatamad ako tumayo. Anong manyak ka riyan?" nakakalokong tanong ni Kino.
Natigilan si Andy at mas nandiri sa sinabi ng binata.
"Yuck?! Sixteen years old ka na, umiihi ka pa sa kama!" hindi makapaniwalang sabi ni Andy.
Natatawang umiling si Kino, "T*nga! Binibiro lang kita."
Muling nahinto sa panginginig si Andy nang marinig na minura siya ni Kino. Isang malakas na batok ang ibinigay niya sa katabi.
"At kailan mo pa ako minura? Porke may Lylia ka na, nagiging masama ka na sa akin."
Napatanga si Kino at walang ideya na tinitigan si Andy.
"Minumura mo rin naman ako, hindi naman kita sinaktan. Ang OA talaga ng mga babae," napapailing na sabi ni Kino, "Saka bakit mo sinasali si Lylia sa usapan, nagseselos ka 'no?" pang-aasar ni Kino.
Mabilis na kumunot ang noo ni Andy bago ngumiwi.
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, masasampal kita." banta ni Andy bago tumayo at hindi na pinakinggan ang tawa ni Kino.
"HAHAHAHA! Sabihin mo lang kung nagseselos ka, babastedin ko kaagad si Lylia!" pahabol ni Kino.
"MONGGGIII!! ASA KA!" singhal ni Andy bago patakbong tinungo ang pinto.
"Paki-order kami ng pagkain," inabot ni Rizalino ang isang mahabang papel kay Denum, "At siya nga pala, ikaw na muna ang gumastos. Naiwan ko kasi 'yung wallet ko." pahabol nito bago pumasok sa Clubroom.
Walang emosyon ang mukha ni Denum habang tinitingnan ang mahigit limampung pagkain na pinapabili ni Rizalino. Walang gana siyang naglakad papunta sa Canteen kung saan kakaonti palang ang kumakain dahil hindi pa umaabot ang break time.
"Good morning, Sir!" bati ng dalaga na nasa counter at hindi siya binabalingan ng tingin.
Nanatili ang tingin niya sa dalaga habang inaabot ang mahabang papel na kaagad na tinanggap nito.
"Pakibilisan, marami akong papakiining hayop." naiiritang sabi ni Denum.
Nakita niya na natigilan ang babae sa pagbibilang ng mga order matapos iabot sa kasamahan ang papel na binigay niya.
Ilang segundo pa ay tiningnan si Denum ng babae na sinalubong naman niya. Hindi nagbago ang ekspresyon ng binata habang nakikipagtitigan sa dalaga.
Kitang-kita sa mukha ni Andy ang pagkahiya bago umiwas nang tingin sa binata.
"Anong kalokohan ang ginagawa mo?" biglaang tanong ni Denum habang sinusundan ang bawat kilos ni Andy na naiilang habang ipinagpapatuloy ang pagbibilang.
"May order ng dalawa pang spaghetti at milk tea!" sigaw ni Andy bago ibinalik ang tingin kay Denum, "Hanap-buhay ang tawag dito, hindi kalokohan." pagtatama ni Andy.
Tumaas ang isang kilay ni Denum.
"Bakit ka naman naghahanap-buhay? Naghihirap na ba ang boyfriend mo?"
Natigil si Andy at kunot ang noo na ibinaling ang tingin kay Denum.
"Monggii, anong boyfriend ang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaharap.
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Denum.
"Si Kino, 'di ba matagal ng kayo?"
Nanginginig ang mga labi ni Andy at nanlalamig ang mga tuhod dahil sa narinig.
'Ano bang pamilya ang meron sila? Puro tamang hinala, ako kawawa e.'
Pinilit na kumalma ni Andy bago ngumiti.
"Sa pagkakaalam ko nga kay Kino, ikaw ang boyfriend ko.." nagkunwaring nag-iisip si Andy, "Hmm, sino ba ang nagsasabi sa inyo ng totoo? Pareho kasi kayong nirereto ng mga magulang niyo."
Kitang-kita ang mabilis na pagdilim ng mukha ni Denum at hindi mabilang na pagtiim ng bagang niya habang nakikipagsukatan nang tingin sa dalaga. Mas lumawak ang ngiti ni Andy bago nagkibit-balikat.
"Pagsabayin ko na lang kaya kayo? Para hindi ako maghirap, hahaha just kidding." natatawang biro ni Andy bago umiling-iling at ibinalot ang mga pagkain na inorder ni Denum, "Hindi ko kayo type, wala akong balak maging babysitter niyo." dagdag niya bago iabot ang mga inorder ni Denum.
Tinanggap iyon ng binata kaya kinuwenta ni Andy ang babayaran ni Denum.
"2056 lahat," wika ni Andy bago inilahad ang isang kamay para hintayin ang bayad ni Denum.
Ngunit isang nakakalokong ngiti ang isinagot ni Denum.
"Tutal sinabi mo na balak mo kaming pagsabayin ni Kino, fine, sinasagot na kita. Ikaw na lang ang magbayad nito, girlfriend ko." binalingan ni Denum ang matandang namamahala sa Canteen, "Siya na lang ang magbabayad ng mga nakuha ko, girlfriend ko po siya." malawakang ngiti na sabi ni Denum.
"H-ha?" kahit naguguluhan ay tumango na lang ang matandang namamahala.
Sumeryoso ang mukha ni Denum bago sinulyapan si Andy at umirap sa kawalan. Mabilis nitong nilisan ang Canteen.
Ilang minuto na nakatulala si Andy bago naramdaman na kinalbit siya ng kasabayang estudyante na nagpra-practicum para sa subject na TLE.
"Andrea, totoo ba iyon? Boyfriend mo si Denum Gozo, 'di ba never nag-entertain ng babae iyon?" hindi makapaniwalang tanong ng kasamahan.
Kumuyom ang mga kamay ni Andy at nanggigigil na bumulong.
"Gag* ka, Denum.."
'Patay! Wala pa naman akong pera!" nanggigigil na sabi ni Andy sa kanyang isipan.
Wala siyang ibang nagawa bukod sa makiusap na ipatawag si Kino De Vera ng 4rth year-Makatao. Nang dumating si Kino ay nahihiyang ipinakita ni Andy ang papel kung saan nakalagay ang babayaran niya.
"Ano iyan?" naguguluhang tanong ni Kino.
"Papel,"
Pumameywang si Kino at sumeryoso ang mukha.
"Para saan ang nakasulat? Bakit may numero?"
"Babayaran mo kasi iyan."
Namilog ang mga mata ni Kino bago naguguluhang binilang ang nakasulat.
"Hala, four digit. Three digit lang dala ko. Bakit ko ito babayaran?" hindi makapaniwalang tanong ni Kino sa dalaga.
"K-kasi, ahm, si Denum kasi," nagdadalawang-isip na sabi ni Andy.
Mas sumama ang mukha ni Kino, "At ano na namang patungkol kay Demonyo?"
"Hijo, inutang kasi iyan nang nagpakilalang boyfriend ni Andrea, 'yong dating Student Council President. Sa kanya pinababayaran dahil magkarelasyon naman daw sila." sabad ng matandang namamahala sa Canteen, "Kung hindi niya iyan mababayaran ay hindi siya makakaalis dito. Hindi ko kasi alam na masyado palang malaki ang nakuha ng kasintahan niya kaya pumayag akong umalis iyon." paliwanag nito.
Napangiwi si Kino bago napahilamos sa mukha at naniningkit ang mga mata na tinitigan si Andy.
"Ipaliwanag mo sa akin ang nangyari mamaya, Andy." seryosong wika nito.
Kinakabahang tumango si Andy dahil wala naman siyang takas sa gulong ginawa ni Denum.
'Bakit pa kasi ako nakipag-asaran? Iyon nga pala ang porte ng lalakeng iyon, ang gumawa ng gulo.' napapailing na lang si Andy.
Tamad na kinuha ni Kino ang wallet at inabot ang isang ATM card.
"Tumatanggap naman kayo nang nasa bangko pa 'di ba? Wala kasi akong cash ngayon." medyo dismayadong sabi ni Kino bago iabot ang card na tinanggap naman ng matanda.
"Sige po, kami na po'ng bahala." may tuwa na sabi ng matanda bago bumalik sa counter.
Umirap sa kawalan si Andy.
"Umiral na naman ang kayabangan ni Kumag," mahinang bulong niya sa sarili.
Ang hindi niya alam ay narinig iyon ni Kino kaya tumikhim ito.
"Wala man lang bang pasalamat mula sa girlfriend ng step-brother ko?" biro ni Kino.
Isang malakas na suntok sa braso ang pinakawalan ni Andy.
"Tigilan mo nga ako, ang akala nga ni Denum ay boyfriend kita. Ayan, kakareto niyo sa isa't-isa.. Sana kayo ang magkatuluyan! Mongggiii!" napipikon na sabi ni Andy bago nagmamartsang lumabas ng Canteen.
Napailing nalang si Kino at pinilit na matawa.
"Mas maganda kung sinabi mo na 'sana tayo ang magkatuluyan'." biro ni Kino sa sarili.
--//--//--//--end of chapter 31--//--//--//--//--
Nako, keep sailing mga ships. Tingnan natin kung may lulubog at may lalangoy.
P.s; inspired ang title ng chapter na 'to sa dream ni Kuya Cris kasi siya ang dream ko, hahaha kidding.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top